Inihatid ni Miles si Kara sa kanyang apartment. Gabi na rin umalis ang bakla dahil maghapon na iyak lamang ng iyak ang dalaga.
Kinabukasan ay nawala na sa internet ang lumabas na eskandalo. Ilang ulit sinubukan ni Kara na tawagan si Victor upang magpaliwanag pero naka-block na ang kanyang number sa lalaki.
Ilang araw rin siyang nagpabalik-balik sa building ng Deschanel ngunit ayaw siyang papasukin ng mga guwardiya.
“Please let me talk to Victor,” pagmamakaawa ni Kara sa security.
Magpupumilit pa sana si Kara nang mapansin niyang nagbubulung-bulungan na ang mga tao sa paligid. Wala na siyang nagawa kung hindi umuwi na lamang.
Pagdating sa kanyang apartment ay dire-diretso si Kara sa kanyang silid at saka pabagsak na dumapa sa kama. Nagawa man ni Victor na ipabura sa internet ang video at balita sa iba’t ibang entertainment news, kalat na kalat pa rin sa buong fashion world ang pangyayari pati ang pakikipaghiwalay sa kanya ni Victor. Kaya sinong may-ari ng clothing line ang kukuha pa sa kanya? Muling naiyak si Kara sa kanyang sitwasyon. Hindi siya makapaniwala na sa isang iglap ay nasira ang pinaghirapan niyang apat na taong career bilang modelo.
Napalingon si Kara sa kanyang bag nang marinig ang assigned ringing tone sa kanyang ama. Agad niyang pinahid ang mga luha at sinikap pasayahin ang boses bago sinagot ang tawag.
“Hi, Dad!”
“Kara,” sagot ng isang babae sa kabilang linya.
Agad namang nabosesan ni Kara ang tiyahin niya. Binalikan pa niya nang tingin ang screen ng kanyang phone upang i-double check kung cellphone number ng kanyang ama ang ginamit. Nang masigurong number iyon ng ama ay nagsimula siyang mag-alala. “Aunt Liv?”
“Yes, this is me, Kara. Please come home, your father had a heart attack,” garalgal na sagot ng kanyang tiyahin.
Matapos malaman sa tiyahin kung saang ospital dinala ang ama ay agad na naghanda si Kara para magtungo sa airport.
Mag-tatanghali nang dumating si Kara sa California, dumiretso na rin siya sa ospital kung saan naka-confine ang ama. Dinatnan niyang mahimbing itong natutulog. Pinagmasdan niya ang mukha ng ama, halatang tumanda ang hitsura nito dahil sa problema sa kumpanya.
May kumatok sa pinto at pumasok ang isang nurse. “Are you the daughter of Mr. Reginald Baker?”
“Yes, how is my dad?” aburidong tanong ni Kara.
“The doctor wants to speak with you outside,” saad ng nurse na agad ding lumabas ng pinto kaya sumunod siya.
Sa labas ay naroon nga ang doktor ng kanyang ama.
“I am Dr. Reynolds, your father had a mild stroke,” bungad nito. Matapos ipaliwanag ang kalagayan ng ama at magbilin upang hindi maulit ang atake ay nagpaalam na rin ang doktor.
Pagpasok ni Kara ay gising na si Reginald na hindi na nagulat nang makita ang anak. Gumuhit ang lungkot sa mga mata nito habang nakatingin sa kanyang anak. Malaki na ang problema niya sa paluging publishing company at ang tanging inspirasyon niya na magsigasig na palaguin muli ang kumpanya ay upang hindi maliitin ng mga Deschanel si Kara ngunit hindi niya inaasahan na masasangkot sa eskandalo ang anak at hihiwalayan ni Victor.
Iniangat ni Reginald ang kanyang kamay na patakbong inabot ni Kara at saka sumubsob sa dibdib ng ama. Hindi napigilang umiyak ng dalaga.
Tinapik ni Reginald ang likod ni Kara at pilit na pinasigla ang boses. “Why are you crying? I’m still alive.”
Lalong naiyak si Kara sa sinabi ng ama. “Dad, it’s not funny.”
“I’m sorry, muffin. I will be fine, stop crying,” pag-aalalo ni Reginald sa anak.
Naupo ng maayos si Kara sa gilid ng hospital bed at saka pinunas ang kanyang mga luha. “I know our company is still struggling. We can save it together; I will help you.”
“Really?” Nabuhayan ng loob si Reginald. Alam niyang ang naiisip niyang solusyon na lamang ang makapagsasalba sa kanilang kumpanya.
“Yes! I’ll do anything for you and the company, Dad,” paniniguro ni Kara sa ama na sinabayan pa niya ng isang ngiti.
“I saw an old friend the other month and we reconnected,” pagsisimula nito.
Tumango si Kara kaya nagpatuloy magkwento ang ama.
“We remembered our promise a few years ago that when we crossed paths someday and you and his son are still single, we will marry you to each other,” seryosong sabi ni Reginald.
Kumunot ang noo ni Kara. Gusto niyang magprotesta pero hindi puwedeng sumama ang loob ng kanyang ama.
“They are willing to invest in our company if you marry his son,” dagdag pa ni Reginald.
“O-okay,” alanganing sagot ng dalaga ngunit natatakot siyang kontrahin ang naiisip ng ama.
Lumiwanag ang mukha ni Reginald sa narinig at nayakap ng mahigpit ang anak. “Thank you, Kara!”
Isang linggong nanatili sa ospital ang ama ni Kara kaya naging busy ang dalaga sa pag-aasikaso rito at pagpunta-punta sa kanilang kumpanya. Dahil dito ay pansamantala niyang nakalimutan ang iniwan na problema sa Paris.
Kahit nang makauwi na sa bahay si Reginald, ang dalaga pa rin ang nag-aasikaso ng kanilang kumpanya. Nalaman niya na kulang na ang sales nila para sa pampasahod sa mga empleyado at nagsimula na ring lumobo ang utang ng kanyang ama.
Pag-uwi ng dalaga sa kanilang bahay, nadatnan niyang nanonood ng balita ang ama sa living room. Masigla itong sumalubong. “Roger called and he said his son agreed to meet us tomorrow.”
Pilit na ngumiti si Kara, siguro nga ay iyon na lamang ang solusyon dahil maging ang ipon niya ay hindi sapat sa utang pa lamang ng ama. Magsasalita sana siya pero napukaw ang atensyon niya sa lumabas na mukha sa telebisyon. Ina-anunsyo na ikakasal na si Victor sa kasamahan niyang modelo at bestfriend na si Allona.
Napamaang si Kara ngunit bago pa makita ng kanyang ama ang balita ay mabilis niyang dinampot ang remote control at in-off ang TV.
“Dad, I remembered I need to meet my friend Leah. Please rest early,” nagmamadaling sabi ni Kara sabay talikod sa ama bago pa tumulo ang kanyang mga luha.
Paglabas niya ay agad siyang sumakay sa kotse at nagmaneho palayo.
Pakiramdam ni Kara ay binibiyak ang kanyang ulo. Nang imulat niya ang kanyang mga mata tumambad ang hindi pamilyar na kisame. Iginala niya ang kanyang paningin at nakumpirma niyang hindi niya silid iyon. Nanlaki ang mga mata niya nang mapansing wala siyang suot na damit at comforter lamang ang nagsisilbing pantakip niya sa kanyang katawan. Napalingon siya sa kanyang kaliwa at halos mapalundag siya nang makitang may katabi siyang lalaki, medyo makapal ang kilay nito, maputi, matangos ang ilong at katamtaman ang kapal ng mga labi. Sanay siyang makatrabaho at may makilalang mga guwapo at mayayamang lalaki tulad ng kanyang ex-boyfriend ngunit maging si Victor ay walang panama sa lalaking mahimbing na natutulog sa tabi niya ngayon.Napansin niyang iisang comforter lamang ang gamit nila kaya dahan-dahang iniangat ni Kara ang kumot upang makumpirma ang kanyang kinatatakutan. Napatakip siya sa kanyang bibig upang pigilan ang sarili na mapahiyaw nang makita niya ang hubad na katawan ng lalaki.
Mahigit isang oras nang nagku-kwentuhan ang kanilang mga magulang habang kumakain ngunit wala pa ring imikan sina Marco at Kara. Ni-minsan ay hindi rin narinig ang boses ni Marco, at kung kakausapin ito ng ina ay tango o ‘di kaya ay pagkibit lamang ng balikat ang isinasagot.Habang si Kara ay pilit pinatatagal ang kanyang pagkain kahit pa kakarampot lang naman ang laman ng kanyang plato. Nainis ang dalaga sa kanyang sarili dahil kahit na anong pigil ay nagnanakaw pa rin siya ng sulyap sa lalaking nasa kanyang harapan na busy sa kung sinomang ka-chat sa kanyang cellphone. Kunot na kunot pa ang noo ng lalaki na para bang may sino-solve na problema.Maya-maya pa ay nag-vibrate ang cellphone ni Marco dahilan para tumayo ang lalaki at lumabas ng function room.Pagkaraan ng ilang minuto, nag-ring ang cellphone ni Mrs. De Guzman. “Marco said he was sorry that he needs to leave without saying goodbye. He said something urgent came up.”“It's okay, Mitch. We all know how busy your son is,” saa
Kumuha ng wedding planner ang ina ni Marco upang may kasama sila ni Kara na mag-ayos ng kasal. Kahit na sabihing hindi naman nila mahal ang isa’t isa, na-excite pa rin si Kara nang sabihin ng lalaki na ibigay sa kanya ang gusto niyang kasal.Sa dami nang aasikasuhin, napagkasunduan ng mga magulang nina Marco at Kara na gawin ang kasal tatlong buwan mula ngayon. Hindi naman daw nila kailangang magmadali at makatutulong iyon para mas makilala pa ng dalawa ang isa’t isa.Nag-message ang ama ni Kara na i-meet siya sa Italian Restaurant na malapit sa kanilang Company para sabay na mag-lunch, excited na nagpunta si Kara.Pagdating niya sa Italian Restaurant, si Marco ang nakita niyang nakaupo sa pang apatan na mesa. Kunot ang noo ng lalaki nang makita ang dalaga pero tumayo pa rin ito para salubungin ang nagtataka ring babae.“Hi! I’ll wait for my dad at another table,” saad ni Kara.“No let’s just have lunch together,” saad ni Marco kaya kumunot ang noo ng dalaga.“Dad said he will meet me
“We are getting what?” kunot-noong tanong ni Kara sa sarili na napilitan na ring bumaba nang makitang yamot na ang mukha ni Marco.Nakalapit na si Kara kay Marco ngunit mahaba pa rin ang nguso ng lalaki.“You want to get married or not?” halos padabog pang tanong ng lalaki.“Of course I do. But our wedding is scheduled two months from now,” naguguluhang pagpapaalala ni Kara kay Marco.Nagsalubong ang mga kilay ng lalaki.“Then, I’ll just go to work today but I might decide to cancel that wedding tomorrow,” sagot ni Marco na mabilis na tumalikod.Nanlaki ang mga mata ni Kara sa sinabi ng lalaki at nagsimulang kabahan sa takot na atakihin muli sa puso ang kanyang ama at mawalan ng trabaho ang nasa limandaan nilang empleyado.“Marco, wait!” mabilis na inabot ni Kara ang kamay ni Marco para pigilin ang lalaki sa pag-alis. “Do we have a copy of our marriage license?”Hinawakan ni Marco ng mahigpit ang kamay ni Kara at saka hinila papasok sa korte. “The wedding planner is in charge of that.
Salubong ang mga kilay na nagpaalam si Marco sa kanyang kausap sa telepono. Naglabasan ang mga ugat sa kanyang kanang braso habang gigil na hawak ang telepono bago nito binuhay ang makina ng kanyang sasakyan at nagmamadaling umalis sa basement parking ng residential building na iyon.Tumigil siya sa parking space ng pinakamalaking bar sa Palo Alto. Agad siyang pinapasok ng guwardiya habang isang bouncer naman ang humawi sa mga tao para maayos na marating ni Marco ang pinakasulok na bahagi ng bar. Pagkaupo niya ay inilapag na agad ng waiter ang lagi niyang iniinom na brand ng whiskey.Sanay na sa kanya ang mga tao roon, darating siya ng walang pasabi at dapat kasunod na niya ang maiinom na alak. Tatayo rin ang isang bouncer sa gilid ng booth dahil ayaw ni Marco na lalapitan siya ng kung sinu-sinong babae.Sa loob ng anim na taon, iyon na ang nakagawian ni Marco. Girls are off limits. Kung makakasama man niyang uminom ang dalawa pa niyang kaibigan na kasamang nagtayo ng bar na iyon, ala
“Good heavens! What are you doing here?” gulat na tanong ng baklang make-up artist ni Kara sa kanya nang pumasok siya sa dressing room.Napakunot ang noo ng dalaga at lalo pang humaba ang nguso nito sa naging bati sa kanya. Nag-alala siya na baka hindi na itinuloy ang photoshoot kahit ngayon lang naman siya na-late sa trabaho.“Why? Did they cancel the photoshoot?”Mabilis na humakbang papalapit sa pinto si Miles at isinara iyon bago pinaupo ang dalaga na hindi pa rin nawawala ang kunot sa noo. Iniabot ni Miles ang kanyang cellphone kay Kara at nanlaki ang mga mata ng huli nang mabasa sa entertainment news na may video scandal siya.“W-what s-scandal?” kinakabahang tanong ni Kara kay Miles.“Oh dear, I think you have been secretly filmed,” malungkot na sagot ni Miles at saka nito iniabot kay Kara ang cellphone para ipapanood ang video.Makikita sa video na natutulog si Kara sa kama na tanging bra lamang ang suot habang ang kalahati ng kanyang katawan ay balot ng kumot. Nang biglang ma

Inihatid ni Miles si Kara sa kanyang apartment. Gabi na rin umalis ang bakla dahil maghapon na iyak lamang ng iyak ang dalaga.Kinabukasan ay nawala na sa internet ang lumabas na eskandalo. Ilang ulit sinubukan ni Kara na tawagan si Victor upang magpaliwanag pero naka-block na ang kanyang number sa lalaki.Ilang araw rin siyang nagpabalik-balik sa building ng Deschanel ngunit ayaw siyang papasukin ng mga guwardiya.“Please let me talk to Victor,” pagmamakaawa ni Kara sa security.Magpupumilit pa sana si Kara nang mapansin niyang nagbubulung-bulungan na ang mga tao sa paligid. Wala na siyang nagawa kung hindi umuwi na lamang.Pagdating sa kanyang apartment ay dire-diretso si Kara sa kanyang silid at saka pabagsak na dumapa sa kama. Nagawa man ni Victor na ipabura sa internet ang video at balita sa iba’t ibang entertainment news, kalat na kalat pa rin sa buong fashion world ang pangyayari pati ang pakikipaghiwalay sa kanya ni Victor. Kaya sinong may-ari ng clothing line ang kukuha pa sa