ZionNapansin ni Zion ang mahigpit na pagkuyom ng kamao ni Gabby. Her slightly long nails that were painted white dug into her flesh. Despite that, magalang pa rin siyang tiningnan ng babae. “I’m sorry, Zion. I’m sorry dahil gusto kitang makita araw-araw. Alam kong ayaw mo sa ‘kin, na napipilitan ka lang sa ‘kin, pero ano bang magagawa ko? Mahal kita eh.” Halos masuka si Zion sa sinabi ng babae. He was so giving and so patient with her. Pilit niyang ignorahin lang ito dahil ayaw niyang mawalan ng respeto rito at pagbuhatan ito ng kamay. Pag ito talaga hindi pa umalis….“Zio—” magsisimula sana itong muli, pero hindi na niya natiis at sinakal na niya ito.“Paulit-ulit tayo, Gabriella! Saang parte ba ng pakakasalan kita ang hindi mo maintindihan? Do you really have to fucking disgust me every single day?” Namayani ang takot sa mga mata ng dalaga habang tinitingnan siya. Unti-unti na ring nawawalan ng kulay ang mukha ni Gabby. “Zion, sorry,” naluluhang pagmamakaawa ni Gabby sa kanya
JylaSamantala, hindi naman mapakali si Jyla habang nasa elevator siya. Pakiramdam niya ay may mangyayaring hindi maganda. Parang may kung anong nag-a-acrobat sa kalooban niya. Hindi niya alam kung dahil ba sa mga Palencia ‘yon, na may pinaplano na naman ba ang mga ito laban sa kanya. O hindi kaya dahil kay Zion,dahil sa pag-arte niya ng labis kanina? O si Andrew kaya ang may pinaplano dahil nga sa pagkakautang niya rito?Hay….Hindi niya tuloy maiwasan ang maalarma. Wala pa naman siyang laban sa mga taong nakapaligid sa kanya. Ang tanging magagawa na lang niya ay ang hintayin na matapos ang pekeng kasal nila ni Zion— kahit hindi niya gustong may mangyaring masama kay Zoey. Kapag nangyari ‘yon ay magpapakalayo-layo na siya sa lahat. Agad siyang dumiretso sa kwarto niya nang makapasok na siya ng bahay ni Zion. Kahit nga gutom siya ay tiniis na lang niya, kesa naman makasalubong pa niya si Zion at kuwestyunin nito ang ginawa niya kanina. Mabilis siyang humiga sa kama at nagtalukbong
Hindi namukhaan ni Jyla ang babaeng nagsuplada sa kanya, pero nakilala kaagad niya ang lalaking kasama nito. It was Cullen Fortejo. Saka lang niya naalala ang pinsan nitong si Lauren, ang nagtangkang umapak sa kamay niya doon sa party ni Zion dahil nga hinalikan siya ng magaling niyang asawa. Nagkataong nakaharang ang dalawa sa daraanan niya kaya hindi niya maignora ang mga ito.“Excuse me po,” magalang na pakikiraan niya. Tumabi rin naman ang mga ito at pinadaan siya. Pero napansin niya ang pasimpleng pag-irap sa kanya ni Lauren. At si Cullen naman ay medyo nakokonsensya siyang tinitingnan. Dumiretso siya sa kahera at hindi na nga pinansin ang dalawa. “Hello, good afternoon po. Nanghiram kasi ako ng camera kay Sir Lucio. Magbabayad lang sana ako ng renta.” “Ano pong pangalan nila?” magalang na tanong sa kanya ng dalagang kahera. Naka-orange na polo shirt ito at maong na pantalon, ang uniporme ng tindahang ‘yon. Maganda ito at maganda rin ang ngiting iginawad nito sa kanya. “Jyla
So hindi pala nawala ang camera at hindi lang niya ito nalagay sa bag. Akalain mo ‘yon? Hindi man lang niya naramdamang walang dumagdag na timbang sa bag niya. Likas na kasi itong mabigat sa dami ng mga dala niya palagi.Pero naalala niya kasi na nilagay na niya ito sa bag pero kinuha itong muli ni Lucio dahil meron lang itong tiningnan sa camera. Ang siste pala, nakalimutan niyang kunin itong muli sa lalaki. At nakalimutan na rin ni Lucio na ibalik sa kanya ang camera, kasi nagpaalam pa nga sa kanya ito noong lumabas siya ng store.Ibig sabihin, wala pala siyang kailangang bayaran ngayon. At maaari na rin niyang ibalik kay Andrew ang inutang niyang pera. “Ibig sabihin wala akong kailangang bayaran,” natatawang aniya. “Kahit nga renta eh hindi mo na kailangan bayaran. Pero ikaw bahala kung gusto mo pa ring magbayad. Joke!” pabirong sabi sa kanya ni Lucio. At nagtawanan pa nga silang muli. Siguro ilang minuto rin bago yata ang lumipas bago tumigil si Jyla sa pagtawa. “Salamat, Sir
ZionUmasim tuloy bigla ang mukha ni Zion. Sa mga mata niya, naglalandi na naman ang magaling niyang asawa. She even had the audacity to play hard to get with Cullen. Akala niya kasi ay siya lang ang ginaganito ni Jyla.“Sa pagkakaalam ko, sir, mahigpit ang pamilya ni Sir Cullen, lalo na pagdating sa babae. Paano kaya nakalagpas sa lolo ni Sir Cullen si Ma’am Jyla?” nagtatakang tanong pa rin ni Johann. Kilalang-kilala ni Zion ang mga Fortejo, at lalo namang kilala rin niya si Cullen. Lumingon sa kanya ang sekretarya at tinapunan lang niya ito ng mabagsik na tingin at kusa na itong nanahimik. Couldn’t he fucking read the room? At iyon pa talaga ang ipinagtaka nito? Halos lahat naman yata ng lalaki kayang manipulahin ng asawa niya.Napilitan nga siyang pakasalan si Jyla dahil sa pag-manipula nito sa ina niya. Tapos halatang pinagnanasahan ng pinsan niyang si Andrew ang asawa, something na hindi niya alam kung paano nangyari. Tapos ngayon ay nagdagdag pa ito ng panibagong lalaking may
JylaTuwing tanghalian ay dinadalhan ni Zion ang ina ng mga putaheng gawa sa restaurant o hindi kaya ay gawa ng kanilang personal na chef. Sinisigurado kasi ni Zion na makakakuha ng tamang nutrisyon ang ina sa mga kinakain nito. Ang kaso ay nagsawa na si Zoey sa mga pagkaing ‘yon. Matagal na rin yatang nagke-crave ito ng mga lutong-bahay lang na pagkain.Kaya ganoon na lang ang saya nito nang dalhan ni Jyla ito ng lutong ulam.“Mahal na mahal mo talaga ako, ah? Kapag may extrang pera ka, ako agad ang iniisip mong ilibre.”Kahit nga utang lang talaga ‘yon ay masaya na si Jyla na makahawak ng ganoong pera at mabahagian ng munting biyaya ang taong importante sa kanya.“Gusto mo po ba ng ganito araw-araw, ma? Dadalhan kita palagi. Sabihin mo lang po. Para sabay na tayong magtanghalian araw-araw.”Tama na rin siguro ‘yon para makapagtanghalian na din siya nang maayos simula ngayon. “Huwag kang maingay kay Zion, pero sa totoo lang nagsasawa na talaga ako sa mga dinadala noong tanghalian e
“Sasabihin mo ba kung anong kailangan mo o ibaba ko na ‘to?” Kahit na nagbabanta ay malamig at kalmado lang ang tono ng boses ni Jyla. “Ugh! Feeling ka naman masyado! Akala mo kung sino ka? Baka naman nagdedelusyon ka na niyan na gusto ka ni Zion? Wake up, Jyla! Pinadukot na nga kita at lahat pero hindi man lang niya ako sinaktan eh. I am still alive and kicking, pero siguro kung ikaw ang gumawa noon sa ‘kin, baka napatay ka na ni Zion,” mayabang na pahayag ni Gabby. “Tapos ka na? Sa susunod na tawagan mo ‘ko para sa mga walang ka-kwenta-kwentang mga bagay, sasabihin ko talaga sa mama ni Zion ang lahat ng pinaggagagawa mo. Seryoso, isa-suggest ko talaga na either lapnusin ‘yang mukha mo, ipapabaklas ko ‘yan sa mga tauhan niya. Sa tingin mo ba pakakasalan ka pa ni Zion kapag nangyari ‘yon? Noong mga pasa nga lang ang nasa mukha mo pinagtabuyan ka kaagad niya.” Natahimik ng ilang segundo ang nasa kabilang linya. Nai-imagine na lang ni Jyla na umuusok na ang ilong ni Gabby ngayon sa i
Dahil wala ang asawa, parang mas komportable si Jyla na magpuyat. At kung sakaling mauhaw man siya o magutom, ay malaya siyang makakalabas ng kwarto para magpuntang kusina. Hindi na rin siya maiilang na magpuntang banyo.Simula noong bata pa siya, sobrang hilig na niyang mag-drawing, hindi lang ng kung ano-ano, dahil ang pinakapaborito niyang i-drawing ay ang mga matataas na gusali. Nagsimula siya sa simpleng istruktura na may bintana bawat palapag. Pero ngayon ay iba’t ibang disenyo na ng istruktura ang ginagawa niya, mapa-twin tower man ito, may helipad, at may obelisk sa taas at kung anu-ano pa. Pero hindi lang panlabas na ang kaya niyang gawin, kahit pa ang mga detalye sa loob ng bawat kwarto ng bawat palapag. Kaya nga minabuti niyang kuhanin ang kursong architecture para sa kolehiyo. Parang sobrang lapit na niya noong maabot ang mga pangarap niya. But her dreams had come to a halt when she was imprisoned for murder. Gumuho ang mundo niya at unti-unti, natanggap niyang hindi na
Hindi maiwasang malungkot ni Jyla. Lumala na nang sobra ang kalagayan ni Zoey. Parang kailangan na niyang ihanda ang sarili niya. And Zion clearly drew a line between them. At dahil nakita ni Gabby ang pagpanig ni Zion dito, panigurado ay mamaya’t mamayain siya ng mga Palencia. She’s now vulnerable. For now, makukuntento muna siya sa mga bato bilang sandata, mabuti na lang din at gumana ang pananakot niya kay Gabby. Pero inisip niyang gumawa ng pepper spray mamaya dahil mahal ‘yon kapag binili niya pa. Nakarating na siya sa wakas sa construction site. Pero bawat minuto yata ay lumilinga-linga siya paligid. Natapos na ang oras ng trabaho at parang napagtanto ni Jyla na na-miss niya ang pagtatrabaho roon. Mas komportable siyang katrabaho ang mga lalaking construction worker. Walang nangmamanipula at nangmamata sa mga ito, walang pinagtitsismisan na mga katrabaho, pawang trabaho lang. Wala pang nag-uutos na magpabili sa kanya ng kung ano-ano.Ang kaso ay mailap pa rin ang pagbiyahe n
Lukot na lukot ang mukha ni Jyla habang tinitingnan ang babae. “Anong ginagawa mo rito? Nakuha mo na ang gusto mo, bakit ginugulo mo pa rin ako?” Maarteng humalukipkip si Gabby, at salitan ang pag-arko nito ng kilay habang hindi pa rin naaalis ang nakakainis na ngiti nito sa mga labi. “Yung totoo? Akala mo siguro papanigan ka ni Zion ‘no? Because he treated you nicely these past few days, you thought he’d choose you over me. Akala mo maagaw mo na siya sa ‘kin.” Habang lumilipas ang oras na tinititigan ni Jyla si Gabby ay lalo lang tumitindi ang kagustuhan niyang sakalin ito. Hindi dahil sa pinanigan ito ni Zion, pero dahil sa paulit-ulit na panggugulo nito at ng pamilya nito sa kanya at sa puntod ng ina niya. Hanggang ngayon ay nagtataka pa rin siya kung bakit siya pinadala ng ina sa mga Palencia, namatay na lang ito at lahat, pero hindi na talaga niya nalaman ang dahilan. Sinira lang ng mga ito ang buhay niya. Wala siyang balak na saktan si Gabby dahil ayaw niyang bumalik sa bila
Jyla Nang makarating sa kwarto ay mabilis na pinawi ni Jyla ang mga luha niya at nagsimula na siyang mag-empake ng gamit. Hindi na siya nag-abala na ilagay sa maleta niya ang mga pinamili ni Zion sa kanya na mga damit, maski ang laptop nitong binigay sa kanya. Mamaya ay isumbat pa nito sa kanya sa susunod. There’s no knowing what he’d do next. Mainam na rin ang maging maingat. Pero hindi niya maiwasang makaramdam ng panghihinayang. She loved wearing those. She loved using the laptop for work. Ngayon tuloy ay wala na siyang magagamit kapag kailangan niyang gumawa ng design sa bahay.Bahala na. Pagkatapos mag-empake ay inayos niya muna ang loob ng silid at nilisan ‘yon. Nagpakawala siya ng isang malalim na buntong-hininga at sinipat ang kwartong nilagi niya nang maraming linggo na rin. Matapos niyang masigurado na maayos ang lahat, mabigat ang mga paang lumabas na siya ng silid. Mabilis ang mga hakbang na dumiretso siya sa pintuan palabas ng unit at ni isang beses ay hindi man lang
“How dare you hurt Gabriella right in front of me.” Medyo malalim ang pagkakabanggit noon ni Zion, na para bang hinugot pa nito sa kaibuturan ng pagkatao nito ang boses. His voice wasn’t laced with anger or contempt. And Jyla thought he sounded so sexy, so dangerously sexy, tapos ay malamlam pa ang paraan ng pagkakatitig nito sa kanya ngayon. Hindi malaman ni Jyla kung ano ba ang una niyang dapat na maramdaman kaya namang paulit-ulit siyang napalunok. Matatakot ba siya dahil alam niyang pagbabantaan na naman siya nito dahil sa ginawa niya kanina? O mag-aalala ba siya dahil sa init na sumisingaw sa katawan nilang dalawa ngayon. Not to mention how his warm and smoky breath kept blowing on her face. Para siyang nagagayuma. Imbes na lumaban ay hinayaan na lang niyang hawakan ni Zion ang magkabila niyang pulsuhan. “Since I’ve shown you nothing but kindness this past few days, hindi ba dapat ganun din ang gagawin mo sa iba? Especially to the woman I am marrying someday?” He should be an
Zoey “Huwag kang mag-alala, Zoey. Kapag nagbalik na si Leo rito, sisiguraduhin naming maikasal kayo. May inaasikaso lang siya sa abroad. Kaya magpagaling ka, okay? Para doon ka na rin manirahan sa mansyon,” ani Agnes. Punong-puno ng pagkaawa ang mga mata ng matandaang babae dahil sa kalagayan ng manugang. “Ma….” Hindi maiwasan ni Zoey na lalong maging emosyonal. Muling nagyakapan ang dalawang babae, at maging si Jyla na nakikinig sa labas ng pintuan ay naiyak lalo dahil sa mga ito. Mabuting at maprinsipyong tao si Zoey. Kaya gumuho rin ang mundo niya noong malaman na pamilyadong tao na pala si Leo, at tatlo pa nga ang anak nito sa orihinal na asawa. Siyam na buwan na ang pagbubuntis niya kay Zion, saka lang nalaman ni Zoey na ginawa siyang kabit ni Leo na isa palang Calvino. Akala ni Zoey ay pinalampas na ng asawa ni Leo ang pagkakamali niya, dahil hinayaan lang siya nitong ipanganak nang maayos si Zion. At limang taong nabuhay nang tahimik si Zoey at ang batang Zion, at ginampan
Nanumbalik na naman ang dating malamig at hindi maipaliwanag na ekspresyon sa mukha ni Jyla. Kaagad na nawala ang malapad niyang ngiti at ang maningning niyang mga mata. All because of Zion. Hindi niya alam na ganun na pala siya kadaling maapektuhan ng lalaki. Nasiyahan naman si Andrew nang magbalik ang kaawa-awang mukha ni Jyla. He likes her better that way, when she’s desperate and vulnerable. Dahil mas kainteres-interes naman talaga ang isang babae kapag ang alam lang nitong gawin ay itulak ka palayo.“Gee. I was wondering why you’ve been so happy these days. Akala ko talaga ay may bago ka nang sugar-daddy. ‘Yon pala ay pinahagingan ka lang ni Zion ng kaunting bagay. Now you dare challenged his real woman. Were you always that naive, Miss Probi?” pagpapatuloy pa ni Andrew sa panglalait sa kanya.Wala siyang balak na sumagot sa mga pang-iinsulto nito. Hihintayin niya na lang na matapos muna ang pagbisita ng pamilya ni Zion kay Zoey bago siya pumasok doon. Napansin niya sa gilid
GabbyNaglahong bigla ang kumpiyansa ni Gabby sa sarili at nakaramdam siya ng pagkapahiya sa reaksyon ni Manuel Calvino pagkakita sa kanya. Dahan-dahan siyang umatras palapit kay Zion, humihingi ng saklolo. “That’s enough,” sita ni Zion sa lolo nito. “Hindi nakakabuti sa kanya at sa dinadala niya ang stress, lo. I would appreciate it if you treat her nicely.”Napanganga naman si Manuel sa ginawang pagkampi ni Zion kay Gabby at napatingin ito kay Agnes bago muling binalingan si Zion. Magsasalita pa nga sana ang matanda pero naunahan ito ng apo.“Kaya ko siya pinapunta ngayon dito ay para ipakilala siya sa ‘yo. Well, she’s the woman I’m going to marry, no matter what,” mariing pag-imporma ni Zion kay Manuel.“Masyado kang nagmamadali, Zion. Hindi porke’t nabuntis mo siya ay pakakasalan mo kaagad siya. We can just find someone better an—”Kaagad na pinutol ni Zion ang ideya ni Manuel. “I am marrying her for that very reason. Because she’s the mother of my child. So stop setting me up w
JylaHindi na alam ni Jyla kung paano pa magpapaliwanag kay Zion. Umurong na ang dila niya pagkatapos ng retorika nitong pahayag. Hindi niya alam kung ipagtatanggol pa ba niya ang sarili. Lalo namang hindi niya alam kung paano pa gagawin ‘yon, lalo pa’t halatang mas pinapanigan ni Zion si Gabby. Kahit naman siguro magdahilan siya, hindi siya nito papaniwalaan. Napakislot si Jyla nang maramdaman ang kung anong kumurot sa puso niya. Hindi na siya sanay na makita ang nakasanayan naman niyang salbaheng ugali ni Zion, noong para pa silang aso’t pusa. Akala niya ay okay na sila, pagkatapos siya nitong bilhan ng kung ano-ano, pagkatapos siya nitong alagaan, pagkatapos siya nitong pakitaan ng kabutihan.Nalimutan niya ang tunay niyang lugar sa puso nito. Kailanman, hinding-hindi nga pala siya ituturing nitong asawa. Guni-guni lang niya ang lahat. Pero mabuti na lang at nahimasmasan siya ngayon. Nagbaba siya ng tingin. Kagaya ng dati, hindi na lang siya ulit magsasalita. Kagaya ng dati, haha
ZionKakatapos lang ng meeting ni Zion kaninang mga alas nuwebe nang bigla siyang tawagan ni Manuel Calvino.“Zion, iho!” pagbati ng matanda sa kanya. Kaagad namang naningkit ang mga mata niya. Alam niya naman kasi ang pakay ng matanda sa tuwing tatawagan siya nito. “I realized you are right, iho. I am really sorry for what happened in the past. Ginawa lang namin ang kailangang gawin para maging maayos ang pamilya natin. Pasensya na kung pinatapon ka na lang namin sa kung saang bansa nang basta-basta. You didn’t deserve that. Your mother didn’t deserve to be separated from you. Kaya sana, bigyan mo kami ng pagkakataon na makausap si Zoey.”Hindi naman kaagad nakapagsalita si Zion sa narinig. Si Manuel Calvino ba talaga ang kausap niya? Napatingin tuloy siyang muli sa pangalang nakarehistro sa cellphone niya. It was really his grandfather’s number. Where the fúck is he going with this?“At dahil alam ko namang kaunting panahon na lang ang nalalabi kay Zoey, please give me the chance