“Why? Did they cancel the photoshoot?”
Mabilis na humakbang papalapit sa pinto si Miles at isinara iyon bago pinaupo ang dalaga na hindi pa rin nawawala ang kunot sa noo. Iniabot ni Miles ang kanyang cellphone kay Kara at nanlaki ang mga mata ng huli nang mabasa sa entertainment news na may video scandal siya.
“W-what s-scandal?” kinakabahang tanong ni Kara kay Miles.
“Oh dear, I think you have been secretly filmed,” malungkot na sagot ni Miles at saka nito iniabot kay Kara ang cellphone para ipapanood ang video.
Makikita sa video na natutulog si Kara sa kama na tanging bra lamang ang suot habang ang kalahati ng kanyang katawan ay balot ng kumot. Nang biglang may kamay ng lalaki ang yumakap sa kanya na mahimbing pa ring natutulog. Maya-maya pa ay naupo ang lalaki ngunit patalikod sa camera at tumayo. Kitang-kita na walang suot na anumang saplot sa katawan ang lalaki.
Tila nanigas ang katawan ni Kara sa napanood.
Thug!
Dinampot ni Miles ang kanyang cellphone na nabitawan ng nanginginig na mga kamay ni Kara. Nakaramdam ng awa at pag-aalala si Miles sa dalaga. Sa lahat ng nakatrabaho niyang modelo, si Kara ang pinakamabait at kanyang paborito. Matino rin itong babae at mula sa may kayang pamilya kaya naman hindi na siya nagtaka nang ligawan at paibigin ito ng nag-iisang anak na lalaki ng Deschanel House of Couture, isa sa sikat na clothing line sa Paris.
“Miles, whatever the video suggested is not true! That’s not me!” naiiyak na sabi ni Kara.
Naunat ang kunot ng noo ni Miles. “Then you should talk to Victor now and explain your side.”
Tumango si Kara bilang pagsang-ayon sa sinabi ni Miles, habang mabilis naman siyang inalalayan ng huli para sumakay sa elevator upang umakyat sa opisina ni Victor Deschanel. Si Miles na rin ang kumausap sa sekretarya na mabilis namang tumalima at pinagbuksan ng pinto ang dalawang bagong dating.
Pagbukas ng pinto ay nagsimulang umalingawngaw ang boses ng ina ni Victor sa labas ng opisina dahilan upang mas manigas ang katawan ni Kara sa takot sa ina ng lalaki na kahit kailan ay hindi siya nagustuhan. Napahawak si Kara sa kanyang dibdib nang makita ang mukha ng kanyang boyfriend. Kung dati sa tuwing pupuntahan niya si Victor sa kanyang opisina ay masaya itong sumasalubong sa kanya, ngayon ay halos mangitim na sa galit ang asul na mga mata ng lalaki na para bang mangangain ng tao anumang oras.
“You have the nerve to show up your face here?” palusob na sabi ng ina ni Victor kay Kara at saka sunud-sunod na nagsalita ng French. Hindi na napigilan ni Kara ang kanyang mga luha sa mga masasakit na salitang sinabi ng ina ni Victor.
“V-victor, it’s not true. Please believe me,” pagmamakaawa ni Kara.
Magsasalita sana ang lalaki ngunit inunahan siya ng kanyang ina. “Leave this woman! She ruined Deschanel!”
“Mama!” pagsaway ni Victor sa kanyang ina.“Break up with her or you will get nothing from us!” galit na sabi ng mama ni Victor dahilan upang manlaki ang mga mata ng lalaki.
Mabilis na humakbang si Kara papalapit kay Victor at saka niya niyakap nang mahigpit ang kanyang nobyo na nanatiling nakaupo sa kanyang swivel chair.
“Baby, please believe me the video is not true, that’s not me!” paliwanag ni Kara sa pagitan ng kanyang mga hikbi.
Tinanggal ni Victor ang mga braso ni Kara na nakayakap sa kanya. “Then explain to me how it happened?”
Umiling ang dalaga. Sa tono ng salita ni Victor ay alam ni Kara na hindi naniniwala sa kanya ang lalaki. “I don’t know! Maybe they used my face, that’s not me, baby!”
Inabot ni Victor kay Kara ang isang papel na nagsasabi na boluntaryo siyang nagre-resign bilang endorser ng Deschanel. “Sign this. It’s all I could do for you.”
Hindi makapaniwalang tumingin si Kara sa kanyang nobyo. “What do you mean?”
“I will clean this mess for you, but I am breaking up with you.” Ang kanina’y puno ng galit na mga mata ni Victor ay napalitan ng lungkot. “Please sign it, Kara! Don’t ruin my future too.”
Pakiramdam ni Kara ay binuhusan siya ng malamig na tubig sa narinig niyang mga salita mula kay Victor. Nanginginig niyang dinampot ang sign pen sa mesa ng lalaki at saka pinirmahan ang resignation letter.
Pinawalan pa ni Kara ang isang malalim na buntong-hininga at hindi makapaniwalang tinitigan sa mata ang lalaking akala niya ay mahal siya.
“Leave this place, whore!” sigaw ng ina ni Victor.
Nang makita ni Kara na hindi talaga siya ipagtatanggol ni Victor sa ina, tumayo siya ng tuwid at saka humakbang ng malalaki upang mabilis na umalis sa lugar na iyon.Inihatid ni Miles si Kara sa kanyang apartment. Gabi na rin umalis ang bakla dahil maghapon na iyak lamang ng iyak ang dalaga.Kinabukasan ay nawala na sa internet ang lumabas na eskandalo. Ilang ulit sinubukan ni Kara na tawagan si Victor upang magpaliwanag pero naka-block na ang kanyang number sa lalaki.Ilang araw rin siyang nagpabalik-balik sa building ng Deschanel ngunit ayaw siyang papasukin ng mga guwardiya.“Please let me talk to Victor,” pagmamakaawa ni Kara sa security.Magpupumilit pa sana si Kara nang mapansin niyang nagbubulung-bulungan na ang mga tao sa paligid. Wala na siyang nagawa kung hindi umuwi na lamang.Pagdating sa kanyang apartment ay dire-diretso si Kara sa kanyang silid at saka pabagsak na dumapa sa kama. Nagawa man ni Victor na ipabura sa internet ang video at balita sa iba’t ibang entertainment news, kalat na kalat pa rin sa buong fashion world ang pangyayari pati ang pakikipaghiwalay sa kanya ni Victor. Kaya sinong may-ari ng clothing line ang kukuha pa sa
Pakiramdam ni Kara ay binibiyak ang kanyang ulo. Nang imulat niya ang kanyang mga mata tumambad ang hindi pamilyar na kisame. Iginala niya ang kanyang paningin at nakumpirma niyang hindi niya silid iyon. Nanlaki ang mga mata niya nang mapansing wala siyang suot na damit at comforter lamang ang nagsisilbing pantakip niya sa kanyang katawan. Napalingon siya sa kanyang kaliwa at halos mapalundag siya nang makitang may katabi siyang lalaki, medyo makapal ang kilay nito, maputi, matangos ang ilong at katamtaman ang kapal ng mga labi. Sanay siyang makatrabaho at may makilalang mga guwapo at mayayamang lalaki tulad ng kanyang ex-boyfriend ngunit maging si Victor ay walang panama sa lalaking mahimbing na natutulog sa tabi niya ngayon.Napansin niyang iisang comforter lamang ang gamit nila kaya dahan-dahang iniangat ni Kara ang kumot upang makumpirma ang kanyang kinatatakutan. Napatakip siya sa kanyang bibig upang pigilan ang sarili na mapahiyaw nang makita niya ang hubad na katawan ng lalaki.
Mahigit isang oras nang nagku-kwentuhan ang kanilang mga magulang habang kumakain ngunit wala pa ring imikan sina Marco at Kara. Ni-minsan ay hindi rin narinig ang boses ni Marco, at kung kakausapin ito ng ina ay tango o ‘di kaya ay pagkibit lamang ng balikat ang isinasagot.Habang si Kara ay pilit pinatatagal ang kanyang pagkain kahit pa kakarampot lang naman ang laman ng kanyang plato. Nainis ang dalaga sa kanyang sarili dahil kahit na anong pigil ay nagnanakaw pa rin siya ng sulyap sa lalaking nasa kanyang harapan na busy sa kung sinomang ka-chat sa kanyang cellphone. Kunot na kunot pa ang noo ng lalaki na para bang may sino-solve na problema.Maya-maya pa ay nag-vibrate ang cellphone ni Marco dahilan para tumayo ang lalaki at lumabas ng function room.Pagkaraan ng ilang minuto, nag-ring ang cellphone ni Mrs. De Guzman. “Marco said he was sorry that he needs to leave without saying goodbye. He said something urgent came up.”“It's okay, Mitch. We all know how busy your son is,” saa
Kumuha ng wedding planner ang ina ni Marco upang may kasama sila ni Kara na mag-ayos ng kasal. Kahit na sabihing hindi naman nila mahal ang isa’t isa, na-excite pa rin si Kara nang sabihin ng lalaki na ibigay sa kanya ang gusto niyang kasal.Sa dami nang aasikasuhin, napagkasunduan ng mga magulang nina Marco at Kara na gawin ang kasal tatlong buwan mula ngayon. Hindi naman daw nila kailangang magmadali at makatutulong iyon para mas makilala pa ng dalawa ang isa’t isa.Nag-message ang ama ni Kara na i-meet siya sa Italian Restaurant na malapit sa kanilang Company para sabay na mag-lunch, excited na nagpunta si Kara.Pagdating niya sa Italian Restaurant, si Marco ang nakita niyang nakaupo sa pang apatan na mesa. Kunot ang noo ng lalaki nang makita ang dalaga pero tumayo pa rin ito para salubungin ang nagtataka ring babae.“Hi! I’ll wait for my dad at another table,” saad ni Kara.“No let’s just have lunch together,” saad ni Marco kaya kumunot ang noo ng dalaga.“Dad said he will meet me
“We are getting what?” kunot-noong tanong ni Kara sa sarili na napilitan na ring bumaba nang makitang yamot na ang mukha ni Marco.Nakalapit na si Kara kay Marco ngunit mahaba pa rin ang nguso ng lalaki.“You want to get married or not?” halos padabog pang tanong ng lalaki.“Of course I do. But our wedding is scheduled two months from now,” naguguluhang pagpapaalala ni Kara kay Marco.Nagsalubong ang mga kilay ng lalaki.“Then, I’ll just go to work today but I might decide to cancel that wedding tomorrow,” sagot ni Marco na mabilis na tumalikod.Nanlaki ang mga mata ni Kara sa sinabi ng lalaki at nagsimulang kabahan sa takot na atakihin muli sa puso ang kanyang ama at mawalan ng trabaho ang nasa limandaan nilang empleyado.“Marco, wait!” mabilis na inabot ni Kara ang kamay ni Marco para pigilin ang lalaki sa pag-alis. “Do we have a copy of our marriage license?”Hinawakan ni Marco ng mahigpit ang kamay ni Kara at saka hinila papasok sa korte. “The wedding planner is in charge of that.
Salubong ang mga kilay na nagpaalam si Marco sa kanyang kausap sa telepono. Naglabasan ang mga ugat sa kanyang kanang braso habang gigil na hawak ang telepono bago nito binuhay ang makina ng kanyang sasakyan at nagmamadaling umalis sa basement parking ng residential building na iyon.Tumigil siya sa parking space ng pinakamalaking bar sa Palo Alto. Agad siyang pinapasok ng guwardiya habang isang bouncer naman ang humawi sa mga tao para maayos na marating ni Marco ang pinakasulok na bahagi ng bar. Pagkaupo niya ay inilapag na agad ng waiter ang lagi niyang iniinom na brand ng whiskey.Sanay na sa kanya ang mga tao roon, darating siya ng walang pasabi at dapat kasunod na niya ang maiinom na alak. Tatayo rin ang isang bouncer sa gilid ng booth dahil ayaw ni Marco na lalapitan siya ng kung sinu-sinong babae.Sa loob ng anim na taon, iyon na ang nakagawian ni Marco. Girls are off limits. Kung makakasama man niyang uminom ang dalawa pa niyang kaibigan na kasamang nagtayo ng bar na iyon, alam
(WARNING: SPG) Nanlaki ang mga mata ni Kara nang mapagtantong magkalapat ang mga labi nila ni Marco. Pakiamdam niya ay dumagdag pa ito sa nararamdamang kahihiyan mula kanina nang nagisingan ni Marco na kagat-kagat niya ang kanyang pang-ibabang labi. Namula ang kanyang mga pisngi nang makitang nakatingin sa kanya ang lalaki na parang sinasaulo ang hitsura ng bawat parte ng kanyang mukha.Mabilis na itinukod ni Kara ang kanyang mga kamay sa kama para suportahan ang sarili sa pagtayo ngunit hinigpitan ni Marco ang pagkakayakap sa kanya dahilan upang maibuka niya nang bahagya ang kanyang mga labi.Inakala naman ni Marco na pumapayag na magpahalik ang babae kaya hindi na niya pinigil ang nararamdamang init sa katawan. Sinipsip niya ang mga labi ni Kara na sa tuwing nakikita niya ay parang inaakit siyang halikan. Hinigpitan pa niya ang pagyapos sa maliit na bewang ng babae at saka sinapo ang likod ng ulo nito at saka mabilis na pinagpalit ang kanilang mga puwesto. Inilayo sandali ni Marco a
Naramdaman ni Kara ang lamig sa kuwarto kaya hinila niya ang comforter para takpan ang iba pang parte ng kanyang katawan at saka nito hinigit ang iba pa para yakapin habang pinanatili niyang nakapikit ang kanyang mga mata. Umikot siya para humarap sa gitnang bahagi ng kama, nakaramdam siya ng konting sakit ng kalamnan at napadilat siya nang maalala ang ginawa nila ni Marco kagabi. Bahagyang kumurba ang kanyang mga kilay ng mapagtantong nag-iisa siya sa napakalaking kama.Kumalam ang kanyang sikmura kaya inilipat niya ang tingin sa wall clock sa taas ng tv sa harap ng kanilang kama at napatayo siya nang makitang alas tres na ng hapon. Dagli siyang napatayo at nagtungo sa banyo para magsipilyo lang sana pero dahil hapon na, minabuti niyang maligo na rin nang mabilis. Pinili niyang isuot ang asul na bikini at asul na house dress na hindi aabot sa kanyang tuhod, hindi na siya nagsuot ng bra dahil asawa niya naman ang kasama sa bahay at wala naman na siyang itatago pa sa lalaki. Nagwisik l
Niyakag na nina Luciana at Mrs. Z si Kara papunta sa auction venue. Hindi mawari ni Kara ang nararamdaman nang umapak sila sa pintuan ng hall. Sa tantiya niya ay nasa isang daan o higit pa ang naroon. “Our table is in front,” ani Luciana na nagpatiuna na sa paglalakad habang nakasunod naman sina Mrs. Z, Kara at Samuel.Sa bandang likuran, umuwang ang mga labi ni Victor nang makitang papasok ng hall ang dating nobya. Lalong tumingkad ang puti ng babae at kitang-kita ang makinis nitong balat sa suot na midnight blue gown. Nakalugay lamang ang bahagyang kinulot na mahaba nitong buhok na pinarisan ng simpleng make-up lamang. Napansin niya ang mga kalalakihan sa hall na hindi maiwasang humanga sa babae kahit pa may mga kasamang asawa at nobya. Nagsalubong ang mga kilay ni Victor nang makitang may nakasunod na lalaki kay Kara. Sa pagkakakilala ng lalaki sa babae ay hindi ito basta-basta nagpapalapit sa lalaki kahit pa manliligaw na niya ito. Kaya nagtataka siya na may lalaking nakasunod s
Sinipat pang muli ni Kara ang sarili sa salamin. Nang makuntento ay dinampot na niya ang kanyang party clutch na kulay silver. Inilagay na niya doon kanina ang kanyang cellphone, credit card at isang maliit na spray alcohol.Pagbaba niya sa basement parking ay nakaantabay na ang driver ni Marco na si Samuel. Nakasuot ng itim na tuxedo ang lalaki dahil ibinilin ni Marco na samahan si Kara sa loob ng hall at siguruhing ligtas ang asawa.Dahil para sa charity ang gala at auction na iyon, ang venue ng event ay sa Royal Club House ng isa sa pinakasikat na subdibisyon sa Palo Alto kung saan matatagpuan ang bahay ng mga De Guzman.Pagdating nina Kara sa venue ay iniabot na lamang ni Samuel ang susi sa valet parking upang hindi malubayan ng kanyang mga mata ang babaeng amo. Nakasunod lamang ang lalaki kay Kara at hindi lumalayo nang hihigit sa isang dipa.Bago pumasok sa mismong pagdadausan ng auction, kailangan dumaan sa red carpet kung saan naroon ang mga miyembro ng press at isa-isang inii
Inisa-isa ni Kara ang mga naiwang damit sa kanyang walk-in closet sa bahay ng kanyang ama. Naghahanap siya ng akmang damit na isusuot para sa gaganaping Diamonds Gala and Auction Night bukas. Formal ang nakalagay na attire at ayaw naman niyang gumastos para lamang mag-attend ng naturang event.Kung ang babae nga lang ang masusunod ay ayaw na sana niyang dumalo tutal naman ay hindi na siya interesado sa kung sino ang makakabili ng kanyang mga alahas, ang importante ay hindi mapupunta sa wala ang mga iyon pero walang magawa si Kara dahil ang sabi ni Leah ay mismong board directors ng auction house ang nagpa-invite sa kanya.Nang makapili ng dalawang klase ay inilagay na niya ang mga iyon sa garment bag at saka bumaba para makipagkulitan muna sa kanyang tiya. Kinumbinse rin siya ng huli na doon na maghapunan na hindi na niya kinontra dahil miss na miss na rin naman niya ang kanyang ama at Auntie Liv.Pag-uwi niya ng apartment nila ni Marco. Nagulat si Kara nang makita na nakaupo sa labas
Naalimpungatan si Kara sa hindi pamilyar na ringing tone ng cellphone. Ibinaling niya sa kabilang panig ang kanyang katawan sa pag-aakalang mawawala rin iyon. Maya-maya ay narinig niya ang patakbong yabag sa loob ng kanilang silid. “Fuck!” pabulong na mura ni Marco nang makitang gumalaw ang mga mata ng natutulog pang asawa at umiba ng puwesto.Agad niyang sinagot ang tawag at saka lumabas ng kanilang silid.Nangamoy ang pabango ni Marco sa kuwarto dahilan para mas lalong magising ang diwa ni Kara. Sandali pa niyang inamoy-amoy ang paligid bago nagdesisyong tumayo at sinimulang ligpitin ang pinaghigaan nilang mag-asawa. Eksakto namang pumasok muli ang lalaki.“It’s still early, go back to sleep,” pangungumbinsi nito sa asawa.Isang tipid na ngiti ang pinawalan ni Kara at saka ibinalik ang atensyon sa inaayos na mga unan. “Its okay.”Nilapitan siya ni Marco at saka niyakap. “I’m sorry. I forgot to mute my phone.”Inamoy pa nito ang kanyang bumbunan bago bumitaw at saka pumasok sa walk-
Natiim ni Marco ang kanyang bagang. Kung babalikan ang nasabing araw ni Kara, iyon ay ang araw na iniwan niya ang babae nang walang pasabi matapos nilang magniig ng gabi ng kanilang kasal.Isang alanganing ngiti ang pinawalan ni Marco para ikubli ang biglang pagbigat ng kanyang pakiramdam sa nakitang lungkot sa mga mata ng kanyang asawa. “Can I try the soup now?” pagkuwan ay nasabi niya at saka dinampot ang spoon soup sa kanyang kanan.Pipigilan sana siya ni Kara sa takot na hindi masarap ang niluto niya ngunit mabilis na humigop ng sabaw ang lalaki. Pumikit pa ito bago ngumiti. “Masarap!”Lumiwanag ang mukha nina Reginald, Liv at Harper. Excited na humigop din ng sabaw ang tatlo.Nakita ni Kara na muling humigop ng sabaw si Marco kung kaya’t inobserbahan niya ang reaksiyon ng mukha ng lalaki. “It’s really good!” pagkumpirma ni Reginald matapos humigop ng sabaw at ngayon ay kumukuha na ng kanin.Napatingin si Marco kay Kara na tahimik pa rin siyang pinagmamasdan. Isang tipid na ngit
Hinaplos ang puso ni Marco sa narinig. Nag-aaral magluto ang kanyang misis ng kung anong putahe para sa kanya. Ang inis na nararamdaman kanina ay biglang naglaho. “Ms. Kara, your husband is here,” pabulong na sabi ni Harper kay Kara dahilan para magtaka ang babae sa narinig na impormasyon. Ang buong akala kasi ni Kara ay umalis na naman ang kanyang asawa ng walang pasabi. Napalingon sina Liv at Kara sa pintuan at agad nakita ang bulto ng lalaki na nakatayo roon. Agad in-off ni Liv ang kalan at hinatak na si Harper patungo sa isang daan palabas ng kusina para hindi maka-istorbo sa mag-asawa. Isang matamis na ngiti ang ibinungad ni Kara kay Marco. Nagsimulang tumambol ang puso ng lalaki at lumalakas ito habang papalapit si Kara sa kanya. Hindi niya napigilang bahagyang kumunot ang noo na sinabyan pa ng paghaba ng kanyang nguso dahil sa hindi maintindihang kaba. Bago nakalapit si Kara sa asawa ay huminto siya sa paper towels para punasan muna ang mukha at mga kamay. Nag-alala siyang
Pinindot ni Marco ang power button ng kanyang phone para bumukas ang screen at saka muling ibinalik ang atensyon sa presentation ng staff na kasama sa binuong team ni Axel para sa pagsasalba sa RBs Publishing House. Panlimang ulit na niyang binabalik-balikan ang kanyang cellphone kung may mensahe ang asawa mula nang magsimula ang meeting mag-iisang oras na ang nakakaraan ngunit hanggang ngayon ay wala pa rin.Pasado alas-nueve na siya nagising kanina at kung hindi siya tinawagan ni Enrique para sa naka-schedule na 11:00 am meeting ay posibleng tulog pa rin siya sa tabi ni Kara. At mula nang umalis siya ng bahay ay wala pa siyang natatanggap kahit isang update mula sa asawa.Napatango siya bilang pagsang-ayon nang marinig ang marketing plans na inilatag ng grupo. Hati man ang atensyon sa pag-iisip kay Kara ay hindi nakaligtas sa pandinig ng CEO ang mungkahing tanggalin ang matatanda nang empleyado at mag-hire ng mga bata para makatipid sa pagpapasahod. Sumama ang mukha nito at itininaa
Nakatanggap ng mensahe si Victor mula sa inupahan niyang tao para manmanan ang galaw ni Kara. Ayon dito ay ibinigay lahat ng babae ang kanyang mga damit na gawa ng Deschanel sa isang kumbento sa Palo Alto. Hindi niya masisisi ang dating kasintahan kung ganoon na lamang ang galit sa kanya, ngunit gagawin niya ang lahat para mabawi ito kahit na anong mangyari.Muling tumunog ang kanyang cellphone at isang link ang ipinadala ng kanyang kausap. Nang buksan niya iyon ay tumambad sa kanya ang mga alahas na ibinigay kay Kara. Naka-post na ito sa social media ng isang auction house sa Palo Alto. Parang batang nagmaktol si Victor sa inis at ibinato ang hawak na cellphone sa pinto ng kanyang opisina. Eksaktong bumukas ang pinto at nasapul ang noo ni Allona.Napahawak si Allona sa kanyang ulo dahil sa pagkahilo. Sa takot na napuruhan ang babae ay napatakbo si Victor para damputin ang cellphone bago dinaluhan ang fiancee na napasandal na sa dingding.“It’s not intended for you!” pangangatwiran ni
Tinitigan ni Marco ang maamong mukha ni Kara na ngayon ay puno nang pagnanasa sa kanya. Ang mga mata nitong para bang nakikiusap na mas lalo pang paligayahin. Pinaglapat niya ang kanyang mga labi sa hindi maintindihang emosyon na nararamdaman. Hindi naman maalis ni Kara ang tingin sa perpektong mukha ng asawa. Nakagat ni Kara ang kanyang pang-ibabang labi. Pakiramdam niya ay napakasuwerte niya na ikinasal siya sa lalaking ito. Masarap na titigan ang mukha, masarap pa ang katawan at masarap din sa kama. Sa mga titig na iyon ni Kara ay hindi na nakapaghintay si Marco at kinubabawan na ang asawa. Hindi siya magpipigil ngayon gabi, dahil sa asawa niya lang nabubuhay nang ganito ang kanyang pagkalalaki. Napasinghap si Kara nang maramdaman ang marahas na pagpasok ng matigas na pagkalalaki ng kanyang asawa. Sandaling huminto si Marco gumalaw nang hindi inaalis ang tingin sa magandang mukha ng kanyang misis. Gusto niyang makita na nasisiyahan ito sa kanyang ginagawa. Dahan-dahan siyang k