Paglabas nila ng conference room ay tumuloy sina Kara at Reginald sa opisina ng huli habang nakabuntot din ang lima pang miyembro ng board.Ipinaupo muna ni Kara ang kanyang ama sa swivel chair nito.“Kara, are you sure you can directly negotiate with Mr. De Guzman?” nag-aalalang tanong ni Mrs. Porter.Isang tipid na ngiti ang pinawalan ni Kara upang payapain ang loob ng matanda. “Yes, Mrs. Porter. And don’t worry, I think this is just a misunderstanding.”Lumambot ang mga mukha ng members ng board sa narinig kay Kara.“We will get going then,” pagpapaalam ng mga ito sa mag-ama.Nang masigurong nakaalis na ang board members, isang malalim na buntong-hininga ang pinawalan ni Reginald.“Can you call your husband? I want to clarify this to him,” malungkot na utos ng ama ni Kara sa kanya.Pilit na pinasaya ni Kara ang mukha para mawala ang pag-aalala ng ama. “Dad, let me handle this. I’ll talk to Marco first then we will discuss this to the board and the team tasked to handle this.”Tuman
Salubong pa rin ang dalawang kilay ni Marco kahit hindi na niya kausap si Kara sa telepono. Hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit mabigat sa pakiramdam na marinig na umiiyak ang babae. Wala naman dapat siyang pakialam sa nararamdaman ni Kara at ayaw rin niyang ma-attach sa babae kaya nga nang magising siya kinaumagahan matapos may mangyari na naman sa kanila ay minabuti niyang umalis agad at hindi umuwi sa apartment.Maghapon siyang sinusundot-sundot ng kanyang konsensiya sa naging asal sa bagong asawa kaya nakiusap siya sa kanyang ina para kamustahin ang babae at sabihin na lamang na may emergency siya sa Pilipinas. Nagulat din siya na hindi sinabi ni Kara sa kanyang mama na hindi siya nagpaalam na aalis. Isang bagay na lalong nagpakonsensiya sa kanya.Kaya nang matanggap niya ang mensahe ni Kara na nais siyang makausap, naisip niya na mayroong hindi magandang nangyari kaya agad niya itong tinawagan.“Siyempre! Responsibilidad mo, pinakasalan mo eh!” parang tanga niyang pakik
Pinaglunoy ni Kara ang kanyang mga mata sa mga ilaw na nagmumula sa ibang gusali at establisyimento sa paligid habang prenteng nakaupo sa pang-isahang couch sa balcony ng kanilang apartment. Isa ang balcony sa nagustuhan niyang features ng bahay ng kanyang napangasawa, kahit pa taliwas ito sa inaasahan na dito siya titira. Akala niya kasi ay iuuwi siya sa sinasabing mansyon nito sa Kingsley Avenue.Sumubo siya ng isang cut ng cheese bago sumimsim ng wine sa kanyang kopita. Heto ang hapunan niya ngayon, cheese, orange at wine. Naisip niya na uminom ng wine para mas madali siyang makakatulog dahil kung hindi ay magdamag siyang mag-iisip sa sitwasyon ng kanilang Publishing Company.Napapikit si Kara nang maalala ang sinabi sa kanya ni Marco kanina sa telepono, hindi merger ang magaganap sa pagitan ng kanilang kumpanya at nina Marco.“Bakit kasi hind imo pa tinanong?” naiinis niyang bulong sa sarili.Binatukan niya ang sarili nang maisip niyang makapal nga ang mukha niya kung merger ang n
Mula sa basement parking ng Hotel Nikolai ay sumakay ng elevator si Kara. Pipindutin na sana niya ang button M kung nasaan ang restaurant nang may sumagi sa kanyang alaala nang makita ang P sa button panel. Nagsalubong ang mga kilay niya at saka nagsimulang uminit ang kanyang mukha. Ito ang elevator na sinakyan nila ni Marco noong gabing lasing na lasing siya at sa unang pagkakataon ay may nangyari sa kanila. Pumikit siya sa pagbabakasakaling may maalala pa ngunit naramdaman niya ang pagsasara ng pinto kaya napilitan siyang idilat ang kanyang mga mata at mabilis na pinindot ang M bago pa malagpasan ang kanyang pupuntahang palapag. Napangiti siya nang maalala kung paano niya nagisnan ng araw na iyon ang guwapong mukha ni Marco na para bang nililok nang maingat ng Bathala upang maging perpekto. Mula sa katamtamang kapal ng kilay nito, mga matang parang laging nangungusap, katamtamang tangos ng ilong at saktong kapal ng labi na malambot at masarap halikan. Nangingiting napahawak si Kara
Nagsimulang magbulungan sa paligid. Nataranta ang modelong nanduro kay Kara sa takot na mapahiya.“Are you implying that I am poor? I am an international ramp model compared to that unemployed bitch,” halos pasigaw na sagot ng babae sa restaurant manager.Nagtinginan sina Miles at Kara at saka sabay na tumayo. Aalis na lamang sila roon para makaiwas sa eskandalo.“Mister…” pagtawag ni Kara sa manager sabay tingin sa nameplate nito, “...Smith, we will just go somewhere else,” seryosong sabi ni Kara.Nagulat ang manager at mabilis na humarang sa daraanan nina Kara. Mahigpit na ibinilin ni Marco sa kanya kanina na hindi maaaring pabayaan ang babae. Hindi man niya kilala ng personal ang babae sa kanyang harapan, alam niyang kailangan niyang maisakatuparan ang ibinigay sa kanyang misyon. “I am so sorry, Ms. Baker. We do not want to upset you and ruin your morning. We can transfer you to a private booth so, you could enjoy catching up with your friend,” pagpigil ni Mr. Smith sa dalawa.Napa
Salubong ang mga kilay at nagtatangis ang bagang ni Marco nang lumabas ng restaurant. Hindi niya pinansin ang receptionist na malapad ang mga ngiting bumati sa kanya dahil nais niyang makausap ng lalaki sa lalaki si Victor. Hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit gusto niyang sapakin ang lalaki sa inis. Kung kanina ay tahimik lamang siyang nagmamatiyag pero tila may kung anong nasaling sa kaloob-looban niya nang makitang umiiyak si Kara. Anong karapatan ng mga Deschanel para patuloy na saktan ang kanyang asawa? Palapit na si Marco kay Victor na tahimik na nag-aabang sa isang elevator nang eksaktong bumukas ang isa pa at iluwal noon si Axel na agad tinawag ang atensyon ng kanyang pinsan. “Bro! I’ve been looking for you for ages!” eksaheradong pagbati ni Axel kaya napalingon si Marco sa kanya. Nang makitang si Axel lamang ang nagsalita ay binalikan niya nang tingin si Victor ngunit nakapasok na ito sa isang bumukas na elevator. “Paakyat ka sa penthouse mo?” tanong ni Axel na ha
Sandaling natigilan si Marco at tila iprinoseso ang sinabi ni Axel. Pagkuwan ay tumango ang binata. Ayaw niyang ipahalata sa kanyang pinsan na apektado siya.“Ang alam ko puno ang schedule ko buong linggo. Pakitanong na lang kay Enrique kung puwede pa this week,” sagot ni Marco na pilit itinago sa kausap ang inis sa lalaking nabanggit na pangalan kanina.Gumuhit ang isang tipid na ngiti sa mga labi ni Axel. “Many thanks, bro!”“Paki-lock na lang ang pinto pag-alis mo. Maliligo na ako,” napapailing na sagot ni Marco sa pinsan bago tuluyang pumasok sa kanyang silid. Naglakad siya hanggang sa marating ang glass wall at saka tinanaw ang kabuuan ng Downtown. Nawala sa isip niya na si Allona, ang stepsister ng kanyang pinsang buo na si Axel ay ang napabalitang pakakasalan ni Victor Deschanel. Napailing si Marco nang balikan niya sa kanyang alaala ang paraan nang pagtingin ni Victor kay Kara. Sigurado siya na hanggang ngayon ay may gusto pa rin ang lalaking Pranses sa kanyang asawa. Naning
Iniangat ni Kara ang tingin mula sa iniinom na strawberry and cream frappe patungo sa pinanggagalingan ng tinig habang patuloy na s********p sa straw. Napalunok si Axel sa nakitang hitsura ni Kara pakiramdam niya ay biglang uminit sa loob ng coffee shop gayung fully air conditioned ito. Nagulat naman si Kara nang makita si Axel kaya huminto ang babae sa pag-inom at dumiretso nang pagkakaupo habang si Miles ay curious na nagpapalit-palit nang tingin sa matipunong lalaki sa kanyang likuran at sa kanyang kaibigan na ngayon ay seryoso na ang mukha. Tumikhim muna si Axel bago nagsalita. “My team is now overwhelmed reviewing all your company’s accounts and financial statements, and here you are just dating around.” Tumaas ang isang kilay ni Kara sa narinig. Ang sabi ng lalaking ito noong huli silang nagkabangga ay ire-rekomenda na nito sa CEO na itigil na ang negosasyon. Wala ring nasabi ang kanyang daddy na nagpatuloy ang team nina Marco. Lihim na natuwa si Kara, dahil kung patuloy na b
Niyakag na nina Luciana at Mrs. Z si Kara papunta sa auction venue. Hindi mawari ni Kara ang nararamdaman nang umapak sila sa pintuan ng hall. Sa tantiya niya ay nasa isang daan o higit pa ang naroon. “Our table is in front,” ani Luciana na nagpatiuna na sa paglalakad habang nakasunod naman sina Mrs. Z, Kara at Samuel.Sa bandang likuran, umuwang ang mga labi ni Victor nang makitang papasok ng hall ang dating nobya. Lalong tumingkad ang puti ng babae at kitang-kita ang makinis nitong balat sa suot na midnight blue gown. Nakalugay lamang ang bahagyang kinulot na mahaba nitong buhok na pinarisan ng simpleng make-up lamang. Napansin niya ang mga kalalakihan sa hall na hindi maiwasang humanga sa babae kahit pa may mga kasamang asawa at nobya. Nagsalubong ang mga kilay ni Victor nang makitang may nakasunod na lalaki kay Kara. Sa pagkakakilala ng lalaki sa babae ay hindi ito basta-basta nagpapalapit sa lalaki kahit pa manliligaw na niya ito. Kaya nagtataka siya na may lalaking nakasunod s
Sinipat pang muli ni Kara ang sarili sa salamin. Nang makuntento ay dinampot na niya ang kanyang party clutch na kulay silver. Inilagay na niya doon kanina ang kanyang cellphone, credit card at isang maliit na spray alcohol.Pagbaba niya sa basement parking ay nakaantabay na ang driver ni Marco na si Samuel. Nakasuot ng itim na tuxedo ang lalaki dahil ibinilin ni Marco na samahan si Kara sa loob ng hall at siguruhing ligtas ang asawa.Dahil para sa charity ang gala at auction na iyon, ang venue ng event ay sa Royal Club House ng isa sa pinakasikat na subdibisyon sa Palo Alto kung saan matatagpuan ang bahay ng mga De Guzman.Pagdating nina Kara sa venue ay iniabot na lamang ni Samuel ang susi sa valet parking upang hindi malubayan ng kanyang mga mata ang babaeng amo. Nakasunod lamang ang lalaki kay Kara at hindi lumalayo nang hihigit sa isang dipa.Bago pumasok sa mismong pagdadausan ng auction, kailangan dumaan sa red carpet kung saan naroon ang mga miyembro ng press at isa-isang inii
Inisa-isa ni Kara ang mga naiwang damit sa kanyang walk-in closet sa bahay ng kanyang ama. Naghahanap siya ng akmang damit na isusuot para sa gaganaping Diamonds Gala and Auction Night bukas. Formal ang nakalagay na attire at ayaw naman niyang gumastos para lamang mag-attend ng naturang event.Kung ang babae nga lang ang masusunod ay ayaw na sana niyang dumalo tutal naman ay hindi na siya interesado sa kung sino ang makakabili ng kanyang mga alahas, ang importante ay hindi mapupunta sa wala ang mga iyon pero walang magawa si Kara dahil ang sabi ni Leah ay mismong board directors ng auction house ang nagpa-invite sa kanya.Nang makapili ng dalawang klase ay inilagay na niya ang mga iyon sa garment bag at saka bumaba para makipagkulitan muna sa kanyang tiya. Kinumbinse rin siya ng huli na doon na maghapunan na hindi na niya kinontra dahil miss na miss na rin naman niya ang kanyang ama at Auntie Liv.Pag-uwi niya ng apartment nila ni Marco. Nagulat si Kara nang makita na nakaupo sa labas
Naalimpungatan si Kara sa hindi pamilyar na ringing tone ng cellphone. Ibinaling niya sa kabilang panig ang kanyang katawan sa pag-aakalang mawawala rin iyon. Maya-maya ay narinig niya ang patakbong yabag sa loob ng kanilang silid. “Fuck!” pabulong na mura ni Marco nang makitang gumalaw ang mga mata ng natutulog pang asawa at umiba ng puwesto.Agad niyang sinagot ang tawag at saka lumabas ng kanilang silid.Nangamoy ang pabango ni Marco sa kuwarto dahilan para mas lalong magising ang diwa ni Kara. Sandali pa niyang inamoy-amoy ang paligid bago nagdesisyong tumayo at sinimulang ligpitin ang pinaghigaan nilang mag-asawa. Eksakto namang pumasok muli ang lalaki.“It’s still early, go back to sleep,” pangungumbinsi nito sa asawa.Isang tipid na ngiti ang pinawalan ni Kara at saka ibinalik ang atensyon sa inaayos na mga unan. “Its okay.”Nilapitan siya ni Marco at saka niyakap. “I’m sorry. I forgot to mute my phone.”Inamoy pa nito ang kanyang bumbunan bago bumitaw at saka pumasok sa walk-
Natiim ni Marco ang kanyang bagang. Kung babalikan ang nasabing araw ni Kara, iyon ay ang araw na iniwan niya ang babae nang walang pasabi matapos nilang magniig ng gabi ng kanilang kasal.Isang alanganing ngiti ang pinawalan ni Marco para ikubli ang biglang pagbigat ng kanyang pakiramdam sa nakitang lungkot sa mga mata ng kanyang asawa. “Can I try the soup now?” pagkuwan ay nasabi niya at saka dinampot ang spoon soup sa kanyang kanan.Pipigilan sana siya ni Kara sa takot na hindi masarap ang niluto niya ngunit mabilis na humigop ng sabaw ang lalaki. Pumikit pa ito bago ngumiti. “Masarap!”Lumiwanag ang mukha nina Reginald, Liv at Harper. Excited na humigop din ng sabaw ang tatlo.Nakita ni Kara na muling humigop ng sabaw si Marco kung kaya’t inobserbahan niya ang reaksiyon ng mukha ng lalaki. “It’s really good!” pagkumpirma ni Reginald matapos humigop ng sabaw at ngayon ay kumukuha na ng kanin.Napatingin si Marco kay Kara na tahimik pa rin siyang pinagmamasdan. Isang tipid na ngit
Hinaplos ang puso ni Marco sa narinig. Nag-aaral magluto ang kanyang misis ng kung anong putahe para sa kanya. Ang inis na nararamdaman kanina ay biglang naglaho. “Ms. Kara, your husband is here,” pabulong na sabi ni Harper kay Kara dahilan para magtaka ang babae sa narinig na impormasyon. Ang buong akala kasi ni Kara ay umalis na naman ang kanyang asawa ng walang pasabi. Napalingon sina Liv at Kara sa pintuan at agad nakita ang bulto ng lalaki na nakatayo roon. Agad in-off ni Liv ang kalan at hinatak na si Harper patungo sa isang daan palabas ng kusina para hindi maka-istorbo sa mag-asawa. Isang matamis na ngiti ang ibinungad ni Kara kay Marco. Nagsimulang tumambol ang puso ng lalaki at lumalakas ito habang papalapit si Kara sa kanya. Hindi niya napigilang bahagyang kumunot ang noo na sinabyan pa ng paghaba ng kanyang nguso dahil sa hindi maintindihang kaba. Bago nakalapit si Kara sa asawa ay huminto siya sa paper towels para punasan muna ang mukha at mga kamay. Nag-alala siyang
Pinindot ni Marco ang power button ng kanyang phone para bumukas ang screen at saka muling ibinalik ang atensyon sa presentation ng staff na kasama sa binuong team ni Axel para sa pagsasalba sa RBs Publishing House. Panlimang ulit na niyang binabalik-balikan ang kanyang cellphone kung may mensahe ang asawa mula nang magsimula ang meeting mag-iisang oras na ang nakakaraan ngunit hanggang ngayon ay wala pa rin.Pasado alas-nueve na siya nagising kanina at kung hindi siya tinawagan ni Enrique para sa naka-schedule na 11:00 am meeting ay posibleng tulog pa rin siya sa tabi ni Kara. At mula nang umalis siya ng bahay ay wala pa siyang natatanggap kahit isang update mula sa asawa.Napatango siya bilang pagsang-ayon nang marinig ang marketing plans na inilatag ng grupo. Hati man ang atensyon sa pag-iisip kay Kara ay hindi nakaligtas sa pandinig ng CEO ang mungkahing tanggalin ang matatanda nang empleyado at mag-hire ng mga bata para makatipid sa pagpapasahod. Sumama ang mukha nito at itininaa
Nakatanggap ng mensahe si Victor mula sa inupahan niyang tao para manmanan ang galaw ni Kara. Ayon dito ay ibinigay lahat ng babae ang kanyang mga damit na gawa ng Deschanel sa isang kumbento sa Palo Alto. Hindi niya masisisi ang dating kasintahan kung ganoon na lamang ang galit sa kanya, ngunit gagawin niya ang lahat para mabawi ito kahit na anong mangyari.Muling tumunog ang kanyang cellphone at isang link ang ipinadala ng kanyang kausap. Nang buksan niya iyon ay tumambad sa kanya ang mga alahas na ibinigay kay Kara. Naka-post na ito sa social media ng isang auction house sa Palo Alto. Parang batang nagmaktol si Victor sa inis at ibinato ang hawak na cellphone sa pinto ng kanyang opisina. Eksaktong bumukas ang pinto at nasapul ang noo ni Allona.Napahawak si Allona sa kanyang ulo dahil sa pagkahilo. Sa takot na napuruhan ang babae ay napatakbo si Victor para damputin ang cellphone bago dinaluhan ang fiancee na napasandal na sa dingding.“It’s not intended for you!” pangangatwiran ni
Tinitigan ni Marco ang maamong mukha ni Kara na ngayon ay puno nang pagnanasa sa kanya. Ang mga mata nitong para bang nakikiusap na mas lalo pang paligayahin. Pinaglapat niya ang kanyang mga labi sa hindi maintindihang emosyon na nararamdaman. Hindi naman maalis ni Kara ang tingin sa perpektong mukha ng asawa. Nakagat ni Kara ang kanyang pang-ibabang labi. Pakiramdam niya ay napakasuwerte niya na ikinasal siya sa lalaking ito. Masarap na titigan ang mukha, masarap pa ang katawan at masarap din sa kama. Sa mga titig na iyon ni Kara ay hindi na nakapaghintay si Marco at kinubabawan na ang asawa. Hindi siya magpipigil ngayon gabi, dahil sa asawa niya lang nabubuhay nang ganito ang kanyang pagkalalaki. Napasinghap si Kara nang maramdaman ang marahas na pagpasok ng matigas na pagkalalaki ng kanyang asawa. Sandaling huminto si Marco gumalaw nang hindi inaalis ang tingin sa magandang mukha ng kanyang misis. Gusto niyang makita na nasisiyahan ito sa kanyang ginagawa. Dahan-dahan siyang k