Ang sakit sa aking ulo ay parang nagwawala sa loob ng aking bungo. Ang mga gamot na ibinigay ng mga doktor ay hindi nakakatulong. Ang tanging nasa isip ko ay ang mukha ni Anabelle, ang aking asawa. Ang mga salita ni Knight ay paulit-ulit na tumutunog sa aking tainga: "Hindi ko anak si TJ. Anak mo siya. Wala kaming relasyon ni Anabelle." Hindi ko maipaliwanag ang halo-halong emosyon na nararamdaman ko. Galit, lungkot, pagsisisi, at pag-asa. Galit dahil akala ko tinaksil ako ng kaibigan ko, lungkot dahil sa sakit ni Anabelle, pagsisisi dahil sa aking mga pagkakamali, at pag-asa dahil sa wakas ay makikilala ko na ang aking anak. "Mr. Del Fuego, you need to rest," the doctor said, his voice filled with concern. "Your condition is critical. You need to stay in the hospital." "I can't rest until I see Anabelle and TJ," I replied, my voice trembling. "I need to see them." "This may have a negative impact on your health." "I can't wait any longer," I answered, my eyes filled with ple
Theodore Jasper Enriquez. Pinagmasdan ko ang aking mag-inang mahimbing na natutulog sa kama. Isang linggo na akong nakatira sa apartment nila. Wala akong balak bumalik sa Pilipinas. Gusto ko silang alagaan at makasama. Gusto kong bumawi sa kanila. "Tumawag si Chairman Marcelo sa akin. Gusto niyang umuwi ng Pilipinas para sa company party," sabi ni Knight pagpasok niya sa loob ng kwarto. "Kumain ka muna. Kaninang umaga ka pa hindi kumakain." "Sabihin mo sa kaniya na hindi matutuloy ang company party. Hindi ako uuwi sa Pilipinas hangga't hindi gumagaling si Anabelle," wika ko, hindi man lang siya nililingon. "Raheel, alam kong nag-aalala ka para kay Anabelle. Nandito naman ako. Ako muna ang mag-aalaga sa kaniya. Kailangan ka ng kompanya niyo." "I'm willing to give up everything para kay Anabelle. Wala akong pakialam kung nangangailangan ang kompanya sa akin. Mas kailangan ako ni Anabelle. Ayokong umalis sa tabi niya." Napabuntong-hininga ako. "Sa totoo lang, natatakot akong dumating
"Umupo ka muna, Raheel. Kanina ka pa pabalik-balik ng lakad riyan. Nahihilo na ako sa kakatingin sa 'yo," sabi ni Knight habang pinapatahan si TJ. Dalawang oras na kaming naghihintay na lumabas ang doktor sa ER. Hindi ako mapakali. Gusto ko ng pumasok sa loob para i-check ang kalagayan ni Anabelle. Napalingon agad ako sa pinto nang bumukas ito at lumabas si Dr. Leo, ang attending doctor ni Anabelle. "How is she?" I asked as he removed his hairnet.He glanced at TJ and Knight before looking at me. "Mr. Del Fuego, let's talk inside my office. We need to discuss Anabelle's condition."Those words from the doctor felt like a huge boulder crashing down on my chest. I knew the news wouldn't be good, but I didn't expect it to be this severe."Doc, how is my wife?" I asked as we entered his office, my voice trembling."Mr. Del Fuego, your wife's tumor is getting worse," the doctor replied, his face filled with pity. "It's spreading to other parts of her body."Parang nabingi ako. Hindi ko m
Hinawakan ko ang kamay ni Anabelle habang nagsusulat ng liham para sa kaniya. Kung sakaling matatagalan man ako sa pagbalik at magigising siya, gusto kong basahin niya ito. Ngayong araw ako aalis patungong France upang puntahan si Lolo. Ngayong araw rin siya dadalhin sa Germany para sa operasyon niya. Habang nagsusulat, patuloy lang ang pagpatak ng mga luha ko. Nababasa na nga 'tong papel na sinusulatan ko. Nagpasya akong i-re-record ko na lang ang ibang mga sasabihin ko sa aking smartwatch kasi hindi na kakasya sa papel. Baka mapunit pa 'to kasi nababasa na sa mga luha ko. Huminga muna ako ng malalim bago sinimulan ang pag-record ng boses ko. Pilit kong pinipigilan ang emosyon ko, pero hindi talaga kaya. Ang sakit-sakit sa pakiramdam na kailangan ko muna siyang iwan kasi pupuntahan ko si Lolo. Nangako ako sa kaniya, na mananatili ako sa tabi niya hanggang sa gumaling siya. Pero ngayon, hindi ko na alam kung matutupad pa ba ito. "If ever you forget me, just read the letter I wrote
Ang galit ay nag-aapoy sa loob ko. Ang lahat ng sakit, ang lahat ng galit na naramdaman ko kay Zeus, ay nag-aalab ngayon. Hindi ko alam kung paano ko matatanggap ito. Paano ko matatanggap ang taong pinakaayaw ko sa mundo ay may dugo rin na dumadaloy sa akin? Ang galit ko kay Zeus ay mas malakas kaysa sa anumang emosyon na nararamdaman ko ngayon. Hindi ko alam kung paano ko siya mapapatawad. Hindi ko alam kung paano ko siya matatawag na kapatid."Hindi... hindi totoo 'yan. Hindi ko siya kapatid," bulong ko, ang boses ko ay nanginginig sa galit at pagtanggi. "Raheel, totoo ito. Mayroon kang kapatid. Si Zeus ang anak ng iyong ama sa ibang babae," sabi ni Ms. Reyes.Ang mga salita niya ay parang mga karayom na tumutusok sa aking puso. Ang galit ay nag-aapoy sa aking kalooban. Kapatid ko ang mortal kong kaaway. Napasinghap ako. Hindi ko na alam kung ilang tao pa ba ang makikilala ko, na anak ni Daddy. Matatanggap ko pa si Lara bilang half-sister, pero 'tong si Zeus, hindi ko siya kayang
Niyakap ko ang naninigas at malamig na katawan ni Lolo ng mahigpit habang walang humpay ang paglabas ng mga luha ko. Hindi ko kayang tanggapin, na wala na si Lolo. Ang nag-iisang taong nag-alaga at nagmamahal sa akin. "Hindi ka na mahihirapan sa sakit mo," bulong ko at hinalikan ang noo ni Lolo. "Kahit sa huling paghinga mo si Anabelle pa rin ang bukambibig mo. Bakit? Anong meron sa kaniya?" Nagpasya akong ipa-cremate ang katawan ni Lolo. Pagkatapos ng cremation ay umuwi ako sa Pilipinas dahil nabalitaan ko ring nagkasakit si Hailey. Para akong pinagsakluban ng langit at lupa sa mga sunod-sunod na problemang dumating sa buhay ko. "Daddy, aalis ka na naman ba?" tanong ni Hailey sa akin pagkatapos kong suklayin ang mahaba at itim niyang buhok. Pinaharap ko si Hailey sa akin. "Kailangan kong pumunta sa Germany, Hailey. May gagawin kasi si Daddy roon." "Work na naman po ba?" Tumango ako. "Kailangan kong i-manage ang mga naiwang ari-arian ni Lolo, Hailey. Nandito naman ang Mommy mo -
Nanginginig ang aking buong katawan matapos kong marinig ang sinabi ni Logan. Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Ang nasa isip ko ngayon ay si Anabelle. Kaya ba gusto ni Lolo, na ingatan ko si Anabelle dahil kasalanan ng mga magulang ko kung bakit namatay ang tatay nito? "Raheel, ayos ka lang ba?" agaw atensyon ni Logan sa akin, pero hindi ako makatingin sa kaniya. "What's her father's name?" tanong ko kay Logan, nanginginig ang boses ko. "I'll check my email first," sagot ni Logan at nag-scroll sa cellphone niya. "Shit. Her father was known as Damien. But his real name is Carlos Damien Enriquez. At ang tatay ni Anabelle ay isa sa mga pinagkakatiwalaang tauhan ni Chairman Marcelo and a great assassin. Ito ang palaging inuutusan ni Chairman Marcelo noon kapag may gusto siyang ipapatay." My jaw dropped. Kinuha ko ang cellphone niya upang tingnan ang binabasa niya. Umiling ako. "Hindi 'to totoo..." "I'll call my men to confirm it, Heel," sabi ni Logan at dinial ang numero
Knight's POV Pinagmasdan ko ang mala-anghel na mukha ni Anabelle habang mahimbing itong natutulog. Ang kanyang mukha ay payapa, parang wala man lang dalang pasanin. Pero alam ko na hindi totoo iyon. Ang mga mata ni Anabelle ay nagkukuwento ng isang malalim na sakit, isang sakit na nagmumula sa isang nakalimutan na alaala. Ang bilis kong kumalma sa tuwing nakikita ko lang siya lalo na ngayon at patung-patong ang mga problemang kinakaharap ko. Wala akong ideya, na isinangla pala ni Mommy ang kompanyang iniwan ng Lolo ko sa amin sa mga magulang ni Zeus sampung taon na ang nakakaraan. Akala ko maayos lang ang lahat kasi ayaw niya akong tumulong sa pagpapatakbo ng kompanya dahil wala raw akong alam. Sa edad na bente anyos, itinayo ko ang sariling negosyo ko upang patunayan kay Mommy, na kaya kong i-handle ang kompanya ni Lolo. Ginamit ko ang perang iniwan ni Lolo sa akin at ang perang naipon ko sa pagmomodelo. At sa tulong ng mga kaibigan ko, naipatayo ko ang pangarap kong negosyo - ang