Share

Chapter 2

last update Last Updated: 2025-03-21 11:01:44

Matapos pirmahan ni Ariana ang kontrata, isang mapanuksong ngiti ang sumilay sa labi ni Noime. Para bang may alam itong isang lihim na hindi niya pa natutuklasan.

"Good," aniya habang kinukuha ang papel. "Pero bago ka magsaya, may isa pang dokumentong kailangan mong pirmahan."

Kinuha ni Noime ang isang bagong kontrata at inilapag iyon sa harapan ni Ariana. May limang mahahalagang patakaran na kailangang sundin.

Ariana's eyes narrowed as she read the bold letters at the top:

"STRICT RULES FOR THE NANNY."

1. Bawal kang mainlove kay Zephyr. – Kapag nahulog ang loob mo sa asawa ko, wala kang makukuhang kahit isang kusing mula sa sampung milyon.

2. Bawal kang makialam sa personal na buhay ng asawa ko. – Hindi mo siya pwedeng tanungin tungkol sa trabaho, pamilya, o kahit sa past relationships niya.

3. Bawal kang magsuot ng revealing na damit. – Palaging nakasara ang butones ng uniform mo. Walang sleeveless, walang shorts, at walang anumang maaaring magpakita ng balat.

4. Bawal kang lumabas ng bahay nang walang paalam. – Hangga’t kasama mo si Emanuel Luca, wala kang ibang prioridad kundi siya lang.

5. Bawal kang makisawsaw sa away ng mag-asawa. – Anuman ang marinig o makita mo sa loob ng bahay, manahimik ka.

"If you break any of these rules, hindi lang ang pera ang mawawala sa’yo, pati ang trabaho mo." Tumitig si Noime sa kanya. "And trust me, hindi mo gugustuhing kalabanin ang isang Madrigal."

Napalunok si Ariana. Ano ba itong pinasok niya?

Huminga siya nang malalim at tumango. "Naiintindihan ko po."

"Good." Ngumisi ulit si Noime, pero sa pagkakataong ito, halatang may halong pang-iinsulto. "Sa itsura mo ngayon, mukhang wala naman akong dapat ipag-alala. Wala kang tsansang maakit si Zephyr."

Naningkit ang mata ni Ariana, pero hindi siya nagsalita. Tang ina, ano bang tingin nila sa’kin? Wala na ba talaga akong kagandahan?!

Pero wala na siyang magagawa. Hawak na niya ang ballpen.

Sa huli, kahit nangangatal ang kamay, pumirma siya sa pangalawang dokumento.

Isang taon lang naman. Hindi niya kailangang mahalin si Zephyr.

Hindi ba?

"Ayan, pirma na!" bulong ni Ariana sa sarili habang kinakabahan. Isang taon lang naman. Sampung milyon ang kapalit!

Habang dahan-dahan niyang inilalapat ang ballpen sa papel, biglang—

"WAAAAAHHHH!"

Isang malakas na sigaw ng bata ang umalingawngaw sa opisina, sinundan ng matuling yapak ng maliliit na paa. Bago pa niya maproseso ang nangyayari, isang maliit na katawan ang sumulpot mula sa kung saan at tumama sa gilid ng upuan niya.

"AY! ANO BA—"

Hindi na niya natapos ang sasabihin dahil bigla siyang natulak at tuluyang sumubsob sa ibabaw ng mesa. Ang ilong niya ay dumiretso sa matigas na kahoy, at ang ballpen na hawak niya ay gumuhit sa papel sa maling direksyon.

"A-ARAY NAMAN!" reklamo niya habang hinahawakan ang ilong. "Sino 'yon?!"

"HAHAHAHAHA!"

Napatingin si Ariana sa paligid, at doon niya nakita ang isang batang lalaki na mga lima o anim na taong gulang, may magulong buhok, at nakasuot ng branded na damit na halatang galing sa isang super mayamang pamilya. Nakalagay ang kamay nito sa bewang habang malakas ang halakhak—walang bahid ng pagsisisi sa ginawa niya!

"Ikaw ba si Yaya?" tanong ng bata na ang tono ay parang isang boss na kinakausap ang tauhan niya.

Huminga nang malalim si Ariana at sinubukang kontrolin ang sarili. "Okay, Ariana. Kalma ka lang. Isipin mo ang sampung milyon."

Napatingin siya kay Noime, na parang hindi man lang nagulat sa pangyayari. "Meet Emanuel Luca Madrigal, ang anak ko. Simula ngayon, ikaw na ang bahala sa kanya."

"Anak?" Muling napatingin si Ariana sa batang lalaking nakangisi pa rin. "Ito 'yung aalagaan ko?"

"Oo."

"Ito 'yung susubukan kong tiisin sa loob ng isang taon?"

"Exactly."

Nanlaki ang mga mata ni Ariana. "Bata ka, marunong ka bang magsorry?" tanong niya kay Emanuel, na tumawa lang at umiling.

"Bakit ako magsosorry? Hindi ko naman sinasadya!" sagot nito na para bang siya pa ang may kasalanan. "Tsaka hindi ka naman namatay, diba?"

"What the—" Napasinghap si Ariana at napakurap. Akalain mo ‘yon? Hindi lang makulit, mayabang pa!

Ngumiti si Noime at tumayo mula sa kanyang upuan. "Mabuti na lang at pumirma ka na sa kontrata. Hindi ka na makakaatras. Ang trabaho mo ay tiyaking hindi lalayas ang mga yaya niya gaya ng dati."

"Dati?" Napatingin si Ariana sa bata ulit. "Gaano na karami ang nawala niyang yaya?"

"Ah, hmmm…" kunwaring nag-isip si Emanuel, saka ngumiti. "Hindi ko na mabilang. Siguro mga… bente?"

"B-BENTE?!" Quota na agad siya bago pa magsimula?!

Huminga nang malalim si Ariana. Okay. Kaya ko ‘to. Isang taon lang. Sampung milyon.

Hindi ako susuko.

Pero nang makita niyang tumakbo si Emanuel palayo, hinila ang kurtina ng opisina hanggang mapatid ito, at tumawa pa ng malakas, biglang nanghina ang tuhod niya.

Diyos ko, tulungan Niyo po ako.

Matapos ang opisyal na pagpirma ni Ariana, agad siyang hinarap ni Noime—ang babaeng mayaman at may matapang na presensiya. Sa kabila ng kanyang eleganteng suot at sophisticated na postura, makikita sa mga mata niya ang labis na pagod at isang bahagyang bakas ng pagkayamot habang nakatingin sa kanyang anak.

"Emanuel Luca," tawag niya sa bata na kasalukuyang naglalaro ng isang maliit na laruan, hindi man lang nag-abala na tumingin sa kanyang ina.

"Ano 'yon?" sagot ni Emanuel nang hindi man lang nag-aangat ng ulo.

Pinipigilan ni Noime ang kanyang inis at tumikhim. "Paalis na ako. Kailangan ko nang pumunta sa airport."

Walang imik si Emanuel. Parang walang narinig. Patuloy pa rin ito sa paglalaro na para bang wala siyang paki-alam sa sinasabi ng kanyang ina.

Napabuntong-hininga si Noime at pinisil ang sentido. "Maging mabait ka kay Yaya Ariana, narinig mo? Sana naman 'wag mo siyang takutin gaya ng ginawa mo sa mga naunang yaya mo."

Sa wakas, doon lang itinigil ni Emanuel ang ginagawa niya at tumingin kay Ariana. Sa tingin nito, para bang may hinuhusgahan na agad siya. Napalunok si Ariana habang napakapit nang mahigpit sa bag niya.

Hindi pa man siya nagsisimula, pakiramdam niya nasa interview siya ng isang bossing na kritikal sa bawat kilos niya.

"Hindi ko alam kung magtatagal siya," walang pakialam na sagot ni Emanuel, sabay kibit-balikat. "Boring kasi ang mga yaya."

"Hindi ako boring!" kontra agad ni Ariana. "At wala kang ibang choice kundi tiisin ako!"

Napangisi si Emanuel at saka lumapit sa kanya. "Tingnan natin kung totoo 'yan," bulong nito bago ngumiti ng pilyo.

Naku po.

Bakit parang ang sama ng pakiramdam ko?

Naputol ang tensyon nang dumating ang isang lalaki—isang lalaking mukhang kakampi ni Ariana sa impyernong papasukin niya.

"Ma’am Noime, naihatid ko na po ang gamit ninyo sa sasakyan," sabi ng isang matangkad na lalaking naka-uniporme ng driver. Matipuno ang katawan nito, pero halata rin ang pagod sa mukha niya.

Nginitian siya ni Noime at saka tumango patungo kay Ariana. "Ariana, ito si Mang Kardo. Siya ang driver ni Emanuel at ang tanging tao sa bahay na hindi niya napalayas sa trabaho."

Sa narinig, hindi napigilan ni Ariana ang mapataas ang kilay. "Talaga? Ibig sabihin, ikaw lang ang tumagal sa kanya?"

Napangisi ng pagod si Mang Kardo at kinamot ang batok niya. "Ah, eh… Alam niyo po, sanay na rin ako sa kakulitan ng batang 'yan. Pero hindi ibig sabihin nun na hindi ako stressed araw-araw."

Sabay silang napatingin kay Emanuel, na walang ibang ginawa kundi maglakad-lakad na parang isang maliit na hari na nagpapasya kung ano ang gagawin niya sa kaharian niya.

"Hay, sa wakas!" bulalas bigla ni Mang Kardo, halatang galing sa kaibuturan ng puso niya ang pasasalamat. "May bago nang taga-alaga kay Bossing!"

"Bossing?" tanong ni Ariana, naguguluhan.

Tumawa si Mang Kardo at umiling. "Eh kasi po, para siyang maliit na CEO na mahigpit sa mga empleyado niya. Kapag hindi niya gusto, tsugi agad!"

"Nakakatuwa naman 'yan," sabi ni Ariana, pero halatang hindi siya natutuwa.

Tumingin sa kanya si Noime, seryoso na ulit. "Ariana, I need you to be patient with my son. Alam kong hindi siya madaling alagaan, pero..." Nagdahan-dahan siya sa pagsasalita. "...kung gusto mo ng sampung milyon, tiisin mo lahat ng kakulitan niya."

Napatingin si Ariana kay Emanuel, na nakangisi na naman sa kanya. "Subukan mong tiisin ako, Yaya. Tingnan natin kung kaya mo talaga."

Huminga nang malalim si Ariana, naghahanda na sa gyera.

Kaya ko 'to.

Kailangan kong kayanin!

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Related chapters

  • The Billionaire's Nanny Contract   Chapter 3

    "Emanuel Luca!" sigaw ni Ariana habang natataranta siyang tumakbo. Nagsimula siyang maglakad nang mabilis, pero hindi niya naisip na suot pa rin niya ang sapatos na pang-saleslady—matataas na takong na hindi panghabol ng bata. "Emanuel! Huwag kang tumakbo!" Pero parang wala siyang narinig, dahil mas lalo pang binilisan ng bata ang pagtakbo. Napansin ni Ariana ang ilang empleyado ng factory na natigil sa kanilang ginagawa at napatingin sa kanya. May ilan pang napangisi, may iba namang napailing na lang, para bang sanay na sila sa eksenang ito. "Ayan na naman si Bossing!" may narinig siyang bulong ng isa sa mga trabahador. "Ilang segundo kaya bago sumuko ang bagong yaya?" natatawang sabi pa ng isa. "Hindi ako susuko!" bulong ni Ariana sa sarili, kahit na halos mawalan na siya ng hininga sa kakahabol. Pero Diyos ko! Ang batang ito ay parang isang maliit na demonyo sa liksi! Nagpalinga-linga si Ariana, hinahanap kung saan sumuot si Emanuel. Nakita niya ito sa di kalayu

    Last Updated : 2025-03-21
  • The Billionaire's Nanny Contract   Chapter 4

    "Who are you?" Muling umalingawngaw ang malalim na boses ni Zephyr, at sa pagkakataong ito, may halong inis na sa tono nito. Parang biglang bumalik ang ulirat ni Ariana. Napagtanto niyang nakadikit pa rin siya sa katawan ni Zephyr! Ang kanyang mga palad ay nakapatong sa matipuno nitong dibdib, at ramdam niya ang init ng katawan nito kahit na may suot itong mamahaling suit. Diyos ko! Ano bang nangyayari sa buhay ko?! Mabilis niyang inalis ang kamay niya na para bang napaso, saka siya tumayo ng tuwid, pero dahil sa hiya, hindi siya makatingin nang diretso sa mga mata ng lalaki. Bago pa man siya makapagpaliwanag, natawa si Emanuel. Napailing pa ito bago tumuro kay Ariana. "She's my ugly nanny!" malakas at walang pag-aalinlangang sabi ng bata. Parang biglang huminto ang mundo ni Ariana. Ugly nanny?! Nanlaki ang mga mata niya at napaatras siya nang bahagya, hindi makapaniwala sa sinabi ng bata. "Hoy, bata! Ano ka ba? Wala ka bang modo?" galit na tanong ni Ariana haban

    Last Updated : 2025-03-21
  • The Billionaire's Nanny Contract   Chapter 1

    Ariana's POV “You are fired!” Halos mabingi si Ariana sa sigaw ng manager ng boutique. Ramdam niya ang mga nagbabanggang titig ng mga kasamahan niya habang pinapanood siyang kinakaladkad palabas ng security guard. “W-wait, Ma’am! Hindi po ako nagnakaw! Wala akong kinalaman d’yan!” desperadong paliwanag niya habang pilit niyang nilulundo ang kanyang braso mula sa mahigpit na hawak ng gwardya. Pero parang wala siyang boses sa harap ng galit na galit na manager. Nakapamewang ito, nakataas ang kilay, at puno ng panunumbat ang tingin. “Huwag ka nang magpaliwanag, Ariana! May CCTV footage na nagpapakitang nandito ka malapit sa alahas na nawala! Wala nang ibang pinaghihinalaan kundi ikaw!” Napanganga siya. CCTV? Kung may footage nga, bakit hindi muna nila tingnan nang maayos? Saan doon ang eksaktong kuha na siya mismo ang kumuha ng alahas? “Hindi ko po kinuha ‘yun! Sumpa man! Kahit butas ng karayom, papasukin ko, ‘wag niyo lang akong pagbintangan ng ganyan!” halos lumuha na s

    Last Updated : 2025-03-21

Latest chapter

  • The Billionaire's Nanny Contract   Chapter 2

    Matapos pirmahan ni Ariana ang kontrata, isang mapanuksong ngiti ang sumilay sa labi ni Noime. Para bang may alam itong isang lihim na hindi niya pa natutuklasan. "Good," aniya habang kinukuha ang papel. "Pero bago ka magsaya, may isa pang dokumentong kailangan mong pirmahan." Kinuha ni Noime ang isang bagong kontrata at inilapag iyon sa harapan ni Ariana. May limang mahahalagang patakaran na kailangang sundin. Ariana's eyes narrowed as she read the bold letters at the top: "STRICT RULES FOR THE NANNY." 1. Bawal kang mainlove kay Zephyr. – Kapag nahulog ang loob mo sa asawa ko, wala kang makukuhang kahit isang kusing mula sa sampung milyon. 2. Bawal kang makialam sa personal na buhay ng asawa ko. – Hindi mo siya pwedeng tanungin tungkol sa trabaho, pamilya, o kahit sa past relationships niya. 3. Bawal kang magsuot ng revealing na damit. – Palaging nakasara ang butones ng uniform mo. Walang sleeveless, walang shorts, at walang anumang maaaring magpakita ng balat. 4. Baw

  • The Billionaire's Nanny Contract   Chapter 1

    Ariana's POV “You are fired!” Halos mabingi si Ariana sa sigaw ng manager ng boutique. Ramdam niya ang mga nagbabanggang titig ng mga kasamahan niya habang pinapanood siyang kinakaladkad palabas ng security guard. “W-wait, Ma’am! Hindi po ako nagnakaw! Wala akong kinalaman d’yan!” desperadong paliwanag niya habang pilit niyang nilulundo ang kanyang braso mula sa mahigpit na hawak ng gwardya. Pero parang wala siyang boses sa harap ng galit na galit na manager. Nakapamewang ito, nakataas ang kilay, at puno ng panunumbat ang tingin. “Huwag ka nang magpaliwanag, Ariana! May CCTV footage na nagpapakitang nandito ka malapit sa alahas na nawala! Wala nang ibang pinaghihinalaan kundi ikaw!” Napanganga siya. CCTV? Kung may footage nga, bakit hindi muna nila tingnan nang maayos? Saan doon ang eksaktong kuha na siya mismo ang kumuha ng alahas? “Hindi ko po kinuha ‘yun! Sumpa man! Kahit butas ng karayom, papasukin ko, ‘wag niyo lang akong pagbintangan ng ganyan!” halos lumuha na s

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status