TRESMARIIN kong pinikit ang mga mata ko at tumingin sa wedding picture namin ni Tiana na nasa ibabaw ng desk ko. Titig na titig ako sa maamo niyang mukha—ang malaanghel na mukha ng asawa ko.Ex-wife, to be precise.Iniisip ko ang mga nangyari at ang pagbabalik ni Tiana sa buhay ko. May punto sina Uno at Dos. Kahit anong tanggi ang gawin ko, alam kong hindi coincidence ang lahat nang nangyayari.Pero hindi ako naniniwalang magagawa nang kusa ni Tiana ang bagay na iyon. She's too innocent to harm other people. I need to know the truth.Kailangan kong makausap mismo si Tiana. Patayo na sana ako nang matigilan ako sa napansin. Nakatulala si Raquel sa harap ng desk ko at nakatitig sa akin."What?"She smiled. "Ang guwapo mo sana, sir. Pero madalas kang wala sa sarili."Bumuntonghininga ako. "After everything that happened, what do you want me to do? Smile? Laugh?""Hindi naman." Nagkibit siya ng balikat. "Basta huwag ka lang masyadong natutulala. Lalo na ngayon, bumalik na si Mrs. Santiba
TIANAHINDI ko alam kung bakit sumama ako kay Tres, pero heto ako ngayon, nakaupo sa loob ng kitchen ng bahay niya habang pinaghahanda niya ng pagkain.Maya-maya, lumapit siya sa akin at nilapag ang plato ng carbonara at baso ng ice tea sa harap ko."Ang sabi mo, pupunta tayo dito para pag-usapan ang tungkol sa mall.""And you believe that?"Sinamaan ko siya ng paningin. Oo nga, Tiana! Pinaniwalaan mo iyon? Tanga ka talaga siguro... o baka gusto mo lang talagang sumama dito!Mariin akong pumikit habang umiiling. "Bakit mo ba ako dinala dito?""Gusto kitang masolo."Nag-angat ako ng paningin kaya nagtagpo ang mga mata namin. Heto na naman siya, titig na titig sa mukha ko na parang tutunawin ako.Pinilit kong ibaling sa pagkain ang atensyon. Tinikman ko ang carbonara. As usual, masarap pa rin ang luto ni Tres. Kung may na-miss siguro ako sa kaniya, iyon ang mga luto niya."Masarap?""Hindi!" pagsisinungaling ko kahit panay subo ako."Masarap iyan kahit hindi mo sabihin. Kasing-sarap ko.
TIANAHINDI na ako nagpahatid sa driver ni Tres at nagpakuha na lang ng taxi. I can't let him know where I lived. Habang lulan ng sasakyan ay hindi ko maiwasang hindi isipin ang nangyari.Nasunog ang bahay ni Uno? Hindi naman siguro sina Mama Carmen ang may kagagawan nito? Pero masyadong coincidence kung aksidente lang ang nangyari.Arson ang isa sa naisip na paraan ni Mama para makapaghiganti kami kay Tres. Sunod-sunod na sunog ang mangyayari, pero iyon ay para sa mga properties lang ni Tres na gusto namin makuha. Hindi kasama ang ibang tao!Tumigil ang taxing sinasakyan ko nang biglang mag-redlight ang traffic light. Binuksan ko ang window para lumanghap ng sariwang hangin. Para kasi akong nasu-suffocate sa mga nalaman.Nakatitig lang ako sa malaking glass window ng isang mall nang mapansin ang dalagang lumabas sa entrance kasama ang ilan pang mga babae.Natulala ako nang matagal. Kinusot-kusot ko ang mga mata ko, pero mukha pa rin nito ang nakikita ko. Pumasok sila sa katabing tind
TRESILANG araw hindi nakipagkita sa akin si Tiana. Ilang beses kong tinawagan si Peter pero hindi nito sinasagot ang tawag ko. Umabot ako sa puntong nagbayad ng tao para lang malaman kung saan siya nakatira, pero ang sarap magmura! Hindi nila malaman-laman ang address nito!Kumatok si Raquel sa pinto at sumilip. "Sir, time na po para sa lunch meeting n'yo.""Okay, I'll be there. Just give me five minutes."Pumasok ako sa maliit na kuwarto sa kaliwa na nagsisilbing tulugan ko sa mga araw na ayaw kong umuwi sa bahay o abala ako sa trabaho. I changed my clothes and whisk an expensive cologne.Palabas na ako nang matigilan ako sa narinig. Binuksan ko nang bahagya ang pintuan at sumilip sa labas. Muli ko itong isinara nang makita sa loob sina Dos at Yuji.I heaved a sigh and sat on the side of the bed. Ayaw ko sanang marinig ang usapan nila, pero malinaw sa pandinig ko ang lahat dahil sa lakas ng kanilang mga boses."Bitiwan mo ako, Dos! Leon is just outside!""Wala akong pakialam kahit k
TRESNAIILING ako habang nakikitang nagbabangayan sina Uno at Isa. Noon pa man, seloso na talaga itong si Uno, pero iba ang sitwasyon ngayon. Si Isa ang sumugod sa mall dahil akala nito, may ibang babae si Uno."My love, sa tingin mo ba, magagawa ko iyon sa iyo? Kaya lagi akong wala, dahil busy kami sa trabaho."Malakas na hinampas ni Isa sa braso ang asawa nito. "Subukan mo lang! Oras na nalaman kong niloloko mo ako, dadalhin ko ang mga bata kay inay at mang-iibang bansa na kami!"Biglang nag-walkout si Isa."Mahal! Take me with you!" Mabilis na sinundan ni Uno ang asawa nito.Nailing kaming dalawa ni Dos. Busy si Uno sa kakahanap kay Celestia kaya palagi itong wala. Ang problema lang, hindi pa rin alam ni Isa na nakatakas si Celestia sa kulungan."Bro, I need to tell you something." I turned to Dos.Natigilan ako nang mapansin na wala sa akin ang atensyon niya. Sinundan ko kung saan siya nakatingin at nakita si Yuji, nakatayo hindi kalayuan sa amin.Bumuntonghininga ako. "Lapitan mo
TRESNAKATUNGHAY kami sa malawak na bakuran kung saan may malaking swimming pool sa gitna. Naroon kaming tatlo sa valcony ng second floor ng villa ni Uno—nag-iinom. Dito sila pansamantalang nakatira habang hindi pa namin nahuhuli si Celestia.Katatapos lang ng party at dito kami dumiretso tatlo para makapag-usap."It's Celestia. Sigurado akong may kinalaman siya sa mga Hidalgo at ginagamit nila si Tiana." Sumimsim ako ng alak habang nakaharap kay Uno."Puwedeng tama ka. Pero hindi tayo puwedeng kumilos hangga't hindi natin nalalaman kung nasaan si Celestia. Tres, you need to talk to Tiana.""I don't think she'll cooperate with me. If you haven't noticed, we're not in good terms.""You're still her ex-husband. May pinagsamahan kayo kaya baka magawa mo pa rin siyang kumbinsihin."Bumuntonghininga ako at nailing. "Ginawa ko na ang lahat. I'm even seducing her, damn it! Matigas na talaga ang puso niya. I made her like that.""Kailangan mo pa rin gumawa ng paraan. Celestia is a dangerous p
DOSTANGHALI na ako dumating sa Golden Hotel. Sa tindi ng kalasingan ko, kumikirot ang ulo ko kanina kaya natulog lang ako uli."Sir, here's your coffee and a glass of water for your hungover.""May nangyari ba habang wala ako?"Nakapikit ako at hilot ang sintido. Hanggang ngayon ay kumikirot pa rin ang ulo ko. Parang binibiyak ng itak."Wala naman, sir. Pero kanina po... "Nagmulat ako ng mata nang mabitin ang sinasabi ni Odette. Kagat-labi itong umiwas ng paningin."Kanina, what? Anong mayroon kanina?""Kasi, sir, nagpunta dito si Ma'am Yuji."Napaayos ako nang pagkakaupo dahil sa sinabi niya. "Si Yuji? Hinanap niya ako?"Tumango siya. "Nang malaman niya po na wala kayo, umalis din siya agad."Mabilis akong tumayo at halos takbuhin ko na ang daan papunta sa floor kung nasaan ang room nina Yuji. Ilang ulit akong kumatok sa pinto bago ito bumukas.Bumungad sa akin ang nakangiting mukha ni Yuji. But as soon as she saw me, the smile on her face faded away.Sinubukan niyang isara ang pin
TRES"Oh my God!"Umalingawngaw ang malakas na boses ni Tiana sa buong kabahayan. Base sa tono ng tinig nito, mukhang gulat at galit na galit na naman ito. Maya-maya lang ay narinig ko na ang pagtakbo niya papunta sa kung nasaan ako."Tres? W-where am I? Anong lugar ito!""Pluto.""Gago ka! Umayos ka nga ng sagot!"Tinanggal ko ang suot kong sunglasses saka tumayo at bumaling sa kaniya. "Relax, hon. Nandito ka sa private beach house ko sa Batangas. I own this place, no need to feel scared."Nakita ko ang paglunok niya nang mabaling sa katawan ko ang tingin niya. Bumaba pa ang mga mata niya hanggang sa boxer kong may malaking bukol sa gitna.It's not yet awake, natural na size talaga ito ng alaga ko. I'm wearing nothing but my boxer shorts at may hawak din akong bote ng beer sa isang kamay."Tayo lang ang nandito," I teasingly said.Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi ko. Luminga siya sa paligid. Malaki ang bahay at maging ang front yard nito. Aabutin ka pa nang ilang minuto sa paglala