Share

Chapter 2

Author: LadyAva16
last update Last Updated: 2023-04-11 14:40:58

"Baby girl, how are you?"maarteng bati ng bakla sabay beso kay Kathiana pagpasok namin dito sa sinasabing niyang agency nila.

Inilibot ko ang aking tingin sa paligid. Talagang mapapa-wow ka sa ganda ng interior design nila. The details are superb, alam mong hindi putcho-putcho yung nag-plano nito.

Napansin kong ang daming magagandang babae at lalaki ang labas masok sa gusali. Ito siguro yung sinasabi ni Kathiana na mga models na mina-manage ng kanilang agency.

Bigatin pala talaga itong si Kathiana, pero hindi man lang halata sa kilos nito. I mean maganda siyang manamit, bagay sa kanya dahil maganda rin naman siya pero hindi mo talaga siya makitaan ng hangin sa katawan.

"Mama O." b****o rin ito sa bakla. Ganito talaga pag mga sosyal noh beso-beso talaga, eh kaming dalawa ni Daphne apir lang okay na.

"I'd like you to meet Sapphira, siya yung sinasabi ko sayong representative namin for the Miss Intramurals." Nakangiting pakilala ni Kathiana sa akin.

Umayos ako ng tayo kasi ako ng tingin ng bakla mula ulo hanggang paa. Pagkatapos humakbang ito palapit sa akin at hinawakan ang magkabilang kamay ko. Muntik ko pa siyang maitulak sa pagkabigla ko.

"Oh my gosh baby girl! Bakit ngayon mo lang dinala rito itong kaibigan mo? She's so pretty! Bagay sa kanya maging model ng mga creations ko!" nakatikwas ang kamay nito habang nagsasalita.

"Ang ganda mong bata. Bakit ngayon ka lang nagpakita sa akin?" dagdag papuri niya sa akin.

"Pretty right? Sabi ko sayo bagay siya maging model Mamsh, kaso ayaw niya eh." naka-pout pang sabi ni Kath sa tinawag niyang Mama O.

Nahiya naman ako sa papuri nila. Hindi naman kasi ako sanay na pinupuri ng harap-harapan talaga. Bahagya akong ngumiti sa kanya dahil nakita kong titig na titig ito sa akin. Sobra naman makatitig to si Mama O! Akala mo gandang-ganda sa akin, baka china-charot lang ako nito eh.

"Mamsh! " pinitik ni Kathiana ang kamay sa harap ni Mama O dahil mukha itong namaligno sa uri ng tingin niya sa akin. Para tuloy gusto kong maniwala na nagagandahan talaga siya sa akin.

"Yes darling! Ako nang bahala sa kaibigan mo." tsaka hinila ako nito sa isang silid kung saan doon nakahilera ang ibat-ibang klase ng mga damit.

"Make sure Mama O na magaganda iyang ipapasuot mo kay Saph ha, last year na namin ngayon. Gusto ko na manalo kami sa huling taon namin." Pahabol ni Kathiana.

"Sure darling, akong bahala sa lahat. Pati sapatos, make-up artist at lahat-lahat na. Papayag ba naman akong matalo ang alaga ko?"

"Very good, Mama O. You know me, I won't accept defeat."

Umabot kami ng kalahating araw doon sa studio nila Kathiana. Kung anu-anong damit, sapatos at iba pang mga props na aking gagamitin ang pinasukat sa akin. Kung alam ko lang na ganito pala karami ang gagawin, hinding-hindi talaga ako papayag.

Akala ko Madali lang ang lahat pero ang hirap pala. Ilang araw din kaming pabalik-balik ni Kath sa studio nila para mag-ensayo. Pero pasalamat na lang din ako dahil marami akong natutunan. Kahit paano may bago akong dagdag kaalaman at experience. Kahit nga ang pagsagot sa Q&A tinuro din ni Mama O sa akin. He is very nice and professional. Halatang alam talaga nito ang trabaho niya. Tsaka sobrang tiyaga niya sa akin.

Mabuti na lang din at todo suporta si Kath. Hindi talaga ako nito iniwan. Tinuruan pa nila ako ng tamang paglakad at tamang pag-ikot suot ang gown na aking gagamitin. Ang arte-arte pa ni Mama O, nananakit na nga ang paa ko sa kakalakad nang naka heels ayaw pa akong patigilin.

In between our practice, he keeps convincing me to accept his offer to be one of their models pero hindi ko talaga kaya. Ito pa nga lang practice namin nahihirapan na ako. Paano na lang kapag nag-mo-modelling na, aba'y tiyak paltos ang aabutin ko.

Kung hindi pa si Kath ang nagsabing tumigil na kami baka hanggang hating-gabi pa kami mag-pa-practice. At araw-araw yun.

Kaya sigurado na akong ayaw ko sa mga model-model na yan, ang hirap ng trabaho nila. Hindi ko kakayanin!

Itong sa pageant na lang ang seseryosohin ko. Naisip ko na pumayag na lang din naman ako eh di galingan ko na lang din. I did may best to follow all Mama O's instructions. The training was hard but it's all worth it.

Na-impressed pa nga si Mama O sa akin, madali lang daw akong turuan. Anong madali? Kung di lang ako nahiya kay Kath nagback-out na ako eh. Pero nandito na ako, wala nang atrasan 'to.

Ito pa ba aatrasan ko? Subject ko nga sa engineering na sobrang hirap ipinasa ko, ito pa kaya? Charot!

"Ladies and gentlemen! Candidate number 3 from Engineering Department, Miss Sapphira Audrey Mendez!" malakas na hiyawan ng mga studyante ang aking narinig bago ako nagsimulang rumampa.

Nawala ang lahat ng kaba hiya ko pagkatama ng spotlight sa akin. I walked slowly and elegantly in every corner of the stage gaya ng itinuro ng team ni Mama O sa akin. I gracefully turned around and pose like a pro with a sweet smile plastered in my face.

Tumingi ako sa kaliwang bahagi ng stage kung saan naka-pwesto ang mga engineering students at ngumiti sa kanila. Dahil sa ginawa kung yun lalong naghihiyawan ang mga studyante ang iba ay kinalampag pa ang drums na dala.

I'm dressed in a floor-length tulle sequined mermaid v-neck sleeveless sexy dress. It emphasizes my curves perfectly at backless ito, kaya kitang-kita ang makinis kong likod sa tuwing umiikot ako.

"We love you Sapphira!" narinig kong sigaw kaya lalo akong napangiti.

Nakita kong proud na proud si Mama O sa pinakita kong pag-rampa. Si Kathiana ang may dala ng camera at kanina pa ito ako nito pini-pictureran. Ang mga katropa naman niya kasama si Dani ay hindi magkandaugaga sa pagtaas ng banner na dala nila.

What a suppport coming from them. So overwhelming kaya nawala lahat ng inhibisyon ko sa katawan. I have to show my best dahil sa suportang ibinigay nila sa akin.

Lalo akong ginanahang maglakad sa stage hanggang sa huminto ako sa gitna kung saan nakapwesto ang host na magtatanong sa akin.

Kinakabahan akong tumabi sa kanya pero hindi ko iyon pinahalata. Sabi nga ni Mama O dapat palaging may grace under pressure. O' di ba? Isinaksak ko talaga sa utak ko yon.

"Good evening, Miss Mendez. How are you feeling?" tanong ng kapederasyon ni Mama O.

"Good evening too, I'm fine, thank you." sagot ko at ngumiti ako nang matamis sa kanya.

"I love you Miss Engineering!" sigaw mula sa crowd ng engineering department kaya nag-tawanan ang mga nanonood.

Alam mo naman 'pag nasa engineering department ka, lahat na yata na klase ng studyante nandoon, kaya ano pang inaasahan mo.

Napatingin ako sa gawi kung saan may sumigaw at tumingin ako sa mga judges. Lahat sila nakangiti na din ngayon pero may isang judge na lalaki ang pamilyar sa akin ang mukha na wala man lang kangiti-ngiti. Seryoso lamang itong nakatingin sa akin.

He really looked familiar. I'm trying to remember kung saan ko siya nakita pero hindi ko talaga maalala kaya binalewala ko na lang. Mamaya ko na lang ulit aalalahanin at may tanong pa akong dapat sagutin.

"Okay! Candidate number 3, please pick one envelope from here, whoever is written inside it will be the one to ask your question." inilapit nito ang mga envelop kaya kumuha ako ng isa at ibinigay sa kanya.

"Are you ready?" I confidently smiled at him.

"Okay here we go. Your question for tonight will come from our handsome judge, The VP of Valderama Construction and Land Development Corp. Mr. Vin Derick Valderama."

Kumalabog ang puso ko. Napatitig ako sa mukha niya lalo na sa kanyang mga mata. Malayo siya sa akin pero dama ko ang intensidad ng mga titig niya. Para bang umaabot hanggang sa kaibutaran ang paraan ng pagtitig nito sa akin.

Oh wait! Naalala ko na! Siya si Kuyang namakyaw ng isda ko sa palengke three years ago. Kaya pala pamilyar ang pagmumukha niya sa akin. I remained smiling, hindi ko pwedeng ipakitang kinakabahan ako.

He looked more matured now. Sobrang layo sa porma niya nung pumunta sila sa isla. I never expected na magkikita kami ulit.

Sobrang gwapo nito sa suot niyang formal suit, black coat and pants and dark green polo na panloob, para itong modelo. His hair is short and spiky in front plus crew cut that makes him more gorgeous. There's something uniquely provocative about this man. He looks rough and intellectual at the same time.

"Good evening, Miss Mendez." He said in a baritone voice. Shocks ang ganda ng boses ni Kuya, parang nagwawala 'yong mga paru-paro sa tiyan ko.

"Good evening." I replied, showing him my best smile.

"Here's your question..." he took a glance at the paper in front of him. "Do you believe in soulmates?"

I was shocked at his question para akong nag-spaced out. I never expected that it will the question for me. Akala ko kasi mga current events. I wasn't prepared for this type of question at hindi din namin ito na-practice ni Mama O.

Pahirapan naman itong si Kuyang pogi, ano ba yan! But I have to answer him.

Well, naniniwala nga ba ako?

"Yes." I answered confidently but deep inside parang lalabas na ang puso ko sa sobrang kaba. Ano kaya ang follow-up question nito sa akin.

His grey eyes are sharp but pleasant, matching his pointed nose and heart-shaped lips. His prominent jaw and square chin give him the appearance of a Greek god. He looks so handsome. Kulang ang salitang yun para ilarawan ko kung gaano siya kagwapo.

May mga tao pala talaga na biniyayaan ng sobrang kagandahan at kagwapuhan gaya na lang nitong lalaking nasa harap ko ngayon. Siguro nung nagsabog ng kagwapuhan ang Panginoon, gising na gising ang mga parents niya at nasalo lahat.

Matamis akong ngumiti sa kanya at lalong naging seryoso ang tingin nito sa akin. Ibang-iba sa Kuyang nakilala ko sa palengke dati.

"How do you know that someone is your soulmate then?" he followed up.

Kahit hindi namin ito napag-practice-san nila Mama O, I have to answer him from the heart. Manalo man o matalo at least I gave them my best shot. Hindi naman kasi usual questions sa mga pageants 'tong itinanong niya sa akin.

I relaxed first, calmed my breathing and give him my sweetest smile.

"You just know it. They could be your brother, sister, friend, random person you met along the way, or someone you've met before. You'll know you've found your soulmate when you accept a person for who they are and don't try to change anything about them." I paused for a while then continue.

"With your soulmate, you also feel a sense of oneness, as if you've found the half that will make you whole. No words are needed, you understand and complement each other. Someone who can let you feel the inner peace and warmth in your heart. I believe that he or she is the person who stands by your side at your best moments cheering you on, and the same person who stands by your side during your most tragic failures. Thank you."

The crowd went wild after hearing my answer. Nagsisigawan ang mga studyante sa kanilang mga papuri sa akin. Hindi rin ako makapaniwala sa naging sagot ko. Iyon ang lumabas sa bibig ko dahil 'yon nilalaman ng puso ko. Other judges also nodded as if they agreed on my answer. Pagtingin ko sa kanya nakita kong bahagya umangat ang isang sulok ng labi niya pagkatapos may maliit na ngiti na gumuhit dito.

Oh shit! He looks more dashing and handsome when he smiles.

"Very well said candidate number 3!" sabi ng host sa akin bago ako tumalikod at pumunta sa back stage.

"Oh my gosh BFF! Ang galing galing mo talaga!" tumitiling bati ni Daniella sa akin sa back stage.

"You nailed it girl! Sabi ko sayo eh!" niyakap pa ako ni Kath habang pautoy ito sa pagpuri sa akin.

Hindi ko tuloy alam kung may laban ba talaga kami. Magaganda din naman ang sagot nung iba. Yung mga tanong sa kanila ay yung mga tanong na talagang pang-pageant. Hindi yung mga soulmate-soulmate kagaya nung sa akin.

Tinawag ulit ang lahat ng contestant na bumalik sa stage para sa awarding of winners. Nanginginig ang tuhod ko habang naghihintay kung sino ang ipo-prokalamang Miss Intrams sa taong ito. Maayos man ang naging sagot ko pero hindi ako kampante na ako ang mananalo. Magagaling din ang representative ng ibang colleges.

"This year's Miss Intramurals is..." binuksan ng host ang envelope at ngumiti sa aming mga kandidata. Tinanong pa nito ang mga studyante kung sino ang bet nang mga ito. Kanya-kanyang sigawan ang lahat sa kanilang mga pambato.

"Congratulations... Candidate number..." drum roll. "3! From the College of Engineering! Miss Sapphira Audrey Mendez!"

I don't know what to feel. Napako ako sa aking kinatatayuan. I can't believe na ako ang tatanghaling winner sa taong ito. Totoo ba talaga to? Bakit? Dahil ba doon sa naging sagot ko?

"Miss Mendez, please come forward!" natatawang tawag ng host sa akin. Doon pa lang ako gumalaw at sinimulang naglakad papunta sa harap.

Ipinatong sa ulo ko ang korona ng dating nanalong Miss Intrams at nag-picture kami kasama ang iba pang mga nanalo. Para akong nakalutang. Nakangiti ako pero wala talaga doon ang isip ko. Hindi pa rin ako makapaniwala.

Everyone congratulated me. Sabi nila deserve ko daw manalo. Ang galing daw ng pagrampa ko at ang ganda ng sagot ko. Ngiti lang ang naging ganti ko sa kanila.

I was speechless, still can't believe that I really left a legacy like what Kathiana said.

After the picture, pumunta na ako sa likod. I didn't get the chance to be close to him during the picture taking with the judges dahil hindi naman ito lumapit sa akin. Sa pinakadulong pwesto ito malayo sa akin tumayo.

Siguro nga nakalimutan na niya, na ako 'yong binilhan niya ng isda dati sa isla. Akala ko pa naman maalala niya at e-congratulat niya rin ako pero hindi nangyari.

I feel little bit sad but... it's fine, ganoon talaga ang buhay. Sayang at naging isnabero na siya ngayon. Mukhang palakaibigan pa naman siya nung unang kita ko sa kanya sa isla.

It's a great feeling knowing that your effort paid off. Tuwang-tuwa si Mama O pati ang team niya. Si Kathiana at Daniella ay naiyak pa sa sobrang kasiyahan. Ang buong Engineering Department ay nagbunyi sa aking pagpakapanalo. After 5 years nakuha ulit ng department namin ang korona.

They are all so happy and proud of me. Binigyan pa ako ni Mamu ng gift at calling card sakaling magbago ang isip ko at tanggapin ko ang alok niyang pagmo-modelo.

I felt so elated. Walang paglagyan ang saya ng puso ko. Kung buhay pa siguro si Mama, siya ang pinaka-masaya para sa akin. Ito ang matagal niyang pangarap, sabi niya pa noon kahit isang beses lang masubukan kong sumali sa ganitong contest. Pero kahit wala na sila ni Papa, inaalay ko pa rin ang tagumpay ko sa kanila.

"Congratulations Miss Mendez." I heard a baritone voice talking behind me.

Natahimik kami ng mga kaibigan ko dahil hindi namin inaasahan ang lalaking babati sa akin ngayon. Nandito kami sa parking lot dahil ihahatid kami ng driver ni Kathiana pauwi sa boarding house namin ni Dani.

"Oh my gosh ang gwapo niya!"

"Sh*t he's so hot!"

"Akin siya gurl, back off!"

Dinig kong bulung-bulungan ng mga babaeng nasa paligid lang. Agad akong napalingon sa pinang-galingan ng boses. Pagkakita kong siya, para akong na-hipnotismo sa paraan ng pagtitig niya sa akin.

He extended his arm, para makipagkamay sa akin. Habang ang isang kamay nito ay may dalang fresh bouquet of flowers.

Kung hindi pa ako siniko ni Daniella hindi ko pa namalayang nakatulala na pala ako sa kanya.

"For you." Pati ang boses niya parang may kakaibang hatid sa akin. "I hope you'll like it."

"Uhm, thank you Sir." tinanggap ko ang kamay niyang nakalahad at ang bulaklak na binigay niya sa akin.

Wala itong ibang sinabi sa akin, nanatili lamang itong nakatitig. Ganun din ako sa kanya. Parang tumigil saglit ang pag-ikot ng mundo sa pagitan naming dalawa. Kita ko ang lamlam ng kanyang abuhing mata.

The reflection from the night light intensifies the color of his eyes. His expressive gray eyes convey a profound message. Something that I couldn't describe.

"I still remember you...Soulmate." he muttered, ako lamang ang nakarinig sa sobrang hina nang pagkasabi nito.

I gasped, nanlaki ang aking mga mata. He smirked and smiled bago ito nagpaalam sa aming lahat. He didn't even give me the chance to answer him. Nakita ko na lang ang kanyang sasakyan na paalis na sa parking area.

What a night...

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Joy Biaca Ortega Salustiano
very interesting story
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • The Billionaire's Soulmate   Chapter 3

    "Hoy Sebastian! Tigil-tigilan mo nga 'yang bestfriend ko. 'Pag kami hindi nakapag-submit ng plates bugbog ka sa akin!" pagtataray ni Dani sa kaibigan naming architecture student na kanina pa nangungulit sa akin. Noong lumipat kami ni Dani dito sa University, siya ang unang naging close naming dalawa. Nababaitan kami dito kaya kinaibigan namin ni Daniella. Magti-third year kami ni Dani noong lumipat kami dito sa siyudad. Parehas kasi kaming dalawa mataas ang pangarap. Maganda naman 'yong paaralan namin sa isla kaso naisip naming mas maraming oportunidad dito sa city tsaka mas marami kaming mapagkakakitaan ni Dani dito. May pang-tustos kami sa aming pag-aaral. Si Seb ang nagsilbing guide namin ni Dani noong bagong salta pa lang kami dito, kaya naging malapit kami sa kanya. Kahit mayaman ito, hindi ito kailaman nagyabang sa estado ng pamumuhay nila sa amin. Imagine, mag-ta-tatlong taon na rin pala ang pagkakaibigan namin. Good thing, parehas pa kaming tatlo na graduating this year. "D

    Last Updated : 2023-04-14
  • The Billionaire's Soulmate   Chapter 4

    "WHAT are you doing here brute?" Simone asked. "The night is still young bakit nagmu-mukmok ka dito?"Kaya napili ko itong pwesto ko, 'coz I don't want someone bugging me tonight pero nakita pa rin ako nitong mga kaibigan ko.I didn't answer him, I pursed my lips and continue sipping my drink."Woah the Architect is here! I guess we'll be enjoying tonight!" nakangiting bati ni William at umupo pa talaga ito sa tabi ko.What's with these brutes? Bakit ba nila ginugulo ang pananahimik ko rito?"So, what brought Architect Valderama here?" Hindi pa ito nakuntento at nagtanong pa talaga. Can't they just drink in peace?I wonder how come they became friends with my brother, they're so fucking annoying and irritating. Ang iingay pa ng mga bunganga! Lalo na itong si Guerrero na may built-in megaphone sa bibig.I saw Nathaniel walking towards us, hinarang ito ng dalawang babae pero masungit niya lang na tiningnan. Pagkakita niya sa akin, tumango lang ito at umupo sa pwesto niya.Mabuti pa iton

    Last Updated : 2023-04-14
  • The Billionaire's Soulmate   Chapter 5

    KINAKABAHAN ako habang palabas ng university, ngayon kasi ang napag-usapan naming araw na susunduin ako ni Derick dito sa university para maglinis sa condo niya.Hindi nakasama sa akin si Dani ngayon dahil ni-rekomenda kami ni Mrs. Robles doon sa anak ng kumare niya. Sayang din naman kung hindi puntahan ni Dani kaya napilitan kaming maghiwalay ngayon.Babae ang anak ng kumare ni Mrs. Robles kaya hindi rin ako masyadong nangamba para kay Dani tsaka itong si Derick naman nakilala na namin ni Dani so okay lang na ako mag-isang maglilinis sa unit niya."Saph, wait..." humahangos si Seb habang humahabol sa akin.Tiyak magagalit na naman 'to kapag nalaman niyang maglilinis ako ng bahay ng ibang tao na mag-isa. What should I do now? Ayaw ko rin naman mag-sinungaling sa kanya. Bahala na nga."O Seb, wala ka bang pasok ngayon?" tanong ko.Sa pagkakaalam ko kasi may klase pa siya kaya nagtataka ako at hinahabol ako nito ngayon."May klase pa ako, ibibigay ko lang ito sayo." Aniya sabay pakita s

    Last Updated : 2023-04-14
  • The Billionaire's Soulmate   Chapter 6

    "ALL of you listen! Kung ayaw ninyong mawalan ng trabaho umayos kayo! I didn't pay you para umupo at makipagchismisan lang dito sa kumpanya ko!"It's too early in the morning but I'm already not in the mood. Who will be, kung maaabutan mong nag-chi-chismisan lang ang mga empleyado mo? It's fucking 9:00 o'clock in the morning, too early for this bullshits. Kung hindi pa ako bumaba dito sa floor nila malamang buong araw walang nagawa 'tong mga pulpol na 'to. Nagkamali pa ata ako sa pagpili sa mga 'to."You!" I shifted my gaze at Engineer Meneses. "Did you finish the site development plan for Batangas project?" I saw the fear in her eyes. She's a new employee and a new breed of Civil Engineer. I hired her dahil maganda ang stats niya. All of my employees are personally screened by me. Dani will send their CVs to me and I'll do the interview online. Ayoko sa hindi magagaling, walang lugar sa kumpanya ko ang mga b*bo."I will submit later Engr. Ortega." sagot nito sa akin. I'm using Ortega

    Last Updated : 2023-04-14
  • The Billionaire's Soulmate   Chapter 7

    "GOOD morning, Engineer!"My employees greeted in unison as soon as I enter my company building. Lahat sila tumahimik nang hindi ako nagsalita. Ang mga tunog lang ng takong ng aking sapatos ang tanging maririnig.Taas noo akong naglakad at hindi man lang bumati pabalik sa kanila. I don't want to show them any emotion.Tumabi ang mga empleyadong nakapila sa elevator para padaanin ako. Lahat sila ay nakayuko at parang takot na makita ang aking pagmumukha. As soon as I step inside my private lift walang nag-tangkang umangat ng kanilang paningin sa akin.Better.I stared at my favorite Bulgari Serpenti tubogas watch while waiting for the elevator to reach my floor. This watch reflects my style. It screams glamour and danger. Para itong ahas na nakapulupot sa aking kamay.Parang ako ngayon... makamandag.I'm extra glam up today dahil magkikita kami ni Sebasian mamayang gabi. Tumawag siya sa akin at may sasabihihin daw.Sinadya kong magpaganda at baka kung ano na naman ang sasabihin nito sa

    Last Updated : 2023-04-14
  • The Billionaire's Soulmate   Chapter 8

    Akala ko ayos na ako. Na hindi na ako apektado pero ilang metro palang ang tinakbo ng sasakyan ko huminto ako dahil naramdaman ko ang paninikip sa aking dibdib.I parked the car again and texted Seb where I am. Tulala ako habang nasa loob ng aking sasakyan, patuloy na tumutulo ang mga luha sa aking mata. Why do I have to see her again? Ilang taon na ang nakalipas but why I can still feel the pain.Nakarinig ako ng katok mula sa bintana. Pag-angat ko ng aking tingin, nakita ko ang nag-aalalang mukha ni Sebastian.I unlock the car and he immediately get inside. Concern is evident in his midnight black eyes as he stares at me."Saph..." I sobbed as I heard him called my name. Pakiramdam ko nakahanap ako ng kakampi."Seb..." My voice broke. I tried stopping my tears but it won't. Patuloy ito sa pag-uunahan sa aking pisngi. "Why I can still feel the pain Seb? Ayaw ko na nito, gusto ko nang makawala dito.""Shhh..." he whispered and pulled me gently to him. Napakapit ako sa damit niya haban

    Last Updated : 2023-04-14
  • The Billionaire's Soulmate   Chapter 9

    PAPALABAS na ako sa boarding house nang biglang tumunog ang aking cellphone. When I checked my phone, it was Derick who's calling me. Napahinto ako sa aking paghakbang at sinagot ko muna ang tawag niya."Hello?" abot kaba ang aking nadarama dahil baka ang babaeng nakasagot kanina ang tumatawag sa akin."Love, nasaan ka?" napapaos pa ang boses nito sa kabilang linya at mukhang kakagising lang niya. Hindi muna ako sumagot, nanatili akong tahimik at pinapakinggan baka sakaling may marining akong magsalita sa tabi niya."Love? Still there?" sabi nito nang wala itong marinig na sagot mula sa akin. Hindi pa rin mapalagay ang utak ko sa boses na narinig ko kanina."Yes." mahina kong sagot sa kanya."Pasensiya ka na Love kung hindi ko nasagot ang text at tawag mo kanina. Sobrang busy ko kasi sa opisina ngayong araw Love. Ang dami kong plans na ni-review, alam mo naman si Kuya hindi ako titigilan kung hindi ko matapos lahat." Dinig ko pang humikab ito.He must be really tired, dama ko ang pago

    Last Updated : 2023-04-14
  • The Billionaire's Soulmate   Chapter 10

    "HI Sapphira!" malambing na tawag niya sa pangalan ko.I froze when I heard her called my name. Hindi ako pwedeng magkamali, kaparehas ito ng boses na narinig ko kagabi. Bigla na naman lumakas ang tibok ng puso ko. Parang sirang plaka na paulit-ulit na nagpi-play sa utak ko ang boses niya.I heard her footsteps coming near me. I remained seated and didn't bother to turn my face at her.Pumunta ako rito sa likod ng building namin dahil gusto kong magpahinga kahit saglit. Buong gabi akong hindi nakatulog kaya medyo masama ang aking pakiramdam. Pero hindi ko inaasahang mahanap niya ako rito.Mabuti na lang at inanunsiyo kanina na halfday lang kami ngayon, gusto kong matulog mamaya pag-uwi sa boarding house namin. Medyo nahihilo na ako at pagod na ang utak ko sa kakaisip.Umupo ito sa aking tabi kaya napalingon ako sa kanya.How can she look so beautiful even with the simple clothes that she's wearing? I noticed that most of the time her clothes are plain and simple but nevertheless she s

    Last Updated : 2023-04-14

Latest chapter

  • The Billionaire's Soulmate   Epilogue Last Part

    "Andito ka na naman? Ilang taon na ba ang nakalipas,hindi mo parin siya mahanap?" Tanong sa akin ni Nanang na nagbebenta nang mga bulaklak sa harap nang simbahan. Marahan lamang akong umiling sa kanya. At kapag ganito ang naging sagot ko hindi na ako nito kinukulit pa. Today is supposed to be our wedding anniversary. Yearly bumabalik ako dito na may dalang bulaklak para sa kanya. I've been doing this for 9 years already. "Love, kung saan ka man ngayon, sana...sana bumalik ka na..." hindi ko maiwasang mapaluha sa tuwing naaalala ko ang luhaang mukha niya. "I'm sorry for being weak,Love. Kung sana naging matapang lang ako hindi ito nangyari sa atin...Please Love bumalik ka na... I can't take it anymore...sobrang sakit na nang puso ko Love..." sumbong ko sa kanya na parang nasa harap ko lang siya. Palaging ganito na lang ang eksena sa tuwing anniversary nang kasal sana namin. I spent my whole day staying in front of the church trying my luck...na baka sakaling maisipan niyang bumali

  • The Billionaire's Soulmate   Epilogue Part 2

    It all started that night. From then, I already marked her in my mind. I marked her 'my soulmate' it may seem silly but that's what I feel about her. I can still remember how I make reason just to come to their university for me to have a look at what she's doing. Gusto kong makita kung sinong mga kaibigan niya o kung anong pinagkakaabalahan niya. But I think I made the wrong move 'coz I almost end up beating her friend or maybe boyfriend who's so arrogant as if he owned her.I'm planning how to get her attention but I think destiny is on my side. Pauwi na ako sa condo nang makita ko sila nang kaibigan niya sa tabi nang daan na parang naghihintay ng tulong.Tinigil ko ang sasakyan at halos lumabas ang puso ko sa sobrang takot at pag-aalala nang makita ko ang duguan nitong mukha. Nanginginig ang mga kamay ko habang nagmamaneho papuntang pagamutan. Thanks God at hindi naman malala ang tama nang bato sa ulo niya.I offered her a job. Actually double purpose yun. I want to help her fin

  • The Billionaire's Soulmate   Epilogue Part 1

    Vin Derick's POV "Bakit naman kasi di mo na lang hingin kay Calyx ang location nang resort na yan? Kanina pa tayo paikot-ikot dito sa islang to. We're just wasting our time here, sana di na lang tayo sumunod!" reklamo ni Kathiana. Alam kong kanina pa ito naiinis kasi hindi ko mahanap-hanap ang resort kung saan nandon na ang mga kaibigan namin. We'll be having our post celebration for our graduation. Actually it's Calyx idea. Palagi daw sila dito nang family niya every summer. Since wala din naman kaming gagawin ni Kath inaya ko itong sumama kami kina Calyx at sa iba pa naming mga kaibigan. "Babe, relax... I already texted Calyx but he still didn't answer baka nagkakasiyahan na sila doon." Malambing kong sagot dito. Mainipin ito kaya iniintindi ko nalang, siguro dahil na rin sa edad niya. Kath is my girlfriend and my little sister's bestfriend. She's five years younger than me. Mabait naman ito yun nga lang medyo spoiled nag-iisang anak kasi. But I don't have any problem with that

  • The Billionaire's Soulmate   Chapter 40

    "No! Don't...please don't" napabalikwas ako at malakas na napahagulhol.Napanaginipan ko ang nangyari sa pagitan namin ni Sebastian at ang mga pinaggagawa ni Kathiana sa akin...sa amin.Nanginginig ang buong katawan ko at sobrang bilis ang tibok ng aking puso na halos hindi na ako makahinga. Pakiramdam ko namamawis ang aking buong katawan at nanginginig ang mga laman ko.Parang gustong bumaligtad nang aking sikmura nang maalala ko ang ginawa sa akin ni Sebastian. Pero hindi ko ito masisi dahil alam kong wala siya sa tamang katinuan.Muli akong napaiyak nang muli kong narinig sa utak ko ang boses ni Kathiana. Ang tawa nitong parang tuwang-tuwa sa mga pinapagawa niya kay Sebastian. Ang mga salitang binitawan nito sa tuwing nakikitang nitong nahihirapan ako.How can she do such horrible things to us? Hindi ba siya natatakot sa Panginoon? Sobrang laki ang kasalanan niya sa akin, sa aming lahat. Dahil sa maling pag-ibig niya para kay Derick handa itong pumatay.Basang-basa na nang mga luha

  • The Billionaire's Soulmate   Chapter 39

    Agaw atensyon si Sapphira habang naglalakad kami papunta sa stage kung saan magbibigay siya nang kanyang speech para sa opening nang bago nitong modelling agency.I'm so proud of her lalo nung nalaman kong ginagawa niya ito para sa kaibigan niya. She really never fail to help those people who stayed with her during the rough times of her life.She looked so hot and sexy in her dress but it's too revealing for me. Plano ko talagang buntisin ito para hindi na ito makapagsuot nang ganitong damit. At pakiramdam ko may laman na nga ito. Kailangan ko lang maka sigurado.If I've proven that she really is pregnant I will really make sure na magiging asawa ko na siya. Pakakasalan ko ito sa ayaw at sa gusto niya. Sapilitan na kung sapilitan hindi na ako makakapayag na mawala ulit sila nang anak ko sa akin.Hindi ko maiwasang mapamura sa isipan ko habang nakikita ko ang tingin nang mga kalalakihang dumalo sa event na to. Kung papayag nga lang siyang tanggalin ko itong coat na suot ko para ibalab

  • The Billionaire's Soulmate   Chapter 38

    Warning: Contains sensitive topic please be aware. Kung may trauma po kayo,please skip this chapter.Napapitlag ako nang biglang may humawak sa akin. Ang mga palad nito ay mainit at dinig ko ang malakas na paghinga nito na tila nahihirapan."Seb?" Tanong ko dahil wala akong makita sa sobrang dilim ng paligid."Saph..." sagot nito sa napapaos na boses. Halos pangilabutan ako nang inilapit nito ang mukha niya sa akin. Ang hangin mula sa kanyang hininga ay pumapaypay sa aking mukha. Marahang gumapa ang mga kamay niya sa batok ko at marahan niya itong minamasahe. Kinikilabutan ako. Bakit ganito ang paraan nang pagkahawak ninSebastian sa akin. Iba na ang nararamdaman ko, biglang bumilis ang tibok nang aking puso.Hindi ito normal na kilos ni Sebastian. I know something is wrong. His breathing is heavy and he is panting.Duda akong may kinalaman dito ang itinurok nang mga tauhan ni Kathiana sa kanya kanina bago namatay ang ilaw. Oh my God. I gasped when realization hits me, they injected dr

  • The Billionaire's Soulmate   Chapter 37

    Nagising akong nakatali ang dalawang kamay at paa ko sa kama. Kahit anong pagpupumiglas ko hindi ko kayang kalasin dahil sobrang higpit ang pagkakatali nito.Sobrang dilim nang paligid at wala akong maaninag kahit konti man lang, nagsimula nang manikip ang dibdib ko at nahihirapan na akong huminga. May takot ako sa dilim pero kailangan kung labanan.Pakiramdam ko basang-basa na ako ng pawis dahil sobrang init dito sa loob.Gusto kong sumigaw pero pilit kong pinapakalma ang aking sarili.I have to be strong. Hindi makakatulong sa akin kung magpapadala ako sa takot ko ngayon. Kailangan kong makapag-isip nang paraan paano ako makalabas dito.I need to be strong for my son. Kailangan kung makaligtas para sa anak ko. Kailangan ako ni Drake.Saan na kaya si Derick? Sana ligtas din ito. Sana hindi siya yong narinig kung dumaing sa likuran ko nung dinukot ako. I need his help. Sana mahanap niya ako bago pa mahuli ang lahat.Sinubukan ko ulit igalaw ang aking mga kamay baka sakaling lumuwag ang

  • The Billionaire's Soulmate   Chapter 36

    Time flies so fast. The celebration for Drake's 10th birthday was successful. Ipinakilala kami sa lahat nang mga kakilala nang mga Valderama na imbitadao sa kaarawan nang anak ko. Nagmistula itong awards night sa daming mayayamang bisita na inirampa ang naggagandahang mga soot nang mga ito. Yong iba mainit ang pangtanggap sa amin pero hindi rin maiwasang marami ang nagtataasan ang kilay. Lalo na sa akin, pero wala silang maipintas. I'm independent and successful in my own way. May sarili akong kumpanya, hindi man ako kasingyaman nang mga Valderama atleast may maipagmamalaki din akong akin. I worked hard to earn it, kaya wala akong dapat na ikahiya sa kanila.May narinig pa nga akong nagbubulungan na kesyo yaman lang nila ang habol ko, gold digger daw ako at ginagamit ko lang ang anak ko para masilo si Derick pero wala akong pakialam. I know my worth. I don't need to tell them my story. They only know me by name, but not my whole being. Sino sila para husgahan ako?Pasalamat din ako

  • The Billionaire's Soulmate   Chapter 35

    "Love?" Tawag nito sa akin.He's on the driver's seat while I'm busy following on Carlo about my new business venture.Nagustuhan ko ang location nang building for the new modeling agency that I will put up. Konting renovation lang for the interior then it's good to go.In three weeks time, we'll have the opening.Everything is set. Carlo alreay contacted all his friends from the industry. Madami daw ang gustong lumipat kasi hindi na nila nagugustuhan ang pamamalakad sa kabilang agency, ang kina Kathiana."Mmm?" I just hummed, kasi pina follow-up ko din si Dani tungkol sa update ng Batangas project. I want to check about what happened last time , if it was just an accident and not inside job. I want to know the result of the investigation.I'm a bit busy lately kaya hindi ko ito natutukan. Good thing that Dani is always there to take full responsibility in my behalf." Can I stay in your office today, Love?""Huh?" Naguguluhan kong tanong. Araw-araw na itong nakatambay dito sa opisina

DMCA.com Protection Status