Share

TRES 8

TIANA

NAPANGITI ako nang makitang titig na titig sa mukha ko si Tres. Dalawa na lang kami ang nasa loob ng opisina niya at kanina pa siya walang imik.

"Kumusta ka na?" simula ko para basagin ang katahimikan.

Kung hahayaan ko siyang hindi magsalita, baka abutin kami nang bukas nang walang nagagawa kundi magtitigan lang.

Tinanguan niya ako sabay ngiti. "Mukhang mas kalmado ka na ngayon kaysa kagabi."

Tumawa ako. "I was drunk, sorry about that."

"Kailan ka pa natutong uminom?"

"Mula noong iwan mo ako," sagot ko na parang wala lang. I tried so hard to hide my anger.

Lumamlam naman ang mga mata niya sa sinabi ko. Napangiti ako dahil mukhang may puso pa rin naman itong tao na ito. Marunong pa rin makonsensya.

"I'm sure you know why I'm here."

Natahimik na naman siya bago huminga nang malalim. "Paano ka naging tagapagmana ng mga Hidalgo?"

"Ah, iyon ba? Well, may naawa sa akin pagkatapos mo akong palayasin noon. Pinulot ako, trinatong tao. At ngayon, heto... so are you selling your mall or no
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP
Komen (1)
goodnovel comment avatar
Maybell Sososco
next chapter plzzz
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status