Theodore Jasper Enriquez. Pinagmasdan ko ang aking mag-inang mahimbing na natutulog sa kama. Isang linggo na akong nakatira sa apartment nila. Wala akong balak bumalik sa Pilipinas. Gusto ko silang alagaan at makasama. Gusto kong bumawi sa kanila. "Tumawag si Chairman Marcelo sa akin. Gusto niyang umuwi ng Pilipinas para sa company party," sabi ni Knight pagpasok niya sa loob ng kwarto. "Kumain ka muna. Kaninang umaga ka pa hindi kumakain." "Sabihin mo sa kaniya na hindi matutuloy ang company party. Hindi ako uuwi sa Pilipinas hangga't hindi gumagaling si Anabelle," wika ko, hindi man lang siya nililingon. "Raheel, alam kong nag-aalala ka para kay Anabelle. Nandito naman ako. Ako muna ang mag-aalaga sa kaniya. Kailangan ka ng kompanya niyo." "I'm willing to give up everything para kay Anabelle. Wala akong pakialam kung nangangailangan ang kompanya sa akin. Mas kailangan ako ni Anabelle. Ayokong umalis sa tabi niya." Napabuntong-hininga ako. "Sa totoo lang, natatakot akong dumating
"Umupo ka muna, Raheel. Kanina ka pa pabalik-balik ng lakad riyan. Nahihilo na ako sa kakatingin sa 'yo," sabi ni Knight habang pinapatahan si TJ. Dalawang oras na kaming naghihintay na lumabas ang doktor sa ER. Hindi ako mapakali. Gusto ko ng pumasok sa loob para i-check ang kalagayan ni Anabelle. Napalingon agad ako sa pinto nang bumukas ito at lumabas si Dr. Leo, ang attending doctor ni Anabelle. "How is she?" I asked as he removed his hairnet.He glanced at TJ and Knight before looking at me. "Mr. Del Fuego, let's talk inside my office. We need to discuss Anabelle's condition."Those words from the doctor felt like a huge boulder crashing down on my chest. I knew the news wouldn't be good, but I didn't expect it to be this severe."Doc, how is my wife?" I asked as we entered his office, my voice trembling."Mr. Del Fuego, your wife's tumor is getting worse," the doctor replied, his face filled with pity. "It's spreading to other parts of her body."Parang nabingi ako. Hindi ko m
Hinawakan ko ang kamay ni Anabelle habang nagsusulat ng liham para sa kaniya. Kung sakaling matatagalan man ako sa pagbalik at magigising siya, gusto kong basahin niya ito. Ngayong araw ako aalis patungong France upang puntahan si Lolo. Ngayong araw rin siya dadalhin sa Germany para sa operasyon niya. Habang nagsusulat, patuloy lang ang pagpatak ng mga luha ko. Nababasa na nga 'tong papel na sinusulatan ko. Nagpasya akong i-re-record ko na lang ang ibang mga sasabihin ko sa aking smartwatch kasi hindi na kakasya sa papel. Baka mapunit pa 'to kasi nababasa na sa mga luha ko. Huminga muna ako ng malalim bago sinimulan ang pag-record ng boses ko. Pilit kong pinipigilan ang emosyon ko, pero hindi talaga kaya. Ang sakit-sakit sa pakiramdam na kailangan ko muna siyang iwan kasi pupuntahan ko si Lolo. Nangako ako sa kaniya, na mananatili ako sa tabi niya hanggang sa gumaling siya. Pero ngayon, hindi ko na alam kung matutupad pa ba ito. "If ever you forget me, just read the letter I wrote
Ang galit ay nag-aapoy sa loob ko. Ang lahat ng sakit, ang lahat ng galit na naramdaman ko kay Zeus, ay nag-aalab ngayon. Hindi ko alam kung paano ko matatanggap ito. Paano ko matatanggap ang taong pinakaayaw ko sa mundo ay may dugo rin na dumadaloy sa akin? Ang galit ko kay Zeus ay mas malakas kaysa sa anumang emosyon na nararamdaman ko ngayon. Hindi ko alam kung paano ko siya mapapatawad. Hindi ko alam kung paano ko siya matatawag na kapatid."Hindi... hindi totoo 'yan. Hindi ko siya kapatid," bulong ko, ang boses ko ay nanginginig sa galit at pagtanggi. "Raheel, totoo ito. Mayroon kang kapatid. Si Zeus ang anak ng iyong ama sa ibang babae," sabi ni Ms. Reyes.Ang mga salita niya ay parang mga karayom na tumutusok sa aking puso. Ang galit ay nag-aapoy sa aking kalooban. Kapatid ko ang mortal kong kaaway. Napasinghap ako. Hindi ko na alam kung ilang tao pa ba ang makikilala ko, na anak ni Daddy. Matatanggap ko pa si Lara bilang half-sister, pero 'tong si Zeus, hindi ko siya kayang
Niyakap ko ang naninigas at malamig na katawan ni Lolo ng mahigpit habang walang humpay ang paglabas ng mga luha ko. Hindi ko kayang tanggapin, na wala na si Lolo. Ang nag-iisang taong nag-alaga at nagmamahal sa akin. "Hindi ka na mahihirapan sa sakit mo," bulong ko at hinalikan ang noo ni Lolo. "Kahit sa huling paghinga mo si Anabelle pa rin ang bukambibig mo. Bakit? Anong meron sa kaniya?" Nagpasya akong ipa-cremate ang katawan ni Lolo. Pagkatapos ng cremation ay umuwi ako sa Pilipinas dahil nabalitaan ko ring nagkasakit si Hailey. Para akong pinagsakluban ng langit at lupa sa mga sunod-sunod na problemang dumating sa buhay ko. "Daddy, aalis ka na naman ba?" tanong ni Hailey sa akin pagkatapos kong suklayin ang mahaba at itim niyang buhok. Pinaharap ko si Hailey sa akin. "Kailangan kong pumunta sa Germany, Hailey. May gagawin kasi si Daddy roon." "Work na naman po ba?" Tumango ako. "Kailangan kong i-manage ang mga naiwang ari-arian ni Lolo, Hailey. Nandito naman ang Mommy mo -
Nanginginig ang aking buong katawan matapos kong marinig ang sinabi ni Logan. Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Ang nasa isip ko ngayon ay si Anabelle. Kaya ba gusto ni Lolo, na ingatan ko si Anabelle dahil kasalanan ng mga magulang ko kung bakit namatay ang tatay nito? "Raheel, ayos ka lang ba?" agaw atensyon ni Logan sa akin, pero hindi ako makatingin sa kaniya. "What's her father's name?" tanong ko kay Logan, nanginginig ang boses ko. "I'll check my email first," sagot ni Logan at nag-scroll sa cellphone niya. "Shit. Her father was known as Damien. But his real name is Carlos Damien Enriquez. At ang tatay ni Anabelle ay isa sa mga pinagkakatiwalaang tauhan ni Chairman Marcelo and a great assassin. Ito ang palaging inuutusan ni Chairman Marcelo noon kapag may gusto siyang ipapatay." My jaw dropped. Kinuha ko ang cellphone niya upang tingnan ang binabasa niya. Umiling ako. "Hindi 'to totoo..." "I'll call my men to confirm it, Heel," sabi ni Logan at dinial ang numero
Knight's POV Pinagmasdan ko ang mala-anghel na mukha ni Anabelle habang mahimbing itong natutulog. Ang kanyang mukha ay payapa, parang wala man lang dalang pasanin. Pero alam ko na hindi totoo iyon. Ang mga mata ni Anabelle ay nagkukuwento ng isang malalim na sakit, isang sakit na nagmumula sa isang nakalimutan na alaala. Ang bilis kong kumalma sa tuwing nakikita ko lang siya lalo na ngayon at patung-patong ang mga problemang kinakaharap ko. Wala akong ideya, na isinangla pala ni Mommy ang kompanyang iniwan ng Lolo ko sa amin sa mga magulang ni Zeus sampung taon na ang nakakaraan. Akala ko maayos lang ang lahat kasi ayaw niya akong tumulong sa pagpapatakbo ng kompanya dahil wala raw akong alam. Sa edad na bente anyos, itinayo ko ang sariling negosyo ko upang patunayan kay Mommy, na kaya kong i-handle ang kompanya ni Lolo. Ginamit ko ang perang iniwan ni Lolo sa akin at ang perang naipon ko sa pagmomodelo. At sa tulong ng mga kaibigan ko, naipatayo ko ang pangarap kong negosyo - ang
Simula nang nabasa at narinig ni Anabelle ang iniwang liham ni Raheel para sa kaniya biglang lumamig ang pakikitungo niya sa akin. Palagi niya rin akong iniiwasan sa tuwing susubokan ko siyang kausapin. Parang pinipiga ang puso ko sa tuwing makikita kong sinusuot niya ang smartwatch ng kaibigan ko. Nang nagising siya pagkatapos ng operasyon, binigyan ko siya ng kwentas na nabili ko sa auction nang pumunta akong Paris. Sinusuot niya ito araw-araw, pero hindi ko na ulit ito nakitang ginagamit niya. "Hindi ako tutuloy sa Thailand, Brent," sabi ko sa aking manager sa pagmomodelo. Humugot ako ng malalim na paghinga bago nagpatuloy sa pagsasalita. "Hihinto na ako sa pagmomodelo. Kailangan kong mag-focus sa kompanya ni Lolo at sa kompanya ko." "Ano? Ngayon ka pa talaga susuko kung kailan in-demand ka na sa buong mundo?" hindi makapaniwalang tanong ni Brent. Siya ang dahilan kaya nakapag-ipon ako ng malaking pera sa panahong naghihirap pa ako sa buhay. Sa murang edad kasi naging independe
January 11, 2024 TBSB is now signing off na po. Yes po, tinuldukan ko na ang book na ito. Hanggang Book 3 lang siya kasi nakapagpasya na ako na gawing separate books ang Book 4 at Book 5. Baka next week ay masimulan ko na siya at mai-apply. Maraming salamat sa pagsama sa akin nang mahigit pitong buwan. Wala akong balak tapusin ng ganito kaaga ang librong ito kasi nagbabalak pa akong magsulat ng kwento sa mga apo ng Del Fuego, pero lahat ng 'yon ay naglaho sa isipan ko simula noong October 2024. Sa mga taong nagtiwala at patuloy na sumuporta sa akin, maraming salamat po. Sa mga taong nakilala ko rito, ikinagagalak ko po kayong makilala. Isa sa mga dahilan kaya maaga kong tinapos ang TBSB ay dahil magiging abala na ako next month o after ng LET 2025. I'm a student po. A 4th year student taking up a Bachelor of Secondary Education Major in Mathematics. Magiging abala na po ako sa mock board review kaya baka mawala ako pansamantala sa GoodNovel. Simula po bukas, ipagpapatu
Brielle’s POV Maingat na pinarada ni Mark ang kotse sa labas ng gate ng aming bahay. Pinagbuksan niya ako ng pintuan at siniil kaagad ang labi ko ng halik. Nangunot ang aking noo nang kagatin niya ang labi ko. Itinulak ko siya palayo sa akin. Nang tingnan ko siya, namumula ang mga mata niya. “May problema ka ba sa akin?” Tinaasan ko siya ng kilay at pinagkrus ang aking mga braso. Ngumisi siya, dahilan kaya uminit ang ulo ko. “It’s our wedding anniversary, pero hindi mo man lang maalala.” Napakagat-labi ako at nag-iwas ng tingin sa kaniya. Biglang nanuyo ang aking lalamunan. Sa sobrang busy ko sa ospital ay hindi ko na namalayan kung anong petsa na ngayon. Humakbang ako palapit sa kaniya, mukhang nagtatampo siya sa akin kasi nakalimutan ko ang wedding anniversary namin. “Sorry na. Nakalimutan ko. Alam mo namang marami akong iniisip na problema, ‘di ba?” Niyakap ko siya, pero hinawi niya ang kamay ko. “Sa lahat ng pwedeng makalilimutan, wedding anniversary pa talaga
Brielle’s POV “Baby, come here,” sabi ni Mark akin nang pumasok siya sa aming kwarto. “Hey, ilabas mo lang lahat ng hinanakit mo,” bulong niya at niyakap ako ng mahigpit. “Just cry and cry hanggang sa mawala ang sakit…” “I missed him already,” mahinang sabi ko at kumalas sa yakap niya. Pinunasan ko ang aking mukha gamit ang palad ko at hinawakan ang picture frame ni Daddy. “Can’t believe it that you’re gone, Dad…” Umupo ako sa kama. Napansin ko agad ang pagtabi niya sa akin. Hinawakan niya ang ulo ko at pinasandal sa balikat niya. “Thank you for killing that bastard.” Tiningnan ko si Mark, bakas sa mukha niya ang pagkagulat. “Thank you for saving me, Mark. Kung pareho kaming nawala ni Daddy, baka mas lalong hindi kakayanin ni Mommy at ng mga kapatid ko.” “Hindi mo kailangang magpasalamat. Asawa kita. Obligasyon kita. Responsibilidad ko ang protektahan ka.” Hinaplos niya ang aking mahabang itim na buhok. Bumuntong-hininga ako. Isang taon na ang nakalipas mula nang nawala si D
Mark’s POV Basang-basa ako ng tubig-ilog, halos hindi na makahinga sa pagod at takot. Nakayakap ako kay Brielle, ang katawan niya ay walang buhay na nakasandal sa akin. Ang puso ko ay tila tumigil sa pagtibok. Hindi ko alam kung paano ko siya nailabas sa malamig na tubig, ang tanging nasa isip ko lang ay mailigtas siya. “Brielle,” bulong ko sa kanyang tainga, ang boses ko ay halos hindi marinig. “Brielle, please.” Pinagmasdan ko ang kanyang mukha, ang kanyang mga labi ay namumutla, at ang kanyang mga mata ay nakapikit. Naalala ko ang lahat ng mga nangyari. Ang pagkidnap sa kanya, ang paghabol ko kay Luigi, ang pag-iwas sa mga bala, at ang pagtalon ko sa ilog para lang mailigtas siya. Lahat ng iyon ay parang isang malabong panaginip. “Brielle…” Pinagpatuloy ko ang pag-alog sa kanya, umaasang kahit papaano ay magising siya. “Gising na, please. Kailangan kita. Huwag mo akong iiwan. Kailangan ka namin. Hinihintay ka ng mga anak natin.” Ginawa ko na ang lahat para masagip siya. Nags
Brielle’s POV Napabalikwas ako ng bangon at napahawak sa leeg ko. Nakahinga ako ng maluwag nang mapagtantong panaginip lang ang lahat. Walang kadenang nakatali sa mga kamay at paa ko. Wala ring sugat ang aking paa. Buhay pa ako. Pinasadahan ko ng tingin ang buong silid. Madilim ang paligid. Hinanap ko ang switch ng ilaw at binuksan ‘yon. Pagkabukas ko sa ilaw, mukha kaagad ni Luigi ang nakita ko. Napaatras ako pabalik sa kama nang makita ang hawak niyang baril. “We are leaving,” matigas niyang sabi at hinawakan ng mahigpit ang braso ko. “Pakawalan mo ako!” Pilit kong binawi ang aking braso sa kaniya. “Tama na! Nasasaktan ako!” Napamura ako nang bigla niya akong sampalin sa pisngi. “Sasama ka sa akin!” sigaw ni Luigi. “Hindi ako sasama sa ‘yo! Pakawalan mo na ako!” Itinutok niya ang baril sa akin. Namilog ang aking mga mata nang maaalala ang nangyari sa panaginip ko. Bigla na lang lumambot at nanginig sa takot ang aking tuhod. Hindi ako pwedeng mamatay dahil kailangan
Brielle’s POV “Let me go!” sigaw ko nang marahas akong hilahin ni Luigi papasok sa loob ng van. I can’t believe it. He kidnapped me. Bagay na hindi ko aakalaing magagawa niya sa akin. He raped me. Ilang gabi niya akong ginagamit. Diring-diri na ako sa sarili ko. “Luigi, I’m begging you. Pakawalan mo na ako,” pagmamakaawa ko. “Nakuha mo na ang gusto mo, ‘di ba? You raped me…” halos hindi ko na makilala ang boses ko nang bumagsak ang mga luha ko. “I won’t do that, Brielle. You’re mine.” Hinawakan niya ang pisngi ko. Hinalikan niya ang labi ko, pero kinagat ko ang labi niya. Tumawa siya at mahigpit na hinawakan ang aking braso. “Kaya pala baliw na baliw ang asawa mo sa ‘yo kasi ang sarap-sarap mo.” Marahas niyang hinalikan ang leeg ko. Ginamit ko ang natitirang lakas sa katawan ko upang pigilan siya sa gagawin niya. “Kill me, Luigi! Huwag mo na akong pahirapan pa!” sigaw ko sa kaniya. “Ano pa ba ang gusto mong gawin sa akin? You touched me multiple times. Please let me go. M
Mark’s POV Mag-iisang buwan na mula nang ma-kidnap si Brielle sa airport. Habang tumatagal ay mas lalo lang akong kinakabahan. Ilang araw na rin akong hindi makatulog at makakain ng maayos sa kaiisip kung saan siya dinala. Sa tuwing may nababalitaan akong may natagpuang katawan sa iba’t ibang lugar ang mga pulis, hindi ko mapigilan ang sarili kong magpunta sa lugar dahil baka si Brielle na ‘yon. Ang kalusugan ng triplets ay naaapektuhan na rin dahil ilang linggo nang nawawala si Brielle. Hinahanap na siya ng mga anak namin. Sa tuwing naririnig ko ang pag-iyak nila, parang hinihiwa ang puso ko. “Wala pa rin bang balita tungkol sa kapatid ko?” matigas na tanong ni TJ nang dumating ang mga pulis sa bahay nila. Nagpaalam ako kay Kaisha na aalis muna dahil may tatawagan lang ako. Dinial ko kaagad ang numero ng tauhan kong nagbabantay sa lahat ng mga kinikilos nina Lander, Jarren, at Karina. Sila lang ang mga taong gagawa ng ganito sa akin. Wala akong ibang taong pwedeng paghinalaan
Mark’s POV Tatlong araw na ang nakalipas at hanggang ngayon wala pa rin kaming balita kay Brielle. Wala kaming maiturong suspect dahil hindi namin makita ng maayos ang mukha ng taong kumuha kay Brielle sa CR. Napatingin ako sa pinto nang bigla itong bumukas at nakita kong pumasok sa loob ang aking biological mother. Nag-iwas ako ng tingin at itinuon ang aking atensiyon sa computer. “Hijo, pwede ba tayong mag-usap?” mahinang sabi niya. “Ano naman ang pag-uusapan natin?” Pinatay ko ang computer at humarap sa kaniya. “Para saan?” “Tungkol sa kompanya…” Ngumisi ako. “Hindi pa naman ako namumulubi kahit na nawala ang mga bagay na pinaghirapan ko. Hindi ako interesado sa kompanya ninyo.” Bumuntong-hininga siya at lunapit sa akin. “I need you, hijo…” Nangunot ang aking noo. “Mukhang nakalimutan mo yatang mas pinili mo ang isa pang anak sa labas ni Papa kesa sa akin. Gusto ninyong ibigay ang posisyon na ‘yon para sa akin, pero may kondisyon. Nang hindi ko sinunod ang kagustohan n
Mark’s POV Kanina ko pa tinatawagan si Brielle, pero hindi niya sinasagot ang mga tawag ko. Nandito ako ngayon sa airport, naghihintay sa kanila. Nauna akong bumalik sa Pilipinas dahil inasikaso ko ang mga ari-ariang ninakaw ng aking mga kapatid: hotels and resorts ay nakapangalan na sa kanila. Sa tulong ng aking magaling na lawyer, may posibilidad na mabawi ko ang mga ari-ariang nawala sa akin. Sa ngayon, dahan-dahan ko munang babawiin ang mga bagay na pagmamay-ari ko. Hinding-hindi na ako magpapakaduwag at magpatalo sa takot. Kumaway ako nang makita ko sina TJ at Kaisha, hindi nila kaagad ako napansin kaya tinawagan ko si Kaisha. Kasama nila ang triplets. Mabilis silang tumakbo patungo sa kinaroroonan ko. “Nasaan si Brielle?” tanong ko at nilapitan ang mga bata. “Kanina pa namin siya hinahanap. Nagpaalam siya kanina sa amin na pupunta muna raw siya sa banyo, pero hanggang ngayon aay hindi pa nakabalik,” sagot ni Kaisha. Bigla akong nakaramdam ng kaba. Dalawang buwan ng