Nakasalampak pa rin sa sahig si Abi na patuloy na umiiyak. Tila nawalan siya nang lakas at hindi niya magawang itayo ang sarili niyang mga paa. Habang nasa ganung sitwasyon siya ay naramdaman niya ang brasong yumakap sa kanya mula sa likuran at inalalayan siyang makatayo. "Besh, tumayo ka diyan," dinig niyang sambit ni Lyca. Nilingon niya ang kaibigan at kita niya ang awang bumalatay sa mga mata nito para sa kanya. Tiningnan niya rin ang mukha ng kanyang anak na ngayon ay gising na, titig na titig ito sa kanya na tila ba nagtataka ito kung bakit siya umiiyak. "Abi, let's talk," kaswal na sambit ni Seb. Pinunasan muna niya ang mga luha sa pisngi at nagpakawala ng isang malalim na buntong-hininga bago ito nilingon. "Abi, I'm sorry, it's my fault. Alam kong masakit, pero kailangan na nating gawin ito. Maghiwalay na tayo. I will file an annulment," balewalang wika ng lalaki na parang isang laro lang ang naging kasal nila na ganun na lang kadali para rito ang ang bitawan iyon.
Nagpalipas muna si Abi ng ilang oras sa apartment ni Lyca. Uuwe siya mamaya sa bahay nila ni Seb para kuhanin ang mga gamit niya at gamit ni baby Gavin. Wala ng dahilan pa para manatili sa bahay na iyon. Hindi pa niya alam ang mangyayari sa kanila ng anak, pero pipilitin niyang bumangon kahit pa wasak na wasak pa ang puso at pagkatao niya. "Besh, tulog na si baby Gavin. Baka pwedeng kumain ka na para makapag pahinga ka na rin. Bukas ka na umuwe para kuhanin ang mga gamit nyo," pukaw na wika ni Lyca sa lumilipad niyang isipan. Malungkot siyang napatingin sa kaibigan. "Thank you, besh ha. Thank you sa pagtulong mo sa aming mag-ina," naluluha niyang sambit sa kaibigan, hindi niya mapigilang maging emosyunal. Wala pa siya sa wisyo kaya si Lyca ang nag-asikaso sa anak niya. Bagay na ipinagpapasalamat niya sa kaibigan. Umupo si Lyca sa likod niya at niyakap siya ng kaibigan. "Ano ka ba naman Abi, pwede bang pabayaan ko kayo? Syempre, hindi, kapatid na ang turing ko sayo noon pa man" a
Muli niyang idinilat ang mga nanlalabong mga mata dala ng luha. Pipirmahan na sana niya ang annulment nila ni Seb, nang marinig niya ang boses ng kapatid nitong si Johnson na bigla na lamang nagsalita mula sa kanyang likuran. Dali-dali niyang pinahid ang ang mga luha sa pisngi at inayos ang sarili. Itinaob niya rin ang annulment paper para hindi ito makita ni Johnson. "Hi, anyare rito?" tanong nito sa kanya at itinuro ang kapatid na sobrang lasing at tulog na tulog sa sofa. Ngunit hindi ito sinagot ni Abi ang tanong nito, bagkus nakisuyo siya sa lalaki. "Ahm, pwede mo ba akong tulungan na dalhin sa kwarto ang kuya mo, ayaw kasi magising eh?" aniya, kahit pa ang totoo ay hindi naman talaga niya ginising ang lalaki. Pero sa hitsura nito mukhang malabo rin itong magising sa dami ng bote ng alak ang nainom nito. Tumango naman si Johnson. Tinawag ni Abi ang kanilang guard sa gate para tulungan si Johnson na maiakyat sa taas ang kuya nito. "Ayos ka lang ba Abi? May problema ba?"
Sebastian Masakit ang ulo ni Seb kinabukasan pagkagising niya. Para itong mabibiyak sa sobrang sakit. Naalala niya na naparami pala ang nainom niyang alak kagabi. Ang alam din niya ay nakatulog siya sa sofa kagabi sa sobrang kalasingan. At kung paano siya napunta rito sa masters bedroom sa taas ay 'yon ang hindi niya maalala. Hinilot-hilot niya ang sintido dahil kumikirot ito. Gusto man niyang muling ipikit ang mga mata para matulog ay hindi na niya magawa. Napatingin sa gilid ng kama at naalala niya si Abi. Hanggang ngayon nakikinita pa rin niya sa isip ang mukha ng asawa niya. Kung paano ito pasalampak na umiiyak at nasasaktan sa harap niya dahil sa kagaguhang ginawa niya. Alam niya na walang kasing sakit ang nagawa niyang kasalanan dito. At hindi niya alam kung mapapatawad pa ba siya ni Abi sa mga nagawa niya. Pero umaasa siya na darating ang araw na maiintindihan din siya ng asawa sa nagawa niyang pagkakamali. Mahal pa rin naman niya sa Abi at hindi iyon basta-basta mawawa sa
ABIGAIL Ilang araw ang lumipas ay agad na naghanap ng trabaho si Abi. Gustuhin man siyang ipasok ni Lyca sa cafe na pinagtatrabahuan nito ay wala pang bakante. Kaya naman naghanap siya ng ibang maaplayan. Hindi siya pwedeng pumirmi lang sa bahay dahil nakakahiya naman sa kaibigan niya at nakikitira lamang sila rito. Kahit pa sinasabi nitong saka na siya magtrabaho kapag talagang okay na siya. Pero hindi pwede iyon lalo pa at may batang umaasa sa kanya. Kailangan niyang maging matatag at matapang para kay baby Gavin. Kahit anong trabaho ay ayos lang sa kanya ang mahalga ay marangal. Sanay siya sa hirap kaya lahat kakayanin niya para sa kanila ng anak niya. Nakapagtapos naman siya ng college sa kursong business administration. At meron din naman siyang experience sa pagiging sekretarya noon sa probinsya. Lumuwas siya sa manila galing probinsya para maghanap ng mas malaking sahod. Nag-apply din siya noon na maging secretary sa mga malalaking kompanya sa manila pero laging walang bak
Kinabukasan ay maagang nagising si Abi, para maghanda sa unang araw na pagpasok niya sa mall bilang cashier. Tulog pa ang anak at si Lyca. Nakayakap pa ang anak niya sa ninang nito. Kaya napangiti siya. Kinuha niya ang cellphone at kinuhanan ng litrato ang dalawa. Parehong nakanganga pa ang mag-ninang. Maingat siyang lumabas ng silid at dumeretso sa kusina para magluto ng almusal. Pagkatapos magluto ay naligo naman siya. Inihanda na rin niya ang gamit ng anak para hindi na mahirapan pa si aling Belen mamaya. "Hmmn, bango, naamoy mo ba iyon baby Gav? Mukhang masarap ang niluto ni mommy Abi ah," sambit ni Lyca sa anak na hindi naman nakaintindi. Papalapit ang mga ito lamesa at karga-karga ni Lyca ang anak niya. Halatang kagigising lang ng mag-ninang at kinukusot-kusot pa ng anak niya ang mga mata nito. "Sus, nambola pa, akin na nga si baby Gav at maupo ka na rito, para makapag almusal na tayo," natatawang sambit niya. "Aling Belen, kayo na po ang bahala kay baby Gav ha," aniy
"Anong ginagawa ng lalaking ito rito? Bakit siya nandirito?" kunot-noong kausap ni Abi sa sarili habang naglalakad palapit sa tapat ng pintuan ng apartment. Pagbukas niya sa pintuan ng apartment ay agad na bumungad sa paningin niya si Seb na nilalaro si baby Gav. Tawa naman ng tawa ang anak niya na nilalaro ni Seb. Naningkit ang mga mata niya at mabilis na itong nilapitan at kinuha ang anak mula rito. Halatang nagulat si Seb sa ginawa niya pero wala siyang pakialam. "Anong ginagawa mo rito?" walang ganang tanong ni Abi kay Seb. Tumikhim muna si Seb, bago nagsalita. "Pwede ba tayong mag-usap?" malumanay na sambit ni Seb. "Tumingin si Abi sa relo na suot saka sumagot. "The last time I check, wala na tayong dapat pang pag-usapan," walang emosyong tugon ni Abi. Ano pa ba ang sasabihin ng lalaking to? Hindi ba at siya na ang umalis sa bahay nito. Siya na ang nagparaya para sa ikakasaya nito, pero bakit may nababakas siyang lungkot sa mga mata ng asawa. "Umalis ka na Seb,"
"Anong ginaawa mo rito? Hindi pa ba sapat ang ginawa mo sa kaibigan ko? Nandito ka ba para dagdagan iyon? Utang na loob Seb, umalis ka na! Alis!" bulyaw ni Lyca sa kay Seb, kaya wala itong nagawa kundi ang umalis na. "Ang kapal ng mukha!" nangagaliiting sambit ni Lyca at mabilis na sinarado ang nakabukas na pintuan. Nakatukod pa rin ang mga kamay ni Abi sa dingding na semento. Umiikot pa rin kasi ang paningin niya at nanghihina ang pakiramdam niya. Ilang beses na itong nangyayari sa kanya, kaya hindi niya maintindihan ang nararamdaman niya. "Besh, ayos ka lang ba?" tanong ni Lyca. "Teka lang sandali! Anog nangyayari sa'yo? Bakit namumutla ka?" nag-alalang wika ni Lyca saka siya nito inalalayan papunta sa sofa para makaupo. Isinandal ni Abi ang ulo sa sandalan ng sofa at hinilot-hilot ang sentido niya habang mariing nakapikit ang mga mata niya. Narinig naman niya ang mga yabag ng kaibigan niya palayo at ilang segundo lang ay muli itong bumalik sa pwesto niya. "Abi, inom ka
"Hello?" aniya matapos sagutin ang tawag mula sa kabilang linya. "Get out of that fucking car, Sofie!" galit ang boses na bungad nito. Nailayo pa niya ng bahagya ang cellphone sa tainga niya sa tinis ng boses nito. "Why?" sa dinami-rami ng sasabihin ay iyon ang salitang lumabas sa bibig niya. "Don't ask me why, Sofie. I said, bumaba ka na diyan sa sasakyan ng lalaking iyan kung ayaw mong banggain ko ngayon din ang kotse niya," galit pa rin na sabi ni Vaden na may kasamang pagbabanta. Holy shit! Mura niya sa isipan nang makita niya sa sideview mirror ang kotse ni Vaden sa likuran ng sasakyan ng prof niya. Hindi niya tuloy alam ang gagawin, parang biglang sumakit 'ata ang ulo niya. Ano ba ang nakain ng lalaking ito at kanina hinatid siya pero sinungitan naman siya. Ngayon naman sinusundo rin siya tapos galit naman. Nahihiya tuloy siya sa prof niya. Subalit nataranta si Sofie nang biglang patayin ni Vaden ang tawag. Natatakot siya na baka totohanin nito ang banta kaya na
Mabilis siyang kumilos at nagtungo sa kwarto niya. Siniguro muna niya na hindi siya nakita ng dalawang ginang. Hindi pwede na malaman ng mga ito na magkahiwalay sila ng kwarto ni Vaden. Kung hindi, sigurado na magdududa ang mga ito kapag malaman na bukod ang kwarto niya.d Dali-dali siyang nagbihis ng school uniform at lumabas ng silid. Nakahinga lang siya nang maluwag nang matanaw na nasa kusina pa ang dalawang mommy niya. Hindi niya alam ang ginagawa ng dalawa pero mukhang busy ang mga ito. Si Vaden naman ay nakaupo sa sofa at naka de-kwatro ang mga paa. Bihis na bihis na rin ng pang opisina ang lalaki. Ang buong akala nga niya ay umalis na ito kanina pa, pero naririto pa pala ito. Agad nga itong tumayo nang makita siya. Mukhang naiinip ang hitsura. Pansin ni Sofie na papunta sa gawi nila ni Vaden ang kanilang mommy, kaya nagulat siya nang biglang hawakan ng lalaki ang kamay niya. "Ihahatid na kita," bulong nito sa punong tainga niya. Nanayo tuloy ang balahibo niya nang maramda
Matapos na gamutin ni Vaden ang sugat niya ay sunod-sunod naman silang nakarinig na may nag doorbell. Akmang tatayo na sana si Sofie nang pigilan siya ni Vaden. "Ako na," presenta nito at mabilis na tumalikod. Niligpit na lamang ni Sofie ang pinagkainan nila at dinala sa lababo. Sayang man magtapon ng pagkain pero itapon na lamang niya ito at wala na rin naman ng kakain pa. Tita Coleen? Mommy? Natigilan si Sofie nang marinig niya ang dalawang pamilyar na boses, habang abala siya sa lababo. Nakatalikod pa siya kaya naman unti-unti siyang pumihit paharap. Confirmed! Tama nga siya nang hinala, narito sa condo ang dalawang mommy niya. "Hello sweetie!" malawak ang pagkakangiti na bati sa kanya ni mommy Coleen. Agad siya nitong hinalikan sa pisngi at niyakap. "How are you, anak?" tanong naman ng mommy Abi niya at mahigpit siyang niyakap na para bang kaytagal niyang nawalay rito. Na miss niya rin naman ng sobrang ang mommy niya. "What are you doing here, mom?" m
Kinabukasan ay maaga pa ring nagising si Sofie kahit na madaling araw na siyang nakatulog. Puyat at inaantok pa siya at gusto pa sana niyang humilata sa higaan niya pero kailangan na niyang bumangon. Inayos na muna niya ang higaan at saka siya pumasok sa loob ng banyo para maligo. Gaya noong mga nakaraang araw ay nagigising siyang basa ng pawis dahil sa init. Pero ngayon mukang nasanay na rin siya. Siguro nga dapat lang na masanay siya sa ganitong buhay, alam niya na pagsubok lang ito at darating ang araw na magbabago rin ang lahat. Pagkatapos niyang maligo ay nagbihis na lamang siya ng puting sando at cycling shorts. Mamaya na siya magbihis ng school uniform after niyang magluto at mag almusal. Napabuntong hininga muna siya bago lumabas ng kanyang silid. Nakabalot pa ng tuwalya ang buhok niyang basa. This is it Sofie, kaya mo 'to! Pagpapalakas niya sa sarili. Dumaan siya sa sala para silipin si Vaden kung tulog pa ba o gising na, pero hindi niya ito nakita sa upuan kun
Halos mabingi si Sofie sa lakas ng kalabog ng dibdib niya nang huminto sa tapat niya si Vaden. Paano siya hindi kakabahan sa takot kung halos naninigkit ang mga mata nito sa galit. Simula nang ikasal sila ni hindi na ito nakangiti man lang at puro galit ang nakikita niya. Napayuko siya dahil hindi niya kayang labanan ang matalim nitong mga titig. Akmang iiwasan na sana niya ito para dumeretso sa kusina nang bigla nitong hawakan ang kaliwang braso niya. "Saan ka pupunta, huh?" galit na tanong nito. Napangiwi pa siya dahil medyo mahigpit ang pagkakahawak nito sa braso niya. "S-Sa k-kusina," nauutal niyang sagot. Totoo naman kasi na sa kusina siya pupunta dahil ihahatid niya itong mga pinamili niyang grocery. Pero bigla siya nitong hinarangan at hinigit sa braso. "Alam mo ba kung bakit bumalik ako, ha?" anito. Umiiling-iling siya ng ulo. "Iniwan na ako ni Theanna, Sofie. Umalis siya na hindi man lang sinasabi sa akin kung nasaan siya. Hindi niya sinasagot ang mga
"Oh siya ano na Sofie? Magkwento ka kung bakit sabay kayo kanina ni prof na dumating at sa kotse ka pa niya nakasakay," pangungulit ni Myles. Lunch time ngayon at nasa canteen sila para kumain. Saktong sumusubo siya ng pagkain nang magtanong si Myles sa kanya. Tinapos muna niya ang pagnguya bago sumagot. "Pwede bang kumain na muna tayo?" aniya sa dalawa na hindi makapaghintay. Bigla namang pumalakpak ng kamay si Myles habang nakasimangot kay Sofie. "Ang sabi mo kanina pag lunch break magkukwento ka, tz ngayon lunch break na ayaw mo pa rin magkwento. Huwag kang madaya Sofie," himutok nito kaya natawa siya sa kaibigan. Si Ally naman tahimik lang sa gilid habang kumakain pero nakikinig naman sa usapan nila. "Okay," sagot ni Sofie at uminom muna ng tubig. Magkukwento na lang siya dahil hindi titigil itong dalawa hanggat hindi siya nagsasalita. "Nagkasabay kami ni prof sa elevator kanina at nagkagulatan kami nang makilala ang isa't-isa. Doon din pala siya nakatira sa
Laglag ang balikat na pinanood na lamang ni Sofie ang papalayong likod ng asawa niya hanggang sa tuluyan na itong naglaho sa paningin niya. Nagtungo na lang siya sa kitchen at doon kumain ng mag-isa. Ang lungkot ng buhay may asawa niya. Ganito pala ang feeling kapag hindi ka mahal ng taong mahal mo. Dahil sa lungkot ay mabagal na kumain si Sofie. Ni hindi niya namalayan na inabot na ata siya nang mahigit isang oras sa dining table. Naparami ang kain niya pero parang hindi man lang siya nabusog. Dinala niya sa kitchen sink ang pinagkainan niya at sinimulang hugasan ang mga ito. Nang matapos niya ang ginagaws ay bumalik naman siya sa sarili niyang silid para maligo. Mabilis siyang nagbihis ng school uniform niya, mabuti na lang at may steamer iron dito sa condo kaya hindi siya nahirapan na plantsahin ang uniform niya. Kailangan na talaga niyang matuto sa mga bagay-bagay sa buhay may asawa. Tama si Vaden wala na siya sa mansion nila para mag buhay prinsesa. Humarap siya sa
"Hey, wake up brat!" Isang maingay na boses ang gumising sa natutulog pang diwa ni Sofie, dinig na dinig niya ang pagtawag nito sa kanya na brat sa labas ng pinto habang kumakalampag ng katok. Nasasaktan siya kapag tinatawag siya ni Vaden ng brat, pero anong magagawa niya? Galit ito sa kanya dahil sa ginawa niya. Ang aga-aga pero pinapasakit ng lalaking to ang puso niya. Para makaganti ay hinayaan niya ito at pinanindigan na natutulog pa siya. Pasimple niyang sinilip ang oras at nakita na 4:30 am pa lang naman pala ng umaga pero gising na ang palalabs niya. Haistt. Para naman itong matanda na ang aga gumising. "Sofie, gumising ka na at tanghali na!" muling sigaw ni Vaden. Shit! Ang ingay ng lalaking to! Di ba nito alam na madaling araw na rin siya nakatulog dahil sa sobrang init sa loob ng kwarto niya. Wlaang aircon, walang electricfan. Kaya naman ang ginawa niya ay nakatatlong paligo siya sa loob nang maliit na banyo. Pabaling-baling siya sa higaan dahil sa sobrang init
Laking gulat ni Sofie nang pagharap niya ay isang lalaki ang bumungad sa paningin niya. "K-Kuya Vaden!" gulat na sambit niya. Titig na titig pa siya sa mukha nito di na para bang sinisigurado kung ito nga ang kaharap niya. "Who's that man?" malamig na tanong nito sa kanya. Wala man lang talaga kangiti-ngiti sa mukha ng lalaking ito. Lagi na lang seryoso sa buhay. "Hey, are you deaf?" untag nito sa kanya nang hindi siya sumagot. "Ang sabi ko sino ang lalaking 'yon?" ulit pa nito sa tanong kanina at ginawa pang tagalog na para bang iniisip nito na di siya marunong mag english.Actually narinig naman niya kanina ang tanong pero masyado itong atat at di makapaghintay sa sagot niya. "S-Si Kurt, kaklase ko siya. Hinatid niya ako kasi nasiraan ng gulong kanina ang driver ko kaya hindi ako nasundo sa school. "But don't worry, mabait naman siya, nanliligaw nga 'yon sa akin," nakangiti pa niyang dagdag, huli na niya napansin ang huling saitang binitawan niya. Kitang-kita niya ang pagsalubo