“Nandito ako malapit sa mansyon ng mga Leviste.” malinaw kong sinabi sa kanya sa kabila ng pagbagsak ng mga luha ko. Hindi ko na iniisip pa kung anong mga consequences ko ngayon, alam ko kapag nalaman ito ni Stefan ay tiyak na magagalit ito. Iniisip ko ngayon ang sarili ko, mukhang ngayon ay masasabi ko ng hindi lang dahil ito sa inuutos sa akin ni Mama, kung hindi dahil kusa ko na itong ginagawa dahil mahal ko na si Stefan. Mahal ko na siya. Hindi naman ako naghintay ng matagal dahil dumating agad si Koen. Hininto niya ang sasakyan niya sa harapan ko, bababa pa nga sana siya pero sinenyasan ko siyang ‘wag na. Sumakay ako agad nang buksan niya ang pintuan sa front seat. “Today you are my passenger—”Hindi ko na siya pinatapos dahil inaasar na naman niya ako, “hindi ako princess.” Tumawa siya, “bakit? Sasabihin ko bang princess? Hindi mo kasi ako pinapatapos sabi ko passenger lang.” Inirapan ko ito, “bakit ka nandito?” tanong niya sa akin ng nahimasmasan na siya kakatawa. “W-wala
“Anong itatago ka dyan?” natatawa kong tanong sa kanya. Bakit naman niya ako kailangan itago? Pinakilala nga niya ako sa Lions University bilang fiancee niya.“You don’t get me, Calliste you’re so innocent, kung ano man ang dahilan ni Stefan, respetuhin natin ‘yun.” seryosong sagot niya sa akin. Naglakad na siya papasok sa Lomihan, sumunod na rin ako kahit pa ang dami kong katanungan sa kanya, eh, kilala ko si Koen. Hindi niya rin ako sasagutin. Nakahanap na siya ng upuan namin, ang ganda pa ng pwesto namin dahil kitang-kita mo ang Taal Volcano. Mapait akong napangiti, buhat ng maging magkakilala kami ni Stefan hindi pa kami nakakapunta sa public places katulad nito. Naiintindihan ko naman dahil sikat siya at baka pagkaguluhan siya ng mga tao o dahil hindi naman talaga tunay ang sinasabi niyang mahal niya ako kaya hindi niya ako kailangang ilabas sa mga ganitong lugar. Hindi manlang niya ako maaya sa ganitong klaseng kainan. Pero bakit ako nagrereklamo?! Alam kong bilang nalang sa
Iniabot niya sa akin ang cake, naluluha ako dahil sa lahat talaga ng tao miski sarili ko ay hindi ko naalalang birthday ko pala ngayon. Hindi niya talaga ko binibigo na pasiyahin sa tuwing may nangyayari sa akin. Hindi ko man siya tawagin para hingan ng tulong, kusa siyang lilitaw na kala mo alam at nakikita niya ang lahat ng nangyayari sa akin. “Mag wish ka,” sabi ni Koen sa akin ng akmang hihipan ko na dapat ang cake. “Close your eyes.” para pa akong batang sinabihan niyang isarado ko ang mga mata ko pero sinunod ko naman. Wish ko sana kahit malaman ni Stefan ang totoo sana hindi pa rin siya mawala sa akin at kung ano man ang pinaplano niya, sana ay hindi ang paglayo niya sa akin. Hinipan ko ang kandila, nagpalakpakan muli ang mga tao sa paligid kaya naman dumilat na ako. Nadatnan ko pang nakatitig sa akin si Koen. Heto na naman siya, hindi ko maibalik sa kanya ‘yung pagmamahal na kaya niyang gawin para sa akin. Kahit pa sinasabi niya lagi sa akin na maghihintay siya ay hindi ko
“Madame Calliste!” “Madame Calliste?!” Malalakas na pagtawag ng pangalan ko at pagkatok sa pintuan ng kwarto ni Stefan ang gumising sa akin. Napakusot ako sa aking mata nang dumilat ako dahil nasilaw ako sa araw na nakatapat sa aking mukha, umaga na pala o parang tanghali na. “Madame—”“Gising na po ako.”“Madame Calliste, pinapatawag po kasi kayo ni Sir Stefan sa kanyang library ngayon din po, ang totoo po niyan ay kanina pa po kayo pinapapunta doon.” sabi ni Mildred. Napabangon ako bigla nang ma’realize ko na hindi totoo ang mga nangyari?! Panaginip lang ba ang nangyari?! Naguguluhan ako, hindi totoong pumunta ako sa mga Leviste at kumain kami ni Koen ng Lomi Batangas at sinurpresa niya ako sa aking kaarawan? Ano nga bang petsa na ngayon?!Pumunta agad ako sa pintuan para pagbuksan siya, nang buksan ko ito ay hindi lang pala si Mildred ang nandoon kung hindi kasama niya si Mama. “Magandang umaga po, Madame Calliste. Mukhang napasarap ka ho ng tulog.” sabi ni Mama sa akin. “Hi
“Nananaginip ba ako?!” napalakas yata ako ng pagkakasabi dahil nagtinginan silang lahat sa akin. “No, Calliste! You’re not dreaming, Iha.” sabi ni Tita Zarina, natawa pa nga sila except sa kanyang Lolo na halata mo talagang ayaw na ayaw sa akin. “Calliste, when do you want to get married?” tanong ni Tito Savion.Hindi ko alam kung anong sasabihin ko, hindi ko alam kung anong isasagot ko. Ngayong pinag-uusapan na talaga ang tungkol sa kasal namin bakit parang hindi ako handang totohanin ang lahat? Natatakot ako na baka iwan na lang niya ako bigla kapag nalaman niya ang totoo. Kahit malamang naman ay gagawin niya iyon sa akin, pero hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko. “Decide now!” halos pasigaw na sabi ng Lolo ni Stefan kaya nagulat ako dahil katabi ko lang din siya ng upuan dahil ako na ang nasa dulo. Naramdaman ko ang paghawak ni Stefan sa aking baywang na parang sinasabi niyang magiging maayos din ang Lolo niya sa akin. “Unless you have a deep secret, kaya ka nagdadal
Boses pa lang kilala ko na kung sino ang tao sa likod nito.“Ano? Tuloy ba ang kasal?!” excited pa siyang tanong sa akin. “Ma, apat na araw na lang makukumpleto ko na ang hinihiling mo kaya ‘wag mo ng hintayin pa ang kasal namin. Tama na.” pakiusap ko sa kanya. Hinigit niya ang braso ko at mahigpit na hinawakan ito. “Ang kapal din ng mukha mo, ano?! Anong tingin mo, hahayaan kong maging masaya ka?!” “Mamaya sasabihin ko na kay Stefan ang tungkol sa naging plano natin.” pero ang totoo ay wala akong balak sabihin sa kanya ang totoo dahil buhat nang magpunta ako sa private studio art ni Stefan ay tumigil na ako sa plano na gustong mangyari ni Mama. “Bago mo pa sabihin sa kanya, ako na ang mauuna sayo. Ang laki ng ulo mo! Nakakalimutan mo yata lugar mo!” halos patapon niyang binitawan ang mga kamay ko. Umalis siya sa harapan ko at tila bumagsak naman ang katawan ko nang mapaupo ako sa sahig. Bakit ganito, alam ko sa sarili kong mahal ko na si Stefan, dapat masaya ako pero bakit gani
Umalis siya sa harapan ko at bumalik sa loob ng library. Sa halip na sundan ko siya ay umakyat ako sa kwarto naming dalawa. Nang nasa loob na ako ng kwarto ay hinanap ko agad ang susi sa private art studio niya, kailangan kong pumunta doon para manahimik na si Mama, pagkatapos kong kumuha ng kailangan ni Mama ay aayain ko na si Stefan lumayo dito sa lugar na ito, malayo sa Lolo niya, at mas malayo sa Mama ko, tapos na ako… tapos na akong tulungan ang pamilya niya, kahit pa sabihin ni Mama na kulang pa ang pangpa-opera ni Isla, hindi na ako susunod sa kanya, dahil huling beses na ito. Hindi na ako papayag na utusan niya akong muli sa bagay na ito. Puputulin ko na ang koneksyon namin ni Mama, kung hindi papayag si Stefan lumayo dahil sa business niya at sa kumpanyang hinahawakan niya, aalis ako. Hahanapin ko si Papa, sasama ako sa kanya. Ang kailangan ko na lang ay makapagtapos, ‘yun na lang ang isang bagay na kailangan ko para kahit anong mangyari ay hindi ako mahihirapan makahanap
Agad kong tinipa ang numero ni Koen, ilang tawag ang ginawa ko ngunit hindi siya sumasagot. Naghahalo ang nararamdaman ko, I feel like I'm living a lie. Why is the world playing this cruel joke on me?Nanginginig ang mga kamay kong tinipa muli ang numero ni Koen ngunit hanggang ngayon ay hindi niya sinasagot. Maaari kayang siya ang nagmamaneho ng sasakyan kaninang sinakyan nung babae? At sino ang babaeng iyon?!Hindi kaya si Margaux? ‘Yung panaginip ko ay tungkol sa kanya, hindi kaya ay siya talaga ang isang ‘yun? Lalong bumilis ang tibok ng puso ko, hindi ko na alam kung paano pa ako hihinga dahil naninikip ang dibdib ko. Mariin akong pumikit at huminga akong malalim, nasasaktan ako. Alam kong kasalanan ko lahat ng ito at dumating ako sa puntong ito, kasalanan ko naman lahat ‘to. Mayamaya lang ay dumating na ang McTaxi, kahit nanghihina pa ako ay pinilit kong sumakay na dito, kung hindi ko pa pipilitin baka madatnan pa ako dito ni Stefan. Nagpahatid ako sa apartment na tinutulayan
Ang higpit ng yakap ko sakaniya na tila ba ayoko ng bumitaw pa, namiss ko ng sobra ang kaniyang amoy lalong lalo na ang kaniyang boses. Tunay nga ang kasabihan na pag naramdaman mong malungkot ka darating yung isang bagay o tao na makakapagpasaya sayo.Naramdaman ko ang kaniyang malalim na paghinga dahilan kung bakit ako humiwalay sa pagkakayakap sakaniya."Love?" tawag niya na nakapag pangiti sakin HAHAHAHA hanggang ngayon kinikilig padin ako."Akala ko bukas ka pa uuwi? kung alam ko lang na ngayon edi sana umuwi kami ng maaga, si Jax kasi nag aya pa sa Manda. Kamusta flight mo?? akala ko nakatulog ka kanina habang magkatawagan tayo hindi kana kasi sumagot. I miss you so much!!! I love you i loveee youuuu!!!" sabi ko sakaniya, hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko at hinalikan niya ako sa aking noo, hayy nako lalo akong kinikilig!!!!"Gustong gusto ko na kasing makita ka, hindi mo alam kung gaano kita kamiss. Hayy nako Calliste Cassandra!!! Kaya ako naiinis kanina kasi hindi mo si
"Si Stefan yun miss na daw niya kayo, inaasikaso niya din ang kasal. Eh tumatawag daw siya sayo ilang beses na hindi ka daw sumasagot pati sayo Amara wala daw sumasagot sainyo kaya sakin na siya tumawag sabi ko nga baka natabunan kayo ng iba't ibang flavor ng cakes kaya nagstay nalang ako sa parking lot" sabi ni Jax samin na napangiti naman ako.Kinuha ko ang cellphone ko sa loob ng pouch ko at nagsimula na akong magcheck ng chats and calls niya. Talagang napakadami 61 missed calls tapos yung chats niya umabot ng 142 CHATS???!!!! Talagang napakanganga ako ano kaya nangyari dito. Nagsimula na akong magbasa ng mga chats niya saakin ng bigla naman siyang tumawag."Why didn't you pick up all my calls?! I've been trying to call you so many damn times!! and you're not even replying all my chats, kahit isang chat wala kang sineen!!!" eto na agad bungad ni Stefan sakin ng masagot ko ang tawag niya. hello?? wala manlang kamusta jan?? hayy galit nanaman si Boss Stefan!! HAHAHAHA"Hehehe hiiii?
Calliste's POVLimang taon na din pala ang nakalipas, sa limang taon na yon ang dami kong natutunan, ang dami kong aral sa buhay na kailangan kong tandaan araw araw noon hanggang sa nakasanayan ko nalang gawin at itatak sa isip at puso ko. Ang saya lang na pinaliligiran ako ng mga positibong tao. Na hindi lang si Jax ang naging kaibigan ko. Oo, totoo hindi lang isa ang nadagdag sa mga kaibigan ko kundi dalawa.Hindi ko makakalimutan ang mga sinabi ni Jax saakin noon upang pakalmahin ang isip ko."Kaya mo 'tong laban na to Calliste, kaya mo! Kakayanin mo. Kasi nandito ako, ituloy mo ang laban mo. Life must go on! Keep going. Hindi kita iiwanan, anong gusto mo? San mo gustong pumunta? Pupunta tayo kahit saan pa yan, sasamahan kita kahit saan basta ipangako mo saakin na lalaban ka. Okay?? Nawala man ang Mommy mo, nawala man ang Daddy mo pero promise me ipagpapatuloy mo ang pangarap mo. Tuloy lang ang buhay. Kung hahayaan mo ako sasamahan kita sa bahay niyo, kahit isa o dalawang buwan lan
"Let me drive for the both of you, matagal makapag pabook ng lalarentcar dito medyo looban pa kasi 'tong lugar, tara na!" Tumayo ako at tumingin ako kay Calliste na wala padin sa sarili, nakatitig lang din siya saakin na tila nagtataka to help may mali ba don?? Sa halip na makipagtitigan lang ako sakanilang dalawa ultimo si Tim at ibang customers na nakatingin din sakin hinila ko si Calliste na nakaupo lang din sa harapan ng kinatatayuan ko, ni hindi ko narinig na umangil o di manlang niya binawi ang kamay niyang hawak ko ngayon, tinanguan ko si Stefan at kinuha naman ni Stefan ang bag ni Calliste na naiwan niya sa sofa. Nauna na kaming lumabas ni Calliste habang hinihintay si Stefan."Let's go! I just want to help wala naman akong lakad ngayon kaya ako na mag hahatid sainyo kung saan man kayo pupunta" sabi ko kay Calliste at nakita ko ang reaction niyang paiyak kaya ako nataranta, sa sobrang taranta ko niyakap ko siya bigla. 'Di naman siya nagpumiglas, wala siyang reaction siguro nga
Stefan's POVPapunta ako ngayon kung saan ako madalas isama ng aking Ina, kung saan ako madalas pumupunta pag gusto ko ng tahimik na paligid at kung saan ako madalas pumunta pag gusto kong makapag isip ng mabuti. Sa Cafe Adelina bandang Silang, Cavite.Pababa na sana ako ng aking kotse ng makita ko ang babaeng lagi kong napapansin sa school ko noong college ako. Ang ganda ganda niya talaga, hindi siya katangkaran siguro mga nasa 5'3 ang height niya, morena ang kulay ng kaniyang balat, bagay na bagay sakaniya ang mga bilugang mata niya at naging dagdag sa ganda niya ang mahabang buhok. Napapansin ko siya dahil isa siya sa c-singer ng school namin. Parehas kaming course which is BA in Communication. 4th year ako nun 3rd year college siya, So I bet graduating student siya ngayon.Tuluyan na akong lumabas ng kotse at ng malapit na akong makarating sa kinatatayuan nila narinig ko ang lalaking lagi kong napapansing kasama niya nung college pa ako. BF niya siguro 'to."Hindi kaya mapagalitan
Calliste's POVAfter 13hrs and 32 minutes Ladies and gentlemen, welcome to Milan Malpensa Airport. Local time is 8:32 in the evening and the temperature is 8'c.For your safety and comfort, please remain seated with your seat belt fastened until the Captain turns off the Fasten Seat Belt sign. Please check around your seat for any personal belongings you may have brought on board with you and please use caution when opening the overhead bins, as heavy articles may have shifted around during the flight. If you require deplaning assistance, please remain in your seat until all other passengers have deplaned. One of our crew members will then be pleased to assist you.On behalf of Timeless Airlines and the entire crew, I'd like to thank you for joining us on this trip and we are looking forward to seeing you onboard again in the near future. Have a nice evening!" sabi ng Flight attendant ng Timeless Airlines"grabeeeeeeee!!! I can't believe na nasa Italy na ako!!!" manghang-mangha na
Hindi ko alam kung anong pinasok ko—kung bakit ba naman ako pumayag. Alam ko naman sa sarili kong hindi ako marunong mag volleyball at lalo na ang mag basketball. Kunot-noo akong tiningnan ng teacher namin, alam ko sa tingin niyang ito ay pinapahiwatig niyang nagtataka siya sa akin. “ar-are you sure, Ms. Garza?” Pagkumpirma niyang muli.Napayuko na lamang ako dahil sa hiya na nararamdaman ko, alam ko… Hindi ko man makita ang mga itsura ng mga kaklase ko ay ramdam ko na agad ang mga mapanuksong tingin at simpleng tawanan nila. “Op-Opo.” Baka ito na rin ang pagkakataon ko para magkaroon ng kaibigan. Walang nagsalita… wala rin akong naririnig na mahinang tawanan, kaya naman iniangat ko na ang tingin ko sa aming guro. Ngunit… iginala ko ang tingin ko sa mga kaklase ko. Pagkakamali yata na nag angat pa ako ng tingin dahil nakita ko ang mga reaksyon sa mga mukha nila. Ang iba ay nagpipigil lang ng tawa, ang iba ay nakataas ang kilay sa aki—“Wahahahaha!” at ang iba ay hindi na napigilan
There's a secret behind these colors, I want us to wear this because blue represents, depth, trust, loyalty, sincerity, and faith while white represents innocence. I want us to start from all of these.I knocked on my door, "Are you done?" I asked her."Oo, lalabas na ako." Mayamaya lang ay bumukas na ang pintuan ng kwarto ko at niluwa siya nito."You are so beautiful, Calliste."Umikot pa ito na tila prinsesa.Nakangiti habang hawak niya ang magkabilang laylayan ng kanyang paldang puti."Bagay ba sa akin?" Oo, nakatali ang kanyang buhok pero lumapit ako dito para tanggalin ang pagkakatali ng kanyang buhok. "Why? Hindi ba bagay 'yung ayos ng buhok ko?""Bagay naman pero gusto kong makita kang nakalugay ang buhok." I kissed her on her forehead."Let's go? Para maabutan natin ang sunset." She said.Magkahawak-kamay kaming bumaba sa hagdan and nagpaalam na rin kina Mommy at kay Raya. While Khai is busy with his work.I was nervous but when I saw them smiled at us. Parang unti-unting nawa
Stefan's POVI woke up with her in my arms, sleeping.Ito 'yung gusto kong mangyari, 'yung gumising ako ng nasa tabi ko lang siya.I kissed her on her forehead and caressed her cheek."I love you, Elia."She moved a little and gradually opened her eyes, "I love you too, Eliam."I sweetly smiled at her, "Are you ready for later?" I asked her.This day... is the big day for us and I am so damn excited!I planned to propose to her at the top of the mountain.As I promised before, I'm gonna marry her.I still haven't totally forgotten about Cerise but I'm trying my best not to think about her anymore. I want to see her as Calliste.I'm still confused, but I don't want to let her go.But I have to admit, every time I look at her even though I know she has forgiven me and my Dad for being the reason for her parents' car accident, I can't help but feel guilty for what happened.As much as I wanted to see her that day, I didn't think that we would be the reason for her parents' loss.They los