Halos dapit-hapon na nang maglakad palabas ng bilangguan si Jyla dahil pansamantala siyang nakapagpiyansa ng isang araw. Tangan ang isang papel na may nakasulat na address, sumakay siya ng kotse na nakaparada malapit sa gate ng piitan. Madilim na nang dumating sila sa tapat ng isang malaking mansyon na nasa kalagitnaan ng malawak na hacienda, halos paakyat na ng bundok. Nilapitan siya ng gatekeeper at iginiya siya nito sa isang kwarto sa loob ng mansyon. Pagpasok ni Jyla sa kwarto ay nalanghap niya agad ang masangsang na amoy ng dugo sa loob. Wala siyang maaninag kahit na ano kaya naman ganun na lamang ang gulat niya nang yapusin siya ng malalakas na mga braso. Dumampi pa nga sa mukha niya ang mainit na hininga ng lalaki. “Make me happy before I die, baby girl." Hindi mapigilan ni Jyla ang kilabutan sa narinig. “M-may sakit ka?” nanginginig na tanong ni Jyla sa lalaki. Nakaramdam siya bigla ng takot. “Why?” nanunuyang sagot ng lalaki. “Nagsisisi ka na bang pumayag ka sa pr
Jyla “You heard me,” turan ni Zion nang hindi man lang tinatapunan ng tingin si Jyla. Patagong nilamukos ni Jyla ang dulo ng suot niyang puting T-shirt na halos naninilaw na. “Kung joke man ‘to, Mr. Calvino, hindi nakakatawa.” Napapihit ng tingin sa kanya ang lalaki, nag-iigting ang panga. “Hindi ba ito ang gusto mong mangyari?” Agad na nagbawi ng tingin si Jyla matapos makita ang pagtiim ng bagang ng lalaki pero mabilis nitong sinapo ang pisngi niya at pwersahan nitong hinarap ang mukha niya rito. Noon lang napansin ni Jyla ang angking kagwapuhan ng lalaki. His fair angular face was emphasized by the dark stubbles on his chin. Di hamak din na mas de-kalidad ang suot nitong suit. Masyadong malayo ang estado nito kumpara sa kanya na ilang araw nang walang ligo at suklay. So bakit bigla itong mag-aaya ng kasal out of nowhere? At saka lang napansin ni Jyla ang nakamamatay nitong mga titig sa ilalim ng suot na salamin. She let out a smirk habang malumanay na inalis ang pagkaka
Zion “What?” lukot na lukot ang mukhang tanong ni Zion sa katulong. Naggpunta silang banyo at maabiliis niyang napansin ang nakasulat sa salamin na malalaking mga letrang kulay pula. HINDI KITA PAKAKASALAN! OVER MY DEAD BODY! Hindi maitatatwa ni Zion na seryosong-seryoso ang pagka-disgusto ng babae sa kanya base nga sa madugong pahayag nito na siyang kinagulat niya. Nagkamali nga lang kaya siya ng hinuha tungkol sa babae? “Find her. Hindi naman ‘yon basta-basta makakatakas!” Ayaw niyang mamatay ang ina niyang malungkot. *** Jyla Panay sugat at galos ang inabot ni Jyla sa pagtakas niya sa mansyon na iyon, lalo pa’t puro matitininik ang mga baging at iba pang halamang nakatanim sa gubat palabas ng kabundukan na iyon. Pero ang mga iyon din ang mga nakakapitan niya sa mga pagkakataong nawawalan siya ng balanse at muntik nang mahulog sa kanyang kamatayan dahil sa tarik ng landas pababa ng bundok. Muntikan pa nga siyang mahuli ng mga alagad ni Zion, mabuti na lang
Zion Halos isang buwan na rin ang nakalipas simula nang ipahanap ni Zion ang dalaga sa mga tauhan niya. Ang akala niya nagkamali talaga siya sa paghusga sa dalaga. Tapos ngayon malalaman niyang sa bar na nilalagi niya lang pala ito matatagpuan. He had really underestimated her masterful deceits. “Mr. Calvino, what’s going on?” nanginginig na tanong ng bar manager sa kanya. “How long has she been working here?” usisa niya sa lalaking halatang nangangatog sa presensya niya. “Isang buwan na rin po siya halos dto, Mr. Calvino.” Zion smirked at the realization. Isang buwan na rin simula ng tumakas ang dalaga sa pamamahay niya. Palabas lang talaga ang ginawang pagtakas nito. *** Jyla Punung-puno ng inis si Jyla kay Zion. Bakit ba napakaliit ng mundo. “Pakawalan mo ako, o tatawag ako ng pulis,” babala niya kay Zion. “Show some respect, Roxanne,” naiinis na sita sa kanya ng manager, at talagang pinandilatan pa siya nito. “He’s our most esteemed guest.” Makahulugan siyang tini
Freaking Zion Calvino? Of course! Sino pa nga ba ang inaasahan ni Jyla? May bahagyang ngiti sa mga labi ng lalaki habang nakatingin sa kanya. At ang natural na nakakasurang tono ng boses nito ay medyo magalang ngayon na kahit sino siguro ang makakarinig ay hindi maiiwasan ang mabuntis na lang nang bigla. “Let’s not bother mom for now, okay? Kailangan niyang magpahinga. If you need something, you can just tell me.” Napanganga na lang si Jyla sa nakita at narinig, lalo pa noong lumapit sa kanya si Zion at niyakap siya nito nang biglaan. Akala mo kung gaano ito kabait at ka-gentleman. “Anak, pag-usapan niyong mabuti ang kasal ninyo, ah? Huwag na huwag mong aawayin si Jyla, ah?” sigaw ni Zoey sa anak. “Of course! You don’t have to worry about that,” tugon ni Zion dito habang inaakay nito palabas si Jyla. Ang kaso ay pagkalabas na pagkalabas nila ng ward ay hinablot na naman ng lalaki ang pulsuhan niya at saka siya nito walang habas na hinatak palayo sa kwarto. Nang makarating sila
Pagkalabas na pagkalabas nila sa huwes ay agad na nagpaalam si Jyla kay Zion. “Since bawal naman ang bisita ng hapon, hindi na ako sasabay sa ‘yo pagbalik sa hospital. Bukas ko na lang pupuntahan si Tita Zoey,” aniya kay Zion. Wala naman sila sa harapan ni Zoey kaya hindi niya kailangang magpanggap na gusto niyang makasama ang lalaki. “Suit yourself,” malamig na tugon nito sa kanya. Sa loob ng kotse ay mausisang nagtanong si Johann Santiago kay Zion, ang sekretarya, assistant, bodyguard, at driver ng lalaki. “Sir, tingin mo ba hindi ka niya tatakasan?” Bahagyang umismid si Zion. “If she wanted to, hindi sana siya magpapakita sa bar na lagi kong pinupuntahan; hindi sana siya lalapit kay mama para humingi ng tulong. That recent escape was just one of her manipulative tricks.” “Okay, sir. If you say so,” tugon ni Johann. “Just drive,” medyo naiinis na utos ni Zion dito. Pinaharurot na nga ni Johann ang sasakyan at ni isang beses ay hindi tinapunan ng tingin ni Zion ang dalaga.
Zion “Babe, ayaw mo na ba sa ‘kin?” paawang sambit ni Gabby sa kabilang linya. Bigla na lang itong nagpanggap na humihikbi. “Naiintindihan ko. I gave myself to you that night because I like you so much. Pero hinding-hindi ko ‘yon pagsisisihan kahit hindi mo ako pakasalan.” Medyo nahimasmasan si Zion nang marinig ang mga katagang iyon. “I’m just… not free today. But tomorrow night works for me,” bahagyang pagpapaliwanag ng lalaki. “Really? Thank you, babe!” natutuwang bulalas ni Gabby. “Yeah, see you.” Iyon lang at pinutol na ni Zion ang tawag. Sa totoo lang, walang nararamdaman si Zion para sa babae. Pero hindi niya pwedeng ipagwalang-bahala ang pinagsaluhan nila ng gabing ‘yon, when he was at his lowest. Ibinigay nito ang sarili sa kanya, at dahil isa siyang disenteng lalaki, he had to marry her. Isa pa, natuklasan niya noong gabing 'yon na he was her first. Kung hindi nga lang nakiusap ang ina niya na pakasalan niya si Jyla ay malamang kinasal na siya kay Gabby. Ang tangin
Nagulat si Zion nang bumukas ang pintuan ng banyo. Agad namang napaigting ang panga ng lalaki habang tinitingnan ang babaeng walang saplot sa harapan. Mamula-mula pa ang mapusyaw na balat ni Jyla na halatang kaaahon lang sa bathtub. Medyo magulo ang basang-basa na buhok ng babae na abot balikat. Basang-basa pa rin ang maliit na mukha naman ng dalaga na halos kasinglaki lang ng mga palad ni Zion. Halos lamunin si Jyla ng hiya nang mga sandaling iyon. Pinasadahan pa niya ng tingin ang halos hubad ding katawan ni Zion bago niya naisipang isara ang pintuan. Pero nakaramdam siya ng kakaibang kaba nang maalala ang hitik na hitik na katawan ng lalaki. Napakalapad ng balikat nito at sa may bandang braso nito ay may dalawang kapansin-pansin na peklat kaya lalo itong nagmukhang delikadong kantihin. Mabuti na lang at may tapis itong tuwalya sa ibaba nito kahit papaano, hindi kagaya niya. “Anong ginagawa mo rito?” malakas na tanong niya. “I should be the one asking you that. Anyway, jus
ZionNapansin ni Zion ang mahigpit na pagkuyom ng kamao ni Gabby. Her slightly long nails that were painted white dug into her flesh. Despite that, magalang pa rin siyang tiningnan ng babae. “I’m sorry, Zion. I’m sorry dahil gusto kitang makita araw-araw. Alam kong ayaw mo sa ‘kin, na napipilitan ka lang sa ‘kin, pero ano bang magagawa ko? Mahal kita eh.” Halos masuka si Zion sa sinabi ng babae. He was so giving and so patient with her. Pilit niyang ignorahin lang ito dahil ayaw niyang mawalan ng respeto rito at pagbuhatan ito ng kamay. Pag ito talaga hindi pa umalis….“Zio—” magsisimula sana itong muli, pero hindi na niya natiis at sinakal na niya ito.“Paulit-ulit tayo, Gabriella! Saang parte ba ng pakakasalan kita ang hindi mo maintindihan? Do you really have to fucking disgust me every single day?” Namayani ang takot sa mga mata ng dalaga habang tinitingnan siya. Unti-unti na ring nawawalan ng kulay ang mukha ni Gabby. “Zion, sorry,” naluluhang pagmamakaawa ni Gabby sa kanya
“Alam ko ang mga dapat kong gawin at hindi, Zion,” aniya, mas kalmado sa nauna niyang sinabi. Pagkasabi ay umiwas na siya ng tingin sa lalaki at naglakad pabalik sa pintuan. Wala naman siyang utang sa lalaki, kung tutuusin. Kayang-kaya naman nitong ibawas ang inutang niyang singkwenta mil doon sa magiging alimonya niya sakaling maghiwalay na sila. Lahat naman ng ginawa ng lalaki ay para sa nanay nito. Hindi naman siya niligtas nito at inalagaan dahil gusto nito. Napipilitan lang si Zion na gampanan ang tungkulin nito bilang asawa niya dahil nga kailangan siya ng ina nito. Kaya walang saysay na umakto siyang mabait kay Zion. Isa pa ay alam naman na nito ang mga baho niya. Mabuti pang magpakatotoo na lang siya sa sarili at alagaan si Zoey hangga’t pwede. Hinintay niyang makarating si Zion sa pintuan saka niya ito inismiran. Then she took his hand and laced his fingers with hers, saka niya marahang hinila ang lalaki papasok sa loob. Zion wasn’t ready for that, kaya bahagyang nanlaki
ZionMay gumuhit na galit sa mukha ni Zion habang pinapanood niya ang wagas na pag-ngiti ng asawa kay Andrew. He was itching to wipe off that smug look on that bastard’s face, na para bang siguradong-sigurado itong may gusto si Jyla rito, pero hindi na lang siya nagsalita. Bumaba lang siya ng sasakyan nang hindi na niya matanaw ang sasakyan ni Andrew at nang makitang pumasok na sa ospital ang asawa. Bumaba na rin ang assistant niyang si Johann sa driver’s seat matapos igarahe ang sasakyan. “Kotse po yata ni Sir Andrew ‘yon?” pagpapaalam ni Johann sa kanya. “Binisita yata si Ma’am Zoey.”Hindi naman napansin ni Johann na bumaba ng sasakyan ni Andrew si Jyla. Mukha hindi rin nito napansin ang matamis na ngiti na ginawad ni Jyla kay Andrew at maging sa kasama nito. “That's complete bullshit,” sagot niya kay Johann. Wala naman kasi sa mga kamag-anak niya ang tumuring sa nanay niya na bahagi ng pamilyang ‘yon. Pero rinig niya kanina na tinawag ni Andrew na tita ang nanay niya. It was e
Jyla Napansin naman ni Andrew ang pag-aalinlangan ni Jyla. “Take it. That’s just merely ten thousand. Baka nga hindi pa yan kasya sa presyo ng camera, but at least, mababayaran mo na kahit kalahati, and makakamenos ka pa sa rental fee.” Hindi pa rin kumbinsido si Jyla sa sinabi ng amo. Napalingon si Andrew sa likod at nagtama ang mga mata nila ni Jyla. “What? Akala mo ba bibilhin ko ang kaluluwa mo sa halagang sampung libo? Huwag kang mag-alala, you can just pay me back sa sahod mo. And for your information, I don’t like you, okay?” “Take it already. Nangangawit na ako,” utos nito sa kanya. Mabilis na binalik nito ang mata sa kalsada Namula ang mga pisngi ni Jyla dahil sa kahihiyan bago niya kinuha ang pera rito. “Salamat, sir.” For some reason, hindi man lang siya naapektuhan ng pang-iinsulto nito, kumpara sa sinabi ng asawa kahapon sa kanya. Mas mabuti pa nga si Andrew at tinutulungan siya, financially, hindi gaya ng madamot niyang asawa. At mabuti pa si Andrew hindi siya pin
Napansin ni Jyla na mayroong katabing lalaki si Andrew sa sasakyan. Nagtama ang mga mata nila ng hindi pamilyar na lalaki at bahagya itong tumango na para bang binabati siya. May sumilay pa ngang ngiti sa mga labi nito.He looked like a nice guy, pero since kaibigan ito ni Andrew, sa malamang ay kaugali rin ito ng amo niya. “Okay lang ako, sir. Hindi naman mahirap sumakay ng bus dito,” umiiling na pagdadahilan niya sa lalaki. “Ano ka ba? Hindi naman nangangain ‘tong kasama ko. Si Dylan lang ‘to. Bespren ko!” biro pa nga ni Andrew. “Alam kong masyado kang naging busy ngayon dahil first day mo rito. But trust me, it will get better. Kaya sumakay ka na. Ihahatid na kita pauwi.” Napabuga muna si Jyla bago siya pumasok sa sasakyan ni Andrew. Balak sana niyang manahimik lang pero tiningnan siya ni Dylan bago ito nagsalita. “Hello, Mrs. Calvino. I have heard a lot about you from Andrew. I’m Dylan Sanchez, by the way.” “Jyla. Tawagin mo na lang akong Jyla,” pagtama niya rito. Una sa laha
Tutal ganun naman talaga ang buhay. Lagi siyang nasa ilalim at tinatapak-tapakan lang na parang langgam, lagi siyang pinaglalaruan. Wala siyang kakampi tapos ay wala rin siyang pera. Kaya tatanggapin na lang ni Jyla ang kapalaran niya. Pagod na pagod na siyang lumaban. Hinayaan na lang niyang gapusin ni Zion ang dalawa niyang kamay. Then she looked him in the eye. She realized how she wished he’d look at her differently, na hindi puno ng galit ang mga matang pinupukol nito sa kanya, na kung hahalikan man siya nito ay mararamdaman niya ang pagmamahal nito. Gusto tuloy niyang maiyak, pero siguro mamaya na lang, kapag tapos na ito sa gusto nitong gawin sa kanya. Suddenly, the corner of his lips curled into a sneer. Bigla itong bumaba ng sofa and he glared at her, his eyes were full of contempt. “I’m sorry to tell you, but you are never qualified to be my whore. I would never sleep with someone like you, but that doesn’t mean you are free to fuck someone else. Habang may isang buwan p
Napaatras si Jyla sa takot at pagkalito. The fucking darkness just reminded her of that night. And Zion’s deep and haunting voice… Bakit parang may pagkakapareho? Ang masakit lang ay hindi niya man lang namukhaan ang lalaking nakauna sa kanya. Umiling-iling siya at iwinaksi ang iniisip. The moment her eyes adjusted to the darkness, she calmed herself down and switched on the dim lights. Nakita niya ang pigura ni Zion na nakahalukipkip habang nakasandal sa sofa. Nakita rin niya ang isang hindi nakasinding sigarilyong nakaipit sa mga labi nito. Lukot ang buong mukha nito habang nakatingin ito sa kanya. Siya kaya ang tinatawag nito? Siya kaya ang hinihintay nito?“Bakit nan—” Itatanong sana ni Jyla kung bakit gising pa ang lalaki, kung bakit narito ito? Luminga-linga siya sa paligid, hinahanap si Gabby, pero mukhang wala na roon ang dalaga. Kitang-kita na ni Jyla ang poot sa mga mata ng asawa, kaya naman halos tumaas ang balahibo niya sa batok dahil sa kaba. “I said get over her
Zion Inignora ni Jyla ang mga patama ni Gabby at sa halip ay tiningnan si Zion. “Akyat lang ako saglit sa taas, iiwan ko lang yung bag ko pero aalis din ako agad. Babalik ako pagkatapos ng tatlo o apat na oras. Huwag niyo na lang akong intindihin,” malamig na pagpapaliwanag ni Jyla kay Zion.Walang ngiti o kaya ay bahid ng pagkagalit na mababanaag sa mukha ni Jyla. Parang wala lang rito ang makitang magkasama si Zion at Gabby. Halos mapikon tuloy si Zion dahil sa inasal ng asawa. At dahil doon ay gusto niya lalong inisin ito, hanggang sa makakuha siya ng reaksyon dito. Hindi niya rin maintindihan ang sarili. Pagkatapos nitong aminin ang tungkol sa paggamit nito sa ina niya, pagkatapos nitong aminin sa kanya ang pagbubuntis nito, at ang plano nitong pagpikot sa kanya, sinadya niya pa ring papuntahin sa bahay si Gabby. For what? To elicit some specific reaction from Jyla. Maybe, a tinge of jealousy. Isa pa, a part of him wanted to take his mind off Jyla, kaya rin niya pinagbigyan si
GabbyMedyo matagal ding nakamasid sina Gabby at ang mga magulang niya sa lounge ng emergency ward, kaya ganun na lang yata yung kaba nila nang biglang pumasok si Zion sa emergency room na galit na galit. Kitang-kita din nila kung paano alagaan ng lalaki ang asawa nito at ito mismo ang nagpababa ng lagnat ni Jyla. Ang tagal nilang nakatanga sa upuan matapos masaksihan ‘yon, kinakabahan na tuluyan na talagang nahulog si Zion kay Jyla. Pero saktong may kausap si Zion sa cellphone nang dumaan ito sa lounge nang hindi sila napapansin.“Go ahead. Bayaran mo na lahat ng bill niya. Don’t forget the receipts and make her pay for it afterward. Every. Single. Cent,” dining nilang malamig na komando ni Zion sa kung sinong kausap nito. Pagkarinig noon ay nabuhayang muli si Gabby at ang mga magulang niya. Ibig sabihin noon ay hindi pa rin maayos ang lagay ng relasyon ng dalawa at wala na yatang ni katiting na pag-asa na magustuhan ni Zion si Jyla. Posible na baka kinabahan lang ang lalaki dahi