Boses pa lang kilala ko na kung sino ang tao sa likod nito.“Ano? Tuloy ba ang kasal?!” excited pa siyang tanong sa akin. “Ma, apat na araw na lang makukumpleto ko na ang hinihiling mo kaya ‘wag mo ng hintayin pa ang kasal namin. Tama na.” pakiusap ko sa kanya. Hinigit niya ang braso ko at mahigpit na hinawakan ito. “Ang kapal din ng mukha mo, ano?! Anong tingin mo, hahayaan kong maging masaya ka?!” “Mamaya sasabihin ko na kay Stefan ang tungkol sa naging plano natin.” pero ang totoo ay wala akong balak sabihin sa kanya ang totoo dahil buhat nang magpunta ako sa private studio art ni Stefan ay tumigil na ako sa plano na gustong mangyari ni Mama. “Bago mo pa sabihin sa kanya, ako na ang mauuna sayo. Ang laki ng ulo mo! Nakakalimutan mo yata lugar mo!” halos patapon niyang binitawan ang mga kamay ko. Umalis siya sa harapan ko at tila bumagsak naman ang katawan ko nang mapaupo ako sa sahig. Bakit ganito, alam ko sa sarili kong mahal ko na si Stefan, dapat masaya ako pero bakit gani
Umalis siya sa harapan ko at bumalik sa loob ng library. Sa halip na sundan ko siya ay umakyat ako sa kwarto naming dalawa. Nang nasa loob na ako ng kwarto ay hinanap ko agad ang susi sa private art studio niya, kailangan kong pumunta doon para manahimik na si Mama, pagkatapos kong kumuha ng kailangan ni Mama ay aayain ko na si Stefan lumayo dito sa lugar na ito, malayo sa Lolo niya, at mas malayo sa Mama ko, tapos na ako… tapos na akong tulungan ang pamilya niya, kahit pa sabihin ni Mama na kulang pa ang pangpa-opera ni Isla, hindi na ako susunod sa kanya, dahil huling beses na ito. Hindi na ako papayag na utusan niya akong muli sa bagay na ito. Puputulin ko na ang koneksyon namin ni Mama, kung hindi papayag si Stefan lumayo dahil sa business niya at sa kumpanyang hinahawakan niya, aalis ako. Hahanapin ko si Papa, sasama ako sa kanya. Ang kailangan ko na lang ay makapagtapos, ‘yun na lang ang isang bagay na kailangan ko para kahit anong mangyari ay hindi ako mahihirapan makahanap
Agad kong tinipa ang numero ni Koen, ilang tawag ang ginawa ko ngunit hindi siya sumasagot. Naghahalo ang nararamdaman ko, I feel like I'm living a lie. Why is the world playing this cruel joke on me?Nanginginig ang mga kamay kong tinipa muli ang numero ni Koen ngunit hanggang ngayon ay hindi niya sinasagot. Maaari kayang siya ang nagmamaneho ng sasakyan kaninang sinakyan nung babae? At sino ang babaeng iyon?!Hindi kaya si Margaux? ‘Yung panaginip ko ay tungkol sa kanya, hindi kaya ay siya talaga ang isang ‘yun? Lalong bumilis ang tibok ng puso ko, hindi ko na alam kung paano pa ako hihinga dahil naninikip ang dibdib ko. Mariin akong pumikit at huminga akong malalim, nasasaktan ako. Alam kong kasalanan ko lahat ng ito at dumating ako sa puntong ito, kasalanan ko naman lahat ‘to. Mayamaya lang ay dumating na ang McTaxi, kahit nanghihina pa ako ay pinilit kong sumakay na dito, kung hindi ko pa pipilitin baka madatnan pa ako dito ni Stefan. Nagpahatid ako sa apartment na tinutulayan
Parang huminto ang takbo ng oras nang marinig ko ang pangalan niya. Ito na ba ‘yung araw kung saan kailangan ko ng ilugar ang sarili ko? Pero paano na ngayon, na sigurado na akong mahal ko na si Stefan? May laban ba ako? Kung kailan tinapos ko na at handa na akong ayusin ang buhay ko kasama siya, hindi pa rin ba talaga pwede?Napaupo ako sa sahig ng maramdaman kong nanlalambot ang mga binti ko, nanghihina ako.“Madame Calliste!” narinig kong tawag sa akin ni Mildred. Hindi ko na alam kung sino ang pilit na nagtatayo sa akin basta ang alam ko lang ay may nakahawak sa magkabilang braso ko para alalayan akong tumayo. Pilit na iniaangat ni Yanu ang mukha ko at nang magtagpo ang aming mga mata ay doon na ako sumuko, bumuhos ang mga luha ko at wala akong nagawa kung hindi yakapin ng mahigpit si Yanu. Sila lang din ang naging pamilya ko dito sa mansyon. Mula noong nakita ko ang relo na regalo ni Margaux kay Stefan alam ko ng may nararamdaman pa si Stefan sa kanya at kahit pa magbulag-bulaga
Stefan’s POV"Calliste, for fuck's sake! Listen to me!" I slammed my fist on the wall, my anger and desperation boiling over.I took a deep breath, trying to calm myself down. "I'm telling you the truth! When you said our marriage was moving too fast, I felt like I'd been punched in the gut. I thought we were on the same page, that we both wanted to spend our lives together. I thought Margaux was here because she’s going to help us! Lolo even offered a toast for our wedding to be a success then I drank the wine Nanay Myrna gave me!” hindi ko na alam kung paano ko pa ipagtatanggol ang sarili ko dahil sarado ang isip ni Calliste na makinig sa lahat ng sinasabi ko. “Pwede ba, Stefan! Kitang-kita nga kitang sarap na sarap ka sa halikan niyo!” akmang aalis na siya hila-hila ang maleta ko, hinawakan ko ang maleta at nilayo ng bahagya sa kanya, niyakap siya ng mahigpit. Nagpupumiglas pa siya ngunit hindi ko hinayaan na humiwalay siya sa pagkakayakap ko. My mind flashed back to the moment I
“Calliste!” muling sigaw ni Stefan. “What are you doing here, Calli?!” halos matanggal ang kaluluwa ko sa katawan ko ng biglang may magsalita sa aking gilid. “What the hell?!” lumapit ito sa akin at hinawakan niya ang braso ko. Sinuri niya maigi ito at nakitang may mga sugat ako. “K-Koen…”“Bakit?! Sinasaktan ka ba ng gagong ‘yan?!” sabay tingala niya kay Stefan kaya naman hinila ko siya papalapit sa akin para hindi siya makita. “H-Hindi!” “Stefan!” malakas na sigaw ni Koen. Kaya nagpanic ako! Sumilip ako at nakita kong tinitingnan maigi ni Stefan ang taong tumatawag sa kanya. “Calliste is here!” “Fuck!” malakas na sigaw ni Stefan. Sinilip kong muli ito wala na ito sa bintana ng kwarto niya, malamang ay bumaba na ito para tingnan ako. “Ano ba ginagawa mo dito?!” inis kong sabi kay Koen.Ano na lang ang idadahilan ko kay Stefan! Bakit ako nandito sa bakanteng lote! Nakakainis ‘tong si Koen! Ngayon lang ako nainis sa kanya. Akala ko matutulungan niya akong lumayo dito pero nagkamal
“I want us to get married tonight.” what Stefan said echoed in my ears. Literal na nahinto ako sa pag-iyak. Nabaling ang tingin ko sa kanya at nagkasalubong ang mga mata naming dalawa. “I can’t wait any longer, Calli.”“Do you agree with Stefan’s decision?” tanong ni Judge Rivera sa akin. Nakatingin na ngayon silang dalawa sa akin, gusto kong umamin na sa pagkakamali ko, gusto ko ng sabihin lahat kay Stefan kaso parang may nakabara sa lalamunan ko at parang may nagsasabi sa isip kong ‘wag kong sabihin. “Pinag-iisipan mo pa rin ba?” bahagyang lumayo sa akin si Stefan. “Opo, Judge.” simpleng sagot ko, ngunit malalim ang iniisip ko. Hindi ko alam kung hanggang saan ko maitatago ang mga lihim ko.“Hindi ka ba napipilitan lang, Calliste?” sa tono ng boses ni Judge Rivera parang nababasa niya ang isip ko. Sa nangyari kanina, talagang natakot ako. Natatakot ako para sa sarili ko. Naglalaban ang gusto kong ikasal sa kanya ngunit paano na lang ako kapag nalaman na niya ang totoo? Na sa kabil
Hinintay lang namin magawa ang Marriage License, dahil anong oras na rin ay umuwi na ang assistant ni Judge Rivera para magawa agad ito. “Bakit kayo nagmamadaling ikasal?” tanong ni Judge Rivera nang dumating na ang hinihintay naming assistant niya para ibigay ang Marriage License. “Calliste is just 19.”Iniabot niya sa akin ang papel, binasa ko pa iyon at nakaprint na nga ang mga pangalan naming dalawa.“She’s going to be twenty, next month.” kahit pa napako na ang mga mata ko sa nakasaad sa marriage license ay hindi ko maiwasang hindi mapatingin kay Stefan, paano niya nalaman na ang birthday ko ay sa susunod na buwan? “I just love her that I am afraid that I might lose her again.” “Ang alam ng lahat ay ikakasal ka dapat kay Margaux, hindi ba?” “Hindi ako nabalik sa past, Mike.” kinuha ni Stefan ang ballpen na nanggaling sa kanyang bulsa, iniabot niya sa akin ito. “Sign under your name.” ginawa ko naman agad ang sinabi niya, inabot ko sa kanya ang papel at pinirmahan niya rin agad
Nang matapos na kong kumain ay dumiretso na agad kami sa room namin, hanggang makapasok ng room ay naiilang ako. Feeling ko laging may mga matang nakatingin sa akin, hinayaan ko nalang yun at nagfocus na sa pag-aaral ko. Hanggang matapos ang klase ay naiilang pa rin ako. Parang may nakatingin talaga sa akin."Wrena," tawag ko kay Wrena."Why?" Nangunot noo niyang tanong sa akin."Feeling ko kasi may nakatingin sa akin, may nakikita ka bang nakatingin sa akin?" ayokong magfeeling pero mas may tiwala ako sa pakiramdam ko."Ha? Sige wait titingnan ko." Kita ko ang paghahanap niya at lumipas ang ilang segundo then... "Nahuli ko si Jason, Ariann." pasimple niyang sabi sa akin kaya natawa ako."Bakit ka natawa?" taka niyang tanong."Tama nga ang nararamdaman ko, may nakatingin sa akin kanina. Kaklase pala natin 'yang si Jason." i never thought na titingnan ako ng masungit na 'yun. Kinuha ko nalang ang tubig ko at ininom yun ng diretso."Pansin ko nga rin yun kanina pa. Ayiieee oy ikaw Arian
Maliwanag na ng magising ako kaya bumangon agad ako, nakaalis na kaya si Kuya? Napasarap ang kwentuhan namin kagabi kasama sila Nanay at Tatay kaya madaling araw na ko nakatulog."Nay, nakaalis na ba si Kuya?" bungad ko agad pagkababang-pagkababa ko."Oo nak, kanina pang alas sinco ng madaling araw, hindi ka na pinagising dahil baka pilitin mo pa raw siyang ihatid sa airport." napaka ano talaga ni kuya. Psh!"Oo nga pala, sabi ng kuya mo ihatid mo yang nasa box na yan diyan sa address na nakalagay sa ibabaw ng box. Tapos dumiretso ka na sa school mo, magiingat ka roon ah? Mag-aral ng mabuti." Tiningnan ko ang papel sa ibabaw, hmmm. Company siya. Kaya ko 'to! May naisip nanaman akong kabalbalan."Opo nay." Napangiti ako ng palihim sa naisip ko, ako pa? Kaya!"Oh siya kumain ka na at ng makapasok ka na, kami naman ng tatay mo ay magdedeliver ng mga order na prutas." Tumango ako at nagsimula na kumain.Pagkatapos na pagkatapos ko mag-asikaso ay binuhat ko na ang mini box na pinapadeliver
Napahinto ako at bumalik hindi pa naman kasi kalayuan ang natatakbo ko, kita ko siya na nakatingin sa akin habang may hawak na kahoy, hala natakot kaya siya kanina? Ng tingnan ko si mamang may kutsilyo ay unti-unti na siyang bumabangon pero si poging naka suit ay nakatayo lang at nakatingin sa akin."Halika ka na dal-" napahinto ako sa pagsasalita ng magsalita siya."Bakit bumalik ka? Tumakbo ka na!" Naku naman! Ano ba problema nito? Siya na nga binalikan.Pero imbis na makipagsagutan pa ko sa kaniya, tumakbo nalang ako papunta sa kaniya at hinila na siya at sinama sa pagtakbo ko! At ng makakita ako ng tumpok na basura, agad ko siyang hinila roon pero huminto siya kaya muntik na ko masubsub sa dibdib niya kaya pinitik ko yung tenga niya."Aray!" reklamo niya. Blah blah blah."Bakit ka ba nahinto bigla?! Halika na dali at baka habulin tayo ni mamang may kutsily-" ng mapatingin ako sa likod niya ay nakita ko na nga si mamang may kutsilyo kaya hinila ko na siya ulit. "Ayan na dali!" mabi
"Wait, what?" Naguguluhan kong tanong sakanya."Niloko niya si Dad, she's having an affair with Dad's business partner." Nakayukong wika niya. Hindi ko man makita ang expression niya alam kong napapahiya ito."I'm sorry, I don't know how to react. Iba kasi yung nangyari sa'kin, Kins." Ang non-sense ng sagot ko. At hindi ko na dapat malaman pa ang dahilan bukod do'n dahil that's a private matter na."Yeah, but I just want to know what did you feel about it. Iyon ang dahilan kung bakit ako gustong ipakasal ni Dad sa anak ng ka-affair ni Mom. Nakakatawa." This time, nakita ko ang kanyang expression. Pinipilit niyang tumawa kahit na umiiyak siya. "Addi, bakit ako ang kailangan mag suffer? P-Pinipilit nila akong magpakasal para mapagtakpan ang kataksilan nila." Nilagay niya ang dalawang palad niya sa kanyang mukha."I'm sorry, I know it's beyond my limit but It's that your Father's choice?" Tanong ko. Tinapik-tapik ko ang kanyang likuran. Assuring her na nandito lang ako para sakanya."I-I
"Sana maging bukas sa isip mo na hindi ko ito ginagawa for the company, I'm doing this for your future." Tiningnan ko si Dad na siyang nagmamaneho ng aming sasakyan. "That's why I built our company na matibay ang pundasyon. And that foundation is the trust of our business' partners." I feel the sincerity of his voice while saying that.Kasalukuyan kaming nasa byahe dahil ihahatid niya ako sa aking unit. I hate it, ayaw ko pa sana magpahatid pero ayaw ko namang madisappoint ulit si Dad sa'kin. Sabi nya, I should trust him with his choice. I should trust him because he knows what is best for me. So why not give it a try."Yes, Dad. I know na pinaghirapan mo po ang pag-aalaga sa company natin. Don't worry kapag ready na po ako. Why not."This time, I'm serious. I don't know why the hell I'm saying those words but I'm hundred percent sure that It's gotta be okay, I'm gonna be okay with it.Napasarap kami sa kwentuhan ni Dad, when I realized I need to go down na pala. Nasa parking lot na k
I will never forget what happened last night. Lasing na lasing ako pero hindi ako pinabayaan ni Stefan. Dumaan muna kami sa isang sikat na coffee shop para bilhan ako ng brewed coffee para raw kahit papaano ay mahimasmasan ako.He took care of me and narealize kong siya lang ang gumawa sa'kin ng ganun. Hindi niya ako iniwan hangga't hindi pa ako okay. Hindi ko mapigilan ang pagkumpara kay Stefan sakaniya. He's really a gentleman.Nakatingala lang ako ngayon sa ceiling ng aking kwarto and then I remember what he said bago niya ako tanungin kung saan ko gustong pumunta. ."You can't decide just what you want to do, Calliste!" Alam kong naiirita na siya sa'kin dahil hindi ako umiimik sa mga pangaral niya sa'kin. May halong diin pa ang salita niya ng banggitin niya ang pangalan ko. "Hindi mo pwedeng piliin ang none of the above kung may tamang sagot sa multiple choice!" Hindi ko siya matingnan ng diretso dahil nahihiya ako sa mga kagagahan ko."What if kung wala ako? I know I'm a little b
I will never forget what happened last night. Lasing na lasing ako pero hindi ako pinabayaan ni Miguel. Dumaan muna kami sa isang sikat na coffee shop para bilhan ako ng brewed coffee para raw kahit papaano ay mahimasmasan ako.He took care of me and narealize kong siya lang ang gumawa sa'kin ng ganun. Hindi niya ako iniwan hangga't hindi pa ako okay. Hindi ko mapigilan ang pagkumpara kay Timo sakaniya. He's really a gentleman.Nakatingala lang ako ngayon sa ceiling ng aking kwarto and then I remember what he said bago niya ako tanungin kung saan ko gustong pumunta. ."You can't decide just what you want to do, Addi!" Alam kong naiirita na siya sa'kin dahil hindi ako umiimik sa mga pangaral niya sa'kin. May halong diin pa ang salita niya ng banggitin niya ang pangalan ko. "Hindi mo pwedeng piliin ang none of the above kung may tamang sagot sa multiple choice!" Hindi ko siya matingnan ng diretso dahil nahihiya ako sa mga kagagahan ko."What if kung wala ako? I know I'm a little bit too
Nagpalit ako ng pajama at loose shirt. Tumambay muna ako sa sala gaya ng sinabi niya hindi muna ako pumasok sa kwarto ko.Nanunuod lang ako ng series ng dumating na ang gagawa at magpapalit ng pintuan ko.Hindi rin nagtagal ay natapos na nila."Addi, come here." ani ni Miguel."Wait!" pinatay ko ang T.V. at lumapit na sakaniya."Set your password"Ginawa ko naman ang sinabi niya, nag set ako ng password. Which is birth date ko pero inuna ko ang day bago ang month. Hindi ko napansin na nakatingin pala siya. Tsk. Pero huli na, nakita na niya ang password ko."Don't worry, papasukin lang kita kapag hindi ka ulit sumagot. Don't you dare to do it again!" he said and he left, again!What's happening to him? Acting like my bf huh!Pumasok ako ng unit ko, and as usual wala nanaman akong ginagawa pero ngayon ko lang narealize na maayos na pala at wala na pala talaga akong aayusin.Pumunta ako ng kwarto ko dahil parang may parte sa kaloob-looban ko na gusto kong matulog. Ibinagsak ko ang sarili
Kunot noo kong tinitigan ang wine glass na nasa harapan ko. "Ahhhhh!" sigaw ko.Buhat yata kagabi pag-uwi ko ay panay singhal at sigaw nalang ang ginawa ko.After that party. Pinipilit ako ni Mommy na mag stay muna sa bahay pero hindi ako pumayag. Dahil una, ayaw kong malaman pa nila ang nangyayari sa'kin, pangalawa hindi rin ako makakahinga ng maayos dahil sa tensyon sa pagitan namin ni Dad.Hindi ko makakalimutan ang sinabi ni Kinsley sa'kin kagabi.Namumuo ang kaniyang luhang nakatingin ng diretso sa'king mga mata. "I heard everything from Oli, I'm sorry." Niyapos niya ako ng mahigpit. "I'm sorry, I know it's hard for you kasi akala mo siguro maiipit ako sainyong dalawa" Hindi ko na din napigilan pa ang aking mga luha dahil sa ginawa niyang pag yakap sa'kin. "Pero no, I got mad at Olivia because she did nothing to stop her sister. She even supports them." Tinapik-tapik niya ang aking likuran."I'm sorry, I-It's not because I don't trust you but I just don't want to add my problems