TRESMAGKAHAWAK-KAMAY kami ni Tiana habang nanunumpa sa harap ng Diyos at ng mga tao—sa pangalawang pagkakataon, na mamahalin at aalagaan namin ang isa't isa hanggang sa kami ay tumanda.After the priest pronounced us as husband and wife, I took Tiana's hand and brought it to my lips, told her how much I love her before giving her a kiss on the lips.After months of fixing everything, we finally decided to get married again in Nuestra Señora de Gracia Church. It's considered one of the oldest catholic churches in Manila.The color theme of our wedding were rustic hues paired with brown and burnt orange, combining it with creamy linen hue and dove gray. So the inside of the church was filled with white and brown flowers that feels light and warm.Tiana was wearing an A-line wedding dress that flatters her hourglass bodyshape. She looks heavenly beautiful today. I can't believe how stunning she is while standing next to me.Nakangiti kaming humarap sa mga tao sa loob ng simbahan. Tiana
ISA"Buntis ako."Inabot ko kay Uno ang pregnancy test kit na may dalawang pulang guhit. Hindi niya ito tinanggap. Sa halip, tiningnan niya lang ako nang nakakainsulto."Anong tingin mo sa akin—tanga?""Uno... ""Paano ako makakasiguro na ako nga ang ama ng pinagbubuntis mo?"Malungkot akong nagtungo ng ulo. Paano ko nga ba siya paniniwalain na siya ang ama nito?"I-ikaw ang first ko—""But that doesn't mean I'm the only guy who fucks you."Inosente akong nag-angat ng paningin para makita ang reaction niya. Madilim ang mukha niya at kahit ang mga mata niya, matalim kung tumitig sa akin."Umalis ka na, Isa. Darating ang girlfriend ko at ayaw kong abutan ka niya rito."Humarap siya sa maliit na bar countertop sa loob ng silid niya at nagsalin ng mamahaling alak sa baso."Uno—""Damn it!"Napasinghap ako sa gulat nang malakas niyang ibato ang hawak niyang baso sa pader na nasa likuran ko."Hindi mo ba ako narinig? Gwen and I just got back together! Ayaw kong magkasira ulit kami nang dahi
ISA"Anak!" Pabalikwas akong bumangon mula sa pagkakahiga.Nagising akong pawis na pawis dahil sa masamang panaginip. Nasa sementeryo raw ako at naghuhukay ng libingan para sa sarili kong anak."Sa wakas at gising ka na."Namilog bigla ang mga mata ko nang makita kung kanino nanggaling ang boses na iyon. Tumayo ito mula sa pagkakaupo sofa at lumapit sa kamang kinahihigaan ko—si Senyora Celestia, ang ina ni Uno.Bakit nandito siya? At ako... nasaan ako? Ginala ko ang paningin ko sa buong kuwarto. Isang tingin lang sa paligid, alam ko na agad na nasa hospital ako."How are you feeling, hija?""M-medyo maayos na po ang pakiramdam ko, senyora Celestia. K-kailan pa po kayo nakabalik mula sa business trip n'yo?""Kanina lang, at nalaman ko ang lahat mula kay Linda."Si Linda ang isa sa maraming katulong sa mansion ng mga Cavallaro. Ito lang ang pinagkakatiwalaan ni Senyora Celestia sa aming lahat. Sinusumbong kasi nito ang mga nangyayari sa mansion kapag wala si Senyora."Alam ko na rin ang
ISALUMIPAS ang maraming buwan, palaki na nang palaki ang tiyan ko hanggang dumating ako sa punto na nahihirapan na akong maglakad o maski ang tumayo.Nakakulong pa rin ako sa bodega, nakahiga sa banig at dinadalhan lang ng pagkain ng mga katulong ni Senyora Celestia. Paminsan-minsan ay dinadalaw niya ako kasama ang family doctor nila para matingnan ang kalagayan ko. Katulad ngayon."Senyora, maawa na kayo sa akin. Paalisin n'yo na ako dito. Mababaliw na po ako rito.""Tonta! Ngayon ka pa magrereklamo? Isang buwan na lang, manganganak ka na!""Hindi po ako magsusumbong sa mga pulis. Hayaan n'yo lang akong makaalis kasama ang anak ko! Maawa na kayo, senyora!"Umiiyak na ako sa puntong ito, nakaluhod sa lupa at nagmamakaawa sa kaniya. Pero para siyang walang naririnig. Parang hangin lang ang pagmamakaawa ko sa kaniya."Kahit magsumbong ka pa sa mga pulis, sinong maniniwala sa iyo? Kumpara sa akin na kilala sa lipunan, sino ang maniniwala sa isang katulong lang?"Mariin akong pumikit pag
ISANAKAUPO ako sa isang maliit na silya sa loob ng higanting gift box. Nakasuot ako ng maskarang tumatakip sa kalahati ng mukha ko. Kung gaano katahimik ang paligid, ganoon naman kalakas ang tibok ng puso ko. Pakiramdam ko ay para itong sasabog sa sobrang kaba na nararamdaman ko."This is our surprise for you, bro! Parang pinaagang bachelor's party! I'm sure you'll like it!"Naghiyawan ang mga lalaki sa labas ng kahon kasunod ng sinabi ng MC. Lalo akong kinabahan. Kung hindi nga lang malamig dito, paniguradong pagpapawisan ako nang malapot."Make sure of that."Natigilan ako sa narinig. Imagination ko lang ba o parang pamilyar sa akin ang boses na iyon?Habang nagsasalita ang MC, kabado akong sumilip sa maliit na butas ng kahon. Hinanap ko ang lalaking nakasuot ng all black bow tie tuxedo—ang lalaking may birthday at siyang sasayawan ko.But I was too shocked to gasp or even react when I saw the man sitting on chair in the center of the room.Diyos ko! Totoo ba ito o nananaginip lan
ISAMATAGAL akong nakatitig sa mukha ng doctor na kumausap sa akin. Hindi ako makapaniwala sa lahat ng sinabi niya."Pero doc, ang akala ko po, normal lang ang sakit ng anak ko? Bakit ngayon, sinasabi n'yong puwede niyang ikamatay ito?""Hija, nagkamali ang huling doctor na nakausap n'yo. Mabuti nga't nadala mo rito ang bata. Maaagapan pa natin ang sakit niya."Hindi kumbinsidong umiling ako sa kaniya. "Hindi pa mamamatay ang anak ko, doc! Bawiin n'yo ang sinabi n'yo!""She will not die, pero kailangan niyang sumailalim sa bone marrow transplant. May rare blood disease ang anak mo, hija. Kapag hindi ito naagapan, manganganib ang buhay niya."Wala sa sariling hinampas ko nang paulit-ulit ang dibdib ko nang mahirapan akong huminga."Ang dami nang pinagdaanan ng anak ko! Pagod na pagod na siya."Naaawang tiningnan ako ng doctor. Hindi ko alam kung anong sakit ang tinutukoy niya, pero wala akong balak mawalan uli ng anak."Doc, iligtas n'yo po ang anak ko! Nakahanda akong pasukin ang laha
ISAILANG araw na mula nang magsimula akong magtrabaho bilang housemaid sa mansion ni Uno, pero hanggang ngayon, hindi ko pa rin ito nakikita dahil nasa business trip ito sa ibang bansa.Ilang araw na rin pero hanggang tanaw lang ako sa kuwarto ng anak ko. Hindi siya madalas na lumabas ng kuwarto, at kung lumabas man, hindi ko pa rin matyempuhan. Hindi ko siya malapitan o mahawakan man lang.Sabik na sabik na ako sa anak ko. Gusto ko siyang mayakap at mahalikan. Tatlong taon na rin mula nang maipanganak ko sila, pero hanggang ngayon, hindi ko man lang siya nakikita."Bwiset ka talagang bata ka!"Natigilan ako sa ginagawang paglilinis nang marinig ang tila galit na boses na iyon. Mukhang si Kuring iyon, ah? Ang yaya ng anak ko!"Aray! You're hurting me! Let go!" Sunod kong narinig ang boses ni Alas.Mabilis kong iniwan ang ginagawa ko at patakbong pumunta sa garden kung saan nanggagaling ang mga boses nila."Masasaktan ka talaga sa akin! Punong-puno na ako sa iyo—""Anong ginagawa mo s
ISAMABILIS akong nagbaba ng paningin nang makita ang matalim na mga mata ni Uno—titig na titig sa akin.Kanina pa kami nandito sa loob ng private library ng mansion niya. Hindi siya nagsasalita pero hindi niya rin ako pinapaalis. Namamawis na tuloy ang mga palad ko sa sobrang kaba dahil sa mga titig niya.I bit my lower lip and tried to open my mouth to say something, pero mabilis din akong natigilan nang tumikhim siya."Buhay ka pa pala."Mariin akong lumunok. Para hindi ako hanapin ni Senyora Celestia noon, pinalabas ng nurse na namatay ako sa panganganak. Iyon ay para maiwasan na rin na malaman nila ang tungkol kay Heart."Tell me, where have you been all these years?"Nag-angat ako ng paningin dahil sa tanong niya. Halos hindi na siya kumurap habang nakatingin sa akin ang matatalim niyang mga mata.Anong dapat kong sabihin? Natatakot akong malaman nila ang tungkol kay Heart. Paano kung kunin nila sa akin ang anak ko? May sakit siya ngayon. Hindi malayong gawin nila iyon dahil wal