Share

Chapter 77

Madilim ang silid, tanging ang liwanag mula sa lampshade sa bedside table ang nagbibigay ng kaunting liwanag. Nagpasya akong umuwi agad nang nalaman kong may brain tumor pala ako at kailangan akong maoperahan sa lalong madaling panahon. Nakasandal ako sa headboard ng kama, ang mga mata'y nakatitig sa kisame. Hindi ako makatulog. Ang ulo ko'y parang isang malaking tambol na patuloy na tumutugtog ng malakas na ritmo, ang bawat tibok ng puso ko'y sumasabay sa bawat paghampas ng tambol na 'yon.

Naramdaman ko na naman ang pananakit ng ulo. Parang may maliliit na karayom na tumutusok sa loob ng aking bungo, at ang bawat pag-ikot ng aking ulo ay nagdudulot ng matinding pagkahilo.

"Ano ba 'to?" bulong ko sa aking sarili.

Naalala ko ang sinabi ng doktor. "Brain tumor and you need an immediate operation," ang sabi niya.

Napahawak ako sa aking ulo. Ang takot ay parang isang malamig na kamay na pumipigil sa aking paghinga. Hindi ko alam kung ano ang mas nakakatakot, ang sakit na nararamdaman ko
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
Deigratiamimi
update ako later hahahaha baka hindi na malungkot 🥹🫰
goodnovel comment avatar
Menorca leoven
huhuhuhu...ang Lungkot na man
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status