Share

Chapter 5

Author: LadyAva16
last update Huling Na-update: 2023-04-14 15:19:10

KINAKABAHAN ako habang palabas ng university, ngayon kasi ang napag-usapan naming araw na susunduin ako ni Derick dito sa university para maglinis sa condo niya.

Hindi nakasama sa akin si Dani ngayon dahil ni-rekomenda kami ni Mrs. Robles doon sa anak ng kumare niya. Sayang din naman kung hindi puntahan ni Dani kaya napilitan kaming maghiwalay ngayon.

Babae ang anak ng kumare ni Mrs. Robles kaya hindi rin ako masyadong nangamba para kay Dani tsaka itong si Derick naman nakilala na namin ni Dani so okay lang na ako mag-isang maglilinis sa unit niya.

"Saph, wait..." humahangos si Seb habang humahabol sa akin.

Tiyak magagalit na naman 'to kapag nalaman niyang maglilinis ako ng bahay ng ibang tao na mag-isa. What should I do now? Ayaw ko rin naman mag-sinungaling sa kanya. Bahala na nga.

"O Seb, wala ka bang pasok ngayon?" tanong ko.

Sa pagkakaalam ko kasi may klase pa siya kaya nagtataka ako at hinahabol ako nito ngayon.

"May klase pa ako, ibibigay ko lang ito sayo." Aniya sabay pakita sa akin ang paperbag na dala niya. "I bought these for you."

Tiningnan ko ang inabot niya sa akin. Cookies at macaroons ang laman nito, mga paborito kong pagkain.

"Thanks Sebastian, nag-abala ka pa, sana bukas mo na lang ito iniabot baka mahuli ka pa sa klase mo."

"Nah. I need to give it to you kasi mas masarap 'yan kapag bagong bake."

That's so sweet. Nag-effort pa talaga 'tong kaibigan ko.

"By the way where are you going? Bakit 'di mo kasama si Dani?"

"Ah may lilinisan lang kaming bahay Seb, nauna na si Dani." Hindi ko na lang binanggit na magka-ibang bahay ang lilinisan namin tiyak na hahaba pa ang usapan namin baka mas ma-late pa siya sa subject niya.

"Sige na Seb, bumalik ka na sa klase mo. Salamat ulit dito sa bigay mo ha. Kailangan ko na rin umalis."

Pagpaalam ko sa kanya dahil nakakahiya naman kay Derick, baka kanina pa ito naghihintay sa labas ng gate. Gusto pa nga sana akong sunduin nito sa loob ng campus pero tinanggihan ko, ayaw kong magka-issue dito sa university.

"Ingat ka Saph. Kainin mo yang binigay ko ha? Call me when you're done, okay?" Tumango lang ako sa kanya saka kumaway. Seb is such a nice guy. Kung sa ibang tao siguro to matagal nang pinagsamantalahana ang kabaitan niya. Pero kami ni Dani, genuine friendship yung habol namin sa kanya.

Hawak ang paper bag na bigay ni Seb sa akin nagmamadali akong maglakad papunta sa gate. Malayo palang kita ko na siya.

He is standing in the hood of his car. Posing effortlessly like a model. Hindi maiwasang mapapalingon ang mga estudyante sa gawi niya.

He's wearing plain white shirt paired with khaki shorts and white sneakers. Hindi naitago ng sumbrerong suot niya ang kanyang mukha bagkus higit pa itong dumagdag sa kagwapuhan niya.

My ghad what am I thinking? Erase that thought Sapphira! Maglilinis ka lang ng condo niya, period.

Napagawi ang tingin niya sa akin at agad itong umayos ng tayo at sinalubong ako.

"Hello Sapphira! How's your day?" bati niya sa akin sabay kuha ng bag ko. Nag-aalangan pa akong ibigay ito sa kanya pero parang balewala lang sa kanyang kinuha ito sa balikat ko.

"Hi! Okay lang po ako." But I stopped when I saw him frowning. Tama! Ayaw niya pala ng pino-po ko siya. " I mean okay lang ako,Derick." Nahihiya kong sabi. Parang hindi ata ako masasanay na hindi mag-'po' sa kanya at tawagin lang siya sa pangalan niya.

"A'ryt! That's great so, shall we go now?" Inilahad nito ang kamay niya para alalayan ako pagpasok sa kanyang sasakyan pero hindi ko tinanggap. Marami ang nakatingin sa amin baka ano pang isipin nila pero mukhang isa din itong makulit at ayaw paawat.

Pinagbuksan niya ako ng pinto, pinasakay sa loob bago ito umikot sa kabilang banda para magsimulang magmaneho.

He's quiet while driving to his condo at ganun din ako. There's an awkward silence between us pero hindi ko rin naman alam kung anong sasabihin ko. Kaya mas pinili ko nalang din na tumahimik.

Dumaan muna kami saglit sa isang drive thru dahil bumili siya ng makakain daw namin. Pagkatapos dumiritso na kami kung saan ang condo unit niya. Nasa isang sikat na condo tower kami sa sentro. Ang lugar na to ay kilalang lugar ng mga mayayaman.

"Feel at home." Nakangiti niyang sabi sa akin pagkarating namin sa unit niya.

I'm surprised. His unit is already clean and organized. Minimalist and design nito, halatang lalaki ang nakatira. Wala masyadong palamuti, isang sunset painting lang sa wall.

Dumiretso siya sa kusina para ilagay ang pagkaing binili niya kanina habang ako ay nandito sa living room. Inilibot ko ang aking tingin sa kabuuan para makita ko kung gaano ba kalaki ang lilinisan ko o kung may lilinisan pa ba ako.

His unit is cozy and warm, halatang pinag-planuhan ang pagkaka-design nito. I saw a plaque in the corner nakatihaya pa ito, siguro hindi niya pa naayos. Pasimple kong binasa kung anong nakasulat.

It's a plaque of appreciation for being the Top Performing Architect. And below is his name, Vin Derick Valderama.

Architect? Does it mean he's an Architect?"

Napatitig ako dito, I even blinked my eyes to make sure if it's really his name that's written on it. Yeah it's his name, so he really is an Architect. Ang galing naman, top performing pa talaga!

"Sapphira come here, let's eat first." tawag nito sa akin.

Maingat kong binaba ang plaque na hawak ko bago ako lumingon sa kanya. Nakita kong nakaayos na ang mga pagkain sa mesa. Hindi na ako nahiyang lumapit pa. I have to eat para makapagsimula na rin akong maglinis. 'Yon ay kung may lilinisin pa ba ako.

"Sit here." pinaghila ako nito ng upuan sa tabi niya.

"Wag na Derick, dito na lang ako sa tapat mo." Ayokong umupo sa tabi niya, naiilang ako 'pag sobrang malapit kami sa isa't isa.

He just shrugged his shoulder and then umupo na rin. We ate silently hanggang sa matapos kami. I notice that he's looking at me but I didn't mind it.

Niligpit ko ang pinagkainan namin at hinugasan ko ang mga ito, ilang piraso lang din naman. He remained looking at me while I'm moving around his kitchen.

"Uhm, Derick sa—" I was about to ask him kung saan ako magsimula nang magsalita din ito.

"Saph—" tawag niya sa akin pakiramdam ko bigla akong namula. Ewan ko pero parang may kakaibang dating sa tuwing binibigkas niya ang pangalan ko.

"go ahead..." sabi niya.

"No... Mauna ka na." sabi ko, baka kasi importante ang sasabihin niya sa akin.

Napakamot pa muna ito sa kilay niya. Mukhang nagda-dalawang-isip sa gusto niyang sabihin. So, I gave him an encouraging smile.

"Kasi...Ahhm how would I say this..." he took a deep breath first then continue talking.

"Can we talk first before you start doing anything? I want to know more about you first." I saw his face reddened after saying his last words. Pati ako ay namumula na rin. Parang nag-iinit ang pisngi ko.

I think it's not a good idea na ako lang mag-isang pumunta dito. Mabuti sana kung andito si Daniella dahil madaldal yun. Kahit papano hind imaging ganito ka-awkward sa pagitan namin.

Nahihiya akong tumingin sa kanya. Kailangan pa ba talaga yun? I mean, maglilinis lang naman ako ng unit niya. After this kapag nabayaran ko na ang perang pinambayad niya sa ospital bills ko hindi ko rin naman na siya makikita.

"Kasi 'di ba ang pangit naman na hindi man lang natin kilala ang isa't isa diba? 'Yon ay kung okay lang sayo."

Hindi pa rin ako nagsasalita. Okay nga lang ba para sa akin?

"Come." hinawakan nito ang kamay ko at iginiya ako papuntang living room niya. Hindi na ako nakapgprotesta pa. Hawak niya ang kamay ko habang nakasunod ako sa kanya.

I blushed while looking at his hand na hawak ngayon ang palapulsuhan ko. Parang biglang may sumipa sa dibdib ko at may mga paru-parong nagli-liparan sa tiyan ko. Ang bilis naman ni Kuya may pa-hawak kamay agad?

"Sit here." Pinaupo niya muna ako sa pang-isahang sofa habang siya naman ay umupo sa tapat ko.

"Let me introduce myself first para hindi ka mahiya." Nakangiting sabi nito sa akin. Prente itong nakaupo sa harap ko na parang nag-mo-modelo ng sofa na kinauupuan niya.

Ang gwapo niya pala lalo 'pag nakangiti. Pantay at sobrang puti ng ngipin. Para itong modelo ng toothpaste at tila ba nang-aakit ang klase ng ngiti nito sa akin.

"I'm Vin Derick Valderama, 26. Tatlo kaming magkakapatid, pangalawa ako. Dalawa kaming lalaki at babae 'yong bunso namin. I work as an Architect." simpleng pagpapakilala nito sa kanyang sarili.

He stopped talking ang slightly bend his body in front. Ang mga siko nito ngayon ay nakapatong sa sa kanyang mga hita at diretsong nakatingin sa akin. Ayaw ko talaga kapag tinitignan niya ako ng ganito, para akong naiilang na hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko.

"Ikaw naman." Nakangiti niyang sabi sa akin.

"Kailangan ba talaga?" Nahihiya kong tanong.

"Of course. I want to know you more and I want you to be comfortable while working here."

Magtatagal baa ko dito? Ilang buwan kaya?

Pero sige na nga, tama rin naman kasi siya. Gusto ko rin naman maging komportable habang nagta-trabaho sa kanya hanggang sa mabayaran ko yung binayad niya sa pagpapa-hospital sa akin.

"Sapphira Audrey Mendez ang full name ko. I just turned 21 at graduating na ako this year sa kursong Civil Engineering."

"Oh, so you're a future engineer. That's great!" nahihiya akong ngumiti sa kanya.

He asked me some questions at magalang ko naman siyang sinagot. Maayos naman siyang kausap tsaka mabait din kaya medyo nawala yung pagkailang ko sa kanya.

DOON nagsimula ang lahat sa pagitan naming dalawa. Naging magkaibigan kami. Kapag wala siyang trabaho sinusundo niya kami ni Dani sa university para isama kung saan-saan. Naging regular na rin akong taga-linis ng condo niya.

Isa pa sa nagustuhan ko sa kanya ay 'yong palagi niyang isinasama si Dani sa mga lakad namin. He knows na si Dani lang ang tanging kapamilya ko dito sa siyudad. Kung saan ako dapat palaging kadikit ko si Daniella. We are like package deal. Hindi kami pwedeng mapaghiwalay. Alam niya din na parang kapatid na ang turing ko dito kaya kung saan ako dapat nando'n din ito maliban na lang kung may iba itong gagawin.

Simula nang maging close kami ni Derick, hindi ko na rin masyadong nakaka-bonding si Seb. Ewan ko ba do'n bigla na lang naging busy. But I understand him, pressured din kasi ito sa Dad niya. Pero 'pag may bakante oras naman ito lumalabas pa rin naman kaming tatlo.

Mabilis na lumipas ang mga araw. Naging komportable na ako sa kanya. Dama kong tunay yung pakikipagkaibigan niya sa amin. Regardless kung ano man ang katayuan niya sa buhay.

One day, he invited me and Dani to come with him sa isla Aurora and since hindi naman ako regular na nakakauwi sa isla kaya sumama ako sa kanya. Ang sabi niya madalas daw sila ng kaibigan niya dito. Gusto daw nila dito sa isla kasi tahimik.

Ako din naman, gustong-gusto ko dito. Wala nga lang akong ibang choice kundi ang iwan ito at makipagsapalaran sa ibang lugar para sa mga pangarap ko.

Simple lang ang buhay dito sa isa, tahimik, payapa at malayo sa gulo. Kung pwede nga lang sana dito lang ako.

Kaming dalawa lang naiwan sa resort dahil dumiretso si Dani sa bahay nila. Gusto niya raw sulitin ang weekend namin kasama ang mga kapatid at magulang niya. Parehas lang din kasi kami ni Dani na minsan lang nakakauwi sa isla dahil kailangan naming magtipid ng pamasahe. Kaya heto na may chance kami, hinayaan ko siyang makipag-bonding sa pamilya niya. Nahihiya din kasi ako kung basta nalang namin iwan ni Dani si Derick na mag-isa, lalo at kami lang tatlo ang pumunta dito.

Katatapos lang naming maghapunan at dito kaming dalawa ngayon sa tabing dagat nagpapahangin. How I missed this place. I missed the sea breeze. I missed the coldness of the night. I missed everything about this island.

Bukas pala ng umaga bibisitahin namin ang puntod ng mga magulang ko. At pupuntahan namin ang kubo na dati naming tinitirhan. Walang nakatira sa dati naming bahay. Nililinisan lang ito ng mga magulang ni Dani para hindi rin kaagad masira.

Ayaw ko rin naman ibenta ang tanging alaalang naiwan ng mga magulang ko sa akin. Balang araw 'pag nakatapos na ako at makahanap ako ng magandang trabaho ipapaayos ko ang bahay namin. Yun nalang ang remembrance ng mga magulang ko sa akin.

"Fyre..." pukaw nito sa akin. Nung naging close kami ito na ang tawag niya sa akin. Tinatawag niya lang akong Sapphira 'pag medyo napipikon o nakukulitan na siya sa akin.

"Yes D?" sagot ko sa kanya. D in short for Derick. Simula din nung naging close kami D nalang din tawag ko sa kanya. Nahahabaan ako kapag buong pangalan niya ang babangitin ko.

"Come." tinapik niya ang space sa gilid niya kaya agad akong lumipat. Umusog siya para mas magkadikit yung balikat namin. He even assisted my head para sumandal sa balikat niya.

Hindi na ako nahihiya sa kanya ngayon. Halos araw-araw na kasi kaming magkasama at magaan na rin ang loob ko sa kanya.

It's been 5 months. We get along so well kaya I feel safe and comfortable when I'm with him. He never took advantage of me kaya may tiwala ako sa kanya.

I remember one-time nakatulog pa ako sa condo unit niya, hindi ko namalayang nakatulog ako sa sobrang pagod. Hindi sa paglilinis ng condo niya kundi sa pagtapos ng mga plates na kailangan naming ipasa.

There are times na tinutulungan niya rin ako sa paggawa ng mga plates ko. But of course, ayaw ko rin naman iasa sa kanya lahat. I want to practice also. I want to learn on my own. Kasi paano nalang 'pag naging Engineer na ako?

I want to plan and do things on my own. I don't want to depend on someone baka kasi masanay ako. Paano na lang kung bigla silang mawala sa akin?

"Do you still remember how we first met?" tanong nito sa akin. Kinuha niya ang kamay ko at pinagsalikop ang mga daliri namin. Hindi na ako nagulat doon. Nasasanay na akong ganito siya sa akin. Walang usapan, ganun lang, basta niya lang hinahawakan ang kamay ko.

"Of course, po. Ikaw lang naman ang dakilang namakyaw ng isda ko that day, few years back. Alam mo laking pasalamat ko sayo nung araw na yun. Kasi ang laki ng kinita ko at kailangan ko talaga ng extrang pera. Madami kasi akong kailangang bayaran at malaking tulong yun sa pag-aaral ko."

"Yeah?" he asked and pulled me closer to him.

"Oo, alam mo naman kaming mahihirap every centavo counts kaya yung limang kilong isda na binili mo sa akin malaking bagay na yun." Matapat kong sagot sa kanya.

"Do you know that binalikan kita do'n sa palengke the next day para sana kunin ang number mo?"

"Wee?" napaalis ako sa pagkasandal sa balikat niya.

"Totoo." Nakangiting sabi niya. "Kaso sabi no'ng Ale may pasok ka raw kaya hindi ka naglalako that day."

"Bakit mo naman gustong kunin ang number ko? Siguro crush mo ako noon pa noh?" Tukso ko sa kanya pero ang totoo kinilig na ako sa sinabi niya. I just want to cover it by teasing him.

"Paano kung sabihin kong oo?" nahampas ko siya sa braso kasi di ko inaasahan ang sasabihin niya.

"Ouch!" Napahawak ito sa braso niya, mukhang napalakas yata ang pagkahampas ko.

"Sorry! Sorry! Hindi ko sinasadya! Ikaw naman kasi nanggugulat ka eh. Saan ba masakit?" I massage the part of his arm kung saan natamaan ng paghampas ko pero hinuli niya lang ang kamay ko saka muling pinagsalikop ito sa kanya.

Saglit kaming natahimik dalawa bumalik ako sa pagkasandal ko sa kanya habang nakahawak sa braso niya.

"Fyre..." tawag nito ulit sa akin but this time I feel that his voice became raspy.

"Mmm?"

"Do you think it's the right time for us to level up our relationship?"

Hindi ako kaagad nakasagot kaya marahan niya akong iniharap sa kanya. He's now holding both my hands while looking at me intensely. His mesmerizing gray eyes is staring at me gently. Para akong nahihipnotismo sa paraan ng pagtitig niya sa akin.

I can feel the fast beating of my heart. I always feel this everytime I'm close tohim but I chose to ignore it. Iba yung pakiramdam, hindi ko maipaliwanag. Literal na parang lalabas ito sa aking dibdib sa sobrang lakas ng pagtibok nito. Minsan nga nahihiya ako at baka marinig niya ito.

"I want more of you Fyre. I don't want us to remain friends forever." Nanatili akong tahimik dahil hindi ko rin naman alam kung ano ang isasagot ko sa kanya.

I can't believe that this Valderama wants to level up our relationship. Though nararamdaman ko naman 'yong pagpapahalaga niya sa akin but I didn't expect that he'll confess this fast. Akala ko kasi hihintayin niya pa akong makatapos sa aking pag-aaral.

"Hayaan mo akong alagaan ka Fyre. Kahit hindi mo man sabihin sa akin, alam kong napapagod ka rin. So, please allow me to take care of you Love. Magpahinga ka muna, ako muna ang bahalang mag-alaga sayo. Allow me to serve you. Please Sapphira be my girlfriend?"

I can feel the sincerity in his voice. For the first time naramdaman kong may taong handang dumamay sa akin maliban kay Dani at Seb na mga totoo kong kaibigan.

Hindi ko maiwasang maging emosyonal. Hindi ko na napigilan ang panunubig ng mga mata ko. After how many years, nakaramdam ako ulit nang pagmamahal mula sa ibang tao.

"Please Love. Give me a chance. I promise to do my best for you. I may not be perfect but I promise not to hurt you... please Fyre?" Nangungusap ang mga mata nitong nakatitig sa akin. Maingat niyang pinunasana ang mga luhang nag-uunahan sa aking pisngi pero ayaw naman nito paawat.

"I love you Sapphira Audrey. With you I feel so comfortable, I feel so free. Remember what you answered in that question I asked about soulmates?" He asked and I nodded. "That's what I feel every time I am with you. I feel that I am destined to be with you, that we are really soulmates."

Tumingin ako sa mga mata niya. Hinahanap ko ang sinseridad sa mga sinasabi niya at nakita ko ito doon.Pero nag-aalangan ako.Hindi pa ako nakaranas magkaroon ng kasintahan. Kung sasagutin ko siya hindi ba ako alangan para sa kanya?

Sobrang layo ng estado namin. Wala pa akong naabot sa buhay. Wala pa akong napatunayan.

"Please Fyre, please be my girlfriend? Promise magiging mabait ako. Aalagaan kita. Magsisikap akong magiging karapat dapat sa pagmamahal mo, basta sagutin mo lang ak—"

"Y-yes, Derick. Sinasagot na kita." putol ko sa kanya. Nakita ko ang pagkabigla sa mukha niya.

"Totoo? Walang bawian? Peksman?" parang bata nitong tanong.Tumango ako ng may ngiti sa mga labi.

"Oh God! Yes! Thank you, Love. Thank you!"

He gently pulled me closer to him and hugged me tightly. I can feel the warmth in his embrace. Dinig ko rin ang malakas na tibok nang puso niya.

He kissed my forehead and then release me.

"Yes na ha?" napahigpit ang hawak niya sa kamay ko "Girlfriend na kita wala nang bawian talaga ha?"

"Ayaw mo yata eh, binibiro mo lang siguro ako." kunwari nagtatampo ako sa kanya.

"Oh yesssss! Girlfriend na kita!" napatayo pa ito at nagsisigaw kaya hinila ko ulit ito paupo. Ang daming nakatingin sa gawi namin.

Bakit ko pa patatagalin? The feeling is mutual. Sabi niya mahal niya ako at gano'n din naman ang nararamdaman ko sa kanya. We may not know each other that much but still we have more time to spend together. Makikilala rin namin ang isa't-isa.

Gano'n naman ang love 'di ba? Hindi naman kailangan maging perfect, what's important is we have respect, trust and we complement each other.

Sabi mga nila sa love mararamdaman mo na siya ang kalahati na magbubuo sayo. Sana nga siya na ang para sa akin. Sana siya na ang sagot sa matagal ko nang dinarasal, ang makahanap ako ng taong magmamahal at kukumpleto sa akin.

Sana nga siya na...

Mga Comments (3)
goodnovel comment avatar
Elreen Ann Regalado
bat dko makita ung msg ni author 4me??? wala akong mabasa pro panay notify neto na me msg daw c author......
goodnovel comment avatar
صليبيا مايلز
Next please
goodnovel comment avatar
Deoclecia Retiza Mendoza
it's a very nice story
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

  • The Billionaire's Soulmate   Chapter 6

    "ALL of you listen! Kung ayaw ninyong mawalan ng trabaho umayos kayo! I didn't pay you para umupo at makipagchismisan lang dito sa kumpanya ko!"It's too early in the morning but I'm already not in the mood. Who will be, kung maaabutan mong nag-chi-chismisan lang ang mga empleyado mo? It's fucking 9:00 o'clock in the morning, too early for this bullshits. Kung hindi pa ako bumaba dito sa floor nila malamang buong araw walang nagawa 'tong mga pulpol na 'to. Nagkamali pa ata ako sa pagpili sa mga 'to."You!" I shifted my gaze at Engineer Meneses. "Did you finish the site development plan for Batangas project?" I saw the fear in her eyes. She's a new employee and a new breed of Civil Engineer. I hired her dahil maganda ang stats niya. All of my employees are personally screened by me. Dani will send their CVs to me and I'll do the interview online. Ayoko sa hindi magagaling, walang lugar sa kumpanya ko ang mga b*bo."I will submit later Engr. Ortega." sagot nito sa akin. I'm using Ortega

    Huling Na-update : 2023-04-14
  • The Billionaire's Soulmate   Chapter 7

    "GOOD morning, Engineer!"My employees greeted in unison as soon as I enter my company building. Lahat sila tumahimik nang hindi ako nagsalita. Ang mga tunog lang ng takong ng aking sapatos ang tanging maririnig.Taas noo akong naglakad at hindi man lang bumati pabalik sa kanila. I don't want to show them any emotion.Tumabi ang mga empleyadong nakapila sa elevator para padaanin ako. Lahat sila ay nakayuko at parang takot na makita ang aking pagmumukha. As soon as I step inside my private lift walang nag-tangkang umangat ng kanilang paningin sa akin.Better.I stared at my favorite Bulgari Serpenti tubogas watch while waiting for the elevator to reach my floor. This watch reflects my style. It screams glamour and danger. Para itong ahas na nakapulupot sa aking kamay.Parang ako ngayon... makamandag.I'm extra glam up today dahil magkikita kami ni Sebasian mamayang gabi. Tumawag siya sa akin at may sasabihihin daw.Sinadya kong magpaganda at baka kung ano na naman ang sasabihin nito sa

    Huling Na-update : 2023-04-14
  • The Billionaire's Soulmate   Chapter 8

    Akala ko ayos na ako. Na hindi na ako apektado pero ilang metro palang ang tinakbo ng sasakyan ko huminto ako dahil naramdaman ko ang paninikip sa aking dibdib.I parked the car again and texted Seb where I am. Tulala ako habang nasa loob ng aking sasakyan, patuloy na tumutulo ang mga luha sa aking mata. Why do I have to see her again? Ilang taon na ang nakalipas but why I can still feel the pain.Nakarinig ako ng katok mula sa bintana. Pag-angat ko ng aking tingin, nakita ko ang nag-aalalang mukha ni Sebastian.I unlock the car and he immediately get inside. Concern is evident in his midnight black eyes as he stares at me."Saph..." I sobbed as I heard him called my name. Pakiramdam ko nakahanap ako ng kakampi."Seb..." My voice broke. I tried stopping my tears but it won't. Patuloy ito sa pag-uunahan sa aking pisngi. "Why I can still feel the pain Seb? Ayaw ko na nito, gusto ko nang makawala dito.""Shhh..." he whispered and pulled me gently to him. Napakapit ako sa damit niya haban

    Huling Na-update : 2023-04-14
  • The Billionaire's Soulmate   Chapter 9

    PAPALABAS na ako sa boarding house nang biglang tumunog ang aking cellphone. When I checked my phone, it was Derick who's calling me. Napahinto ako sa aking paghakbang at sinagot ko muna ang tawag niya."Hello?" abot kaba ang aking nadarama dahil baka ang babaeng nakasagot kanina ang tumatawag sa akin."Love, nasaan ka?" napapaos pa ang boses nito sa kabilang linya at mukhang kakagising lang niya. Hindi muna ako sumagot, nanatili akong tahimik at pinapakinggan baka sakaling may marining akong magsalita sa tabi niya."Love? Still there?" sabi nito nang wala itong marinig na sagot mula sa akin. Hindi pa rin mapalagay ang utak ko sa boses na narinig ko kanina."Yes." mahina kong sagot sa kanya."Pasensiya ka na Love kung hindi ko nasagot ang text at tawag mo kanina. Sobrang busy ko kasi sa opisina ngayong araw Love. Ang dami kong plans na ni-review, alam mo naman si Kuya hindi ako titigilan kung hindi ko matapos lahat." Dinig ko pang humikab ito.He must be really tired, dama ko ang pago

    Huling Na-update : 2023-04-14
  • The Billionaire's Soulmate   Chapter 10

    "HI Sapphira!" malambing na tawag niya sa pangalan ko.I froze when I heard her called my name. Hindi ako pwedeng magkamali, kaparehas ito ng boses na narinig ko kagabi. Bigla na naman lumakas ang tibok ng puso ko. Parang sirang plaka na paulit-ulit na nagpi-play sa utak ko ang boses niya.I heard her footsteps coming near me. I remained seated and didn't bother to turn my face at her.Pumunta ako rito sa likod ng building namin dahil gusto kong magpahinga kahit saglit. Buong gabi akong hindi nakatulog kaya medyo masama ang aking pakiramdam. Pero hindi ko inaasahang mahanap niya ako rito.Mabuti na lang at inanunsiyo kanina na halfday lang kami ngayon, gusto kong matulog mamaya pag-uwi sa boarding house namin. Medyo nahihilo na ako at pagod na ang utak ko sa kakaisip.Umupo ito sa aking tabi kaya napalingon ako sa kanya.How can she look so beautiful even with the simple clothes that she's wearing? I noticed that most of the time her clothes are plain and simple but nevertheless she s

    Huling Na-update : 2023-04-14
  • The Billionaire's Soulmate   Chapter 11

    TAHIMIK kaming dalawa habang nasa loob ng kanyang sasakayan. Tunog lang ng aming mga paghinga ang tanging maririnig. Ramdam ko ang tensyon sa pagitan namin dalawa pero wala ni isang nangahas magsalita.Mahigpit ang pagkakahawak niya sa manibela at halos mamuti na ang kamao niya sa sobrang higpit na pagkahawak niya rito. Ang tapang ng kanyang anyo habang diretso lang ang tingin nito sa kalsadang dinaraanan namin.Pero wala akong pakialam, kung galit siya pwes mas galit ako sa kanya!I'm so furious and I couldn't contain my anger now. Gusto ko siyang sigawan at murahin pero pilit kong pinipigilan ang sarili ko at baka ma-disgrasya pa kaming dalawa. How dare him na paglaruan ako? May pa-promise-promise pa siyang nalalaman!I'm living a peaceful life tapos bigla lang siyang dumating para ano, guluhin ako? Kabago-bago pa lang ng relasyon namin tapos ngayon pinaglalaruan niya na ako?I don't give a damn kahit gaano ko pa siya ka mahal. I can't allow him to play with my emotions."Tang ina!"

    Huling Na-update : 2023-04-14
  • The Billionaire's Soulmate   Chapter 12

    HIS mesmerizing gray eyes never left mine as he stood up. He began unbuckling his belt and unbuttoning his jeans, revealing his white boxers. He took off his pants and pulled his t-shirt from the back, tossing it around.When I saw his ripped body with 8 pack abs and a v-line, I gulped. I've never seen him look like this before. Every time I visit him in his condo, he is fully clothed.Halatang alaga nito ang kanyang pangangatawan. Kaya pala maraming babae ang nahuhumaling sa kanya.Minsan binibiro ako nito pero hindi pa kami umabot sa puntong naghuhubad siya nang damit kapag kaming dalawa lang, kahit na komportable na kami sa isa't-isa.Tinanggal nito ang natitirang boxer na kanyang suot. Nanlaki ang mata ko nang makita ko kung gaano ito kalaki at kahaba. Biglang nag-init ang aking mukha kaya iniwas ko ang tingin ko sa kanya."Look at me Love..." he muttered in a hoarse voice.Lumapit ito sa akin at naramdaman ko ang matigas na bagay sa pagitan ng mga hita niya. Inalalayan niya akong

    Huling Na-update : 2023-04-14
  • The Billionaire's Soulmate   Chapter 13

    "SAPPHIRA Audrey Mendez..." dinig kong tawag sa pangalan ko. Agad akong tumayo at umakyat sa stage para tanggapin ang aking diploma. Sa wakas nakapagtapos na rin kami ni Daniella.Kung sana buhay pa ang mga magulang ko, sila ang kasama kong tumanggap nitong aking diploma. Gayunpaman alam kong masaya sila na tinupad ko ang matagal na nilang pangarap para sa akin.Today is our graduation day, pero hindi lubos ang aking kasiyahan dahil hindi umabot si Derick ngayong araw. Isa ito sa pinaka-espesyal na araw sa buhay ko pero wala na akong magagawa dahil hindi siya umabot.Tatlong linggo na siyang nasa ibang bansa. Sabi nito sa akin 'nong mag-paalam siya na may business conference siyang kailangang daluhan.Hindi naman siya maaaring tumanggi dahil naayos na lahat ng kapatid niya. Isang malaking kawalan sa negosyo nila kung hindi siya dumalo roon.I told him the other day that today will be our commencement day. He said to me that he'll try his best to come today but, I guess hindi kinaya ng

    Huling Na-update : 2023-04-14

Pinakabagong kabanata

  • The Billionaire's Soulmate   Epilogue Last Part

    "Andito ka na naman? Ilang taon na ba ang nakalipas,hindi mo parin siya mahanap?" Tanong sa akin ni Nanang na nagbebenta nang mga bulaklak sa harap nang simbahan. Marahan lamang akong umiling sa kanya. At kapag ganito ang naging sagot ko hindi na ako nito kinukulit pa. Today is supposed to be our wedding anniversary. Yearly bumabalik ako dito na may dalang bulaklak para sa kanya. I've been doing this for 9 years already. "Love, kung saan ka man ngayon, sana...sana bumalik ka na..." hindi ko maiwasang mapaluha sa tuwing naaalala ko ang luhaang mukha niya. "I'm sorry for being weak,Love. Kung sana naging matapang lang ako hindi ito nangyari sa atin...Please Love bumalik ka na... I can't take it anymore...sobrang sakit na nang puso ko Love..." sumbong ko sa kanya na parang nasa harap ko lang siya. Palaging ganito na lang ang eksena sa tuwing anniversary nang kasal sana namin. I spent my whole day staying in front of the church trying my luck...na baka sakaling maisipan niyang bumali

  • The Billionaire's Soulmate   Epilogue Part 2

    It all started that night. From then, I already marked her in my mind. I marked her 'my soulmate' it may seem silly but that's what I feel about her. I can still remember how I make reason just to come to their university for me to have a look at what she's doing. Gusto kong makita kung sinong mga kaibigan niya o kung anong pinagkakaabalahan niya. But I think I made the wrong move 'coz I almost end up beating her friend or maybe boyfriend who's so arrogant as if he owned her.I'm planning how to get her attention but I think destiny is on my side. Pauwi na ako sa condo nang makita ko sila nang kaibigan niya sa tabi nang daan na parang naghihintay ng tulong.Tinigil ko ang sasakyan at halos lumabas ang puso ko sa sobrang takot at pag-aalala nang makita ko ang duguan nitong mukha. Nanginginig ang mga kamay ko habang nagmamaneho papuntang pagamutan. Thanks God at hindi naman malala ang tama nang bato sa ulo niya.I offered her a job. Actually double purpose yun. I want to help her fin

  • The Billionaire's Soulmate   Epilogue Part 1

    Vin Derick's POV "Bakit naman kasi di mo na lang hingin kay Calyx ang location nang resort na yan? Kanina pa tayo paikot-ikot dito sa islang to. We're just wasting our time here, sana di na lang tayo sumunod!" reklamo ni Kathiana. Alam kong kanina pa ito naiinis kasi hindi ko mahanap-hanap ang resort kung saan nandon na ang mga kaibigan namin. We'll be having our post celebration for our graduation. Actually it's Calyx idea. Palagi daw sila dito nang family niya every summer. Since wala din naman kaming gagawin ni Kath inaya ko itong sumama kami kina Calyx at sa iba pa naming mga kaibigan. "Babe, relax... I already texted Calyx but he still didn't answer baka nagkakasiyahan na sila doon." Malambing kong sagot dito. Mainipin ito kaya iniintindi ko nalang, siguro dahil na rin sa edad niya. Kath is my girlfriend and my little sister's bestfriend. She's five years younger than me. Mabait naman ito yun nga lang medyo spoiled nag-iisang anak kasi. But I don't have any problem with that

  • The Billionaire's Soulmate   Chapter 40

    "No! Don't...please don't" napabalikwas ako at malakas na napahagulhol.Napanaginipan ko ang nangyari sa pagitan namin ni Sebastian at ang mga pinaggagawa ni Kathiana sa akin...sa amin.Nanginginig ang buong katawan ko at sobrang bilis ang tibok ng aking puso na halos hindi na ako makahinga. Pakiramdam ko namamawis ang aking buong katawan at nanginginig ang mga laman ko.Parang gustong bumaligtad nang aking sikmura nang maalala ko ang ginawa sa akin ni Sebastian. Pero hindi ko ito masisi dahil alam kong wala siya sa tamang katinuan.Muli akong napaiyak nang muli kong narinig sa utak ko ang boses ni Kathiana. Ang tawa nitong parang tuwang-tuwa sa mga pinapagawa niya kay Sebastian. Ang mga salitang binitawan nito sa tuwing nakikitang nitong nahihirapan ako.How can she do such horrible things to us? Hindi ba siya natatakot sa Panginoon? Sobrang laki ang kasalanan niya sa akin, sa aming lahat. Dahil sa maling pag-ibig niya para kay Derick handa itong pumatay.Basang-basa na nang mga luha

  • The Billionaire's Soulmate   Chapter 39

    Agaw atensyon si Sapphira habang naglalakad kami papunta sa stage kung saan magbibigay siya nang kanyang speech para sa opening nang bago nitong modelling agency.I'm so proud of her lalo nung nalaman kong ginagawa niya ito para sa kaibigan niya. She really never fail to help those people who stayed with her during the rough times of her life.She looked so hot and sexy in her dress but it's too revealing for me. Plano ko talagang buntisin ito para hindi na ito makapagsuot nang ganitong damit. At pakiramdam ko may laman na nga ito. Kailangan ko lang maka sigurado.If I've proven that she really is pregnant I will really make sure na magiging asawa ko na siya. Pakakasalan ko ito sa ayaw at sa gusto niya. Sapilitan na kung sapilitan hindi na ako makakapayag na mawala ulit sila nang anak ko sa akin.Hindi ko maiwasang mapamura sa isipan ko habang nakikita ko ang tingin nang mga kalalakihang dumalo sa event na to. Kung papayag nga lang siyang tanggalin ko itong coat na suot ko para ibalab

  • The Billionaire's Soulmate   Chapter 38

    Warning: Contains sensitive topic please be aware. Kung may trauma po kayo,please skip this chapter.Napapitlag ako nang biglang may humawak sa akin. Ang mga palad nito ay mainit at dinig ko ang malakas na paghinga nito na tila nahihirapan."Seb?" Tanong ko dahil wala akong makita sa sobrang dilim ng paligid."Saph..." sagot nito sa napapaos na boses. Halos pangilabutan ako nang inilapit nito ang mukha niya sa akin. Ang hangin mula sa kanyang hininga ay pumapaypay sa aking mukha. Marahang gumapa ang mga kamay niya sa batok ko at marahan niya itong minamasahe. Kinikilabutan ako. Bakit ganito ang paraan nang pagkahawak ninSebastian sa akin. Iba na ang nararamdaman ko, biglang bumilis ang tibok nang aking puso.Hindi ito normal na kilos ni Sebastian. I know something is wrong. His breathing is heavy and he is panting.Duda akong may kinalaman dito ang itinurok nang mga tauhan ni Kathiana sa kanya kanina bago namatay ang ilaw. Oh my God. I gasped when realization hits me, they injected dr

  • The Billionaire's Soulmate   Chapter 37

    Nagising akong nakatali ang dalawang kamay at paa ko sa kama. Kahit anong pagpupumiglas ko hindi ko kayang kalasin dahil sobrang higpit ang pagkakatali nito.Sobrang dilim nang paligid at wala akong maaninag kahit konti man lang, nagsimula nang manikip ang dibdib ko at nahihirapan na akong huminga. May takot ako sa dilim pero kailangan kung labanan.Pakiramdam ko basang-basa na ako ng pawis dahil sobrang init dito sa loob.Gusto kong sumigaw pero pilit kong pinapakalma ang aking sarili.I have to be strong. Hindi makakatulong sa akin kung magpapadala ako sa takot ko ngayon. Kailangan kong makapag-isip nang paraan paano ako makalabas dito.I need to be strong for my son. Kailangan kung makaligtas para sa anak ko. Kailangan ako ni Drake.Saan na kaya si Derick? Sana ligtas din ito. Sana hindi siya yong narinig kung dumaing sa likuran ko nung dinukot ako. I need his help. Sana mahanap niya ako bago pa mahuli ang lahat.Sinubukan ko ulit igalaw ang aking mga kamay baka sakaling lumuwag ang

  • The Billionaire's Soulmate   Chapter 36

    Time flies so fast. The celebration for Drake's 10th birthday was successful. Ipinakilala kami sa lahat nang mga kakilala nang mga Valderama na imbitadao sa kaarawan nang anak ko. Nagmistula itong awards night sa daming mayayamang bisita na inirampa ang naggagandahang mga soot nang mga ito. Yong iba mainit ang pangtanggap sa amin pero hindi rin maiwasang marami ang nagtataasan ang kilay. Lalo na sa akin, pero wala silang maipintas. I'm independent and successful in my own way. May sarili akong kumpanya, hindi man ako kasingyaman nang mga Valderama atleast may maipagmamalaki din akong akin. I worked hard to earn it, kaya wala akong dapat na ikahiya sa kanila.May narinig pa nga akong nagbubulungan na kesyo yaman lang nila ang habol ko, gold digger daw ako at ginagamit ko lang ang anak ko para masilo si Derick pero wala akong pakialam. I know my worth. I don't need to tell them my story. They only know me by name, but not my whole being. Sino sila para husgahan ako?Pasalamat din ako

  • The Billionaire's Soulmate   Chapter 35

    "Love?" Tawag nito sa akin.He's on the driver's seat while I'm busy following on Carlo about my new business venture.Nagustuhan ko ang location nang building for the new modeling agency that I will put up. Konting renovation lang for the interior then it's good to go.In three weeks time, we'll have the opening.Everything is set. Carlo alreay contacted all his friends from the industry. Madami daw ang gustong lumipat kasi hindi na nila nagugustuhan ang pamamalakad sa kabilang agency, ang kina Kathiana."Mmm?" I just hummed, kasi pina follow-up ko din si Dani tungkol sa update ng Batangas project. I want to check about what happened last time , if it was just an accident and not inside job. I want to know the result of the investigation.I'm a bit busy lately kaya hindi ko ito natutukan. Good thing that Dani is always there to take full responsibility in my behalf." Can I stay in your office today, Love?""Huh?" Naguguluhan kong tanong. Araw-araw na itong nakatambay dito sa opisina

DMCA.com Protection Status