Handa ka na ba Abi? Try ko po mag-update ulit mamaya pag hindi busy sa work. Pag hindi kaya, bukas na lang po ulit. Maraming salamat🫶
Sobrang lakas ang kabog ng dibdib ni Abi habang sakay sa loob ng elevator. Pilit niyang kinakalma ang sarili kahit pa ngayon pa lang ay pinanghihinaan na siya ng loob. Ilang beses niyang tinanong kanina ang sarili kung kaya ba niyang harapin ang dalawa. Handa ba siya? Napuno ng takot at pangamba ang puso niya sa mga oras na ito. "Paano kung harap-harapan mismo na mas piliin ni Seb ang kabit nito kaysa sa kanya na asawa? Ano'ng gagawin niya? Makakaya ba niya? Ipaglalaban ba niya ang asawa o magpapaubaya siya?" mga salitang gumugulo ngayon sa kanyang puso at isipan. Mga sari-saring emosyon na hindi niya magawang mapangalanan. Parang tinatambol ang dibdib niya nang marinig ang pag tunog ng elevator at ang pag bukas nito, hudyat na nakarating na siya sa na tamang floor ng condo. Halos pigil ni Abi ang hininga nang matanaw na niya ang pintuan ng condo unit ng asawa. Hirap na hirap siyang inihakbang ang mga paa palapit rito. Nanlalamig at nanginginig ang mga kamay niyang hawak-hawa
Nakasalampak pa rin sa sahig si Abi na patuloy na umiiyak. Tila nawalan siya nang lakas at hindi niya magawang itayo ang sarili niyang mga paa. Habang nasa ganung sitwasyon siya ay naramdaman niya ang brasong yumakap sa kanya mula sa likuran at inalalayan siyang makatayo. "Besh, tumayo ka diyan," dinig niyang sambit ni Lyca. Nilingon niya ang kaibigan at kita niya ang awang bumalatay sa mga mata nito para sa kanya. Tiningnan niya rin ang mukha ng kanyang anak na ngayon ay gising na, titig na titig ito sa kanya na tila ba nagtataka ito kung bakit siya umiiyak. "Abi, let's talk," kaswal na sambit ni Seb. Pinunasan muna niya ang mga luha sa pisngi at nagpakawala ng isang malalim na buntong-hininga bago ito nilingon. "Abi, I'm sorry, it's my fault. Alam kong masakit, pero kailangan na nating gawin ito. Maghiwalay na tayo. I will file an annulment," balewalang wika ng lalaki na parang isang laro lang ang naging kasal nila na ganun na lang kadali para rito ang ang bitawan iyon.
Nagpalipas muna si Abi ng ilang oras sa apartment ni Lyca. Uuwe siya mamaya sa bahay nila ni Seb para kuhanin ang mga gamit niya at gamit ni baby Gavin. Wala ng dahilan pa para manatili sa bahay na iyon. Hindi pa niya alam ang mangyayari sa kanila ng anak, pero pipilitin niyang bumangon kahit pa wasak na wasak pa ang puso at pagkatao niya. "Besh, tulog na si baby Gavin. Baka pwedeng kumain ka na para makapag pahinga ka na rin. Bukas ka na umuwe para kuhanin ang mga gamit nyo," pukaw na wika ni Lyca sa lumilipad niyang isipan. Malungkot siyang napatingin sa kaibigan. "Thank you, besh ha. Thank you sa pagtulong mo sa aming mag-ina," naluluha niyang sambit sa kaibigan, hindi niya mapigilang maging emosyunal. Wala pa siya sa wisyo kaya si Lyca ang nag-asikaso sa anak niya. Bagay na ipinagpapasalamat niya sa kaibigan. Umupo si Lyca sa likod niya at niyakap siya ng kaibigan. "Ano ka ba naman Abi, pwede bang pabayaan ko kayo? Syempre, hindi, kapatid na ang turing ko sayo noon pa man" a
Muli niyang idinilat ang mga nanlalabong mga mata dala ng luha. Pipirmahan na sana niya ang annulment nila ni Seb, nang marinig niya ang boses ng kapatid nitong si Johnson na bigla na lamang nagsalita mula sa kanyang likuran. Dali-dali niyang pinahid ang ang mga luha sa pisngi at inayos ang sarili. Itinaob niya rin ang annulment paper para hindi ito makita ni Johnson. "Hi, anyare rito?" tanong nito sa kanya at itinuro ang kapatid na sobrang lasing at tulog na tulog sa sofa. Ngunit hindi ito sinagot ni Abi ang tanong nito, bagkus nakisuyo siya sa lalaki. "Ahm, pwede mo ba akong tulungan na dalhin sa kwarto ang kuya mo, ayaw kasi magising eh?" aniya, kahit pa ang totoo ay hindi naman talaga niya ginising ang lalaki. Pero sa hitsura nito mukhang malabo rin itong magising sa dami ng bote ng alak ang nainom nito. Tumango naman si Johnson. Tinawag ni Abi ang kanilang guard sa gate para tulungan si Johnson na maiakyat sa taas ang kuya nito. "Ayos ka lang ba Abi? May problema ba?"
Sebastian Masakit ang ulo ni Seb kinabukasan pagkagising niya. Para itong mabibiyak sa sobrang sakit. Naalala niya na naparami pala ang nainom niyang alak kagabi. Ang alam din niya ay nakatulog siya sa sofa kagabi sa sobrang kalasingan. At kung paano siya napunta rito sa masters bedroom sa taas ay 'yon ang hindi niya maalala. Hinilot-hilot niya ang sintido dahil kumikirot ito. Gusto man niyang muling ipikit ang mga mata para matulog ay hindi na niya magawa. Napatingin sa gilid ng kama at naalala niya si Abi. Hanggang ngayon nakikinita pa rin niya sa isip ang mukha ng asawa niya. Kung paano ito pasalampak na umiiyak at nasasaktan sa harap niya dahil sa kagaguhang ginawa niya. Alam niya na walang kasing sakit ang nagawa niyang kasalanan dito. At hindi niya alam kung mapapatawad pa ba siya ni Abi sa mga nagawa niya. Pero umaasa siya na darating ang araw na maiintindihan din siya ng asawa sa nagawa niyang pagkakamali. Mahal pa rin naman niya sa Abi at hindi iyon basta-basta mawawa sa
ABIGAIL Ilang araw ang lumipas ay agad na naghanap ng trabaho si Abi. Gustuhin man siyang ipasok ni Lyca sa cafe na pinagtatrabahuan nito ay wala pang bakante. Kaya naman naghanap siya ng ibang maaplayan. Hindi siya pwedeng pumirmi lang sa bahay dahil nakakahiya naman sa kaibigan niya at nakikitira lamang sila rito. Kahit pa sinasabi nitong saka na siya magtrabaho kapag talagang okay na siya. Pero hindi pwede iyon lalo pa at may batang umaasa sa kanya. Kailangan niyang maging matatag at matapang para kay baby Gavin. Kahit anong trabaho ay ayos lang sa kanya ang mahalga ay marangal. Sanay siya sa hirap kaya lahat kakayanin niya para sa kanila ng anak niya. Nakapagtapos naman siya ng college sa kursong business administration. At meron din naman siyang experience sa pagiging sekretarya noon sa probinsya. Lumuwas siya sa manila galing probinsya para maghanap ng mas malaking sahod. Nag-apply din siya noon na maging secretary sa mga malalaking kompanya sa manila pero laging walang bak
Kinabukasan ay maagang nagising si Abi, para maghanda sa unang araw na pagpasok niya sa mall bilang cashier. Tulog pa ang anak at si Lyca. Nakayakap pa ang anak niya sa ninang nito. Kaya napangiti siya. Kinuha niya ang cellphone at kinuhanan ng litrato ang dalawa. Parehong nakanganga pa ang mag-ninang. Maingat siyang lumabas ng silid at dumeretso sa kusina para magluto ng almusal. Pagkatapos magluto ay naligo naman siya. Inihanda na rin niya ang gamit ng anak para hindi na mahirapan pa si aling Belen mamaya. "Hmmn, bango, naamoy mo ba iyon baby Gav? Mukhang masarap ang niluto ni mommy Abi ah," sambit ni Lyca sa anak na hindi naman nakaintindi. Papalapit ang mga ito lamesa at karga-karga ni Lyca ang anak niya. Halatang kagigising lang ng mag-ninang at kinukusot-kusot pa ng anak niya ang mga mata nito. "Sus, nambola pa, akin na nga si baby Gav at maupo ka na rito, para makapag almusal na tayo," natatawang sambit niya. "Aling Belen, kayo na po ang bahala kay baby Gav ha," aniy
"Anong ginagawa ng lalaking ito rito? Bakit siya nandirito?" kunot-noong kausap ni Abi sa sarili habang naglalakad palapit sa tapat ng pintuan ng apartment. Pagbukas niya sa pintuan ng apartment ay agad na bumungad sa paningin niya si Seb na nilalaro si baby Gav. Tawa naman ng tawa ang anak niya na nilalaro ni Seb. Naningkit ang mga mata niya at mabilis na itong nilapitan at kinuha ang anak mula rito. Halatang nagulat si Seb sa ginawa niya pero wala siyang pakialam. "Anong ginagawa mo rito?" walang ganang tanong ni Abi kay Seb. Tumikhim muna si Seb, bago nagsalita. "Pwede ba tayong mag-usap?" malumanay na sambit ni Seb. "Tumingin si Abi sa relo na suot saka sumagot. "The last time I check, wala na tayong dapat pang pag-usapan," walang emosyong tugon ni Abi. Ano pa ba ang sasabihin ng lalaking to? Hindi ba at siya na ang umalis sa bahay nito. Siya na ang nagparaya para sa ikakasaya nito, pero bakit may nababakas siyang lungkot sa mga mata ng asawa. "Umalis ka na Seb,"