“Yes po, Ahya?” “I want to give you this,” I pulled out the blue leather Tiffany box in my pocket and showed her what’s inside. "Happy, happy birthday, Shobe." “Wow! Ang ganda naman!” she exclaimed in delight as I hand her the necklace. Tuwang-tuwa sya habang inuusisa ito sa kanyang palad. Hinding-hindi talaga ako nagsisising ito ang pinili kong iregalo kahit halos kasinghalaga nito ang oto ko dahil sa pagniningning palang ng mga mata nya nasulit na ang binayad ko. “You wanna…?” muestra ko na isusuot ko sa kanya ang kwintas kung gusto nya. Kinikilig na tumalikod naman sya agad sa akin at ipinaling lahat ng buhok nya sa isa nyang balikat. “Pero, Ahya, baka magalit ka kapag hinubad ko ‘to mamaya ha, kasi baka mawala eh. Magsu-swimming kasi ako. Hindi ako marunong mag-swim-swim na kagaya ng ginagawa mo, pero magsu-swimming ako,” sabay bunghalit nya ng tawa. Natawa ako sa sinabi nya. Napaka-bubbly talaga ni Kataleia, that’s only one of the many things I love about her. “Of c
Nagpasinghap-singhap sya at tinuwid ang tayo nya, winawaksi nya ang mga yakap ko sa kanya. “‘Yan ang solusyon mo? Ganyan ang naiisip mong gawin? Maglayas? Magtanan?! Dyusko, Knives, laging sarili mo lang ang iniisip mo! Naisip mo ba ako d’yan sa mga plano mong ‘yan?! May buhay ako rito, may magulang ako, may mga kaibigan, may trabaho. Gusto mo talikuran ko rin lahat ng ‘yun para lang sa ‘yo?!” “Yes! Because I know you love me! Don't deny it, Kataleia. Mahal mo ‘ko, ramdam na ramdam ko ‘yun. Nagmamahalan tayong dalawa… Kung ayaw mong umalis, sige, hindi tayo aalis. Idi-divorce ko si Divine, magpapakilala tayo sa mama mo; I know she’ll understand. I’m sure about that. Please, I can’t lose you.” Tumayo ako at hinapit ko sya ng yakap nang may luha sa mga mata ko. I tried to kiss her, but just as I expected pumipiglas sya sa akin. “Ano ba, Knives! Hindi ka makikipag-divorce kay Divine! Hindi! Hindi mangyayari ‘yun, not in your wildest dreams!” “I’ll give her the company, she’ll take i
(Background Music: Smokin' Out The Window by Bruno Mars) Nadatnan ako ni Orlie na tulalang nakalugmok sa sahig at nakasandal sa gilid ng kama nya pagkatapos kong mag-amok at guluhin lahat ng gamit nya. Hawak-hawak ko ang isang malaking tipak ng basag na salamin at tumutulong dugo mula sa aking mga kamay. “My God, ano’ng nangyari sa ‘yo?!” nandidilat na sinaklolohan nya ako. Tinutulungan nya akong makatayo but I brushed him away. “No, I got this,” mahinang anas ko na medyo napaos pa. Hindi naman sya nangulit at pinagmasdan na lang ako sa aking panlulumo. Tumukod ako at lalong nadiin ang basag na salamin sa palad ko kaya lalong dumugo ‘yun, pero hindi ko ininda. Adrenaline is rushing through me that I can’t feel any hint of pain. Alalang kinuha agad ni Orlie ang salamin pagkatayo ko at pinahawak sa akin ang panyo nya. “Please get me a bottle of whiskey or beer, kahit anong meron sa comedor,” malamig at mahinang bulong ko. I blankly looked around and saw what I had done to her ro
I’m almost done neatly packing my luggage bag when Divine came rushing in. “May sakit ka raw?” Hindi ko sya sinagot; tinapunan ko lang sya ng tingin. I need not answer. Obvious naman kasi ang ginagawa kong pag-e-empake. “You’re such a loner,’ ismid nya. “Ngayon mo naisipang mag-empake kung kelan may party sa baba.” She comfortably sat down on the side of her bed; her flushed face tells me she’s already drunk. “I don’t like parties,” maikling sagot ko. “Yeah, yeah, yeah. I know how boring you are,” bagot na sabi nya sabay kumpas ng kamay sa hangin. “Anyways, guess what kung anong regalo ng Dad mo kay Kataleia? It was a surprise; truly naman, lahat kami na-surprise. Kung nakita mo lang ang mukha ni Olivia no’ng in-open nila ang box. It’s so funny! I almost died laughing,” And I can also tell she was almost killed by laughter, kasi hanggang ngayon maluha-luha pa rin sya sa pagtawa nya kahit hindi pa nya nakukwento lahat. “Anong regalo?” “An e-bike!” sabay bunghalit nya n
I want to leave—as quickly as possible. Wala naman na dapat ipagtagal pa rito. Kataleia already made her point by announcing her relationship with Seiji. Hindi na ako aapela pa. There's no sense in doing that. Wala na akong ibang maaari pang gawin kundi ang palayain sya pati na ang sarili ko. “Tumayo ka na, hindi kita pinaiiyak,” I said, gently grabbing her shoulder to help her stand up, but she brushed it off. Dahan-dahan nagsi-sink in sa akin ang mahabang marakulyo ni Divine. I thought we think the same of each other; dahil sa yaman, sa kita, sa kung ano pang convenience na nagawa ng marriage namin para sa isa’t isa. I didn’t think she felt that way, nor did I think that she had feelings for me all along. “Okay. Kung ayaw mong umalis pa, sige. We’ll book a hotel near the airport; we’ll stay there for a few days until our flight. Ipapasyal kita kung sa’n mo gusto. H’wag lang muna ngayon kasi medyo masama ang pakiramdam k—” Nagitla ako nang sa pagtayo nya sinalubong nya agad a
“I’m sure she’d understand, bigla syang pumasok eh. She shouldn’t storm in kahit pa bukas ang pinto,” kibit-balikat nyang sabi. “You-you forgot… to close the—door. This is so... embarrassing,” mahina at putul-putol na sambit ko sa sobrang hingal na napatukod sa door knob nang nakabukas na pinto. Pakiwari ko nasa sugatang palad ko na ang puso ko dahil tumitibok-tibok ito sa kirot. “How is that embarrassing? Come back here, sweetheart,” walang anong sagot nya sabay kampay sa akin, pinababalik nya ako sa kama. Pagkasuot ko ng pantalon ko ay tumuloy ako sa paglabas ng kwarto. Naririnig kong ang malakas na tawag nya sa pangalan ko pero hindi ko sya nilingon. Honestly, I feel really guilty. Kahit galit ako at mag-asawa naman kami ni Divine ay hindi ko naisip na ipakita pa ‘yun sa kanya. Itinaga ko sa bato na walang nangyayari sa amin ni Divine dahil sya lang ang bukod tanging nais ko. Napakalakas ng kaba ko. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa kanya para maliwanagan sya na dala
Orlie approached the car just as I was done putting our bags in the compartment. “Sure ka na ba d’yan? Kasi pipigilan kita kung hindi ka pa sure,” he said, his face etched with sadness. “May excursion pa sana tayo eh. Sana nando’n pa kayo,” nag-wave sya kay Divine na nasa loob na ng sasakyan at nagmamadaling maglagay makeup na nakaupo na sa passenger’s seat. “No, we gotta leave tonight. I need to breathe… I’ll keep in touch, Orlie. Maraming salamat for everything.” “Basta, tawagan mo ‘ko! Maghihintay ako. Nakakasad naman ‘to, bigla ka na lang nagdedesisyong aalis…” pumadyak sya nang isang beses na trademark na nyang gawin kaya natawa ako nang konti. “Babalik pa naman ako rito kapag natapos na ang project sa Taguig, magkikita pa rin tayo. I-i-invite kita sa opening.” “Promise mo ‘yan, ha. Mag-iingat ka palagi.” Inilahad nya sa akin ang mga braso nyang kasinglaki rin ng mga braso ko, hindi naman ako nag-atubiling tugunin iyon ng isang mahigpit na yakap. Orlie has been a goo
Maraming maraming salamat po sa mga nagbabasa at sumusubaybay mula sa simula ng librong ito. Natutuwa po ako sa mga comments; negative man o positive. Lahat po binabasa ko. Araw-araw natututo po ako sa mga reviews. Nawa'y huwag po kayong magdalawang-isip na mag-iwan ng comments at suggestions. Ito rin po kasi ang nagbibigay sa akin ng ideya kung paano ang mas magandang atake at kung ano pa ang maaaring mangyari sa mga susunod na parts---at para na rin may mabasa ako na hindi ako ang nagsulat, for a change. Haha Napupuno ninyo ang puso ko. Kayo po ang motivation ko para bigyan ko ng oras ang pagsusulat sa kabila ng kaliwa't kanan kong raket. Happy New Year po! May this year be filled with love, laughter, and more beautiful moments to treasure to each and everyone. Blessed be!
Pinagmamasdan ko ang mga microwavable tubs na pinahatid ni Mama sa driver ng mansyon dito kanina. Buti hindi sya nagalit noong tumawag si Seiji para magpaalam na hindi na kami tutuloy sa dinner ngayon, hindi naman kasi sya nagagalit kay Seiji kahit na anong sabihin nito. Pero kung ako ‘yung tumawag malamang sa natulig na naman ang aking tenga sa sermon nya.“I will reheat all of this so you can eat it warm, madame,” ani Mamancona na isinasalansan ang mga tub sa isa nyang braso. “Seiji is upstairs. He will join you later after he finishes the meeting.”“Yes, please. Thanks, Mamancona,” ngiti ko sa kanya. Napatingin ako sa hagdan paakyat ng third floor. Pagdating na pagdating namin dito sa bahay, dumiretso na sya agad sa taas; ni hindi nga nya naiparada nang maayos ang kanyang sasakyan. Maski si Veronica na iniwan namin sa ospital ay hindi pa rin dumarating. Napakatagal naman ng meeting na iyon ni Seiji. Nakatapos na akong kumain at nakapagpalit na ng damit-pantulog pero hindi pa rin
I smiled and gently touched Kataleia’s knees para magpaalam na lalabas ako para sagutin ang tumatawag. She just gave me a nod at nagbaling muli ng tingin kay Veronica na nangingiwi habang nilalapatan ng lunas ang sugat sa noo. “Ii shiai datta ne, Oyabun. Nani ga atta ka wakannai kedo, shiai mite nakatta n da yo ne, (It was a good match, Boss. I don’t know what happened; I wasn’t watching the fight,)” mahinang sagot habang nilalakad ko ang palabas ng ER. “Our friends are not happy with the result, and so am I. Losing that huge amount of money to a useless fight is so frustrating. You disappointed me for the second time, Shateigashira.” Yasou sounded calm, yet there was no mistaking the fury beneath his measured tone. “I sincerely apologize. I wasn’t expecting that, too. It won’t happen again, Oyabun. I assure you. ” “Where were you? I was calling you, but you seem to always disappear when you are needed.” "I'm just taking care of a few things, Oyabun. I’m sorry, I was about to
Tumahimik ang paligid ng ilang segundo na tila napakatagal para sa akin, hanggang sa sinagot na rin nya ang tanong ni Kataleia. “Uhm, oo, nauntog. Nauntog ako. Hindi ko kasi nakita… Madilim dito,” napakahinang bulong ni Veronica na halos hindi bumuka ang mga namamaga nang labi. Para akong nabunutan nang malaking tinik sa lalamunan. “See? Nauntog. Nagulat na nga lang ako pag-akyat ko dito umiiyak na sya eh. Hay naku! Ipapalipat ko na nga 'yang pasong ‘yan, laging na lang may nadidisgrasya rito,” natatawa na naiiling ako. Daig ko pang nakapasa sa bar exams nang maibsan ang kaba ko. “Magpahinga ka na Veronica. Ipapasunod ko na lang sa kwarto mo ang first aid kit... ‘Lika na, love.” yakag ko sa kanya. “Gutom na ‘ko, baka hindi pa sila kumakain kakahintay sa ‘tin,” Hinawakan ko syang muli sa braso pero tinapik nya nang malakas ang aking braso. “Hindi pwede! Anong first aid kit?! Kelangan ‘tong matahi,” although may pagpa-panic, marahan nyang sinapo ng panyo ang tumulong dugo sa pisngi ni
“Hindi ba sinabi kong h’wag mong aalisin ang tingin mo sa kanya?!” gumaralgal ang boses ko sa lakas ng aking hiyaw. “Napakawala mong silbi!” “Pa-pasensya na, Boss. A-aalis na po ako nga-ngayon— hahanapin ko si Madame,” nagkakandautal sya sa takot sa nag-aapoy kong titig. Tumalikod sya sa akin at akmang lalayasan ako kaya hinablot ko ang maiksi nyang blonde na buhok, hinatak ko ‘yun at naglakad patungo sa bahay. Hanggang sa napahiga sya sa semento ay hindi ko binitawan ang buhok nya at nagpatuloy sa bilis ng paglalakad. Dumidilim ang utak ko sa nagpupuyos kong galit. Hindi ko na naririnig ang mga matitinis nyang tili sa sakit na dulot ng pagkakakaladkad ko sa kanya paakyat sa hagdan patungo sa ikatlong palapag. “Saan sya nagpunta??!” nanggagalaiting hiyaw ko pagbalibag ko sa maliit nyang katawan sa gilid ng sofa, nauntog pa sya sa matulis na gilid ng kwadradong paso ng halaman kaya dumugo ang malapit sa kanyang kilay . “Nasampal na kita kanina bago kayo umalis, ‘di ba? Hindi ka p
Ilegal ang mga laban sa aking flight club. Mga puganteng kriminal ang aking mga manlalaro—mga itinakwil ng batas at itinulak sa aking teritoryo. Walang anunsyo sa TV o radyo, walang media, walang permit. Isa lang ang batas dito: lumaban hanggang sa huling hininga. Ang gantimpala? Kalayaan para sa nag-iisang mabubuhay na higit pang mahalaga kesa sa pera. At tanging mga high-definition na kamerang nakakonekta sa bahay ni Yasou at ng ilan pang kasapi ng pamilya ang tahimik na nagmamasid sa bawat laban. Sa aming pamilya, death boxing is a sport— a tradition. A challenge of courage. The definition of honor. Isang tournament kung saan ang bawat igkas ay hindi lang pagsubok ng lakas, kundi pati na rin ng tapang at paninindigan. Dito, ang bawat manlalarong nasa loob ng ring ay hindi lumalaban para lang manalo, kundi para patunayan ang kanilang sarili at para sa kanilang kasarinlan. Sa ring na ito, hindi sapat ang bilis ng kamao o tigas ng katawan. Kailangan ng tibay ng loob, dahil ang bawa
[Seiji’s POV] “Aniki! Faito Kurabu o katte ni shimeru nante arienai! Koko de sore ga wakattara, watashitachi no pātonā ga dore dake okoru ka wakatteru no ka!? (Older brother! You can’t just close the fight club like that! Do you know how frustrated our family will get?!) “Kore wa watashi no bijinesu da. Shimeru ka dou ka wa watashi no jiyuu da. (This is my business. Whether I close it or not is my choice.)” mahinanong tugon ko sa kausap ko sa malaking monitor. Bumuntung-hininga ako at hinila ang aking buong bigat sa nakalaglag na lubid. I can feel my muscles flexing with each pull. “No, we cannot do that. The cards have already been laid out, and it is not possible to return their money so easily. That is not how things are done!” Gumusot pang lalo kulubot nyang mukha sa galit nya nang ibalita ko sa kanya na isasarado ko na ang club na matagal kong pinagyaman. Kanina pa nya ako sinisermunan. Paulit-ulit na ang pagpapaliwanag ko, mapa-English, Tagalog, o Nihongo, wala syang mai
Nang makahuma ako sa pagkagitla ay lumabas ako ng kotse. Lumakad pa ako ng may ilang metro para habulin ng tingin ang kumakaripas na motor. Napakabilis nyang nakalayo, gatuldok na lang sya sa aking paningin na nagpapasingit-singit sa trapik. Syet! Sya ba ‘yun??! Napakapit ako banda sa aking dibdib para pigilan ang pagwawala ng puso ko. Natutulala sa kawalang nakatayo lang ako sa gitna ng kalsada sa ilalim ng malakas na ulan. Maya-maya narinig kong sumigaw ang pasahero ko pagbaba nya ng bintana. “Hoy praning! Hindi mo ba nararamdamang umuulan?!” “Ang tanga mo naman! Ginitgit ka na nga, hinabol mo pa. Isusumbong talaga kita kay Boss. Kung nagasgasan lang 'tong kotse pati ako yari kay Boss! Hindi ka nag-iisip...” naiinis na turan nya pagbalik ko sa kotse na tila basang sisiw sa pagkakaligo ko sa ulan. Halos bumula ang kanyang bibig sa kung anu-anong pinagsasabi nyang hindi ko na inintindi. Tahimik at nangangaligkig sa lamig na ipinagpatuloy ko ang pagtahak ko sa daan habang na
“Kung dudang-duda ka, edi tawagan mo. Tawagan mo si Boss, tanungin mo. Ngayon na, hangga’t nandito pa tayo kasi baka nga naman mali ako.” Nagngingitngit ang loob kong dinampot ko ang aking cellphone. Tatanungin ko talaga si Seiji. Sasabihin ko na ring ihahatid ko na ang bruhang ito kung saan pa ito pwedeng tumira bukod sa bahay namin kesa maibusal ko sa matabil nyang bibig ang cellphone at kamao ko. “Ni isang beses hindi pa ako nagkamali sa utos sa ‘kin. Sinu-sure ko lahat ‘yun. Bawal akong magkamali. Kung nagkamali na ako noon edi sana matagal na sana akong patay! Bente-dos lang ako, wala akong pinag-aralan pero hindi naman ako gano’n katanga.” “May galit ka ba sa ‘kin?!” hindi ko na talaga natiis at kinompronta ko na sya. “Kung makapagsalita ka parang kilalang-kilala mo na ‘ko eh. Wala akong ginawang masama sa ‘yo para sagut-sagutin mo ‘ko ng ganyan!” “Wala ka ngang ginagawang masama, pero lalo lang bumigat ang buhay ko mula noong dumating ka!” malakas na singhal nya sabay du
“Ikaw ha, inano mo?” kagyat kong hinampas si Seiji sa braso bago sumakay sa bagong bili nyang kulay pulang sedan. Natatawang ikinibit nya ang kanyang balikat sa pagmamaang-maangan nya. “Wala akong ginawa, ano?” Bumunghalit sya ng tawa sa pagpapalatak ko na nagpapailing-iling. “Abnormal ka ba? Tawa ka nang tawa?!” dagli akong nainis sa OA nyang tawa. Nagi-guilty na nga ako sa pag-atungal ni Veronica, tinatawanan pa ako. “Hindi ako abnormal, love. Ang abnormal eh ‘yung paalis na lang, nagagalit pa… Hay nako! Teka nga pala,” dumukot sya sa kanyang bulsa ng kanyang shorts at iniabot sa akin ang kumpol ng pera na naka-rubber band. “Tapos bumili ka na rin ng gamit mo, love. Kumain na rin muna kayo ng gusto n'yo bago kayo umuwi.” “Oh, may pang-grocery na ako, ‘di ba? Baka wala ka nang pera d’yan?” “Meron akong tinabi dito panggasolina ko. Kung may matitira ka pa, ilagay mo sa ipon mo para sa baby natin... Lumakad na kayo, love. Maaabutan n’yo na ang trapik sa daan kapag hindi pa kayo u