Lumakas ang kabog ng dibdib ni Abi. Kung buntis siya, paano nangyari iyon gayong baog siya? At walang kakayahan na magbuntis. Pero may malaking parte sa puso niya ang nagsasabing sana nga ay buntis siya. Na sana nga ay totoo! Iniling-iling ni Abi ang ulo niya. Ayaw niyang umasa dahil sa huli siya ang higit na masasaktan. "Impossible! Dahil ang doctor mismo ang nagsabi na baog siya. Pero paano kung nagkamali lang pala ito noon? At paano niya ipapaliwanag itong mga nararamdaman niyang kakaiba sa katawan niya," gulong-gulo niyang tanong sa isip. "Besh, sandali lang ha, babalik ako agad," wika ni Lyca at nagmamadaling lumabas ng bahay. Nagtatakang sinundan naman niya ng tingin ang kaibigan habang nagmamadali itong umalis. Napaupo naman siya sa upuan dahil tila nanghihina pa siya dala ng sunod-sunod niyang pagsusuka kanina. "Alam mo anak, sigurado talaga ako na buntis ka. Malakas ang kutob ko. Iyang pagduduwal mo at pagiging maselan mo sa amoy, isa lang ang ibig sabihin niyan,
Makalipas ang isang araw matapos na malaman ni Abi na buntis siya sa tulong ng pregnancy test ay nagdesisyon siya na pumunta sa doctor para mas makumpirma niya ito. Mabuti na lang din at pinayagan siyang umabsent ngayong araw. Siya lang ang mag-isa na nagpunta sa isang ob gyne clinic na malapit lang naman sa tinitirhan nila. Hindi na niya inabala pa si Lyca at may trabaho rin ang kaibigan niya. Kinakabahan na kinikiskis ni Abi ang dalawang palad na namamawis na. Excited at kabado ang nararamdaman niya at hindi maalis sa kanya ang mag-isip ng kung ano-ano. Halos hindi siya mapakali sa inuupuan habang hinihintay ang tawag ng doctora. Kanina pagdating niya agad naman siyang inasikaso ng nurse at kinuhanan ng vital signs pati na ng urine sample na gagamitin para sa pregnancy test niya. At ngayon ay hinihintay na lang niyang tatawagin ang kanyang pangalan. "Ms. Gutierez?" tawag ng nurse sa pangalan niya. Agad siya tumayo at ngumiti rito. Kakaunti lang naman ang pila ng mga mommy n
Habang naghihintay ng masasakyan na pampasaherong jeep ay isang magarang kotse ang huminto sa tapat ni Abi. Mukhang natatandaan niya ang sasakyan na ito dahil sa plate number na nakikita niya. At bakit naman kaya ito huminto at sa mismong tapat pa niya? Bumukas ang pinto ng driver seat at lumabas ang sakay niyon. Tama nga ang kutob niya. Si Harry ang sakay ng kotse. Naka pang office attire pa ang lalaki at nakasuot ng mamahaling shades. Umikot ito mula sa kabila at lumapit sa kanya. "Hi," nakangiting bati sa kanya ni Harry sabay tanggal ng suot nitong sunglasses. "Hi," tugon naman niya sa lalaki at tipid na ngumiti. Napansin ni Abi na matamang nakatitig sa kanya si Harry kaya naman naisipan niyang tanungin ang lalaki. "May kailangan ka ba?" tanong ni Abi kay Harry. Naiilang kasi siya sa mga tingin nito. Napansin naman niyang napakamot muna ito sa dulo ng kilay ang lalaki bago ito nagsalita. "Ahmf, actually, pauwe na rin ako. Kagagaling ko lang kasi isang meeting sa labas
Kinagabihan maingat na inilapag ni Abi sa kama si baby Gav. Nakatulog na ito pagkatapos nitong dumede sa bote. Napatingin si Abi sa orasan at nakita niyang pasado alas otso na ng gabi pero hindi pa rin dumadating si Lyca. Pero nag text naman sa kanya ang kaibigan niya na baka gabihin ito sa pag-uwe. Medyo inaantok na rin siya at panay na ang hikab niya. Napapadalas na talaga ang pagiging antukin niya dala ng pagbubuntis niya. At para hindi antukin habang naghihintay sa kaibigan ay bumangon siya. Kinuha niya ang laptop niya at binuksan iyon. Magahahanap-hanap siya ng online job na makakatulong pandagdag sa trabaho niya. Kailangan niyang mag double kayod ngayon lalo pa at buntis siya. Malaking tulong ang makahanap siya ng online work. Ngunit hindi pa man siya nakakahanap ng trabaho online ay dumating na si Lyca. "Kamusta naman daw si baby? Ayos lang ba ang pagbubuntis mo?" concern na tanong ng kaibigan niya. Napangiti naman siya rito bago sumagot. "Maayos naman si baby sabi ni
Third Person's Ilang araw na subsob sa trabaho sa opisina si Seb. Dahil ilang araw din niyang napabayaan ang kumpanya dahil sa kagaguhan niya. Tulad ngayon gabi na at kailangan niya mag over time na naman kasama ang PA niya, dahil sa dami ng paper works na kailangan ng mga pirma niya at ang iba need niya pang reviewhin. Si Sandra naman nasa condo niya ito. Hindi na kasi niya hinayaan pa na magtrabaho ang babae para mas maalagaan nito ang pagbubuntis sa anak nila. Minsan kasi sinasabi nitong masakit ang ulo nito kaya nman nagdesisyon na siyang huwag na itong pumasok sa trabaho at para makaiwas stress ito. Si Abi naman, wala na siyang balita pa rito matapos ang huling kita nila noong nakaraan. Kung saan nahuli siya ni Sandra na pumunta kay Abi at baby Gav. Hanggang ngayon naiisip niya pa rin si Abi. Kamusta na kaya ito? Hindi niya alam kung bakit pero nakokonsensya siya ginawa niyang panloloko rito. Mapa gabi man o araw, bigla-bigla na lang niyang naalala si Abi. Napahilot siy
THIRD PERSON'S "Fuck! Who are y—..." napasinghap si Seb at biglang napatigil sa pagsasalita nang mapagsino ang nasa kanyang harapan. "Go on, continue," wika ng isang babaeng my edad na pero mahahalata mo sa mukha ang angkin nitong ganda at pagiging respetado. "M-Mom, dad," sambit ni Seb na nagulat sa mga taong nasa kanyang harapan ngayon. Hindi niya inaasahan ang biglang pagsulpot ng mga ito. "Hindi mo ba kami papasukin sa loob, son?" nakataas ang kilay na sambit ng mommy niya. Lumingon pa muna siya at atubiling nilakihan ang bukas sa pintuan para makapasok ang mga ito sa loob. Wala si Sandra sa sala maging sa dining area, siguro nasa kwarto ito at hiling niyang sana huwag lumabas ang babae. "Kailan pa kayo dumating sa pilipinas mom, dad?" tanong niya sa mga ito. "Last night, son," ang daddy niya ang sumagot samantalang ang mommy naman niya busy sa pagsuyod ng tingin sa kabuuan ng condo unit niya. "And where's Abi? Bakit nandito ka sa condo unit mo? Nag-away ba kayong d
SEBASTIAN Isang buwan na ang matulin na lumipas simula nang pumunta ang mommy ni Seb sa condo unit niya at nalaman ang tungkol sa kanila ni Sandra. Muli na naman sumagi sa isip niya ang mga binitawang salita noon ng mommy niya. Kung bakit hindi sila sumubok na pagpatingin ni Abi sa ibang doctor. Sumandal siya sa sandalan ng swivel chair, hinilot-hilot niya ang ulo niyang sumasakit. Ilang araw din na hindi pumapasok sa trabaho ang PA niyang si Rowan. Nagpaalam ito sa kanya na liliban muna sa trabaho at may sakit ang nanay nito. Kaya ngayon walang nag-aayos ng mga schedule niya. Nakaraan may investor siya na hindi niya napuntahan kaya ag ending nagback out ito sa planong pag-iinvest sa kumpanya niya. Pati sa mga check up ni Sandra ay hindi niya ito nasasamahan. Mabuti na lang at hindi nagtatampo sa kanya nag babae at okay lang rito kahit na hindi siya kasama. Nasa kalaliman siya ng pag-iisip nang biglang mag tumunog ang cellphone niya, dahilan para mapukaw siya mula sa malalim
SEBASTIAN "Rowan?" aniya sa pangalan ng PA. "Yes, sir?" anito. "Sinabi mo sa akin dati na may kapatid kang magaling na private investigator, tama?" tanong niya kay Rowan nang maalala ang sinabi nito noon tungkol sa kapatid. "Yes, tama po kayo," sagot ni Rowan. "Pwede mo bang tawagan ang kapatid mo para sa akin? Gusto ko siyang makausap ngayon din," pakisuyo niya rito pero naroon ang may awtoridad na boses. "Okay, sir, right away," mabilis na sagot ni Rowan. Saglit lang na tinawagan ni Rowan ang kapatid at ilang sandali lang ay dumating na ito sa mismong opisina ni Seb. "Gusto ko na imbestigahan mo ang mga taong 'to?" wika ni Seb at inilapag sa harapan ng PI ang mga larawan na dinala kanina ni Rowan na binigay sa kanya. "Gusto ko sa simulan mo ang pag iimbestiga sa doctora na yan. Malakas ang kutob ko na may tinatago sila sa akin," sambit niya na hindi inaalis ang tingin sa larawan ng doctora. "Makakaasa ka, sir," tugon ng PI. KANINA pa paikot-ikot si Seb sa loob
Ilang minuto rin siyang nanatili sa ga oong posisyon habang yakap siya ni Vaden. Parang sa isang yakap lang ng lalaki ay nawala agad ang kaninang takot na naramdaman niya. Ganito pala ang pakiramdam na mayakap ka ng lalaking matagal mo ng minamahal. Maya-maya ay walang salita na bumitaw ito sa kanya at umayos ng upo sa driver seat. Muli nitong binuhay ang makina ng sasakyan at muling nagmaneho, pero hindi na kagaya kanina na halos paliparin nito ang kotse. Ngayon ay mahinahon na itong nagmamaneho hanggang sa ilang sandali ay nakarating na sila sa condo. Pagbukas ni Vaden sa pinto ng condo unit nito ay bumungad sa kanila ang dalawang ginang na prenting nakaupo sa sofa habang nanonood ng tv. Kumakain pa ng pop corn ang dalawa na akala mo nasa sinehan lang ang peg. Binalingan ni Sofie ng tingin si Vaden sa tabi niya nakakunot ang noo nito. "Oh hi mga babies, nandito na pala kayo," nakangiting wika ni mommy Coleen nang makita sila ganun din ang mommy niya. "Why are you stil
"Hello?" aniya matapos sagutin ang tawag mula sa kabilang linya. "Get out of that fucking car, Sofie!" galit ang boses na bungad nito. Nailayo pa niya ng bahagya ang cellphone sa tainga niya sa tinis ng boses nito. "Why?" sa dinami-rami ng sasabihin ay iyon ang salitang lumabas sa bibig niya. "Don't ask me why, Sofie. I said, bumaba ka na diyan sa sasakyan ng lalaking iyan kung ayaw mong banggain ko ngayon din ang kotse niya," galit pa rin na sabi ni Vaden na may kasamang pagbabanta. Holy shit! Mura niya sa isipan nang makita niya sa sideview mirror ang kotse ni Vaden sa likuran ng sasakyan ng prof niya. Hindi niya tuloy alam ang gagawin, parang biglang sumakit 'ata ang ulo niya. Ano ba ang nakain ng lalaking ito at kanina hinatid siya pero sinungitan naman siya. Ngayon naman sinusundo rin siya tapos galit naman. Nahihiya tuloy siya sa prof niya. Subalit nataranta si Sofie nang biglang patayin ni Vaden ang tawag. Natatakot siya na baka totohanin nito ang banta kaya na
Mabilis siyang kumilos at nagtungo sa kwarto niya. Siniguro muna niya na hindi siya nakita ng dalawang ginang. Hindi pwede na malaman ng mga ito na magkahiwalay sila ng kwarto ni Vaden. Kung hindi, sigurado na magdududa ang mga ito kapag malaman na bukod ang kwarto niya.d Dali-dali siyang nagbihis ng school uniform at lumabas ng silid. Nakahinga lang siya nang maluwag nang matanaw na nasa kusina pa ang dalawang mommy niya. Hindi niya alam ang ginagawa ng dalawa pero mukhang busy ang mga ito. Si Vaden naman ay nakaupo sa sofa at naka de-kwatro ang mga paa. Bihis na bihis na rin ng pang opisina ang lalaki. Ang buong akala nga niya ay umalis na ito kanina pa, pero naririto pa pala ito. Agad nga itong tumayo nang makita siya. Mukhang naiinip ang hitsura. Pansin ni Sofie na papunta sa gawi nila ni Vaden ang kanilang mommy, kaya nagulat siya nang biglang hawakan ng lalaki ang kamay niya. "Ihahatid na kita," bulong nito sa punong tainga niya. Nanayo tuloy ang balahibo niya nang maramda
Matapos na gamutin ni Vaden ang sugat niya ay sunod-sunod naman silang nakarinig na may nag doorbell. Akmang tatayo na sana si Sofie nang pigilan siya ni Vaden. "Ako na," presenta nito at mabilis na tumalikod. Niligpit na lamang ni Sofie ang pinagkainan nila at dinala sa lababo. Sayang man magtapon ng pagkain pero itapon na lamang niya ito at wala na rin naman ng kakain pa. Tita Coleen? Mommy? Natigilan si Sofie nang marinig niya ang dalawang pamilyar na boses, habang abala siya sa lababo. Nakatalikod pa siya kaya naman unti-unti siyang pumihit paharap. Confirmed! Tama nga siya nang hinala, narito sa condo ang dalawang mommy niya. "Hello sweetie!" malawak ang pagkakangiti na bati sa kanya ni mommy Coleen. Agad siya nitong hinalikan sa pisngi at niyakap. "How are you, anak?" tanong naman ng mommy Abi niya at mahigpit siyang niyakap na para bang kaytagal niyang nawalay rito. Na miss niya rin naman ng sobrang ang mommy niya. "What are you doing here, mom?" m
Kinabukasan ay maaga pa ring nagising si Sofie kahit na madaling araw na siyang nakatulog. Puyat at inaantok pa siya at gusto pa sana niyang humilata sa higaan niya pero kailangan na niyang bumangon. Inayos na muna niya ang higaan at saka siya pumasok sa loob ng banyo para maligo. Gaya noong mga nakaraang araw ay nagigising siyang basa ng pawis dahil sa init. Pero ngayon mukang nasanay na rin siya. Siguro nga dapat lang na masanay siya sa ganitong buhay, alam niya na pagsubok lang ito at darating ang araw na magbabago rin ang lahat. Pagkatapos niyang maligo ay nagbihis na lamang siya ng puting sando at cycling shorts. Mamaya na siya magbihis ng school uniform after niyang magluto at mag almusal. Napabuntong hininga muna siya bago lumabas ng kanyang silid. Nakabalot pa ng tuwalya ang buhok niyang basa. This is it Sofie, kaya mo 'to! Pagpapalakas niya sa sarili. Dumaan siya sa sala para silipin si Vaden kung tulog pa ba o gising na, pero hindi niya ito nakita sa upuan kun
Halos mabingi si Sofie sa lakas ng kalabog ng dibdib niya nang huminto sa tapat niya si Vaden. Paano siya hindi kakabahan sa takot kung halos naninigkit ang mga mata nito sa galit. Simula nang ikasal sila ni hindi na ito nakangiti man lang at puro galit ang nakikita niya. Napayuko siya dahil hindi niya kayang labanan ang matalim nitong mga titig. Akmang iiwasan na sana niya ito para dumeretso sa kusina nang bigla nitong hawakan ang kaliwang braso niya. "Saan ka pupunta, huh?" galit na tanong nito. Napangiwi pa siya dahil medyo mahigpit ang pagkakahawak nito sa braso niya. "S-Sa k-kusina," nauutal niyang sagot. Totoo naman kasi na sa kusina siya pupunta dahil ihahatid niya itong mga pinamili niyang grocery. Pero bigla siya nitong hinarangan at hinigit sa braso. "Alam mo ba kung bakit bumalik ako, ha?" anito. Umiiling-iling siya ng ulo. "Iniwan na ako ni Theanna, Sofie. Umalis siya na hindi man lang sinasabi sa akin kung nasaan siya. Hindi niya sinasagot ang mga
"Oh siya ano na Sofie? Magkwento ka kung bakit sabay kayo kanina ni prof na dumating at sa kotse ka pa niya nakasakay," pangungulit ni Myles. Lunch time ngayon at nasa canteen sila para kumain. Saktong sumusubo siya ng pagkain nang magtanong si Myles sa kanya. Tinapos muna niya ang pagnguya bago sumagot. "Pwede bang kumain na muna tayo?" aniya sa dalawa na hindi makapaghintay. Bigla namang pumalakpak ng kamay si Myles habang nakasimangot kay Sofie. "Ang sabi mo kanina pag lunch break magkukwento ka, tz ngayon lunch break na ayaw mo pa rin magkwento. Huwag kang madaya Sofie," himutok nito kaya natawa siya sa kaibigan. Si Ally naman tahimik lang sa gilid habang kumakain pero nakikinig naman sa usapan nila. "Okay," sagot ni Sofie at uminom muna ng tubig. Magkukwento na lang siya dahil hindi titigil itong dalawa hanggat hindi siya nagsasalita. "Nagkasabay kami ni prof sa elevator kanina at nagkagulatan kami nang makilala ang isa't-isa. Doon din pala siya nakatira sa
Laglag ang balikat na pinanood na lamang ni Sofie ang papalayong likod ng asawa niya hanggang sa tuluyan na itong naglaho sa paningin niya. Nagtungo na lang siya sa kitchen at doon kumain ng mag-isa. Ang lungkot ng buhay may asawa niya. Ganito pala ang feeling kapag hindi ka mahal ng taong mahal mo. Dahil sa lungkot ay mabagal na kumain si Sofie. Ni hindi niya namalayan na inabot na ata siya nang mahigit isang oras sa dining table. Naparami ang kain niya pero parang hindi man lang siya nabusog. Dinala niya sa kitchen sink ang pinagkainan niya at sinimulang hugasan ang mga ito. Nang matapos niya ang ginagaws ay bumalik naman siya sa sarili niyang silid para maligo. Mabilis siyang nagbihis ng school uniform niya, mabuti na lang at may steamer iron dito sa condo kaya hindi siya nahirapan na plantsahin ang uniform niya. Kailangan na talaga niyang matuto sa mga bagay-bagay sa buhay may asawa. Tama si Vaden wala na siya sa mansion nila para mag buhay prinsesa. Humarap siya sa
"Hey, wake up brat!" Isang maingay na boses ang gumising sa natutulog pang diwa ni Sofie, dinig na dinig niya ang pagtawag nito sa kanya na brat sa labas ng pinto habang kumakalampag ng katok. Nasasaktan siya kapag tinatawag siya ni Vaden ng brat, pero anong magagawa niya? Galit ito sa kanya dahil sa ginawa niya. Ang aga-aga pero pinapasakit ng lalaking to ang puso niya. Para makaganti ay hinayaan niya ito at pinanindigan na natutulog pa siya. Pasimple niyang sinilip ang oras at nakita na 4:30 am pa lang naman pala ng umaga pero gising na ang palalabs niya. Haistt. Para naman itong matanda na ang aga gumising. "Sofie, gumising ka na at tanghali na!" muling sigaw ni Vaden. Shit! Ang ingay ng lalaking to! Di ba nito alam na madaling araw na rin siya nakatulog dahil sa sobrang init sa loob ng kwarto niya. Wlaang aircon, walang electricfan. Kaya naman ang ginawa niya ay nakatatlong paligo siya sa loob nang maliit na banyo. Pabaling-baling siya sa higaan dahil sa sobrang init