Share

Book 2: Chapter 9-Pagbabalik-tanaw

"MABILIS ang pagpatakbo ng motorcycle na ginagawa ni Sasha upang masundan ang kaibigang si James. Naiinip siya sa kanyang buhay ngayon dahil wala pa rin resulta or tumatawag sa kanyang inaplayang trabaho limang araw na ang nakalipas.

Napansin ni James ang sumusunod sa kanya, inis na binunot ang cellphone sa bulsa ng jacket habang hawak sa isang kamay ang manubela ng kanyang motor. Bahagya niyang pinabagal ang takbo niyon habang kinakausap si Dexter.

"Akala ko ba ay itinali mo na itong Guardian Angel mo sa iyong tabi?" iritadong tanong ni James sa kausap.

"Ano ang problema sa kanya?" Napatayo si Dexter sa kinaupuan. Nasa loob siya ngayon ng opisina kasama si Micko.

"Nakabuntot na naman sa akin!" nakaangil si James sa kausap dahil sa kapabayaan nito. Kung kaharap lamang niya si Dexter ngayon ay baka na kwelyuhan na niya ito. Nagmamadali siya ng oras na iyon dahil may nakapagsabi kung nasaan ang tao na pwedeng makatulong sa kanya, upang makapasok sa kupunan ng isang malaking sindikato.
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
Kaye Caleb
naku Dexter nasa harap mo lang ung hinahanap mo.
goodnovel comment avatar
Myra Joy Bautista
thanks author sa update.one more please.
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status