Share

CHAPTER 4

last update Last Updated: 2024-05-21 20:04:25

Velier Traizy Prenco POINT OF VIEW

"NANDITO ka nanaman! Stay away!" Sigaw ko habang tumakbo palayo kay Arkien na kanina pa ako hinahabol dito sa loob ng campus. Tuwang tuwa siya sa totoo lang.

“I told you! I would never stop until you pay your dept again!” sabi niya pabalik. Oo, kanina pa 'yan ganiyan, nagsisingil nanamn sa utang ko raw na hindi ko alam kung kailan ko hiniram.

Napatalisod ako sa isang malaking ugat ng puno na hindi ko namalayang mayro'n pala roon. Kamuntikan na akong tuluyang makakain ng lupa ngunit nasalo ako ni Arkien. Nang tuluyan niya na pala akong mahuli ay hinayaan ko nalang ang sarili kong buhat niya at 'di nalang ako tumayo o gumalaw. Tutal kahit anong gawin ko ay hindi ako makakaalis dito. Tumatawa siyang binuhat ako papunta sa isang bench. Umupo nalang ako roon at tulalang napatingin sa kawalan.

“Hey, are you okay?”

“Hindi, bakit naman ako magiging okay?” Sarkastiko kong sabi sa kaniya.

Tumaqa siya. “Lagi mo kasing kinakalimutan ang utang mo. Hindi mo bagay mangutang, kinakalimutan mo eh,” lakas loob na sabi niya sa akin. Napanganga ako.

“Ano ba kasing sinasabi mo nanaman! Wala naman kasi talaga akong utang ah!” Iniharap niya sa akin ang palad niya.

“Remember? I saved you again from your ex boyfriend and try to make you feel better until the end.” Napakurap ako sa sinabi niya. Until when ko ba sasabihin na 'I never tell you to do that.' sa kaniya?

“It just—”

“You even pointed your middle finger to me. Do you think a simple kiss would be enoug— ouch!” Inirapan ko siya ng paulit ulit dahil ang kulit kulit niya.

Ano nanaman ba ang dinadada nito? Sana madapa nalang siya kung puro ganiyan ang binabanggit.

“Serves you b!tch,” sabi ko at tumakbo paalis, narinig ko pa ang pagsigaw niya ng hindi makapaniwala.

Weeks past since nangyari ang bagay na 'yon and I can say nakakamove on na ako and I'm finally healing. Nasasabi ko 'yan kasi sa ilang beses kong nakita ulit siya at gano'n ay ginagawa ay wala ng gaanong epekto sa akin. Tinatamad na siguro akong masaktan o kaya naman napagod na ang puso kong maramdaman ang sakit. Final na na tatanggapin ko na lahat. Kahit kasi baliktarin ko ang mundo kung hindi nga siya ang itinadhana para sa akin walang kuwenta kung ipaglalaban pa.

Sa katunayan ngayon ay may dala dala akong malaking problemang dapat kong lutasin. Sunod sunod kasi ang gastosin ngayon at kailangan kong hatiin ang oras ko sa pagtatrabaho at pagaaral, parang wala na akong mailalaan sa pagtulog sa sunod sunod na gawain. Nangangailangan kasi ang pamilya ko ng pera sa probinsiya, madaanan ba naman ng bagyo at ilang araw na silang hindi nakakalabas doon. Pati ang bahay nga siguro ay nasisira na. Inaamin ko na mahirap lang kami, kung noon ay kaya pa naming tustusan ang pagaaral ss private school ngayon ay hindi na.

Malapit na rin naman akong mag graduate ng college, finally makakatrabaho na ako ng matiwasay.

Hindi ko na rin nakikita madalas si Arkien dahil nga madalas ako sa trabaho at tinatakasan ko lang siya focus muna ako sa goal ko. Pero ano kayang ginagawa niya ngayon?

Napailing iling ako nang marealize na bakit ko ba siya iniisip? Sino ba?

“Bakit ko ba iniisip ang lalaking 'yon!” Sigaw ko na siyang paglipad ng mga ibon sa puno.

“Sino? Ako ba?” halos mapatalon ako mula sa pagkakaupo nang may nagsalita mula sa tabi ko. Nanlalaki ang mga mata kong tumingin sa kaniya, hindi ko man lang namalayan na may katabi na pala ako.

“Oo— hindi ah! I just need a break.”

“Sinabing walang magbebreak.” Inirapan ko siya sa sinabi niya. “Bakit ka nandito? Paano mo nalaman na nandito ako? Ini-stalk mo ba ako? Kinikilabutan Naman ako sa 'yo.” Hinampas niya ako ng malakas. Totoo naman eh, bakit nandito siya? Eh halos walang tao rito, favorite place ko ang park na ito kasi hindi matao, itong bench na inuupuan ko ay may nakapalibot na mga halaman at bulaklak which is I found it a better place. Ang gaan kasi sa pakiramdam ng may mga halaman sa paligid mo while taking a fresh air.

“Kanina pa kaya kita nakikita, I even walk right in front of you pero hindi mo yata ako napansin kakaisip sa akin.” Kinurot ko siya sa tagiliran.

“Pinagsasabi mo? Bakit kita iisipin?”

“Totoo naman ha, sino pa ba 'yong binabanggit mong iniisip na lalaki other than me? Kung ex mo nanaman 'yan, please throw your brain.” Maasim ang mukha kong napatingin sa kaniya. Tumawa naman siya ng mahinhin dahilan para kumabog ang dibdib ko. W-Wait, why he look so handsome while laughing like that way? Kapag nakikita ko kasi siyang tumatawa ay akala mo wala ng bukas, he's actually handsome na kapag tumatawa pero, sa hinhin ng tawa kakaiba siya.

Parang hindi siya 'yong unggoy na hampas ng hampas sa akin. Kala mo naman babae.

“Mahuhulog laway mo.” Natauhan ako sa sinabi niya at biglaan niyang pagaangat sa baba ko upang takpan ang bunganga ko. Umiwas nalang ako ng tingin sa hiya.

“Dinala ko motor ko, tara kain.” Pagyaya niya na ikinailing ko. Kain nanaman wala na akong pera.

“Libre ko, let's go.” Hinigit niya na ako kaya wala akong nagawa. “Wait lang kasi 'di ba puweding ipunin mo nalang for your future?” sabi ko habang nagpapahila sa kaniya, sinusubukan ko siyang pigilan. “Ayaw ko kasi sa future ko lang naman, dapat tayong dalawa, future natin ba.” Humagalpak ulit siya ng tawa.

“Dadagdagan mo lang ang utang ko sa 'yo eh,” nanghihina kong sabi kasi totoo naman. Sisingilin nanaman ako nito non-stop.

“Enough, nagugutom ako.” Pagkarating namin sa lugar kung saan niya pinark ang motor niya ay roon na ako nagulat. “Big bike 'to ah. 'Di ba mahal ito?” Nanlalaki ang mata kong itinuturo ang bigbike na sinususian niya na.

“U-Uhm, niregalo lang sa akin—Yes right niregalo lang sa akin ng Tito ko,” sabi niya at umiwas ng tingin. “Big time siguro ang Tito mo.” Pabiro kong sabi at hinampas siya. Sumakay na rin ako. “Tara muna saglit sa apartment—”

“No, tuloy na tayo, kukuha ka lang naman ng pera mo eh, I told you libre ko na. Don't worry about that, kasasahod ko lang.” Wala na akong nagawa at napakapit nalang bigla sa kaniya dahil bigla niyang pinaharurot, muntik na akong mahulog sa totoo lang. “'Yong kaluluwa ko naman hayuf.” Reklamo ko. “Bakit? Naiwan ba? Kumapit ka kasi sa bewang ko. Sa tuhod mo ka naman nakakapit, kapag ba nahulog ka makakapitan mo pa ba tuhod mo?” Sigaw niya sa akin na hindi ko sinunod. Eh sa naiilang akong kumapit sa kaniya.

Narinig ko ang buntong hininga niya at biglang ibreneak ang sasakyan dahilan para mapasubsub ako sa likuran niya. Hinila niya ang dalawa kong kamay at siya na ang naglagay sa bewang niya, sa totoo lang ay iniyakap niya sa kaniya ang braso ko, mukha tuloy akong nakaback hug sa kaniya. Wala akong nagawa dahil pagkatapos no'n ay mabilis niya ng pinaandar ang sasakyan. Ayaw ko pa naman kasing mamatay.

KASALUKUYAN na kaming kumakain ngayon dito sa isang resto na nakita niya. Sa dami ng binili niya ay hindi ko alam kung mauubos namin.

“What would you like to do after college?” Basag niya sa katahimikan. Kanina pa kasi walang nagsasalita. Hindi naman kasi ako madaldal at itong si Arkien talaga ang dahilan minsan kung bakit ako nagsasalita.

Nilingon ko siya ng nakataas ang kilay. “Mag-aasawa,” pabiro kong sabi na ikinasalubong ng kilay niya. “You're still minor.” Ako naman ngayon ang napasalubong ang kilay. “4th year college na ako ano sa tingin mo ang age ko, 15?” Tumawa siya sa sinabi ko. “I forgot, 4th year college na pala tayo. Kung mag-aasawa ka, mag-aasawa na rin ako.” Nabilaukan ako sa sinabi niya.

“Biro lang eh, syempre magpapayaman muna ako, dapat rich wife ako.” Ngumiti siya sa akin. “Kailan mo ba balak magpakasal?”

Napatigil ako sa pagkain at tinitigan siya sa rami ng tanong niya. “Kapag 26 na ako. Ikaw?”

“Kapag 26 ka na.” Napatitig ako sa kaniya dahil seryuso niyang sinabi iyon. May kung anong kiliting bumalot sa loob ng katawan ko. Hindi ko kasi mahulaan kong may ibang kahulugan 'yon or nag aassume lang ako.

“Hindi ba puwedeng gumawa ka ng sarili mong disesiyon bakit kailangang nakabase sa age ko?” sabi ko nalang. “Eh sa ganoong taon ka nang ready akong pakasalan, why not.” Tuluyan akong nabilaukan, inabutan niya ako ng tubig at tatawa tawa pang kinabog ang likod ko. “What's wrong with you wowan?”

“I should be the one asking that.” Tumawa ulit siya ng malakas.

“Seriously, ilang anak ba ang gusto mo?” tanong nanaman niya na makapigil hininga.

“Dalawa lang.” Nagpigil ako ng tawa at humarap saglit sa likuran at umubo.

“Dalawa lang? I'll make that 20 if I will be your husband.”

“Luh?”

Related chapters

  • The Billionaire's Wife   CHAPTER 5

    Brylle Zion Mordred POINT OF VIEW(Friend of Arkien)—It is still 5:30 in the morning but I can already feel the warm of the sun. I'm in my room terrace while drinking some tea. I was enjoying the view and peace of the nature nang may tangang humampas sa akin. Masama kong tinignan ang dalawang unggoy na dumating, Eros and Fean na kung tumawa akala mo pinakamasayabg tai sa mundo.“What?” pagalit kong tanong sa dalawa at akmang ihahampas sa kanila ang baso na hawak ko.“Wala gusto lang namin bumisita,” sabi ni Fean at inakbayan ako.“Miss niyo nanaman ako kahapon lang tayo last na nagkita ha.” Pagbibiro ko sa kanila at umupo. “Oo, pa kiss nga—ouch!” Sinapak ko si Eros nang akma na niya akong hahalikan.Ang mga ito, nandito nanaman para manggulo. “Anyway, now I think about it, nasaan si Arkien ngayon?” sabi ko nang may ngisi sa labi. Napangisi rin sila dahil sigurado ay may naalala rin.“I don't know how to react. Siguro nasanay lang ako na hindi siya gano'n kasaya 'pag tayo kasama niy

    Last Updated : 2024-05-21
  • The Billionaire's Wife   CHAPTER 6

    Velier Traizy Prenco POINT OF VIEW—“Kyahhhhhh!” sigawan sa loob ng classroom dahil sa may event daw na mangyayari rito sa school. Wala naman akong imik dito sa tabi kasi. . .“I'm not interested,” sagot ko sa katabi ko dahil tinanong ako kung sasali ba ako.“Ha? Every 4 years lang daw 'yan eh minsan nga wala pa. Minsan lang mag ganito sa college, gagraduate na rin tayo sayang kung hindi ka sasali.” Napabuntong hininga ako sa sinabi niya. Minsan nga lang ito at last ko na sa college. Kaso, wala naman akong budget para rito. Sigurado ay malaking gastos ito sayang lang at ibigay ko nalang ang gagastusin ko rito sa pangangailangan ko.“Wala rin naman akong magiging partner eh, magastos din ito. Pagiisipan ko muna,” sagot ko nalang. Tumango tango naman siya. “Sabagay, pero sabihin mo lang kapag sasali ka, may make up artist ako, Incase you need.” Napangiti ako sa sinabi niya. Kahit papaano ay may kumakausap naman sa akin dito kahit subrang alap ko sa tao. May trauma kasi ako sa mga tao,

    Last Updated : 2024-05-21
  • The Billionaire's Wife   CHAPTER 7

    Velier Trazy Prenco POINT OF VIEW—“Te, bagay talaga kayo.” Bungad sa akin ni Jerin pagkapasok ko palang sa trabaho. “Paano mo ba kasi nasasabi 'yan? Ayos ka lang?” Pumasok na ako ng tuluyan sa loob at inayos ang gamit ko. Bumungad din sa akin si Kath na grabe ang ngisi at may nanunuksong tingin. “Hmm, grabeng titigan ba. Oy te, want ko rin 'yong gano'n, 'yong eye contact with same feelings with romantic music, dancing beneath the shining stars and moon!”“Luh?” Gulat ko sa sinabi ni Kath habang lumalapit kay Jerin.“'Wag kang lumapit sa akin te, kung gusto mo ma try, hanap ka sarili mong Arkien. Pero hindi 'yong Arkien ni Vel sa kaniya na 'yon eh.” Binatukan ko silang dalawa dahil hindi nanaman sila matigil.“Ang tagal tagal ng naganap 'yon, hindi niyo pa rin limot? Guys about that dance, it's nothing actually, nadala lang ako sa tugtug.” Pagpapaliwanag ko. Nakanganga lang nila akong tinignan.“Pero kahit na, malay mo may feelings din siya para sa 'yo.” Umiling ako, napaka impossi

    Last Updated : 2024-05-21
  • The Billionaire's Wife   CHAPTER 8

    Velier Traizy Prenco POINT OF VIEW—“Nakakainis. Nakakainis! Nakakainis talaga!” Sigaw ko habang nagwawala rito sa higaan ko. Idinukduk ko ang mukha ko sa unan habang umiiyak pa rin. Kahit anong gawin ko ay hindi ko talaga makalimutan ang nakita ko kanina.Actually kararating ko lang dito sa apartment at isinalampak ko na kaagad ang katawan ko sa higaan. Nawawalan ako ng gana sa lahat ng bagay. Bakit ba ganito ang nararamdaman ko? Hindi ba dapat maging masaya na lang ako kasi wala namang kami eh. Ano ba kasi 'yan kaibigan ka lang kasi bakit ba!Inabot ko ang plastic bag na puno ng pagkain. Naalala ko ang ice cream ko. Bumangon ako at matamlay na umupo habang binubuksan ang ice cream. Matigas pa naman siya buti nalang at hindi natunaw.Pagkagat ko sa ice cream ay nagising ako sa katutuhan na ako lang talaga ang may gusto. Na ako lang talaga 'yong assuming dito sa gilid na may gusto kami sa isa't isa. Panay ako singhot habang kumakain ng ice cream. Basang basa na ang pisnge ko kakaiyak

    Last Updated : 2024-05-21
  • The Billionaire's Wife   CHAOTER 9

    Velier Traizy Prenco POINT OF VIEW—“Hoyy! Good morning!”“Hm,” maikli kong sagot kay Jerin.“Wow ang cold, nagiging Elsa ka na ba?” Napapikit ako at parang maiiyak sabay nilagpasan siya.“Victims of love!—ay sorry po! Sorry!” Tumakbo ako papunta sa kusina at nagtago. Dahil pagkapasok ko sa trabaho ay marami na palang customers nakalimutan kong late na akong nakapasok ngayon.“HAHAHA keribels pa ba ang life te? Pasalamat ka maganda buses mo kung hindi lumayas na 'yong mga customers.” Mas napaiyak ako sa kahihiyan na bumungad sa akin. Ayaw ko na pala.Biyernes na ngayon at wala sana kaming pasok ngunit nag request kami na pumasok nalang, tutal nangangailangan ako ngayon balak ko kasing umuwi sa probinsiya sa weekends.“Ano ba kasing problema mo? You look so matamlay,” maarting sabi niya, tinignan ko siya ng inaantok na siyang ikinatawa niya at hinampas pa akoWala talaga ako sa mood ngayon para ngumiti. Mula kaninang pasikat palang ng araw ay wala akong ibang ginawa kung hindi ang tu

    Last Updated : 2024-05-21
  • The Billionaire's Wife   CHAPTER 10

    Velier Traizy Prenco POINT OF VIEW—Nawalan ako bigla ng gana umuwi sa apartment kaya pinatigil ko ulit ang taxi. Buti nalang at isang malaking eco bag na puno ang laman lang ang dala ko. Tumigil ako sa isang maliit na grocerihan at sa tabi nito ay mga parks na, may mga nakatayong stall at kahit ano. Alas singco na ng hapon pero marami pa ring tao sa paligid, pinagmamasdan ang paglubog ng araw. Pumasok ako sa grocerihan at napagisipan kong bumili ng graham crackers at ibang ingredients para sa mango graham na gagawin ko. Ibibigay ko bukas Kay Arkien para naman makabawi ako.Nasasaktan pa nga ako ngayon dahil ano pa nga ang reaksiyon niya ngayong Hindi ko siya tinignan at nagpasalamat man lang. Naaalala ko pa rin ang mukha niya noong tumingin ako sa kaniya. How to unsee ba?Pagkalabas ko ay mas dumami ang tao sa paligid at ang daming sasakyan ang dumadaan sa kalsada. Ito na uuwi na ako para magawa ko itong mango graham na ibibigay ko sa kaniya. Habang naghihintay ng nasasakyan sa gili

    Last Updated : 2024-05-21
  • The Billionaire's Wife   CHAPTER 11

    Velier Traizy Prenco POINT OF VIEW—“Mag le-leave ako ng 2 days siguro or 3?” Bungad ko kay Arkien na kararating lang galing bumili ng makakain.“Saan punta mo?” sabi niya habang tuwang tuwa sa pagbubukas ng ice cream.“Sa probinsiya, bisitahin ko lang kung ano ng nangyayari roon.”“Uhm, it's up to you. 2 days wouldn't hurt,” biglang sabi niya na ikinataka ko. “Wouldn't hurt you say? Layuan mo ako Arkien may sumanib nanaman sa 'yo.” Tumawa ako pagkatapos ngunit napatigil din nang samaan niya ako ng tingin.“Hatid na kita gusto mo?” Umiling iling ako agad sa sinabi niya. Alam ko kasi na marami pa siyang gagawin, may trabaho pa siya na dapat pasukan, alam kong marami siyang nagastos this past few days kaya dapat lang na mabawi niya iyon.“Bilhan nalang kita ng special recipe from probinsiya. Baka kasi hindi mo pa natitikman eh.” Pagbibiro ko na hindi ko namalayang sineryuso niya.“Is there's something like that?” Ako naman ang nagulat ngayon at tinitigan pa siya mabuti. “Seryuso ka tal

    Last Updated : 2024-05-21
  • The Billionaire's Wife   CHAPTER 12

    Velier Traizy Prenco POINT OF VIEW—“UUWI na ako,” sabi ko sa kapatid ko nang mahatid ko siya sa tapat ng pinagtatrabahuhan niya kung saan siya nakatira ngayon.“Bakit ate?” “Ano pang saysay kung sa bahay ako dederetso? Hindi ko pa sila kayang harapin. Siguro sa susunod nalang ako bibisita.” Napapabuntong hininga ako habang inaayos ang iba kong gamit. Alas otso na ng gabi.“Oo nga eh. 'Wag ka mag-alala ate, ibibigay ko 'to sa kanila. Alam ko na time kung kailan sila nagkakasama sa bahay at hindi. Pero sayang naman ang pinunta mo rito kung uuwi ka rin lang.” Ginulo ko ang buhok niya at ngumiti.“Hayaan mo na. Next time nalang ulit. Mag aral ka mabuti ha? Patapos na school year, tiisin mong pumasok kahit bumibigat na budhi mo—”“Ate naman eh.”“Sige na, para maabutan ko pa last trip baka maiwan na ako.” Tumango siya sa akin. Tinalikuran ko na siya nang makapasok na siya sa loob. Patakbo naman akong pumunta sa waiting shed para maghintay ng sasakyan.Uuwi na rin lang ako. Imbis na two

    Last Updated : 2024-05-21

Latest chapter

  • The Billionaire's Wife   EPILOGUE

    EPILOGUEWAKAS—1 year later“Kinakabahan ka?” Tinignan ko si Jairo kaya napatango ako.“Ewan ko kung anong klaseng kaba ito.”“Normal lang 'yan kapag ikakasal ka.” Tumawa ito kaya napailing ako.“Parang ikinasal ka na ah.”“Tara na nga naghihintay na groom mo.” Napangiti ako at kumapit sa kaniya. Oo siya ang maghahatid sa akin papunta kay Arkien. Nirequest niya ito at kahit ayaw ng iba na siya ang maghahatid sa akin at ang tatay ko nalang pero pinilit niya dahil gusto niya raw ako samahan.“Thank you.” Banggit ko sa kaniya at nagbukas na ang pintuan, dahan dahan kaming naglakad. 'Di ko naman maipaliwanag ang nararamdaman kong saya sa kalooban ko.“For what? I should be the one to thank you.” Napangiti ako lalo at nararamdaman ko na ng pangingilid ng luha ko.“No, ako dapat mag-pasalamat sa 'yo. Tinulungan mo akong makuha pabalik si Arkien, kahit na. . . ” Umiling iling siya at napatawa.“For you. Kahit gustong gusto kita, kung saan ka mas sasaya at kung sino talaga ang ama ng anak mo

  • The Billionaire's Wife   CHAPTER 58

    CHAPTER 58—“Aray ko! Sh!t kasi hindi marunong umiwas si Eros ng patalim ako tuloy lahat sumalo. Sinalo ko pa siya nong tumilapon siya dahil sa sipa. Feeling ko madudurog ang bones ko.” Reklamo ni Queecy habang hindi makagalaw sa higaan niya.Napatawa naman ako dahil kahit ako ay puno ng benda ang katawan at hindi makagalaw.“Kakatawa nga eh puno sila ng benda sa katawan kaysa sa atin. Look at Fean he looks mami.” Tumawa si Nav at napatigil din kaagad dahil sa sugat niya. Wala namang nagawa ang tatlo kung hindi ang manahimik nalang.“We didn't expect na may gano'n ede nag sanay rin sana ako like Velier.” Gusto kong magkamot sa ulo kaso hindi ko pala maigalaw ang kamay ko.“Ah so kayo na pala ang princess ngayon? Sige kami na ang prince tanggap na namin.” Umiling iling nalang ako habang pinapakinggan ang bangayan nila.“Look at you guys, parang wala kayong nararamdaman sa ingay niyo.” Dumating si Zack na naka wheel chair at napatawa.“Anong klaseng proops 'yan?” Pagbibiro ni Jairo na

  • The Billionaire's Wife   CHAPTER 57 CONTINUATION

    CHAPTER 57 CONTINUATIONARKIEN PAST POINT OF VIEW—Nagising ako sa isang puting kuwarto at para akong bagong silang dahil wala akong maalala kahit isa. Napatingin naman ako sa isang tao na napaka pamilyar sa akin. Wait I think I know her name? Sa tingin ko ay nakita ko siya.“W-Who a. . . are y-y-you?” Nahihirapan kong tanong dahil sa tuyo ang lalamunan ko.“It's me your wife!” Napataka ako dahil sa sinabi niya. I know her name, but I don't feel like I'm safe with her. Who is she?Halo halong kaguluhan ang nangyari sa akin kagigising ko lang. I saw many people na subrang familiar. Hanggang sa may isang babaeng hindi na nakalapit at napaiyak nalang ngunit siya ang pinaka familiar sa lahat. Why do it feels like I really know her?Days past magmula nang magising ako. Hindi pa man ako tuluyang gumaling pero gusto kaagad ni Czein na lumabas na at sa bahay nalang magpagaling.“Don't believe them okay? Sila ang dahilan kung bakit ganiyan ang naranasan mom I don't want you to suffer again. P

  • The Billionaire's Wife   CHAPTER 57

    CHAPTER 57Velier Traizy Prenco Point Of View—“Nakita ko na sila.” Bulong ni Queecy na may pinuntahan saglit at pagkarating niya ay may info na kaagad. Hindi niya na kami pinasama dahil may titignan lang daw siya.Kasalukuyan na nga kaming nakatigil sa gitna ng kagubatan para makapag plano at makapahinga ng kaunti.“Ang anak ko?”“Safe siya, mukhang ikaw talaga ang hinihintay niya roon. Maraming bantay sa paligid. Pero kailangan nating mag apura habang nag iingat,” sabi niya kaya napahinga ako ng maluwag.“Pero hindi puwedeng sabay sabay tayong magpapakita. Hindi niya alam na dumating tayo. Baka mas lalala ang sitwasiyon kapag nag sabay sabay tayo,” sabi ni Eros kaya napa isip kami. Hindi nga puwedeng basta na lang kaming susugod doon lalo na naroon ang anak ko. Sa pagkakakilala ko kay Czein ay hindi siya matitigilan kahit makap*t*y na siya dahil ang mahalaga sa kaniya ay makuha ang gusto niya.“Ako ang haharap.” Tumayo ako kaya napatingin sila sa akin.“Hindi mo kailangang maging b

  • The Billionaire's Wife   CHAPTER 56

    CHAPTER 56Velier Traizy Prenco Point Of View—NAPATAYO nga ako kaagad dahil nang lingunin ko na ang anak ko ay wala siya sa puwesto niya. May mga batang nagkukumpulan sa hindi gaanong malayo sa mesa at mukhang nagpapalaro nanaman ang clown. Lalapitan ko na sana ito para masiguro ko na naroon si Art pero nakita kong papalapit si Queecy at mukhang nag aapura siya.Taka ko siyang tinignan dahil sa mukha niya na kabado. Tinignan ako ni Jairo at sabi ko sa kaniya na hanapin niya ang anak ko.“Bakit?” Tanong ko kay Queecy. Hinawakan niya ako sa braso at lumingon sa paligid.“Nasaan ang anak mo?” Mukhang hinihingal pa siya dahil tinakbo niya yata ito.“H-Hahanapin ko pa nga lang. Saglit lang akong 'di tumingin 'di ko na alam kung nasaan.” Napamura si Queecy at mukhang nataranta kaya napakaba ako.“May nangyayari bang masama?” Ayaw ko sanang tanungin iyon pero hinila na niya ako.“Si Czein.” Hindi niya a nababanggit ang sinasabi niya pero nagkakaroon na ako ng clue sa nangyayari. Walang ano

  • The Billionaire's Wife   CHAPTER 55

    CHAPTER 55Velier Traizy Point Of View—Napaaga nga ang pag uwi ni Czein imbis na pagdating niya rito ay 1 day nalang kami pero 2 days pa bago kami aalis sa Island na ito. Tinanong ko nga kay Queecy kung bakit siya uuwi pero ang sinabi niya ay nalaman niya na nagsasama kami ni Arkien. May spy pala na random people rito. Hindi ko pa siya nakikita magmula kanina. Pananghalian nga nanaman at tahimik naman ang lugar. 'Di lumalabas sila Queecy at tanging sa cellphone ko lang sila nakikita. Kasama ko nga si Jairo ngayon at anak ko habang naglalakad kami rito sa tabing dagat. Panay pa ang angal ni Jairo dahil gusto niya raw lumangoy kaming tatlo kasi ayaw ko pa. Mataas ang araw at masa-sunburn lang kami. Nang makalayo kami sa hotel ay sa kabilang banda pala ay may mga tao rin. Tinignan namin ang stage na pinapalibutan ng mga balloons at mukhang may birthday party maya maya. Dadaan nga lang sana kami pero inabutan na kami ng invitation card. Nagtinginan nalang kami ni Jairo. “Hindi naman

  • The Billionaire's Wife   CHAPTER 54

    CHAPTER 54Czein Point Of View—“What the h**k is this?” Galit kong sabi habang hawak ang picture na magkasama si Arkien at Velier. Hindi ito nagiisa. Marami pa silang litrato“Ano bang ginagawa ng pinabantay ko? I told them na bantayan si Arkien at sabihin agad sa akin kung may lumapit sa kanya!” Napapayuko nalang ang kaharap ko. Akala siguro nila na wala akong kinuhang tao na magpapanggap na bisita lang. Kinuha ko siya para mag masid at kumuha ng litrato sa ginagawa ni Arkien.Sa galit ko ay nabasag ko ang flower vase na nasa tabi ko lang. Nag impake kaagad ako at pupunta na ako roon.“Ma'am. B-Bad news may kaunti nang naaalala si Sir Arkien!” Napatingin ako sa kaniya at hinawakan siya sa kuwelyo.“Ulitin mo ang sinabi mo! Hindi puwede 'to! Hindi puwedeng maalala niya ang nakaraan niya kahit katiting!”Mabilis ko ngang inutos na kailangan naming makarating doon kaagad. Kahit maalon dahil sa pagulan ay wala akong pakialam basta't makarating kami kaagad. Pagkarating ko ay dumeretso

  • The Billionaire's Wife   CHAPTER 53

    CHAPTER 53Velier Traizy Point Of View—“May anak nga yata talaga ako.”“Why did you say that?”“Everynight I dreamed about buying baby's thing. At humahalik ako sa tiyan. I don't know who is it.” Nandito ako sa likod ng pader ngayon at pinapakinggan ang pinag uusapan ni Zack at Arkien.“Good thing. Naaalala mo na ng kaunti ang iba. Just don't drink the capsule that you use to drink. Ano pa ang naaalala mo?” Hindi ko makita ngayon ang rekasiyon nila dahil nakasandal ako sa pader at sa likod nitong sinasandalan ko ay nakatalikod din silang nakaupo at nag uusap.“There have this woman I cherish the most. Sa dami ng panaginip ko siya ang ilang beses nang sumusulpot.” “Iniisip mo ba ni si Czein iyon?”“Not exactly.”Umalis na ako sa pagkakasandal at naglakad lakad. 'Di ko nga alam kung paano ko pa haharapin si Arkien pagkatapos kong magdrama sa harapan niya. Pero sa totoo lang ay gumaan ang pakiramdam ko na bigat magmula noong nasabi ko 'yon. Tipong ilang years ng nakabaon sa dibdib ko

  • The Billionaire's Wife   CHAPTER 52

    CHAPTER 52Velier Traizy Point Of View—KINABUKASAN nga ay nalaman namin Kay Zack na aalis si Czein, aalis siya rito sa Island ng apat na araw. Babalik siya kapag pauwi na raw. Importante raw kasi mabuti ang pupuntahan ni Czein kaya kailangan niyang iwanan si Arkien.Nagiwan nga siya ng mga magbabantay kay Arkien at talaga namang dinamihan niya para sure na walang makakalapit sa kaniya. Sa isang room nga ay ichinecheck ulit ni Zack ang kalagayan ni Arkien. Gaya ng nakasanayan ay nandito kami sa cabinet nagtatago.“What's wrong?” Tanong ni Zack kay Arkien dahil mukha itong matamlay. Iniisip ko naman na nami-miss niya si Czein ay parang pinipiga na ang buong pagkatao ko.“Nasasakal ako.” Tinignan naman ni Zack ang leeg niya.“Wala namang sumasakal sa 'yo.” Pareho kaming napabuga ng hangin ni Jairo dahil sa kalutangan niya.“That's not what I mean—I m-mean look at the outside, kailangan ba talagang bantayan ako ng ganiyan?” Naawa naman ako sa sinabi niya. Para na siyang walang freedom d

DMCA.com Protection Status