"HINDI ko po siya matatanggap na kapatid, Lola!" galit na wika ni Roxanne."Ayaw ko rin naman na maging kapatid ka kaya amanos lang tayo!" sarkastikong tugon ni Sasha kay Roxane. "Bitch!" angil ni Amanda at nagpipigil na sampalin ang babae dahil feeling nito ay ka level nila ito."Huwag mo nang gatungan ang galit ng iyong anak, Amanda!" bulyaw ni Seliste sa manugang. Dati ay magkasundo silang dalawa sa lahat ng bagay. Pero mula nang mamatay si Marcus ay nakikita niya ang hindi nito magandang ugali."That woman, lola!" Turo ni Sasha kay Amanda. "Siya ang dahilan kung bakit namatay ang nanay ko at hindi kami nagkita ng tatay ko!"Nanlaki ang mga mata ni Amanda na nakatingin kay Sasha. Hindi niya inaasahan na gagawa ito ng ganoong eksina. Bigla siyang kinabahan na baka maniwala dito ang matanda."What do you mean?" tanong ni Seliste sa apo pero ang mga mata ay nakatutok kay Amanda."Noong buhay pa ang aking ina, nagpunta kami dito upang humingi sana ng tulong. Gusto ni Mama na iwan ako
"Ma, bakit nagkaganito ang lahat? Bakit nag-iba bigla si Lola? Parang hindi niya ako apo kung ituring ngayon." Masama ang loob na tanong ni Roxane sa ina.Napabuntonghininga si Amanda habang hinihilot ang sintido dahil biglang sumakit ang kaniyang ulo. Hanggang ngayon ay hindi rin siya makapaniwala na wala na siya sa mansyon sa isang iglap lamang.Hindi maiwasan ni Amanda ang mangamba ngayon. Kung sakaling mabulgar ang katotohanan tungkol sa pagkamatay ni Marcus. Hindi rin malabong mangamoy ang isa pang lihim na kaniyang tinatago. Tiyak na sa kangkungan nga siya pupulotin at magkatotoo ang sinabi ni Sasha."Ma? Nakikinig ka ba sa akin?!" untag ni Roxane sa ina na mukhang natulala na habang nakatitig lang sa kaniya. Mukhang tagusan ang tingin nito sa kaniya at hindi siya naririnig.Napakurap si Amanda nang marinig ang matinis na boses ng anak. "Pwede bang huwag ka munang maingay? Sumasakit na ang ulo ko at lalong hindi makapag-isip ng dapat gawin dahil sa ingay mo!"Si Roxane naman ang
"MABUTI naman at tapos na kayo." Ang nakataas na kilay ni Jenny ang sumalubong kay Sasha pagkabukas niya ng pintuan. Nasa palikuran pa si Dexter upang maghugas dahil amoy ang nangyari sa kanila."Hindi lang napansin na nai-lock ang pintuan kanina." Defensive na paliwanag ni Sasha sa kaibigan. Hindi niya alam kung bakit ito naroon ngayon kasama ang asawa nito. "Sa akin ka pa ba magsisinungaling? Ganitong-ganito ang senaryo noon bago ang kasal namin ng hubby ko."Mabilis na inakbayan ni Yazed ang asawa at ngumiti kay Sasha. Nabaliktad na ang sitwasyon ngayon dahil ito naman ang nahuli ni Jenny sa akto na gumagawa ng milagro.Napalabi na lamang si Sasha sa kaibigan. Naging mapurol bigla ang kanyang dila dahil walang maisip na sagot upang malinis ang maruming iniisip ng kaibigan.Napangisi si Yazed nang makita ang paglabas ni Dexter sa bathroom. Liyad ang dibdib na lumapit si Dexter sa mga isturbo nilang bisita. Agad na hinapit ang beywang ni Sasha palapit sa kaniya upang mabawasan ang
"ITO na ang result sa imbistigasyon about the car accident of Mr. Marcus De Leon." Inabot ni Cloud ang isang envelope kay Dexter. Tinutukan ng husto nilang magkaibigan ang kaso na hawak at marami silang natuklasan.Malaking evidence na ito at ang D.N.A test." Tumatango na kumento ni Dexter. Wala pang ibang nakakaalam tungkol sa nalaman nila kundi sila lang na magkaibigan. Ginagawa ang lahat ng ito para kay Sasha pero hindi rin nito pa alam ang tungkol dito."Kailan ang unang pagdinig ng kaso?" tanong ni Cloud sa kaibigan."Ngayong darating na monday, sila ang may gustong madaliin ang pagdinig ng isinampa nilang kaso laban kina Sasha at sa Lola nito.""Mga nagmumukha na talaga silang pera," palatak na ani Cloud."Mabuti na rin ito at ng matuldukan agad ang kaso na ito." Nainip na rin si Dexter. Gusto na niyang makasama muli ang dalaga. Dahil sa kaso na ito ay naging abala siya at hindi rin basta pinalalabas ng bahay ang dalaga dahil lagi ng nanganganib ang buhay kapag nasa labas."Nag
Halos manlaki ang ulo ni Amanda nang makita ang katulong na siyang tistigo. Hindi niya naisip na maaring narinig nito ang lahat ng pagtatalo nila ni Marcus noon.Inilabas ni Dexter ang mga totoong findings ng kalusugan ni Marcus noon. Nakuha niya iyon mula sa dating doctor ng pamilya nila Seliste. Ang akala ni Amanda ay patay na ito dahil matapos bayaran ay pinapatay niya rin ito."Ma, totoo ba ito?" nang-aakusa ang mga titig ni Roxanne sa ina."No! Hindi totoo ang mga iyan! Planado nila ang lahat ng ito, anak para mawala sa iyo ang lahat. Siguradong kagagawan ng bastaradang iyon ang lahat ng ito katulong ang abogadong nobyo niya!" Nanlilisik ang mga mata niyang nakatingin kay Sasha.Napaiyak si Seliste dahil sa mga narinig at maging si Sasha. Ang alam lamang nilang dalawa ay ang tungkol sa D.N.A test. Ito pala ang sinasabi ng nobyo na surpresa upang madiin ng husto sa kaso si Amanda."Hayop ka! Matapos kitang ipilit sa anak ko na maging kabiyak niya ay ganito ang ginawa mo sa kaniya?
MULA sa kinatayuan ay tanaw ni James ang lalaking ilang araw na rin niyang minamanmanan. Kailangan niyang makalapit dito at makuha ang tiwala nito upang maisagawa ang misyon. Alam niyang nasa paligid lang din ang kapulisan at ito rin ang target ng mga ito. Kailangan niya lang gawin ngayon ay ang maunahan ang mga ito sa lalaking target nila pareho.Luminga si Boyet sa paligid bago pumasok sa isang eskinita kung saan ang usapan ng kaniyang ka-deal sa epiktos. Medyo malaki ang dala niyang druga ngayon kaya kailangan niyang mag-ingat. Sanay na siyang lumakad mag-isa upang hindi pansinin ng mga pulis."Iyan na ba lahat?" tanong ng lalaking nakatayo sa isang sulok at natatabunan ng sumbrero ang mukha."Oo, maiksing sagot ni Boyet at nakilala niya anh boses ng lalaki. Sabay na nagpalitan ng dalang bag ang dalawa at hindi na kailangang bilangin o e-confirm ang kapalitan dahil tiwala na sila sa isa't isa."Walang kikilos, mga pulis ito!""Shit!" Magkapanabay na naibulalas ng dalawa dahil sa g
"MUKHANG magaling itong napili mo, Boyet," ani Joseph habang sinusundan ng tingin sa screen monitor ang bawat galaw ni James."Nakilala ko siya, boss, noong may humahabol sa akin na parak. Tinulongan niya ako at magaling dumiskarte upang maligaw ang humahabol sa amin." Liyad ang dibdib na kinuwento muli ni Boyet ang tumgkol sa kakayahan ni James. Natuwa siya dahil sa papuri ng boss nila."Huwag tayo pakasigurado, marami na ngayon ang nagkalat na kalaban upang mabutasan ang ating grupo." Sabat ni Leo na kasosyo ni Joseph sa illegal na gawain."Alam ko ang bagay na iyan at hindi mo na kailangang paulit-ulit na ipaalala sa akin! Kailangan natin nang dagdag na tao dahil nailibing na ang ilan sa magagaling nating tauhan." Biglang uminit ang ulo ni Joseph pagkaalala sa limang tauhan na pinagkakatiwalaan. Nahuli ang mga ito ng mga pulis at upang hindi sila maikanta ay pinapatay ni Leo ang mga ito nang walang pahintulot mula sa kanya."Pumasa na ang tatlong nahanap ng aking tauhan, tama na si
"NO way!"Magkapanabay na naibulalas nila Ashton at Jeydon nang sabihin nila Dexter ang plano. Isa sa kanila ang kailangan na magpangggap na babae."Tang-ina, Tol, huwag mo naman paglaruan ang katawan at mukha ko!" ani Ashton kay Dexter at hindi napigilan ang bibig na magbitaw ng hindi magandang salita."Pumayag ka na, Tol, bagay sa iyo magpakabakla." Tinulak ni Jeydon si Ashton sa harapan ni Sasha."Gago, mas mukhang babae ka sa akin!" Bwelta ni Ashton kay Jeydon at mas malakas na itinulak ito sa harapan ni Sasha. Mukhang striktang scientist ngayon ang dalaga sa kanilang paningin. Masusing sinusuri nito ang katawan nila at pinag-aaralan kung sino sa kanilang dalawa ang bibiktimahin nito."Tama na, huwag na kayong magturuan dahil dalawa kayo na bibihagin ni James bukas." Pigil ni Sasha ang sarili na tumawa dahil sa nakikitang reaksyon sa mukha ng dalawang binata.Si Ashton ay parang lantang gulay na napasandal sa pader at si Jeydon naman ay bagsak ang mga balikat at napaupo sa sahig