Home / Romance / The Billionaires' Secret / Book 4: Chapter 31-Temporary Amnesia

Share

Book 4: Chapter 31-Temporary Amnesia

Author: Yeiron Jee
last update Huling Na-update: 2024-10-29 19:42:56

LAHAT ay tahimik habang nakalinya sa harap ni Jeydon at hinihintay itong magsalita. Nasa mga mata nito ang pagkalito habang isa-isa silang tinitignan na tila kinikilala pa kung sino ang mga naroon. Lalong binalot ng katahimikan ang paligid nang bumukas ang pintuan at pumasok doon si Ynrahd na nakaupo sa wheelchair at tulak ng ina nito.

"Oh ayan, nagising na siya kaya tama na ang iyak!" pang-aalo muli ni Julia sa anak nang makitang gising na si Jeydon. Kakagising lang din ni Ynrahd at hindi tumigil hanggat hindi dinala roon upang makita ang asawa nito.

Nangunot naman ngayon ang noo ni Jeydon habang nakatitig sa babaeng parang bata na pinupunasan ng sariling kamay ang luha sa mga mata nito.

"Bro, ayos ka lang?" Hindi nakatiis na tanong ni Ashton kay Jeydon habang sinusuri ang ulo nito.

"Ano ang ginagawa mo?" Iritableng tanong ni Jeydon sa kaibigan nang sapuin nito ang kaniyang noo.

"Kilala mo ba ako?" Sa halip ay tanong ni Ashton sa kaibigan at tangkang iilawan ang kanang mata nito ga
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

  • The Billionaires' Secret    Book 4-Chapter 32-Kasungitan

    "SIGURADO kayo na hindi sangkot sa kasong ito si Lemuel?" hindi kumbinsido na tanong muli ni Ashton kina Micko matapos ng mga ito mag imbistiga."Ito ang nakuhang footage sa cctv camera kung saan tinambangan ang driver ng truck." Inilatag ni Kailani ang mga nakalap na larawan mula sa hindi malinaw na kuha sa surveillance camera dahil may kalayuan ang distansya. Tama lang na nauna sila doon sa pinangyarihan at nakuha ang kopya. Kinailangan pa niyang magbalat-kayo upang hindi makilala at nagpanggap na pulis. Inihanay ang mga larawan at pinagtugma.Dismiyado ang lahat dahil hindi nagtugma kay Lemuel ang mga nasa larawan. Mula sa isang motorcycle na walang plate number at may angkas ang umagaw sa sasakyang truck na siyang sumunod kay Jeydon. Nakuha din sa footage ang pagbaba ni Ashton sa kotse at sa pag-iwan dito bago ang aksidente. Sa bilis ng pag overtake ng motorcycle sa minamaneho ni Jeydon ay biglang umiwas ito at napasadsad sa tabing kalsda na siyang kinuhang pagkakataon ng truck n

  • The Billionaires' Secret    Book 4-Finale

    "GAGAWIN ko ang lahat nang ipapagawa ninyo, basta siguraduhin niyo lang ang kaligtasan ng aking pamangkin." Pakipagkasundo na ani Ruby nang makaharap na ang mga kaibigan ni Jeydon."May isang salita ang aming grupo at tungkulin din naming pangalagaan at bigyan hustisya ang mga inosinteng tao. Pagbigay assurance ni Max kay Ruby. Bilang General ay siya na ang humarap sa babae dahil wala si Dexter na kaniyang pamangkin."Salamat!" nakaramdam ng hiya si Ruby sa grupo ni Jeydon. Isa siya sa dahilan nang paghihirap ng mag-asawa ngayon dahil nagpadala siya sa suhol at sulsol ng kaaway ng mga ito. "Una sa lahat ay wala sa plano ang pagtangkang pagkuha nila sa pamangkin ko." Pagsisimulang lahad ni Ruby sa mga naroon. "Totoong nakipagsabwatan ako kay Lemuel upang masira ang pagsasama ng mag-asawa dahil naisip ko ang kapakanan ng aking pamangkin." Pagpapatuloy ni Ruby habang palipat-lipat ang tingin sa mga naroon."Duhh! Napaka ipokrita!" Umikot ang mga mata ni Cris habang bumubulong na dinig

  • The Billionaires' Secret    Book 5: Chapter 1-Ashton

    Obsession 1 Bad dream and inside the court"TAKBO!" Humahalakhak na sigaw ng lalaki habang hinahabol ang dalagang nais halayin. Tuwang-tuwa ang lalaki sa nakikitang takot sa mukha ng babaeng hinahabol. Lalo pa itong nauulol na mahawakan ang dalaga ngunit ang bilis nitong tumakbo."Saan ka pupunta?!" "Ahhhhh...tulong!" Nagsisigaw ang dalaga nang biglang humarang sa daraanan ang isa pang lalaki. Pagtingin niya sa likod ay naroon ang isa pa na humahabol sa kanya kanina. "Shhh, huwag kang maingay, maglalaro lang tayo ng bahay-bahayan." Tila baliw na wika ng lalaki na nasa kanyang harapan. Ang isa naman ay panay ang hithit buga nito sa hawak na marihuwana."Huwag po, parang awa niyo na!" Hilam sa luha ang mukha na pakiusap nito sa dalawang lalaki. Ngunit hindi nakinig ang mga ito at itinuloy ang masamang balak sa kaniya.Mga bangag sa ipinagbabawal na gamot ang dalawang lalaki kung kaya walang awa na sinaktan at hinalay ang babae. Iniwan nila ito sa lugar na abandunado nang mapansin na

  • The Billionaires' Secret    Book 5: Chapter 2-Mystery

    "MAY sakit ka ba?" nag-aalala na tanong ni Yvonne sa kaibigan nang madatnan ito sa kanilang silid na nakahiga. Nagtataka siya dahil ang alam niya ay may pasok ito. Pang umaga ngayon ang duty niya sa trabaho at ito naman ay pang gabi."I'm pregnant!" ang sagot ni Gwen at biglang umiyak."Then, congratulations?" may pag-alinlangan na bati niya dito. Ang alam niya ay matagal na ang relasyon ng mga ito. Minsan pa nga ay sa kanilang silid natutulog ang lalaki kapag wala siya roon. Ipinagtaka niya ngayon ay tila pasan ng kaibigan ang mundo sa hitsurang nakikita dito."Gago siya, sinungaling! Ang akala ko ay nagbago na siya at ako na lang ang babae sa buhay niya!" Sunod-sunod na mura ni Gwen sa nobyo nito habang pinupokpok ng kamay ang unan.Naningkit bigla ang mga mata ni Yvonne dahil nakaramdam din ng galit. Ayaw niya sa lahat ay may babaeng umiiyak dahil sa lalaki. Bumabangon ang galit sa kanyang dibdib kapag may nakikitang babae na niloloko ng lalaki. "Ano ang ginawa niya?""Bukod sa aki

  • The Billionaires' Secret    Book 5: Chapter 3-Bagong biktima

    AYON sa nakuha kong impormasyon, kinapos ng hininga ang biktima habang natutulog kung kaya dinala ito ng nobya sa hospital. Iniwan lang ito sandali sa higaan at pagbalik ng babae ay dilat na ang mga mata nito at wala ng buhay. Nalaman ko rin na may ibang babaeng nabuntis ang lalaking ito at nawala ang ipinagbubuntis." Mahabang salaysay ni Ashton sa apat na kaibigan."May nakita ka bang kakaiba sa kanyang katawan?" tanong ni Micko kay Ashton."Wala siyang sakit sa puso, tingin ko ay hindi pareho ang kriminal sa mga napaslang, tatlong taon na ang nakraan." "Pero wala ring sakit sa puso ang tatlong lalaki na namatay noon sa probinsya. Namatay rin na dilat ang mga mata matapos dalhin sa hospital." Sabat ni James habang tinitingnan ang papel kung saan nakalagay ang medical result ng biktima."Ang tatlong lalaki ay inalis ang pagkalalaki nila nang nasa morgue na sila." Marahas na napalingon si Ashton kay Cloud na seryosong nakasandal ang ulo sa dalawang braso nito habang nakaupo."At iton

  • The Billionaires' Secret    Book 5: Chapter 4-Ang panaginip

    "Anak ng potek oh, anong lugar ito?" nakakunot ang noo na tanong ni Ashton sa sarili. Nagpalinga-linga siya sa paligid ngunit puro matataas na damo ang kanyang nakita. Nagtaka siya dahil kanina lamang ay nasa gitna ng daan siya, ngayon ay puro damo ang nasa paligid ng kanyang sasakyan."Tulong....!"Napatda si Ashton sa kinaupoan nang marinig ang tinig ng babae na humihingi ng tulong. Nanliit ang mga mata habang inaaninag ang damuhang nasa harapan at malakas na hinahampas ng hangin. Nagtataka siya dahil wala namang bagyo at tanghaling tapat ng mga oras na iyon."Huwag...!"Muling sigaw ng babae kung kaya binunot ni Ashton ang baril at mabilis na bumaba ng sasakyan. Ngunit ganoon na lang ang kanyang pagkagulantang nang pagbaba niya ay nasa harap siya ng hospital. Naalala niya na ito ang hospital na pinuntahan niya nakaraang gabi."Namaligno yata ako?" tanong niya sa kawalan habang kinukusot ang mga mata sa pag-aakala na namamalik mata lamang siya. Ngunit nang magmulat siya ay sadyang n

  • The Billionaires' Secret    Book 5: Chapter 5-Third eye

    MABILIS lang natapos ang bakasyon ni Yvonne sa probinsya. Pagbalik sa lungsod ay nagulat siya na may nangyari na namang krimin at inugnay sa mga nauna pang kaso na alam niyang mali."Nakita mo na ba ang bagong doctor dito?" tanong ni Ivy kay Yvonne nang pumasok na sa trabaho ito."Hindi pa, bakit ano mayroon sa kanya?" "Ang guwapo niya, bhe, at ang bata pa!" Kinikilig na sagot nito sa kaibigan."Sus, parang ngayon ka lang nakakita ng pogi ah." Buska ni Yvonne sa kaibigan."Pusong bato ka talaga, hindi ka ba talaga nakaramdam ng kilig kapag nakakita ng pogi? nakaingos na ani ni Ivy."Mas kinikilig ako kapag may babaeng maganda na makita." Nakangising pabirong sagot ni Yvonne sa kaibigan."Ewww! Don't me, bhe, mas maganda ka pa sa akin." Umakto pa ito na nahihiya sa kaharap."Sinabi ko ba na maganda ka?" Nakataas ang kaliwang kilay na tanong niya kay Ivy."Ang harsh mo!" Hinampas niya ng mahina sa balikat si Yvonne. "Kahit babae ka, tatanggapin kita ng buong puso kapag ako ang nagustu

  • The Billionaires' Secret    Book 5: Chapter 6-Duda

    "KUMUSTA ang trabaho?" tanong ni Dexter kay Ashton nang makita ito sa kanilang opisina. Pauwi na sana siya dahil alas syete na ng gabi ngunit tumawag ito at pinabatid na dadaan ito roon."Wala pa naman akong nakikitang kakaiba roon. Kailangan ko ng assistant upang mapagtakpan ang gawain ko kapag nawawala ako sa aking opisina roon." Sagot niya dito habang hinihilot ang sintido."Kunin mo si Amelia, ang pinakamagaling mong trainee," sagot ni Dexter."Gusto ko rin pasundan sa inyo ang isang babae." Napakunot ang noo ni Dexter na tumingin sa kaibigan. "Siya ba ang prime suspect?""I'm not sure pero isa siya sa kasagutan sa kasong ito.""May hinahawakan ng ibang kaso si Micko, si Cloud naman ay may problemang kinakaharap kung kaya huhugot ako mula sa mga lalaking trainee.""Piliin mo si Wigo Krizostomo kung available siya. Mabilis siyang kumilos at madiskarte." Suhistyon ni Ashton sa kaibigan nang maala ang isa sa magaling na tinuruan mula sa kupunan ng kalalakihang trainee."Iyan lang ba

Pinakabagong kabanata

  • The Billionaires' Secret    Book 10-Finale

    Nakangiting pinanuud ni Cris ang kalalakihang nag-uusap. Masaya siya dahil unti-unting nakakasundo na ni Argus ang kaniyang kagrupong kaibigan."Mare, ang haba ng hair mo. Bukod sa guwapo, mayaman at makisig ay ang bata pa ng nabihag mo." Kinikilig na ani Amalia."Nagsisi ka ba at may edad na ang lalaking napangasawa mo?"Sabay na nilingon nila Cris at Amalia ang nagsalita. Kahit kailan talaga ay walang ingat magsalita si Shahara. Ewan ba nila at bakit sumama ito kay Ruel gayong hindi ito mahilig makihalubilo sa hindi nito close friend.Biglang naitikom ni Shahara ang bibig at alanganing ngiti ang sumilay sa kaniyang labi. Gusto lang naman niyang maging close friends ang mga babaeng kaibigan ni Ruel. Pero sa tuwina'y pahamak ang kaniyang bibig."Salamat pala sa pagpunta rito at pagsama kay Ruel." Pag-iiba ni Cristine sa paksa.Umirap muna si Amalia kay Shahara bago ngumiti. Hindi naman siya na offend or nagalit sa babae. Magaan naman ang loob niya dito at handa sila mag-adjust upang m

  • The Billionaires' Secret    Book 10: Chapter 39- A big show

    MANONG nasaan na po si Lexus?" Kausap ni Cris sa nag-aalaga sa paborito niyang kabayo. Hindi niya rin mahanap si Argus matapos nitong maalalayan ang babaeng isa sa nanalo sa event."Sorry po, ma'am, kanina ko pa hinahanap ang kabayo pero hindi ko mahanap." Kumakamot sa ulo na sagot nang may edad ng lalaki. Nangunot ang noo ni Cris at parang hindi manlang nabahala ang bantay na nawawala ang kabayo. Worth of million ang halaga ng kabayo dahil sa galing nito kaya maaring may magtangkang kumuha dito. Pagagalitan pa niya sana ang lalaki nang magkaroon ng kumusyon sa labas ng kuwadra. Dali-dali siyang lumabas para lang malaglag ang kaniyang panga habang pinapanuud ang nangyayari."Ang akala ko ba ay hindi marunong sumakay sa kabayo si Argus?" Pabulong na tanong ni Jeydon kay Jay. "Walang puting itlog ang dapat makadapo sa pugad ng eagles." Makahulugang sagot ni Jay sa kaniyang superior.Proud na tumango si Jeydon bago tinapik sa balikat si Jay at nagustohan ang sinabi nito.Kinalma ni Arg

  • The Billionaires' Secret    Book 10: Chapter 38-Pagsubok kay Argus

    KINABUKASAN ay napilitang bumangon si Cristine dahil sumisilip na si Haring Araw sa bintana ng kaniyang silid kahit wala pang six ng umaga. Nasa bathroom na si Argus at tinawagan na umano nito ang sariling katulong upang dalhan ito ng damit pambihis.Alam niyang tulog pa ang kaniyang mga bisita kaya kailangan niyang kumilos na bago pa makita ng mga ito na sa silid niya natulog si Argus."Ma'am, nandito na po ang gamit ni Sir Argus." Katok ng katulong sa silid ni Cris.Mabilis na binuksan ni Cris ang pinto upang kunin ang dinala ng katulong. Kanina ay tinawagan niya ito na abangan ang paparating na tao ni Argus."Salamat, Manang." Nahihiya niyang bati sa ginang. "Walang anuman, Ma'am. Gusto mo po bang ipasok ko ito upang tulungan kayo sa pag-ayos ng gamit ni Sir?"Namilog ang mga mata ni Cristine nang mapadako ang tingin sa isang maletang nasa tabi ng katulong. "Huwag na po, ako na ang bahala."Pagkatalikod ng katulong ay agad na hinila ni Cristine ang malaking maleta. Agad na isinara

  • The Billionaires' Secret    Book 10:Chapter 37-I can't promise

    RAMDAM ni Cristine ang pagsunod sa kaniya ni Argus hanggang makapasok sa loob ng kaniyang silid. Pagkapasok ni Argus, pakiramdam niya'y biglang umalinsangan ang paligid kahit nakabukas naman ang aircon. Mabilis ang kilos niya at minuwestra sa binata kung saan ang bathroom at ang gagamitin nito sa pagtulog."A-ano ang ginagawa mo?" Nandidilat ang mga matang tanong niya kay Argus nang isa-isa nitong binuksan ang butones ng suot nitong long sleeve."Wala akong dalang bihisang damit at hindi ako natutulog na ganito ang suot." Pabaliwalang sagot ni Argus sa dalaga at ipinagpatuloy ang ginagawa. "Hindi ka makapaghintay na makalabas ako bago gawin iyan?" Inis niyang tanong sa binata at mabilis na iniwas ang tingin sa katawan nito nang lumantad ang matigas nitong dibdib.Muli niyang nilingon ang binata nang hindi ito sumagot para lang muling mandilat ang kaniyang mga mata. Mabilis niyang nilapitan ito at pinigilan sa pagbukas sa zipper ng pants nito."Uhmmm!" Ungol ni Argus nang lumapat ang

  • The Billionaires' Secret    Book 10: Chapter 36-Panliligaw

    "PAANO niya ma appreciate ang bigay mong bulaklak kung delivery boy lang ang nag-aabot sa kaniya?" panenermon ni Renzel kay Argus nang mag reklamo ito. Ayun sa report ni Andreah ay hindi nakangiti ang dalaga sa tuwing matanggap ang padalang bulaklak at chocolate ng kaibigan. "What the heck, trabaho nila ang mag-deliver and I paid them!" Impatient na pangatwiran ni Argus sa kaibigan."Alam mo kung hindi lang kita kaibigan ay sulsolan ko pa si Cristine na huwag ka nang mahalin!" Pinameywangan ni Renzel si Argus."Napaka imposible niyong mga babae. Sobrang complicated ng mga mood ninyo." He sigh with disbelief in his face."Hindi ko alam kung may puso ka ba o baka naman libog lang ang nararamdaman mo sa kaniya? Don't get me wrong pero wala manlang akong nakikitang kilig sa pagkatao mo." Mukhang tinubuan ng sungay sa noo ang tinging ipinukol ni Argus sa kaibigan at kinuwestyon ang tunay niyang damdamin kay Cristine. "Siya ang may gusto na hindi ipaalam ang relasyon namin sa iba at—""

  • The Billionaires' Secret    Book 10: Chapter 35-Pagkaunawaan

    INIS na nilingon ni Cris si Argus at nakahalukipkip na hinarap ito. "Sabihin mo na ngayon kung ano man ang kailangan mo at nagmamadali ako!""kailangan mong maghintay hanggang sa matapos kong mapag-aralan itong bago mong proposal sa kompanya." Malamig na tugon nito sa dalaga habang isa-isang binubuklat ang dinala nito.Padabog na umupo si Cris sa harapan ng binata at kinuha ang cellphone na nasa bag. Alam niyang galit ang binata kay Jay kaya iiwas na niya muna ang kaibigan."Mauna ka na sa rancho at susunod ako." Mensaheng ipinadala ni Cris sa kaibigan.Pabagsak na binitawan ni Argus ang hawak na paper nang makitang ngumiti ang dalaga habang binabasa ang message sa cellphone nito. Gulat na nag-angat ng tingin si Cris at nagtatanong ang tinging ipinukol kay Argus. "Ano na naman ang nagawa kong mali?" naitanong niya sa kaniyang sarili."Ganyan ka ba humarap sa importanting meeting? Instead of listening, nakikipagharutan sa cellphone?" Galit niyang tanong sa dalaga.Nakaramdam ng pagkap

  • The Billionaires' Secret    Book 10: Chapter 34-Banta

    HINDI napaghandaan ni Argus ang pagsalubong sa kaniya ni Jhean at ang paghalik sa kaniya. Ang tangkang pagtulak sa babae ay naudlot nang maramdaman mula sa likuran ang taong tanging nagpaparamdam sa kaniya ng kakaibang damdamin."I just want to say thank you!" nahihiyang wika ni Jhean matapos ang halik na iginawad sa binata. Sobrang saya niya at napapansin na siya ng binata at nasa side niya pa ito. Sinamantala na niya ang pagkakataon na ito upang tuluyang mahulog ang loob nito sa kaniya. "Ganyan na pala ang paraan ng pagpapaabot ng pasalamat?" sarkastikong tanong ni Cristine. Sumandal siya sa hamba ng pintuan at isinantabi ang selos na nadarama.Relax lang ang katawan ni Argus at hindi manlang ito nagulat sa biglang pagsulpot ng kanilang panauhin. Samantalang si Jhean ay mukhang na estatwa sa kinatayuan at nahuli sa kriming pagnanakaw."Hindi ka ba marunong kumatok?" Kapagdaka'y sita ni Jhean sa babae nang makabawi. Kahit pa ito ang bagong acting CEO ay wala siyang pakialam dahil ka

  • The Billionaires' Secret    Book 10: Chapter 33-Selos at galit

    "SIR, the board members informed me that the new CEO of Milk Dairy Corporation will take over her position." Inilapag ni Rachel ang report papers sa harap ng lamesa ni Argus. Tinantya niya ang mood nito at hinintay ang maging reaction.Tiim-bagang na dinampot ni Argus ang papers at pinasadahan ng tingin iyon. "Finally, lumabas ka rin sa lungga mo!"Malinaw na narinig ni Rachel ang mga katagang binitawan ng amo. Dala niyon ay gulo at hindi nga siya nagkamali nang muling magsalita ito."Gather all stock holders to the board meeting room," maawtoridad nitong utos sa kaniyang secretary. "You'll pay for what you did!" dugtong na ani Argus sa isipan lamang.Mabilis ng tumalikod si Rachel at natakot sa paraang maningin ng amo na kay talim at ang dilim ng aura ng anyo nito.Ilang buwan din pinag-aralan ni Cristine ang pamamalakad sa kompanyang iniwan sa kaniya ni Caroline bago nagpasyang punan ang tungkulin. Alam niyang si Argus ang isa sa dahilan kung bakit matatag pa rin ang kompanya. Sa tu

  • The Billionaires' Secret    Book 10: Chapter 32-Agresibo

    Muling napaurong si Cristine at inihanda ang sarili sa pagsugod ni George. Kahit papaano ay nadagdagan ang lakas ng kaniyang loob nang marinig ang tinig ng kasamahan mula sa labas ng pintuan. Sumigaw siya upang humingi ng tulong sa mga ito.Nakipag unahan si Argus sa pagbukas sa pintuan nang marinig ang tinig ng dalaga. Pakiramdam niya ay tumigil ang tibok ng kaniyang puso nang mahamig sa tinig ng dalaga ang pagod at sakit na nadarama. "Tabi!" Pagbigay babala ni Micko sa kasamahan at itinutok ang hawak na baril sa seradura ng pintuan.Mabilis na sinipa ni James ang pintuan nang maalis ang lock kasabay ng pagtutok ng baril sa loob ng silid, at ganoon din ang ginawa ng kasamahan. "Huwag kang gagalaw!" Biglang nanigas si George sa kinatayuan at hindi na naituloy ang pagsugod sa dalaga. Paglingon niya ay nagulat siya nang makilala ang mga kilalang agents ng isang ahensya na sumisikat sa kanilang bansa ngayon."Itaas ang kamay at huwag nang magtangkang lumaban!" Muling utos ni James sa l

DMCA.com Protection Status