TIANANAGLALAKAD ako sa kahabaan ng daan habang tagaktak ng pawis ang noo ko. Tanghali na at pagod na rin ako sa paglalakad. Ubos na ang luha ko dahil kay Tres. Ayaw ko nang lumuha pa.Hindi ako sigurado kung saan ako pupunta. Ang totoo ay wala naman talaga akong mapupuntahan, kaya ayaw tumigil ng mga paa ko sa paglalakad kahit anong pagod ko.Walang masyadong kabahayan at tahimik lang itong lugar kung nasaan ako. Balak ko sanang umupa na muna nang maliit na bahay o kahit boarding house lang, pero wala naman akong sapat na perang maipambabayad. Umalis akong isangdaan lang ang dala sa bulsa."Huwag kang mag-alala, anak. Magtatrabaho ako para sa iyo. Hindi ako papayag na magutom ka. Kaya natin ito kahit wala ang ama mo."Tumingin ako sa kabilang banda ng kalsada. May natatanaw akong maliit na bakery sa hindi kalayuan. Naisipan kong kumain na muna dahil kumakalam na ang sikmura ko.Tatawid sana ako ng kalsada, pero isang malakas na busina ang narinig ko. Natigilan ako nang makita ang pap
TIANABINUKSAN ni Carmen ang pintuan ng silid niya at pinapasok ako sa loob. Malaking painting ng nakangiting dalaga ang bumungad sa akin. Nakasabit iyon sa pader sa harap ng kama nito. Puno rin ng larawan ng dalaga ang kuwarto na iyon."Sino po siya?"Lumapit si Carmen sa malaking painting at malungkot itong pinagmasdan. "Ang nag-iisa kong anak, si Cynthia.""May anak po kayo? Nasaan na siya ngayon?"Malalim na buntonghininga ang pinakawalan niya. "Patay na siya."Napatingin ako sa painting. Nanghinayang ako. Masyado pa itong bata at sobrang ganda. Kawawa naman."Patay na po siya? Ano po ang ikinamatay niya?""Nagpakamatay siya."Namilog ang mga mata ko sa nakuhang sagot. Nagpakamatay ang anak nito? Kaya pala ang lungkot ng mukha niya habang nakatingin sa painting."I'm sorry po."Hinarap niya ako. Nakikita ko ang pinaghalong lungkot at galit sa mga mata niya."Alam mo ba kung bakit nagpakamatay ang anak ko?""B-bakit po?""Dahil ginamit lang siyang parausan ng nobyo niya. Noong mags
TIANA"Nasaan ang anak ko?"Kagigising ko lang, si Mama Carmen ang unang bumungad sa akin. Mabilis siyang ngumiti nang makita akong nagkamalay na."How are you feeling?"Kahit nanghihina ang pakiramdam ko, ngumiti ako sa kaniya at tumango. "Maayos lang ako, mama. A-ang anak ko? Gusto ko siyang makita."Limang buwan na ang lumilipas, lumayo kami ni Mama Carme mula sa mga problema at nag-focus ako sa pagbubuntis ko. Ang dapat, sa susunod na buwan pa ako manganganak, pero kagabi ay pumutok na ang panubigan ko.Napansin kong unti-unting naglaho ang ngiti sa mga labi niya. Nabahiran ng lungkot ang kaniyang mukha. Para akong dinamba ng truck sa takot."Mama Carmen, anong nangyari? A-ang anak ko? Nasaan siya?""Don't worry, he survived."Nakahinga ako nang maluwag sa narinig. Mariin akong pumikit at ngumiti."Akala ko, nawala na sa akin ang baby ko. I want to see him.""There's something you should know, Tiana." Kinuha niya ang kamay ko. Kapansin-pansin ang lungkot sa mukha niya.Nagpatawag
TRESI HEAVED a deep sigh after checking the time on my wristwatch. It's already 10 AM and I'm late for my meeting with Dos and Uno. Nasa isang random coffee shop ko, nakaupo sa table na pandalawa—nakaharap sa girlfriend kong kanina pa ngumangawa."Are you even listening? Ito ang sinasabi ko, e! Wala ka na ngang pakialam sa akin, pati ba naman sa breakup natin, wala rin sa iyo?"Bored akong nagbuga ng hangin. Honestly, wala talaga akong pakialam sa lahat ng mga sinabi niya. Kung puwede nga lang umalis na, ginawa ko na kanina pa."Wala ka man lang bang sasabihin? You're so imposible! Kaya walang nagtatagal sa iyo, e. You treat women like toys. Pinaglalaruan mo sa kama, pagkatapos, iiwan mo lang!"Ilang beses ko na bang narinig ang lahat ng mga sinabi nito? Hindi ko na mabilang. Sa loob nang isang taon mula nang maging single uli ako, maraming babae na ang dumaan sa buhay ko na walang ibang ginawa kundi magreklamo."Hindi ako nagkulang ng paalala, Stacey. I told you I'm a womanizer. Na
TIANAKAGIGISING ko lang nang madatnan kong nag-uusap si Mama Carmen kasama ang isang lalaki na hindi ko kilala."Oh, here she is!" Nakangiti akong inakbayan ni Mama at pinakilala sa lalaki. "Peter, I like you to meet my daughter, Tiana."Napangiti ako nang ngumiti rin ang lalaki sa harap namin. Matangkad ito, malaki ang pangangatawan at moreno. Sa hitsure nito ay parang bihasang bodyguard ng kung sinong makapangyarihan na tao."Hija, siya ang magiging katulong natin sa lahat. At simula rin ngayon, makakasama mo siya sa mga lakad mo. He will serve as your bodyguard.""Bodyguard po?" Awkward akong ngumiti. "Hindi na kailangan, Mama Carmen.""Hindi puwede. Hindi ako matatahimik na naglalalabas ka sa gabi nang walang kasama." Nakangiti niyang hinahagod ang buhok ko. Napangiti ako. Damang-dama ko ang pagmamahal niya sa akin sa tuwing ginagawa niya ito.Pumayag na lang ako sa gusto ni Mama Carmen. Ayaw ko sana pero ayaw ko na rin siyang pag-alalahanin.Nagpaalam na ako sa kanila para bumal
TRES"So, gusto nilang bilhin itong mall sa dobleng halaga? You're right, sir! I smell something fishy!"Naiiling akong sumandal sa upuan ko habang nagbabasa ng report. Kanina pa salita nang salita si Raquel. Pinapaalis ko na ito pero nandito pa rin at walang tigil sa pang-iistorbo."Can you please get out? I can't concentrate.""Sir, gusto n'yo bang magpa-background check ako? O pasundan ko kaya sila? Malay n'yo, may malaman tayo!""Raquel, ang gusto kong mangyari ngayon, lumabas ka ng opisina ko dahil ang daldal mo. Hindi ako makapagtrabahao.""Alam mo, sir, naisip ko lang iyong sinabi ni Sir Dos." Lalo pa nitong inilapit ang upuan sa desk ko kaya napailing na lang uli ako.Tuluyan ko nang binitiwan ang mga reports na pinag-aaralan ko at tumitig sa kaniya. Parang wala siyang narinig. Hindi ko tuloy alam boss ba niya ako o katsismisan."Paano kung itong mga Hidalgo ang nagpasunog ng mall n'yo? Kasi di ba, sakto ang timing nila! Nagkaroon ng sunog, at bigla naman silang dumating at in
TIANA"Ayaw niya pa rin ipagbili kahit triple na ang halagang ibabayad natin?"Nakatungong umiling si Peter na lalong ikinamula ng mukha ni Mama Carmen."Bakit ba ang tigas ng ulo ng lalaking iyan! It's just a mall! Bakit hindi niya mabiti-bitiwan ang mall na iyon?"Lumapit ako sa sofa kung saan nakaupo si Mama Carmen. Hindi niya magawang tumingin sa akin dahil sa sobrang inis.I held her hand and smiled. "Mama, may naisip po akong plano.""Plano?""Opo, para tuluyan natin makuha ang 13th Day Mall mula kay Tres."Matagal akong tinitigan ni Mama Carmen. Kunot ang noo niya, nakangiti naman ako sa kaniya.Pagkatapos kong sabihin ang balak ko, noong una ay tumanggi pa si Mama Carmen. Lilihis kasi kami sa nauna naming plano, pero nang maisip nilang wala na kaming ibang choice at mukhang hindi talaga namin mapapapayag si Tres, sumang-ayon na rin siya sa balak ko.***Pumatak ang isang luha sa pisngi ko habang pinagmamasdan ang mukha ng aking anak. Awang-awa ako sa baby ko. Hindi ko alam kun
TIANANAPANGITI ako nang makitang titig na titig sa mukha ko si Tres. Dalawa na lang kami ang nasa loob ng opisina niya at kanina pa siya walang imik."Kumusta ka na?" simula ko para basagin ang katahimikan.Kung hahayaan ko siyang hindi magsalita, baka abutin kami nang bukas nang walang nagagawa kundi magtitigan lang.Tinanguan niya ako sabay ngiti. "Mukhang mas kalmado ka na ngayon kaysa kagabi."Tumawa ako. "I was drunk, sorry about that.""Kailan ka pa natutong uminom?""Mula noong iwan mo ako," sagot ko na parang wala lang. I tried so hard to hide my anger.Lumamlam naman ang mga mata niya sa sinabi ko. Napangiti ako dahil mukhang may puso pa rin naman itong tao na ito. Marunong pa rin makonsensya."I'm sure you know why I'm here."Natahimik na naman siya bago huminga nang malalim. "Paano ka naging tagapagmana ng mga Hidalgo?""Ah, iyon ba? Well, may naawa sa akin pagkatapos mo akong palayasin noon. Pinulot ako, trinatong tao. At ngayon, heto... so are you selling your mall or no