Share

Chapter 3

Author: LadyAva16
last update Last Updated: 2023-04-14 15:18:51

"Hoy Sebastian! Tigil-tigilan mo nga 'yang bestfriend ko. 'Pag kami hindi nakapag-submit ng plates bugbog ka sa akin!" pagtataray ni Dani sa kaibigan naming architecture student na kanina pa nangungulit sa akin.

Noong lumipat kami ni Dani dito sa University, siya ang unang naging close naming dalawa. Nababaitan kami dito kaya kinaibigan namin ni Daniella. Magti-third year kami ni Dani noong lumipat kami dito sa siyudad. Parehas kasi kaming dalawa mataas ang pangarap. Maganda naman 'yong paaralan namin sa isla kaso naisip naming mas maraming oportunidad dito sa city tsaka mas marami kaming mapagkakakitaan ni Dani dito. May pang-tustos kami sa aming pag-aaral.

Si Seb ang nagsilbing guide namin ni Dani noong bagong salta pa lang kami dito, kaya naging malapit kami sa kanya. Kahit mayaman ito, hindi ito kailaman nagyabang sa estado ng pamumuhay nila sa amin. Imagine, mag-ta-tatlong taon na rin pala ang pagkakaibigan namin. Good thing, parehas pa kaming tatlo na graduating this year.

"Daniella para kang lalaki kung makaasta ah. Maton ka ba? Hindi naman ikaw ang kinukulit ko ba't ka nakikialam d'yan?" Napipikong sagot nito kay Dani.

Palaging ganito ang eksena sa pagitan ni Seb at Dani. Minsan tinutukso ko nga na baka sila ang magkakatuluyan.

Kaming tatlo ang laging magkasama, kulang na lang mag-shift ng kurso 'tong si Seb kakabuntot sa amin ni Dani. Ako nga raw kasi ang girl best friend niya pero dahil package kami ni Dani kaya kaming tatlo ang laging magkakasama.

Hinayaan ko silang dalawang mag-away at magkulitan. Ang dami ko pang tatapusing plates. May kulang pa ako sa design ng bahay na project namin at kailangan tapusin ko pa ang plano mamaya sa autocad.

"Ano ba kasing ginagawa mo Saph? Kanina ka pa hindi namamansin ah?" Tanong ni Seb sa akin sabay silip sa plates na aking ginagawa.

"Para sa subject ni Sir Dumagan, CE515 Construction Methods, Plans and Estimates. Kailangan matapos ko na to para ma-i-submit ko na sa kanya. Bawal ang late do'n kaya minamadali ko nang tapusin 'to."

"Do you want me to help you? Bigay mo sa akin ang iba at ako na ang gagawa." offer nito sa akin. Lumingon ako sa kanya, tinaasan ko siya ng kilay habang nakangiti bago umiling. He's always like that, laging willing tumulong sa aming dalawa ni Dani.

Matalino si Seb, nangunguna rin siya sa klase nila. Minsan kung may mga tanong na nahihirapan akong sagutin nagpapatulong din ako sa kanya.

"Thank you Sebby! Wag na kaya ko na 'to, si Dani na lang tulungan mo."

"Wag na Sebastian, libre mo na lang kami ng meryenda ni Saph." Mabilis nitong sabat ng hindi nakatingin. "Bumili ka muna do'n sa canteen kanina pa hindi kumakain 'yan si Sapphira. Gusto yatang magpakabaliw d'yan sa plates niya." litanya nito at patuloy lang sa ginagawa niyang plates.

Oo nga pala. Tama si Dani, kanani pa walang laman ang tiyan ko. Napatigil ako saglit dahil nakaramdam ako ng gutom. Kanina pang alas-onse ang huling kain ko. Alas kwatro na at hindi ko man lang napansin ang oras sa sobrang dami ng trabaho. Kaya pala kumakalam ang sikmura ko.

"And why is that Sapphira Audrey? Anong balak mo bakit hindi ka pa kumakain?" seryosong tanong nito sa akin. At kapag tinatawag ako nito sa buong pangalan ko, alam kong hindi na maganda ang mood nito. He always reminds me and Dani na kumain ng wasto at dapat sa tamang oras.

Kaming dalawa kasi nitong kaibigan ko makapag-noodles lang, okay na. Swak na sa amin 'yon, minsan kape nga lang at tinapay okay na, lalo na 'pag gipit kaming dalawa. Alam mo na, buhay estudyante na sariling sikap. Buti sana kung palaging marami ang raket naming dalawa ni Dani.

Lalo na ngayong marami na rin ang nagbebenta online. Yung mga suki na lang namin ang regular naming customers. Minsan hindi rin kami makakapag-sideline sa palengke kasi nga maraming plates na dapat tapusin ngayong graduating na kami.

Hay buhay, ang hirap maging mahirap. Kailangang doble sipag at tiyaga palagi dahil kung hindi tiyak nga-nga kaming dalawa ni Daniella.

"Uhm... Busog kasi ako kanina Seb" pagsisinungaling ko pero ang totoo malapit na kasing maubos ang perang itinabi ko for this week. Kailangan pa naming mag-home service sa bahay mi Mrs. Robles sa sabado. Buti nga at may nag-recommend sa amin ni Dani na maglinis ng bahay niya.

Good for two days na lang ang budget ko at kapag naubos to hindi ko alam kung saan na naman kami kukuha ni Dani ng pagkain namin. Nahihiya na din akong magsabi kay Sebby at tiyak mag-go-grocery na naman ito para sa amin.

Sana nga madagdagan pa ang magpapalinis ng bahay sa amin ni Dani. Wala rin kasi siyang aasahan mula sa mga magulang niya sa isla dahil sakto lang din ang kita ng Tatay niya para sa mga mas nakababatang kapatid niya. Mabuti nga at nakapasok kami sa scholarship dito sa university dahil kung wala goodbye engineering talaga, hindi namin afford mag-aral dito sa paaralang 'to.

"C'mon. Tumigil muna kayo riyan at kakain kayo ng matinong pagkain sa canteen, my treat." sabay ligpit nito sa mga gamit naming nakakalat sa lamesa.

"Ten minutes Seb, last na 'to tatapusin ko lang. Tulungan mo na lang si Dani sa kulang niya para dirrtso na din tayong uwi. Pagkatapos natin kumain uuwi rin kami agad, maglalako pa kami ng isda ni Dani sa palengke mamaya."

"What?No! Balikan niyo na lang 'yan. Magkano ba kasi ang kikitain niyo sa paglalako mamaya, papahiramin ko na lang kayong dalawa o di kaya samahan niyo na lang akong mag-grocery para sa inyo." Tama nga ang iniisip ko.

"Ano ka ba Seb napag-usapan na natin 'to ah? 'Wag ka nang mag-alala okay? Kami nang bahala ni Dani. Sige na tapusin ko na 'to para makakain na tayo." Nahihiya kong sab isa kanya.

"Bakit ba kasi ayaw niyong tanggapin ang tulong ko? Akala ko ba magkakaibigan tayo, ganoo'n kasi ang alam ko, pag magkakaibigan nagtutulungan..." parang batang reklamo nito. Minsan nararamdaman kong nagtatampo na ito sa amin ni Dani dahil hindi namin tinatanggap ang offer nito.

Mabait si Seb kaya ayaw naming abusuhin ni Dani ang kabaitan nito. May kaya ang pamilya niya, sa pagkakaalam namin may-ari sila ng malaking construction firm. Kaya architure ang pinakuhang kurso ng mga magulang niya dahil ito ang mag-ma-manage sa negosyo nila.

Sabi nito sa amin, 'pag walang pasok nagtratrabho ito sa kumpanya nila, part ng training niya. So technically, he's earning his own money according to him dahil pinapasahod daw siya ng Papa niya.

Ilang beses na itong nag-offer sa amin ni Dani na tulungan kami financially pero hindi namin tinatanggap. Nakakahiya lalo na 'pag malaman ng ibang tao. Baka isipin pa nilang kinaibigan lang namin si Seb para mahuthutan ito ng pera. Genuine ang friendship naming tatlo, kahit mahirap kami alam kong totoong kaibigan ang turing sa amin ni Sebastian.

"Ang drama mo talaga Sebastian! Napaka-arte neto. Hindi ka bagay maging sugar daddy uy!" pang-aasar naman ulit ni Dani dito.

"Daniella tigil-tigilan mo ako ha, 'pag ako napikon sayo, si Sapphira lang ililibre ko mamaya."

"Wow Sebastian kung maka Daniella ka ah, at bakit papayag ba itong BFF ko na kakain na kayong dalawa lang? Asa ka tsong!"palabang sabi nito.

"Oh talaga lang ha? Paano 'pag pumayag si Saph na kaming dalawa lang, anong gagawin mo?" paghahamon nito kay Dani. Konti na lang mapipikon na si Daniella kaya nagsalita na ako.

"Kung kayong dalawa hindi titigil iiwan ko kayo rito" warning ko sa kanila, kaya tumahimik sila. Ano ba naman kasi ang mawawala kung tigilan nila ang pakikipag-bangayan sa isa't isa.

"Are you done?" tanong sa akin ni Seb ng makita niyang kinuha ko na ang takip ng rotring mechanical pen ko. Tumango lang ako sa kanya habang patuloy na nililigpit ang mga gamit ko. I saw him in my peripheral vision looking at me bago ito bumuntong hininga, kaya tumingin ako sa kanya.

"Yes? May problema ka Seb?" nag-aalalang tanong ko. Nakita kong namula ang mukha nito hanggang sa tenga niya.

Simula nang manalo akong Miss Intrams palagi kong nahuhuli si Seb na nakatitig sa akin at kapag tinatanong ko naman ito wala rin naman sinasabi. He's really acting weird. Ganyan na siya dati pero mas lumala lang ngayong nasa 5th year na kami.

"Nothing... Sige na bilisan niyo na."Iniwas nito ang tingin sa akin. "How about you Daniella tapos mo na ba ang sayo?" baling nito kay Dani. Alam kong kahit palagi niyang pinipikon si Dani, concern din naman ito sa kaibigan ko.

"Oo, ako pa ba Sebastian magpapahuli? Fighter ako Seb, fighter!" pagmamayabang pa nito, kaya umiling-iling na lang Seb sa kanya.

"Idadaan muna natin itong mga plates kay Engr. Dumagan para hindi na tayo magmamadali bukas sa subject niya, mabuti na yong advance para makita ni Sir ang effort natin." Nauna na akong tumayo para bitbitin ang mga gamit ko. Kinuha ni Seb ang bag ko at siya ang nagbitbit nito.

Ewan ko din ba rito kay Sebastian bakit gustong-gusto niyang bitbitin ang bag ko. Minsan nga kahit na shoulder bag pa ang dala ko kinukuha niya pa rin. He looks cute though, kahit pink pa yung bag ko hindi siya nahihiyang magdala nito.

Habang naglalakad kami papuntang canteen napansin kong ang daming estudyante ang nakatambay sa quadrangle.

Anong bang meron? Tsaka bakit ang iingay nila na para bang may inaabangang artistang bumisita dito sa paaralan. Halos kababaihan pa ang mga andito, kahit yung mga nasa iba department andito rin.

"Psst! Jenny!" tawag ni Dani sa isang Tourism student. Hindi nakatiis ang kaibigan ko at nang-usisa na talaga. "Anong meron at dito kayo ngayon tumatambay?"

"May poging bisita si President, isa raw sa mga sponsor ng university. Gosh girl 'pag nakita mo siya! He's so hot, super gorgeous and ahhhh! Super yumm---"

Hindi ko na pinatapos kong ano pa ang sasabihin niya hinila ko na si Daniella para makapunta na sa canteen. Kanina pa nakasimangot si Sebastian, baka nagugutom na rin ito.

Pogi lang pala akala mo naman kung anon a. Tataas ba ang grades nila kung mapansin sila ng poging sinasabi nila? Kababaihan nga naman.

"Iwan mo na nga 'yang si Daniella, Saph! Masyadong usisera eh. Anong oras na oh? Kanina may pasabi pang bilhan mo nang makakain si Saph at ---"

"Hoy Sebastian may dalaw ka ba? Ba't ba ang sungit-sungit mo nagtatanong lang ako ah! Last ka na Sebastian ha, 'pag ako talaga napikon sayong buang ko susuntukin na talaga kita." Mataray namang sabat ni Dani kay Seb.

"Alam niyo ako ang napipikon sa inyong dalawa! Kanina pa kayo nag-aaway ah. May pinaghuhugutan ba kayong dalawa? Baka 'yang awayang y'an saan mapunta ha..."nakatawa ko pang sabi

"Kung alam mo lang/If you only knew." sabay sabi nilang dalawa.

"Wow! At sabay pa talaga kayo ha?" panunkso ko.

"Eww! Kung yang masungit lang naman na yan, wag nalang uy."sabi ni Dani sabay irap kay Seb.

"Talaga lang ha, Daniella?"

"Talaga Sebastian!"

"Tara na nga baka gutom lang 'yan." Hinawakan ko silang dalawa sa magkabilang gilid ko, baka kung saan pa umabot 'yong patutsadahan nilang dalawa eh.

Wala silang magawa dahil hila-hila ko sila hanggang umabot kami sa canteen. Si Seb ang umorder nang pagkain. Pinakiusapan ko si Dani na tulungan si Seb habang ako naman ang nag-presintang maghanap na mauupuan namin.

Kakaupo ko palang nang may lumapit sa akin. Sila yung grupo ng tourism student na alam kong may gusto yung lider nila kay Seb. Hindi ko sila pinansin, pagod ako ngayon at wala ako sa mood makipag-sagutan.

And these ladies are freaking annoying. Habol ng habol kay Seb, halata namang hindi siya gusto ni Seb. Nagdala pa ito ng mga tropa niyang puno ng kolorete ang pagmumukha.

"Hi Sapphira!" Maarteng bati ni Glenda sa akin. Typical rich student, maarte, feeling nagmamay-ari ng school at higit sa lahat brat. I know her name kasi siya ang representative ng Department nila sa Miss Intrams.

"Hello." ganting bati ko rin sa kanya.

"Do you know where is Sebby?"

I'm confused kung ituturo ko ba si Seb na nakatingin ngayon sa akin at umiiling or hindi. Kung magsisinungaling naman ako baka lalong magalit itong grupo nila. Ayoko pa naman magka-problema sa huling year ko dito sa university.

I'm about to open my mouth para sabihin sanang hindi ko alam kung saan si Seb ng mapansin kong nagsisikuhan ang mga babaeng kasama niya at kinakalabit siya ng mga ito. Hindi ko makikita kung sino ang tinitignan nila dahil nakatalikod ako, ayaw ko namang lumingon dahil kausap ko pa si Glenda.

"Oh my gosh he's so handsome! Why is he here?" nanlaki pa ang mga mata ni Glenda. Inipit pa nito ang buhok sa kanyang tenga at halatang nagpapa-cute ito sa kung sinumang lalaking tinitignan nila ngayon. Ang bilis naman yata magbago ng isip niya. Kanina lang si Seb ang kanyang hinahanap, ngayon nakakita lang ng gwapo nag-iba kaagad ang ihip ng hangin?

Well, bahala siya, buhay niya 'yan tsaka mabuti na rin 'yan para hindi na niya guluhin ang kaibigan ko.

Nakita kung sumesenyas si Dani na lumipat ako ng mesa. Dahil wala na rin naman sa akin ang atensyon ni Glenda, sininop ko na ang mga gamit namin para sana dalhin sa mesang tinuturo nila nang may biglang nagsalita sa likod ko.

"Hi Soulmate! Where are you going?" I froze when I heard the familiar voice talking behind me. Isa lang ang lalaking kilala kong tumawag sa akin ng soulmate.

Dama kong ilang hakbang lang ang layo nito mula sa akin at medyo napalakas pa ang boses niya. Nakita kong nasa amin na ang atensyon ng mga estudyanteng nasa canteen ngayon.

Hala! Bakit kaya siya nandito?

Naramdaman kong lumakad ito palapit sa amin. Napahigpit ang hawak ko sa aking bag. Hindi ako lumingon dahil hindi naman pangalan ko ang binanggit niya. Baka isipin pa niyang napaka-assuming ko.

"Sapphira..." his soothing voice filled my ears. Natigilan ako. Pakiramdam ko napako ang mga paa ko sa sahig na hindi ko ito magalaw.

My name looks so sexy sa paraan ng pagkabigkas niya rito. Kung dati nahihiya ako sa pangalan ko, ngayon parang gustong-gusto ko na ito. I remained standing and didn't move a bit, hindi ko magawang lumingon kasi pakiramdam ko 'pag ginawa ko yun magkaka-dikit kami. Ramdam kong sobrang lapit niya sa akin.

"Saph, let's go." Si Sebby.

I was about to move my feet para salubungin si Seb na matalim ang tinging ipinukol sa lalaking nasa likod ko ng maramdaman kong may kamay na humawak sa braso ko.

"Get your hands off her" may halong pagbabantang boses na sabi ni Sebastian sa lalaki dahilan para lalong makuha ang atensyon ng mga estudyante.

"Seb please lower your voice." sabi ko nang makalapit ito sa amin. Marahan akong hinila nito sa lalaking may hawak sa akin at itinabi ako sa kanya.

"Who are you and why are you holding Saph?" matapang na tanong si Seb sa kanya.

He didn't look bothered. His face remains impassive, ni hindi man lang nito pinansin ang tanong ni Seb sa kanya.

"Saph, do you know him?" nakakunot ang noong tanong ni Seb sa akin. His black eyes seemed darker now. Nakita kung gumagalaw ang panga nito. Ito ang unang pagkakataong nakita kong mag-react ng ganito si Seb.

"Hoy Sebastian! Napaka-OA mo! Nakilala namin siya ni Saph sa isla dati, 'di ba Kuya?" Hindi ako nakasagot dahil sunod-sunod ng nagsalita si Daniella.

Nakita kung kumunot ang noo nito pagtawag ni Dani sa kanya ng 'Kuya'. He doesn't look old kaya siguro hindi ito sanay tinatawag na kuya.

Agad naman itong tumango kay Dani at ngumiti pa. But I saw him smirked when he look back at Seb who's now holding my shoulder. Pulling me closer to him like he owns me.

"I'm Vin Valderama." pagpapakilala nito sa sarili. He even extended his hand para makipagkamay pero tiningnan lang ito ni Seb mabuti na lang at mabilis si Daniella at siya ang nakipagkamay dito. Hindi ko rin kasi maabot ang kamay niya kasi mahigpit ang pagkaka-akbay sa akin ni Seb.

"Uhmm by the way I'm here to invite you guys to have dinner with me later that's if you're free?"

"No, we're not." diretsong sagot ni Seb sa kanya. Hindi na kami nakasagot ni Dani dahil iba na ang mood ni Seb.

Nagtagisan silang dalawa ng tingin. Marahan kong siniko si Seb para tumigil ito. Napalingon ito sa akin kaya pinanlakihan ko na ito ng mata bilang babala.

"Uhmm pasensiya na po Sir, may gagawin pa kasi kami mamaya." maayos kong pagtanggi sa paanyaya niya.

Hindi talaga kami pwede ni Daniella dahil maglalako pa kami ng isda mamaya sa palengke. Sayang din ang kikitain namin kung sakaling paunlakan namin ang imbitasyon niya. Isa pa nakakahiya naman na ngayon pa lang ulit kami nagkita pero mag-di-dinner na agad.

He looked at me gently and smiled. Parang ang bait niya namang tingnan 'pag nakangiti. Mas lalong itong gumwapo ngayon.

He's wearing white dress shirt and slacks na mas nagpapa-aliwalas sa kanyang mukha. Napansin ko din mas lumaki ang katawan nito ngayon kumpara nung unang kita namin sa isla. At mas naging matikas ang tayo niya. He looks matured and more handsome than before.

"Okay. Next time then?" nakangiti nitong sabi na nakatingin lang sa akin. Hindi ko alam kung anong isasagot ko kaya tipid lang akong ngumiti sa kanya.

"Got to go. See you around, Soulmate." kumindat pa ito sa akin bago umalis.

Related chapters

  • The Billionaire's Soulmate   Chapter 4

    "WHAT are you doing here brute?" Simone asked. "The night is still young bakit nagmu-mukmok ka dito?"Kaya napili ko itong pwesto ko, 'coz I don't want someone bugging me tonight pero nakita pa rin ako nitong mga kaibigan ko.I didn't answer him, I pursed my lips and continue sipping my drink."Woah the Architect is here! I guess we'll be enjoying tonight!" nakangiting bati ni William at umupo pa talaga ito sa tabi ko.What's with these brutes? Bakit ba nila ginugulo ang pananahimik ko rito?"So, what brought Architect Valderama here?" Hindi pa ito nakuntento at nagtanong pa talaga. Can't they just drink in peace?I wonder how come they became friends with my brother, they're so fucking annoying and irritating. Ang iingay pa ng mga bunganga! Lalo na itong si Guerrero na may built-in megaphone sa bibig.I saw Nathaniel walking towards us, hinarang ito ng dalawang babae pero masungit niya lang na tiningnan. Pagkakita niya sa akin, tumango lang ito at umupo sa pwesto niya.Mabuti pa iton

    Last Updated : 2023-04-14
  • The Billionaire's Soulmate   Chapter 5

    KINAKABAHAN ako habang palabas ng university, ngayon kasi ang napag-usapan naming araw na susunduin ako ni Derick dito sa university para maglinis sa condo niya.Hindi nakasama sa akin si Dani ngayon dahil ni-rekomenda kami ni Mrs. Robles doon sa anak ng kumare niya. Sayang din naman kung hindi puntahan ni Dani kaya napilitan kaming maghiwalay ngayon.Babae ang anak ng kumare ni Mrs. Robles kaya hindi rin ako masyadong nangamba para kay Dani tsaka itong si Derick naman nakilala na namin ni Dani so okay lang na ako mag-isang maglilinis sa unit niya."Saph, wait..." humahangos si Seb habang humahabol sa akin.Tiyak magagalit na naman 'to kapag nalaman niyang maglilinis ako ng bahay ng ibang tao na mag-isa. What should I do now? Ayaw ko rin naman mag-sinungaling sa kanya. Bahala na nga."O Seb, wala ka bang pasok ngayon?" tanong ko.Sa pagkakaalam ko kasi may klase pa siya kaya nagtataka ako at hinahabol ako nito ngayon."May klase pa ako, ibibigay ko lang ito sayo." Aniya sabay pakita s

    Last Updated : 2023-04-14
  • The Billionaire's Soulmate   Chapter 6

    "ALL of you listen! Kung ayaw ninyong mawalan ng trabaho umayos kayo! I didn't pay you para umupo at makipagchismisan lang dito sa kumpanya ko!"It's too early in the morning but I'm already not in the mood. Who will be, kung maaabutan mong nag-chi-chismisan lang ang mga empleyado mo? It's fucking 9:00 o'clock in the morning, too early for this bullshits. Kung hindi pa ako bumaba dito sa floor nila malamang buong araw walang nagawa 'tong mga pulpol na 'to. Nagkamali pa ata ako sa pagpili sa mga 'to."You!" I shifted my gaze at Engineer Meneses. "Did you finish the site development plan for Batangas project?" I saw the fear in her eyes. She's a new employee and a new breed of Civil Engineer. I hired her dahil maganda ang stats niya. All of my employees are personally screened by me. Dani will send their CVs to me and I'll do the interview online. Ayoko sa hindi magagaling, walang lugar sa kumpanya ko ang mga b*bo."I will submit later Engr. Ortega." sagot nito sa akin. I'm using Ortega

    Last Updated : 2023-04-14
  • The Billionaire's Soulmate   Chapter 7

    "GOOD morning, Engineer!"My employees greeted in unison as soon as I enter my company building. Lahat sila tumahimik nang hindi ako nagsalita. Ang mga tunog lang ng takong ng aking sapatos ang tanging maririnig.Taas noo akong naglakad at hindi man lang bumati pabalik sa kanila. I don't want to show them any emotion.Tumabi ang mga empleyadong nakapila sa elevator para padaanin ako. Lahat sila ay nakayuko at parang takot na makita ang aking pagmumukha. As soon as I step inside my private lift walang nag-tangkang umangat ng kanilang paningin sa akin.Better.I stared at my favorite Bulgari Serpenti tubogas watch while waiting for the elevator to reach my floor. This watch reflects my style. It screams glamour and danger. Para itong ahas na nakapulupot sa aking kamay.Parang ako ngayon... makamandag.I'm extra glam up today dahil magkikita kami ni Sebasian mamayang gabi. Tumawag siya sa akin at may sasabihihin daw.Sinadya kong magpaganda at baka kung ano na naman ang sasabihin nito sa

    Last Updated : 2023-04-14
  • The Billionaire's Soulmate   Chapter 8

    Akala ko ayos na ako. Na hindi na ako apektado pero ilang metro palang ang tinakbo ng sasakyan ko huminto ako dahil naramdaman ko ang paninikip sa aking dibdib.I parked the car again and texted Seb where I am. Tulala ako habang nasa loob ng aking sasakyan, patuloy na tumutulo ang mga luha sa aking mata. Why do I have to see her again? Ilang taon na ang nakalipas but why I can still feel the pain.Nakarinig ako ng katok mula sa bintana. Pag-angat ko ng aking tingin, nakita ko ang nag-aalalang mukha ni Sebastian.I unlock the car and he immediately get inside. Concern is evident in his midnight black eyes as he stares at me."Saph..." I sobbed as I heard him called my name. Pakiramdam ko nakahanap ako ng kakampi."Seb..." My voice broke. I tried stopping my tears but it won't. Patuloy ito sa pag-uunahan sa aking pisngi. "Why I can still feel the pain Seb? Ayaw ko na nito, gusto ko nang makawala dito.""Shhh..." he whispered and pulled me gently to him. Napakapit ako sa damit niya haban

    Last Updated : 2023-04-14
  • The Billionaire's Soulmate   Chapter 9

    PAPALABAS na ako sa boarding house nang biglang tumunog ang aking cellphone. When I checked my phone, it was Derick who's calling me. Napahinto ako sa aking paghakbang at sinagot ko muna ang tawag niya."Hello?" abot kaba ang aking nadarama dahil baka ang babaeng nakasagot kanina ang tumatawag sa akin."Love, nasaan ka?" napapaos pa ang boses nito sa kabilang linya at mukhang kakagising lang niya. Hindi muna ako sumagot, nanatili akong tahimik at pinapakinggan baka sakaling may marining akong magsalita sa tabi niya."Love? Still there?" sabi nito nang wala itong marinig na sagot mula sa akin. Hindi pa rin mapalagay ang utak ko sa boses na narinig ko kanina."Yes." mahina kong sagot sa kanya."Pasensiya ka na Love kung hindi ko nasagot ang text at tawag mo kanina. Sobrang busy ko kasi sa opisina ngayong araw Love. Ang dami kong plans na ni-review, alam mo naman si Kuya hindi ako titigilan kung hindi ko matapos lahat." Dinig ko pang humikab ito.He must be really tired, dama ko ang pago

    Last Updated : 2023-04-14
  • The Billionaire's Soulmate   Chapter 10

    "HI Sapphira!" malambing na tawag niya sa pangalan ko.I froze when I heard her called my name. Hindi ako pwedeng magkamali, kaparehas ito ng boses na narinig ko kagabi. Bigla na naman lumakas ang tibok ng puso ko. Parang sirang plaka na paulit-ulit na nagpi-play sa utak ko ang boses niya.I heard her footsteps coming near me. I remained seated and didn't bother to turn my face at her.Pumunta ako rito sa likod ng building namin dahil gusto kong magpahinga kahit saglit. Buong gabi akong hindi nakatulog kaya medyo masama ang aking pakiramdam. Pero hindi ko inaasahang mahanap niya ako rito.Mabuti na lang at inanunsiyo kanina na halfday lang kami ngayon, gusto kong matulog mamaya pag-uwi sa boarding house namin. Medyo nahihilo na ako at pagod na ang utak ko sa kakaisip.Umupo ito sa aking tabi kaya napalingon ako sa kanya.How can she look so beautiful even with the simple clothes that she's wearing? I noticed that most of the time her clothes are plain and simple but nevertheless she s

    Last Updated : 2023-04-14
  • The Billionaire's Soulmate   Chapter 11

    TAHIMIK kaming dalawa habang nasa loob ng kanyang sasakayan. Tunog lang ng aming mga paghinga ang tanging maririnig. Ramdam ko ang tensyon sa pagitan namin dalawa pero wala ni isang nangahas magsalita.Mahigpit ang pagkakahawak niya sa manibela at halos mamuti na ang kamao niya sa sobrang higpit na pagkahawak niya rito. Ang tapang ng kanyang anyo habang diretso lang ang tingin nito sa kalsadang dinaraanan namin.Pero wala akong pakialam, kung galit siya pwes mas galit ako sa kanya!I'm so furious and I couldn't contain my anger now. Gusto ko siyang sigawan at murahin pero pilit kong pinipigilan ang sarili ko at baka ma-disgrasya pa kaming dalawa. How dare him na paglaruan ako? May pa-promise-promise pa siyang nalalaman!I'm living a peaceful life tapos bigla lang siyang dumating para ano, guluhin ako? Kabago-bago pa lang ng relasyon namin tapos ngayon pinaglalaruan niya na ako?I don't give a damn kahit gaano ko pa siya ka mahal. I can't allow him to play with my emotions."Tang ina!"

    Last Updated : 2023-04-14

Latest chapter

  • The Billionaire's Soulmate   Epilogue Last Part

    "Andito ka na naman? Ilang taon na ba ang nakalipas,hindi mo parin siya mahanap?" Tanong sa akin ni Nanang na nagbebenta nang mga bulaklak sa harap nang simbahan. Marahan lamang akong umiling sa kanya. At kapag ganito ang naging sagot ko hindi na ako nito kinukulit pa. Today is supposed to be our wedding anniversary. Yearly bumabalik ako dito na may dalang bulaklak para sa kanya. I've been doing this for 9 years already. "Love, kung saan ka man ngayon, sana...sana bumalik ka na..." hindi ko maiwasang mapaluha sa tuwing naaalala ko ang luhaang mukha niya. "I'm sorry for being weak,Love. Kung sana naging matapang lang ako hindi ito nangyari sa atin...Please Love bumalik ka na... I can't take it anymore...sobrang sakit na nang puso ko Love..." sumbong ko sa kanya na parang nasa harap ko lang siya. Palaging ganito na lang ang eksena sa tuwing anniversary nang kasal sana namin. I spent my whole day staying in front of the church trying my luck...na baka sakaling maisipan niyang bumali

  • The Billionaire's Soulmate   Epilogue Part 2

    It all started that night. From then, I already marked her in my mind. I marked her 'my soulmate' it may seem silly but that's what I feel about her. I can still remember how I make reason just to come to their university for me to have a look at what she's doing. Gusto kong makita kung sinong mga kaibigan niya o kung anong pinagkakaabalahan niya. But I think I made the wrong move 'coz I almost end up beating her friend or maybe boyfriend who's so arrogant as if he owned her.I'm planning how to get her attention but I think destiny is on my side. Pauwi na ako sa condo nang makita ko sila nang kaibigan niya sa tabi nang daan na parang naghihintay ng tulong.Tinigil ko ang sasakyan at halos lumabas ang puso ko sa sobrang takot at pag-aalala nang makita ko ang duguan nitong mukha. Nanginginig ang mga kamay ko habang nagmamaneho papuntang pagamutan. Thanks God at hindi naman malala ang tama nang bato sa ulo niya.I offered her a job. Actually double purpose yun. I want to help her fin

  • The Billionaire's Soulmate   Epilogue Part 1

    Vin Derick's POV "Bakit naman kasi di mo na lang hingin kay Calyx ang location nang resort na yan? Kanina pa tayo paikot-ikot dito sa islang to. We're just wasting our time here, sana di na lang tayo sumunod!" reklamo ni Kathiana. Alam kong kanina pa ito naiinis kasi hindi ko mahanap-hanap ang resort kung saan nandon na ang mga kaibigan namin. We'll be having our post celebration for our graduation. Actually it's Calyx idea. Palagi daw sila dito nang family niya every summer. Since wala din naman kaming gagawin ni Kath inaya ko itong sumama kami kina Calyx at sa iba pa naming mga kaibigan. "Babe, relax... I already texted Calyx but he still didn't answer baka nagkakasiyahan na sila doon." Malambing kong sagot dito. Mainipin ito kaya iniintindi ko nalang, siguro dahil na rin sa edad niya. Kath is my girlfriend and my little sister's bestfriend. She's five years younger than me. Mabait naman ito yun nga lang medyo spoiled nag-iisang anak kasi. But I don't have any problem with that

  • The Billionaire's Soulmate   Chapter 40

    "No! Don't...please don't" napabalikwas ako at malakas na napahagulhol.Napanaginipan ko ang nangyari sa pagitan namin ni Sebastian at ang mga pinaggagawa ni Kathiana sa akin...sa amin.Nanginginig ang buong katawan ko at sobrang bilis ang tibok ng aking puso na halos hindi na ako makahinga. Pakiramdam ko namamawis ang aking buong katawan at nanginginig ang mga laman ko.Parang gustong bumaligtad nang aking sikmura nang maalala ko ang ginawa sa akin ni Sebastian. Pero hindi ko ito masisi dahil alam kong wala siya sa tamang katinuan.Muli akong napaiyak nang muli kong narinig sa utak ko ang boses ni Kathiana. Ang tawa nitong parang tuwang-tuwa sa mga pinapagawa niya kay Sebastian. Ang mga salitang binitawan nito sa tuwing nakikitang nitong nahihirapan ako.How can she do such horrible things to us? Hindi ba siya natatakot sa Panginoon? Sobrang laki ang kasalanan niya sa akin, sa aming lahat. Dahil sa maling pag-ibig niya para kay Derick handa itong pumatay.Basang-basa na nang mga luha

  • The Billionaire's Soulmate   Chapter 39

    Agaw atensyon si Sapphira habang naglalakad kami papunta sa stage kung saan magbibigay siya nang kanyang speech para sa opening nang bago nitong modelling agency.I'm so proud of her lalo nung nalaman kong ginagawa niya ito para sa kaibigan niya. She really never fail to help those people who stayed with her during the rough times of her life.She looked so hot and sexy in her dress but it's too revealing for me. Plano ko talagang buntisin ito para hindi na ito makapagsuot nang ganitong damit. At pakiramdam ko may laman na nga ito. Kailangan ko lang maka sigurado.If I've proven that she really is pregnant I will really make sure na magiging asawa ko na siya. Pakakasalan ko ito sa ayaw at sa gusto niya. Sapilitan na kung sapilitan hindi na ako makakapayag na mawala ulit sila nang anak ko sa akin.Hindi ko maiwasang mapamura sa isipan ko habang nakikita ko ang tingin nang mga kalalakihang dumalo sa event na to. Kung papayag nga lang siyang tanggalin ko itong coat na suot ko para ibalab

  • The Billionaire's Soulmate   Chapter 38

    Warning: Contains sensitive topic please be aware. Kung may trauma po kayo,please skip this chapter.Napapitlag ako nang biglang may humawak sa akin. Ang mga palad nito ay mainit at dinig ko ang malakas na paghinga nito na tila nahihirapan."Seb?" Tanong ko dahil wala akong makita sa sobrang dilim ng paligid."Saph..." sagot nito sa napapaos na boses. Halos pangilabutan ako nang inilapit nito ang mukha niya sa akin. Ang hangin mula sa kanyang hininga ay pumapaypay sa aking mukha. Marahang gumapa ang mga kamay niya sa batok ko at marahan niya itong minamasahe. Kinikilabutan ako. Bakit ganito ang paraan nang pagkahawak ninSebastian sa akin. Iba na ang nararamdaman ko, biglang bumilis ang tibok nang aking puso.Hindi ito normal na kilos ni Sebastian. I know something is wrong. His breathing is heavy and he is panting.Duda akong may kinalaman dito ang itinurok nang mga tauhan ni Kathiana sa kanya kanina bago namatay ang ilaw. Oh my God. I gasped when realization hits me, they injected dr

  • The Billionaire's Soulmate   Chapter 37

    Nagising akong nakatali ang dalawang kamay at paa ko sa kama. Kahit anong pagpupumiglas ko hindi ko kayang kalasin dahil sobrang higpit ang pagkakatali nito.Sobrang dilim nang paligid at wala akong maaninag kahit konti man lang, nagsimula nang manikip ang dibdib ko at nahihirapan na akong huminga. May takot ako sa dilim pero kailangan kung labanan.Pakiramdam ko basang-basa na ako ng pawis dahil sobrang init dito sa loob.Gusto kong sumigaw pero pilit kong pinapakalma ang aking sarili.I have to be strong. Hindi makakatulong sa akin kung magpapadala ako sa takot ko ngayon. Kailangan kong makapag-isip nang paraan paano ako makalabas dito.I need to be strong for my son. Kailangan kung makaligtas para sa anak ko. Kailangan ako ni Drake.Saan na kaya si Derick? Sana ligtas din ito. Sana hindi siya yong narinig kung dumaing sa likuran ko nung dinukot ako. I need his help. Sana mahanap niya ako bago pa mahuli ang lahat.Sinubukan ko ulit igalaw ang aking mga kamay baka sakaling lumuwag ang

  • The Billionaire's Soulmate   Chapter 36

    Time flies so fast. The celebration for Drake's 10th birthday was successful. Ipinakilala kami sa lahat nang mga kakilala nang mga Valderama na imbitadao sa kaarawan nang anak ko. Nagmistula itong awards night sa daming mayayamang bisita na inirampa ang naggagandahang mga soot nang mga ito. Yong iba mainit ang pangtanggap sa amin pero hindi rin maiwasang marami ang nagtataasan ang kilay. Lalo na sa akin, pero wala silang maipintas. I'm independent and successful in my own way. May sarili akong kumpanya, hindi man ako kasingyaman nang mga Valderama atleast may maipagmamalaki din akong akin. I worked hard to earn it, kaya wala akong dapat na ikahiya sa kanila.May narinig pa nga akong nagbubulungan na kesyo yaman lang nila ang habol ko, gold digger daw ako at ginagamit ko lang ang anak ko para masilo si Derick pero wala akong pakialam. I know my worth. I don't need to tell them my story. They only know me by name, but not my whole being. Sino sila para husgahan ako?Pasalamat din ako

  • The Billionaire's Soulmate   Chapter 35

    "Love?" Tawag nito sa akin.He's on the driver's seat while I'm busy following on Carlo about my new business venture.Nagustuhan ko ang location nang building for the new modeling agency that I will put up. Konting renovation lang for the interior then it's good to go.In three weeks time, we'll have the opening.Everything is set. Carlo alreay contacted all his friends from the industry. Madami daw ang gustong lumipat kasi hindi na nila nagugustuhan ang pamamalakad sa kabilang agency, ang kina Kathiana."Mmm?" I just hummed, kasi pina follow-up ko din si Dani tungkol sa update ng Batangas project. I want to check about what happened last time , if it was just an accident and not inside job. I want to know the result of the investigation.I'm a bit busy lately kaya hindi ko ito natutukan. Good thing that Dani is always there to take full responsibility in my behalf." Can I stay in your office today, Love?""Huh?" Naguguluhan kong tanong. Araw-araw na itong nakatambay dito sa opisina

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status