Habang si Kara ay pilit pinatatagal ang kanyang pagkain kahit pa kakarampot lang naman ang laman ng kanyang plato. Nainis ang dalaga sa kanyang sarili dahil kahit na anong pigil ay nagnanakaw pa rin siya ng sulyap sa lalaking nasa kanyang harapan na busy sa kung sinomang ka-chat sa kanyang cellphone. Kunot na kunot pa ang noo ng lalaki na para bang may sino-solve na problema.
Maya-maya pa ay nag-vibrate ang cellphone ni Marco dahilan para tumayo ang lalaki at lumabas ng function room.
Pagkaraan ng ilang minuto, nag-ring ang cellphone ni Mrs. De Guzman. “Marco said he was sorry that he needs to leave without saying goodbye. He said something urgent came up.”
“It's okay, Mitch. We all know how busy your son is,” saad naman ni Reginald.
Hindi rin nagtagal at nagpaalam na ang mag-ama.
“Kara, I will call you maybe next week. We can have coffee or let’s go shopping!” nakangiting saad ni Mrs. De Guzman.
“Sure, Mrs. De Guzman!” nakangiti ring sagot ni Kara.
Bahagyang kumunot ang noo ni Mrs. De Guzman. “Mitch. You can call me Mitch.”
“O-okay, Mitch,” nahihiyang sagot ni Kara.
Nang makauwi sila ng ama ay nagpahatid na ito sa kanyang silid. Matapos ipaabot sa anak ang kanyang pantulog ay nagsabi na itong magpapahinga.
Dumaan ang dalawang linggo na tanging opisina at bahay lamang ang ruta ni Kara. Mahina pa rin ang sales ng mga librong nilimbag at ibinebenta nila. Wala na rin silang narinig pa sa pamilya De Guzman kaya posibleng hindi siya nagustuhan ni Marco at ng kanyang mga magulang. Iniisip na niyang ibenta ang kanyang apartment sa Paris kahit na hindi iyon sapat para mabayaran ang lahat ng utang ng kanyang ama sa bangko.
Habang nagbibihis ng pambahay ay napatiitig siya sa kanyang mga damit sa walk-in cabinet. “I could also sell my clothes online. I know these could also augment for the workers’ salary for this payday.”
Pumili siya ng sampung dress sa kanyang closet at limang bag at saka kinuhanan ng mga litrato. Isa-isa niyang ipinost ang mga iyon sa kanyang Instapage at nilagyan ng presyo. Ikinatwiran niyang kasalukuyan siyang nagde-declutter ng walk-in closet.
Pagka-post pa lang niya ay umani na ito ng samu’t saring reaksyon. May ilan na pinagtatawanan siya at sinasabing nalaos na kaya kailangan na ng pera habang ang iba naman ay nakikipagtawaran ngunit hindi naman tumutuloy na bumili.
Maya-maya ay may isang bumili ng kanyang itim na halter dress, hindi tumawad ang babae kaya lalo siyang natuwa. Pagkuwan ay sunud-sunod na ang bumili ng kanyang mga damit at bag hanggang sa maubos ang kanyang mga binebenta ng gabing iyon.
Nagising si Kara sa katok ng kanyang tiyahin. “Kara, wake up! Your dad wants to talk to you!”
Inaantok man ay masayang bumangon si Kara. “In a minute!”
Masigla siyang bumaba at bumati sa ama. “Good morning, Dad!”
“Good morning, muffin! Marco wants to meet you. His driver is waiting for you outside,” nakangiting sabi ng kanyang ama.
“Did he say why?” curious na tanong ni Kara.
Nagkibit lamang ng balikat si Reginald.
“Ohh. Then, I will take a quick bath,” sagot ni Kara na agad tumakbo paakyat ng hagdan.
Nang muli siyang bumaba ay nakasuot na siya ng peach na polo longsleeves na pinarisan ng puting dress pants at wedge. Sa labas ng kanilang bahay ay naghihintay ang SUV na sumundo rin sa kanilang mag-ama dati.
Makaraan ang tatlumpong minuto ay pumasok sila sa isang mataas na gate at sa lawak ng lupa ay hindi niya matanaw ang hitsura ng bahay. Nang malapit na sila sa bahay ay napamura siya sa kanyang sarili. Malaki na ang bahay nila na may limang kuwarto pero sa nakikita niyang bahay ngayon sa pakiramdam niya ay maliligaw siya rito. Pagkababa ng SUV ay sinalubong siya ng isang matandang babae na nagpakilalang mayordoma, pagkatapos ay iginiya siya sa isang silid.
Pagpasok niya ay naroon si Marco at nakaupo sa kulay itim na leather couch. Sinenyasan lamang niya ang mayordoma at tahimik itong lumabas.
“G-good morning!” alanganing bati ni Kara. Hindi rin niya magawang ngumiti dahil seryosong-seryoso ang mukha ng lalaki habang nakatitig sa kanya.
“Sit here,” pautos na sabi ni Marco habang tinatapik ang espasyo sa kanyang tabi.
Sandaling napamaang si Kara nang marinig ang baritonong boses ng lalaki ngunit nang makitang tumaas ang dalawang kilay nito ay madali siyang lumapit at naupo.
Bumuntong hinga si Marco at saka bahagyang iniharap ang katawan kay Kara. Tinitigan niya ang kulay hazelnut na mga mata ng babae, ang katamtamang tangos ng ilong at mga labing parang inaakit siyang angkinin.
Napalunok ang lalaki at saka ibinalik sa mga mata ni Kara ang tingin. “Tell me honestly, why did you agree to marry me?”
“I- I cannot say no to my sick father,” halos mabulol na sagot ni Kara na parang mabibingi na sa lakas ng tibok ng puso niya.
Kumunot ang noo ni Marco. “Don’t you have a boyfriend?”
Tila may kumurot sa puso ni Kara nang marinig ang katagang boyfriend. “We broke up more than a month ago.”
Tumayo si Marco at humarap sa mataas na glass wall. “Are you sure you want to do this?”
“Yes!” sagot ni Kara. “I only have one request.”
Pumihit si Marco para harapin si Kara at saka ito tumingin na parang nagtatanong.
“Please retain our employees. And if you think you need to replace them to keep the company going, please give them another job,” nagmamakaawang sagot ni Kara.
Magsasalita sana si Marco nang bumukas ang pinto at pumasok ang kanyang ina.
“Did you already agree on the theme of your wedding?” nakangiting tanong ng babae.
“Give her whatever kind of wedding that she wants,” sagot ni Marco bago lumabas ng silid.
Kumuha ng wedding planner ang ina ni Marco upang may kasama sila ni Kara na mag-ayos ng kasal. Kahit na sabihing hindi naman nila mahal ang isa’t isa, na-excite pa rin si Kara nang sabihin ng lalaki na ibigay sa kanya ang gusto niyang kasal.Sa dami nang aasikasuhin, napagkasunduan ng mga magulang nina Marco at Kara na gawin ang kasal tatlong buwan mula ngayon. Hindi naman daw nila kailangang magmadali at makatutulong iyon para mas makilala pa ng dalawa ang isa’t isa.Nag-message ang ama ni Kara na i-meet siya sa Italian Restaurant na malapit sa kanilang Company para sabay na mag-lunch, excited na nagpunta si Kara.Pagdating niya sa Italian Restaurant, si Marco ang nakita niyang nakaupo sa pang apatan na mesa. Kunot ang noo ng lalaki nang makita ang dalaga pero tumayo pa rin ito para salubungin ang nagtataka ring babae.“Hi! I’ll wait for my dad at another table,” saad ni Kara.“No let’s just have lunch together,” saad ni Marco kaya kumunot ang noo ng dalaga.“Dad said he will meet me
“We are getting what?” kunot-noong tanong ni Kara sa sarili na napilitan na ring bumaba nang makitang yamot na ang mukha ni Marco.Nakalapit na si Kara kay Marco ngunit mahaba pa rin ang nguso ng lalaki.“You want to get married or not?” halos padabog pang tanong ng lalaki.“Of course I do. But our wedding is scheduled two months from now,” naguguluhang pagpapaalala ni Kara kay Marco.Nagsalubong ang mga kilay ng lalaki.“Then, I’ll just go to work today but I might decide to cancel that wedding tomorrow,” sagot ni Marco na mabilis na tumalikod.Nanlaki ang mga mata ni Kara sa sinabi ng lalaki at nagsimulang kabahan sa takot na atakihin muli sa puso ang kanyang ama at mawalan ng trabaho ang nasa limandaan nilang empleyado.“Marco, wait!” mabilis na inabot ni Kara ang kamay ni Marco para pigilin ang lalaki sa pag-alis. “Do we have a copy of our marriage license?”Hinawakan ni Marco ng mahigpit ang kamay ni Kara at saka hinila papasok sa korte. “The wedding planner is in charge of that.
Salubong ang mga kilay na nagpaalam si Marco sa kanyang kausap sa telepono. Naglabasan ang mga ugat sa kanyang kanang braso habang gigil na hawak ang telepono bago nito binuhay ang makina ng kanyang sasakyan at nagmamadaling umalis sa basement parking ng residential building na iyon.Tumigil siya sa parking space ng pinakamalaking bar sa Palo Alto. Agad siyang pinapasok ng guwardiya habang isang bouncer naman ang humawi sa mga tao para maayos na marating ni Marco ang pinakasulok na bahagi ng bar. Pagkaupo niya ay inilapag na agad ng waiter ang lagi niyang iniinom na brand ng whiskey.Sanay na sa kanya ang mga tao roon, darating siya ng walang pasabi at dapat kasunod na niya ang maiinom na alak. Tatayo rin ang isang bouncer sa gilid ng booth dahil ayaw ni Marco na lalapitan siya ng kung sinu-sinong babae.Sa loob ng anim na taon, iyon na ang nakagawian ni Marco. Girls are off limits. Kung makakasama man niyang uminom ang dalawa pa niyang kaibigan na kasamang nagtayo ng bar na iyon, alam
(WARNING: SPG) Nanlaki ang mga mata ni Kara nang mapagtantong magkalapat ang mga labi nila ni Marco. Pakiamdam niya ay dumagdag pa ito sa nararamdamang kahihiyan mula kanina nang nagisingan ni Marco na kagat-kagat niya ang kanyang pang-ibabang labi. Namula ang kanyang mga pisngi nang makitang nakatingin sa kanya ang lalaki na parang sinasaulo ang hitsura ng bawat parte ng kanyang mukha.Mabilis na itinukod ni Kara ang kanyang mga kamay sa kama para suportahan ang sarili sa pagtayo ngunit hinigpitan ni Marco ang pagkakayakap sa kanya dahilan upang maibuka niya nang bahagya ang kanyang mga labi.Inakala naman ni Marco na pumapayag na magpahalik ang babae kaya hindi na niya pinigil ang nararamdamang init sa katawan. Sinipsip niya ang mga labi ni Kara na sa tuwing nakikita niya ay parang inaakit siyang halikan. Hinigpitan pa niya ang pagyapos sa maliit na bewang ng babae at saka sinapo ang likod ng ulo nito at saka mabilis na pinagpalit ang kanilang mga puwesto. Inilayo sandali ni Marco a
Naramdaman ni Kara ang lamig sa kuwarto kaya hinila niya ang comforter para takpan ang iba pang parte ng kanyang katawan at saka nito hinigit ang iba pa para yakapin habang pinanatili niyang nakapikit ang kanyang mga mata. Umikot siya para humarap sa gitnang bahagi ng kama, nakaramdam siya ng konting sakit ng kalamnan at napadilat siya nang maalala ang ginawa nila ni Marco kagabi. Bahagyang kumurba ang kanyang mga kilay ng mapagtantong nag-iisa siya sa napakalaking kama.Kumalam ang kanyang sikmura kaya inilipat niya ang tingin sa wall clock sa taas ng tv sa harap ng kanilang kama at napatayo siya nang makitang alas tres na ng hapon. Dagli siyang napatayo at nagtungo sa banyo para magsipilyo lang sana pero dahil hapon na, minabuti niyang maligo na rin nang mabilis. Pinili niyang isuot ang asul na bikini at asul na house dress na hindi aabot sa kanyang tuhod, hindi na siya nagsuot ng bra dahil asawa niya naman ang kasama sa bahay at wala naman na siyang itatago pa sa lalaki. Nagwisik l
Maagang gumising si Kara nang sumunod na araw. Naisip niya na wala naman siyang dapat ipagmukmok sa apartment dahil nang pumayag siyang pakasal sa lalaki, ang tanging iniisip niya ay ang kalagayan ng kanyang ama at ang mga empleyado nila sa kanilang publishing company.Nakatapis lamang si Kara ng tuwalya nang lumabas ng banyo, pumasok siya sa walk-in closet. Napahawak siya sa kanyang noo nang makita ang kanyang luggage. Hindi pa pala niya naililipat ang laman ng mga iyon sa shelf at rack.“Mamayang hapon ko na lang ito gagawin,” ani Kara sa kanyang sarili.Dinampot niya ang itim na dress pants at isang longsleeves polo na kulay krema dahil sigurado siyang wrinkle free ang mga iyon dahil isa iyon sa magandang feature ng mga damit ng Deschanel, lahat ay wrinkle free.Bahagyang bumigat ang dibdib ni Kara nang maalala ang dating kasintahan. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala na kay dali kay Victor na bitawan siya para sa kanyang mana. Mahigit anim na buwan siyang masuyong n
Paglabas nila ng conference room ay tumuloy sina Kara at Reginald sa opisina ng huli habang nakabuntot din ang lima pang miyembro ng board.Ipinaupo muna ni Kara ang kanyang ama sa swivel chair nito.“Kara, are you sure you can directly negotiate with Mr. De Guzman?” nag-aalalang tanong ni Mrs. Porter.Isang tipid na ngiti ang pinawalan ni Kara upang payapain ang loob ng matanda. “Yes, Mrs. Porter. And don’t worry, I think this is just a misunderstanding.”Lumambot ang mga mukha ng members ng board sa narinig kay Kara.“We will get going then,” pagpapaalam ng mga ito sa mag-ama.Nang masigurong nakaalis na ang board members, isang malalim na buntong-hininga ang pinawalan ni Reginald.“Can you call your husband? I want to clarify this to him,” malungkot na utos ng ama ni Kara sa kanya.Pilit na pinasaya ni Kara ang mukha para mawala ang pag-aalala ng ama. “Dad, let me handle this. I’ll talk to Marco first then we will discuss this to the board and the team tasked to handle this.”Tuman
Salubong pa rin ang dalawang kilay ni Marco kahit hindi na niya kausap si Kara sa telepono. Hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit mabigat sa pakiramdam na marinig na umiiyak ang babae. Wala naman dapat siyang pakialam sa nararamdaman ni Kara at ayaw rin niyang ma-attach sa babae kaya nga nang magising siya kinaumagahan matapos may mangyari na naman sa kanila ay minabuti niyang umalis agad at hindi umuwi sa apartment.Maghapon siyang sinusundot-sundot ng kanyang konsensiya sa naging asal sa bagong asawa kaya nakiusap siya sa kanyang ina para kamustahin ang babae at sabihin na lamang na may emergency siya sa Pilipinas. Nagulat din siya na hindi sinabi ni Kara sa kanyang mama na hindi siya nagpaalam na aalis. Isang bagay na lalong nagpakonsensiya sa kanya.Kaya nang matanggap niya ang mensahe ni Kara na nais siyang makausap, naisip niya na mayroong hindi magandang nangyari kaya agad niya itong tinawagan.“Siyempre! Responsibilidad mo, pinakasalan mo eh!” parang tanga niyang pakik
Pinaglunoy ni Kara ang kanyang mga mata sa mga ilaw na nagmumula sa ibang gusali at establisyimento sa paligid habang prenteng nakaupo sa pang-isahang couch sa balcony ng kanilang apartment. Isa ang balcony sa nagustuhan niyang features ng bahay ng kanyang napangasawa, kahit pa taliwas ito sa inaasahan na dito siya titira. Akala niya kasi ay iuuwi siya sa sinasabing mansyon nito sa Kingsley Avenue.Sumubo siya ng isang cut ng cheese bago sumimsim ng wine sa kanyang kopita. Heto ang hapunan niya ngayon, cheese, orange at wine. Naisip niya na uminom ng wine para mas madali siyang makakatulog dahil kung hindi ay magdamag siyang mag-iisip sa sitwasyon ng kanilang Publishing Company.Napapikit si Kara nang maalala ang sinabi sa kanya ni Marco kanina sa telepono, hindi merger ang magaganap sa pagitan ng kanilang kumpanya at nina Marco.“Bakit kasi hind imo pa tinanong?” naiinis niyang bulong sa sarili.Binatukan niya ang sarili nang maisip niyang makapal nga ang mukha niya kung merger ang n