Iniabot niya sa akin ang cake, naluluha ako dahil sa lahat talaga ng tao miski sarili ko ay hindi ko naalalang birthday ko pala ngayon. Hindi niya talaga ko binibigo na pasiyahin sa tuwing may nangyayari sa akin. Hindi ko man siya tawagin para hingan ng tulong, kusa siyang lilitaw na kala mo alam at nakikita niya ang lahat ng nangyayari sa akin. “Mag wish ka,” sabi ni Koen sa akin ng akmang hihipan ko na dapat ang cake. “Close your eyes.” para pa akong batang sinabihan niyang isarado ko ang mga mata ko pero sinunod ko naman. Wish ko sana kahit malaman ni Stefan ang totoo sana hindi pa rin siya mawala sa akin at kung ano man ang pinaplano niya, sana ay hindi ang paglayo niya sa akin. Hinipan ko ang kandila, nagpalakpakan muli ang mga tao sa paligid kaya naman dumilat na ako. Nadatnan ko pang nakatitig sa akin si Koen. Heto na naman siya, hindi ko maibalik sa kanya ‘yung pagmamahal na kaya niyang gawin para sa akin. Kahit pa sinasabi niya lagi sa akin na maghihintay siya ay hindi ko
“Madame Calliste!” “Madame Calliste?!” Malalakas na pagtawag ng pangalan ko at pagkatok sa pintuan ng kwarto ni Stefan ang gumising sa akin. Napakusot ako sa aking mata nang dumilat ako dahil nasilaw ako sa araw na nakatapat sa aking mukha, umaga na pala o parang tanghali na. “Madame—”“Gising na po ako.”“Madame Calliste, pinapatawag po kasi kayo ni Sir Stefan sa kanyang library ngayon din po, ang totoo po niyan ay kanina pa po kayo pinapapunta doon.” sabi ni Mildred. Napabangon ako bigla nang ma’realize ko na hindi totoo ang mga nangyari?! Panaginip lang ba ang nangyari?! Naguguluhan ako, hindi totoong pumunta ako sa mga Leviste at kumain kami ni Koen ng Lomi Batangas at sinurpresa niya ako sa aking kaarawan? Ano nga bang petsa na ngayon?!Pumunta agad ako sa pintuan para pagbuksan siya, nang buksan ko ito ay hindi lang pala si Mildred ang nandoon kung hindi kasama niya si Mama. “Magandang umaga po, Madame Calliste. Mukhang napasarap ka ho ng tulog.” sabi ni Mama sa akin. “Hi
“Nananaginip ba ako?!” napalakas yata ako ng pagkakasabi dahil nagtinginan silang lahat sa akin. “No, Calliste! You’re not dreaming, Iha.” sabi ni Tita Zarina, natawa pa nga sila except sa kanyang Lolo na halata mo talagang ayaw na ayaw sa akin. “Calliste, when do you want to get married?” tanong ni Tito Savion.Hindi ko alam kung anong sasabihin ko, hindi ko alam kung anong isasagot ko. Ngayong pinag-uusapan na talaga ang tungkol sa kasal namin bakit parang hindi ako handang totohanin ang lahat? Natatakot ako na baka iwan na lang niya ako bigla kapag nalaman niya ang totoo. Kahit malamang naman ay gagawin niya iyon sa akin, pero hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko. “Decide now!” halos pasigaw na sabi ng Lolo ni Stefan kaya nagulat ako dahil katabi ko lang din siya ng upuan dahil ako na ang nasa dulo. Naramdaman ko ang paghawak ni Stefan sa aking baywang na parang sinasabi niyang magiging maayos din ang Lolo niya sa akin. “Unless you have a deep secret, kaya ka nagdadal
Boses pa lang kilala ko na kung sino ang tao sa likod nito.“Ano? Tuloy ba ang kasal?!” excited pa siyang tanong sa akin. “Ma, apat na araw na lang makukumpleto ko na ang hinihiling mo kaya ‘wag mo ng hintayin pa ang kasal namin. Tama na.” pakiusap ko sa kanya. Hinigit niya ang braso ko at mahigpit na hinawakan ito. “Ang kapal din ng mukha mo, ano?! Anong tingin mo, hahayaan kong maging masaya ka?!” “Mamaya sasabihin ko na kay Stefan ang tungkol sa naging plano natin.” pero ang totoo ay wala akong balak sabihin sa kanya ang totoo dahil buhat nang magpunta ako sa private studio art ni Stefan ay tumigil na ako sa plano na gustong mangyari ni Mama. “Bago mo pa sabihin sa kanya, ako na ang mauuna sayo. Ang laki ng ulo mo! Nakakalimutan mo yata lugar mo!” halos patapon niyang binitawan ang mga kamay ko. Umalis siya sa harapan ko at tila bumagsak naman ang katawan ko nang mapaupo ako sa sahig. Bakit ganito, alam ko sa sarili kong mahal ko na si Stefan, dapat masaya ako pero bakit gani
Umalis siya sa harapan ko at bumalik sa loob ng library. Sa halip na sundan ko siya ay umakyat ako sa kwarto naming dalawa. Nang nasa loob na ako ng kwarto ay hinanap ko agad ang susi sa private art studio niya, kailangan kong pumunta doon para manahimik na si Mama, pagkatapos kong kumuha ng kailangan ni Mama ay aayain ko na si Stefan lumayo dito sa lugar na ito, malayo sa Lolo niya, at mas malayo sa Mama ko, tapos na ako… tapos na akong tulungan ang pamilya niya, kahit pa sabihin ni Mama na kulang pa ang pangpa-opera ni Isla, hindi na ako susunod sa kanya, dahil huling beses na ito. Hindi na ako papayag na utusan niya akong muli sa bagay na ito. Puputulin ko na ang koneksyon namin ni Mama, kung hindi papayag si Stefan lumayo dahil sa business niya at sa kumpanyang hinahawakan niya, aalis ako. Hahanapin ko si Papa, sasama ako sa kanya. Ang kailangan ko na lang ay makapagtapos, ‘yun na lang ang isang bagay na kailangan ko para kahit anong mangyari ay hindi ako mahihirapan makahanap
Agad kong tinipa ang numero ni Koen, ilang tawag ang ginawa ko ngunit hindi siya sumasagot. Naghahalo ang nararamdaman ko, I feel like I'm living a lie. Why is the world playing this cruel joke on me?Nanginginig ang mga kamay kong tinipa muli ang numero ni Koen ngunit hanggang ngayon ay hindi niya sinasagot. Maaari kayang siya ang nagmamaneho ng sasakyan kaninang sinakyan nung babae? At sino ang babaeng iyon?!Hindi kaya si Margaux? ‘Yung panaginip ko ay tungkol sa kanya, hindi kaya ay siya talaga ang isang ‘yun? Lalong bumilis ang tibok ng puso ko, hindi ko na alam kung paano pa ako hihinga dahil naninikip ang dibdib ko. Mariin akong pumikit at huminga akong malalim, nasasaktan ako. Alam kong kasalanan ko lahat ng ito at dumating ako sa puntong ito, kasalanan ko naman lahat ‘to. Mayamaya lang ay dumating na ang McTaxi, kahit nanghihina pa ako ay pinilit kong sumakay na dito, kung hindi ko pa pipilitin baka madatnan pa ako dito ni Stefan. Nagpahatid ako sa apartment na tinutulayan
Parang huminto ang takbo ng oras nang marinig ko ang pangalan niya. Ito na ba ‘yung araw kung saan kailangan ko ng ilugar ang sarili ko? Pero paano na ngayon, na sigurado na akong mahal ko na si Stefan? May laban ba ako? Kung kailan tinapos ko na at handa na akong ayusin ang buhay ko kasama siya, hindi pa rin ba talaga pwede?Napaupo ako sa sahig ng maramdaman kong nanlalambot ang mga binti ko, nanghihina ako.“Madame Calliste!” narinig kong tawag sa akin ni Mildred. Hindi ko na alam kung sino ang pilit na nagtatayo sa akin basta ang alam ko lang ay may nakahawak sa magkabilang braso ko para alalayan akong tumayo. Pilit na iniaangat ni Yanu ang mukha ko at nang magtagpo ang aming mga mata ay doon na ako sumuko, bumuhos ang mga luha ko at wala akong nagawa kung hindi yakapin ng mahigpit si Yanu. Sila lang din ang naging pamilya ko dito sa mansyon. Mula noong nakita ko ang relo na regalo ni Margaux kay Stefan alam ko ng may nararamdaman pa si Stefan sa kanya at kahit pa magbulag-bulaga
Stefan’s POV"Calliste, for fuck's sake! Listen to me!" I slammed my fist on the wall, my anger and desperation boiling over.I took a deep breath, trying to calm myself down. "I'm telling you the truth! When you said our marriage was moving too fast, I felt like I'd been punched in the gut. I thought we were on the same page, that we both wanted to spend our lives together. I thought Margaux was here because she’s going to help us! Lolo even offered a toast for our wedding to be a success then I drank the wine Nanay Myrna gave me!” hindi ko na alam kung paano ko pa ipagtatanggol ang sarili ko dahil sarado ang isip ni Calliste na makinig sa lahat ng sinasabi ko. “Pwede ba, Stefan! Kitang-kita nga kitang sarap na sarap ka sa halikan niyo!” akmang aalis na siya hila-hila ang maleta ko, hinawakan ko ang maleta at nilayo ng bahagya sa kanya, niyakap siya ng mahigpit. Nagpupumiglas pa siya ngunit hindi ko hinayaan na humiwalay siya sa pagkakayakap ko. My mind flashed back to the moment I
Kunot noo kong tinitigan ang wine glass na nasa harapan ko. "Ahhhhh!" sigaw ko.Buhat yata kagabi pag-uwi ko ay panay singhal at sigaw nalang ang ginawa ko.After that party. Pinipilit ako ni Mommy na mag stay muna sa bahay pero hindi ako pumayag. Dahil una, ayaw kong malaman pa nila ang nangyayari sa'kin, pangalawa hindi rin ako makakahinga ng maayos dahil sa tensyon sa pagitan namin ni Dad.Hindi ko makakalimutan ang sinabi ni Kinsley sa'kin kagabi.Namumuo ang kaniyang luhang nakatingin ng diretso sa'king mga mata. "I heard everything from Oli, I'm sorry." Niyapos niya ako ng mahigpit. "I'm sorry, I know it's hard for you kasi akala mo siguro maiipit ako sainyong dalawa" Hindi ko na din napigilan pa ang aking mga luha dahil sa ginawa niyang pag yakap sa'kin. "Pero no, I got mad at Olivia because she did nothing to stop her sister. She even supports them." Tinapik-tapik niya ang aking likuran."I'm sorry, I-It's not because I don't trust you but I just don't want to add my problems
Kinakabahan ako.Hindi nagtagal nakarating na din kami sa Blue gardens. Bumaba ako sa likod kung saan hindi ako makikita ng mga bisita.Wala akong practice practice sa gagawin na program bahala na mamaya."Good evening everyone! Welcome to Blue Gardens! We celebrate a wonderful life for a girl who is now turning into a fine lady. All of you who are here tonight have watched her grow over the years into the wonderful person she is now. As a jumpstart, let us all welcome and acknowledge the ever supportive and loving family of our debutant Mr. Frederick Smith, CEO of Smith Corporation with her loving wife Ms. Amelia Smith" rinig kong sabi ng emcee.Hindi ko na masundan ang mga sinasabi niya. Nagulat nalang ako ng biglang buksan ni Stefan ang pintuan kung saan ako naghihintay para sa grand entrance ko.Iniabot niya sa akin ang bouquet ng white roses at dinampian niya ako ng halik sa aking noo.Nakangiti siyang nakatingin sa akin na para bang sinusuri niyang mabuti ang aking itsura. "I to
Sikat ng araw ang tumatama sa aking mukha ng magising ako.Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako. "Happiest Birthday, Self" sabi ko sa sarili ko. "Ang wish ko sayo, sana maging matapang kana this time! Kaya ba natin yon?! Syempre! Kaya natin yon!" pahabol ko pa at binigyan ko ng isang mahigpit na yakap ang aking sarili.Hinanap ko ang cellphone ko, hindi ko na kasi inabala pa ang sarili kong icharge o ilagay man lang sa side table ko ang phone ko kagabi.Nasa tabi ito ng surfboard pillow ko ng makita ko ito. "hayy, kahit hindi ako mahal ng nagbigay sayo, basta ako aalagaan pa din kita" sabi ko ng kunin ko ang phone ko at ang surfboard pillow ko.Eleven percent nalang ang battery ng phone ko, meaning kailangan ko na siyang icharge. Napansin kong madami ng bumati sa akin pero ni isa wala akong binuksan na mensahe.Palabas na sana ako ng kwarto ko ng may nag doorbell sa unit ko. Agad naman akong tumakbo dahil baka si Stefan yun at madatnan pa siya nila Dad, mayamaya din kasi papunta
"Why? Is there something wrong??" pag-aalala kong tanong sakaniya."I-It's Mom" utal niyang saad sa akin. "Don't worry... So... Do you like it??" He's referring to the surfboard."SUPER! I've been planning to surf nga after the first semester but I remember naiwan ko yung surfboard ko sa Elyu last year!" bahagya naman akong nalungkot dahil bigay pa sakin yun ni Lola."I know, kaya plinano ko talagang after ng exams natin ko ibibigay" Lumapit siya sa lalaking mukhang may ari ng shop na ito. "Bro! This is Addi the one who owns that name" sabay turo niya sa surboard na nakadantay lang sa pader ng shop. "Addi, this is Geoff he's a swimmer too" ahh kaya pala sila nagkakilala."Ohh! Ikaw pala si Addi, nice to meet you!" sabay lahad niya ng kanang kamay. Abot tainga ang aking ngiti ng tanggapin ko ito. "You know what? Kinukulit ako ng kinukulit nitong si Stefanthy" sabay tapik niya sa balikat ni Stefan. "Gusto niya daw before birthday mo magawa na, kaya tomorrow I'll just send it to your bir
Ang bilis ng araw parang nung nakaraan lang eh ayaw kong pumayag sa party na gaganapin sa debut ko. Tapos eto, bukas na agad iyon.Naging magkaibigan nga talaga kami ni Migs. Nag open siya sa akin nung araw din na nagpakilala siya dahil gusto daw niyang marinig ang side ng babae.Nalaman ko din sakaniyang pinipilit din pala siya ng parents niya sa taong ayaw niya. sa kasal na hindi niya pinangarap. Parehas pala kami. Kaya biniro ko siya nun, na baka mamaya siya pala yung pinipilit din sa akin nila Dad. hahaha hindi pa din daw niya namemeet yung babae parehas kami hindi ko pCallisten namemeet yung guy. Wala din siyang idea sa family name. Kaya kung siya man iyong binabanggit ni Dad mukhang hindi naman siya mahirap pakisamahan. hahahakidding aside...Hindi ako mapakali, habang nakaupo ako sa couch dito sa living room ng unit ko. Pinagmamasdan kong mabuti ang kumikinang kinang na silver sequin gown sa aking harapan. Sinabi ko kay Mom na ayaw kong masyadong magarbo ang isusuot ko. Bukod
Wala ka ba talagang alam? Wala ka bang sasabihin o bibigyang linaw? Ayan ang mga bagay na gusto kong itanong ngunit wala akong lakas ng loob. Kaya ko pa... magbulag-bulagan.Nang maaninag ko na ang building ng Condo na tinutuluyan ko ay umayos ako ng pagkakaupo at hinarap ko siya ng nakangiti."Uhh thanks for today, masama lang pakiramdam ko, I guess malapit na 'ko mag red days""You sure?""Yeah, bakit may iba pa bang reason para mawala ako sa mood?" hindi ko na napigilan ang maging sarcastic, kaya tinignan ko siya ng seryoso, kitang kita ko sakaniyang mga mata ang gulat sa naging tanong ko. "hayy nako babe, 'wag kana nga mag-isip pa ng kung ano. Okay lang ako, masama lang talaga pakiramdam ko" nakangiting sabi ko sakaniya."O-okay... If you say so, I'll just text you when I-I got home. okay?" kabadong sagot niya saakin.Ngiti lang ang sinagot ko sakaniya.Lumapit siya sa akin, he kissed me on my forehead.Pumikit ako ng mariin ng halikan niya ako sa aking noo. Kung hindi siguro ako
Ilang araw na din ang lumipas matapos mangyari ang eksenang 'yon."Thank God! Tapos na natin ang semester na 'to sigurado akong uno ka nanaman..." hindi ko na masundan ang sinasabi ni Calliste saakin, para bang isang bulong nalang ito dahil lumilipad ang isip ko sa ibang bagay.Hangga't wala akong nakikita o naririnig na bagay na makakapag pagising saakin sa katotoohanan ng realidad hindi ko pipilitin, hahayaan kong panahon ang gumawa nito para saakin."Addi?""Hey? Addi!" sigaw na tawag sakin ni Calliste, kasalukuyang nga pala kaming nasa Espresso Cafe. "Are you with me?" ani niya."U-uh yeah" tipid kong sagot."How's Tito nga pala?""Ayun kinukulit nanaman ako, okay naman ang business namin. Pero hindi ko alam sakanila bakit nila ako pinipilit sa 'di ko gustong gawin." totoo naman... Daddy's girl ako pero dahil sa ginagawa nila saakin ni Mommy para bang nagsisimula ng lumayo ang loob ko sakanila.Kunot noo naman akong binalingan ni Calliste. "I feel you, ganyan na ganyan din sila sa
"Sorry" sabi ng lalaking parang ngayon ko lang napansin dito.Kunot noo ko siyang tinignan na para bang siya na ang pinakamalas na taong nakasalamuha ko sa araw na ito. Kung nasa mood lang ako ngayon? Pupurihin ko ang lalaking ito kaso sorry siya wala ako sa mood. Kaya naman inirapan ko ito at dali-dali na akong naglakad papalapit sa elevator. TsssHahahaha kung napapansin niyong lagi ko nalang kinakausap ang sarili ko, guys wala akong kasama EVERY FVCKIN' DAY kaya ganito ako. Okay?.So ayun, sigurado akong nasa lobby lang din si Kuya Eric, ang driver ko.Tumunog na ang elevator hudyat na nasa Level 1 na ako.As usual, kanya kanya ang mga pwesto ng mga tao na tumatambay at naghihintay lang din dito sa lobby. Ang iba ay masaya, ang iba ay bagsak ang balikat na nakatulala lang, ang iba naman ay kunot din ang noo habang may tinitipa sa kani-kanilang mga cellphone. Para bang sumasabay sila sa awra ko ngayon, para bang tamad na tamad din sila ngayong araw. Damay damay na 'to. hahahahaNaba
Nagising ako ng may liwanag na tumatama sa aking mukha. Panibagong umagang puno ng katahimikan na naman ang aking paligid.Tanging ingay lang ng split type inverter ang naririnig ko.Hindi ko pa minumulat ang aking mga mata kahit alam kong may pang umagang pasok ako. Kaya naman tumalikod ako para ang aking likuran naman ang tamaan ng araw."Five minutes... five minutes... five minutes" paulit-ulit kong sabi sa aking sarili hanggang sa hindi ko na namalayan na ang limang minuto na hinihingi ko ay naging dalawang oras.And... as usual late nanaman ako. Oh! Let me rephrase that, absent nanaman ako sa morning class ko.Nagmumuni-muni pa ako ng tumunog ang aking cellphone. It's either Olivia or Calliste ang dalawa kong bestfriend or... Timo ang boyfriend ko. Sila lang naman ang mag-aabalang tumawag saakin.I didn't bother to answer it.Pinili ko nalang bumangon kahit tamad na tamad ako.Kinuha ko ang bluetooth mini speaker ko saka ako pumasok sa CR. Pinili kong kanta ang Jolene ni Dolly Pa