Gulong-gulo pa rin ang isip ni Seb habang pinagmamasdan ang babaeng umiiyak sa kanyang harapan. Kung kailan handan na siyang ayusin ang naging pagkakamali niya sa asawa ay saka naman nangyari ito. Sa totoo lang handa na sana niyang aminin ang lahat-lahat kay Abi at naghahanap lang siya ng tamang tyempo. Pero ngayon paano pa niya ito sasabihin sa asawa niya? Alam niyang masasaktan ito ng sobra lalo pa at may bata ng involved. Nilapitan niya si Sandra na patuloy pa rin sa pag-iyak. "Sshh, that's enough, makakasama 'yan kay baby," saway niya sa babae. Saglit itong tumitig sa kanya at bigla na lang siyang niyakap. Wala siyang nagawa kundi yakapin din ito pabalik. Ayaw niya rin na nakikita itong umiiyak lalo na sa kalagayan nito ngayon. Maya-maya pa ay huminto na sa pag-iyak si Sandra at kumalas ito sa pagkakayakap sa kanya. "Seb, hon. Hindi mo na ba ako iiwan? Kami ni baby," malambing na tanong nito sa kanya. At kahit na naguguluhan pa rin siya hanggang ngayon ay tumango na lamang
Sebastian Nasa kalagitanaan na ang tulog si Seb ng mag vibrate ang cellphone niya sa suot niyang short. Hinayaan niya lang ito hanggang sa matapos ang tawag. Alam niyang si Sandra ito. Ngunit hindi nagbilang ng sandali at muli na namang nag vibrate ang cellphone niya. Nilinga muna niya si Abi sa kanyang tabi bago siya maingat na bumangon. Buti na lang at mahimbing na ang tulog ng asawa niya. Naglakad siya patungo sa terrace na nakakonekta sa room nila at maingat na binuksan ang slideng glass wall saka lumabas. "Sandra, bakit gising ka pa? Gabing-gabi na oh, makakasama 'yan sa ipinagbubuntis mo ang pagpupuyat," mahina ang boses na sermon kaagad ni Seb sa babae sa telepono. "Seb, hindi ako makatulog. Gusto kong kumain ng mangga at bagoong, please, honey, bilhan mo ako," wika ng babae. Napatingin si Seb, sa oras sa cellphone past twelve midnight na. Meron pa kayang nagtitinda sa ganitong dis oras ng gabi? "Hon, baka pwedeng bukas na lang. Gabi na oh, baka walang nang nagtitin
Sebastian Pagkapasok ni Seb loob ng sasakyan ay sandali muna siyang nanatili sa loob ng nito at nag-isip. Iniisip kung ano ba ang dapat niyang gawin. Ayaw naman niyang maging bastardo ang sarili niyang dugo at laman, kaya hanggang ngayon hindi mawala-wala sa isip niya ang sinabi ni Sandra na hiwalayan niya si Abi. Ipinilig na lamang niya ang ulo. Saka pinaandar ang sasakyan at pinaharurot ito pauuwe. Gulong-gulo pa rin ang isip ni Seb hanggang sa nakarating na siya sa kanilang bahay. Walang ibang nasa isip niya kundi ang dalawang babaeng parehong mahalaga sa buhay niya. Alam niyang kasalan itong meron sila ni Sandra, pero hindi na siya pwedeng umatras pa. Buntis ang babae sa magiging anak niya. Alam niyang masakit ito para kay Abi sa oras na malaman nito ang totoo, at yon ang kaylangan niyang harapin. Dumaan muna siya sa bar counter malapit sa kusina at uminom ng ilang shots ng alak bago umakyat sa taas. Nasa harap na siya ng pintuan ng kanilang silid kaya napahugot siya ng
Nasa mall sila ngayon ni Abi kasama si baby Gavin, dahil inaya sila ni Lyca na mamasyal. Tumawag kanina ang kaibigan niya at sinabing namimiss nito ang inaanak at sinabing kung pwede raw silang pumunta ng mall at ipasyal ang bata. Agad naman siyang pumayag at magandang ideya rin iyon para pati siya ay malibang din. Agad naman silang sinundo ni Lyca sa kanilang bahay gamit ang company car ng pinagtatrabahuan nito. "So how's your marriage life now, besh?" simula ni Lyca habang nag-i-slice ito ng fresh strawberry chessecake at isinubo sa bibig, nakatuon lang ang tingin sa kanya at naghihintay ng magiging sagot niya. Natigilan siya at naalala niya ang pag-alis kagabi ni Seb at ang ginawa na naman nitong pagsisinungaling sa kanya. Tumingin siya sa kaibigan, alam niyang galit pa rin ito sa asawa niya. Alam din ng kaibigan niya ang pagbabakasyon nila magpamilya. Pero ramdam niyang hindi pa rin ito kumbinsido nun sinabi niya nakaraan na nagbago na at bumalik na ang dating Seb. Kilal
Kunot-noong nilingon niya ang kaibigan. "Hayaan mo ako besh, kailangan maturuan na ng leksyon ang malanding babaeng 'yan," nanggagalaiting wika niya sa kaibigan. "Yes, I know, besh. But , look, mukhang hindi mo na rin naman sila maaabutan kung bababa ka pa ng sasakyan, kaya sundan na lang natin kung saan man sila patungo ng kabit niya," wika ni Lyca sabay turo sa sasakyan na nagsimulang umandar lulan ang dalawang hayop!" "Tama si Lyca. Kaya panahon na para harapin niya ang mga hayop!" aniya sa isipan sabay kabig sa manibela ng sasakyan at sinimulang sundan ang sasakyan ng asawa. Kahit na nagpupuyos sa galit ang kalooban at nanginginig ang mga kamay na may hawak ng manibela ay nagawa pa ring magmaneho ni Abi. Pilit na kinokontrol ang sariling emosyon kahit pa nag-uunahan na sa pagtulo ang mga luha niya. Ang buong akala niya na nagbago na ang asawa ay hindi pala. Siya lang pala ang naniwala sa sarili niya na nagbago na nga ito. Pero hindi pala, dahil kulang pa rin pala para sa l
Sobrang lakas ang kabog ng dibdib ni Abi habang sakay sa loob ng elevator. Pilit niyang kinakalma ang sarili kahit pa ngayon pa lang ay pinanghihinaan na siya ng loob. Ilang beses niyang tinanong kanina ang sarili kung kaya ba niyang harapin ang dalawa. Handa ba siya? Napuno ng takot at pangamba ang puso niya sa mga oras na ito. "Paano kung harap-harapan mismo na mas piliin ni Seb ang kabit nito kaysa sa kanya na asawa? Ano'ng gagawin niya? Makakaya ba niya? Ipaglalaban ba niya ang asawa o magpapaubaya siya?" mga salitang gumugulo ngayon sa kanyang puso at isipan. Mga sari-saring emosyon na hindi niya magawang mapangalanan. Parang tinatambol ang dibdib niya nang marinig ang pag tunog ng elevator at ang pag bukas nito, hudyat na nakarating na siya sa na tamang floor ng condo. Halos pigil ni Abi ang hininga nang matanaw na niya ang pintuan ng condo unit ng asawa. Hirap na hirap siyang inihakbang ang mga paa palapit rito. Nanlalamig at nanginginig ang mga kamay niyang hawak-hawa
Nakasalampak pa rin sa sahig si Abi na patuloy na umiiyak. Tila nawalan siya nang lakas at hindi niya magawang itayo ang sarili niyang mga paa. Habang nasa ganung sitwasyon siya ay naramdaman niya ang brasong yumakap sa kanya mula sa likuran at inalalayan siyang makatayo. "Besh, tumayo ka diyan," dinig niyang sambit ni Lyca. Nilingon niya ang kaibigan at kita niya ang awang bumalatay sa mga mata nito para sa kanya. Tiningnan niya rin ang mukha ng kanyang anak na ngayon ay gising na, titig na titig ito sa kanya na tila ba nagtataka ito kung bakit siya umiiyak. "Abi, let's talk," kaswal na sambit ni Seb. Pinunasan muna niya ang mga luha sa pisngi at nagpakawala ng isang malalim na buntong-hininga bago ito nilingon. "Abi, I'm sorry, it's my fault. Alam kong masakit, pero kailangan na nating gawin ito. Maghiwalay na tayo. I will file an annulment," balewalang wika ng lalaki na parang isang laro lang ang naging kasal nila na ganun na lang kadali para rito ang ang bitawan iyon.
Nagpalipas muna si Abi ng ilang oras sa apartment ni Lyca. Uuwe siya mamaya sa bahay nila ni Seb para kuhanin ang mga gamit niya at gamit ni baby Gavin. Wala ng dahilan pa para manatili sa bahay na iyon. Hindi pa niya alam ang mangyayari sa kanila ng anak, pero pipilitin niyang bumangon kahit pa wasak na wasak pa ang puso at pagkatao niya. "Besh, tulog na si baby Gavin. Baka pwedeng kumain ka na para makapag pahinga ka na rin. Bukas ka na umuwe para kuhanin ang mga gamit nyo," pukaw na wika ni Lyca sa lumilipad niyang isipan. Malungkot siyang napatingin sa kaibigan. "Thank you, besh ha. Thank you sa pagtulong mo sa aming mag-ina," naluluha niyang sambit sa kaibigan, hindi niya mapigilang maging emosyunal. Wala pa siya sa wisyo kaya si Lyca ang nag-asikaso sa anak niya. Bagay na ipinagpapasalamat niya sa kaibigan. Umupo si Lyca sa likod niya at niyakap siya ng kaibigan. "Ano ka ba naman Abi, pwede bang pabayaan ko kayo? Syempre, hindi, kapatid na ang turing ko sayo noon pa man" a
Tatlong buwan ang mabilis na lumipas at ngayon apat na buwan ng buntis si Abi. Matapos ang nangyari noon ay naging maayos na ulit ang buhay nila. Wala na si Sandra, patay na ang babae. Namatay ito na wala man lang pagsisisi sa lahat ng kasamaang ginawa nito. Ngayon malaya na sila, wala nang nangugulo sa kanila, wala nang banta sa buhay nila. Pati mga anak nila ay ligtas na sa kapahakan. Mula sa kusina kung saan tanaw ang pool area ay masayang pinagmamasdan ni Abi ang mag-aama niya habang naliligo sa pool. Puno ng tawanan at asaran ang mga ito. Kawawa nga lang ang nag-iisa nilang prinsesa na si Sofie na lagi na lang napagtitripan na asarin ng dalawa nitong kuya. Kaya maya-maya naiiyak na lang ito bigla lalo na kapag ang kakambal nito ang nang-aasar. "Ang saya-saya nila no?" Dinig niyang boses mula sa likod niya kaya napalingon siya rito, saka niya nakita ang maaliwalas at masayang mukha ng biyenan niyang babae. Naririto kasi sila ngayon sa kusina at tinutulungan siyang maghan
After two days ay nakalabas na ng hospital si Seb. Hindi pa man masyadong magaling ang sugat nito pero mas pinili nito na sa mansion na lang magpapagaling. Dalawa ang tama ng bala sa katawan nito. Isa sa tagiliran at isa sa kaliwang balikat. Pero thanks God dahil maayos na ang lalaki. Hanggang sa mabilis na lumipas ang mga araw at tuluyan na nga itong gumaling at balik trabaho na. Pati siya ay ganun din, dahil katwiran niya mabo-bored lang siya sa bahay lalo pa at nasa man araw-araw ang mga bata. Busy silang dalawa ni Lanie sa pagpi-print ng mga documents na kakailanganin mamaya ni Seb para sa meeting nito sa board room nang biglang bumukas ang pinto. Pag-angat niya ng tingin ay nakita na si Nikko ang pumasok mula roon kasama ang fiancée nito na si Alex. "Hey dude! "Hi, Abi." Bati ni Nikko na malawak ang pagkakangiti ng lalaki. "Yes, dude, napadalaw ka?" ani Seb. Huminga muna nang malalim si Nikko bago ito nagsalita. Pero hindi nakaligtas sa paningin niya ang pasimple ni
"Seb! No! No! No! Please wake up, love. Wake up, please.... " hagulhol ni Abi at pilit na ginigising si Seb na wala ng buhay. "Abi...Abi... gising bess, binabangungot ka 'ata," wika ni Lyca at pilit na ginigising nang paulit-ulit ang kaibigan niya. Kanina pa kasi niya napapansin na pabalinh-baling ang ulo nito sa kama habang nakapikit ang mga mata. "Beshie, gising na. Hindi maganda 'yang panaginip mo," muli pang saad ni Lyca at pilit na ginigising ang kaibigan. ******** Napdilat naman ng mga mata si Abi nang maramdaman niyang paulit-ulit na may yumuyugyog sa braso niya at pilit siyang ginigising. Bago niya tuluyang imulat ang mga mata narinig pa niya ang boses ng kaibigan niya. "Beshie, gising na. Hindi maganda 'yang panaginip mo," klarong dinig niya sa mga salita. Bumungad sa paningin niya si Lyca na nakatunghay sa kanya at nakangiti. Saka siya napatingin sa sarili niya. Doon niya napansin na nakahiga siya sa hospital bed. "Beshie, si Seb? Wala na si Seb," aniya at napah
"Lord, please save my husband. Huwag niyo po siyang pabayaan, please...." mahigpit na dasal ni Abi, habang hawak nang mahigpit ang kamay ni Seb sa loob ng ambulansya. "Paki-bilisan please!" paki-usap niya sa driver ng ambulance. Mabilis naman na humarurot ang sasakyan patungo sa hospital. Ni hindi na magawang tignan kanina ni Abi si Harry na may tama rin ng bala ng baril. Pero alam niyang naisakay na rin ito sa ambulance at nakasunod lamang sa kanila. Halos panawan siya ng ulirat habang pinagmamasdan si Seb na basang-basa na ng dugo ang suot na damit ng asawa niya. Pagdating sa hospital ay agad na sumalubong ang mga nurses at ilang doctor sa kanila ni Abi. Walang sinayang na sandali at mabilis na dinala si Seb sa emergency room sakay sa strecher. Naiwan naman sa labas ng ER si Abi na umiiyak. Halos hindi na naubos-ubos ang luha niya sa kakaiyak. Sobrang nag-aalala siya para sa kaligtasan ni Seb. Lalo pa at napakaraming dugo ang nawala rito. "Abi, I'm sorry," wika n
"Seb?" "Abi?" Bumuhos ang luha ni Abi nang makita niya ang asawa na dumating para iligtas sila. Mabilis siyang nilapitan ng asawa niya at niyakap nang mahigpit, saka ito nagmamadaling kinalas ang tali sa kamay niya at sa paa. Sunod naman na binalingan ni Seb si Lyca at tinulungan ang babae. "Let's go. Huwag kayong humiwalay sa akin. Sumunod lang kayo sa likod ko, okay?" anito at tumango naman silang dalawa ni Lyca. Patuloy na maririnig ang malalakas na putok ng baril sa pagitan ng mga tauhan ni Seb at ni Sandra. Pero halos maubos na ang mga tauhan ni Sandra dahil kokonti na lang ang mga ito. Idagdag pa na dumating din ang ilang kapulisan para tumulong. "Seb, dito!" sigaw ng isang lalaki na at kumaway sa kanila. Pagtingin niya rito ay nakita niyang si Harry ang sumigaw at kumakaway sa kanila. May hawak din itong baril at nakikipagbarilan sa mga tauhan ni Sandra, habang nakakubli sa sasakyan. Palabas na sila ng abandonadong building at kung kailan malapit na sila kay Ha
Hindi alam ni Abi kung anong oras na ba at hindi siya dinadalaw ng antok. Hindi naman sila makapag-usap ni Lyca dahil parehong may busal ng panyo ang mga bibig nila. Naaawa siya sa kaibigan niya. Pati ito nadamay pa sa paghihiganti ni Sandra na walang basehan. Nababaliw na talaga ang babaeng 'yon! Napatingin si Abi nang biglang bumukas ang pinto at pumasok ang tatlong lalaki na nagtatawanan. May dalang pagkain ang dalawa at ang isa naman ay tubig. Bigla tuloy siyang nauhaw. Kanina pa nanunuyo ang lalamunan niya. Pero wala naman siyang plano na kumain kahit oa nagugutom na siya. Inilagay ng dalawang lalaki ang pagkain sa harap nila ni Lyca. Kung kanina sa upuan sila itinali habang nakaupo, ngayon naman ay sa lapag na. Matapos ilapag ang pagkain ay lumapit ang mga ito sa likod nila at tinanggal ang panyo sa bibig nila. "Kumain na kayo mga miss. Bilin ni madam na pakain raw muna kayo," wika ng isang lalaki na pangit ang mukha. "Tama, kumain daw muna kayo bago niyo salu
"Easy, Mr. Ashford, hindi ko pa papatayin ang asawa mo," rinig niyang sabi ni Sandra sa kausap nito. Alam niyang si Seb ang nasa kabilang linya na kausap ng impostor na babae, kaya bigla siyang nabuhayan ng loob. "Huwag mong sasaktan ang asawa ko, Sandra. Sabihin mo kung ano ang kailangan mo, ibibigay ko," rinig niyang wika ni Seb sa kabilang linya dahil naka loudspeaker ang tawag. "Wala akong kailangan! Ang kailangan ko ay patayin ang babaeng pinakamamahal mo! Kaya kung ako sa 'yo Seb magpaalam ka na sa asawa mo!" galit na sabi ni Sandra saka pinatay ang tawag. "Sandra! No!" narinig pa niyang sigaw ni Seb sa kabilang linya. Malawak na ngumisi ang babae matapos patayin ang tawag. Umayos ito ng tayo at isinuksok nito ang hawak na baril sa likuran habang hindi inaalis ang masamang tingin sa kanya. Pagkatapos ay tinanggal nito ang prosthetics sa mukha. Kaya ngayon kitang-kita na niya ang totoong Sandra dahil wala na ang pagiging impostor nito na kinopya ang mukha ng kaibig
Nagising si Abi dahil sa pangangalay ng ulo niya. At ganun na lang ang pagtataka niya nang mapansin na wala na siya sa sasakyan kundi nasa isang abandonadong building. Madilim sa paligid at wala siyang ibang nakikita. Sinubukan niyang tumayo mula sa kinauupuang upuan, ngunit nagulantang siya nang maramdaman na nakatali ang mga paa niya, at ganun din ang mga kamay niya. Biglang binundol ng kaba ang dibdib ni Abi. Si Lyca? Tama, si Lyca ang kasama niya kanina, pero hindi niya alam kung nasaan na ang kaibigan niya. Jusko sino naman ang may gawa nito! Sinubukan niyang sumigaw para sana tawagin ang kaibigan niya pero hindi niya magawa, dahil may takip ang bibig niya. Muling inalala ni Abi ang nangyare kanina habang nasa byahe sila. Ang kakaibang kilos ng kaibigan niya kanina na pilit niyang winawaksi sa isipan. Ang kakaibang ngiti nito kanina sa kanya bago siya mawalan ng malay tao. Naalala rin niya ang bottled water na pinainom sa kanya kanina ni Lyca. Jusko! Huwag naman sana tam
Akmang tatawagan na sana ni Abi si Seb para magpaalam nang pigilan siya ni Lyca, kaya naman hindi na niya ito itinuloy pa. "Naku, besh baka nasa meeting pa ang asawa mo. Huwag mo na muna siyang isturbuhin. And besides ako naman ang kasama mo, kaya no worries," sabi ni Lyca. Napatango na lamang si Abi at sabay na silang sumakay sa kotse na dala ni Lyca, saka nilisan ang Ashford Corp. "So besh, kamusta naman sila Tita at Lea? Namimiss ko na rin sila," tanong niya sa kaibigan. "Okay naman sila, besh. Maayos naman sila at namimiss ka na rin nila pati na ang mga bata," sagot nito pero nanatiling nakatuon ang paningin sa kalsada. "Pakisabi sa kanila besh, na after kong manganak sa anak namin ni Seb ay uuwe kami roon sa mindoro para magbakasyon. Para na rin makadalaw kami at makapamasyal ang mga bata," nakangiting wika niya na tila excited na sa naisip na plano. "Tama ba ang narinig ko? You're pregnant?" gulat na tanong nito. Binagalan pa nito ang pagmamaneho saka siya sinul