Third Peson POV
"Huwag... Huwag... Huwag!!!!" sigaw ng natutulog na si Abby. Nakataas pa ang mga kamay nito na pakiwari ay may sinansangga. Pawisan ito at umiiyak. Halata ang takot nito sa mukha habang sumisigaw.Kitang-kita din ang mga pasa at sugat nito sa buong katawan pati na sa mukha. Kaawa-awa ang hitsura nito at hindi mo aakalain na matinong tao pa ba ang nanakit dito. Kung titingnan kasi ang hitsura ni Abby swerte na lang kung mabubuhay pa. Bali ang isang legs nito at hindi na halos makikita ang tunay na kulay ng likod nito dahil puro latay at sugat. Ang mga braso naman nito ay puro sugat din. Putok ang mga labi at halos hindi na maibuka ang mga mata dahil sa pamamaga. Halos magkulay ube ang buo nitong katawan"Abby!! Abbyy!! Diyos ko Doctora!!! Naghehestirikal na naman siya." sigaw ng nagbabantay ditong bakla habang tarantang lumabas ng kwarto. Tumatakbo naman na dumadating ang butihing doctor. Agad nitong dinaluhan ang nakahigang si Abby. Hinaplos niya ang noo nito at tinapik ang mukha." Abby... Abbyyy.. Iha gumising ka. Labanan mo ang takot... Gumising ka iha!". Wika ng Doctor.Unti-unting dumilat ang mga mata ni Abby. Gulat itong napatitig sa kaharap niyang matanda. Kapagkuwan ay may lumabas ang mga luha sa mga mata."Maawa po kayo! Tulungan niyo ako.. Papatayin niya ako.. Papatayin niya ako!! Huhuhu!" umiiyak na wika nito at pilit na bumangon mula sa higaan. Pero hindi natuloy dahil mahina ang katawan nito dahil sa matiding bugbog na tinamo. May nakabalot din na benda sa kabilang hita nito."Ssshhhh... Shhhhh! Relax ka lang iha.. Relax lang.. Huwag ka mag-alala nandito ka sa ligtas na lugar. Hindi ko hahayaan na may manakit ulit sa iyo." wika ng Doctor habang hinahaplos nito ang buhok ni Abby. Pilit nitong pinapakalma ang takot na takot na pasyente.Tumitig naman si Abby dito habang patuloy na umaagos ang luha sa mga mata. Takot na iginala nito ang paningin sa buong paligid.Pagkatapos ay nanginginig ang mga kamay nito ng makita ang nakatayong bakla sa may pintuan. Kitang-kita naman ng Doctor ang naging reaksiyon ni Abby kaya naman agad niya itong inagapan."Ralax lang Iha. Hindi ka niya sasaktan. Sa katunayan siya ang nagbabantay sa iyo dito habang wala ako." nakangiti na wika ng Doctor. Sininyasan naman nito si Erika na lumapit. Kaagad naman na lumapit ang bakla at nakangiting humarap kay Abby."Hindi kita sasaktan Abby. Sa ganda kong ito hindi ako nananakit ng tao noh?" pabakla pa nitong wika habang pumipilantik ang mga daliri sa kamay.Hindi naman sumagot si Abby. Ipinikit lang nito ang mga mata habang patuloy ang pag-iyak."Abby right? Abby Ferrer ang panagalan mo?" basag ng butihing doctor sa katahimikan. Agad naman idinilat ni Abby ang mga mata kasabay ng pagtango."Ako si Doctora Charito Tevez. Ako ang gumagamot sa iyo habang wala kang malay. Huwag kang mag-alala hinding hindi kita pababayaan Abby. Malayo ka na sa taong gustong pumatay sa iyo." mahinahon na wika ni Dr. Charito."Natatakot ako! Papatayin niya ako.. Maawa po kayo Doc itago niyo po ako sa kanya. Papatayin niya kami ng anak ko." Ang anak ko!!! Ang anak ko!! Kumusta siya!!" umiiyak na wika nito habang nakalagay ang mga kamay nito sa tiyan. Nag-umpisa na naman itong maghistirikal habang pinipilit na bumangon. Pagkatapos ay pilit din nitong inaabot ang dextrose na nakasabit dito. Sininyasan naman ni Dr. Charito si Erika na pigilan ito. Kapagkuwan ay may kinuha na isang bagay at agad na ipinaamoy kay Abby. Lupaypay na nakatulog ulit ang huli.Malungkot na nakatingin dito ang dalawang paris ng mga mata. Awang awa sila sa kanilang pasyente. Kung may magagawa lang sana sila para mging maayos ang kalagayan ni Abby ginawa na sana nila. Pero wala. Sa tuwing nagigising ito ay naghihistirikal agad at laging takot na takot."Doc, hangang kailan po siya ganiyan. Nakakaawa na po. Tuwing nagigising kailangan pa natin siyang paamuyin ng pampatulog dahil nagwawala siya. " wika ni Erika habang titig na titig sa walang malay na si Abby."Hangang sariwa pa sa ala-ala niya ang lahat. Masyado siyang na natakot sa mga nangyari. Hindi niya matangap na halos mapatay na siya ng sarili niyang asawa. Nang taong lubos niyang pinagkakatiwalaan."" Haysst halos hindi na makilala ang hitsura niya. Grabe naman ang asawa niya kung ganoon. Walang awa! Pero sure ako na maganda ito. Matangos ang ilong eh." malanding wika ng bakla. Pero kababakasan pa din sa nga tingin nito ang pakikisimpatiya sa pasyente."Sige Erika, bantayan mo muna siya. Mamaya kaunti pagtulungan natin gamutin ang sugat niya. Tawagin mo ako kapag ubos na ang kanyang dextrose." wika ng Doctor habang dahan-dahan na pumunta ng pintuan."Huwag po kayong mag-alala Doctora. Ako na po ang bahala sa kanya. Hindi ko po siya iiwan." nakangiting sagot ni Erika.Tumango ang Doctor at naiwan si Erika habang nakatunghay sa walang malay pa rin na si Abby."Hayyy grabe naman ang nangyari sa iyo. Kakaawa ka talaga. Pero sana tibayan mo ang kalooban mo... Hindi pa ito ang katapusan ng mundo. Manalig ka lang Abby nandito lang kami.. Tutulungan ka namin." wika ni Erika. Kapagkuwan ay umiling iling ito."Hayy naku pati ako parang nababaliw na. Hindi mo pala ako naririnig dahil tulog ka." natatawa pa nitong wika sabay kuha ng magazine at umupo sa sofa. Saglit niya lang sinulyapan ang tulog pa rin na si Abby bago itinoon ang buong attention sa magazine na hawak.GABRIEL VILLARAMA POVKakarating lang namin ng Mansion. Hawak ko pa rin ang golden jar na naglalaman ng urn ni Abby. Malungkot akong tumitig sa kabuuan ng mansion. Wala na ang babaeng sumasalubong sa akin tuwing dumarating ako. Napakahungkag ng pakiramdam ko. Napakalungkot! Pakiramdam ko wala ng kabuhay-buhay ang paligid.Dahan-dahan akong naglakad papasok ng mansion. Nakasalubong ko pa ang isa sa pinakamatagal namin na kasmabahay. Si Nanay Nilda. Halos ito na ang nagpalaki sa akin. Ito ang halos nakakaalam kung anong buhay meron ako. Sa mga tingin nito alam kong alam na niya ang nangyari. Dumako pa ang mga mata nito sa hawak kong Jar na may laman na Urn ni Abby."Si Abby na ba iyan Luther?" wika ni Nanay Nilda habang hindi mapigilan ang pagdaloy ng luha sa mga mata. Agad kong iniwas ang tingin dito at tumango."Diyos ko! Diyos ko." umiiyak na wika ni Nanay Nilda."Kung hindi lang sana ako umuwi ng probensiya ng araw na iyun.. Baka buhay pa siya. Napigilan ko pa sana ang mga nangyari. Baka nagawa ko pang protektahan siya." umiiyak na wika ni Nanay Nilda."Kayo na muna ang mag-akyat sa kanya sa kwarto Nanay Nilda." wika ko dito sabay abot ng jar dito. Maingat naman itong inabot ni Nanay Nilda sabay yakap at patuloy na umiiyak.Tinalikuran ko ito at didiritso na sana ng basement. Pero hindi pa ako nakakalayo ay nagsalita ito." Luther, sana pigilan mo ang iyong emosyon. Pigilan mo ang iyong galit. Huwag mo na sanang ulitin lahat ng kasalanan na nagawa mo kay Abby." pakiusap na wika ni Nanay."Alam kong punong-puno ng galit ang puso mo. Pero sana... Sana iwasan mo ng pumatay." umiiyak na wika ni Nanay Nilda. Hilam ang mga luha sa aking mga mata ng lingunin ko ito."Salamat Nay Nilda. Mula noon hangang ngayun hindi niyo ako iniiwan. Salamat sa pag-aalala. Pero hindi ko pwedeng palagpasin ito. Niluko nila ako kaya dapat lang na matikman nila ang galit ko. ." wika ko dito hangang tuluyan ko na itong iniwan. Diritso na ako ng basement. Agad akong sinalubong ng isa kong tauhan."Boss nandito na si Ms. Shiela." balita nito sa akin. Agad ko namang naikuyom ang aking kamao at diritsong lumamakad palapit kay Abby. Nakagapos ito sa isang tabi habang galit na galit na tinatalakan ang mga tauhan ko."Mga bwesit kayo. Ano bang problema nyo!! Bakit niyo ba ako itinali dito!!" galit na sigaw nito habang nagpupumias. Pagkatapos ay agad itong tumingin sa akin ng makita nitong palapit ako dito."Luther!! Ano ba ang prob....." hindi na nito natapos ang sasabihin ng sampalin ko ito. Halos tumabingi ang mukha nito sa lakas ng pagkakasampal ko dito." Kulang pa iyan!!! Kulang pa iyan sa mga kasalanan na ginawa mo Shiela!" galit na sigaw ko dito." Ano bang problema mo Luther! Bakit ka ba nagkakaganyan! " umiiyak na wika ni Shiela. Bakas sa mukha nito ang matinding pagkasindak." Anong problem??? Anong problema??? " galit na sigaw ko dito habang nakakuyom ang mga kamao."Bakit hindi mo tanungin si Dr. Yu kung ano ang Problema ko?" galit kong wika dito habang itinuturo ang kinaroroonan ni Dr. Yu na noon ay unti-unti ng nagkamalay.Agad na nanlaki ang mga mata ni Shiela ng mapansin nito si Dr. Yu sa medyo hindi kalayuan. Namutla ito ng makita niya ang kaawa-awang hitsura ng Doctor. Puno ng dugo ang katawan nito at hindi na halos makagalaw habang hila-hila ng isang tauhan."Hind.. Wa... Wala! Wala akong kasalanan!" sumisigaw na wika ni Shiela habang nagpupumiglas. Takot na takot ito habang nakatingin kay Dr. Yu."Magsalita ka Dr. Yu. Sino ang may pakana ng lahat ng ito?" galit na sigaw ko dito."Patawad Boss. Patawarin mo ako.. Sumunod lang po ako sa utos ni Ms. Shiela!" umiiyak na wika ni Doctor Yu"Hayop ka! Hayop ka! Wala akong kasalanan. Hindi ko ginawa ang bagay na iyun. Wala akong natatandaan na iniutos sa iyo!" galit na wika ni Shiela habang nanlilisik ang mga mata."Ms Shiela, maawa po kayo. Umamin na po kayo. Hirap na hirap na po ako!" nagmamakaawa na wika ni Dr. Yu."Luther huwag kang maniwala sa kanya. Ako ang best friend mo. Hindi kita kayang lukuhin. Wala akong kasalanan." umiiyak na pagmamakaawa ni shiela."Tama na Shiela. Alam mo bang napatay ko ang asawa ko dahil sa kasinungalingan mo? Pinatay ko siya kasama ng anak ko na nasa sinapupunan niya." sigaw ko dito sabay sipa kay Dr. Yu. Lupaypay na bumagsak ito sa sahig kasabay ng malakas na pagsigaw ni Shiela dahil sa matinding takot.""Luther"Ngayun masaya ka ba? Masaya ka na ba Shiela?"nanalilisik ang mga mata kong sigaw dito. Gustong-gusto ko na itong sakalin para matapos na ang lahat. Gustong-gusto ko itong isama kay Abby sa kabilang buhay. " Luther, patawarin mo ako. Nadala lang ako sa matinding pagmamahal na nadarama ko sa iyo. Hindi ko alam na ganito ang mangyayari. " umiiyak na wika ni Shiela. Halatang-halata ang takot nito dahil nanginginig ang buo nitong katawan."Bwesit Shiela!!! Alam mo namang hindi ka na iba sa akin. Itinuring na kitang kapatid pero sinira mo ang lahat. Ngayun sabihin mo sa akin.. Anong parusa ang gusto mo!!!" sigaw ko dito habang pinipigilan ko ang sarili kong muli itong saktan."Im sorry... Hindi ko alam.. Patawad!" umiiyak na sagot nito."Hindi... Ganoon na lang ba iyun? Pagkatapos malagutan ng hininga sa sarili kong mga kamay ang pinakamamahal kong asawa ganoon na lang ba iyun? Sa palagay mo basta na lang kitang patatawarin?" galit kong wika dito. Maang naman na napatitig sa akin s
Luther POVKinaumagahanMataas na ang sikat ng araw ng nagising ako. Madaling araw na din kasi akong nakatulog kaya naman hindi nakakapagtaka ang bagay na iyun. Agad akong bumaba ng kwarto at diritsong naglakad papuntang kusina. Naabutan ko si Nanay Nilda na abala sa paghahanda ng pagkain."Oh Luther Anak gising ka na pala.. Tamang-tama Kakatapos ko lang magsangag. Tiyak na magugustuhan mo ang mga pagkain na inihanda ko para sa iyo." nakangiti na wika nito sabay bitbit ng pagkain papuntang dining. Sumunod naman ako dito."Thank you Nay. Pero kape lang sana ang kailangan ko." wika ko dito."Naku Luther mamaya ka na magkape.. Kumain ka muna. Ilang araw kanang walang matinong kain. Sige na anak umupo ka na diyan at kumain muna." wika ni Nanay Nilda. Napabuntung-hininga naman ako at nagpatianod na lang. Alam kong hindi ako titigilan ni Nanay Nilda. Nag-umpisa na akong kumain ng dumating si Lester. Agad itong lumapit sa akin at bumulong. Tumango naman ako ng marinig ko ang sinabi nito. Pa
ABBY POV"Huwag!!! Lutherrrr!!!!! Umiiyak kong wika habang takot na takot akong nagtatakbo sa kasukalan. Hinahabol ako ni Luther. Gusto niya akong patayin. Ayaw nitong maniwala na magkakaanak na kami." Tulong!!! Tulong!!! Paulit ulit kong sigaw ng maramdaman ko na may mahinang tumatapik sa aking mukha. Agad akong napadilat. Tumampad sa paningin ko ang nakangiting mukha ng isang matandang babae. Yayakap sana ako dito pero agad akong napangiwi. Sobrang sakit ng buo kong katawan. Wala din akong lakas para bumangon. "Salamat sa Diyos at gumising ka Iha. Lagi ka na lang kasing binabangungot." nag-aalalang wika ng matanda. Hindi ko ito sinagot bagkos ay takot kong iginala ang aking paningin sa paligid. "Nasaan po ako? Si Luther!!! Si Luther! Itago niyo po ako sa kanya.. Maawa kayo papatayin niya ako.. Papatayin niya ang anak namin!" umiiyak kong wika dito. Naramdaman ko naman ang paghaplos nito sa buhok ko. "Abby.. Abby.. Tumingin ka sa akin...wala si Luther.. Hindi ka na niya mahahanap
Abby"Lets go na Abby.. Kahit sandali lang. Maarawan ka man lang sana sa labas." pagyayaya sa akin ni Erika. Nakaupo ako dito sa aking higaan. Medyo maayos na ang aking pakiramdam maliban lang sa aking kaliwang binti. Sumasakit pa rin kasi kapag pinililit kong tumayo. Sabi ni Mama Charito ito daw ang napuruhan noong bugbugin ako. Pwede naman akong makalakad pero kailangan ko ng saklay. Pero hindi ito inirerekomenda ni Mama sa akin kasi buntis ako. Baka daw madulas ako.Mahigit tatlong buwan na din ang nakalipas simula ng mangyari sa akin ang muntik ng pagkitil sa buhay ko. Pero hangang ngayun hindi ko pa rin alam kong ano ang hitsura ng labas ng kwarto ko. Hindi na kasi ako nagtangka pang lumabas. Natatakot ako sa isiping baka nasa labas lang ang mga tauhan ni Luther.Tanging sila Erika at Mama Charito lang din ang nakakausap ko araw-araw. Ayos na din yun kasi ayaw ko din makita ako ng ibang tao. Natatakot ako na baka may magsumbong kay Luther kong nasaan ako.Alam kong masyado na ako
Luther POVIlang buwan na din ang nakalipas ng mawala sa akin si Abby. Pero kapag tinitingnan ko ang mga larawan nito parang buhay ba buhay itoHindi ko alam kung hangang kailan ako sisingilin ng aking konsensiya pero alam kong habang buhay ko itong pagdurusahan.Walang kapatawaran ang ginawa kong kasalanan dito kaya wala akong dapat na sisihin kundi ang sarili ko lamang.Buong ingat kong inilapag ang dala kong bulaklak sa harap ng picture frame nito. Nandito ako sa isang kilalang columbarium. Dito ko napiling ilagay ang Urn ni Abby. At least dito hindi siya nag-iisa. At alam kong ito ang tama. Kailangan ko na siyang ihatid sa huli niyang hantungan at sana sa susunod na buhay namin kami pa rin ang nakatakda para sa isat-isa. Hinipo ko pa ang mukha nito sa picture frame bago ako tuluyang lumabas. Agad akong sinalubong ng mga tauhan ko. Ipinagbukas pa ako nito ng pintuan ng kotse upang makapasok sa loob."Saan tayo Boss?" tanong sa akin ni Nestor. Isa ito sa pinakamatagal at tapat kong
ABBY POVHalos maluha ako ng makita ko ang hitsura ng kambal kong anak. Sa wakas nairaos ko sila ng maayos sa tulong ni Mama Charito at Erika. Ganito pala ang pakiramdam. Sulit lahat ang hirap na pinagdaanan ko. Sa wakas nailuwal ko sila sa mundong ito ng ligtas. Akala ko talaga wala na akong pag-asa pang masilayan ang mukha ng magiging anak ko. Pero mabait ang Diyos. Hindi niya ako pinabayaan. Napakaganda nila. Lalaki at babae. Pinapangako ko na bubusugin ko sila sa pagmamahal. Hindi man nila makikilala ang ama nila pero pipilitin ko ibigay sa kanila ang isang masayang pamilya. Hindi ko alam pero pakiramdam ko, ako ang pinakamasayang tao sa mundo. Kahit na palaging sumasagi sa isipan ko na palalakihin kong mag-isa ang mga anak ayos lang. Basta ang importante buhay kami at ligtas sa mga kamay ng malupit na si Luther. "Grabe Abby manang-mana sa iyo ang mga anak mo. Kahit babies pa lang kitang kita na kung gaano katangos ang kanilang mga ilong. Hayss mapapa-sana all na lang talaga a
ABBYMANILAKanina pa ako hindi mapakali. Nandito kami ngayun sa isang Hotel. Ngayun namin kakausapin ang buyer ng mga painting's ko.Tiningnan ko ang hitsura ko sa salamin. Itinali ko ang mahaba kong buhok at naglagay ng medyo makapal na make - up. Si Erika ang nag-ayos sa akin at infrairness naman medyo nag-iba ang hitsura ko dahil sa kakaiba kong ayos ngayun. Nakamaong na pantalon ako at maluwang na t-shirt. Isa lang ang ipinagpasalamat ko dahil bago ako nanagank sa kambal ay gumaling ang binti ko na napuruhan sa bugbog ni Luther. Maayos na akong maglakad ngayun. "Abby, relax ka lang diyan. Huwag kang mag-alala.. Pagkatapos nito uuwi agad tayo ng Visayas." wika ni Erika. Napansin marahil nito ang pag-urong sulong ko."Hindi ko alam Erika. Natatakot ako." sagot ko dito."Huwag kang mag-alala.Sandali lang ito... Heto, isuot mo ito para naman huwag kang mag-isip ng kung ano diyan." wika nito sa akin sabay abot ng facemask.Sakto naman na naisuot ko ang facemask ng may kumatok sa ho
ABBYNakapagcheck -in na kami ni Erika at nandito kami sa isang restaurant habang hinihintay ang oras ng aming flight pabalik ng Visayas. Kahit papaano ay naging panatag ang loob ko dahil ilang oras na lang ay makakapiling ko na ulit ang aking mga anak."OH my Gosh!" narinig kong wika ni Erika habang nakatingin sa aking likuran. Takang-taka naman ako habang nakatingin dito. Para kasi itong nakakita ng anghel sa klase ng ekpresyon ng mukha nito."Ang pogi!!!!!" bulong pa nitong wika sa akin at inginuso ang kung sino man ang nasa likuran ko. Kaya naman dahan-dahan akong lumingon. Para naman akong panawan ng ulirat ng makita ko kung sino ang nasa likuran ko. Si Lester! Ang matalik na kaibigan ni Luther. Gulat din itong nakatitig sa akin. Kitang-kita sa mga mata nito ang hindi makapaniwala habang mataman akong tinitigan...agad naman akong tumayo at mabilis na naglakad palayo."Abby! Abby! Wait!!!" narinig kong tawag nito sa akin..hindi ko ito pinansin at binilisan ko ang aking hakbang...
ABBY POVPakiramdam ko bigla akong nabingi at hindi naririnig ang palahaw ng babaeng pinaparusahan ko ngayun.. Ilang beses itong nagmamakaawa sa akin pero hindi ko pinansin. Gusto ko lang naman siyang turuan ng leksyon para hindi niya na ulitin pa ang ginawang paglalapit-lapit sa asawa ko. Mahirap na...ayaw ko ng maulit ang nakaraan."Abby! Tama na iyan. Halos makalbo na siya oh and what is that? Bakit may dugo ang kamay mo?" Ang nag-aalalang boses ni Luther ang biglang nagpabalik sa aking hewesyo. Wala sa sariling napatitig ako dito at hinayaan siyang agawin sa akin ang gunting na hawak ko. Tama nga ito..may dugo na ako sa aking kamay at may nakita akong sugat sa aking daliri. HIndi ko maiwasang mapangiwi ng maramdaman ko na humahapdi iyun."Belinda! Get out! Sabihin mo sa Boss mo na ngayun pa lang pinuputol ko na ang lahat ng ugnayan ng dalawang kumpanya." narinig ko pang wika ni Luther. Galit ang boses nito kaya naman hindi ko maiwasang mapatitig dito.So, Belinda pala ang pangalan
ABBY POVHalos isang taon lang din ang nakalipas ng mabalitaan namin na namatay na din si Pamela. Naawa man sa naging kapalaran nito wala na kaming nagawa pa kundi ang bigyan na lang ito ng desenteng libing. Wala ni isa mang kamag-anak ang nag-claim sa kanyang bangkay kaya kami na ang nag-arrange ng lahat-lahat hangang sa maihatid ito sa huling hantungan.Sa dami ng nangyari sa buhay ko hindi ko akalain na heto pa rin ako. Nakatayo at masaya! Kung ano man ang mga nangyari nang nakaraan mananatili na lang na mapait na alaala ang lahat ng iyun.Masalimoot man ang mga nangyari sa buhay ko laking pasasalamat ko pa rin dahil nalagpasan ko lahat ng iyun. Hindi ko akalain na pagkatapos ng unos may magandang umaga pa palang naghihintay sa akin. Muling nabuo ang pamiya ko na akala ko noon wala ng pag-asa pa. Nagbago ang pananaw ko sa buhay at maging mas matapang pa ako para ipaglaban ko kung ano man ang karapatan ko dito sa mundo.Sa lipunan kung saan ako kabilang, dapat lang talaga na maging
ABBY POVNagtataka man kung saan ako dadalhin ngayun ni Luther nanahimik na lang ako. Malaki ang tiwala ko sa kanya at alam kung may dahilan ang pagyayaya nito sa akin kung saan man kami pupunta ngayun.Katakot-takot na bilin ang sinabi ko kina Carl at Lorraine bago namin sila iniwan sa mall kasama ang mga Yaya's nila at ilang mga bodyguards. Alam kong safe naman sila doon dahil masyadong mahigpit ang security ng mall kaya panatag ang kalooban ko habang tinatahak ng sasakyan ang kalsada papunta sa aming patutunguhan."Saan ba talaga tayo pupunta?" tanong ko kay Luther."Malalaman mo mamaya. Alam kong hanggang ngayun, may mga katanungan sa isip mo na hindi mo maisatinig dahil gusto mo ng ibaon sa limot ang lahat. Pero gusto kong tuldukan iyun ngayung araw." nakangiti nitong sagot. Nagtataka akong napatitig sa kanya. Nginitian lang ako nito at mabilis akong kinabig pasandal sa kanyang balikat. Kaagad naman akong nagpaubaya.Halos isang oras din ang itinagal ng pagbyahe namin bago kami p
ABBY POVKatulad ng napag-usapan namin ni Luther sa mansion namin ginugol ang buong araw ng aming honeymoon. Mas lalong masaya dahil kasama namin ang aming mga anak. Ang kambal na si Carl at Lorraine at ang bunso namin na si Kristelle! Sobrang saya namin dahil wala kaming ginawa sa mansion kundi magbonding at sulitin ang oras na magkakasama kami.Alam kong mabilis lang lumipas ang mga araw. Ilang taon na lang ang bibilangin namin magdadalaga na si Lorraine at magbibinata na si Carl. Darating ang panahon na bihira na lang din sila uuwi na mansion dahil magkakaroon na din sila ng kanya-kanyang prioirity. Of course kung saan masaya ang mga anak susuportahan ko sila."Happy?" Nagulat pa ako ng biglang nagsalita si Luther mula sa likuran ko. Nakangiti ko itong nilingon."Super! Pagkatapos ng mahabang unos na nangyari sa ating dalawa hindi ko akalain na may magandang umaga pa pala na darating sa atin. Thank you Luther! Ni sa hinagap, hindi na sumagi sa isip ko na magkakaroon tayo ng happy e
FIVE YEARS LATER ABBY POV Halos hindi mapatid ang pagtulo ng luha sa aking mga mata. Ito ang araw na pinakahihintay naming dalawa ni Luther. Ang araw ng aming pangalawang kasal.Kung noon ikinasal ako sa kanya na walang kahit ni isang pamilya sa tabi ko iba ng ngayun. Saksi sila Mommy at Daddy sa masayang pagsasama naming dalawa ni Luther sa loob ng ilang taon na muli kaming nagkabalikan. Alam nila kung gaano pinahahalagahan ni Luther ang aming pagsasama at ang buong pamilya.Naglalakad ako sa Isle habang maghigpit ang pagkakawahak ko sa aking wedding bouquet. Parang wala akong ibang nakikita kundi ang asawa ko na matiyagang naghihintay sa harap ng altar.Ang lalaking sa kanya ko naranasan ang impyerno ng buhay at hindi ko akalain na muli akong nakakaalis sa impyernong iyun sa pamamagitan niya. Ang lalaking pinalasap sa akin ang walang kapantay na sakit at ang walang hanggang kaligayahan. Hindi ko akalain na darating pa ang araw na muli kaming maging masaya dahil ako na mismo ang su
ABBY POVNaging masaya ang mga sumunod na araw sa aming pamilya. Sa wakas, naging maayos na din ang pagsasama namin ni Luther. Tinupad nito ang pangako sa akin na magiging mabuting asawa at ama ng mga anak namin na siyang lalo kong ikinatuwa. Iniiwasan na din namin na mapag-usapan ang tungkol sa mga nangyari. Hanggat maari gusto ko ng kalimutan ang mga masasakit na alaala na nagyari sa aming dalawa. Basta ang importante sa ngayun masaya kaming nagsasama ni Luther kasama ng aming mga anak. Sila Lorraine at Carl.Mabilis na lumipas ang mga araw at mga buwan. Naayos na din ang nasirang mukha ni Luther sa pamamagitan ng surgery. Parang wala lang nangyari dito. Normal ang lahat at ang pagsasama namin. Masaya ang kambal at balik iskwela na samantalang si Giselle naman ay balik iskwela din para maging Doctor. Nag-level up na siya...Ayaw na daw nyang maging nurse...Doctor na lang daw para malubos-lubos ang pagtulong nya sa mga taong may sakit.Balita nito nagkaayos na daw sila ng kanyang mga
ABBY POV"Why? May masakit ba sa iyo?" agad itong napalapit sa akin ng mapansin nito na naiyak ako. Agad naman akong umiling."No! Masaya lang ako dahil nandito ka na. Akala ko talaga patay ka na eh. Bakit ka ba naglihim? Handa naman akong alagaan ka eh. Ang daming luha tuloy ang nasayang sa akin." kunwari ay nagtatampo na wika ko dito. Agad kong napansin ang paguhit ng masayang ngiti sa labi nito. Pagkatapos ay masuyong hinaplos ang aking pisngi. Agad naman akong napapikit at naramdaman ko ang paglapat ng labi nito sa labi ko. Sandali lang naman iyun pero kakaibang saya sa puso ko ang aking naramdaman."I really miss you asawa ko! Gustong gusto ko ang paglalambing mo ngayun. Parang gusto ko tuloy sundan na ang kambal." wika nito. Agad naman akong napadilat at napatitig dito. Kita ko ang nakakalukong ngiti sa labi nito. Hindi ko napigilan na hampasin ito sa balikat. Talaga naman, masyadong mapagbiro ang asawa ko. Buntisan kaagad ang naiisip gayung kakauwi nya lang."Hmmmp mahirap man
ABBY POVHumupa na ang init sa pagitan naming dalawa ni Luther pero heto pa rin ako. Dilat na dilat at hindi pa rin makapaniwala na nandito sa tabi ko ang taong pinaniwalaan ko ng patay na at ilang buwan ko din ipinagluksa.Gosh...gaano ba kadaming luha ang nailabas ko noon? Paanong nangyari na buhay pa pala si Luther? Alam ba ito ng lahat ng mga taong nakapaligid sa amin? Muli kong tinitigan ang nahihimbing na mukha ni Luther sa tabi ko. May peklat ang kabilang bahagi ng mukha nito. Gayundin ang ibang bahagi ng kanyang katawan. Gayunpaman hindi pa rin nakakabawas sa aking paningin kong gaano ito kagandang lalaki. Siya pa rin ang dating Luther na nakilala ko. Siya pa rin ang Luther na minahal ko at ama ng aking mga anak. Mahina akong napabuntong hininga. Maraming katanungan na naglalaro sa isipan ko. Bakit ngayun lang siya nagpakita. May kinalaman ba siya sa pagbagsak nila Shiela at ang grupo nito? Alam ba ito nila Lester?Mahigpit itong nakayakap sa akin. Gustong gusto ko din madam
ABBY POVSa sobrang takot ko agad akong nagtalukbong ng kumot sa buo kong katawan. Kung multo man ang nakikita ko sana lubayan nya na ako. Baka kahit wala akong sakit sa puso, aatakihin ako dahil sa takot.Napaigtad pa ako ng biglang lumundo ang kama sa gilid ko. Diyos ko, mukhang pati dito sa higaan sinusundan nya ako. At isa pa...ano ito bakit naamoy ko sya? Hindi ako maaring magkamali.....amoy ni Luther ang naamoy ko ngayun. Bakit bigla-bigla na lang siya nagpaparamdam sa akin? Hindi ba siya matahimik sa kabilang buhay? May gusto ba siyang sabihin sa akin? Kailangan ko na bang tumawag ng ispiritista para kausapin siya at malaman kung ano ang dahilan ng bigla nyang pagpaparamdam?"Abby? Tulog ka na ba?" narinig ko pang wika nito. Hindi ko mapigilan ang biglang pagtulo ng luha sa aking mga mata. Pasimple ko pang kinurot ang sarili ko para masiguro kong gising pa ba ako. Baka kasi panaginip lang ang lahat. Pero hindi eh..nasaktan ako sa pagkurot ko sa sarili ko. Kung ganoon gising n