“Wife?”“Akala ko si Margaux?” “Hindi, diba naghiwalay sila!” “Paano niya magugustuhan ang ganyang itsura ng babae? Parang walang pag-aalaga sa katawan puro sugat.” “Atsaka bumaba yata standard ni Stefan? Nasa langit na siya pinili pa niya ang lupa!” Hindi ako nalingon kung saan, nanatiling napako ang mga mata ko kay Stefan na nagsasalita ngayon at nakatayo. Napansin ko rin ang pagkabigla sa mukha ng vocalist, “Guys! Nauna pa tayong malaman ang tungkol dito! Is this a secret or sasabihin mo rin sa madla?” natawa siya sa sinabi niya. Pero ako hindi. Umirap akong muli sa kawalan. Napakamot pa si Stefan sa kanyang batok, “yeah–yeah. I was about to say this in public later morning but yeah, I’m a married man now.”Tinaas pa niya ang kamay niyang may suot na singsing. Habang ako, heto, nahihiya sa mga ginagawa niya. Sana manlang may maayos akong damit ngayon na hindi mahahalata ang mga sugat ko. Naghiyawan ang mga tao. Gaya sa Lions University pero mas lantaran dito ang mga taong na
Hindi ko alam kung tama ba ang pagkakarinig ko sa sinabi ni Stefan dahil parang nawawalan ako ng pangrinig gawa ng tinanggal niya ang headset ko. Niyakap niya ako ng mahigpit, “are you enjoying the view?” sa puntong ito ay mas lalo niyang idinikit ang labi niya sa aking tainga dahilan kung bakit ko siya narinig. “Oo, sobra!” masayang sigaw ko at para akong bata na nakasulyap muli sa bintana para tingnan ang mga bahay na parang mga laruan na lego, dahil ang liliit ng mga ito!Binalik muli ni Stefan ang headset ko, ganun din siya nilagay niya muli ang headset niya at sakto naririnig na namin si Felix na nagsasalita, pababa na yata kami. Kinuha ni Stefan ang cellphone niya, “let’s take a picture, babe.” sabi nito at nagselfie kami, itinapat niya sa akin ito at kinukuhaan niya ako ng picture hindi ko na alam ang itsura ko pero buti na lang at may jacket ako ngayon. Mayamaya lang ay naramdaman ko na ang pagbaba namin. “Beginning descent. Please fasten your seatbelts.” sambit ni Felix,
“Sino po kayo? At saka, hindi Fortune ang pangalan ko baka po nagkakamali lang kayo.” sambit ko at lalagpasan ko na sana siya ngunit pinigilan niya ako. “Ano ka ba! Bakit at paano naman ako magkakamali?! Ako ang nag-aalaga sa’yo nung baby ka pa!” sabi pa nito. “Who’s with you?!” “Calliste!” malakas na sigaw ni Mandy sa labas. Kaya bago pa ako sumagot sa babaeng kausap ko ay nilagpasan ko na siya ng tuluyan. Nang makalabas na ako ay salubong ang kilay ni Mandy, “you’re so matagal! Labas na tayo, maganda ang sikat ng araw banda d’on!” turo niya sa akin kaya naman lumabas na kami. Ang dami niyang sinasabi ngunit parang wala akong naririnig dahil ang atensyon ko ay nasa kaninang babaeng kumausap sa akin, at sa babaeng lumapit sa akin sa alfresco pati na rin ang nabanggit ni Stefan kanina sa helicopter. Bakit puro nababanggit nila ang Fortune na pangalan? Bakit tinatawag nila akong Fortune? Eh ang pangalan ko lang ay Calliste Iredale. Wala akong second name na katulad kung paano nila ak
Hindi ako makatulog, pumapasok sa isip ko ang sinabi ni Koen sa akin sa panaginip ko.Bumangon ako nang hindi na talaga ako mapakali, “babe…” tawag ko kay Stefan, lumapit siya agad sa’kin. “No, okay lang ako.” sabi ko agad nang akmang aalalayan niya pa ako sa pag bangon ko. “Matulog ka muna, ‘wag ka muna mag phone, babe. Masyadong maingay ang social media ngayon.”“Bakit? Dahil sa unplanned announcement mo? May sinabi na ba Lolo mo about sa’tin?” Sunod-sunod kong tanong sa kanya. “You should sleep—”“Babe, galit ba Lolo mo? Akala ko ba gusto ka niya maikasal kasi gusto niya makitang you’re in a good hands na kaya mong pagsabayin lahat, at hindi na niya kailangan mag worry sa future mo kung sino ang makakasama mong makakaintindi sa busy schedules mo. Pero bakit ayaw na ayaw niya sa’kin? To the point na talagang ininvite pa niya si Margaux para maging florist natin. Like, bakit hindi manlang niya ako or tayo tanungin kung papayag ba tayo? Margaux is not part of anyone, babe. She’s you
“Kailan ko kaya pwedeng ma’meet ang parents mo?” pag-iiba niya ng topic. Nakatingin na siya sa akin ngayon, “I want to meet my second parents. Nahihiya ako dahil hindi ko manlang sila nakausap para kunin ng maayos at formal ang kamay mo sa kanila. And I just want to say sorry to them na kinuha agad kita without their knowledge.”Hindi niya pwedeng makita si Mama, hindi ko pa man alam kung ano ang mangyayari ngunit nakikita ko ng may hindi magandang mangyayari. “Makikilala mo rin sila pero sa totoo lang hindi kasi kami close ng Mama ko.” hinawakan niya ang kamay ko at pinaglalaruan ang mga daliri ko. “Kaya nga ako natutuwa sa treatment sa akin ni Tita Zarina–”“Mom, babe. Mom.” Napangiti ako ng itama pa niya ako, “nung araw na umalis kami ni Mom, akala ko makakaramdam ako ng awkwardness pero hindi, tinuturing niya talaga akong isang anak. Ang sarap sa pakiramdam, bagay na hindi ko kasi ‘yun nararanasan sa Mama ko. Actually, parang hindi nga masaya si Mama na nabuhay ako.” I fake laugh
Hindi katulad kaninang pagpunta namin sa Boracay parang mas naging mabilis ang naging pagbalik namin ngayon sa Manila. Walang imik si Stefan kaya mas mabuti na lang din at hindi siya nagsasalita dahil hindi ko rin alam ang gagawin ko, hindi ko alam kung ano ang dapat kong sabihin dahil alam kong may kasalanan ako at baka mamaya ang sayang nararamdaman kong ito ay talagang panandalian lang katulad ng sinasabi sa akin ni Mama. “Babe…” Naramdaman kong inalis na ni Stefan ang headset ko, kaya nabalik ako sa ulirat. “Babe, we’re here.” sambit niya kaya napatingin ako sa labas at tama nga, nandito na kami sa Lions University. Saan naman kaya kami pupunta? Parang gusto ko na lang kasing magpahinga, para bang mas kailangan ko ng pahinga ngayon dahil nakakaramdam ako ng matinding pagod. Hindi ako nagsasalita hanggang sa makababa na kami sa ground floor. Nang sumakay kami sa kanyang sasakyan ay ganun pa rin, tahimik pa rin akong sumakay kahit pa napapansin ko ang panay tingin niya sa akin.
“Calliste Fortune Iredale Leviste!”Lahat sila ay nakatingin sa akin, mismong ako sa sarili ko ay nagtataka sa sinabi ng Lolo ni Stefan. “What do you mean by that, Lo?” “Sinasabi ko na nga ba at may tinatago ang babaeng ‘yan! Stefan, kung sa tingin mo ay simpleng babae lang siya na nakilala mo sa Lions University ay nagkakamali ka! Isa siyang Leviste!” naguguluhan pa rin ako sa mga sinasabi sa’kin, ginala ko na ang paningin ko at makita kong lahat halos ng kamag-anak siguro ni Stefan ay nandito. Nagtama ang mga mata naming dalawa ni Tita Zarina, walang bahid ng kahit na anong emosyon ang mukha niya pero masasabi kong kampante ako sa mga tingin niya sa’kin na parang sinasabing lilipas din ito.“Hindi ko po alam ang sinasabi—” pinulot niya ang mga papel at lumapit sa’kin, tila ipinapakain niya sa’kin ang mga papel na pinulot niya. “Lo! What you're doing is below the belt! You are insulting my wife!” galit na hinila ako ni Stefan papalayo sa Lolo niya. “Fuck! What are you doing to her
“What are you talking about, Mom?! We’re here to settle our marriage!” lumapit si Diara sa tabi namin ni Stefan. Pumagitna pa ito para mapaghiwalay kaming dalawa. “Oh my gosh!” halos mapatakip ang bibig ni Tita Zarina na nakaupo sa harapan ko. “Stefan! Binabawi ko na ang pag backout ko sa plans natin, kasi nagseselos ako. Lagi na lang ako ang nag eeffort sa arranged marriage na ‘to!” inis na sabi ni Diara kay Stefan habang napansin ko pa ang pagyugyog nito sa kanya. “Matteo…” napalingon ako sa Daddy ni Diara na kasalukuyang nakatingin na rin sa’kin nang tawagin siya ni Don Sylverio. “Matteo, ano ang dapat nating pag-usapan?!” “Paano nangyari ‘to, Catalina?” pagbabalewalang tanong ni Sir Matteo sa katabi niyang babae na siya ring nakita kong kasama ni Diara nung nagpunta sila ng Lions University. “Ano ‘to?” mahinahon ngunit ma-awtoridad ang pagkakasabi nito dahilan para bumaling lahat sa kanya ultimong si Diara ay hindi na nakapagsalita at nakafocus na lamang sa kanyang ama. “H-hin
Stefan's POVPapunta ako ngayon kung saan ako madalas isama ng aking Ina, kung saan ako madalas pumupunta pag gusto ko ng tahimik na paligid at kung saan ako madalas pumunta pag gusto kong makapag isip ng mabuti. Sa Cafe Adelina bandang Silang, Cavite.Pababa na sana ako ng aking kotse ng makita ko ang babaeng lagi kong napapansin sa school ko noong college ako. Ang ganda ganda niya talaga, hindi siya katangkaran siguro mga nasa 5'3 ang height niya, morena ang kulay ng kaniyang balat, bagay na bagay sakaniya ang mga bilugang mata niya at naging dagdag sa ganda niya ang mahabang buhok. Napapansin ko siya dahil isa siya sa c-singer ng school namin. Parehas kaming course which is BA in Communication. 4th year ako nun 3rd year college siya, So I bet graduating student siya ngayon.Tuluyan na akong lumabas ng kotse at ng malapit na akong makarating sa kinatatayuan nila narinig ko ang lalaking lagi kong napapansing kasama niya nung college pa ako. BF niya siguro 'to."Hindi kaya mapagalitan
Calliste's POVAfter 13hrs and 32 minutes Ladies and gentlemen, welcome to Milan Malpensa Airport. Local time is 8:32 in the evening and the temperature is 8'c.For your safety and comfort, please remain seated with your seat belt fastened until the Captain turns off the Fasten Seat Belt sign. Please check around your seat for any personal belongings you may have brought on board with you and please use caution when opening the overhead bins, as heavy articles may have shifted around during the flight. If you require deplaning assistance, please remain in your seat until all other passengers have deplaned. One of our crew members will then be pleased to assist you.On behalf of Timeless Airlines and the entire crew, I'd like to thank you for joining us on this trip and we are looking forward to seeing you onboard again in the near future. Have a nice evening!" sabi ng Flight attendant ng Timeless Airlines"grabeeeeeeee!!! I can't believe na nasa Italy na ako!!!" manghang-mangha na
Hindi ko alam kung anong pinasok ko—kung bakit ba naman ako pumayag. Alam ko naman sa sarili kong hindi ako marunong mag volleyball at lalo na ang mag basketball. Kunot-noo akong tiningnan ng teacher namin, alam ko sa tingin niyang ito ay pinapahiwatig niyang nagtataka siya sa akin. “ar-are you sure, Ms. Garza?” Pagkumpirma niyang muli.Napayuko na lamang ako dahil sa hiya na nararamdaman ko, alam ko… Hindi ko man makita ang mga itsura ng mga kaklase ko ay ramdam ko na agad ang mga mapanuksong tingin at simpleng tawanan nila. “Op-Opo.” Baka ito na rin ang pagkakataon ko para magkaroon ng kaibigan. Walang nagsalita… wala rin akong naririnig na mahinang tawanan, kaya naman iniangat ko na ang tingin ko sa aming guro. Ngunit… iginala ko ang tingin ko sa mga kaklase ko. Pagkakamali yata na nag angat pa ako ng tingin dahil nakita ko ang mga reaksyon sa mga mukha nila. Ang iba ay nagpipigil lang ng tawa, ang iba ay nakataas ang kilay sa aki—“Wahahahaha!” at ang iba ay hindi na napigilan
There's a secret behind these colors, I want us to wear this because blue represents, depth, trust, loyalty, sincerity, and faith while white represents innocence. I want us to start from all of these.I knocked on my door, "Are you done?" I asked her."Oo, lalabas na ako." Mayamaya lang ay bumukas na ang pintuan ng kwarto ko at niluwa siya nito."You are so beautiful, Calliste."Umikot pa ito na tila prinsesa.Nakangiti habang hawak niya ang magkabilang laylayan ng kanyang paldang puti."Bagay ba sa akin?" Oo, nakatali ang kanyang buhok pero lumapit ako dito para tanggalin ang pagkakatali ng kanyang buhok. "Why? Hindi ba bagay 'yung ayos ng buhok ko?""Bagay naman pero gusto kong makita kang nakalugay ang buhok." I kissed her on her forehead."Let's go? Para maabutan natin ang sunset." She said.Magkahawak-kamay kaming bumaba sa hagdan and nagpaalam na rin kina Mommy at kay Raya. While Khai is busy with his work.I was nervous but when I saw them smiled at us. Parang unti-unting nawa
Stefan's POVI woke up with her in my arms, sleeping.Ito 'yung gusto kong mangyari, 'yung gumising ako ng nasa tabi ko lang siya.I kissed her on her forehead and caressed her cheek."I love you, Elia."She moved a little and gradually opened her eyes, "I love you too, Eliam."I sweetly smiled at her, "Are you ready for later?" I asked her.This day... is the big day for us and I am so damn excited!I planned to propose to her at the top of the mountain.As I promised before, I'm gonna marry her.I still haven't totally forgotten about Cerise but I'm trying my best not to think about her anymore. I want to see her as Calliste.I'm still confused, but I don't want to let her go.But I have to admit, every time I look at her even though I know she has forgiven me and my Dad for being the reason for her parents' car accident, I can't help but feel guilty for what happened.As much as I wanted to see her that day, I didn't think that we would be the reason for her parents' loss.They los
"Calliste?" Napabaling ako ng tawagin ako ni Tita Naomi."Tita?" nilapitan ko siya, "kamusta na po si Stefan?" By this time, I'm hoping na okay na may improvement sa kanya.Nandito lang ako sa guest room ng mansyon nila Tita Naomi para na rin kasama ko si Raya.It's been two days after nang gabing iyon. May itinurok si Khai sa kanya para kumalma at nag decide na rin ako na 'wag nang ipilit pa dahil hindi ko na rin kayang makita si Stefan nang nahihirapan. Tama si Khai, lalo ko lang pinahirapan si Stefan.Kasi masyado akong nag magaling, masyado rin akong dinala ng pagmamahal ko sa kanya sa puntong gustong-gusto kong maalala niya ako kahit sa maling paraan.Kaya nag decide na rin akong 'wag munang magpakita sa kanya, hindi ako lumalabas ng kwarto hangga't alam kong nasa living room or nasa dining room sila, ganun din ang kapatid ko hindi rin ilalabas ni Tita Naomi kapag si Stefan ay kumakain or kasama si Khai na uupo sa living room.Aalis din ako dito kapag nasiguro ko nang nasa mabuti
“Starfire!” I called her that way because we’re playing! Weeee!“I did not know you before, so to me, you are normal.” She said then she rolled her eyes. “Bakit ayan ‘yung sinabi mo?” “Kasi ayan ‘yung naalala kong line kahapon sa episode—-”“You’re talking to Cyborg, not Robin.” I said at umalis na ako sa harapan niya. “You could have simply told us this and asked for our help." She said. “Hayy. Ano bang gusto mo para kay Robin at Starfire na lines lang?” She’s annoyed and her voice is sarcastic. “Syempre, tayong dalawa lang ang naglalaro, eh!” But I am the most annoyed. “Ang pangit mong kalaro talaga! Buti pa si Beast Boy!” She said and ran away. Hinabol ko siya kasi ayaw kong nag-aaway kaming dalawa. “Sorry na! Sige na kahit anong lines na lang ni Starfire! Gusto ko kasi ‘yung mga moments lang nila ni Robin eh.” “Hindi naman kasi pwede ‘yun!” Sigaw niya ng maabutan ko siya. Huminga siya ng malalim at tumigil sa pagtakbo, he pointed her finger at me, “we are your friends, Rob
Bumalik ako sa office table at inayos ko na ang mga papel, kinuha ko lang ang mga importante, ni-lock ko ulit ‘yung drawer at saka ako umalis sa study room. “Calliste!” Lumapit ako sa balcony dito sa loob ng bahay namin.Kita dito ang mga taong papasok sa pintuan, at ang living room namin. Nakita kong pumasok si Khai, “Calliste?” Tawag niya ng makita niya akong nakatingin din sa kanya. “Oh?” Sagot ko at bumaba na ako ng hagdan, napabaling pa siya sa hawak kong folders. “Bakit?” Nang magkaharap na kami. I tried to be cold towards him even though he was not at fault for what was happening to us.“I’m really sorry.” “Sana kaya rin sabihin sa akin ‘yan ni Stefan, ‘no?” I sarcastically said. Umupo ako sa L couch namin. Ang tagal na rin nito pero parang bagong bili pa rin. “Where is Stefan?” Hinanap agad ng mga mata niya si Stefan na para bang nag babaka-sakaling makita niya sa kung saang sulok ng bahay namin. “Wala siya dito, umalis na siya kanina pa.” I answered him coldly. Mayama
Stefan’s POVI laughed at what he said, “Are you f*cking joking right now, Khai?!” “I don’t have time saying useless things here, Stefan. Paano kung mapatunayan ko sayong si Cerise ay si Calliste? What will you do?” Napahawak ako sa aking ulo dahil sa kirot na nararamdaman ko dito. Mariin akong napapikit ng may mga alaalang pumasok sa aking isip. “If you have given a chance to change your name, what name do you want?” I asked her. Umikot-ikot ito na para bang nag ba’ballet pa siya, “I want my name to be Cerise!” Masayang sinabi niya. At tumigil ito sa pag-ikot. “Kasi ayun ang favorite namin ni Ate Raya na kinukuha namin sa cake!” “Huh?” “Hayy naku! Eliam naman kasi ayan ‘yung pinapatikim ko sa’yo nung birthday ni Tita Naomi ‘di’ba ‘yung red sa may cake niya. Hindi ba sabi ko pa sa’yo nun siya ‘yung kitang-kita dahil color red siya tapos kasi ‘yung mga kasama niya sa cake ay black and white. Sabi ni Mommy, ang Cerise daw ay Cherry.” “Pero gusto ko pa ring tawagin kang Elia o ka