Kumuha ng wedding planner ang ina ni Marco upang may kasama sila ni Kara na mag-ayos ng kasal. Kahit na sabihing hindi naman nila mahal ang isa’t isa, na-excite pa rin si Kara nang sabihin ng lalaki na ibigay sa kanya ang gusto niyang kasal.
Sa dami nang aasikasuhin, napagkasunduan ng mga magulang nina Marco at Kara na gawin ang kasal tatlong buwan mula ngayon. Hindi naman daw nila kailangang magmadali at makatutulong iyon para mas makilala pa ng dalawa ang isa’t isa.
Nag-message ang ama ni Kara na i-meet siya sa Italian Restaurant na malapit sa kanilang Company para sabay na mag-lunch, excited na nagpunta si Kara.
Pagdating niya sa Italian Restaurant, si Marco ang nakita niyang nakaupo sa pang apatan na mesa. Kunot ang noo ng lalaki nang makita ang dalaga pero tumayo pa rin ito para salubungin ang nagtataka ring babae.
“Hi! I’ll wait for my dad at another table,” saad ni Kara.
“No let’s just have lunch together,” saad ni Marco kaya kumunot ang noo ng dalaga.
“Dad said he will meet me here for lunch,” paliwanag nito.
Napailing si Marco. “Mom, said the same thing to me.”
Hindi makapaniwala si Kara na nagawa siyang dayain ng ama para lamang magkausap sila ni Marco. Sumunod na lamang siya kay Marco ng igiya siya nito sa mesang kinauupuan kanina na ngayon ay may mga pagkain na.
“I can’t believe our parents tricked us,” natatawang sabi ni Kara habang inaalalayan siya ni Marco na maupo.
“Maybe they will not stop until they see us signing our marriage certificate,” naiiling na sabi ni Marco na naupo na lamang sa katabing upuan ni Kara. “I ordered ahead and most of this are my parents’ favorite, but let me know if…”
“Marco, I am not a picky eater,” ani Kara sabay hawak sa kamay ni Marco na nakapatong sa mesa.
Napatango naman ang lalaki at saka ngumiti ng sarkastiko. “And you don’t eat much.”
Napangiti si Kara. Magsasalita sana siya nang mapalingon sila ni Marco sa lalaking nagmumura at papalapit sa kanila. Bago pa makapagsalita si Marco ay hinila na ito ng lalaki at inundayan ng suntok dahilan upang mawalan ng panimbang si Marco at mapasubsob sa isang bakanteng mesa.
Naghiyawan ang mga tao sa loob ng restaurant at nagtayuan palayo sa dalawang lalaki. Tulala naman si Kara at hindi alam ang gagawin. Muling sinuntok ng lalaki si Marco.
“Gago ka! Walanghiya ka!” galit na galit na sabi ng lalaki na hinila na ng kanyang mga kasama palabas ng restaurant.
Napatakbo si Kara kay Marco. “Oh my god, Marco! Are you okay?”
Tumango si Marco sabay hawak sa kanyang mata na tinamaan ng kamao ng lalaki. Sumubok itong tumayo ngunit nawalan ito ng balanse.
Lumingon si Kara sa mga taong naroon para humingi ng tulong nang makita niyang papalapit ang restaurant manager at isa pang waiter. Nagtulong ang dalawa na maisakay sa kotse si Marco at dinala sila sa pinakamalapit na ospital.
Sa Emergency Room ay tinanong silang dalawa kung ano ang nangyari bago sinimulang bigyan ng paunang lunas ang lalaki.
“We want to make sure that his head was not hit, we will do a CT Scan,” paliwanag ng doktor. “Please remove all metal objects and electronics from his body.”
Dahil medyo hilo pa ay tahimik lamang na nakahiga si Marco sa hospital bed kaya si Kara na ang nagsimulang magtanggal ng singsing at relo ng lalaki. Tinulungan din siya ng nurse na lalaki na tanggalin ang suot na belt ni Marco at saka dinukot nito mula sa mga bulsa ang susi ng kotse, wallet at cellphone ng lalaki at iniabot ang mga iyon kay Kara.
Naiwan si Kara sa labas ng Radiology Department. Tahimik siyang naupo at inisa-isang tingnan ang mga hawak na gamit na puro kay Marco lamang. At saka niya naalala na naiwan niya sa restaurant ang dalang bag kaya hindi niya magagawang sabihan ang ama sa nangyari para ipaalam sa mga magulang ng lalaki. Naka-screen lock din ang phone ni Marco kaya hindi rin niya magawang tumawag sa kanilang opisina.
Nabuhayan ng loob si Kara nang mag-vibrate ang cellphone ng lalaki at lumitaw ang pangalang Nick. Agad niya iyong sinagot. “Hello?”
Ngunit walang nagsasalita sa kabilang linya. Ibababa na sana ni Kara nang marinig ang mala-anghel na tinig ng isang babae. “Is this Marco’s mobile?”
“Y-yes. But he is in the restroom right now. I’ll tell him that you called,” kinakabahan niyang sagot at nalilitong mabilis na ibinaba ang tawag.
“Why did you answer my phone?” madiing sita ni Marco dahilan upang lalong lumakas ang kaba ni Kara.
“I thought it could…” hindi natapos ni Kara ang sasabihin ng agad na kinuha ni Marco ang cellphone sa kanyang kamay at saka naglakad palabas ng ospital.
Pinagtinginan siya ng mga tao kaya nakaramdam siya ng pagkapahiya. Sumunod siya sa kung saan nagpunta si Marco at nakita niya itong nakasandal sa kanyang kotse habang seryosong nakikipag-usap sa phone. Nanatili siyang nakatingin sa lalaki hanggang sa matapos ang tawag at lingunin siya nito para yayaing umuwi.
Tatlong linggo ang lumipas nang magising siya sa isang text message mula sa isang unknown number.
This is Marco. I’m on my way to pick you up. Wear something white.
Napabalikwas si Kara at mabilis na naligo. Manipis na make-up lamang ang inilagay niya sa mukha at saka isinuot ang shortsleeve off-white A-line chiffon dress na lagpas sa kanyang tuhod. Narinig niya ang dalawang busina mula sa labas kaya dinampot na lamang niya ang kanyang puting bag at pumps at saka nagtatatakbo pababa ng hagdan hanggang sa marating niya ang kanilang pinto kung saan nakaparada sa tapat ang isang silver sports car.
Isinuot ni Kara ang kanyang pump heels at saka naglakad patungo sa passenger seat. Nang makasakay ay pinaharurot na ni Marco ang sasakyan hanggang sa marating nila ang labas ng Tax Court.
“Get down. We’re getting married today,” ani Marco bago bumaba ng kotse.
Napanganga naman si Kara sa narinig.
“We are getting what?” kunot-noong tanong ni Kara sa sarili na napilitan na ring bumaba nang makitang yamot na ang mukha ni Marco.Nakalapit na si Kara kay Marco ngunit mahaba pa rin ang nguso ng lalaki.“You want to get married or not?” halos padabog pang tanong ng lalaki.“Of course I do. But our wedding is scheduled two months from now,” naguguluhang pagpapaalala ni Kara kay Marco.Nagsalubong ang mga kilay ng lalaki.“Then, I’ll just go to work today but I might decide to cancel that wedding tomorrow,” sagot ni Marco na mabilis na tumalikod.Nanlaki ang mga mata ni Kara sa sinabi ng lalaki at nagsimulang kabahan sa takot na atakihin muli sa puso ang kanyang ama at mawalan ng trabaho ang nasa limandaan nilang empleyado.“Marco, wait!” mabilis na inabot ni Kara ang kamay ni Marco para pigilin ang lalaki sa pag-alis. “Do we have a copy of our marriage license?”Hinawakan ni Marco ng mahigpit ang kamay ni Kara at saka hinila papasok sa korte. “The wedding planner is in charge of that.
Salubong ang mga kilay na nagpaalam si Marco sa kanyang kausap sa telepono. Naglabasan ang mga ugat sa kanyang kanang braso habang gigil na hawak ang telepono bago nito binuhay ang makina ng kanyang sasakyan at nagmamadaling umalis sa basement parking ng residential building na iyon.Tumigil siya sa parking space ng pinakamalaking bar sa Palo Alto. Agad siyang pinapasok ng guwardiya habang isang bouncer naman ang humawi sa mga tao para maayos na marating ni Marco ang pinakasulok na bahagi ng bar. Pagkaupo niya ay inilapag na agad ng waiter ang lagi niyang iniinom na brand ng whiskey.Sanay na sa kanya ang mga tao roon, darating siya ng walang pasabi at dapat kasunod na niya ang maiinom na alak. Tatayo rin ang isang bouncer sa gilid ng booth dahil ayaw ni Marco na lalapitan siya ng kung sinu-sinong babae.Sa loob ng anim na taon, iyon na ang nakagawian ni Marco. Girls are off limits. Kung makakasama man niyang uminom ang dalawa pa niyang kaibigan na kasamang nagtayo ng bar na iyon, alam
(WARNING: SPG) Nanlaki ang mga mata ni Kara nang mapagtantong magkalapat ang mga labi nila ni Marco. Pakiamdam niya ay dumagdag pa ito sa nararamdamang kahihiyan mula kanina nang nagisingan ni Marco na kagat-kagat niya ang kanyang pang-ibabang labi. Namula ang kanyang mga pisngi nang makitang nakatingin sa kanya ang lalaki na parang sinasaulo ang hitsura ng bawat parte ng kanyang mukha.Mabilis na itinukod ni Kara ang kanyang mga kamay sa kama para suportahan ang sarili sa pagtayo ngunit hinigpitan ni Marco ang pagkakayakap sa kanya dahilan upang maibuka niya nang bahagya ang kanyang mga labi.Inakala naman ni Marco na pumapayag na magpahalik ang babae kaya hindi na niya pinigil ang nararamdamang init sa katawan. Sinipsip niya ang mga labi ni Kara na sa tuwing nakikita niya ay parang inaakit siyang halikan. Hinigpitan pa niya ang pagyapos sa maliit na bewang ng babae at saka sinapo ang likod ng ulo nito at saka mabilis na pinagpalit ang kanilang mga puwesto. Inilayo sandali ni Marco a
Naramdaman ni Kara ang lamig sa kuwarto kaya hinila niya ang comforter para takpan ang iba pang parte ng kanyang katawan at saka nito hinigit ang iba pa para yakapin habang pinanatili niyang nakapikit ang kanyang mga mata. Umikot siya para humarap sa gitnang bahagi ng kama, nakaramdam siya ng konting sakit ng kalamnan at napadilat siya nang maalala ang ginawa nila ni Marco kagabi. Bahagyang kumurba ang kanyang mga kilay ng mapagtantong nag-iisa siya sa napakalaking kama.Kumalam ang kanyang sikmura kaya inilipat niya ang tingin sa wall clock sa taas ng tv sa harap ng kanilang kama at napatayo siya nang makitang alas tres na ng hapon. Dagli siyang napatayo at nagtungo sa banyo para magsipilyo lang sana pero dahil hapon na, minabuti niyang maligo na rin nang mabilis. Pinili niyang isuot ang asul na bikini at asul na house dress na hindi aabot sa kanyang tuhod, hindi na siya nagsuot ng bra dahil asawa niya naman ang kasama sa bahay at wala naman na siyang itatago pa sa lalaki. Nagwisik l
Maagang gumising si Kara nang sumunod na araw. Naisip niya na wala naman siyang dapat ipagmukmok sa apartment dahil nang pumayag siyang pakasal sa lalaki, ang tanging iniisip niya ay ang kalagayan ng kanyang ama at ang mga empleyado nila sa kanilang publishing company.Nakatapis lamang si Kara ng tuwalya nang lumabas ng banyo, pumasok siya sa walk-in closet. Napahawak siya sa kanyang noo nang makita ang kanyang luggage. Hindi pa pala niya naililipat ang laman ng mga iyon sa shelf at rack.“Mamayang hapon ko na lang ito gagawin,” ani Kara sa kanyang sarili.Dinampot niya ang itim na dress pants at isang longsleeves polo na kulay krema dahil sigurado siyang wrinkle free ang mga iyon dahil isa iyon sa magandang feature ng mga damit ng Deschanel, lahat ay wrinkle free.Bahagyang bumigat ang dibdib ni Kara nang maalala ang dating kasintahan. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala na kay dali kay Victor na bitawan siya para sa kanyang mana. Mahigit anim na buwan siyang masuyong n
Paglabas nila ng conference room ay tumuloy sina Kara at Reginald sa opisina ng huli habang nakabuntot din ang lima pang miyembro ng board.Ipinaupo muna ni Kara ang kanyang ama sa swivel chair nito.“Kara, are you sure you can directly negotiate with Mr. De Guzman?” nag-aalalang tanong ni Mrs. Porter.Isang tipid na ngiti ang pinawalan ni Kara upang payapain ang loob ng matanda. “Yes, Mrs. Porter. And don’t worry, I think this is just a misunderstanding.”Lumambot ang mga mukha ng members ng board sa narinig kay Kara.“We will get going then,” pagpapaalam ng mga ito sa mag-ama.Nang masigurong nakaalis na ang board members, isang malalim na buntong-hininga ang pinawalan ni Reginald.“Can you call your husband? I want to clarify this to him,” malungkot na utos ng ama ni Kara sa kanya.Pilit na pinasaya ni Kara ang mukha para mawala ang pag-aalala ng ama. “Dad, let me handle this. I’ll talk to Marco first then we will discuss this to the board and the team tasked to handle this.”Tuman
Salubong pa rin ang dalawang kilay ni Marco kahit hindi na niya kausap si Kara sa telepono. Hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit mabigat sa pakiramdam na marinig na umiiyak ang babae. Wala naman dapat siyang pakialam sa nararamdaman ni Kara at ayaw rin niyang ma-attach sa babae kaya nga nang magising siya kinaumagahan matapos may mangyari na naman sa kanila ay minabuti niyang umalis agad at hindi umuwi sa apartment.Maghapon siyang sinusundot-sundot ng kanyang konsensiya sa naging asal sa bagong asawa kaya nakiusap siya sa kanyang ina para kamustahin ang babae at sabihin na lamang na may emergency siya sa Pilipinas. Nagulat din siya na hindi sinabi ni Kara sa kanyang mama na hindi siya nagpaalam na aalis. Isang bagay na lalong nagpakonsensiya sa kanya.Kaya nang matanggap niya ang mensahe ni Kara na nais siyang makausap, naisip niya na mayroong hindi magandang nangyari kaya agad niya itong tinawagan.“Siyempre! Responsibilidad mo, pinakasalan mo eh!” parang tanga niyang pakik
Pinaglunoy ni Kara ang kanyang mga mata sa mga ilaw na nagmumula sa ibang gusali at establisyimento sa paligid habang prenteng nakaupo sa pang-isahang couch sa balcony ng kanilang apartment. Isa ang balcony sa nagustuhan niyang features ng bahay ng kanyang napangasawa, kahit pa taliwas ito sa inaasahan na dito siya titira. Akala niya kasi ay iuuwi siya sa sinasabing mansyon nito sa Kingsley Avenue.Sumubo siya ng isang cut ng cheese bago sumimsim ng wine sa kanyang kopita. Heto ang hapunan niya ngayon, cheese, orange at wine. Naisip niya na uminom ng wine para mas madali siyang makakatulog dahil kung hindi ay magdamag siyang mag-iisip sa sitwasyon ng kanilang Publishing Company.Napapikit si Kara nang maalala ang sinabi sa kanya ni Marco kanina sa telepono, hindi merger ang magaganap sa pagitan ng kanilang kumpanya at nina Marco.“Bakit kasi hind imo pa tinanong?” naiinis niyang bulong sa sarili.Binatukan niya ang sarili nang maisip niyang makapal nga ang mukha niya kung merger ang n
Niyakag na nina Luciana at Mrs. Z si Kara papunta sa auction venue. Hindi mawari ni Kara ang nararamdaman nang umapak sila sa pintuan ng hall. Sa tantiya niya ay nasa isang daan o higit pa ang naroon. “Our table is in front,” ani Luciana na nagpatiuna na sa paglalakad habang nakasunod naman sina Mrs. Z, Kara at Samuel.Sa bandang likuran, umuwang ang mga labi ni Victor nang makitang papasok ng hall ang dating nobya. Lalong tumingkad ang puti ng babae at kitang-kita ang makinis nitong balat sa suot na midnight blue gown. Nakalugay lamang ang bahagyang kinulot na mahaba nitong buhok na pinarisan ng simpleng make-up lamang. Napansin niya ang mga kalalakihan sa hall na hindi maiwasang humanga sa babae kahit pa may mga kasamang asawa at nobya. Nagsalubong ang mga kilay ni Victor nang makitang may nakasunod na lalaki kay Kara. Sa pagkakakilala ng lalaki sa babae ay hindi ito basta-basta nagpapalapit sa lalaki kahit pa manliligaw na niya ito. Kaya nagtataka siya na may lalaking nakasunod s
Sinipat pang muli ni Kara ang sarili sa salamin. Nang makuntento ay dinampot na niya ang kanyang party clutch na kulay silver. Inilagay na niya doon kanina ang kanyang cellphone, credit card at isang maliit na spray alcohol.Pagbaba niya sa basement parking ay nakaantabay na ang driver ni Marco na si Samuel. Nakasuot ng itim na tuxedo ang lalaki dahil ibinilin ni Marco na samahan si Kara sa loob ng hall at siguruhing ligtas ang asawa.Dahil para sa charity ang gala at auction na iyon, ang venue ng event ay sa Royal Club House ng isa sa pinakasikat na subdibisyon sa Palo Alto kung saan matatagpuan ang bahay ng mga De Guzman.Pagdating nina Kara sa venue ay iniabot na lamang ni Samuel ang susi sa valet parking upang hindi malubayan ng kanyang mga mata ang babaeng amo. Nakasunod lamang ang lalaki kay Kara at hindi lumalayo nang hihigit sa isang dipa.Bago pumasok sa mismong pagdadausan ng auction, kailangan dumaan sa red carpet kung saan naroon ang mga miyembro ng press at isa-isang inii
Inisa-isa ni Kara ang mga naiwang damit sa kanyang walk-in closet sa bahay ng kanyang ama. Naghahanap siya ng akmang damit na isusuot para sa gaganaping Diamonds Gala and Auction Night bukas. Formal ang nakalagay na attire at ayaw naman niyang gumastos para lamang mag-attend ng naturang event.Kung ang babae nga lang ang masusunod ay ayaw na sana niyang dumalo tutal naman ay hindi na siya interesado sa kung sino ang makakabili ng kanyang mga alahas, ang importante ay hindi mapupunta sa wala ang mga iyon pero walang magawa si Kara dahil ang sabi ni Leah ay mismong board directors ng auction house ang nagpa-invite sa kanya.Nang makapili ng dalawang klase ay inilagay na niya ang mga iyon sa garment bag at saka bumaba para makipagkulitan muna sa kanyang tiya. Kinumbinse rin siya ng huli na doon na maghapunan na hindi na niya kinontra dahil miss na miss na rin naman niya ang kanyang ama at Auntie Liv.Pag-uwi niya ng apartment nila ni Marco. Nagulat si Kara nang makita na nakaupo sa labas
Naalimpungatan si Kara sa hindi pamilyar na ringing tone ng cellphone. Ibinaling niya sa kabilang panig ang kanyang katawan sa pag-aakalang mawawala rin iyon. Maya-maya ay narinig niya ang patakbong yabag sa loob ng kanilang silid. “Fuck!” pabulong na mura ni Marco nang makitang gumalaw ang mga mata ng natutulog pang asawa at umiba ng puwesto.Agad niyang sinagot ang tawag at saka lumabas ng kanilang silid.Nangamoy ang pabango ni Marco sa kuwarto dahilan para mas lalong magising ang diwa ni Kara. Sandali pa niyang inamoy-amoy ang paligid bago nagdesisyong tumayo at sinimulang ligpitin ang pinaghigaan nilang mag-asawa. Eksakto namang pumasok muli ang lalaki.“It’s still early, go back to sleep,” pangungumbinsi nito sa asawa.Isang tipid na ngiti ang pinawalan ni Kara at saka ibinalik ang atensyon sa inaayos na mga unan. “Its okay.”Nilapitan siya ni Marco at saka niyakap. “I’m sorry. I forgot to mute my phone.”Inamoy pa nito ang kanyang bumbunan bago bumitaw at saka pumasok sa walk-
Natiim ni Marco ang kanyang bagang. Kung babalikan ang nasabing araw ni Kara, iyon ay ang araw na iniwan niya ang babae nang walang pasabi matapos nilang magniig ng gabi ng kanilang kasal.Isang alanganing ngiti ang pinawalan ni Marco para ikubli ang biglang pagbigat ng kanyang pakiramdam sa nakitang lungkot sa mga mata ng kanyang asawa. “Can I try the soup now?” pagkuwan ay nasabi niya at saka dinampot ang spoon soup sa kanyang kanan.Pipigilan sana siya ni Kara sa takot na hindi masarap ang niluto niya ngunit mabilis na humigop ng sabaw ang lalaki. Pumikit pa ito bago ngumiti. “Masarap!”Lumiwanag ang mukha nina Reginald, Liv at Harper. Excited na humigop din ng sabaw ang tatlo.Nakita ni Kara na muling humigop ng sabaw si Marco kung kaya’t inobserbahan niya ang reaksiyon ng mukha ng lalaki. “It’s really good!” pagkumpirma ni Reginald matapos humigop ng sabaw at ngayon ay kumukuha na ng kanin.Napatingin si Marco kay Kara na tahimik pa rin siyang pinagmamasdan. Isang tipid na ngit
Hinaplos ang puso ni Marco sa narinig. Nag-aaral magluto ang kanyang misis ng kung anong putahe para sa kanya. Ang inis na nararamdaman kanina ay biglang naglaho. “Ms. Kara, your husband is here,” pabulong na sabi ni Harper kay Kara dahilan para magtaka ang babae sa narinig na impormasyon. Ang buong akala kasi ni Kara ay umalis na naman ang kanyang asawa ng walang pasabi. Napalingon sina Liv at Kara sa pintuan at agad nakita ang bulto ng lalaki na nakatayo roon. Agad in-off ni Liv ang kalan at hinatak na si Harper patungo sa isang daan palabas ng kusina para hindi maka-istorbo sa mag-asawa. Isang matamis na ngiti ang ibinungad ni Kara kay Marco. Nagsimulang tumambol ang puso ng lalaki at lumalakas ito habang papalapit si Kara sa kanya. Hindi niya napigilang bahagyang kumunot ang noo na sinabyan pa ng paghaba ng kanyang nguso dahil sa hindi maintindihang kaba. Bago nakalapit si Kara sa asawa ay huminto siya sa paper towels para punasan muna ang mukha at mga kamay. Nag-alala siyang
Pinindot ni Marco ang power button ng kanyang phone para bumukas ang screen at saka muling ibinalik ang atensyon sa presentation ng staff na kasama sa binuong team ni Axel para sa pagsasalba sa RBs Publishing House. Panlimang ulit na niyang binabalik-balikan ang kanyang cellphone kung may mensahe ang asawa mula nang magsimula ang meeting mag-iisang oras na ang nakakaraan ngunit hanggang ngayon ay wala pa rin.Pasado alas-nueve na siya nagising kanina at kung hindi siya tinawagan ni Enrique para sa naka-schedule na 11:00 am meeting ay posibleng tulog pa rin siya sa tabi ni Kara. At mula nang umalis siya ng bahay ay wala pa siyang natatanggap kahit isang update mula sa asawa.Napatango siya bilang pagsang-ayon nang marinig ang marketing plans na inilatag ng grupo. Hati man ang atensyon sa pag-iisip kay Kara ay hindi nakaligtas sa pandinig ng CEO ang mungkahing tanggalin ang matatanda nang empleyado at mag-hire ng mga bata para makatipid sa pagpapasahod. Sumama ang mukha nito at itininaa
Nakatanggap ng mensahe si Victor mula sa inupahan niyang tao para manmanan ang galaw ni Kara. Ayon dito ay ibinigay lahat ng babae ang kanyang mga damit na gawa ng Deschanel sa isang kumbento sa Palo Alto. Hindi niya masisisi ang dating kasintahan kung ganoon na lamang ang galit sa kanya, ngunit gagawin niya ang lahat para mabawi ito kahit na anong mangyari.Muling tumunog ang kanyang cellphone at isang link ang ipinadala ng kanyang kausap. Nang buksan niya iyon ay tumambad sa kanya ang mga alahas na ibinigay kay Kara. Naka-post na ito sa social media ng isang auction house sa Palo Alto. Parang batang nagmaktol si Victor sa inis at ibinato ang hawak na cellphone sa pinto ng kanyang opisina. Eksaktong bumukas ang pinto at nasapul ang noo ni Allona.Napahawak si Allona sa kanyang ulo dahil sa pagkahilo. Sa takot na napuruhan ang babae ay napatakbo si Victor para damputin ang cellphone bago dinaluhan ang fiancee na napasandal na sa dingding.“It’s not intended for you!” pangangatwiran ni
Tinitigan ni Marco ang maamong mukha ni Kara na ngayon ay puno nang pagnanasa sa kanya. Ang mga mata nitong para bang nakikiusap na mas lalo pang paligayahin. Pinaglapat niya ang kanyang mga labi sa hindi maintindihang emosyon na nararamdaman. Hindi naman maalis ni Kara ang tingin sa perpektong mukha ng asawa. Nakagat ni Kara ang kanyang pang-ibabang labi. Pakiramdam niya ay napakasuwerte niya na ikinasal siya sa lalaking ito. Masarap na titigan ang mukha, masarap pa ang katawan at masarap din sa kama. Sa mga titig na iyon ni Kara ay hindi na nakapaghintay si Marco at kinubabawan na ang asawa. Hindi siya magpipigil ngayon gabi, dahil sa asawa niya lang nabubuhay nang ganito ang kanyang pagkalalaki. Napasinghap si Kara nang maramdaman ang marahas na pagpasok ng matigas na pagkalalaki ng kanyang asawa. Sandaling huminto si Marco gumalaw nang hindi inaalis ang tingin sa magandang mukha ng kanyang misis. Gusto niyang makita na nasisiyahan ito sa kanyang ginagawa. Dahan-dahan siyang k