JylaTuwing tanghalian ay dinadalhan ni Zion ang ina ng mga putaheng gawa sa restaurant o hindi kaya ay gawa ng kanilang personal na chef. Sinisigurado kasi ni Zion na makakakuha ng tamang nutrisyon ang ina sa mga kinakain nito. Ang kaso ay nagsawa na si Zoey sa mga pagkaing ‘yon. Matagal na rin yatang nagke-crave ito ng mga lutong-bahay lang na pagkain.Kaya ganoon na lang ang saya nito nang dalhan ni Jyla ito ng lutong ulam.“Mahal na mahal mo talaga ako, ah? Kapag may extrang pera ka, ako agad ang iniisip mong ilibre.”Kahit nga utang lang talaga ‘yon ay masaya na si Jyla na makahawak ng ganoong pera at mabahagian ng munting biyaya ang taong importante sa kanya.“Gusto mo po ba ng ganito araw-araw, ma? Dadalhan kita palagi. Sabihin mo lang po. Para sabay na tayong magtanghalian araw-araw.”Tama na rin siguro ‘yon para makapagtanghalian na din siya nang maayos simula ngayon. “Huwag kang maingay kay Zion, pero sa totoo lang nagsasawa na talaga ako sa mga dinadala noong tanghalian e
“Sasabihin mo ba kung anong kailangan mo o ibaba ko na ‘to?” Kahit na nagbabanta ay malamig at kalmado lang ang tono ng boses ni Jyla. “Ugh! Feeling ka naman masyado! Akala mo kung sino ka? Baka naman nagdedelusyon ka na niyan na gusto ka ni Zion? Wake up, Jyla! Pinadukot na nga kita at lahat pero hindi man lang niya ako sinaktan eh. I am still alive and kicking, pero siguro kung ikaw ang gumawa noon sa ‘kin, baka napatay ka na ni Zion,” mayabang na pahayag ni Gabby. “Tapos ka na? Sa susunod na tawagan mo ‘ko para sa mga walang ka-kwenta-kwentang mga bagay, sasabihin ko talaga sa mama ni Zion ang lahat ng pinaggagagawa mo. Seryoso, isa-suggest ko talaga na either lapnusin ‘yang mukha mo, ipapabaklas ko ‘yan sa mga tauhan niya. Sa tingin mo ba pakakasalan ka pa ni Zion kapag nangyari ‘yon? Noong mga pasa nga lang ang nasa mukha mo pinagtabuyan ka kaagad niya.” Natahimik ng ilang segundo ang nasa kabilang linya. Nai-imagine na lang ni Jyla na umuusok na ang ilong ni Gabby ngayon sa i
Dahil wala ang asawa, parang mas komportable si Jyla na magpuyat. At kung sakaling mauhaw man siya o magutom, ay malaya siyang makakalabas ng kwarto para magpuntang kusina. Hindi na rin siya maiilang na magpuntang banyo.Simula noong bata pa siya, sobrang hilig na niyang mag-drawing, hindi lang ng kung ano-ano, dahil ang pinakapaborito niyang i-drawing ay ang mga matataas na gusali. Nagsimula siya sa simpleng istruktura na may bintana bawat palapag. Pero ngayon ay iba’t ibang disenyo na ng istruktura ang ginagawa niya, mapa-twin tower man ito, may helipad, at may obelisk sa taas at kung anu-ano pa. Pero hindi lang panlabas na ang kaya niyang gawin, kahit pa ang mga detalye sa loob ng bawat kwarto ng bawat palapag. Kaya nga minabuti niyang kuhanin ang kursong architecture para sa kolehiyo. Parang sobrang lapit na niya noong maabot ang mga pangarap niya. But her dreams had come to a halt when she was imprisoned for murder. Gumuho ang mundo niya at unti-unti, natanggap niyang hindi na
Nayamot na naman tuloy bigla si Jyla. Nag-iwas kaagad siya ng tingin at naglakad papunta sa ibang daan. “Excuse me.” Sa lahat ng kinaayawan talaga niya ay yung mga kagaya ng babaeng ito. Halos wala na ngang pinagkaiba ang babae kay Gabby na mortal niyang kaaway. Tapos pareho pang may gusto ang dalawa kay Zion.Kung ang mga mayayamang lalaki ay pinaglalaruan lang ang damdamin niya pampalipas ng oras, ang mga babaeng mayaman naman wala nang ginawa kundi ang painitin ang ulo niya at pagdiskitahan siya. Ang hirap maging mayaman, walang magawa sa buhay at pera nila. Kagaya ng inaasahan niya, bigla na lang humarang si Lauren sa daraanan niya sana. “Wala ka na naman bang pera?” nang-iinis pang dagdag nito.“Ano naman sa ‘yo kung wala?” naiirita niyang asik dito. “Alam ko naman na pangarap ng mga kagaya mo ang makapangasawa ng mayamang lalaki para lang makaangat-angat sa buhay. Akala mo siguro mag-aala-Cinderella na ang buhay mo kasi hinalikan ka ni Zion doon sa party ng mga Calvino. Unfo
“Bakit mo naman kaya ako tutulungan?” nanunuri tanong ni Jyla kay Lauren. “Ikaw? Tutulungan ko? Asa ka naman.” Inismiran pa nga siya nito sabay tawa. “Aminado naman kasi tayo na may itsura ka kahit mukhang hindi ka naliligo, but still, Zion kissed you. At pati si Cullen ay pinag-i-interesan ka rin. Pero since pupunta ka sa cruise party na ‘yon with an ulterior motive, at least papangit ang tingin nila sa ‘yo, ‘di ba?” Kung wala lang siyang hawak na supot ng mga milk tea, baka napakamot na siya ngayon ng ulo sa sinabi nito. “Anong ulterior motive?” Alam naman niya ang kahulugan ng mga katagang ‘yon. Ang hindi niya maintindihan ay ang pakay ni Lauren.“Na mukha kang pera. And that you’re used to serving rich men.” Ilang segundo siyang nag-isip, pero hindi pa rin niya mapagdugtong-dugtong ang gusto nitong sabihin. “So gusto mo lang pumanget ako sa mga mata nila, gano’n ba?” Kung ‘yon lang naman pala, eh ‘di walang problema. As long as kikita siya ng pera. “Okay, deal!” pagpayag niy
“Bakit kailangan mong malaman kung sino ako? Para makapagpanggap ka? Hinding-hindi ako makakapayag na matali sa isang katulad mo ang apo ko!” Pinasadahan pa nga nitong muli si Jyla ng tingin mula ulo hanggang paa, naniningkit ang mga mata sa pandidiri.Sa mga mata nito, isa lang siyang babaeng nagbibigay ng aliw na hindi nga man lang maayos ang make-up. She looked so cheap, pathetic, and lowly.Kung may larawan lang ang isang babaeng mahilig mamikot, siyang-siya ‘yon, sa itsura ba naman niya ngayon.“Lo! Ano pong ginagawa mo rito ngayon?” pagtawag ni Lauren sa atensyon ng matanda pagkabukas ng pinto. Lumabas din ito ng tindahan. Nagkunwari pa talaga itong hindi nito sinadya na papuntahin ang matanda sa lugar. Napahalukipkip pa nga si Jyla sa babae, pero hindi mapigilan ni Lauren ang mapangisi pa lalo sa kanya. Hindi niya maintindihan ang takbo ng isipan nito. Nababaliw na yata talaga ito. Pinsan ni Cullen si Lauren sa ina. Pero dahil maagang namatay ang magulang ni Lauren, kinupkop n
Saka lang yata nakapagsalita si Marcelito nang makapasok na si Jyla sa fitting room. “Paano ba nagustuhan ng pinsan mo ang babaeng ‘yan? Akala niya yata may mahihithit siya kay Cullen. Ikaw naman, Lauren, huwag mo namang hayaang magkagusto ang pinsan mo kung kani-kanino!” asik ni Marcelito kay Lauren.Bago pa makapagdahilan si Lauren ay umalis na ang matanda. Nagmamadaling pumasok si Lauren sa store at naabutan siya nitong bihis na. “Jyla, I’m so sorry. Hindi ko ine-expect na pupunta bigla si lolo. Nalaman kasi niyang nakikihalubilo nga si Cullen sa—” hindi na tinuloy ni Lauren ang sasabihin dahil sinimangutan niya ito. “Kaya sinusundan kami ni Lolo Marcel kahit saan kami magpunta. Nabalitaan siguro niya sa mga tauhan namin. Madalas kasi magkwento ‘yon sa ‘kin si Cullen eh,” pagpapatuloy ni Lauren.Kanina pa nagpipigil si Jyla na tanggaling ang wig nito kasi nga grabehan din ito kung magsinungaling. Pero hahayaan na lang niya dahil meron pa siyang pakay dito. Inayos niya na ang tin
ZionThe design plan was hand-drawn and very detailed, pero hindi iyon ang ikinabigla ni Zion, pero dahil pamilyar sa kanya ang drawing na ‘yon. Kaparehas na kaparehas ito ng ginuhit ni Jyla noong nakaraan sa isa sa mga nilamukos nitong papel. It was good enough kahit noong una niya itong nakita sa nilamukos na papel. Ang tanging pinagkaiba lang ay kumpleto na ang disenyo ng nasa kamay ngayon ni Zion, kumpara sa nakita niya sa kwarto ni Jyla. And aside from that, marami ring modifications na ginawa ito. “Sinong nagbigay nito?” nanunuring tanong niya kay Simon at sa sekretarya nito. Nakalimutan ni Simon ang pangalan ng babaeng ka-meeting dapat nito, mabuti na lang at alam ito ni Kyline. “Sir, the architectural assistant of Summit Heights gave it to me, Miss Jyla Mendoza,” kalmadong sagot ng babae. Nakangiti pa nga ito. “Nasa lounge lang po siya, naghihintay.”Natigilan si Zion nang marinig ang pangalan ng asawa. “Let’s end the meeting here,” utos ni Zion sa mga taong naroon at mab
“Alam mo namang nasa trabaho ako, Gabby,” reklamo ni Jyla rito, pero sinarado na niya ang laptop at mabilis na niligpit ang cubicle niya. Handang-handa na sana siyang umalis. “Fine. Let’s just meet at four pm. Makakapag-undertime ka naman siguro,” kumpiyansang sagot ni Gabby.“Pupunta ako. Basta siguraduhin mo lang hindi mo guguluhin ang mama ni Zion!” banta niya rito. “Or else, mapipilitan talaga akong—” Biglang pumalatak ng tawa si Gabby kaya napahinto siya. “Jyla, why are you acting like you’re the real wife here? Nakalimutan mo yatang ako ang pakakasalan ni Zion? So why would I hurt his mom? That just doesn’t make sense.” Nakahinga naman siya nang maluwang sa sinabi nito. “Mabuti naman at naabot ‘yan ng kapiranggot mong utak,” pag-insulto niya pa rito. Nagulat pa siya dahil man lang ito nag-react sa panlalait niya. “I’ll be there at four.” Iyon lang at pinutol na ni Jyla ang tawag. Tumayo siya para sana magpuntang kantina dahil nga breaktime na rin. Mabilis pa namang magkaub
JohannKahit maulan pa ‘yan o malakas ang hangin, hindi rin basta-basta magdodobleng damit si Johann. Dadagdag lang kasi ‘yon sa timbang niya kapag nagkataon, at hindi siya makakakilos nang maayos. Pero hindi maiwasan ni Johann ang makaramdam ng kaunting saya dahil sa inasal ng asawa ng amo niya. Ni minsan ay hindi ‘yon ginawa ni Zion sa kanya. Kahit na matagal na silang magkakilala nito.Napalitan ng kalungkutan bigla ang naramdamang saya ni Johann nang biglang sumagi sa isipan niya kung paano nabuntis si Jyla. Kung susumahin ang linggo ng pagbubuntis ng babae, nasa piitan pa ito noong mabuo sa sinapupunan ang anak nito. He didn’t want to consider that she was harassed and was taken advantage of while in there. Kaya naman pinangako niya sa sarili na aalamin niya kung ano ang katotohanan sa likod ng pagbubuntis ni Jyla.Maganda pa naman ang dalaga. Kaya nga maraming lalaki ang lumiligid sa babae kagaya na lang ni Andrew at Cullen, at syempre, ang amo niyang si Zion. Maging siya ay
JylaHindi niya maiwasan ang mahiya dahil sa pagkakatitig ni Zion sa kanya pagkarating nito. Something felt wrong, pagkakita na pagkakita niya rito. Para bang bigla itong na-stress at napagod nang husto. Hindi naman ganito ang itsura nito kanina bago siya pumasok sa trabaho.Agad niyang nilapitan ito at niyakap pa nga niya ito. Her concern was genuine, walang bahid na pagkaplastik. And hindi niya inaasahan ay yayakapin din siya nito pabalik. And he hugged her even tighter. It was as if she actually brought him comfort. It felt so nice to be locked in his embrace. At matagal sila sa ganoong posisyon bago siya nagsalita. “Okay ka lang ba?” tanong niya rito nang hindi tinitingnan.Naramdaman niyang tumango ang lalaki kaya kumalas siya sa pagkakayakap dito at tiningnan ang mukha nito. Bigla tuloy siyang na-guilty. Dahil napakaganda ng gising niya kanina ay maganda rin ang performance niya ngayon sa trabaho. Tapos napabilis pa nga ang trabaho niya dahil sa napakabilis na processor ng nab
Zion“Ang tagal na rin pala noong huling nagkita tayo, iho. Nakapili ka na ba ng babaeng pakakasalan mo?” walang ekspresyong tanong ni Manuel kay Zion. Kasalukuyan silang nasa hapagkainan at nanananghalian.Sa isip-isip ni Manuel, Zion is already thirty-two. At sa edad na ito, dapat may anak nang nasa elementarya ang isang lalaki.Lalo lang sumidhi ang pagkayamot ni Manuel sa kanya dahil sa pananahimik niya. Ang kaso ay takot din ang matanda sa kanya, kaya hindi nito magawang singhalan siya at magalit sa kanya nang harap-harapan. “Kaunti lang ang mga natitipuhan kong babaeng para sa ‘yo. Ang babaeng kapatid ni Dylan na madalas kasa-kasama ni Andrew. I think she’s about twenty-two. Pwede rin naman ang anak na babae ng pamilyang Lim. Pero ang pinakagusto ko talaga para sa ‘yo ay ‘yong apu-apohan ni Marcel Fortejo.” Hindi man lang pinukulan ng tingin ni Zion si Manuel at nagpatuloy lang sa pagkain. Akala tuloy nito ay interesado siya kaya naman muli itong nagpatuloy. “Pamangkin daw ni
Zion“Okay,” mabilis na pag-sang-ayon ni Zion kay Manuel bago niya pinutol ang tawag. Pagbaling niya kay Gabby, pinilit niyang bawasan ang pagkakunat ng ekspresyon niya. Kagaya ng sabi ng doktora kanina, hindi dapat na-i-stress ang isang babaeng nagbubuntis. “You are already pregnant with my child, Gabriella. Kaya dapat nakatira ka na sa poder ko.” “No!” mariing pagtanggi ni Gabby. Una sa lahat, dapat munang palayasin ni Zion ang babaitang nakikitira sa bahay ng lalaki bago mapapayag si Gabby. “Alam kong hindi pa tayo kasal, Zion. Hindi pa ako isang asawa, pero isa na akong ina. I need to change. This child is my priority. At bilang isang ina, I have to set a good example para sa anak ko. Kaya pasensya na, Zion. Hangga’t hindi pa tayo kinakasal, I’m not moving in with you. Pero makakaasa kang aalagaan ko nang mabuti ang anak natin.” Parang biglang nagbago tuloy ang pananaw ni Zion kay Gabby, parang gusto niyang maniwala na nagbago na nga ito para sa anak nila. Saglit siyang nag-
Zion “Doon ka na muna sa bahay ko.” Really?” naluluhang paninigurado ni Gabby kay Zion. Punong-puno ng sakit ang mga mata nito. “Yes. ” Biglang nagbaba ng tingin ang babae. “Hindi mo kailangang gawin to, Zion. Hindi mo naman ako gusto. Si Jyla ang gusto mo.” Natigilan si Zion sa sinabi ni Gabby. Paano naman nito nasabi ‘yon?“Baka sabihin mo pinipikot kita. Ayaw ko ngang malaman mo na buntis ako, but dad found out. Ayokong ipalaglag ang anak ko, Zion. Pero hindi ito dahilan para itali mo ang sarili mo sa ‘kin. We can just live away from you.” “Not a chance. Sinabi ko sa ‘yo na pakakasalan kita. And that child will be my heir.” Lalo lang lumala ang pagluha ni Gabby nang marinig ang tinuran niya. “I want her examined. Call an Ob-Gyne and a sonographer. Ngayon din,” utos niya sa mga medical staff na naroon. Mabilis na tumalima ang mga ito. Walang sabi-sabing binuhat niya ang babae at pinasok niya ito sa operation room kung saan dapat itong operahan kanina. Sobrang saya ng dalaga
Zion“Bitiwan niyo ako!” Tila lalong nagpumiglas si Gabby sa kung sino mang gumagapos dito. Hindi yata’t hinablot pa ng babae ang cellphone sa ama. “Zion, sabihin mo kay papa na hindi ka pumapayag na ipalaglag niya ang anak natin. Hindi bale na kung ayaw mo sa ‘kin. Magpapakalayo-layo ako at bubuhayin ko nang mag-isa ang anak natin. Hindi ko sasabihin sa kanya na ikaw ang ama niya. Just please, let our baby live!” pakiusap ni Gabby sa kanya. “Where are you?” naaalarmang tanong ni Zion sa babae. Hindi mapakali ang mga ehekutibo habang pinapanood nila si Zion. Tila naramdaman naman ni Johann na may mali kaya ito na ang humarap sa mga ehekutibo. “That’s all for today. I-email ko po ulit sa inyo kapag nakapag-set na ng schedule si Sir Zion para sa susunod na meeting. Thank you.” Mabilis namang umalis ang mga ito habang eskendalosong pinupukulan ng tingin si Zion habang lumalabas ng conference room.Pagkaalis ng mga lalaki ay nag-aalalang tinanong na ni Johann ang amo. “Sir, ano pong n
Jyla Pagkatapos maligo ni Jyla ay masaya siyang nagbihis ng isa sa mga damit na binili nila ni Zion kahapon kahit hindi pa ito nilabhan. It was a cream loose business jacket and slacks na may puting sando na panloob. Rubber shoes naman ang naisipan niyang ipartner sa maluwag na damit at pantalon niya.Pagkatapos niyang patuyuin ang buhok ay naglagay siya ng hindi matingkad na lipstick at pulbo. Nakangiting lumabas siya ng kwarto at nang mapadaan siya sa kwarto ng asawa ay marahan niyang kinatok ang pintuan nito. Agad naman siyang pinagbuksan ni Zion na pupungas-pungas pa. “Sorry. Natutulog ka pa pala.” “It’s okay. Paalis ka na?” tanong nito sa kanya. Napapangiti niya itong tinanguan. “May niluto akong almusal. Kumain ka sana muna bago ka umalis. Salamat ulit sa mga damit, at lalong-lalo na sa laptop. Sobrang dali lang niyang gamitin, nasubukan ko na kagabi.” “Okay.” “Zion, sa dami kasi ng mga nagastos mo para sa ‘kin, kahit huwag mo na siguro akong bayaran kapag naghiwalay tayo
Nalilitong lumapit si Jyla sa asawa. “Bought this for you,” ani Zion sa kanya. Tinuro pa nga nito ang laptop na nasa mesa. Agad na umawang ang mga mata at labi niya. “What? Para sa ‘kin ‘yan?” pag-uulit pa niya. Napatakip siya ng bibig habang lumalapit sa asawa, naluluha ang mga mata. Alam na alam niyang compatible ang laptop na ‘yon sa paggawa ng disenyo dahil ganito rin ang gamit ng ibang mga designer sa opisina nila. At alam din niyang kung gaano ito kamahal.Hindi niya alam kung paano at bakit, pero bigla na lang niyang tinalon ang pagitan nila ng asawa at sumiksik sa katawan nito pagkatapos ipulupot ang mga braso bewang nito. “Thank you, Zion. Thank you.” Natigilan si Zion sa ginawa niya pero hindi man lamang ito nag-react kaya naman hindi siya agad natauhan. Pagkatapos ng maraming segundo ay saka lamang siya natauhan. She chuckled in embarrassment. “Sorry. Sobrang saya ko lang talaga sa binigay mo,” nangingiting sambit niya sa asawa. Para tuloy siyang tanga.Hindi pa rin n