Sebastian Masakit ang ulo ni Seb kinabukasan pagkagising niya. Para itong mabibiyak sa sobrang sakit. Naalala niya na naparami pala ang nainom niyang alak kagabi. Ang alam din niya ay nakatulog siya sa sofa kagabi sa sobrang kalasingan. At kung paano siya napunta rito sa masters bedroom sa taas ay 'yon ang hindi niya maalala. Hinilot-hilot niya ang sintido dahil kumikirot ito. Gusto man niyang muling ipikit ang mga mata para matulog ay hindi na niya magawa. Napatingin sa gilid ng kama at naalala niya si Abi. Hanggang ngayon nakikinita pa rin niya sa isip ang mukha ng asawa niya. Kung paano ito pasalampak na umiiyak at nasasaktan sa harap niya dahil sa kagaguhang ginawa niya. Alam niya na walang kasing sakit ang nagawa niyang kasalanan dito. At hindi niya alam kung mapapatawad pa ba siya ni Abi sa mga nagawa niya. Pero umaasa siya na darating ang araw na maiintindihan din siya ng asawa sa nagawa niyang pagkakamali. Mahal pa rin naman niya sa Abi at hindi iyon basta-basta mawawa sa
ABIGAIL Ilang araw ang lumipas ay agad na naghanap ng trabaho si Abi. Gustuhin man siyang ipasok ni Lyca sa cafe na pinagtatrabahuan nito ay wala pang bakante. Kaya naman naghanap siya ng ibang maaplayan. Hindi siya pwedeng pumirmi lang sa bahay dahil nakakahiya naman sa kaibigan niya at nakikitira lamang sila rito. Kahit pa sinasabi nitong saka na siya magtrabaho kapag talagang okay na siya. Pero hindi pwede iyon lalo pa at may batang umaasa sa kanya. Kailangan niyang maging matatag at matapang para kay baby Gavin. Kahit anong trabaho ay ayos lang sa kanya ang mahalga ay marangal. Sanay siya sa hirap kaya lahat kakayanin niya para sa kanila ng anak niya. Nakapagtapos naman siya ng college sa kursong business administration. At meron din naman siyang experience sa pagiging sekretarya noon sa probinsya. Lumuwas siya sa manila galing probinsya para maghanap ng mas malaking sahod. Nag-apply din siya noon na maging secretary sa mga malalaking kompanya sa manila pero laging walang bak
Kinabukasan ay maagang nagising si Abi, para maghanda sa unang araw na pagpasok niya sa mall bilang cashier. Tulog pa ang anak at si Lyca. Nakayakap pa ang anak niya sa ninang nito. Kaya napangiti siya. Kinuha niya ang cellphone at kinuhanan ng litrato ang dalawa. Parehong nakanganga pa ang mag-ninang. Maingat siyang lumabas ng silid at dumeretso sa kusina para magluto ng almusal. Pagkatapos magluto ay naligo naman siya. Inihanda na rin niya ang gamit ng anak para hindi na mahirapan pa si aling Belen mamaya. "Hmmn, bango, naamoy mo ba iyon baby Gav? Mukhang masarap ang niluto ni mommy Abi ah," sambit ni Lyca sa anak na hindi naman nakaintindi. Papalapit ang mga ito lamesa at karga-karga ni Lyca ang anak niya. Halatang kagigising lang ng mag-ninang at kinukusot-kusot pa ng anak niya ang mga mata nito. "Sus, nambola pa, akin na nga si baby Gav at maupo ka na rito, para makapag almusal na tayo," natatawang sambit niya. "Aling Belen, kayo na po ang bahala kay baby Gav ha," aniy
"Anong ginagawa ng lalaking ito rito? Bakit siya nandirito?" kunot-noong kausap ni Abi sa sarili habang naglalakad palapit sa tapat ng pintuan ng apartment. Pagbukas niya sa pintuan ng apartment ay agad na bumungad sa paningin niya si Seb na nilalaro si baby Gav. Tawa naman ng tawa ang anak niya na nilalaro ni Seb. Naningkit ang mga mata niya at mabilis na itong nilapitan at kinuha ang anak mula rito. Halatang nagulat si Seb sa ginawa niya pero wala siyang pakialam. "Anong ginagawa mo rito?" walang ganang tanong ni Abi kay Seb. Tumikhim muna si Seb, bago nagsalita. "Pwede ba tayong mag-usap?" malumanay na sambit ni Seb. "Tumingin si Abi sa relo na suot saka sumagot. "The last time I check, wala na tayong dapat pang pag-usapan," walang emosyong tugon ni Abi. Ano pa ba ang sasabihin ng lalaking to? Hindi ba at siya na ang umalis sa bahay nito. Siya na ang nagparaya para sa ikakasaya nito, pero bakit may nababakas siyang lungkot sa mga mata ng asawa. "Umalis ka na Seb,"
"Anong ginaawa mo rito? Hindi pa ba sapat ang ginawa mo sa kaibigan ko? Nandito ka ba para dagdagan iyon? Utang na loob Seb, umalis ka na! Alis!" bulyaw ni Lyca sa kay Seb, kaya wala itong nagawa kundi ang umalis na. "Ang kapal ng mukha!" nangagaliiting sambit ni Lyca at mabilis na sinarado ang nakabukas na pintuan. Nakatukod pa rin ang mga kamay ni Abi sa dingding na semento. Umiikot pa rin kasi ang paningin niya at nanghihina ang pakiramdam niya. Ilang beses na itong nangyayari sa kanya, kaya hindi niya maintindihan ang nararamdaman niya. "Besh, ayos ka lang ba?" tanong ni Lyca. "Teka lang sandali! Anog nangyayari sa'yo? Bakit namumutla ka?" nag-alalang wika ni Lyca saka siya nito inalalayan papunta sa sofa para makaupo. Isinandal ni Abi ang ulo sa sandalan ng sofa at hinilot-hilot ang sentido niya habang mariing nakapikit ang mga mata niya. Narinig naman niya ang mga yabag ng kaibigan niya palayo at ilang segundo lang ay muli itong bumalik sa pwesto niya. "Abi, inom ka
SEBASTIAN☆ Tahimik na bahay ang sumalubong kay Seb sa pag-uwe niya galing sa bar. Pagka galing niya kanina sa apartment ng kaibigan ni Abi ay nagtungo siya sa bar para uminom. Kakauwe niya lang din ngayon. Dati rati, merong asawa na sumasalubong sa kanya sa pag-uwe niya ng bahay. Kahit na gabihin pa siya sa pag-uwe galing sa trabaho. Asawa na nag-aabang sa pagdating niya sa bahay. Asawa na agad kukunin ang dala niyang attache case, huhubarin ang suot niyang coat. Asawa na tatanggalin ang ang suot niyang sapatos pati na ang medyas. Asawa na palaging may inihahandang dinner para sa kanya. Asawa na palaging nakangiti kahit pa nasasaktan na niya. Ipinikit ni Seb ang mga mata. Saang mang sulok ng bahay mapadako ang paningin niya, mukha ni Abi ang nakikita niya. Ang magandang mukha ng asawa at masayang ngiti sa mga labi. Ang pagiging hands on na asawa at ina kay baby Gav. Nasasaktan din naman siya, alam niyang kasalanan niya. Pero nangyari na. Ang dapat na lang niyang gawin ay pan
Magkahawak kamay sina Abi at Seb na naupo sa loob ng clinic at hinihintay ang pagdating ng doctora. Kinakabahan si Abi at ramdam niyang nilalamig ang mga palad niya kahit pa hawak-hawak na ito ni Seb. Madaming what if ngayon ang gumugulo sa kanyang isipan. What if may sakit siya? What if kaya hindi siya mabuntis-buntis kasi baog siya? Biglang sinalakay ng matinding kaba ang puso niya sa isiping iyon. Huwag naman sana. Tanging dasal niya.Ngayon nila malalaman ang resulta kung bakit sa loob ng dalawang taon ay hindi man lang sila makabuo ng asawa niya. Pareho naman silang healthy sa katawan. Ngayon lang din nila naisipang magpatingin na sa doctor dahil na curious na sila kung bakit hindi siya mabuntis-buntis ng kanyang asawa. Sabay silang napaupo nang tuwid nang umupo na sa harapan nila ang doctora."Ayon sa test na isinagawa namin sayo noong nakaraan linggo. Lumalabas dito sa test na kaya ka hindi mabuntis-buntis ay dahil wala kang kakayahan na mabuntis. I'm sorry to say this to you M
Kinabukasan nagising si Abi na mag-isa na lamang sa kama. Tinignan niya ang oras at alas sais pa lang naman ng umaga. Wala si Seb sa kwarto, maaga yata ngayon nagising ang asawa niya. Mamaya pang eight ng umaga ito pumapasok sa opisina. At five naman ng hapon ay nasa bahay na nila ito. Pumasok muna siya nang banyo para maghilamos at mag toothbrush. Inayos na rin muna niya ang sarili at sinuklay ang magulo niyang buhok.Pati ang kama nila ay inayos na rin ni Abi. Mamaya na siya maglilinis dito pag naka alis na papuntang trabaho si Seb. Ito ang araw-araw niyang routine dahil wala naman silang kasama na kasambahay. Actually kukuha sana si Seb pero siya na ang tumutol dahil sanay naman sya sa hirap. Lumaki kasi siyang mahirap pero nagawa pa rin nama niyang mapagtapos ang sarili niya sa pag-aaral kahit pa mag-isa na lang siya sa buhay. Maaga kasi siyang naulila sa mga magulang. Namatay ang tatay niya sa isang aksidente. Samantalang sumunod naman ang nanay niya makalipas lamang ang anim na