LAHAT ay tahimik habang nakalinya sa harap ni Jeydon at hinihintay itong magsalita. Nasa mga mata nito ang pagkalito habang isa-isa silang tinitignan na tila kinikilala pa kung sino ang mga naroon. Lalong binalot ng katahimikan ang paligid nang bumukas ang pintuan at pumasok doon si Ynrahd na nakaupo sa wheelchair at tulak ng ina nito."Oh ayan, nagising na siya kaya tama na ang iyak!" pang-aalo muli ni Julia sa anak nang makitang gising na si Jeydon. Kakagising lang din ni Ynrahd at hindi tumigil hanggat hindi dinala roon upang makita ang asawa nito.Nangunot naman ngayon ang noo ni Jeydon habang nakatitig sa babaeng parang bata na pinupunasan ng sariling kamay ang luha sa mga mata nito. "Bro, ayos ka lang?" Hindi nakatiis na tanong ni Ashton kay Jeydon habang sinusuri ang ulo nito."Ano ang ginagawa mo?" Iritableng tanong ni Jeydon sa kaibigan nang sapuin nito ang kaniyang noo."Kilala mo ba ako?" Sa halip ay tanong ni Ashton sa kaibigan at tangkang iilawan ang kanang mata nito ga
"SIGURADO kayo na hindi sangkot sa kasong ito si Lemuel?" hindi kumbinsido na tanong muli ni Ashton kina Micko matapos ng mga ito mag imbistiga."Ito ang nakuhang footage sa cctv camera kung saan tinambangan ang driver ng truck." Inilatag ni Kailani ang mga nakalap na larawan mula sa hindi malinaw na kuha sa surveillance camera dahil may kalayuan ang distansya. Tama lang na nauna sila doon sa pinangyarihan at nakuha ang kopya. Kinailangan pa niyang magbalat-kayo upang hindi makilala at nagpanggap na pulis. Inihanay ang mga larawan at pinagtugma.Dismiyado ang lahat dahil hindi nagtugma kay Lemuel ang mga nasa larawan. Mula sa isang motorcycle na walang plate number at may angkas ang umagaw sa sasakyang truck na siyang sumunod kay Jeydon. Nakuha din sa footage ang pagbaba ni Ashton sa kotse at sa pag-iwan dito bago ang aksidente. Sa bilis ng pag overtake ng motorcycle sa minamaneho ni Jeydon ay biglang umiwas ito at napasadsad sa tabing kalsda na siyang kinuhang pagkakataon ng truck n
"GAGAWIN ko ang lahat nang ipapagawa ninyo, basta siguraduhin niyo lang ang kaligtasan ng aking pamangkin." Pakipagkasundo na ani Ruby nang makaharap na ang mga kaibigan ni Jeydon."May isang salita ang aming grupo at tungkulin din naming pangalagaan at bigyan hustisya ang mga inosinteng tao. Pagbigay assurance ni Max kay Ruby. Bilang General ay siya na ang humarap sa babae dahil wala si Dexter na kaniyang pamangkin."Salamat!" nakaramdam ng hiya si Ruby sa grupo ni Jeydon. Isa siya sa dahilan nang paghihirap ng mag-asawa ngayon dahil nagpadala siya sa suhol at sulsol ng kaaway ng mga ito. "Una sa lahat ay wala sa plano ang pagtangkang pagkuha nila sa pamangkin ko." Pagsisimulang lahad ni Ruby sa mga naroon. "Totoong nakipagsabwatan ako kay Lemuel upang masira ang pagsasama ng mag-asawa dahil naisip ko ang kapakanan ng aking pamangkin." Pagpapatuloy ni Ruby habang palipat-lipat ang tingin sa mga naroon."Duhh! Napaka ipokrita!" Umikot ang mga mata ni Cris habang bumubulong na dinig
Obsession 1 Bad dream and inside the court"TAKBO!" Humahalakhak na sigaw ng lalaki habang hinahabol ang dalagang nais halayin. Tuwang-tuwa ang lalaki sa nakikitang takot sa mukha ng babaeng hinahabol. Lalo pa itong nauulol na mahawakan ang dalaga ngunit ang bilis nitong tumakbo."Saan ka pupunta?!" "Ahhhhh...tulong!" Nagsisigaw ang dalaga nang biglang humarang sa daraanan ang isa pang lalaki. Pagtingin niya sa likod ay naroon ang isa pa na humahabol sa kanya kanina. "Shhh, huwag kang maingay, maglalaro lang tayo ng bahay-bahayan." Tila baliw na wika ng lalaki na nasa kanyang harapan. Ang isa naman ay panay ang hithit buga nito sa hawak na marihuwana."Huwag po, parang awa niyo na!" Hilam sa luha ang mukha na pakiusap nito sa dalawang lalaki. Ngunit hindi nakinig ang mga ito at itinuloy ang masamang balak sa kaniya.Mga bangag sa ipinagbabawal na gamot ang dalawang lalaki kung kaya walang awa na sinaktan at hinalay ang babae. Iniwan nila ito sa lugar na abandunado nang mapansin na
"MAY sakit ka ba?" nag-aalala na tanong ni Yvonne sa kaibigan nang madatnan ito sa kanilang silid na nakahiga. Nagtataka siya dahil ang alam niya ay may pasok ito. Pang umaga ngayon ang duty niya sa trabaho at ito naman ay pang gabi."I'm pregnant!" ang sagot ni Gwen at biglang umiyak."Then, congratulations?" may pag-alinlangan na bati niya dito. Ang alam niya ay matagal na ang relasyon ng mga ito. Minsan pa nga ay sa kanilang silid natutulog ang lalaki kapag wala siya roon. Ipinagtaka niya ngayon ay tila pasan ng kaibigan ang mundo sa hitsurang nakikita dito."Gago siya, sinungaling! Ang akala ko ay nagbago na siya at ako na lang ang babae sa buhay niya!" Sunod-sunod na mura ni Gwen sa nobyo nito habang pinupokpok ng kamay ang unan.Naningkit bigla ang mga mata ni Yvonne dahil nakaramdam din ng galit. Ayaw niya sa lahat ay may babaeng umiiyak dahil sa lalaki. Bumabangon ang galit sa kanyang dibdib kapag may nakikitang babae na niloloko ng lalaki. "Ano ang ginawa niya?""Bukod sa aki
AYON sa nakuha kong impormasyon, kinapos ng hininga ang biktima habang natutulog kung kaya dinala ito ng nobya sa hospital. Iniwan lang ito sandali sa higaan at pagbalik ng babae ay dilat na ang mga mata nito at wala ng buhay. Nalaman ko rin na may ibang babaeng nabuntis ang lalaking ito at nawala ang ipinagbubuntis." Mahabang salaysay ni Ashton sa apat na kaibigan."May nakita ka bang kakaiba sa kanyang katawan?" tanong ni Micko kay Ashton."Wala siyang sakit sa puso, tingin ko ay hindi pareho ang kriminal sa mga napaslang, tatlong taon na ang nakraan." "Pero wala ring sakit sa puso ang tatlong lalaki na namatay noon sa probinsya. Namatay rin na dilat ang mga mata matapos dalhin sa hospital." Sabat ni James habang tinitingnan ang papel kung saan nakalagay ang medical result ng biktima."Ang tatlong lalaki ay inalis ang pagkalalaki nila nang nasa morgue na sila." Marahas na napalingon si Ashton kay Cloud na seryosong nakasandal ang ulo sa dalawang braso nito habang nakaupo."At iton
"Anak ng potek oh, anong lugar ito?" nakakunot ang noo na tanong ni Ashton sa sarili. Nagpalinga-linga siya sa paligid ngunit puro matataas na damo ang kanyang nakita. Nagtaka siya dahil kanina lamang ay nasa gitna ng daan siya, ngayon ay puro damo ang nasa paligid ng kanyang sasakyan."Tulong....!"Napatda si Ashton sa kinaupoan nang marinig ang tinig ng babae na humihingi ng tulong. Nanliit ang mga mata habang inaaninag ang damuhang nasa harapan at malakas na hinahampas ng hangin. Nagtataka siya dahil wala namang bagyo at tanghaling tapat ng mga oras na iyon."Huwag...!"Muling sigaw ng babae kung kaya binunot ni Ashton ang baril at mabilis na bumaba ng sasakyan. Ngunit ganoon na lang ang kanyang pagkagulantang nang pagbaba niya ay nasa harap siya ng hospital. Naalala niya na ito ang hospital na pinuntahan niya nakaraang gabi."Namaligno yata ako?" tanong niya sa kawalan habang kinukusot ang mga mata sa pag-aakala na namamalik mata lamang siya. Ngunit nang magmulat siya ay sadyang n
MABILIS lang natapos ang bakasyon ni Yvonne sa probinsya. Pagbalik sa lungsod ay nagulat siya na may nangyari na namang krimin at inugnay sa mga nauna pang kaso na alam niyang mali."Nakita mo na ba ang bagong doctor dito?" tanong ni Ivy kay Yvonne nang pumasok na sa trabaho ito."Hindi pa, bakit ano mayroon sa kanya?" "Ang guwapo niya, bhe, at ang bata pa!" Kinikilig na sagot nito sa kaibigan."Sus, parang ngayon ka lang nakakita ng pogi ah." Buska ni Yvonne sa kaibigan."Pusong bato ka talaga, hindi ka ba talaga nakaramdam ng kilig kapag nakakita ng pogi? nakaingos na ani ni Ivy."Mas kinikilig ako kapag may babaeng maganda na makita." Nakangising pabirong sagot ni Yvonne sa kaibigan."Ewww! Don't me, bhe, mas maganda ka pa sa akin." Umakto pa ito na nahihiya sa kaharap."Sinabi ko ba na maganda ka?" Nakataas ang kaliwang kilay na tanong niya kay Ivy."Ang harsh mo!" Hinampas niya ng mahina sa balikat si Yvonne. "Kahit babae ka, tatanggapin kita ng buong puso kapag ako ang nagustu