Abala ako sa pagbabasa ng mga reports habang naghihintay na magsimula ang meeting kasama ang mga investors ng kompanya nang napansin ko ang tawag ni Logan. Tumayo ako at sinagot ang tawag niya saka naglakad patungo sa CR. "Have you seen the news?" tanong ni Logan. "News? Why?" curious kong tanong sa kaniya at huminto sa paglalakad. "Check it yourself asshole!" sigaw ni Logan at binabaan ako ng tawag. Pagbalik ko sa meeting room, kumunot ang noo ko nang napansing nakatingin silang lahat sa akin habang nakahawak sa mga cell phones nila. Bumaba ang paningin ko sa cellphone ko at agad na chineck ang balita. Muntik ko ng mabitawan ang cellphone ko nang nakita ko sa balita si Andrea na ini-interview ng mga reporters. "I am pregnant. Si Raheel Del Fuego ang ama," proud niyang sabi habang hinihimas ang tiyan niya sa harap ng mga reporters. "I'm back and we're getting married after finalizing their divorce papers!" Kumuyom agad ang mga kamao ko. Niluwagan ko ang necktie at padabog na lum
"Sir Raheel, tumatawag po si Chairman," saad ni Donny at ibinigay niya sa akin ang cellphone niya. Huminga muna ako ng malalim bago sinagot ang tawag ni Lolo. "What are you doing, Raheel? Iniwan mo ang mga investors natin sa loob ng meeting room at hindi mo man lang sila sinabihan na hindi matutuloy ang -" "Lo, have you heard the news?" putol ko sa sasabihin niya. "I heard it! Wala ka ng ibang nagawa kundi ipahiya ako! Puro na lang kahihiyan ang ibinibigay mo sa akin! Pagod na akong intindihin ka!" sigaw ni Lolo. Inilayo ko ng kaunting ang cellphone sa tainga ko. "Ano? Hindi ba talaga titigil ang babaeng 'yan? Mag-isip ka ng paraan kung paano mo patahimikin ang pamilya ni Andrea! Huwag mong hintayin na ako ang magpapatahimik sa kanila!" "I will. I'll talk to her. Susubokan ko ring kausapin sina Tito at Tita," saad ko. "I will give you one month to clear this mess and to bring Anabelle back!" sigaw ni Lolo bago niya binaba ang tawag. Hinilut-hilot ko ang sentido ko. Hindi ko na a
"Anong ginagawa ng asawa ko sa medical school? Saan siya nakatira ngayon?" tanong ko kay Donny pagpasok ko sa opisina. Napahawak ako sa ulo ko nang naramdaman ang pagsakit nito. Lumapit si Donny sa akin at may ibinigay na brown envelope. Agad ko naman itong tinanggap pagkatapos kong sindihan ang sigarilyo. Kumunot ang noo ko nang nakita ang iba't ibang kuhang litrato nina Zeus at Anabelle. "Si Ma'am Anabelle ay isa sa mga mag-aaral na nabigyan ng scholarship ni Mr. Blackwell, Sir. Nag-aaral ng medisina ang -" "How about the rumors circulating in the social media about them? Nahanap mo ba ang taong nagpakalat tungkol sa fake news na may namamagitan -" "Sir Raheel, kanina lang po naglabas ng statement si Mr. Blackwell tungkol sa balitang kumakalat." Nag-angat ako ng tingin kay Donny nang bigla siyang huminto. "Tapos? Anong sinabi niya?" Bumuntong hininga si Donny. "Inamin po ni Mr. Blackwell na nililigawan niya raw po ang asawa niyo kasi naghiwalay raw kayo ni Ma'am Anabelle last
Anabelle's POV Kanina ko pa napapansin ang paglingon ng mga kasama kong pasahero sa jeep patungo sa paaralan. Sa awa ng Diyos, isa ako sa mga napiling estudyante na nabigyan ng scholarship ng paaralan. Kinuha ko ang maliit na salamin sa loob ng bag ko upang tingnan ang mukha. Baka may dumi ang mukha ko kaya panay ang pagtitig nila sa akin. Kumunot ang noo ko nang nakitang malinis naman ang mukha ko. Pagbaba ko sa paaralan, bumungad sa akin ang maraming reporters. Inayos ko ang aking mga gamit at hindi na lang ito pinansin. "The rumor circulating is true that Anabelle only married him in exchange for the money needed for her mother's operation. She also married Anabelle to acquire the inheritance and various assets of Chairman Marcelo. Their marriage is fake." Napahinto ako sa paglalakad nang narinig ko ang boses ni Zeus. Napakagat-labi ako. Hindi ko mapigilang magtaka kung bakit pinagsisigawan niya ang tungkol sa nakaraan namin ni Raheel. Pinagsiksikan ko ang sarili ko sa mga tao
Nanatili muna kami sa loob ng clinic pagkatapos kong gamutin ang sugat ni Raheel. Nagpaalam din ako sa professor ko, na hindi muna ako papasok sa klase niya ngayong araw kasi nandito si Raheel. Si Nurse Leah sana ang gagamot sa sugat niya sa kamay, pero ayaw ni Raheel. Ang dami niyang arte. Sinulyapan ko si Raheel, agad na kumunot ang noo ko nang nahuli ko siyang nakatingin sa akin. "How are you?" tanong niya sa mababang boses. "I don't know kung maayos na ba ako," sagot ko at kinuha ang bag ko. "I have to go. May pasok pa kasi ako." Napalingon ako sa kaniya nang bigla niyang hawakan ang kamay ko. Bumuntong hininga siya at ipinagsiklop ang mga kamay namin. "T-Totoo bang nililigawan ka ni Z-Zeus?" Naramdaman kong humigpit ang paghawak niya sa kamay ko. "Kung sasabihin ko sa 'yong, Oo, anong gagawin mo?" Unti-unti kong binawi sa kaniya ang kamay ko. "Raheel, sa totoo lang, ang hirap pa rin tanggapin na nawala ang anak ko. Hindi rin naman kita masisisi kasi ang sabi mo wala kang alam
Agad kong ibinalik ang cellphone sa driver's seat nang nahagip ng mga mata ko na pabalik na si Zeus. Chinarge ko ang cellphone ko at ipinilig ang ulo ko sa bintana. Ipinikit ko ang mga mata ko at nagkunwaring natutulog. Napansin ko ang pagdating ni Zeus at ang pag-andar ng limo niya. Makalipas ang ilang minuto ay nagdilat na ako ng mga mata. Sinulyapan ko siya. Nasa daan pa rin ang paningin niya. Hinahanap ng mga mata ko ang cellphone ni Raheel. Hindi ko mapigilang magtaka kung bakit nasa kaniya 'yon. Siya ba ang nag-reply sa akin sa araw na 'yon at hindi si Raheel o si Andrea? "You're awake," saad niya nang nahuli niya akong nakatingin sa kaniya. "Y-Yeah, kagigising ko lang," sambit ko at pilit na ngumiti. Hinubad niya ang jacket niya at ibinigay ito sa akin. Tinanggap ko naman ito agad kasi naka-uniporme pa ako at papasok kami sa loob ng mall para bumili ng regalo sa Lola niya . Mahigit dalawang oras na kaming palibut-libot sa loob ng mall, pero wala pa ring nahanap na pwede ir
"Kumain na po ba kayo? Anong gusto niyong kainin? Ipagluluto ko po kayo," tanong ko habang pinupunasan pa rin ang mukha ko. Hindi ako makapaniwalang nandito siya. Hinanap niya ako. "Kahit ano, Anabelle. Namimiss ko ang mga pagkaing niluluto mo sa akin," sagot ni Nanay at pinasadahan ng tingin ang buong kwarto ko. Iniwan ko muna saglit si Nanay kasi bibili ako ng karne sa pinakamalapit na palengke. Hindi pa kasi ako nakapag-grocery kasi naging busy sa pag-aaral kahit kasisimula pa lang ng klase. "Ipagluluto ko muna kayo," saad ko nang nakabalik na ako. Nagsaing ako ng kanin habang hinihiwa ang binili kong karne ng baboy. "Nasaan pala ang asawa mo?" biglang tanong ni Nanay kaya napahinto ako sa ginagawa ko at lumingon sa kaniya. Binitawan ko ang hawak na kutsilyo at pinunasan ang kamay ko. Nakangiti lang si Nanay sa akin. Parang hinihintay ang sagot ko. Napakagat-labi ako. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kaniya ang lahat-lahat. Na biglaan ang pagpapakasal na 'yon kasi nang
Nang medyo gumaan na ang pakiramdam ko ay saka pa lang ako kumalas sa yakap niya. Pinunasan ko ang mukha ko at sinimulang pulotin ang mga gamit na nakakalat sa sahig nang hindi man lang siya pinapansin. "A-Anong nangyari rito? Bakit nagkalat ang mga gamit mo?" tanong ni Raheel at tinulongan akong ligpitin ang mga gamit ko. "Bakit ka umiiyak? Sinong gumawa nito sa 'yo?" "Ayos lang ako. Huwag mo na akong alalahanin," sagot ko. Napalingon ako sa kaniya nang bigla niya akong hilahin papalapit sa kaniya. Napahawak ako sa dibdib niya nang sumubsob ang mukha ko. Niyakap niya uli ako ng mahigpit at nararamdaman kong hinaplus-haplos niya ang buhok ko. "I know you're not okay. Hayaan mo akong samahan ka muna rito. Kahit isang oras lang, Anabelle," bulong niya at hinalikan ang ulo ko. "Hindi ka dapat pumunta rito. Si Andrea dapat ang pinuntahan mo kasi buntis siya," saad ko. "Don't mention her name, please? Ayokong marinig ang pangalan niya. At bakit ba palagi mo akong pinagtutulakan sa ka
January 11, 2024 TBSB is now signing off na po. Yes po, tinuldukan ko na ang book na ito. Hanggang Book 3 lang siya kasi nakapagpasya na ako na gawing separate books ang Book 4 at Book 5. Baka next week ay masimulan ko na siya at mai-apply. Maraming salamat sa pagsama sa akin nang mahigit pitong buwan. Wala akong balak tapusin ng ganito kaaga ang librong ito kasi nagbabalak pa akong magsulat ng kwento sa mga apo ng Del Fuego, pero lahat ng 'yon ay naglaho sa isipan ko simula noong October 2024. Sa mga taong nagtiwala at patuloy na sumuporta sa akin, maraming salamat po. Sa mga taong nakilala ko rito, ikinagagalak ko po kayong makilala. Isa sa mga dahilan kaya maaga kong tinapos ang TBSB ay dahil magiging abala na ako next month o after ng LET 2025. I'm a student po. A 4th year student taking up a Bachelor of Secondary Education Major in Mathematics. Magiging abala na po ako sa mock board review kaya baka mawala ako pansamantala sa GoodNovel. Simula po bukas, ipagpapatu
Brielle’s POV Maingat na pinarada ni Mark ang kotse sa labas ng gate ng aming bahay. Pinagbuksan niya ako ng pintuan at siniil kaagad ang labi ko ng halik. Nangunot ang aking noo nang kagatin niya ang labi ko. Itinulak ko siya palayo sa akin. Nang tingnan ko siya, namumula ang mga mata niya. “May problema ka ba sa akin?” Tinaasan ko siya ng kilay at pinagkrus ang aking mga braso. Ngumisi siya, dahilan kaya uminit ang ulo ko. “It’s our wedding anniversary, pero hindi mo man lang maalala.” Napakagat-labi ako at nag-iwas ng tingin sa kaniya. Biglang nanuyo ang aking lalamunan. Sa sobrang busy ko sa ospital ay hindi ko na namalayan kung anong petsa na ngayon. Humakbang ako palapit sa kaniya, mukhang nagtatampo siya sa akin kasi nakalimutan ko ang wedding anniversary namin. “Sorry na. Nakalimutan ko. Alam mo namang marami akong iniisip na problema, ‘di ba?” Niyakap ko siya, pero hinawi niya ang kamay ko. “Sa lahat ng pwedeng makalilimutan, wedding anniversary pa talaga
Brielle’s POV “Baby, come here,” sabi ni Mark akin nang pumasok siya sa aming kwarto. “Hey, ilabas mo lang lahat ng hinanakit mo,” bulong niya at niyakap ako ng mahigpit. “Just cry and cry hanggang sa mawala ang sakit…” “I missed him already,” mahinang sabi ko at kumalas sa yakap niya. Pinunasan ko ang aking mukha gamit ang palad ko at hinawakan ang picture frame ni Daddy. “Can’t believe it that you’re gone, Dad…” Umupo ako sa kama. Napansin ko agad ang pagtabi niya sa akin. Hinawakan niya ang ulo ko at pinasandal sa balikat niya. “Thank you for killing that bastard.” Tiningnan ko si Mark, bakas sa mukha niya ang pagkagulat. “Thank you for saving me, Mark. Kung pareho kaming nawala ni Daddy, baka mas lalong hindi kakayanin ni Mommy at ng mga kapatid ko.” “Hindi mo kailangang magpasalamat. Asawa kita. Obligasyon kita. Responsibilidad ko ang protektahan ka.” Hinaplos niya ang aking mahabang itim na buhok. Bumuntong-hininga ako. Isang taon na ang nakalipas mula nang nawala si D
Mark’s POV Basang-basa ako ng tubig-ilog, halos hindi na makahinga sa pagod at takot. Nakayakap ako kay Brielle, ang katawan niya ay walang buhay na nakasandal sa akin. Ang puso ko ay tila tumigil sa pagtibok. Hindi ko alam kung paano ko siya nailabas sa malamig na tubig, ang tanging nasa isip ko lang ay mailigtas siya. “Brielle,” bulong ko sa kanyang tainga, ang boses ko ay halos hindi marinig. “Brielle, please.” Pinagmasdan ko ang kanyang mukha, ang kanyang mga labi ay namumutla, at ang kanyang mga mata ay nakapikit. Naalala ko ang lahat ng mga nangyari. Ang pagkidnap sa kanya, ang paghabol ko kay Luigi, ang pag-iwas sa mga bala, at ang pagtalon ko sa ilog para lang mailigtas siya. Lahat ng iyon ay parang isang malabong panaginip. “Brielle…” Pinagpatuloy ko ang pag-alog sa kanya, umaasang kahit papaano ay magising siya. “Gising na, please. Kailangan kita. Huwag mo akong iiwan. Kailangan ka namin. Hinihintay ka ng mga anak natin.” Ginawa ko na ang lahat para masagip siya. Nags
Brielle’s POV Napabalikwas ako ng bangon at napahawak sa leeg ko. Nakahinga ako ng maluwag nang mapagtantong panaginip lang ang lahat. Walang kadenang nakatali sa mga kamay at paa ko. Wala ring sugat ang aking paa. Buhay pa ako. Pinasadahan ko ng tingin ang buong silid. Madilim ang paligid. Hinanap ko ang switch ng ilaw at binuksan ‘yon. Pagkabukas ko sa ilaw, mukha kaagad ni Luigi ang nakita ko. Napaatras ako pabalik sa kama nang makita ang hawak niyang baril. “We are leaving,” matigas niyang sabi at hinawakan ng mahigpit ang braso ko. “Pakawalan mo ako!” Pilit kong binawi ang aking braso sa kaniya. “Tama na! Nasasaktan ako!” Napamura ako nang bigla niya akong sampalin sa pisngi. “Sasama ka sa akin!” sigaw ni Luigi. “Hindi ako sasama sa ‘yo! Pakawalan mo na ako!” Itinutok niya ang baril sa akin. Namilog ang aking mga mata nang maaalala ang nangyari sa panaginip ko. Bigla na lang lumambot at nanginig sa takot ang aking tuhod. Hindi ako pwedeng mamatay dahil kailangan
Brielle’s POV “Let me go!” sigaw ko nang marahas akong hilahin ni Luigi papasok sa loob ng van. I can’t believe it. He kidnapped me. Bagay na hindi ko aakalaing magagawa niya sa akin. He raped me. Ilang gabi niya akong ginagamit. Diring-diri na ako sa sarili ko. “Luigi, I’m begging you. Pakawalan mo na ako,” pagmamakaawa ko. “Nakuha mo na ang gusto mo, ‘di ba? You raped me…” halos hindi ko na makilala ang boses ko nang bumagsak ang mga luha ko. “I won’t do that, Brielle. You’re mine.” Hinawakan niya ang pisngi ko. Hinalikan niya ang labi ko, pero kinagat ko ang labi niya. Tumawa siya at mahigpit na hinawakan ang aking braso. “Kaya pala baliw na baliw ang asawa mo sa ‘yo kasi ang sarap-sarap mo.” Marahas niyang hinalikan ang leeg ko. Ginamit ko ang natitirang lakas sa katawan ko upang pigilan siya sa gagawin niya. “Kill me, Luigi! Huwag mo na akong pahirapan pa!” sigaw ko sa kaniya. “Ano pa ba ang gusto mong gawin sa akin? You touched me multiple times. Please let me go. M
Mark’s POV Mag-iisang buwan na mula nang ma-kidnap si Brielle sa airport. Habang tumatagal ay mas lalo lang akong kinakabahan. Ilang araw na rin akong hindi makatulog at makakain ng maayos sa kaiisip kung saan siya dinala. Sa tuwing may nababalitaan akong may natagpuang katawan sa iba’t ibang lugar ang mga pulis, hindi ko mapigilan ang sarili kong magpunta sa lugar dahil baka si Brielle na ‘yon. Ang kalusugan ng triplets ay naaapektuhan na rin dahil ilang linggo nang nawawala si Brielle. Hinahanap na siya ng mga anak namin. Sa tuwing naririnig ko ang pag-iyak nila, parang hinihiwa ang puso ko. “Wala pa rin bang balita tungkol sa kapatid ko?” matigas na tanong ni TJ nang dumating ang mga pulis sa bahay nila. Nagpaalam ako kay Kaisha na aalis muna dahil may tatawagan lang ako. Dinial ko kaagad ang numero ng tauhan kong nagbabantay sa lahat ng mga kinikilos nina Lander, Jarren, at Karina. Sila lang ang mga taong gagawa ng ganito sa akin. Wala akong ibang taong pwedeng paghinalaan
Mark’s POV Tatlong araw na ang nakalipas at hanggang ngayon wala pa rin kaming balita kay Brielle. Wala kaming maiturong suspect dahil hindi namin makita ng maayos ang mukha ng taong kumuha kay Brielle sa CR. Napatingin ako sa pinto nang bigla itong bumukas at nakita kong pumasok sa loob ang aking biological mother. Nag-iwas ako ng tingin at itinuon ang aking atensiyon sa computer. “Hijo, pwede ba tayong mag-usap?” mahinang sabi niya. “Ano naman ang pag-uusapan natin?” Pinatay ko ang computer at humarap sa kaniya. “Para saan?” “Tungkol sa kompanya…” Ngumisi ako. “Hindi pa naman ako namumulubi kahit na nawala ang mga bagay na pinaghirapan ko. Hindi ako interesado sa kompanya ninyo.” Bumuntong-hininga siya at lunapit sa akin. “I need you, hijo…” Nangunot ang aking noo. “Mukhang nakalimutan mo yatang mas pinili mo ang isa pang anak sa labas ni Papa kesa sa akin. Gusto ninyong ibigay ang posisyon na ‘yon para sa akin, pero may kondisyon. Nang hindi ko sinunod ang kagustohan n
Mark’s POV Kanina ko pa tinatawagan si Brielle, pero hindi niya sinasagot ang mga tawag ko. Nandito ako ngayon sa airport, naghihintay sa kanila. Nauna akong bumalik sa Pilipinas dahil inasikaso ko ang mga ari-ariang ninakaw ng aking mga kapatid: hotels and resorts ay nakapangalan na sa kanila. Sa tulong ng aking magaling na lawyer, may posibilidad na mabawi ko ang mga ari-ariang nawala sa akin. Sa ngayon, dahan-dahan ko munang babawiin ang mga bagay na pagmamay-ari ko. Hinding-hindi na ako magpapakaduwag at magpatalo sa takot. Kumaway ako nang makita ko sina TJ at Kaisha, hindi nila kaagad ako napansin kaya tinawagan ko si Kaisha. Kasama nila ang triplets. Mabilis silang tumakbo patungo sa kinaroroonan ko. “Nasaan si Brielle?” tanong ko at nilapitan ang mga bata. “Kanina pa namin siya hinahanap. Nagpaalam siya kanina sa amin na pupunta muna raw siya sa banyo, pero hanggang ngayon aay hindi pa nakabalik,” sagot ni Kaisha. Bigla akong nakaramdam ng kaba. Dalawang buwan ng