"HELLO, Honey!" masayang bungad na bati ni Roxanne mula sa pintuan ng opisina ni Dexter. "I miss you!" Patakbo siyang lumapit dito upang mayakap.Hindi na nakahuma si Dexter sa biglaang pagsulpot ng babae at pagsunggab sa kanya ng mapusok na halik. Walang pinagbago ang babae, mapusok pa rin at kahit wala na silang relasyon ay walang kimi na dinama ang kanyang katawan."Roxanne, wait!" Hinihingal na inawat ang babae na parang sawang nakalambitin sa kanya ngayon. Ganitong nabitin siya kanina kay Sasha ay baka mapatulan niya ito. Pero nang maalala ang dalaga na nasa kanyang bahay ngayon ay pinigilan niya ang init ng katawan na unti-unting binubuhay ni Roxanne."Hindi ka ba masaya na makita akong muli?" Nakalabi na tanong ng kaharap. Maganda ito at at sexy na kinahumalingan niya noon. Limang buwan na rin silang hiwalay dahil pinili nito ang pagmomodelo sa ibang bansa na inayawan niya. "Ano ang kailangan mo?" Kulang sa buhay na tanong nito sa dalaga at pinakakatitigan ang mukha. Kinakapa
AKALA ko ba ay babae ang anak sa labas ng asawa mo? tanong ni Dino kay Amanda nang magkita sila."Babae nga, natagpuan mo na ba siya?""Galing ako sa puntod ng kanyang ina kahapon at nakita ko ang isang lalaki na isa sa dahilan kung bakit nabuwag ang grupo ko noon.""Sigurado ako na babae ang anak nila dahil nakita ko ito noong maliit pa siya. Baka ang lalaking iyan ang maging tulay upang mahanap mo ang bastardang iyon."Napangisi si Dino sa isiping he can hit two birds in one stone. "Naaamoy ko nang malapit ko na siyang matagpuan kung kaya ibigay mo na sa akin ang ikalawang paunang bayad.""Ubos na agad ang ibinigay ko sa iyo nakaraang linggo?" inis na tanong ni Amanda sa mandurugas na lalaki."Mahirap itong trabahong pinapagawa mo sa akin. Isa pa ay ginagamit ko ang ibang pera sa isa ko pang tauhan upang mapadali ang trabaho." Aroganting sagot ni Dino sa ginang.Walang nagawa si Amanda kundi bigyan ng karagdagang pera ang lalaki. Hindi siya makakapayag na makuha ng bastarda ang mahi
"AYOS ka na ba?" tanong ni James kay Sasha mula sa kabilang linya. Sa ilang araw na hindi ito nakitang bumubuntot sa kaniya ay nag-alala siya."Maging maayos lang ako kung isama mo ako sa laban mo." Pilosopong sagot ni Sasha sa kaibigan. Ayaw niyang malaman ni James na dumadanas siya ngayon ng kalungkutan."Tsk! Alam mong mas mahal ko ang buhay mo keysa buhay ko."Mapait ang ngiting sumilay sa labi ni Sasha. Parang gusto na naman niyang umiyak. Wala namang duda na mahal siya ng mga kaibigan. Pero sa estado ng kaniyang emosyon ngayon ay nanghihina siya. At ayaw niyang makita siya ng mga ito sa ganoong sitwasyon. Naisip niya na marahil ay dahil sa nakita niya ang mga taong tumalikod sa kaniyang ina noon kaya siya nagkakaganito."Maging busy na ako sa trabaho ko mula bukas. Baka matagalan bago tayo magkita muli kaya huwag mong pabayaan ang sarili mo. Huwag matigas ang ulo at nariyan si Kailani kung kailangan mo ng tulong." Mahabang bilin at paalala ni James sa kaibigan."Thank you! Mag-i
"Huwag ka munang umalis na mag-isa. Mula ngayon ay kailangan mong mag-ingat at hindi ka dapat humiwalay sa akin." Mahigpit na bilin ni Dexter sa dalaga nang makarating na sila sa opisina niya."Ano ba ang pinagsasabi mo? Hindi ganoon kalaki ang atraso ko sa lalaking iyon upang pag-initan ako ng husto!" Kanina pa gusto umalis ni Sasha ngunit hinaharangan siya ng binata."Hindi ba at anak ka ni Joan?"Napatigil si Sasha sa paghakbang palabas ng pinto at nagtatakang nilinong si Dexter."Paano mo nalaman ang pangalan ng aking ina?" Kunot ang noo na tanong niya dito. Nang maalala si Jenny ay marahil nasabi nito sa binata kaya hindi na niya gaanong pinagtuunan ito ng pansin."Kung ganoon ay ikaw nga ang taong pinahahanap sa akin!" hindi makapaniwalang saad ni Dexter habang hindi hinihiwalay ang tingin sa dalaga. Ngayon niya lang napansin ang pagkakahawig nito sa mukha ni Marcus."Pwede bang sagutin mo ang tanong ko? Kanina mo pa ginugulo ang utak ko!" Iritadong humarap muli si Sasha sa bina
"Oh my God! Dexter, Hijo! Are you okay?" Sabay na napalingon ang dalawa sa ginang na humahangos na pumasok.Nagkukumahog si Mildred sa pagpunta doon sa opisina ng anak nang mabalitaan na may nagtatangka na naman sa buhay nito."Bakit ba ang tigas ng ulo mong bata ka? Gusto mo ba talagang matulad sa iyong ama? Paano na ako kung iiwan mo rin ako?" madramang sermon ng ginang sa anak."Ma, okay lang po ako! Huwag ka nga mag-isip ng ganiyan." Nahihiya na tumingin si Dexter kay Sasha."Ikaw!" Duro ng ginang kay Sasha nang mamataan ito, "hindi ba at nakiusap na ako sa iyo na layuan mo ang anak ko? Tama nga si Elsa na puro kapahamakan lamang ang dala mo sa aking anak!" Walang ingat na wika ng ginang dahil sa naramdamang galit sa pag-aakala na si Sasha ang nagpapahamak kay Dexter."What did you say, Ma!?" Puno ng katanungan ang tingin ni Dexter sa ina. Parang biglang lumaki ang ulo niya sa kaalaman na kinausap nito minsan ng ganoon si Sasha.Umiwas ng tingin ang ina sa kanya, alam nito na gali
"HINDI ko po siya matatanggap na kapatid, Lola!" galit na wika ni Roxanne."Ayaw ko rin naman na maging kapatid ka kaya amanos lang tayo!" sarkastikong tugon ni Sasha kay Roxane. "Bitch!" angil ni Amanda at nagpipigil na sampalin ang babae dahil feeling nito ay ka level nila ito."Huwag mo nang gatungan ang galit ng iyong anak, Amanda!" bulyaw ni Seliste sa manugang. Dati ay magkasundo silang dalawa sa lahat ng bagay. Pero mula nang mamatay si Marcus ay nakikita niya ang hindi nito magandang ugali."That woman, lola!" Turo ni Sasha kay Amanda. "Siya ang dahilan kung bakit namatay ang nanay ko at hindi kami nagkita ng tatay ko!"Nanlaki ang mga mata ni Amanda na nakatingin kay Sasha. Hindi niya inaasahan na gagawa ito ng ganoong eksina. Bigla siyang kinabahan na baka maniwala dito ang matanda."What do you mean?" tanong ni Seliste sa apo pero ang mga mata ay nakatutok kay Amanda."Noong buhay pa ang aking ina, nagpunta kami dito upang humingi sana ng tulong. Gusto ni Mama na iwan ako
"Ma, bakit nagkaganito ang lahat? Bakit nag-iba bigla si Lola? Parang hindi niya ako apo kung ituring ngayon." Masama ang loob na tanong ni Roxane sa ina.Napabuntonghininga si Amanda habang hinihilot ang sintido dahil biglang sumakit ang kaniyang ulo. Hanggang ngayon ay hindi rin siya makapaniwala na wala na siya sa mansyon sa isang iglap lamang.Hindi maiwasan ni Amanda ang mangamba ngayon. Kung sakaling mabulgar ang katotohanan tungkol sa pagkamatay ni Marcus. Hindi rin malabong mangamoy ang isa pang lihim na kaniyang tinatago. Tiyak na sa kangkungan nga siya pupulotin at magkatotoo ang sinabi ni Sasha."Ma? Nakikinig ka ba sa akin?!" untag ni Roxane sa ina na mukhang natulala na habang nakatitig lang sa kaniya. Mukhang tagusan ang tingin nito sa kaniya at hindi siya naririnig.Napakurap si Amanda nang marinig ang matinis na boses ng anak. "Pwede bang huwag ka munang maingay? Sumasakit na ang ulo ko at lalong hindi makapag-isip ng dapat gawin dahil sa ingay mo!"Si Roxane naman ang
"MABUTI naman at tapos na kayo." Ang nakataas na kilay ni Jenny ang sumalubong kay Sasha pagkabukas niya ng pintuan. Nasa palikuran pa si Dexter upang maghugas dahil amoy ang nangyari sa kanila."Hindi lang napansin na nai-lock ang pintuan kanina." Defensive na paliwanag ni Sasha sa kaibigan. Hindi niya alam kung bakit ito naroon ngayon kasama ang asawa nito. "Sa akin ka pa ba magsisinungaling? Ganitong-ganito ang senaryo noon bago ang kasal namin ng hubby ko."Mabilis na inakbayan ni Yazed ang asawa at ngumiti kay Sasha. Nabaliktad na ang sitwasyon ngayon dahil ito naman ang nahuli ni Jenny sa akto na gumagawa ng milagro.Napalabi na lamang si Sasha sa kaibigan. Naging mapurol bigla ang kanyang dila dahil walang maisip na sagot upang malinis ang maruming iniisip ng kaibigan.Napangisi si Yazed nang makita ang paglabas ni Dexter sa bathroom. Liyad ang dibdib na lumapit si Dexter sa mga isturbo nilang bisita. Agad na hinapit ang beywang ni Sasha palapit sa kaniya upang mabawasan ang
Nakangiting pinanuud ni Cris ang kalalakihang nag-uusap. Masaya siya dahil unti-unting nakakasundo na ni Argus ang kaniyang kagrupong kaibigan."Mare, ang haba ng hair mo. Bukod sa guwapo, mayaman at makisig ay ang bata pa ng nabihag mo." Kinikilig na ani Amalia."Nagsisi ka ba at may edad na ang lalaking napangasawa mo?"Sabay na nilingon nila Cris at Amalia ang nagsalita. Kahit kailan talaga ay walang ingat magsalita si Shahara. Ewan ba nila at bakit sumama ito kay Ruel gayong hindi ito mahilig makihalubilo sa hindi nito close friend.Biglang naitikom ni Shahara ang bibig at alanganing ngiti ang sumilay sa kaniyang labi. Gusto lang naman niyang maging close friends ang mga babaeng kaibigan ni Ruel. Pero sa tuwina'y pahamak ang kaniyang bibig."Salamat pala sa pagpunta rito at pagsama kay Ruel." Pag-iiba ni Cristine sa paksa.Umirap muna si Amalia kay Shahara bago ngumiti. Hindi naman siya na offend or nagalit sa babae. Magaan naman ang loob niya dito at handa sila mag-adjust upang m
MANONG nasaan na po si Lexus?" Kausap ni Cris sa nag-aalaga sa paborito niyang kabayo. Hindi niya rin mahanap si Argus matapos nitong maalalayan ang babaeng isa sa nanalo sa event."Sorry po, ma'am, kanina ko pa hinahanap ang kabayo pero hindi ko mahanap." Kumakamot sa ulo na sagot nang may edad ng lalaki. Nangunot ang noo ni Cris at parang hindi manlang nabahala ang bantay na nawawala ang kabayo. Worth of million ang halaga ng kabayo dahil sa galing nito kaya maaring may magtangkang kumuha dito. Pagagalitan pa niya sana ang lalaki nang magkaroon ng kumusyon sa labas ng kuwadra. Dali-dali siyang lumabas para lang malaglag ang kaniyang panga habang pinapanuud ang nangyayari."Ang akala ko ba ay hindi marunong sumakay sa kabayo si Argus?" Pabulong na tanong ni Jeydon kay Jay. "Walang puting itlog ang dapat makadapo sa pugad ng eagles." Makahulugang sagot ni Jay sa kaniyang superior.Proud na tumango si Jeydon bago tinapik sa balikat si Jay at nagustohan ang sinabi nito.Kinalma ni Arg
KINABUKASAN ay napilitang bumangon si Cristine dahil sumisilip na si Haring Araw sa bintana ng kaniyang silid kahit wala pang six ng umaga. Nasa bathroom na si Argus at tinawagan na umano nito ang sariling katulong upang dalhan ito ng damit pambihis.Alam niyang tulog pa ang kaniyang mga bisita kaya kailangan niyang kumilos na bago pa makita ng mga ito na sa silid niya natulog si Argus."Ma'am, nandito na po ang gamit ni Sir Argus." Katok ng katulong sa silid ni Cris.Mabilis na binuksan ni Cris ang pinto upang kunin ang dinala ng katulong. Kanina ay tinawagan niya ito na abangan ang paparating na tao ni Argus."Salamat, Manang." Nahihiya niyang bati sa ginang. "Walang anuman, Ma'am. Gusto mo po bang ipasok ko ito upang tulungan kayo sa pag-ayos ng gamit ni Sir?"Namilog ang mga mata ni Cristine nang mapadako ang tingin sa isang maletang nasa tabi ng katulong. "Huwag na po, ako na ang bahala."Pagkatalikod ng katulong ay agad na hinila ni Cristine ang malaking maleta. Agad na isinara
RAMDAM ni Cristine ang pagsunod sa kaniya ni Argus hanggang makapasok sa loob ng kaniyang silid. Pagkapasok ni Argus, pakiramdam niya'y biglang umalinsangan ang paligid kahit nakabukas naman ang aircon. Mabilis ang kilos niya at minuwestra sa binata kung saan ang bathroom at ang gagamitin nito sa pagtulog."A-ano ang ginagawa mo?" Nandidilat ang mga matang tanong niya kay Argus nang isa-isa nitong binuksan ang butones ng suot nitong long sleeve."Wala akong dalang bihisang damit at hindi ako natutulog na ganito ang suot." Pabaliwalang sagot ni Argus sa dalaga at ipinagpatuloy ang ginagawa. "Hindi ka makapaghintay na makalabas ako bago gawin iyan?" Inis niyang tanong sa binata at mabilis na iniwas ang tingin sa katawan nito nang lumantad ang matigas nitong dibdib.Muli niyang nilingon ang binata nang hindi ito sumagot para lang muling mandilat ang kaniyang mga mata. Mabilis niyang nilapitan ito at pinigilan sa pagbukas sa zipper ng pants nito."Uhmmm!" Ungol ni Argus nang lumapat ang
"PAANO niya ma appreciate ang bigay mong bulaklak kung delivery boy lang ang nag-aabot sa kaniya?" panenermon ni Renzel kay Argus nang mag reklamo ito. Ayun sa report ni Andreah ay hindi nakangiti ang dalaga sa tuwing matanggap ang padalang bulaklak at chocolate ng kaibigan. "What the heck, trabaho nila ang mag-deliver and I paid them!" Impatient na pangatwiran ni Argus sa kaibigan."Alam mo kung hindi lang kita kaibigan ay sulsolan ko pa si Cristine na huwag ka nang mahalin!" Pinameywangan ni Renzel si Argus."Napaka imposible niyong mga babae. Sobrang complicated ng mga mood ninyo." He sigh with disbelief in his face."Hindi ko alam kung may puso ka ba o baka naman libog lang ang nararamdaman mo sa kaniya? Don't get me wrong pero wala manlang akong nakikitang kilig sa pagkatao mo." Mukhang tinubuan ng sungay sa noo ang tinging ipinukol ni Argus sa kaibigan at kinuwestyon ang tunay niyang damdamin kay Cristine. "Siya ang may gusto na hindi ipaalam ang relasyon namin sa iba at—""
INIS na nilingon ni Cris si Argus at nakahalukipkip na hinarap ito. "Sabihin mo na ngayon kung ano man ang kailangan mo at nagmamadali ako!""kailangan mong maghintay hanggang sa matapos kong mapag-aralan itong bago mong proposal sa kompanya." Malamig na tugon nito sa dalaga habang isa-isang binubuklat ang dinala nito.Padabog na umupo si Cris sa harapan ng binata at kinuha ang cellphone na nasa bag. Alam niyang galit ang binata kay Jay kaya iiwas na niya muna ang kaibigan."Mauna ka na sa rancho at susunod ako." Mensaheng ipinadala ni Cris sa kaibigan.Pabagsak na binitawan ni Argus ang hawak na paper nang makitang ngumiti ang dalaga habang binabasa ang message sa cellphone nito. Gulat na nag-angat ng tingin si Cris at nagtatanong ang tinging ipinukol kay Argus. "Ano na naman ang nagawa kong mali?" naitanong niya sa kaniyang sarili."Ganyan ka ba humarap sa importanting meeting? Instead of listening, nakikipagharutan sa cellphone?" Galit niyang tanong sa dalaga.Nakaramdam ng pagkap
HINDI napaghandaan ni Argus ang pagsalubong sa kaniya ni Jhean at ang paghalik sa kaniya. Ang tangkang pagtulak sa babae ay naudlot nang maramdaman mula sa likuran ang taong tanging nagpaparamdam sa kaniya ng kakaibang damdamin."I just want to say thank you!" nahihiyang wika ni Jhean matapos ang halik na iginawad sa binata. Sobrang saya niya at napapansin na siya ng binata at nasa side niya pa ito. Sinamantala na niya ang pagkakataon na ito upang tuluyang mahulog ang loob nito sa kaniya. "Ganyan na pala ang paraan ng pagpapaabot ng pasalamat?" sarkastikong tanong ni Cristine. Sumandal siya sa hamba ng pintuan at isinantabi ang selos na nadarama.Relax lang ang katawan ni Argus at hindi manlang ito nagulat sa biglang pagsulpot ng kanilang panauhin. Samantalang si Jhean ay mukhang na estatwa sa kinatayuan at nahuli sa kriming pagnanakaw."Hindi ka ba marunong kumatok?" Kapagdaka'y sita ni Jhean sa babae nang makabawi. Kahit pa ito ang bagong acting CEO ay wala siyang pakialam dahil ka
"SIR, the board members informed me that the new CEO of Milk Dairy Corporation will take over her position." Inilapag ni Rachel ang report papers sa harap ng lamesa ni Argus. Tinantya niya ang mood nito at hinintay ang maging reaction.Tiim-bagang na dinampot ni Argus ang papers at pinasadahan ng tingin iyon. "Finally, lumabas ka rin sa lungga mo!"Malinaw na narinig ni Rachel ang mga katagang binitawan ng amo. Dala niyon ay gulo at hindi nga siya nagkamali nang muling magsalita ito."Gather all stock holders to the board meeting room," maawtoridad nitong utos sa kaniyang secretary. "You'll pay for what you did!" dugtong na ani Argus sa isipan lamang.Mabilis ng tumalikod si Rachel at natakot sa paraang maningin ng amo na kay talim at ang dilim ng aura ng anyo nito.Ilang buwan din pinag-aralan ni Cristine ang pamamalakad sa kompanyang iniwan sa kaniya ni Caroline bago nagpasyang punan ang tungkulin. Alam niyang si Argus ang isa sa dahilan kung bakit matatag pa rin ang kompanya. Sa tu
Muling napaurong si Cristine at inihanda ang sarili sa pagsugod ni George. Kahit papaano ay nadagdagan ang lakas ng kaniyang loob nang marinig ang tinig ng kasamahan mula sa labas ng pintuan. Sumigaw siya upang humingi ng tulong sa mga ito.Nakipag unahan si Argus sa pagbukas sa pintuan nang marinig ang tinig ng dalaga. Pakiramdam niya ay tumigil ang tibok ng kaniyang puso nang mahamig sa tinig ng dalaga ang pagod at sakit na nadarama. "Tabi!" Pagbigay babala ni Micko sa kasamahan at itinutok ang hawak na baril sa seradura ng pintuan.Mabilis na sinipa ni James ang pintuan nang maalis ang lock kasabay ng pagtutok ng baril sa loob ng silid, at ganoon din ang ginawa ng kasamahan. "Huwag kang gagalaw!" Biglang nanigas si George sa kinatayuan at hindi na naituloy ang pagsugod sa dalaga. Paglingon niya ay nagulat siya nang makilala ang mga kilalang agents ng isang ahensya na sumisikat sa kanilang bansa ngayon."Itaas ang kamay at huwag nang magtangkang lumaban!" Muling utos ni James sa l