Lumayo ako ng bahagya sa kanya dahil marami na ring tao sa cafeteria ang nakatingin sa aming dalawa. “Stefan, nakakahiya–”“Do you want me to get everyone out of here now?” mas lalo pa niyang dinikit ang labi niya sa aking tainga, this time pababa na ng aking leeg ang dampi ng labi niya. Tinaas ko ang dalawang kamay ko na para bang sumusuko na ako, “stop it–baka may magsabi nito sa head office tapos matanggal pa ako dito sa Lions.”“That will never happen, baby.” sabi nito at binigyan ako ng matamis na halik sa aking noo. Inubos namin ang mga inorder niya kahit pa busog na ako ay pinilit ko pa ring ubusin ‘yun dahil sayang at alam kong talagang gusto niya lang akong ‘wag magutom. “Let’s go?” tanong niya sa akin nang makitang nagpupunas na lang ako ng aking bibig. “Tara.” Halos padilim na rin pala kaya wala ng masyadong estudyante tanging napasok at nalabas na lamang sa campus ang mga estudyanteng may subject ng panggabi. “Anong ginagawa ni Diara pala dito kanina?” basag ko sa ka
“Can I date you?” ulit niya sa akin. “Under our contract?” umiiling kong sinabi sa kanya. “No–after–”Hindi ko na siya pinatapos pa, “you’re just overwhelmed, Stefan. Imagine, with or without your Lolo ginagawa natin ‘yung ginagawa ng totoong mag couple, bakit kailangan pa ng label?”“Kasi nga I’m starting to love you more!” “You just like me a few days ago.” tumingin na ako sa kanya at ngumiti. Lumapit ito sa akin at niyakap ako, hinayaan ko lang siya. “Nararamdaman ko na lang bigla na mahal na kita. Hindi naman ako papayag ng may nangyayari sa atin ng walang tayo.”Ma-ingat niya akong inalayo sa kanya, at tumayo siya may kinuha siyang papel sa bedside table na nasa gilid ko. Umupo ito tabi ko habang ako naman ay nakahiga. Pinakita niya sa akin ang papel at ito pala ang kontrata namin. “I don’t like being in a contract relationship anymore.” pupunitin niya sana ang kontratang pinirmahan ko ng hindi ko manlang binabasa noon ngunit pinigilan ko ito. “No–sige na! Pumapayag na ako.
I woke up to a loud knock on the door; I looked around but saw no sign of Stefan.“Madame Calliste?” “Madame Calliste?” dalawang tao ang nagtatawag sa akin kaya naman bumangon na ako agad. Binuksan ko ang pintuan at bumungad sa akin ang dalawang katulong ni Stefan, si Yanu at Mildred. “Magadang umaga po, Madame. Pasensya na ho kayo kung ginising ka namin sa gitna ng kasarapan ng tulog mo,” ani ni Mildred. “Masyado ka namang formal, Mildred. Okay lang, nakatulog naman ako ng maaga kagabi, si Stefan nga pala?” tanong ko, nagkatinginan silang dalawa ni Yanu. “Bakit? May problema ba?”“Madame, nasa mansyon sila ngayon ng mga Leviste–”Biglang bumilis ang tibok ng puso ko, “bakit? Sino-sino sila?!” “Hindi po nagsabi kung bakit basta pinapasabi po ni Sir Stefan ay gisingin ka daw po namin para kumain na ng tanghalian at kapag naman po ikaw ay nagtanong sabihin naming nasa mga Leviste po sila.” sabi ni Yanu. Saan ba ang mansyon ng mga Leviste?Baka mamaya ay ituloy na ng Lolo ni Stefan
“Madame Calliste, nandito na po tayo.” Hindi na ako nakapag pasalamat, nang sabihin niya iyon ay agad kong tinanggal ang seat belt ko at lumabas ako agad ng sasakyan. Patakbo akong lumapit sa gate ng mansyon ng mga Leviste, nang makita ako ng mga guard nila ay agad akong hinarang. “Ma’am, ano po ang kailangan ninyo? Hindi po pwedeng basat basta ka na lang pong lalapit—“ Hindi ko na siya pinatapos pa at nilagpasan ko siya ngunit hinawakan ako ng isang guard pa sa aking braso. Ang higpit ng pagkakahawak sa akin kaya nakaramdam ako ng pananakit ng braso ko. “Bitiwan mo ako!” sigaw ko nang humigpit lalo ang pagkakahawak nito sa akin. “Bitiwan mo ako! Nasasaktan ako!”“Ma’am, trespassing ka! Tinatanong ka namin ng maayos!” galit na saad nito at parang tripleng sakit na ang nararamdaman ko dahil sa mas humigpit pa ito. “Isa akong Leone!” sigaw ko sa kanilang dalawa at saka mabilis na binitawan ang kamay kong nakahawak sa kanya. “Papasukin niyo ako!” “Ma’am, pasensya na po kayo–pero s
“Mabuti pa nga, planuhin na ‘yan at para na rin mas lumaki at lumawak ang kanya-kanya nating business. Kailangan din talaga ni Diara ang backup ng kumpanya ni Stefan lalo na’t kilalang-kilala si Stefan sa buong mundo kaya mas maganda talaga ang collaboration ng mga business nila kung sakali.” sagot ni Sir Matteo. Habang nagsasalita ang Lolo ni Stefan at ang ama naman ni Diara, hindi ko pa rin iniaalis ang mga mata ko sa dalawa na halos walang pagitan ang mga pwesto nila. Nakita ko pa ang paglagay pa ng isang kamay ni Diara sa braso ni Stefan na tila masasabi mong may relasyon sila, na gusto nila ang isa’t-isa. Gusto kong umiyak, ang sakit na ng lalamunan ko dahil pinipigilan kong bumuhos ang mga luha ko. “Ano ang masasabi ninyong dalawa? Stefan… Diara?” tanong ni Sir Sylverio. “Sandali… hindi ba’t may usap-usapan na may karelasyon ka, Stefan? Hindi ba’t dapat ikakasal na kayo, ano ang nangyari do’n? Hindi pwedeng magkaroon ng issue dahil kawawa naman ang anak ko.” Napansin ko ang
“Nandito ako malapit sa mansyon ng mga Leviste.” malinaw kong sinabi sa kanya sa kabila ng pagbagsak ng mga luha ko. Hindi ko na iniisip pa kung anong mga consequences ko ngayon, alam ko kapag nalaman ito ni Stefan ay tiyak na magagalit ito. Iniisip ko ngayon ang sarili ko, mukhang ngayon ay masasabi ko ng hindi lang dahil ito sa inuutos sa akin ni Mama, kung hindi dahil kusa ko na itong ginagawa dahil mahal ko na si Stefan. Mahal ko na siya. Hindi naman ako naghintay ng matagal dahil dumating agad si Koen. Hininto niya ang sasakyan niya sa harapan ko, bababa pa nga sana siya pero sinenyasan ko siyang ‘wag na. Sumakay ako agad nang buksan niya ang pintuan sa front seat. “Today you are my passenger—”Hindi ko na siya pinatapos dahil inaasar na naman niya ako, “hindi ako princess.” Tumawa siya, “bakit? Sasabihin ko bang princess? Hindi mo kasi ako pinapatapos sabi ko passenger lang.” Inirapan ko ito, “bakit ka nandito?” tanong niya sa akin ng nahimasmasan na siya kakatawa. “W-wala
“Anong itatago ka dyan?” natatawa kong tanong sa kanya. Bakit naman niya ako kailangan itago? Pinakilala nga niya ako sa Lions University bilang fiancee niya.“You don’t get me, Calliste you’re so innocent, kung ano man ang dahilan ni Stefan, respetuhin natin ‘yun.” seryosong sagot niya sa akin. Naglakad na siya papasok sa Lomihan, sumunod na rin ako kahit pa ang dami kong katanungan sa kanya, eh, kilala ko si Koen. Hindi niya rin ako sasagutin. Nakahanap na siya ng upuan namin, ang ganda pa ng pwesto namin dahil kitang-kita mo ang Taal Volcano. Mapait akong napangiti, buhat ng maging magkakilala kami ni Stefan hindi pa kami nakakapunta sa public places katulad nito. Naiintindihan ko naman dahil sikat siya at baka pagkaguluhan siya ng mga tao o dahil hindi naman talaga tunay ang sinasabi niyang mahal niya ako kaya hindi niya ako kailangang ilabas sa mga ganitong lugar. Hindi manlang niya ako maaya sa ganitong klaseng kainan. Pero bakit ako nagrereklamo?! Alam kong bilang nalang sa
Iniabot niya sa akin ang cake, naluluha ako dahil sa lahat talaga ng tao miski sarili ko ay hindi ko naalalang birthday ko pala ngayon. Hindi niya talaga ko binibigo na pasiyahin sa tuwing may nangyayari sa akin. Hindi ko man siya tawagin para hingan ng tulong, kusa siyang lilitaw na kala mo alam at nakikita niya ang lahat ng nangyayari sa akin. “Mag wish ka,” sabi ni Koen sa akin ng akmang hihipan ko na dapat ang cake. “Close your eyes.” para pa akong batang sinabihan niyang isarado ko ang mga mata ko pero sinunod ko naman. Wish ko sana kahit malaman ni Stefan ang totoo sana hindi pa rin siya mawala sa akin at kung ano man ang pinaplano niya, sana ay hindi ang paglayo niya sa akin. Hinipan ko ang kandila, nagpalakpakan muli ang mga tao sa paligid kaya naman dumilat na ako. Nadatnan ko pang nakatitig sa akin si Koen. Heto na naman siya, hindi ko maibalik sa kanya ‘yung pagmamahal na kaya niyang gawin para sa akin. Kahit pa sinasabi niya lagi sa akin na maghihintay siya ay hindi ko
Calliste's POVAfter 13hrs and 32 minutes Ladies and gentlemen, welcome to Milan Malpensa Airport. Local time is 8:32 in the evening and the temperature is 8'c.For your safety and comfort, please remain seated with your seat belt fastened until the Captain turns off the Fasten Seat Belt sign. Please check around your seat for any personal belongings you may have brought on board with you and please use caution when opening the overhead bins, as heavy articles may have shifted around during the flight. If you require deplaning assistance, please remain in your seat until all other passengers have deplaned. One of our crew members will then be pleased to assist you.On behalf of Timeless Airlines and the entire crew, I'd like to thank you for joining us on this trip and we are looking forward to seeing you onboard again in the near future. Have a nice evening!" sabi ng Flight attendant ng Timeless Airlines"grabeeeeeeee!!! I can't believe na nasa Italy na ako!!!" manghang-mangha na
Hindi ko alam kung anong pinasok ko—kung bakit ba naman ako pumayag. Alam ko naman sa sarili kong hindi ako marunong mag volleyball at lalo na ang mag basketball. Kunot-noo akong tiningnan ng teacher namin, alam ko sa tingin niyang ito ay pinapahiwatig niyang nagtataka siya sa akin. “ar-are you sure, Ms. Garza?” Pagkumpirma niyang muli.Napayuko na lamang ako dahil sa hiya na nararamdaman ko, alam ko… Hindi ko man makita ang mga itsura ng mga kaklase ko ay ramdam ko na agad ang mga mapanuksong tingin at simpleng tawanan nila. “Op-Opo.” Baka ito na rin ang pagkakataon ko para magkaroon ng kaibigan. Walang nagsalita… wala rin akong naririnig na mahinang tawanan, kaya naman iniangat ko na ang tingin ko sa aming guro. Ngunit… iginala ko ang tingin ko sa mga kaklase ko. Pagkakamali yata na nag angat pa ako ng tingin dahil nakita ko ang mga reaksyon sa mga mukha nila. Ang iba ay nagpipigil lang ng tawa, ang iba ay nakataas ang kilay sa aki—“Wahahahaha!” at ang iba ay hindi na napigilan
There's a secret behind these colors, I want us to wear this because blue represents, depth, trust, loyalty, sincerity, and faith while white represents innocence. I want us to start from all of these.I knocked on my door, "Are you done?" I asked her."Oo, lalabas na ako." Mayamaya lang ay bumukas na ang pintuan ng kwarto ko at niluwa siya nito."You are so beautiful, Calliste."Umikot pa ito na tila prinsesa.Nakangiti habang hawak niya ang magkabilang laylayan ng kanyang paldang puti."Bagay ba sa akin?" Oo, nakatali ang kanyang buhok pero lumapit ako dito para tanggalin ang pagkakatali ng kanyang buhok. "Why? Hindi ba bagay 'yung ayos ng buhok ko?""Bagay naman pero gusto kong makita kang nakalugay ang buhok." I kissed her on her forehead."Let's go? Para maabutan natin ang sunset." She said.Magkahawak-kamay kaming bumaba sa hagdan and nagpaalam na rin kina Mommy at kay Raya. While Khai is busy with his work.I was nervous but when I saw them smiled at us. Parang unti-unting nawa
Stefan's POVI woke up with her in my arms, sleeping.Ito 'yung gusto kong mangyari, 'yung gumising ako ng nasa tabi ko lang siya.I kissed her on her forehead and caressed her cheek."I love you, Elia."She moved a little and gradually opened her eyes, "I love you too, Eliam."I sweetly smiled at her, "Are you ready for later?" I asked her.This day... is the big day for us and I am so damn excited!I planned to propose to her at the top of the mountain.As I promised before, I'm gonna marry her.I still haven't totally forgotten about Cerise but I'm trying my best not to think about her anymore. I want to see her as Calliste.I'm still confused, but I don't want to let her go.But I have to admit, every time I look at her even though I know she has forgiven me and my Dad for being the reason for her parents' car accident, I can't help but feel guilty for what happened.As much as I wanted to see her that day, I didn't think that we would be the reason for her parents' loss.They los
"Calliste?" Napabaling ako ng tawagin ako ni Tita Naomi."Tita?" nilapitan ko siya, "kamusta na po si Stefan?" By this time, I'm hoping na okay na may improvement sa kanya.Nandito lang ako sa guest room ng mansyon nila Tita Naomi para na rin kasama ko si Raya.It's been two days after nang gabing iyon. May itinurok si Khai sa kanya para kumalma at nag decide na rin ako na 'wag nang ipilit pa dahil hindi ko na rin kayang makita si Stefan nang nahihirapan. Tama si Khai, lalo ko lang pinahirapan si Stefan.Kasi masyado akong nag magaling, masyado rin akong dinala ng pagmamahal ko sa kanya sa puntong gustong-gusto kong maalala niya ako kahit sa maling paraan.Kaya nag decide na rin akong 'wag munang magpakita sa kanya, hindi ako lumalabas ng kwarto hangga't alam kong nasa living room or nasa dining room sila, ganun din ang kapatid ko hindi rin ilalabas ni Tita Naomi kapag si Stefan ay kumakain or kasama si Khai na uupo sa living room.Aalis din ako dito kapag nasiguro ko nang nasa mabuti
“Starfire!” I called her that way because we’re playing! Weeee!“I did not know you before, so to me, you are normal.” She said then she rolled her eyes. “Bakit ayan ‘yung sinabi mo?” “Kasi ayan ‘yung naalala kong line kahapon sa episode—-”“You’re talking to Cyborg, not Robin.” I said at umalis na ako sa harapan niya. “You could have simply told us this and asked for our help." She said. “Hayy. Ano bang gusto mo para kay Robin at Starfire na lines lang?” She’s annoyed and her voice is sarcastic. “Syempre, tayong dalawa lang ang naglalaro, eh!” But I am the most annoyed. “Ang pangit mong kalaro talaga! Buti pa si Beast Boy!” She said and ran away. Hinabol ko siya kasi ayaw kong nag-aaway kaming dalawa. “Sorry na! Sige na kahit anong lines na lang ni Starfire! Gusto ko kasi ‘yung mga moments lang nila ni Robin eh.” “Hindi naman kasi pwede ‘yun!” Sigaw niya ng maabutan ko siya. Huminga siya ng malalim at tumigil sa pagtakbo, he pointed her finger at me, “we are your friends, Rob
Bumalik ako sa office table at inayos ko na ang mga papel, kinuha ko lang ang mga importante, ni-lock ko ulit ‘yung drawer at saka ako umalis sa study room. “Calliste!” Lumapit ako sa balcony dito sa loob ng bahay namin.Kita dito ang mga taong papasok sa pintuan, at ang living room namin. Nakita kong pumasok si Khai, “Calliste?” Tawag niya ng makita niya akong nakatingin din sa kanya. “Oh?” Sagot ko at bumaba na ako ng hagdan, napabaling pa siya sa hawak kong folders. “Bakit?” Nang magkaharap na kami. I tried to be cold towards him even though he was not at fault for what was happening to us.“I’m really sorry.” “Sana kaya rin sabihin sa akin ‘yan ni Stefan, ‘no?” I sarcastically said. Umupo ako sa L couch namin. Ang tagal na rin nito pero parang bagong bili pa rin. “Where is Stefan?” Hinanap agad ng mga mata niya si Stefan na para bang nag babaka-sakaling makita niya sa kung saang sulok ng bahay namin. “Wala siya dito, umalis na siya kanina pa.” I answered him coldly. Mayama
Stefan’s POVI laughed at what he said, “Are you f*cking joking right now, Khai?!” “I don’t have time saying useless things here, Stefan. Paano kung mapatunayan ko sayong si Cerise ay si Calliste? What will you do?” Napahawak ako sa aking ulo dahil sa kirot na nararamdaman ko dito. Mariin akong napapikit ng may mga alaalang pumasok sa aking isip. “If you have given a chance to change your name, what name do you want?” I asked her. Umikot-ikot ito na para bang nag ba’ballet pa siya, “I want my name to be Cerise!” Masayang sinabi niya. At tumigil ito sa pag-ikot. “Kasi ayun ang favorite namin ni Ate Raya na kinukuha namin sa cake!” “Huh?” “Hayy naku! Eliam naman kasi ayan ‘yung pinapatikim ko sa’yo nung birthday ni Tita Naomi ‘di’ba ‘yung red sa may cake niya. Hindi ba sabi ko pa sa’yo nun siya ‘yung kitang-kita dahil color red siya tapos kasi ‘yung mga kasama niya sa cake ay black and white. Sabi ni Mommy, ang Cerise daw ay Cherry.” “Pero gusto ko pa ring tawagin kang Elia o ka
Tatlong minuto… Tatlong minuto kong binigyan ang aking sariling ilabas lahat ng nararamdaman kong bigat sa puso ko. Wala akong katulad ni Ivan na nandyan para kay Stefan, ayaw kong malaman ni Myla ang tungkol dito dahil magiging komplikado lang lahat. Kung malalaman man niya gusto ko may mga kasagutan na sa lahat ng tanong ko rin sa aking sarili. Huminga ako ng malalim muli at sa pangalawang pagkakataon na ito, umaasa akong mas matatag na ako ngayon. Sana nga…“Fighting!” Pagpapalakas ko sa aking loob at tumayo na ako. Pumunta muna ako sa aking kwarto noon pero wala na masyadong laman ito. Natira na lang ang kama at dalawang cabinets ko. Hindi rin maalikabok ang kwarto ko, tila alaga ito sa linis. Sunod kong pinuntahan ang kwarto ni Ate Raya at doon mapait akong mapangiti ng makita ang mga dati naming laruan. Meron pa kaming slides. Napansin ko ang mga sketchbooks na maayos na nakalagay sa kama kaya nilapitan ko ito. Ito ‘yung ginagamit na sketchbooks ni Ate sa tuwing nag daw-d