Maagang gumising si Kara nang sumunod na araw. Naisip niya na wala naman siyang dapat ipagmukmok sa apartment dahil nang pumayag siyang pakasal sa lalaki, ang tanging iniisip niya ay ang kalagayan ng kanyang ama at ang mga empleyado nila sa kanilang publishing company.Nakatapis lamang si Kara ng tuwalya nang lumabas ng banyo, pumasok siya sa walk-in closet. Napahawak siya sa kanyang noo nang makita ang kanyang luggage. Hindi pa pala niya naililipat ang laman ng mga iyon sa shelf at rack.“Mamayang hapon ko na lang ito gagawin,” ani Kara sa kanyang sarili.Dinampot niya ang itim na dress pants at isang longsleeves polo na kulay krema dahil sigurado siyang wrinkle free ang mga iyon dahil isa iyon sa magandang feature ng mga damit ng Deschanel, lahat ay wrinkle free.Bahagyang bumigat ang dibdib ni Kara nang maalala ang dating kasintahan. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala na kay dali kay Victor na bitawan siya para sa kanyang mana. Mahigit anim na buwan siyang masuyong n
Paglabas nila ng conference room ay tumuloy sina Kara at Reginald sa opisina ng huli habang nakabuntot din ang lima pang miyembro ng board.Ipinaupo muna ni Kara ang kanyang ama sa swivel chair nito.“Kara, are you sure you can directly negotiate with Mr. De Guzman?” nag-aalalang tanong ni Mrs. Porter.Isang tipid na ngiti ang pinawalan ni Kara upang payapain ang loob ng matanda. “Yes, Mrs. Porter. And don’t worry, I think this is just a misunderstanding.”Lumambot ang mga mukha ng members ng board sa narinig kay Kara.“We will get going then,” pagpapaalam ng mga ito sa mag-ama.Nang masigurong nakaalis na ang board members, isang malalim na buntong-hininga ang pinawalan ni Reginald.“Can you call your husband? I want to clarify this to him,” malungkot na utos ng ama ni Kara sa kanya.Pilit na pinasaya ni Kara ang mukha para mawala ang pag-aalala ng ama. “Dad, let me handle this. I’ll talk to Marco first then we will discuss this to the board and the team tasked to handle this.”Tuman
Salubong pa rin ang dalawang kilay ni Marco kahit hindi na niya kausap si Kara sa telepono. Hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit mabigat sa pakiramdam na marinig na umiiyak ang babae. Wala naman dapat siyang pakialam sa nararamdaman ni Kara at ayaw rin niyang ma-attach sa babae kaya nga nang magising siya kinaumagahan matapos may mangyari na naman sa kanila ay minabuti niyang umalis agad at hindi umuwi sa apartment.Maghapon siyang sinusundot-sundot ng kanyang konsensiya sa naging asal sa bagong asawa kaya nakiusap siya sa kanyang ina para kamustahin ang babae at sabihin na lamang na may emergency siya sa Pilipinas. Nagulat din siya na hindi sinabi ni Kara sa kanyang mama na hindi siya nagpaalam na aalis. Isang bagay na lalong nagpakonsensiya sa kanya.Kaya nang matanggap niya ang mensahe ni Kara na nais siyang makausap, naisip niya na mayroong hindi magandang nangyari kaya agad niya itong tinawagan.“Siyempre! Responsibilidad mo, pinakasalan mo eh!” parang tanga niyang pakik
Pinaglunoy ni Kara ang kanyang mga mata sa mga ilaw na nagmumula sa ibang gusali at establisyimento sa paligid habang prenteng nakaupo sa pang-isahang couch sa balcony ng kanilang apartment. Isa ang balcony sa nagustuhan niyang features ng bahay ng kanyang napangasawa, kahit pa taliwas ito sa inaasahan na dito siya titira. Akala niya kasi ay iuuwi siya sa sinasabing mansyon nito sa Kingsley Avenue.Sumubo siya ng isang cut ng cheese bago sumimsim ng wine sa kanyang kopita. Heto ang hapunan niya ngayon, cheese, orange at wine. Naisip niya na uminom ng wine para mas madali siyang makakatulog dahil kung hindi ay magdamag siyang mag-iisip sa sitwasyon ng kanilang Publishing Company.Napapikit si Kara nang maalala ang sinabi sa kanya ni Marco kanina sa telepono, hindi merger ang magaganap sa pagitan ng kanilang kumpanya at nina Marco.“Bakit kasi hind imo pa tinanong?” naiinis niyang bulong sa sarili.Binatukan niya ang sarili nang maisip niyang makapal nga ang mukha niya kung merger ang n
Mula sa basement parking ng Hotel Nikolai ay sumakay ng elevator si Kara. Pipindutin na sana niya ang button M kung nasaan ang restaurant nang may sumagi sa kanyang alaala nang makita ang P sa button panel. Nagsalubong ang mga kilay niya at saka nagsimulang uminit ang kanyang mukha. Ito ang elevator na sinakyan nila ni Marco noong gabing lasing na lasing siya at sa unang pagkakataon ay may nangyari sa kanila. Pumikit siya sa pagbabakasakaling may maalala pa ngunit naramdaman niya ang pagsasara ng pinto kaya napilitan siyang idilat ang kanyang mga mata at mabilis na pinindot ang M bago pa malagpasan ang kanyang pupuntahang palapag. Napangiti siya nang maalala kung paano niya nagisnan ng araw na iyon ang guwapong mukha ni Marco na para bang nililok nang maingat ng Bathala upang maging perpekto. Mula sa katamtamang kapal ng kilay nito, mga matang parang laging nangungusap, katamtamang tangos ng ilong at saktong kapal ng labi na malambot at masarap halikan. Nangingiting napahawak si Kara
Nagsimulang magbulungan sa paligid. Nataranta ang modelong nanduro kay Kara sa takot na mapahiya.“Are you implying that I am poor? I am an international ramp model compared to that unemployed bitch,” halos pasigaw na sagot ng babae sa restaurant manager.Nagtinginan sina Miles at Kara at saka sabay na tumayo. Aalis na lamang sila roon para makaiwas sa eskandalo.“Mister…” pagtawag ni Kara sa manager sabay tingin sa nameplate nito, “...Smith, we will just go somewhere else,” seryosong sabi ni Kara.Nagulat ang manager at mabilis na humarang sa daraanan nina Kara. Mahigpit na ibinilin ni Marco sa kanya kanina na hindi maaaring pabayaan ang babae. Hindi man niya kilala ng personal ang babae sa kanyang harapan, alam niyang kailangan niyang maisakatuparan ang ibinigay sa kanyang misyon. “I am so sorry, Ms. Baker. We do not want to upset you and ruin your morning. We can transfer you to a private booth so, you could enjoy catching up with your friend,” pagpigil ni Mr. Smith sa dalawa.Napa
Salubong ang mga kilay at nagtatangis ang bagang ni Marco nang lumabas ng restaurant. Hindi niya pinansin ang receptionist na malapad ang mga ngiting bumati sa kanya dahil nais niyang makausap ng lalaki sa lalaki si Victor. Hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit gusto niyang sapakin ang lalaki sa inis. Kung kanina ay tahimik lamang siyang nagmamatiyag pero tila may kung anong nasaling sa kaloob-looban niya nang makitang umiiyak si Kara. Anong karapatan ng mga Deschanel para patuloy na saktan ang kanyang asawa? Palapit na si Marco kay Victor na tahimik na nag-aabang sa isang elevator nang eksaktong bumukas ang isa pa at iluwal noon si Axel na agad tinawag ang atensyon ng kanyang pinsan. “Bro! I’ve been looking for you for ages!” eksaheradong pagbati ni Axel kaya napalingon si Marco sa kanya. Nang makitang si Axel lamang ang nagsalita ay binalikan niya nang tingin si Victor ngunit nakapasok na ito sa isang bumukas na elevator. “Paakyat ka sa penthouse mo?” tanong ni Axel na ha
Sandaling natigilan si Marco at tila iprinoseso ang sinabi ni Axel. Pagkuwan ay tumango ang binata. Ayaw niyang ipahalata sa kanyang pinsan na apektado siya.“Ang alam ko puno ang schedule ko buong linggo. Pakitanong na lang kay Enrique kung puwede pa this week,” sagot ni Marco na pilit itinago sa kausap ang inis sa lalaking nabanggit na pangalan kanina.Gumuhit ang isang tipid na ngiti sa mga labi ni Axel. “Many thanks, bro!”“Paki-lock na lang ang pinto pag-alis mo. Maliligo na ako,” napapailing na sagot ni Marco sa pinsan bago tuluyang pumasok sa kanyang silid. Naglakad siya hanggang sa marating ang glass wall at saka tinanaw ang kabuuan ng Downtown. Nawala sa isip niya na si Allona, ang stepsister ng kanyang pinsang buo na si Axel ay ang napabalitang pakakasalan ni Victor Deschanel. Napailing si Marco nang balikan niya sa kanyang alaala ang paraan nang pagtingin ni Victor kay Kara. Sigurado siya na hanggang ngayon ay may gusto pa rin ang lalaking Pranses sa kanyang asawa. Naning
“I’m sorry,” mahinang sabi ni Kara at saka ipinulupot ang dalawang braso sa katawan ni Marco.“Shhhhh,” pagsuway ni Marco sa babae. “That’s not your fault.”“Hindi na lang sana ako nagtanong,” malungkot na sabi ni Kara.Hinawakan ni Marco ang baba ni Kara at iniangat ang tingin nito sa kanya. “Puwede mo akong tanungin ng mga bagay na gusto mong malaman tungkol sa akin at sa iba pang bagay basta kaya kong sagutin.”Tinitigan lamang ni Kara sa mga mata si Marco. Nababasa pa rin niya ang lungkot sa mga mata ng lalaki. Isiniksik niyang muli ang kanyang ulo sa pagitan ng leeg at dibdib nito. Rinig na rinig niya ang malakas na tambol ng puso ni Marco.Pagkuwan ay inilipat ni Marco sa kanyang leeg ang mga kamay ng asawa. Hinawakan niya ang puwitan para buhatin at saka iniyakap ang mahabang legs ng babae sa kanyang baywang. “Hmmmm. This feels better,” pilyang sabi ni Kara at saka parang bata na isiniksik muli sa leeg ng asawa ang mukha. Sininghot pa niya ang mabangong leeg nito.Seryoso lama
“Just sit there and relax. I’ll prepare our breakfast,” malambing na utos ni Marco kay Kara habang pinauupo sa isa sa mga stool sa kitchen counter.Alanganing napangiti sa kanyang asawa si Kara. Hindi niya alam ang sasabihin at nangangapa siya sa dapat maging reaksiyon. Kinurot pa niya ang sarili para masigurong hindi siya nananaginip.Kumuha ng mug si Marco at sinalinan iyon ng gatas. Ininit pa muna niya iyon sa microwave bago inabot sa asawang tahimik na pinapanood ang kanyang bawat galaw.“From now on, heat your milk first before drinking,” malambing na bilin ni Marco na pinatakan pa ng halik sa buhok ang misis bago muling bumalik sa tapat refrigerator.“Okay, sir!” natatawang sagot ni Kara.Isang matamis na ngiti ang isinagot ni Marco sa asawa bago binuksan muli ang refrigerator, kinuha ng lalaki ang wheat bread. Hinanap pa muna nito ang expiration date bago isinalang sa toaster ang ilang pirasong tinapay. Pagkuwan ay pinahiran niya iyon ng cream cheese at saka inihain sa harap ni
Isang magaan na halik mula kay Marco. May ibinulong pa ang lalaki sa kanya ngunit hindi na maalala ni Kara kung ano iyon.Napatitig siya sa kisame ng kanilang silid habang nakahiga pa rin sa kanilang king size bed. Parang totoong nangyari pero ngayong dilat na dilat na ang kanyang mga mata at nag-iisa na naman siya sa kama, naisip niyang isa lamang iyong panaginip. “No, Kara. It was just a dream,” pangungumbinsi pa niyang muli sa sarili.Puno nang disappointment na naupo siya. Nakita niya ang kanyang repleksiyon sa malaking TV na nakasabit sa dingding na katapat ng kama. Kinapa ng babae ang tapat ng kanyang puso at tinanong ang sarili kung bakit sumasama ang loob niya sa tuwing iniiwan siya ng asawa?Aminado siya sa sarili na attracted siya sa kanyang mister pero ang alam niya ay simpleng atraksiyon lamang iyon. Isang paghanga sa hindi maikakailang kaguwapuhan at magandang pangangatawan ng lalaki. Handa siya makipagtalo kapag may nagsabi sa kanyang hindi guwapo ang lalaking kanyang
Napakunot ang noo ni Kara, magtatanong sana siya nang maramdaman niya ang pagpasok ng sundalong kanina pa handa ngunit nagpipigil. Pagkuwan ay marahan na inangkin ni Marco ang mga labi ng asawa hanggang sa maging mapusok ang mga halik at puno nang pananabik.Nagulat si Kara nang yakapin siya ni Marco at dahan-dahan itong nahiga sa sahig ng tub habang halos mapahiyaw si Kara sa sensasyong bumabalot sa buo niyang katawan ngayong ramdam na ramdam niya ang kabuuan ng pagkalalaki ni Marco habang siya ay nakaupo na sa lalaki. “Try to move,” paos at malambing na utos ng lalaki.Sumunod naman si Kara at nagsimulang punuin ng kanilang mga ungol ang buong banyo. Nang manginig ang katawan ay dahan-dahan siyang iniangat ni Marco. Pagkuwan ay tumayo ang lalaki at lumabas ng tub at saka binuhat si Kara at iniupo sa inakala niyang simpleng pader na naghihiwalay sa tub at shower area. Pinasandal pa siya ng lalaki at muli niyang naramdaman ang pag-iisa nila. Sa pagkakataong iyon ay mas marahas ang ba
Kumurba ang mga kilay ni Kara at napatitig siya sa guwapong mukha ng asawang ilang buwan niyang hindi nakita. Nang hubarin ng lalaki ang kanyang longsleeves, tumambad kay Kara ang malapad nitong balikat, matigas na dibdib at well-toned abs. Binuksan ng lalaki ang kanyang pantalon at kasamang ibinaba ang suot na briefs. Napalunok siya sa nakita ngunit biglang sumama ang mukha ng babae nang maalala ang naganap dalawang buwan na ang nakakalipas. “What are you doing?” masungit na tanong ni Kara.Gumuhit ang lungkot sa mukha ni Marco dahilan para maguluhan si Kara at piniling manahimik at mag-obserba sa plano ng lalaki. Tahimik na inabot ni Marco ang body sponge at nilagyan iyon ng bath gel ng kanyang asawa. Pinabula pa niya iyon bago naupo sa gilid ng bathtub at saka inabot ang kamay ng babae at sinimulang kuskusin nang marahan. Sinubukang bawiin ni Kara ang kamay pero nagbago ang isip niya nang ibalik ni Marco ang tingin sa kanya na para bang ang mga mata ay nagsusumamo.Hindi rin ikin
Dumaan ang halos dalawang buwan na hindi nakakausap o nasisilayan man lamang ni Kara si Marco. Hindi siya inuwian ng lalaki kahit na minsan mula nang gabing iyon. Iniwasan rin niyang magtanong kay Samuel at sa kanyang mother-in-law. Ginugol niya ang kanyang oras sa bagong nadiskubreng talento. Sinubukan niyang pag-aralan ang scriptwriting ng mga nauusong series ngayon sa internet.Sa loob ng mahigit isang buwan niyang pagsusulat ay kumita na rin siya. Hindi nga lang malaki tulad ng dati niyang kinikita bilang modelo pero naisip niyang nakabubuti rin na abala ang kanyang isipan sa ibang bagay maliban sa paghingi ng update kay Axel tungkol sa lagay ng kanilang kompanya.Kung may isang bagay na tinupad si Marco sa kanya iyon ay ang pagbibigay-sigla muli sa kanilang publishing company. Bagay na lubhang ikinatutuwa ng kanyang ama. Sa tuwing bibisita siya sa kanila ay laging bukambibig ng kanyang ama si Marco. Bilib na bilib ang matanda sa kanyang asawa kaya hindi na lamang ipinaalam ni Kar
Napamaang si Kara sa narinig at saka kumunot ang noo. Naisip naman ni Samuel na hindi narinig nang maayos ng babae ang kanyang sinabi kaya inulit niya ito. “The boss threw it away.”“What?”“HAHAHAHAHA!”Magkaibang reaksiyon nina Kara at Reginald.“I bought that phone with my own money!” parang batang sabi ni Kara na sinabayan nang pagpadyak ng mga paa.Napakamot ng kanyang ulo si Samuel sa natunghayan.“How about my clutch bag and cancelled credit card?” tanong muli ni Kara sa bodyguard.“I’m sorry, ma’am, but I do not know,” tapat na sagot ni Samuel.“Where is the other guy?” inis niyang tanong at saka tumingin sa kanilang pintuan kung naroon pa si Noah.“They already left,” sagot muli ni Samuel.Natatawang tumayo si Reginald. Dumaan pa ang matanda sa gilid ng bodyguard at tinapik ang balikat nito na para bang sinasabihan siya ng goodluck. “I’ll go in the library,” paalam pa ng matanda na nakangiti pa rin.“Your phone?” tanong ni Kara sabay lahad ng kanyang kamay.Walang nagawa si
Puminta ang pagtatanong sa mukha ni Samuel at bago pa siya magsalita ay nasagot na siya ni Kara.“I just realized I left my silver clutch bag last night at the venue. My cellphone and credit card are in it,” paliwanag ng babae.Tumango si Samuel at may pinindot muna sa kanyang cellphone bago iyon iniabot sa babae.“Thank you!”Hindi na nag-aksaya ng oras si Kara at agad na tinawagan ang kanyang bangko. Matapos makumpirma ang kanyang identity ay naipa-cancel na niya agad ang kanyang credit card. Isinunod din niyang tinawagan ang kanyang network provider at ipinablock naman ang kanyang cellphone. “Sorry, one more call,” nahihiya niyang sabi kay Samuel.Tumango lamang ang lalaki. Kaya tinawagan naman niya ang telepono sa kanilang bahay. Agad niyang nabosesan ang kanyang tiyahin. “Aunt Liv, this is Kara.”“O-oh, hello Yvonne!” Napakunot ang noo ni Kara sa sinabing pangalan ni Olivia.“Auntie, are you okay?” nag-aalala niyang tanong.“Kara is not here. I will just tell her that you called
Halos mapalundag si Kara nang marinig ang sigaw ni Marco. Tiningnan niya ang mukha ng lalaki na kanina pa hindi siya tinatapunan ng tingin. Salubong ang mga kilay nito at parang anumang oras na hindi pa siya bumaba ay ipapakaladkad na siya palabas. “I-I’m sorry if I did something that pisses you.” Natatarantang binuksan ni Kara ang pinto sa takot sa bantang sinabi kanina ng lalaki. Biglang may kung anong nakadagan sa dibdib niyang napakabigat. Pagkasara ni Kara ng pinto, umandar na ang kotse ni Marco. Hindi na niya nilingon ito at dumiretso na sa elevator na ngayon ay bukas na habang naroon si Samuel na nakaalalay sa kanya.“You can leave now. I don’t need you here. No one knows where I live,” seryosong sabi ni Kara habang pinupunasan ang mukhang basa na sa luha.“I can’t do that, Mrs. De Guzman. Your husband instructed me to take care of you,” pagsuway ni Samuel na hinihintay pa ring makapasok si Kara sa elevator.Hindi napigilan ni Kara ang matawa ng hilaw nang marinig ang salitan