Share

Chapter 4

Author: LadyAva16
last update Last Updated: 2023-04-14 15:19:01

"WHAT are you doing here brute?" Simone asked. "The night is still young bakit nagmu-mukmok ka dito?"

Kaya napili ko itong pwesto ko, 'coz I don't want someone bugging me tonight pero nakita pa rin ako nitong mga kaibigan ko.

I didn't answer him, I pursed my lips and continue sipping my drink.

"Woah the Architect is here! I guess we'll be enjoying tonight!" nakangiting bati ni William at umupo pa talaga ito sa tabi ko.

What's with these brutes? Bakit ba nila ginugulo ang pananahimik ko rito?

"So, what brought Architect Valderama here?" Hindi pa ito nakuntento at nagtanong pa talaga. Can't they just drink in peace?

I wonder how come they became friends with my brother, they're so fucking annoying and irritating. Ang iingay pa ng mga bunganga! Lalo na itong si Guerrero na may built-in megaphone sa bibig.

I saw Nathaniel walking towards us, hinarang ito ng dalawang babae pero masungit niya lang na tiningnan. Pagkakita niya sa akin, tumango lang ito at umupo sa pwesto niya.

Mabuti pa itong si Nate tahimik lang pero minsan nasobrahan din to sa pagiging tahimik niya. Naging snob na ito at halos hindi na nagsasalita.

"Dude look at that lady in red kanina pa 'yan tumititig sayo." sabi ni Will sa katabi nitong si Simone.

"Not my type Dude, sa'yo na lang." mabilis namang tanggi nito sa isa.

I remained quiet, gusto ko lang uminom ngayon. I'm so annoyed after visiting my friend who is the President of the University where Sapphira is studying.

Sinadya ko talagang puntahan ang kaibigan ko para may rason akong makita si Saph. I don't know what happened to me, after kong naging judge do'n sa beauty pageant na sinalihan niya hindi na siya mawala sa isipan ko.

Her beautiful pair of black eyes, cute nose, and pinkish lips keeps flashing in my mind. I feel like I'm hypnotized by her beauty.

At ang dahilan kung bakit ako naiinis ngayon ay 'yong kasama niyang lalaki kanina. I don't know if he's her boyfriend or what, sobra makabakod eh. Ang angas pa, ni hindi man lang inalis ang pagkaka-akbay kay Sapphira. Kung hindi lang ako nahiya sa kaibigan ko baka binangasan ko na 'yong pagmumukha ng lalaking yon.

At may guts pa talagang tanungin kung sino ako. Hindi niya ba ako kilala? I'm the famous Architect Valderama, kilala ako sa larangang ito! Hindi ba siya nagbabasa ng magazine. Ilang magazine na ang nag-feature sa akin ah.

Ang mukhang 'to hindi niya kilala? Hindi sa pagmamayabang ako ang pinaka gwapo sa aming magkakaibigan ah!

I was about to leave pero dumating si Kuya Hendrick na malayo palang ay may masungit ng tingin na pinukol sa akin. I know Kuya is having trouble with the investors in Cebu kaya palaging mainit ang ulo. Dinagdagan pa nitong babaeng nakabuntot sa kanya.

What are these women doing in their lives? Hindi na ba ngayon uso ang salitang pakipot o kaya maghintay sa kababaihang 'to?

"Hi Vinny, how are you? Ang tagal nating di nagkita ah." Jana greeted as if we're close.

Hindi ko siya pinansin, naiirita rin ako sa babaeng 'to. I don't know what happened to her, she's acting different now dati simply lang naman ito. And then feeling close pa ito sa akin, like what the hell? Hindi tayo friends para mag petname ka sa akin. May pa Vinny ka pang nalalaman!

"Vin Derick come to my office early morning tomorrow." my brother said coldly. He is bossing around again.

He really thinks that he is my Boss. What the fuck? Wala naman kami sa opisina niya pero alam niya talaga paano ako inisin. Yeah, he's the CEO but I'm the VP as well. Kinunotan ko siya ng noo pero ginantihan din ako nito ng pagtaas na kilay. Kung 'di lang kita kapatid kanina ka pa nakangudngod d'yan sa mesa sa harap mo eh.

Pero syempre joke lang. Love ko yan si Kuya Van ko. Masungit lang yan pero spoiled kami ni bunso sa kanya.

"Vin Derick do you hear me?" ulit nito sa akin, tumango ako sa kanya pero hindi niya inalis ang tingin sa akin kaya napilitan akong sumagot.

"Yes, Kuya." Sabi ko, saka pa nito inalis ang tingin sa akin.

"Ay ang very good naman ng architect na yan." Guerrero teases na sinegundahan naman ni Simone.

"Syempre ganun talaga basta mga middle child, mababait. Diba Dude?"

Tinaasan ko ng kilay silang dalawa na ngayon ay nagtatawanan muli. I don't know what's wrong with these people. Natatawa kahit wala namang katatawanan.

Bakit ba kasi lumapit pa 'tong mga to sa akin ngayon? Tahimik akong umiinon dito ah. I just want to chill my mind. Nabu-bwisit ako sa mga 'to. I don't have time for their shits tonight kaya bago pa ako makakita ng away mas mabuti pang umuwi na lang ako sa condo at matulog.

Yeah, mas mabuti nga na gano'n na lang. Bukas ko na lang ulit pag-pa-planuhan paano ako makakalapit sa soulmate ko.

That girl has really something kaya hind siya mawala sa isip ko. Bukas pupuntahan ko siya ulit sa university nila. Tingnan natin kung makakawala pa ba siya sa akin.

'Wag lang subukan ng lalaking 'yon na bakuran siya ulit at baka hindi ko na matantiya sarili ko, mabugbog ko siya. Wala akong pakialam kung sino o kaninong angkan siya galing. Wag niyang bakuran ang soulmate ko kung ayaw niya ng gulo.

"ALAM mo Saph, hindi ko inaasahan na makita natin ulit si Kuyang namakyaw ng isda mo sa isla. Imagine girl tatlong taon na ang nakalipas at naalala ka pa niya, at ano ang mas nakakakilig? Yung tinawag ka niyang 'soulmate'! Shit girl ang haba talaga ng hair mo, iba talaga ang beauty mo BFF!" di mapigil ang bunganga ni Dani, ilang beses niya na itong paulit-ulit na binanggit mula kanina pag-uwi namin galing university hanggang sa nagtitinda na kami ng isda sa palengke at hanggang ngayong pauwi na kami sa boarding house.

"Ano ka ba Daniella sobrang big deal naman sayo yon, wag kang maniwala agad sa mga ganyang style Dani. Ganung tipo ng lalaki na matatamis ang dila siguradong babaero 'yon kaya 'wag kang kiligin dyan!" saway ko dito. Para kasi itong di mapalagay at kung anu-ano na ang lumalabas sa bunganga.

Alas onse na ng gabi, pauwi na kami ni Daniella galing palengke. Pagkatapos kasi namin magtinda ng isda nag-sideline pa kami sa pagre-pack ng mga sibuyas, bawang, kamatis at kung ano pa ang pwedeng ma-repack, sayang din kasi ang kikitain namin do'n.

Parehas kaming pagod ngayon pero ewan ko parang hindi yata napapagod ang bunganga ni Dani. Ang dami niyang energy kapag sa ganitong usapan.

"BFF kain muna tayo ng goto do'n sa kabilang kanto please, bigla akong nagutom eh." Aya niya sabay turo sa gotohan sa unahan.

Gusto ko na sanang umuwi kasi inaantok na rin ako pero hindi ko rin naman magawang tanggihan itong kaibigan ko. Mahal na mahal ko itong si Daniella, ito na lang ang natitirang may malasakit sa akin simula nag mawala ang mga magulang ko. Ito na lang ang pamilya ko kaya kahit anong request nito sa akin pinag-sisikapan ko talaga.

Kahit gaano man kahirap ang buhay minsan, hindi ako nawawalan ng pag-asa dahil alam kong may isang taong handang sumama at sumuporta sa akin. Handang dumamay at tumulong sa akin.

"Okay, pero bilisan lang natin ha? Kasi gabi na at may pasok pa tayo bukas."

"Thank you Saph, love na love mo talaga ako eh! I love you too bestfriend." malambing nitong sab isa akin. Tumingin lang ako sa kanya at kunwari galit ko siyang inikutan ng mata. Nagpapa-cute naman itong ngumuso sa akin.

Daniella is clingy and sweet. Makulit lang ito sa akin pero sobrang lambing niya.

"Drama mo." Nakangiti kong sabi. Malakas itong tumawa at ikinawit ang braso niya sa akin habang naglalakad kami papunta sa gotohan.

Masaya kaming kumakain ni Dani nang biglang may nagtatakbuhan sa likod namin. Bigla akong kinabahan kasi madalas pa naman may mga tambay na nag-ra-rambulan dito.

"Dani bilisan mo ang pagkain may nag-aaway yata baka madamay tayo." Kinakabahan kong sabi kay Dani na walang pakialam sa nangyayari sa paligid niya. Enjoy lang ito sa pagkain ng goto niya.

"Hayaan mo mga 'yan BFF, hindi naman tayo kasali sa away nila tsaka hindi ka pa ba sanay sa mga buang na yan, wala na ngang trabaho, mga basagulero pa!"

Binilisan ko ang pag-ubos sa order ko at ganun din si Dani . Wala itong choice dahil natatakot ako nab aka madamay kami. Masama ang kuto, kinakabahan ako at baka talaga mag-ra-rambulan ang mga tambay bago pa kami makaalis.

Pagkatapos naming magbayad agad kong hinila si Dani. Tatawid n asana kami sa kabilang bahagi ng daan nang biglang may batong tumama sa ulo ko. Sobrang lakas nung tama sa akin na pakiramdam ko parang nabasag ang bungo ko. Mariin akong napapikit.

"Shit! Saph ok ka lang? Tulong!"

Nakaramdam ako ng hilo sa lakas nang impact nito sa ulo ko. Hinawakan ko ang bandang natamaan ng bato may naramdaman akong basa! Pagtingin ko sa kamay ko may dugo na ito.

I panicked, takot ako sa dugo. Nakita ni Dani ang dugo sa kamay ko kaya agad akong inalalayan nito. Naramdaman ko nang nahihilo ako pero pinilit ko ang aking sariling maglakad para makahanap ng taxi. Naririnig kong umiiyak si Dani, alam kong natakot na rin ito.

"Tulong! Tulungan niyo kami ng kaibigan ko!" malakas niyang sigaw pero nagkakagulo na doon sa unahan.

Biglang may humintong sasakyan sa harap namin. Hindi ko na magawang tingnan ang mukha ng driver dahil nakapikit na ako. Nahilo ako marahil sa tama ng bato at sa sobrang takot ko sa dugo.

"Fuck! What happened?" I heard the man's voice. Hindi ko na maidilat ang mga mata ko. Sobrang bigat ng talukap ko at parang umiikot ang paligid.

"Kuya, please tulungan niyo kami ng kaibigan ko. Natamaan siya ng bato sa ulo."

Sunod kong naramdaman na binuhat ako nito papasok ng sasakyan habang naririnig kong umiiyak si Dani. Iyon ang huli kong naalala hanggang sa tuluyan na akong nawalan ng malay.

Hindi ko alam kung ilang oras akong nawalan ng malay. Nagising nalang ako sa hindi pamilyar na silid. I'm trying to recall what happened last night and then no'ng naalala ko, kaagad kong hinawakan ang ulo kong natamaan ng bato. May bandage na nakalagay dito.

Inilibot ko ang aking tingin sa paligid, nasa hospital yata ako base na rin sa ayos at amoy ng kwarto.

Agad kong hinanap si Daniella. Bakit wala siya dito sa tabi ko?

Pero hindi paman nagtagal, bumukas ang pintuan at nag-alalang mukha ni Dani ang bumungad sa akin. Nagmamadali itong yumakap sa akin at agad na umiyak.

"I'm sorry Bff, hindi ko sinasadya. Kung alam ko lang na ito ang mangyari." Sabi niya habang umiiyak at mahigpit na nakayakap sa akin. Marahan kong hinaplos ang likod niya para pakalamahin ito. Dama ko ang takot niya dahil bahagya pang naginginig ang katawan.

"Sobrang takot ko sa nangyari kagabi, Saph. Akala ko ano na ang nangyari sa'yo. Kasalanan ko 'to eh kung hindi na sana ako nagyaya na kumain pa tayo ng goto sana hindi 'to nangyari sa'yo. I'm sorry talaga Saph, hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung may masamang nangyari sayo."

"Shhh, stop crying Dani. Ano ka ba, hindi mo kasalanan ang nangyari. Walang may gusto na mangyari to sa akin, tahan na."

I'M ON MY WAY to my condo nang mapansin ko ang dalawang babaeng nakatayo sa tabi ng daan. Wala sana akong balak na hintuan ang mga ito pero napansin kong mukhang kailangan nila ng tulong.

Nakita kong umiiyak 'yong isang babae habang nakaalalay sa kanyang kasama. Sa unahan nila ay may mga kalalakihang nagkakagulo, mukhang nagsusuntukan. Mabilis kong inihinto ang aking sasakyan para tingnan kung anong nangyari sa kanila.

At ganun nalang ang pagkagulat ko ng makita ang babaeng hawak nung isang babaeng umiiyak.

"Tulong! Please tulungan niyo kami." Umiiyak na sabi nung isa. Mabilis akong bumaba sa sasakyan ko at lumapit sa kanila.

'Fuck! What happened?" Suddenly I feel like all my blood went to my face.

"Kuya, please tulungan niyo kami ng kaibigan ko. Natamaan siya ng bato sa ulo."

Natamaan sa ulo?

Shit! Sa sobrang gulat ko agad ko siyang binuhat papasok sa sasakyan ko para dalhin sa hospital. Nakapikit na ito at wala ng malay. Lalo pa akong kinabahan ng makita kong may dugo yung kamay niya.

"Kuya please nakikiusap ako, bilisan mo. May dugo yung ulo ng kaibigan ko." Her friend is crying. Pati ako ay natataranta na din.

My heart is thumping so loud inside my chest while driving to the hospital. For the first time I feel scared that something might happen to her.

"Saph, please, gumising ka." Her friend said crying. "I'm sorry, sana umuwi nalang tayo agad."

Tinanong ko ang kasama niya kung anong nangyari. Ikuwenento nito sa akin ang nangyari mula nung galing silang palengke hanggang sa kumain sila ng goto at 'yon nga may nag-rambulan at natamaan siya ng bato.

I was so mad sa may gawa nito sa kanya. Tinawagan ko ang tauhan namin para ipahanap kung sino ang nag-rambulan doon sa lugar na kinainan nila ng goto. Hindi ako papayag na hindi managot ang mga gagong walang magawa sa buhay kundi manggulo.

I feel sorry for them after hearing what her friend told me.

When we reached the hospital agad kong pinaasikaso sa kaibigan kong doktor si Sapphira. Nag-panic pa ako dahil baka anong nangyari sa kanya dahil sa ulo siya tinamaan. Tinawanan pa ako ng kaibigan ko dahil sa naging reaksyon ko. Kaano-ano ko ba raw ang pasyente at sobrang concern ko naman daw dito.

The hell I care! Ang gusto ko lang siguraduhin naligtas ang kalagayan ni Sapphira. Ang dami pang tanong 'di na lang gawin ang trabaho niya. Why are these people so freaking annoying tonight?

"Don't worry, Valderama. She is safe, calm down."

How can I calm down? Sa ulo siya tinamaan. Baka may namuong dugo dun.

"Well do all necessary test para masigurong ligtas siya at para na rin mapirmi ka. Take your seat Vin Derick and calm down, maya-maya lang magigising na yang pasyente mo." Natatawa pa itong umalis sa harapan ko.

I settled all the bills para wala nang alalahanin ang dalawa. Nabanggit sa akin ng kaibigan niya na kaya sila ginabi dahil naghahanap buhay silang dalawa. I feel proud of them. Ang hirap pagsabayin ng trabaho at pag-aaral pero ginawa nila. Balang araw alam kong malayo ang mararating nila sa buhay.

I just finish talking to my driver at sinabi niyang may pulis na dumating doon kagabi kaya nahuli na ang nag-rambulam. Nasa presinto na raw ang mga ito, nakakulong. Mabuti naman at nahuli ang mga ugok! Ang sarap sugurin ng suntok eh!

I stayed in her room kanina to wait for her to wake up pero nakaramdam ako ng gutom kaya lumabas muna ako para makabili ng pagkain. Bibili na rin ako ng para kay Sapphira at sa kaibigan niya.

'Yong kaibigan niya, pinakiusapan kong bumili muna ng damit niya para makapag-palit si Sapphira dahil namantsahan ng dugo 'yong suot niya kagabi.

I just ask the nurse to check on her baka sakaling magising at maghanap sa kaibigan niya.

Bitbit ang pagkaing binili ko, nagmamadali akong bumalik sa room niya.

" Shh... Tahan na." I heard her calming her friend. Kagabi pa rin kasi ito iyak nang iyak dahil siya raw ang rason kung bakit sila napadaan doon sa gotohan.

I saw her wiped her friend's tears. Seeing her doing that to her friend makes my heart melt. That's a sweet gesture coming from her, dama kong mahal na mahal nito ang kaibigan niya.

I cleared my throat bago ako lumapit sa kanila. I saw how her eyes widen no'ng malipat ang tingin niya sa akin.

Geez it's so gay! Ba't parang kinikilig ako sa reaksyon niya. What the hell was that? It's my first time to feel like this towards a girl.

"Hi soulmate." I smiled at her. "How do you feel now?" Casual kong bati sa kanya para hindi siya mailang sa akin.

Nahihiya itong ngumiti sa akin bago tumingin sa kaibigan niya. I saw her confused eyes kaya ako na ang nagpaliwanag.

" I saw you and your friend last night. Ako ang nagdala sa inyo dito."

How can she be so beautiful without even doing anything. Ang mamula-mula nitong labi ay lalong namumula dahil sa pagkagat-kagat niya dito. I know that she's not doing that in purpose but I want to stop her 'coz I'm already tempted.

"Salamat po sa pagtulong niyo sa amin kagabi." she thanked me but still shy. Kita ko ang lalong pamumula ng pisngi nito.

"Don't think about it, nagkataon lang na ako ang nando'n sa mga oras na yon." I said coolly trying to stop myself to stop checking on her baka mailang pa ito at matakot sa akin.

"Anyway, the doctor said you can go out this afternoon. Don't worry about the bill I already settled everything." Nagkatinginan sila ng kaibigan niya. Napansin kong nag-uusap ang mga mata nila bago pa niya binalik ang tingin sa akin.

"Nakakahiya man po sa inyo kuya pero nagpa-pasalamat po ako sa tulong niyo. Wala pa po akong maibabayad sa inyo sa ngayon. Pero handa po akong pagtrabahuan ang perang nagastos niyo para sa akin. Kung gusto niyo po mag-ta-trabaho ako sa inyo para kahit papaano makabayad po ako."

I don't want to take advantage of her pero may naisip akong paraan para mapalapit siya sa akin. Pero syempre magpapakipot muna ako.

"No wag na, I'm happy to help." kunwari tanggi ko pero deep inside iniisip kong mag-insist ka pa.

"Nakakahiya naman po sa inyo Kuya, kung papayag po kayo ako na lang maglilinis ng bahay niyo. Alam ko malaki ang nagastos mo sa pagdala sa akin dito kaya hindi po ako papayag na hindi makabayad sa inyo. Nakakahiya po talaga."

Gusto kong magbunyi dahil sumasang-ayon sa akin ang tadhana.

"Wag po kayong mag-alala kaya ko pong pagsabayin ang pagta-trabaho at pag-aaral. Sanay po ako tsaka wala na kasi akong maisip na ibang paraan para mabayaran po kayo." Nakikiusap ang mga mata niyang tumingin sa akin. She look so genuine and honest. Her beautiful pair of black eyes speaks innocence.

"Please Kuya?" She said softly and I sighed. Bigla kong nakonsensya na iba yung pakay ko, but I really like her.

"Okay, I'll agree if you insist but in one condition..."

She pouted and that makes her look pettier. "Anong condition po?"

"Don't call me Kuya and don't say 'po' to me. Ilang taon lang naman siguro ang tanda ko sayo." Kumunot ang noo niya saka alanganing ngumiti sa akin. "I'm not that old. Just call me Derick mas okay pakinggan yun. Tsaka mas nakaka-gwapo." Tinaas-baba ko pa ang kilay ko sa kanya. Napatawa na rin 'yong kaibigan niyang kanina pa nakatingin sa aming dalawa ni Sapphira.

"Uhmm..."

Nakita kong nagda-dalawang-isip pa ito kaya dinagdagan ko pa.

"If you insist on calling me Kuya, then I will not let you pay me. Kalimutan mo na lang 'yon at isipin mo na lang na nilibre kita. Okay lang din naman sa akin."

"No!" Agap nito "Sige po Kuya... I mean okay D-derick magta-trabaho ako sa'yo."

Wala na itong nagawa sa kondisyon ko kaya lihim akong napangiti. Sa wakas mapapalapit na ako sa kanya. I want to know her more. Pakiramdam ko talaga siya ang soulmate ko. So gay but I really feel it.

Pinakain ko muna silang dalawa. Lalo na si Sapphira para makabawi siya ng lakas. Looking at her right now makes me happy and contented. May mga gano'n palang bagay kahit simple lang napapasaya ka.

What a beautiful way to start my day. I'm looking forward to more days like this.

Related chapters

  • The Billionaire's Soulmate   Chapter 5

    KINAKABAHAN ako habang palabas ng university, ngayon kasi ang napag-usapan naming araw na susunduin ako ni Derick dito sa university para maglinis sa condo niya.Hindi nakasama sa akin si Dani ngayon dahil ni-rekomenda kami ni Mrs. Robles doon sa anak ng kumare niya. Sayang din naman kung hindi puntahan ni Dani kaya napilitan kaming maghiwalay ngayon.Babae ang anak ng kumare ni Mrs. Robles kaya hindi rin ako masyadong nangamba para kay Dani tsaka itong si Derick naman nakilala na namin ni Dani so okay lang na ako mag-isang maglilinis sa unit niya."Saph, wait..." humahangos si Seb habang humahabol sa akin.Tiyak magagalit na naman 'to kapag nalaman niyang maglilinis ako ng bahay ng ibang tao na mag-isa. What should I do now? Ayaw ko rin naman mag-sinungaling sa kanya. Bahala na nga."O Seb, wala ka bang pasok ngayon?" tanong ko.Sa pagkakaalam ko kasi may klase pa siya kaya nagtataka ako at hinahabol ako nito ngayon."May klase pa ako, ibibigay ko lang ito sayo." Aniya sabay pakita s

    Last Updated : 2023-04-14
  • The Billionaire's Soulmate   Chapter 6

    "ALL of you listen! Kung ayaw ninyong mawalan ng trabaho umayos kayo! I didn't pay you para umupo at makipagchismisan lang dito sa kumpanya ko!"It's too early in the morning but I'm already not in the mood. Who will be, kung maaabutan mong nag-chi-chismisan lang ang mga empleyado mo? It's fucking 9:00 o'clock in the morning, too early for this bullshits. Kung hindi pa ako bumaba dito sa floor nila malamang buong araw walang nagawa 'tong mga pulpol na 'to. Nagkamali pa ata ako sa pagpili sa mga 'to."You!" I shifted my gaze at Engineer Meneses. "Did you finish the site development plan for Batangas project?" I saw the fear in her eyes. She's a new employee and a new breed of Civil Engineer. I hired her dahil maganda ang stats niya. All of my employees are personally screened by me. Dani will send their CVs to me and I'll do the interview online. Ayoko sa hindi magagaling, walang lugar sa kumpanya ko ang mga b*bo."I will submit later Engr. Ortega." sagot nito sa akin. I'm using Ortega

    Last Updated : 2023-04-14
  • The Billionaire's Soulmate   Chapter 7

    "GOOD morning, Engineer!"My employees greeted in unison as soon as I enter my company building. Lahat sila tumahimik nang hindi ako nagsalita. Ang mga tunog lang ng takong ng aking sapatos ang tanging maririnig.Taas noo akong naglakad at hindi man lang bumati pabalik sa kanila. I don't want to show them any emotion.Tumabi ang mga empleyadong nakapila sa elevator para padaanin ako. Lahat sila ay nakayuko at parang takot na makita ang aking pagmumukha. As soon as I step inside my private lift walang nag-tangkang umangat ng kanilang paningin sa akin.Better.I stared at my favorite Bulgari Serpenti tubogas watch while waiting for the elevator to reach my floor. This watch reflects my style. It screams glamour and danger. Para itong ahas na nakapulupot sa aking kamay.Parang ako ngayon... makamandag.I'm extra glam up today dahil magkikita kami ni Sebasian mamayang gabi. Tumawag siya sa akin at may sasabihihin daw.Sinadya kong magpaganda at baka kung ano na naman ang sasabihin nito sa

    Last Updated : 2023-04-14
  • The Billionaire's Soulmate   Chapter 8

    Akala ko ayos na ako. Na hindi na ako apektado pero ilang metro palang ang tinakbo ng sasakyan ko huminto ako dahil naramdaman ko ang paninikip sa aking dibdib.I parked the car again and texted Seb where I am. Tulala ako habang nasa loob ng aking sasakyan, patuloy na tumutulo ang mga luha sa aking mata. Why do I have to see her again? Ilang taon na ang nakalipas but why I can still feel the pain.Nakarinig ako ng katok mula sa bintana. Pag-angat ko ng aking tingin, nakita ko ang nag-aalalang mukha ni Sebastian.I unlock the car and he immediately get inside. Concern is evident in his midnight black eyes as he stares at me."Saph..." I sobbed as I heard him called my name. Pakiramdam ko nakahanap ako ng kakampi."Seb..." My voice broke. I tried stopping my tears but it won't. Patuloy ito sa pag-uunahan sa aking pisngi. "Why I can still feel the pain Seb? Ayaw ko na nito, gusto ko nang makawala dito.""Shhh..." he whispered and pulled me gently to him. Napakapit ako sa damit niya haban

    Last Updated : 2023-04-14
  • The Billionaire's Soulmate   Chapter 9

    PAPALABAS na ako sa boarding house nang biglang tumunog ang aking cellphone. When I checked my phone, it was Derick who's calling me. Napahinto ako sa aking paghakbang at sinagot ko muna ang tawag niya."Hello?" abot kaba ang aking nadarama dahil baka ang babaeng nakasagot kanina ang tumatawag sa akin."Love, nasaan ka?" napapaos pa ang boses nito sa kabilang linya at mukhang kakagising lang niya. Hindi muna ako sumagot, nanatili akong tahimik at pinapakinggan baka sakaling may marining akong magsalita sa tabi niya."Love? Still there?" sabi nito nang wala itong marinig na sagot mula sa akin. Hindi pa rin mapalagay ang utak ko sa boses na narinig ko kanina."Yes." mahina kong sagot sa kanya."Pasensiya ka na Love kung hindi ko nasagot ang text at tawag mo kanina. Sobrang busy ko kasi sa opisina ngayong araw Love. Ang dami kong plans na ni-review, alam mo naman si Kuya hindi ako titigilan kung hindi ko matapos lahat." Dinig ko pang humikab ito.He must be really tired, dama ko ang pago

    Last Updated : 2023-04-14
  • The Billionaire's Soulmate   Chapter 10

    "HI Sapphira!" malambing na tawag niya sa pangalan ko.I froze when I heard her called my name. Hindi ako pwedeng magkamali, kaparehas ito ng boses na narinig ko kagabi. Bigla na naman lumakas ang tibok ng puso ko. Parang sirang plaka na paulit-ulit na nagpi-play sa utak ko ang boses niya.I heard her footsteps coming near me. I remained seated and didn't bother to turn my face at her.Pumunta ako rito sa likod ng building namin dahil gusto kong magpahinga kahit saglit. Buong gabi akong hindi nakatulog kaya medyo masama ang aking pakiramdam. Pero hindi ko inaasahang mahanap niya ako rito.Mabuti na lang at inanunsiyo kanina na halfday lang kami ngayon, gusto kong matulog mamaya pag-uwi sa boarding house namin. Medyo nahihilo na ako at pagod na ang utak ko sa kakaisip.Umupo ito sa aking tabi kaya napalingon ako sa kanya.How can she look so beautiful even with the simple clothes that she's wearing? I noticed that most of the time her clothes are plain and simple but nevertheless she s

    Last Updated : 2023-04-14
  • The Billionaire's Soulmate   Chapter 11

    TAHIMIK kaming dalawa habang nasa loob ng kanyang sasakayan. Tunog lang ng aming mga paghinga ang tanging maririnig. Ramdam ko ang tensyon sa pagitan namin dalawa pero wala ni isang nangahas magsalita.Mahigpit ang pagkakahawak niya sa manibela at halos mamuti na ang kamao niya sa sobrang higpit na pagkahawak niya rito. Ang tapang ng kanyang anyo habang diretso lang ang tingin nito sa kalsadang dinaraanan namin.Pero wala akong pakialam, kung galit siya pwes mas galit ako sa kanya!I'm so furious and I couldn't contain my anger now. Gusto ko siyang sigawan at murahin pero pilit kong pinipigilan ang sarili ko at baka ma-disgrasya pa kaming dalawa. How dare him na paglaruan ako? May pa-promise-promise pa siyang nalalaman!I'm living a peaceful life tapos bigla lang siyang dumating para ano, guluhin ako? Kabago-bago pa lang ng relasyon namin tapos ngayon pinaglalaruan niya na ako?I don't give a damn kahit gaano ko pa siya ka mahal. I can't allow him to play with my emotions."Tang ina!"

    Last Updated : 2023-04-14
  • The Billionaire's Soulmate   Chapter 12

    HIS mesmerizing gray eyes never left mine as he stood up. He began unbuckling his belt and unbuttoning his jeans, revealing his white boxers. He took off his pants and pulled his t-shirt from the back, tossing it around.When I saw his ripped body with 8 pack abs and a v-line, I gulped. I've never seen him look like this before. Every time I visit him in his condo, he is fully clothed.Halatang alaga nito ang kanyang pangangatawan. Kaya pala maraming babae ang nahuhumaling sa kanya.Minsan binibiro ako nito pero hindi pa kami umabot sa puntong naghuhubad siya nang damit kapag kaming dalawa lang, kahit na komportable na kami sa isa't-isa.Tinanggal nito ang natitirang boxer na kanyang suot. Nanlaki ang mata ko nang makita ko kung gaano ito kalaki at kahaba. Biglang nag-init ang aking mukha kaya iniwas ko ang tingin ko sa kanya."Look at me Love..." he muttered in a hoarse voice.Lumapit ito sa akin at naramdaman ko ang matigas na bagay sa pagitan ng mga hita niya. Inalalayan niya akong

    Last Updated : 2023-04-14

Latest chapter

  • The Billionaire's Soulmate   Epilogue Last Part

    "Andito ka na naman? Ilang taon na ba ang nakalipas,hindi mo parin siya mahanap?" Tanong sa akin ni Nanang na nagbebenta nang mga bulaklak sa harap nang simbahan. Marahan lamang akong umiling sa kanya. At kapag ganito ang naging sagot ko hindi na ako nito kinukulit pa. Today is supposed to be our wedding anniversary. Yearly bumabalik ako dito na may dalang bulaklak para sa kanya. I've been doing this for 9 years already. "Love, kung saan ka man ngayon, sana...sana bumalik ka na..." hindi ko maiwasang mapaluha sa tuwing naaalala ko ang luhaang mukha niya. "I'm sorry for being weak,Love. Kung sana naging matapang lang ako hindi ito nangyari sa atin...Please Love bumalik ka na... I can't take it anymore...sobrang sakit na nang puso ko Love..." sumbong ko sa kanya na parang nasa harap ko lang siya. Palaging ganito na lang ang eksena sa tuwing anniversary nang kasal sana namin. I spent my whole day staying in front of the church trying my luck...na baka sakaling maisipan niyang bumali

  • The Billionaire's Soulmate   Epilogue Part 2

    It all started that night. From then, I already marked her in my mind. I marked her 'my soulmate' it may seem silly but that's what I feel about her. I can still remember how I make reason just to come to their university for me to have a look at what she's doing. Gusto kong makita kung sinong mga kaibigan niya o kung anong pinagkakaabalahan niya. But I think I made the wrong move 'coz I almost end up beating her friend or maybe boyfriend who's so arrogant as if he owned her.I'm planning how to get her attention but I think destiny is on my side. Pauwi na ako sa condo nang makita ko sila nang kaibigan niya sa tabi nang daan na parang naghihintay ng tulong.Tinigil ko ang sasakyan at halos lumabas ang puso ko sa sobrang takot at pag-aalala nang makita ko ang duguan nitong mukha. Nanginginig ang mga kamay ko habang nagmamaneho papuntang pagamutan. Thanks God at hindi naman malala ang tama nang bato sa ulo niya.I offered her a job. Actually double purpose yun. I want to help her fin

  • The Billionaire's Soulmate   Epilogue Part 1

    Vin Derick's POV "Bakit naman kasi di mo na lang hingin kay Calyx ang location nang resort na yan? Kanina pa tayo paikot-ikot dito sa islang to. We're just wasting our time here, sana di na lang tayo sumunod!" reklamo ni Kathiana. Alam kong kanina pa ito naiinis kasi hindi ko mahanap-hanap ang resort kung saan nandon na ang mga kaibigan namin. We'll be having our post celebration for our graduation. Actually it's Calyx idea. Palagi daw sila dito nang family niya every summer. Since wala din naman kaming gagawin ni Kath inaya ko itong sumama kami kina Calyx at sa iba pa naming mga kaibigan. "Babe, relax... I already texted Calyx but he still didn't answer baka nagkakasiyahan na sila doon." Malambing kong sagot dito. Mainipin ito kaya iniintindi ko nalang, siguro dahil na rin sa edad niya. Kath is my girlfriend and my little sister's bestfriend. She's five years younger than me. Mabait naman ito yun nga lang medyo spoiled nag-iisang anak kasi. But I don't have any problem with that

  • The Billionaire's Soulmate   Chapter 40

    "No! Don't...please don't" napabalikwas ako at malakas na napahagulhol.Napanaginipan ko ang nangyari sa pagitan namin ni Sebastian at ang mga pinaggagawa ni Kathiana sa akin...sa amin.Nanginginig ang buong katawan ko at sobrang bilis ang tibok ng aking puso na halos hindi na ako makahinga. Pakiramdam ko namamawis ang aking buong katawan at nanginginig ang mga laman ko.Parang gustong bumaligtad nang aking sikmura nang maalala ko ang ginawa sa akin ni Sebastian. Pero hindi ko ito masisi dahil alam kong wala siya sa tamang katinuan.Muli akong napaiyak nang muli kong narinig sa utak ko ang boses ni Kathiana. Ang tawa nitong parang tuwang-tuwa sa mga pinapagawa niya kay Sebastian. Ang mga salitang binitawan nito sa tuwing nakikitang nitong nahihirapan ako.How can she do such horrible things to us? Hindi ba siya natatakot sa Panginoon? Sobrang laki ang kasalanan niya sa akin, sa aming lahat. Dahil sa maling pag-ibig niya para kay Derick handa itong pumatay.Basang-basa na nang mga luha

  • The Billionaire's Soulmate   Chapter 39

    Agaw atensyon si Sapphira habang naglalakad kami papunta sa stage kung saan magbibigay siya nang kanyang speech para sa opening nang bago nitong modelling agency.I'm so proud of her lalo nung nalaman kong ginagawa niya ito para sa kaibigan niya. She really never fail to help those people who stayed with her during the rough times of her life.She looked so hot and sexy in her dress but it's too revealing for me. Plano ko talagang buntisin ito para hindi na ito makapagsuot nang ganitong damit. At pakiramdam ko may laman na nga ito. Kailangan ko lang maka sigurado.If I've proven that she really is pregnant I will really make sure na magiging asawa ko na siya. Pakakasalan ko ito sa ayaw at sa gusto niya. Sapilitan na kung sapilitan hindi na ako makakapayag na mawala ulit sila nang anak ko sa akin.Hindi ko maiwasang mapamura sa isipan ko habang nakikita ko ang tingin nang mga kalalakihang dumalo sa event na to. Kung papayag nga lang siyang tanggalin ko itong coat na suot ko para ibalab

  • The Billionaire's Soulmate   Chapter 38

    Warning: Contains sensitive topic please be aware. Kung may trauma po kayo,please skip this chapter.Napapitlag ako nang biglang may humawak sa akin. Ang mga palad nito ay mainit at dinig ko ang malakas na paghinga nito na tila nahihirapan."Seb?" Tanong ko dahil wala akong makita sa sobrang dilim ng paligid."Saph..." sagot nito sa napapaos na boses. Halos pangilabutan ako nang inilapit nito ang mukha niya sa akin. Ang hangin mula sa kanyang hininga ay pumapaypay sa aking mukha. Marahang gumapa ang mga kamay niya sa batok ko at marahan niya itong minamasahe. Kinikilabutan ako. Bakit ganito ang paraan nang pagkahawak ninSebastian sa akin. Iba na ang nararamdaman ko, biglang bumilis ang tibok nang aking puso.Hindi ito normal na kilos ni Sebastian. I know something is wrong. His breathing is heavy and he is panting.Duda akong may kinalaman dito ang itinurok nang mga tauhan ni Kathiana sa kanya kanina bago namatay ang ilaw. Oh my God. I gasped when realization hits me, they injected dr

  • The Billionaire's Soulmate   Chapter 37

    Nagising akong nakatali ang dalawang kamay at paa ko sa kama. Kahit anong pagpupumiglas ko hindi ko kayang kalasin dahil sobrang higpit ang pagkakatali nito.Sobrang dilim nang paligid at wala akong maaninag kahit konti man lang, nagsimula nang manikip ang dibdib ko at nahihirapan na akong huminga. May takot ako sa dilim pero kailangan kung labanan.Pakiramdam ko basang-basa na ako ng pawis dahil sobrang init dito sa loob.Gusto kong sumigaw pero pilit kong pinapakalma ang aking sarili.I have to be strong. Hindi makakatulong sa akin kung magpapadala ako sa takot ko ngayon. Kailangan kong makapag-isip nang paraan paano ako makalabas dito.I need to be strong for my son. Kailangan kung makaligtas para sa anak ko. Kailangan ako ni Drake.Saan na kaya si Derick? Sana ligtas din ito. Sana hindi siya yong narinig kung dumaing sa likuran ko nung dinukot ako. I need his help. Sana mahanap niya ako bago pa mahuli ang lahat.Sinubukan ko ulit igalaw ang aking mga kamay baka sakaling lumuwag ang

  • The Billionaire's Soulmate   Chapter 36

    Time flies so fast. The celebration for Drake's 10th birthday was successful. Ipinakilala kami sa lahat nang mga kakilala nang mga Valderama na imbitadao sa kaarawan nang anak ko. Nagmistula itong awards night sa daming mayayamang bisita na inirampa ang naggagandahang mga soot nang mga ito. Yong iba mainit ang pangtanggap sa amin pero hindi rin maiwasang marami ang nagtataasan ang kilay. Lalo na sa akin, pero wala silang maipintas. I'm independent and successful in my own way. May sarili akong kumpanya, hindi man ako kasingyaman nang mga Valderama atleast may maipagmamalaki din akong akin. I worked hard to earn it, kaya wala akong dapat na ikahiya sa kanila.May narinig pa nga akong nagbubulungan na kesyo yaman lang nila ang habol ko, gold digger daw ako at ginagamit ko lang ang anak ko para masilo si Derick pero wala akong pakialam. I know my worth. I don't need to tell them my story. They only know me by name, but not my whole being. Sino sila para husgahan ako?Pasalamat din ako

  • The Billionaire's Soulmate   Chapter 35

    "Love?" Tawag nito sa akin.He's on the driver's seat while I'm busy following on Carlo about my new business venture.Nagustuhan ko ang location nang building for the new modeling agency that I will put up. Konting renovation lang for the interior then it's good to go.In three weeks time, we'll have the opening.Everything is set. Carlo alreay contacted all his friends from the industry. Madami daw ang gustong lumipat kasi hindi na nila nagugustuhan ang pamamalakad sa kabilang agency, ang kina Kathiana."Mmm?" I just hummed, kasi pina follow-up ko din si Dani tungkol sa update ng Batangas project. I want to check about what happened last time , if it was just an accident and not inside job. I want to know the result of the investigation.I'm a bit busy lately kaya hindi ko ito natutukan. Good thing that Dani is always there to take full responsibility in my behalf." Can I stay in your office today, Love?""Huh?" Naguguluhan kong tanong. Araw-araw na itong nakatambay dito sa opisina

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status