Iniangat ni Kara ang tingin mula sa iniinom na strawberry and cream frappe patungo sa pinanggagalingan ng tinig habang patuloy na s********p sa straw. Napalunok si Axel sa nakitang hitsura ni Kara pakiramdam niya ay biglang uminit sa loob ng coffee shop gayung fully air conditioned ito. Nagulat naman si Kara nang makita si Axel kaya huminto ang babae sa pag-inom at dumiretso nang pagkakaupo habang si Miles ay curious na nagpapalit-palit nang tingin sa matipunong lalaki sa kanyang likuran at sa kanyang kaibigan na ngayon ay seryoso na ang mukha. Tumikhim muna si Axel bago nagsalita. “My team is now overwhelmed reviewing all your company’s accounts and financial statements, and here you are just dating around.” Tumaas ang isang kilay ni Kara sa narinig. Ang sabi ng lalaking ito noong huli silang nagkabangga ay ire-rekomenda na nito sa CEO na itigil na ang negosasyon. Wala ring nasabi ang kanyang daddy na nagpatuloy ang team nina Marco. Lihim na natuwa si Kara, dahil kung patuloy na b
Mula sa Stanford ay inihatid ni Kara si Miles sa hotel. Niyaya pa siya ng huli na doon na lang muna tumambay sa hotel room niya para makapagkuwentuhan pa sila at saka sabay makapaghapunan pero tumanggi ang babae dahil umiiwas siyang makita sina Victor at Allona. Ngayong asawa na siya ng isang Marco De Guzman, mas makabubuti na umiwas na lamang siya sa gulo o anumang pagmumulan ng tsismis. Hindi pa siya lubos na kilalala ng asawa at posibleng mag-isip ito ng hindi mabuti tungkol sa kanya lalo na ngayong malayo ito. Maliban pa doon ay naramdaman na rin niya ang pagod mula sa maghapong paglalakad sa dati niyang unibersidad at sa dami nang naganap ng araw na iyon. “Thank you for today, Miles! I enjoyed your company!” nakangiting sabi ni Kara sa kaibigan habang bumebeso sa kanya bago tuluyang bumaba sa lobby ng hotel. Mula roon ay nagpasya siyang umuwi na sa apartment nila ni Marco para makapagpahinga ng maaga dahil gusto niyang makausap ang ama bukas tungkol sa kanilang kumpanya. Pagb
Ang plano ni Kara na gumising ng maaga ay hindi nangyari kinabukasan. Alas-tres pasado na siya nagising at namumugto ang kanyang mga mata sa kakaiyak magdamag. Masakit din ang kanyang ulo kaya tumayo lamang siya para uminom ng tubig at saka bumalik din siya agad sa pagtulog. Hindi niya napansin ang missed calls ni Miles sa kanya.Nang sumunod na araw ay ginising siya nang kumakalam niyang sikmura. Doon lamang niya napagtanto na wala siyang kinain kahapon. Nanghihina siyang tumayo at tinungo ang kusina. Kinuha niya ang isang box ng non-fat fresh milk sa refrigerator at nagsalin sa isang baso. May nakita rin siyang sliced wheat bread sa ref kaya kumuha na rin siya ng dalawang piraso at saka isinalang sa microwave ng 30 seconds para lang uminit ito.Dinala niya ang mga iyon sa mesita sa balkonahe at saka sumalampak sa pang-isahang couch at doon dahan-dahang kumain habang pinapanood ang mga nagtataasang gusali sa paligid. Nang mabusog ay hinugasan niya ang kanyang pinagkainan at saka muli
Napamaang si Victor nang makitang tumalikod na si Marco at saka lumabas ng conference room. Gusto pa sana niyang magpaliwanag ngunit tinalikuran na siya ng kausap. Puminta naman ang disgusto sa mukha ni Axel na sinabayan pa ng seryosong titig kay Allona na ngayon ay naiiyak na sa pagkapahiya. Inilipat ni Axel ang tingin kay Victor at inilahad ang kanyang kamay na malugod na inabot ng huli. “Nice meeting you, Mr. Deschanel. Please take good care of my stepsister,” saad ni Axel na binigyang-diin ang relasyon ng dalawa. Pinisil pa ng lalaki ang kanyang kamay bago binitawan. Isang mapait na tingin ang itinapon ni Axel kay Allona. “Ginusto mo ito, kaya panindigan mo.” Iyon lang at tumalikod na rin si Axel para sumunod sa kanyang pinsan. Nang makalabas ng pinto si Axel ay napahawak sa kanyang noo si Victor at saka minasahe ang kanyang ulo. Ngayon lamang siya napahiya nang ganito sa kausap at nagmukha siyang iresponsableng negosyante. Alam ni Victor na ang gaganaping fashion show ma
Umaga ng Sabado.Maagang gumising si Kara at naghanda para umalis. Napatingin siya sa kanyang sarili sa harap ng malaking salamin sa loob ng walk-in closet nila ni Marco at napasinghap siya sa kanyang hitsura. Kung pumayat siya mula nang umuwi maghiwalay sila ni Victor, tila nabawasan pa ulit siya ng timbang sa dalawang araw na hindi pagkain ng maayos at nagmukha siyang haggard sa kakaiyak ng dalawang araw.Kinuha niya ang buong set ng kanyang make-up at nagsimulang ayusan ang mukha upang hindi mapansin ang pagbagsak ng kanyang timbang. Naisip niyang umuwi ngayon sa kanilang bahay para kamustahin ang kanyang ama at tiyahin. Gusto rin niyang iligpit ang lahat ng bagay na ibinigay sa kanya ni Victor at i-donate na lamang sa charity.Pagdating niya sa kanilang bahay, naabutan niyang nag-aalmusal ang kanyang ama at tiyahin.“Good morning!” masayang bati ni Kara at saka humalik sa pisngi ng dalawang matanda. “I miss you!”“Kara, you sit down and eat,” pagyaya ng kanyang tiyahin na mabilis
Nang gabing iyon nang makita ni Kara ang balita sa telebisyon, ang agad niyang ginawang dahilan sa kanyang ama ay ang pakikipagkita niya kay Leah para lamang hindi makita ng matanda ang pag-iyak niya. Naitaon na ilang araw na siyang kinukulit ni Leah na magkita sila mula nang malaman ng babae na nasa Palo Alto siya. Kaya ng gabing iyon ay niyaya na rin niya ang kaibigan at sinabing hihintayin sa bar. “But I never saw you there,” paglilinaw ni Kara.Napahagikgik ang babae at saka nag-peace sign sa kanya. “I saw you drinking alone, but then Axel saw me and dragged me away.”Nalaglag ang panga ni Kara sa kuwento ni Leah. Hindi siya makapaniwala na ipinagpalit siya ni Leah para sa kung sinumang Axel na iyon. “And now you are officially together?”“Yes, since last night,” kinikilig muling sagot ni Leah sa kanya.Napailing na lang si Kara sa lovelife ng kanyang kaibigan. Pero hindi naman niya ito ma-judge dahil kahit siya ay nakipag one night stand din. Masyado lamang mabait ang tadhana sa
“I remember I was with my cousin. He was just behind me earlier but then…” paliwanag nito na nahinto agad magsalita nang mag-ring ang kanyang cellphone. “Bro, where are you?” bungad ni Axel sa tumatawag. Napatingin pa si Axel kay Kara bago iniiwas ang tingin at saka ibinaba ang tawag. “My cousin said he has an errand and will just join us for lunch some other time,” seryosong paliwanag ni Axel at saka tumawag ng waiter para mag-order na ng pagkain. Sa labas ng restaurant, napahawak sa kanyang sentido si Marco matapos makausap ang pinsan sa cellphone. Nilingon pa niyang muli ang mesa kung saan nakaupo si Kara. Mabuti na lang nakilala niya ang likod at buhok nito dahil kung hindi ay mabubuko ng babae na nasa Palo Alto lamang siya at hindi totoong lumipad siya patungo ng Pilipinas kinabukasan matapos ang kanilang civil wedding. Naisip ni Marco na napakaliit naman ng mundo para ang bagong ka-date ni Axel na babae ay kaibigan pa pala ng kanyang asawa. Mabilis siyang lumayo sa restaur
“Oh my god, Marco!” Napahawak si Kara sa kanyang dibdib at saka napapikit bago muling idinilat ang mga mata. Para bang gusto niyang makasiguro na si Marco nga ang kanyang nakikita. Pakiramdam niya ay huminto sandali ang paghinga niya sa sobrang takot kanina.Isang malawak na ngiti ang puminta sa mukha ni Marco para payapain ang loob ni Kara. Nagkamali siya sa naisip na paraan para gisingin sa paglalambing ang kanyang asawa dahil kitang-kita niya sa mukha nito ang takot. “I almost kick you!” Hindi alam ni Kara kung ang nararamdamang pagkabog ng dibdib ay kung sa takot ba o sa inis sa ginawa ng asawa.Humaba ang nguso ni Marco at saka parang batang inihiga sa dibdib ng asawa ang kanyang ulo at saka niyakap nang mahigpit ang babae. “I’m sorry, wifey.”Napabuntong hininga si Kara. Hindi pa rin humuhupa ang kaba sa kanyang dibdib. Pero biglang nagrehistro ang tawag sa kanya ni Marco at napaisip siya kung mali lang ba siya nang narinig.Iniangat ni Marco ang katawan at saka itinukod ang da
Halos mapalundag si Kara nang marinig ang sigaw ni Marco. Tiningnan niya ang mukha ng lalaki na kanina pa hindi siya tinatapunan ng tingin. Salubong ang mga kilay nito at parang anumang oras na hindi pa siya bumaba ay ipapakaladkad na siya palabas. “I-I’m sorry if I did something that pisses you.” Natatarantang binuksan ni Kara ang pinto sa takot sa bantang sinabi kanina ng lalaki. Biglang may kung anong nakadagan sa dibdib niyang napakabigat. Pagkasara ni Kara ng pinto, umandar na ang kotse ni Marco. Hindi na niya nilingon ito at dumiretso na sa elevator na ngayon ay bukas na habang naroon si Samuel na nakaalalay sa kanya.“You can leave now. I don’t need you here. No one knows where I live,” seryosong sabi ni Kara habang pinupunasan ang mukhang basa na sa luha.“I can’t do that, Mrs. De Guzman. Your husband instructed me to take care of you,” pagsuway ni Samuel na hinihintay pa ring makapasok si Kara sa elevator.Hindi napigilan ni Kara ang matawa ng hilaw nang marinig ang salitan
Inilapag ni Victor ang dalawang kahon ng mga alahas sa harapan ni Kara. Pinadaanan lamang ng babae ang mga iyon nang tingin bago muling ibinalik ang mga mata sa dating nobyo. Nang nag-bid din ang lalaki kanina ay naghinala na siyang ibabalik ni Victor ang mga alahas sa kanya.“Why did you donate my gifts to charity?” may bahid ng lungkot na tanong ng lalaki.“I was decluttering. Instead of throwing them away, I donated them,” sagot ni Kara na hindi sinasadyang sumimangot.Sinubukan ni Victor na abutin ang kamay ni Kara na nasa mesa ngunit mabilis iyong inilayo ng babae. Napabuntong hininga na lamang si Victor.Mula sa kinatatayuan ni Marco ay kitang-kita niya ang nagaganap sa mesang kinauupuan ng kanyang asawa. Ngunit dahil mahina lamang ang pag-uusap ng dalawa at maraming bumabati sa kanya ay hindi niya magawang mag-focus sa dalawa. “Let’s get back together,” nanginginig ang boses na sabi ni Victor kay Kara. “I can’t live without you, baby.”Umuwang ang mga labi ni Kara sa narinig k
Abot-tainga ang ngiti nina Mrs. Z at Luciana sa naging presyo ng unang alahas ni Kara. Dumoble kasi sa totoong presyo ng alahas ang hammer price nito. Napangiti naman si Axel na kinindatan pa si Leah sa ‘di kalayuan. Kinikilig namang napangiti ang kaibigan ni Kara dahil alam niyang ginawa iyon ni Axel para sa kanya. Lihim na napailing si Kara sa pagiging corny nina Axel at Leah. Sumunod na isinalang ay ang set diamond earrings and necklace ni Kara na sinimulan sa bidding price na 500,000 dollars. Nanlaki ang mga mata ni Allona. Iyon ang kinaiinggitan niyang set ng diamond earrings and necklace na ibinigay ni Victor kay Kara. Napatingin ang babae sa katabi niya dahil hindi pa ito nagbi-bid. “550,000 dollars,” sigaw ng isang matandang lalaki sa katabing table nina Kara. Muling nilingon ni Allona si Victor ngunit nanatiling tahimik ang lalaki. Iniisip ni Victor na hayaan muna ang iba na mag-bid at saka niya pe-presyuhan ng malaki sa dulo. Napalingon si Victor nang itaas ni Allona a
Niyakag na nina Luciana at Mrs. Z si Kara papunta sa auction venue. Hindi mawari ni Kara ang nararamdaman nang umapak sila sa pintuan ng hall. Sa tantiya niya ay nasa isang daan o higit pa ang naroon. “Our table is in front,” ani Luciana na nagpatiuna na sa paglalakad habang nakasunod naman sina Mrs. Z, Kara at Samuel.Sa bandang likuran, umuwang ang mga labi ni Victor nang makitang papasok ng hall ang dating nobya. Lalong tumingkad ang puti ng babae at kitang-kita ang makinis nitong balat sa suot na midnight blue gown. Nakalugay lamang ang bahagyang kinulot na mahaba nitong buhok na pinarisan ng simpleng make-up lamang. Napansin niya ang mga kalalakihan sa hall na hindi maiwasang humanga sa babae kahit pa may mga kasamang asawa at nobya. Nagsalubong ang mga kilay ni Victor nang makitang may nakasunod na lalaki kay Kara. Sa pagkakakilala ng lalaki sa babae ay hindi ito basta-basta nagpapalapit sa lalaki kahit pa manliligaw na niya ito. Kaya nagtataka siya na may lalaking nakasunod s
Sinipat pang muli ni Kara ang sarili sa salamin. Nang makuntento ay dinampot na niya ang kanyang party clutch na kulay silver. Inilagay na niya doon kanina ang kanyang cellphone, credit card at isang maliit na spray alcohol.Pagbaba niya sa basement parking ay nakaantabay na ang driver ni Marco na si Samuel. Nakasuot ng itim na tuxedo ang lalaki dahil ibinilin ni Marco na samahan si Kara sa loob ng hall at siguruhing ligtas ang asawa.Dahil para sa charity ang gala at auction na iyon, ang venue ng event ay sa Royal Club House ng isa sa pinakasikat na subdibisyon sa Palo Alto kung saan matatagpuan ang bahay ng mga De Guzman.Pagdating nina Kara sa venue ay iniabot na lamang ni Samuel ang susi sa valet parking upang hindi malubayan ng kanyang mga mata ang babaeng amo. Nakasunod lamang ang lalaki kay Kara at hindi lumalayo nang hihigit sa isang dipa.Bago pumasok sa mismong pagdadausan ng auction, kailangan dumaan sa red carpet kung saan naroon ang mga miyembro ng press at isa-isang inii
Inisa-isa ni Kara ang mga naiwang damit sa kanyang walk-in closet sa bahay ng kanyang ama. Naghahanap siya ng akmang damit na isusuot para sa gaganaping Diamonds Gala and Auction Night bukas. Formal ang nakalagay na attire at ayaw naman niyang gumastos para lamang mag-attend ng naturang event.Kung ang babae nga lang ang masusunod ay ayaw na sana niyang dumalo tutal naman ay hindi na siya interesado sa kung sino ang makakabili ng kanyang mga alahas, ang importante ay hindi mapupunta sa wala ang mga iyon pero walang magawa si Kara dahil ang sabi ni Leah ay mismong board directors ng auction house ang nagpa-invite sa kanya.Nang makapili ng dalawang klase ay inilagay na niya ang mga iyon sa garment bag at saka bumaba para makipagkulitan muna sa kanyang tiya. Kinumbinse rin siya ng huli na doon na maghapunan na hindi na niya kinontra dahil miss na miss na rin naman niya ang kanyang ama at Auntie Liv.Pag-uwi niya ng apartment nila ni Marco. Nagulat si Kara nang makita na nakaupo sa labas
Naalimpungatan si Kara sa hindi pamilyar na ringing tone ng cellphone. Ibinaling niya sa kabilang panig ang kanyang katawan sa pag-aakalang mawawala rin iyon. Maya-maya ay narinig niya ang patakbong yabag sa loob ng kanilang silid. “Fuck!” pabulong na mura ni Marco nang makitang gumalaw ang mga mata ng natutulog pang asawa at umiba ng puwesto.Agad niyang sinagot ang tawag at saka lumabas ng kanilang silid.Nangamoy ang pabango ni Marco sa kuwarto dahilan para mas lalong magising ang diwa ni Kara. Sandali pa niyang inamoy-amoy ang paligid bago nagdesisyong tumayo at sinimulang ligpitin ang pinaghigaan nilang mag-asawa. Eksakto namang pumasok muli ang lalaki.“It’s still early, go back to sleep,” pangungumbinsi nito sa asawa.Isang tipid na ngiti ang pinawalan ni Kara at saka ibinalik ang atensyon sa inaayos na mga unan. “Its okay.”Nilapitan siya ni Marco at saka niyakap. “I’m sorry. I forgot to mute my phone.”Inamoy pa nito ang kanyang bumbunan bago bumitaw at saka pumasok sa walk-
Natiim ni Marco ang kanyang bagang. Kung babalikan ang nasabing araw ni Kara, iyon ay ang araw na iniwan niya ang babae nang walang pasabi matapos nilang magniig ng gabi ng kanilang kasal.Isang alanganing ngiti ang pinawalan ni Marco para ikubli ang biglang pagbigat ng kanyang pakiramdam sa nakitang lungkot sa mga mata ng kanyang asawa. “Can I try the soup now?” pagkuwan ay nasabi niya at saka dinampot ang spoon soup sa kanyang kanan.Pipigilan sana siya ni Kara sa takot na hindi masarap ang niluto niya ngunit mabilis na humigop ng sabaw ang lalaki. Pumikit pa ito bago ngumiti. “Masarap!”Lumiwanag ang mukha nina Reginald, Liv at Harper. Excited na humigop din ng sabaw ang tatlo.Nakita ni Kara na muling humigop ng sabaw si Marco kung kaya’t inobserbahan niya ang reaksiyon ng mukha ng lalaki. “It’s really good!” pagkumpirma ni Reginald matapos humigop ng sabaw at ngayon ay kumukuha na ng kanin.Napatingin si Marco kay Kara na tahimik pa rin siyang pinagmamasdan. Isang tipid na ngit
Hinaplos ang puso ni Marco sa narinig. Nag-aaral magluto ang kanyang misis ng kung anong putahe para sa kanya. Ang inis na nararamdaman kanina ay biglang naglaho. “Ms. Kara, your husband is here,” pabulong na sabi ni Harper kay Kara dahilan para magtaka ang babae sa narinig na impormasyon. Ang buong akala kasi ni Kara ay umalis na naman ang kanyang asawa ng walang pasabi. Napalingon sina Liv at Kara sa pintuan at agad nakita ang bulto ng lalaki na nakatayo roon. Agad in-off ni Liv ang kalan at hinatak na si Harper patungo sa isang daan palabas ng kusina para hindi maka-istorbo sa mag-asawa. Isang matamis na ngiti ang ibinungad ni Kara kay Marco. Nagsimulang tumambol ang puso ng lalaki at lumalakas ito habang papalapit si Kara sa kanya. Hindi niya napigilang bahagyang kumunot ang noo na sinabyan pa ng paghaba ng kanyang nguso dahil sa hindi maintindihang kaba. Bago nakalapit si Kara sa asawa ay huminto siya sa paper towels para punasan muna ang mukha at mga kamay. Nag-alala siyang