So hindi pala nawala ang camera at hindi lang niya ito nalagay sa bag. Akalain mo ‘yon? Hindi man lang niya naramdamang walang dumagdag na timbang sa bag niya. Likas na kasi itong mabigat sa dami ng mga dala niya palagi.Pero naalala niya kasi na nilagay na niya ito sa bag pero kinuha itong muli ni Lucio dahil meron lang itong tiningnan sa camera. Ang siste pala, nakalimutan niyang kunin itong muli sa lalaki. At nakalimutan na rin ni Lucio na ibalik sa kanya ang camera, kasi nagpaalam pa nga sa kanya ito noong lumabas siya ng store.Ibig sabihin, wala pala siyang kailangang bayaran ngayon. At maaari na rin niyang ibalik kay Andrew ang inutang niyang pera. “Ibig sabihin wala akong kailangang bayaran,” natatawang aniya. “Kahit nga renta eh hindi mo na kailangan bayaran. Pero ikaw bahala kung gusto mo pa ring magbayad. Joke!” pabirong sabi sa kanya ni Lucio. At nagtawanan pa nga silang muli. Siguro ilang minuto rin bago yata ang lumipas bago tumigil si Jyla sa pagtawa. “Salamat, Sir
ZionUmasim tuloy bigla ang mukha ni Zion. Sa mga mata niya, naglalandi na naman ang magaling niyang asawa. She even had the audacity to play hard to get with Cullen. Akala niya kasi ay siya lang ang ginaganito ni Jyla.“Sa pagkakaalam ko, sir, mahigpit ang pamilya ni Sir Cullen, lalo na pagdating sa babae. Paano kaya nakalagpas sa lolo ni Sir Cullen si Ma’am Jyla?” nagtatakang tanong pa rin ni Johann. Kilalang-kilala ni Zion ang mga Fortejo, at lalo namang kilala rin niya si Cullen. Lumingon sa kanya ang sekretarya at tinapunan lang niya ito ng mabagsik na tingin at kusa na itong nanahimik. Couldn’t he fucking read the room? At iyon pa talaga ang ipinagtaka nito? Halos lahat naman yata ng lalaki kayang manipulahin ng asawa niya.Napilitan nga siyang pakasalan si Jyla dahil sa pag-manipula nito sa ina niya. Tapos halatang pinagnanasahan ng pinsan niyang si Andrew ang asawa, something na hindi niya alam kung paano nangyari. Tapos ngayon ay nagdagdag pa ito ng panibagong lalaking may
JylaTuwing tanghalian ay dinadalhan ni Zion ang ina ng mga putaheng gawa sa restaurant o hindi kaya ay gawa ng kanilang personal na chef. Sinisigurado kasi ni Zion na makakakuha ng tamang nutrisyon ang ina sa mga kinakain nito. Ang kaso ay nagsawa na si Zoey sa mga pagkaing ‘yon. Matagal na rin yatang nagke-crave ito ng mga lutong-bahay lang na pagkain.Kaya ganoon na lang ang saya nito nang dalhan ni Jyla ito ng lutong ulam.“Mahal na mahal mo talaga ako, ah? Kapag may extrang pera ka, ako agad ang iniisip mong ilibre.”Kahit nga utang lang talaga ‘yon ay masaya na si Jyla na makahawak ng ganoong pera at mabahagian ng munting biyaya ang taong importante sa kanya.“Gusto mo po ba ng ganito araw-araw, ma? Dadalhan kita palagi. Sabihin mo lang po. Para sabay na tayong magtanghalian araw-araw.”Tama na rin siguro ‘yon para makapagtanghalian na din siya nang maayos simula ngayon. “Huwag kang maingay kay Zion, pero sa totoo lang nagsasawa na talaga ako sa mga dinadala noong tanghalian e
“Sasabihin mo ba kung anong kailangan mo o ibaba ko na ‘to?” Kahit na nagbabanta ay malamig at kalmado lang ang tono ng boses ni Jyla. “Ugh! Feeling ka naman masyado! Akala mo kung sino ka? Baka naman nagdedelusyon ka na niyan na gusto ka ni Zion? Wake up, Jyla! Pinadukot na nga kita at lahat pero hindi man lang niya ako sinaktan eh. I am still alive and kicking, pero siguro kung ikaw ang gumawa noon sa ‘kin, baka napatay ka na ni Zion,” mayabang na pahayag ni Gabby. “Tapos ka na? Sa susunod na tawagan mo ‘ko para sa mga walang ka-kwenta-kwentang mga bagay, sasabihin ko talaga sa mama ni Zion ang lahat ng pinaggagagawa mo. Seryoso, isa-suggest ko talaga na either lapnusin ‘yang mukha mo, ipapabaklas ko ‘yan sa mga tauhan niya. Sa tingin mo ba pakakasalan ka pa ni Zion kapag nangyari ‘yon? Noong mga pasa nga lang ang nasa mukha mo pinagtabuyan ka kaagad niya.” Natahimik ng ilang segundo ang nasa kabilang linya. Nai-imagine na lang ni Jyla na umuusok na ang ilong ni Gabby ngayon sa i
Dahil wala ang asawa, parang mas komportable si Jyla na magpuyat. At kung sakaling mauhaw man siya o magutom, ay malaya siyang makakalabas ng kwarto para magpuntang kusina. Hindi na rin siya maiilang na magpuntang banyo.Simula noong bata pa siya, sobrang hilig na niyang mag-drawing, hindi lang ng kung ano-ano, dahil ang pinakapaborito niyang i-drawing ay ang mga matataas na gusali. Nagsimula siya sa simpleng istruktura na may bintana bawat palapag. Pero ngayon ay iba’t ibang disenyo na ng istruktura ang ginagawa niya, mapa-twin tower man ito, may helipad, at may obelisk sa taas at kung anu-ano pa. Pero hindi lang panlabas na ang kaya niyang gawin, kahit pa ang mga detalye sa loob ng bawat kwarto ng bawat palapag. Kaya nga minabuti niyang kuhanin ang kursong architecture para sa kolehiyo. Parang sobrang lapit na niya noong maabot ang mga pangarap niya. But her dreams had come to a halt when she was imprisoned for murder. Gumuho ang mundo niya at unti-unti, natanggap niyang hindi na
Nayamot na naman tuloy bigla si Jyla. Nag-iwas kaagad siya ng tingin at naglakad papunta sa ibang daan. “Excuse me.” Sa lahat ng kinaayawan talaga niya ay yung mga kagaya ng babaeng ito. Halos wala na ngang pinagkaiba ang babae kay Gabby na mortal niyang kaaway. Tapos pareho pang may gusto ang dalawa kay Zion.Kung ang mga mayayamang lalaki ay pinaglalaruan lang ang damdamin niya pampalipas ng oras, ang mga babaeng mayaman naman wala nang ginawa kundi ang painitin ang ulo niya at pagdiskitahan siya. Ang hirap maging mayaman, walang magawa sa buhay at pera nila. Kagaya ng inaasahan niya, bigla na lang humarang si Lauren sa daraanan niya sana. “Wala ka na naman bang pera?” nang-iinis pang dagdag nito.“Ano naman sa ‘yo kung wala?” naiirita niyang asik dito. “Alam ko naman na pangarap ng mga kagaya mo ang makapangasawa ng mayamang lalaki para lang makaangat-angat sa buhay. Akala mo siguro mag-aala-Cinderella na ang buhay mo kasi hinalikan ka ni Zion doon sa party ng mga Calvino. Unfo
“Bakit mo naman kaya ako tutulungan?” nanunuri tanong ni Jyla kay Lauren. “Ikaw? Tutulungan ko? Asa ka naman.” Inismiran pa nga siya nito sabay tawa. “Aminado naman kasi tayo na may itsura ka kahit mukhang hindi ka naliligo, but still, Zion kissed you. At pati si Cullen ay pinag-i-interesan ka rin. Pero since pupunta ka sa cruise party na ‘yon with an ulterior motive, at least papangit ang tingin nila sa ‘yo, ‘di ba?” Kung wala lang siyang hawak na supot ng mga milk tea, baka napakamot na siya ngayon ng ulo sa sinabi nito. “Anong ulterior motive?” Alam naman niya ang kahulugan ng mga katagang ‘yon. Ang hindi niya maintindihan ay ang pakay ni Lauren.“Na mukha kang pera. And that you’re used to serving rich men.” Ilang segundo siyang nag-isip, pero hindi pa rin niya mapagdugtong-dugtong ang gusto nitong sabihin. “So gusto mo lang pumanget ako sa mga mata nila, gano’n ba?” Kung ‘yon lang naman pala, eh ‘di walang problema. As long as kikita siya ng pera. “Okay, deal!” pagpayag niy
“Bakit kailangan mong malaman kung sino ako? Para makapagpanggap ka? Hinding-hindi ako makakapayag na matali sa isang katulad mo ang apo ko!” Pinasadahan pa nga nitong muli si Jyla ng tingin mula ulo hanggang paa, naniningkit ang mga mata sa pandidiri.Sa mga mata nito, isa lang siyang babaeng nagbibigay ng aliw na hindi nga man lang maayos ang make-up. She looked so cheap, pathetic, and lowly.Kung may larawan lang ang isang babaeng mahilig mamikot, siyang-siya ‘yon, sa itsura ba naman niya ngayon.“Lo! Ano pong ginagawa mo rito ngayon?” pagtawag ni Lauren sa atensyon ng matanda pagkabukas ng pinto. Lumabas din ito ng tindahan. Nagkunwari pa talaga itong hindi nito sinadya na papuntahin ang matanda sa lugar. Napahalukipkip pa nga si Jyla sa babae, pero hindi mapigilan ni Lauren ang mapangisi pa lalo sa kanya. Hindi niya maintindihan ang takbo ng isipan nito. Nababaliw na yata talaga ito. Pinsan ni Cullen si Lauren sa ina. Pero dahil maagang namatay ang magulang ni Lauren, kinupkop n
JylaFor a moment, Jyla and Zion remained entangled in each other’s arms. Ilang segundo o minuto na siguro ang lumilipas, pero walang nagtangkang kumalas sa kanila, wala ring nagtangkang magsalita. Parang saglit na tumigil ang mundo at hindi alintana sa kanila pareho kung may makakakita ba sa kanila. But good things never last, just like how the warmth of that fleeting embrace was supposed to fade.Si Zion ang unang kumalas, and just like that, nagbalik sila sa nakasanayan nilang pakikitungo sa isa’t isa. Blanko ngunit malamig na naman ang espresyon sa gwapong mukha nito, dahilan para hindi niya mabasa kung ano ang nasa isipan nito ngayon. But the remnants of tears remained in his hopeless eyes. At habang tinititigan ni Jyla ang mga mata ng asawa, lalo lang nadaragdagan ang kirot sa dibdib niya. Hindi niya tuloy magawang tapusin ang pag-agos ng luha sa mga mata niya.Ng-iwas siya ng tingin at pinunasan ang mga luha gamit ang kamay. Natuon ang mga mata ni Jyla sa puting polo ni Zio
Kaagad na napaatras si Jyla at akmang hihingi na sana siya ng paumanhin sa nakabangga niya nang mamukhaan niya ito. Walang iba kundi ang matapobreng si Marcel Fortejo, ang lolo ni Cullen. “Sorry,” medyo napipilitan na saad niya. Maglalakad na sana siya at lalampasan ang lalaki nang bigla itong humarang sa dadaanan sana niya. As usual, pinasadahan na naman siya ng tingin ng matanda mula ulo hanggang paa bago ito umismid. “Noong una kitang nakita para kang púta sa kanto! Ngayon mukha ka namang pulubi! What the fúck is wrong with you?” sita pa nito sa kanya. Ayaw sana niyang patulan ang pagtatantrums ng matandang ‘yon at sinubukan niya sanang maglakad pero hinarang na naman siya nito. “Bakit ba nakapabastos mo? Kinakausap pa kita!” Napabuga na lang si Jyla sa pagkainis at humalukipkip pa nga siya. “Ano pa bang problema niyo ho sa ‘kin? May bahid na rin ng pagkairita ang tinig niya. Kung tutuusin, mas bastos pa nga ito sa kanya. Hindi naman niya ito inaano pero kung makapanglait tag
ZionSaglit na napangiti si Zion sa nabasa. Agad din naman niyang pinawi ang ngiti nang makitang may nakasulat pa pala sa likuran ng card. ‘P.S.Alam ko kung gaano kahalaga sa ‘yo ang paninigarilyo. Mahirap kasing tigilan ang tanging bagay na nagpapakalma sa ‘yo, kaya sana gamitin mo ito para kahit papaano ay hindi mo masinghot ang abo ng sigarilyo. Sana ay alagaan mo pa rin ang sarili mo.Sincerely,Jyla.’Sa pagkakataong ito ay may katabing smiling emoticon ang pangalan ni Jyla na may halo pa na parang anghel. Hindi maintindihan ni Zion kung paano ito nasulat ni Jyla kung inorder lang naman nito sa online store ang produkto. Muli na naman siyang napangiti nang hindi niya napapansin. Nakaalis na lang at lahat si Johann at nakaakyat na siya unit nila ni Jyla, pero hindi pa rin napapawi ang pagkagaan na naramdaman niya mula ng matanggap niya ang regalo ni Jyla. Ang kaso ay binalot siya bigla ng lumbay pagkapasok niya ng bahay. Masyado na kasi siyang nasanay sa presensya ni Jyla, ka
JylaHalos lahat yata ng ugat ni Zoey ay naturukan na ng kung anong medisina para lang bumaba ang lagnat nito at para mabawasan ang sakit na iniinda, pero nanunumbalik lang ang sakit nito kapag humuhupa na ang bisa ng gamot. Hindi na rin nito naimumulat ang mga mata pero laging may luhang lumalandas mula sa mga mata nito. Pero tila naghimala ngayong araw at nagising ang matanda, at simula nang mamulat ang mga mata nito ay sinisigaw nito ang pangalan ni Jyla. At ganun na lang ang pagluha ng matanda dahil hindi mahagilap ng mga mata nito ang presensiya niya. Kaya naman pagkarating na pagkarating ni Jyla sa kwarto ng matanda noong hapong ‘yon ay kaagad niyang hinawakan nang mahigpit ang mga kamay nito kahit pa halos mapaso siya sa nag-aapoy nitong temperatura. “Ma, sorry, ma!” humahagulgol na paghingi niya ng paumanhin. Bakit ba kasi sa dinami-rami ng pagkakataon ay ngayon pa siya pinapunta sa construction site? Bakit ngayon pa siya hinarang ni Rolly? Bakit?Kung sana matagal lang si
Rolly“Lintek na babaeng ‘yon! Nagulat ako may nilabas bigla na cutter at inambahan ako ng saksak! Ang lakas ng loob! Matapos niyang batuhin si Gabriella ako naman ang sasaksakin niya!” protesta ni Rolly sa asawa at anak na ngayon ay nagkukumpulan sa mahaba nilang sofa. Kaagad namang umismid si Beth sa narinig. “Tingnan natin kung hanggang saan ‘yang tapang niya,” wala sa loob na usal ng babae habang nakatingin sa malayo. Kumunot ang noo ni Rolly sa sinabi ng asawa at bumaling siya ng tingin kay Gabby, nanghihingi ng impormasyon. Kaagad namang umiling si Gabby sa kanya. “I’m tired. Doon lang muna sa kwarto ko, ma, pa,” pagpapaalam ni Gabby sa kanilang dalawa. Hindi na nito hinintay pa ang pagpayag nila at tumayo na ito sa sofa at saka umakyat sa hagdanan patungo sa ikalawang palapag kung saan naroon ang mga kwarto nila. Wala silang nagawa kundi sundan lang ito ng tingin. “Hon, what are you talking about?” hindi matiis na tanong na niya kay Beth matapos masiguradong nakapasok na it
Hindi maiwasang malungkot ni Jyla. Lumala na nang sobra ang kalagayan ni Zoey. Parang kailangan na niyang ihanda ang sarili niya. And Zion clearly drew a line between them. At dahil nakita ni Gabby ang pagpanig ni Zion dito, panigurado ay mamaya’t mamayain siya ng mga Palencia. She’s now vulnerable. For now, makukuntento muna siya sa mga bato bilang sandata, mabuti na lang din at gumana ang pananakot niya kay Gabby. Pero inisip niyang gumawa ng pepper spray mamaya dahil mahal ‘yon kapag binili niya pa. Nakarating na siya sa wakas sa construction site. Pero bawat minuto yata ay lumilinga-linga siya paligid. Natapos na ang oras ng trabaho at parang napagtanto ni Jyla na na-miss niya ang pagtatrabaho roon. Mas komportable siyang katrabaho ang mga lalaking construction worker. Walang nangmamanipula at nangmamata sa mga ito, walang pinagtitsismisan na mga katrabaho, pawang trabaho lang. Wala pang nag-uutos na magpabili sa kanya ng kung ano-ano.Ang kaso ay mailap pa rin ang pagbiyahe n
Lukot na lukot ang mukha ni Jyla habang tinitingnan ang babae. “Anong ginagawa mo rito? Nakuha mo na ang gusto mo, bakit ginugulo mo pa rin ako?” Maarteng humalukipkip si Gabby, at salitan ang pag-arko nito ng kilay habang hindi pa rin naaalis ang nakakainis na ngiti nito sa mga labi. “Yung totoo? Akala mo siguro papanigan ka ni Zion ‘no? Because he treated you nicely these past few days, you thought he’d choose you over me. Akala mo maagaw mo na siya sa ‘kin.” Habang lumilipas ang oras na tinititigan ni Jyla si Gabby ay lalo lang tumitindi ang kagustuhan niyang sakalin ito. Hindi dahil sa pinanigan ito ni Zion, pero dahil sa paulit-ulit na panggugulo nito at ng pamilya nito sa kanya at sa puntod ng ina niya. Hanggang ngayon ay nagtataka pa rin siya kung bakit siya pinadala ng ina sa mga Palencia, namatay na lang ito at lahat, pero hindi na talaga niya nalaman ang dahilan. Sinira lang ng mga ito ang buhay niya. Wala siyang balak na saktan si Gabby dahil ayaw niyang bumalik sa bila
Jyla Nang makarating sa kwarto ay mabilis na pinawi ni Jyla ang mga luha niya at nagsimula na siyang mag-empake ng gamit. Hindi na siya nag-abala na ilagay sa maleta niya ang mga pinamili ni Zion sa kanya na mga damit, maski ang laptop nitong binigay sa kanya. Mamaya ay isumbat pa nito sa kanya sa susunod. There’s no knowing what he’d do next. Mainam na rin ang maging maingat. Pero hindi niya maiwasang makaramdam ng panghihinayang. She loved wearing those. She loved using the laptop for work. Ngayon tuloy ay wala na siyang magagamit kapag kailangan niyang gumawa ng design sa bahay.Bahala na. Pagkatapos mag-empake ay inayos niya muna ang loob ng silid at nilisan ‘yon. Nagpakawala siya ng isang malalim na buntong-hininga at sinipat ang kwartong nilagi niya nang maraming linggo na rin. Matapos niyang masigurado na maayos ang lahat, mabigat ang mga paang lumabas na siya ng silid. Mabilis ang mga hakbang na dumiretso siya sa pintuan palabas ng unit at ni isang beses ay hindi man lang
“How dare you hurt Gabriella right in front of me.” Medyo malalim ang pagkakabanggit noon ni Zion, na para bang hinugot pa nito sa kaibuturan ng pagkatao nito ang boses. His voice wasn’t laced with anger or contempt. And Jyla thought he sounded so sexy, so dangerously sexy, tapos ay malamlam pa ang paraan ng pagkakatitig nito sa kanya ngayon. Hindi malaman ni Jyla kung ano ba ang una niyang dapat na maramdaman kaya namang paulit-ulit siyang napalunok. Matatakot ba siya dahil alam niyang pagbabantaan na naman siya nito dahil sa ginawa niya kanina? O mag-aalala ba siya dahil sa init na sumisingaw sa katawan nilang dalawa ngayon. Not to mention how his warm and smoky breath kept blowing on her face. Para siyang nagagayuma. Imbes na lumaban ay hinayaan na lang niyang hawakan ni Zion ang magkabila niyang pulsuhan. “Since I’ve shown you nothing but kindness this past few days, hindi ba dapat ganun din ang gagawin mo sa iba? Especially to the woman I am marrying someday?” He should be an