Share

Chapter 7

Penulis: Zairalyah_dezai
last update Terakhir Diperbarui: 2025-04-06 18:52:38

THIRD POV

Kinabukasan, maagang nagising si Ariana. Inayos niya ang sarili para sa unang araw ng pagiging full-time yaya ni Emanuel Luca. Hindi man niya alam ang lahat ng dapat gawin, handa siyang matuto. Saktong nag-aayos na siya ng buhok nang may kumatok sa pinto.

Tok. Tok.

"Ariana, iha?" tawag ni Belen mula sa labas.

Agad siyang lumapit at binuksan ang pinto. Tumambad sa kanya si Belen na may hawak na puting hanger, at nakasabit doon ang isang maayos pero medyo makapal na uniporme—kulay navy blue na may mahabang manggas at paldang lampas tuhod.

"Ito ang uniporme mo," sabing mahinahon ni Belen. "Pinagbilin ito ng misis ni Sir Zephyr dati pa—bawal ang revealing na suot ng kahit sinong babae sa loob ng bahay. Disente, maayos, at hindi nakakahiya sa paningin ng bata."

Napangiti si Ariana kahit nagpipigil ng buntong-hininga. “Opo, naiintindihan ko po.” Ngunit sa isip niya: Grabe naman, akala mo makakapasok si Maria Clara sa init ng panahon.

Tiningnan niyang mabuti ang uniporme—parang pang-60s na governess. Makapal ang tela, mataas ang neckline, at parang ginawa para hindi mo na gustuhing umarte ng kung ano.

"Puwede po bang magpalamig muna bago isuot 'to?" biro niya sa sarili habang naglalakad pabalik sa kama.

Hindi naman masamang tignan ang uniporme, pero parang hindi lang katawan ang gusto nitong takpan—pati kaluluwa. Napailing na lang si Ariana habang nagbibihis.

"Well," bulong niya sa sarili habang hinaharap ang salamin, "at least, wala na ‘kong kailangang alalahanin na matititigan ni boss ang legs ko."

Ngunit sa likod ng isip niya, hindi niya maiwasang tanungin: Ano kaya ang kwento ng asawa ni Zephyr? Bakit parang galit sa mga damit ng makabago?

Napangiti siya ng marahan habang sinusuklay ang buhok, ready na sa panibagong kabanata ng buhay niya sa mansyon—kasama ang isang batang likot, at isang boss na mas likot ang mata’t isip.

Ariana's POV

Bitbit ang kaunting tapang at antok pa, naglakad ako patungo sa silid ni Emanuel para gisingin siya. Unang araw ko bilang opisyal na yaya, at kahit alam kong pasaway 'yung alaga ko, iniisip ko pa rin kung paano ko siya gagawing cooperative sa umagang ito.

Pero bago pa man ako makalapit sa pintuan ng kwarto niya, bigla akong napatigil.

Nasalubong ko si Mr. Grumpy Himself — si Zephyr.

Nakasuot pa siya ng kulay gray na dress shirt, nakatupi ang manggas hanggang siko, at parang hindi man lang ginulo ng tulog ang hitsura niya. Samantalang ako? Mukhang bagong gising na may misyon sa buhay.

"Good morning po," bati ko agad, medyo paatras pa ako. Baka pagalitan na naman ako.

Pero tumango lang siya, seryoso ang mukha.

"May tutor si Emanuel ngayon. Ihanda mo na siya. Kailangan niyang maligo, magbihis, at kumain bago mag-umpisa ang klase," utos niya, diretso at walang kulang.

Napakurap ako sandali.

Tutor? Aba, sosyal. May sariling guro ang bata, samantalang ako noon, nag-aaral habang naglalako ng banana cue.

“Ah, sige po. Ako na pong bahala sa kanya,” sagot ko agad kahit gusto kong magtanong kung anong subject. Math ba 'to? Reading? O baka tutorial kung paano magpaka-sutil?

Tango lang ulit ang binigay ni Zephyr. Pero bago siya tumalikod, binigyan niya ako ng isang tingin—'yung tingin na parang sinisigurado kung karapat-dapat ba talaga ako sa trabaho kong 'to.

Nagpakawala ako ng mahinang buntong-hininga. Okay lang, Ariana. Sampung milyon. Kaya mo 'to. Kahit review pa ng calculus ang ituro nila sa batang 'to, okay lang. Wala ka pa rin talo.

Pagharap ko sa pinto ni Emanuel, hinanda ko na ang sarili ko sa posibleng giyera. Please, Lord, sana hindi siya nagtatago sa cabinet. O sa ilalim ng kama. O—

Kumatok ako. “Emaaanuuueeel… good morning, sunshine! May class ka raw today, oh!”

Sabay ngiti kahit hindi pa bukas ang pinto.

Sige, Ariana. Simulan na ang laban.

Pagkapihit ko ng doorknob at pagbukas ng pintuan sa silid ni Emanuel, agad akong pumasok. Pero sa halip na diretso akong gumalaw gaya ng plano ko—gisingin ang bata, ayusin ang kama, ihanda ang gamit—parang bigla akong naging estatwa.

Ramdam ko kasi… may nakatitig.

Shoot.

Napalingon ako sa likod. Hindi pa pala umaalis si Mr. Zephyr.

Nakatayo pa rin siya sa may hallway, nakasandal ng bahagya sa pader, at nakatitig sa akin. Hindi ‘yung bastos na tingin, pero ‘yung tipong analytical boss mode activated tingin.

Napalunok ako.

Siguro iniisip niya kung bakit ganito ang ayos ko.

Tiningnan ko rin ang sarili ko. Oo nga naman, suot ko pa rin ang uniporme ko—blouse na medyo hapit, paldang lampas tuhod, at high heels. Hindi ito ‘yung usual na suot ng mga yaya. Sa totoo lang, parang ready pa rin akong magbenta ng pabango sa mall.

“May problema po ba sa suot ko?” tanong ko, pilit kong pinapakalma ang sarili.

Hindi siya agad sumagot. Parang pinag-iisipan pa niya kung dapat ba akong pagalitan, sabihan, o i-redesign ang wardrobe ko.

“Next time, magsuot ka ng mas comfortable. Hindi ka makakagalaw ng maayos niyan,” sagot niya, malamig ang boses.

Tumingin ulit siya mula ulo hanggang paa ko bago siya tuluyang tumalikod.

Hay salamat.

Pero habang papalayo siya, napansin kong saglit siyang ngumisi. Ngumiti ba 'yun? O guni-guni ko lang?

Napailing ako at lumapit na sa kama ni Emanuel. Wala na ako sa mood pag-isipan ang mga tingin ni boss.

Pero sa isip ko, Okay, Ariana, note to self: iwasan ang high heels sa duty. At huwag suot na parang magmo-model sa grocery.

Ngayon, gisingin mo na ang baby tornado.

Habang abala si Ariana sa pagpili ng damit ni Emanuel, naririnig niya ang mahinang ungol ng inis mula sa loob ng banyo.

"Ayoko maligo!" sigaw ni Emanuel na parang sinapian ng multo ng katamaran.

Napailing si Ariana habang inaayos ang puting polo at dark blue na shorts na bagay sa pilyong bata. May nakahanda na ring medyas at sapatos sa gilid. Maingat niyang nilatag lahat sa kama, parang nag-aayos ng damit ng isang maliit na prinsipe.

“Emanuel, maganda ‘tong napili ko oh. Mas cool ka dito kaysa kay Spider-Man,” malambing niyang sabi habang inaabot ang tuwalya sa may pinto ng banyo. “Pano kapag nakita ka ng tutor mo tapos amoy pawis ka? Baka di ka turuan.”

Tahimik.

Pero ilang segundo lang, sumagot ulit ang bata. “Hindi naman ako mabaho! Amoy baby ako!”

Napangiti si Ariana. Ang kulit talaga nito. Pero cute rin kahit paanong angas ng bunganga niya.

Naglakad siya papasok sa banyo at kinuha ang basang tuwalya. Mukhang nagbanlaw lang ang bata, pero hindi lubusang naligo.

“Okay, sige. Kung ayaw mong maligo ngayon, pero next time ah, promise?” bulong niya sabay kindat.

“Sige na nga,” sabay irap ni Emanuel pero inabot din ang bagong damit.

Habang pinapalitan ni Ariana ng damit ang bata, naramdaman niya na kahit nakakasuya minsan ang ugali nito, may kakaibang lambing rin pala kapag nalalapitan na.

Hay, sampung milyon... konting tiis pa. Kayanin mo ‘to, Ariana.

Pagkatapos ko siyang bihisan at ayusin ang kulot niyang buhok na ayaw paawat sa pagkakulot, dinala ko na si Emanuel sa dining area. Sinalubong kami ng bango ng sinangag, itlog, at hotdog—nakakagutom lalo na’t hindi pa ako nag-aalmusal.

Nasa dulo ng mahabang mesa si Zephyr, nakasuot na ng dark gray na suit kahit breakfast pa lang. Parang laging handa para sa board meeting, kahit umaga pa.

Biglang hinila ni Emanuel ang kamay ko. “Yaya, dito ka sa tabi ko!”

Ngumiti ako, pero medyo nailang. “Hindi na, kakain na lang ako mamaya.”

Ngunit sa halip na tumigil, lumingon si Emanuel sa daddy niya at may hirit agad. “Daddy, pwede ba si Yaya Ariana dito sa mesa natin?”

Dahan-dahang ibinaba ni Zephyr ang hawak na tasa ng kape at tumingin sa akin na para bang binabasa kung nararapat ba akong makasama sa almusal ng mga diyos. Parang may silent debate pa sa utak niya.

“Fine,” sagot niya, pero malamig ang tono. “Just don’t drop anything on the table.”

Umupo ako sa tabi ni Emanuel. Nakakakaba, pero ayokong ipakitang hindi ako sanay.

Habang kumakain si Emanuel ng itlog, bigla siyang nagtanong, “Daddy, babae ba ‘yung tutor ko ngayon?”

“Oo,” sagot ni Zephyr habang naglalagay ng jam sa tinapay.

Biglang napatigil si Emanuel at umirap. “Ayoko ng babae. Gusto ko lalake!”

Napatingin ako sa kanya, muntik ko nang maibuga ang tubig na iniinom ko. Ano na naman to?

“Bakit naman?” tanong ko habang pinipigil ang tawa.

“Eh kasi, pag babae, mahilig sa pink! Ayoko ng pink! Tapos ang daming sinasabi. Hindi ako makahinga!” reklamo niya, kunot ang noo.

Napailing si Zephyr. “Don’t be picky. Hindi mo kailangang magustuhan ang tutor mo. You just need to learn.”

Tahimik ako, pilit nilulunok ang hotdog kahit parang nabibilaukan na ako sa tensyon ng mag-ama.

Pero sa likod ng isip ko, natawa ako. Mukhang hindi lang ako ang may pasensiyang kailangang habaan sa bahay na ’to.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terkait

  • The Billionaire's Nanny Contract   Chapter 8

    Ariana POV Hindi pa ako tapos uminom ng juice nang biglang bumukas ang pinto ng dining area. Isang babae ang pumasok—matangkad, maputi, mahaba ang buhok, at sobrang sexy sa suot niyang body-hugging dress na para bang hindi siya tutor kundi model sa fashion magazine. Napatingin ako agad kay Zephyr. Tinitingnan ko kung ano ang reaksiyon niya. Tahimik siya. Pero sa pagkakatingin niya, para bang sinisipat ang babae mula ulo hanggang paa. Teka lang… seryoso ba ‘to? “Good morning, Mr. Zephyr,” bati ng tutor, sabay ngiti na parang may sparkle pa. “I’m Cherry, the new tutor.” Tumayo si Zephyr at tumango. “Welcome. That’s my son, Emanuel.” Ngunit bago pa makalapit si Cherry sa bata, bigla na lang nagsalita si Emanuel nang malakas. “Eww! I don’t like her! She looks like Barbie!” Napamulagat ako. Patay… Tumigil si Cherry sa paglalakad, at obvious na napahiya siya. Napako ang tingin niya kay Emanuel na para bang hindi makapaniwalang narinig niya iyon. Napatingin ako kay Zephyr.

    Terakhir Diperbarui : 2025-04-06
  • The Billionaire's Nanny Contract   Chapter 9

    Napatingin si Zephyr sa akin. Matagal. Tahimik. Ramdam ko ang lalim ng titig niya. Para bang may gusto siyang tukuyin o sabihin… pero hindi ko talaga alam kung ano. Wala naman akong nasabing mali, ‘di ba? Napalunok ako ng bahagya at umiwas ng tingin, pero hindi pa rin siya nagsasalita. “Bakit ganyan siya tumingin?” tanong ko sa sarili habang sinusubukang panatilihin ang composure. Bigla namang nagsalita si Emanuel, sabay upo sa tabi ko. “Daddy, why don’t we just hire a boy tutor?” Kumunot ang noo ng bata. “I don’t like Teacher Cherry. She’s not even looking at me when she teaches.” Muling bumalik ang tingin ni Zephyr kay Emanuel, at saka napailing ng bahagya. “You can’t always choose people based on your likes, Emanuel,” mahinahon niyang sagot. “Pero hindi siya interested! She’s interested in you!” sabat muli ni Emanuel, sabay turo sa daddy niya. “She keeps looking at you, not me!” Natawa ako sa loob-loob ko, pero pinigilan ko ang sarili kong magsalita. Nagbuntong-hininga

    Terakhir Diperbarui : 2025-04-07
  • The Billionaire's Nanny Contract   Chapter 10

    Ariana’s POV Pagkatapos ng mahabang kulitan sa pool, sa wakas ay umahon na rin si Emanuel. Medyo namumula na ang balat niya, at halatang napagod sa kakalangoy at kabubuhos ng tubig sa akin. “Ariana, game time na!” sigaw niya habang tumatakbo papasok sa mansyon, basa pa ang buhok at may ngisi sa labi. “Hintayin mo muna, kailangan mong magpalit ng damit,” sagot ko habang sinusundan siya. “Mamaya ka na mag-video game.” Pinatuyo ko siya ng tuwalya, at pinasuot ko ang komportableng pambahay niyang shorts at puting sando. Medyo nangungulit pa siya habang sinusuotan ko siya pero hindi ko na pinatulan. Baka kung saan pa mapunta ang kwentuhan namin. “Tapos ka na,” sabi ko. “Ngayon, ikaw naman ang maghintay. Magpapalit lang ako ng damit, binasa mo kasi ako kanina, ‘di ba?” sabay irap ko na lang sa kanya na sinabayan niya ng tawa. Pumasok ako sa silid ko, sinarado ang pinto at dumiretso sa banyo. Ang init sa balat ng basang uniporme ko kaya nagdesisyon akong mabilis na mag-shower uli

    Terakhir Diperbarui : 2025-04-07
  • The Billionaire's Nanny Contract   Chapter 11

    Ariana’s POV Kakatapos lang ng isang round ng laro namin ni Emanuel nang bigla siyang tumayo. “Sandali lang, ate Ariana. Hahanapin ko lang si daddy,” sabi niya habang nagmamadaling lumabas ng game room. “Okay, sige. Pero huwag kang tatakbo, ha? Baka madulas ka,” paalala ko pa habang inaayos ang controller. Iniisip ko pa rin ‘yung mga sinabi niya kanina. Ang mature ng mga tanong niya para sa edad niya. Napangiti ako habang binabalikan sa isip ‘yung eksenang tinanong niya kung masarap daw ba ang kiss. Kakaibang bata talaga si Emanuel... Pero ilang minuto pa lang ang lumipas nang biglang bumalik si Emanuel, takbong-takbo at halatang nataranta. “Ate Arianaaaa!!” sigaw niya, halos matisod sa pagtakbo. “Si daddy! Dumudugo kamay niya!!” Natigilan ako. Agad akong napatayo, ang puso ko parang lumukso sa kaba. “Ano?! Saan siya? Anong nangyari?” tanong ko agad habang lumalabas na rin ng game room. “Hindi ko alam! Nakita ko lang siya hawak kamay niya tapos may dugo! Halika na! B

    Terakhir Diperbarui : 2025-04-07
  • The Billionaire's Nanny Contract   Chapter 12

    Ariana's Pov Hapon na nang biglang bumangon si Emanuel mula sa mahimbing niyang tulog. Nagulat pa ako dahil parang hinahanap agad niya ang buong mundo. “Nasaan si Daddy?” tanong niya habang hinahanap ng tingin ang paligid ng kwarto. Lumapit ako at umupo sa gilid ng kama. “Nasa labas pa, may lakad si Sir Zephyr. Pero babalik din ‘yon mamaya.” Bumuntong-hininga si Emanuel at sumimangot. “Bakit iniwan ako ni Daddy?” Napakamot ako sa batok habang iniisip kung paano ko siya pasasayahin. Ayokong makita siyang malungkot. Ewan ko ba kung bakit parang biglang bumigat ang dibdib ko tuwing umiiyak o nalulungkot ‘tong batang ‘to. Bigla akong napangiti. “Alam mo, may naisip akong paraan para gumaan ang loob mo.” Napatingin siya sa akin, nakakunot ang noo. “Ano ‘yon?” “Gusto mo bang mamasyal tayo sa park? May playground doon, may mga bata, may ice cream pa!” “Talaga?” nanlaki ang mata niya. “Pwede ba ‘yon?” “Syempre, basta sumama tayo kay Kuya Ramil. Siya na ang magda-drive.”

    Terakhir Diperbarui : 2025-04-07
  • The Billionaire's Nanny Contract   Chapter 13

    Zephyr POV Tahimik na ang buong mansyon. Ang tanging maririnig ay ang mahinang lagaslas ng fountain sa garden at ang malalim na hilik ni Emanuel sa kabilang kwarto. Pinatay ko na ang bedside lamp ng anak ko, tinakpan ang kumot sa kanyang tiyan, at hinalikan siya sa noo. "Goodnight, buddy," bulong ko. Habang papalabas ako ng kwarto, napalingon pa ako sa anak ko. Tahimik na siya ngayon—malayo sa dating makulit, magulo, at laging may gustong gawin. Nagbago siya. Mula noong dumating si Ariana, unti-unti ko nang napapansin ang pagbabago sa kanya. Hindi lang sa behavior, kundi pati sa mood niya. Mas kalmado. Mas masayahin. Hindi na ganoon ka-demanding. At kahit minsan pa rin siyang makulit, parang mas may direksyon na ang kulit niya. Pero ‘di ko maalis sa isipan ko ang sinabi niya kanina habang naglalaro kami sa game room. “Daddy, bakit si Teacher Cherry, ang tagal tumingin sa’yo? Para siyang natutunaw.” Teacher Cherry… Napakagat ako ng labi, naiiling habang naiisip ang baba

    Terakhir Diperbarui : 2025-04-08
  • The Billionaire's Nanny Contract   Chapter 14

    Ariana POV Habang nakaupo ako sa tabi ni Emanuel, pinagmamasdan ko siya habang paulit-ulit na tumitingin sa wall clock. Napahawak ako sa noo ko, pilit nilalabanan ang inis at bugnot na nararamdaman. "Eight more minutes," bulong niya, tapos napabuntong-hininga na parang hinahabol ang kalayaan. Para bang ako pa ‘yung nabubugnot sa sobrang kaarte ng batang ito. Diyos ko, parang ako ‘tong kinulong sa tutor session at hindi siya. Paulit-ulit siyang nagbibilang ng oras, para bang isang preso na hinihintay ang paglaya. Hindi ko alam kung matatawa ba ako o maawa sa teacher niya. "Seven more minutes," sabi pa niya, sabay lilingon kay Teacher Cherry na halatang pinipilit ngumiti kahit halata mong nauubos na ang pasensya. Ako rin kaya ang susunod na susuko? Maya’t maya ay pasimpleng tinitingnan ni Emanuel si Teacher Cherry, tapos lalapit sa akin at bubulong, “Ate Ariana, ‘di ko na talaga kaya ‘to. Ayoko na kay Cherry.” "Eh bakit naman?" tanong ko kahit alam ko na ang sagot. "Ang da

    Terakhir Diperbarui : 2025-04-08
  • The Billionaire's Nanny Contract   Chapter 15

    ARIANA POV "Hmmm, ang bango naman," ani T Drake pagkapasok niya sa receiving area, kasunod si Bella na may hawak pang maliit na stuffed toy. Bahagyang natawa ako. Hindi ko alam kung ako ba 'yung tinutukoy niyang mabango o 'yung tinapay na inilapag sa mesa kanina ng isang maid. Pero dahil sa tono niya, parang... alam mo 'yon? May kasamang papuri. Napalingon si Emanuel at agad na nagniningning ang mga mata. "Bella!" bulalas niya at halos malaglag ang hawak na laruang kotse. Tumakbo siya palapit sa kaibigan. "Bakit parang ang tagal nating ‘di nagkita!" sabi ni Emanuel, sabay hawak sa kamay ni Bella. Si Bella naman, ngumiti at agad ding bumati. "Ayieee! Parang long-lost lovers," biro ko sa sarili habang pinagmamasdan ang dalawang bata na parang may sariling mundo. Umupo kami ni Drake sa bench sa gilid ng garden kung saan may play area. Hindi naman gano'n kainit ang araw kaya presko pa rin sa ilalim ng mga puno. Habang naglalaro ang mga bata, nagsimula kaming mag-usap ni Tito D

    Terakhir Diperbarui : 2025-04-08

Bab terbaru

  • The Billionaire's Nanny Contract   Chapter 54

    Ariana POV “Sigurado ka na talaga?” tanong ni Beth habang tinutupi ang ilang damit ko at inilalagay sa lumang backpack. “Aalis ka na kahit hindi mo pa alam kung anong naghihintay sa 'yo roon?” Tumango ako, kahit may bahid ng kaba sa dibdib ko. “Oo. Kailangan kong subukan, Beth. Mas okay na ‘to kaysa manatili rito at puro sakit ng ulo lang ang hatid.” Tahimik kaming dalawa habang patuloy sa pagsisinop ng mga gamit. Hanggang sa bigla siyang nagsalita. “Sayang 'yung sampung milyon no?” diretsong tanong niya, pero may halong biro. “Kung ako ‘yan, baka tinanggap ko na. Pambayad ng utang, puhunan, future. Pero ikaw... ni hindi mo tinanong kung paano mo makukuha ‘yon.” Napahinto ako sa pagtupi ng blouse at napatitig sa sahig. Mabilis na sumagi sa isip ko ang eksenang hawak ko ‘yung sobre. Yung sandaling kaya kong baguhin ang kapalaran ko, ang pamilya ko… pero hindi ko ginawa. “May dahilan ba kung bakit hindi mo kinuha ‘yung pera?” tanong ulit ni Beth, ngayon ay mas seryoso na ang

  • The Billionaire's Nanny Contract   Chapter 53

    Zephyr POV Patungo na sana kami ni Drake sa probinsiya. Tahimik akong nakatingin sa labas ng bintana habang iniikot ng isip ko ang mga posibleng senaryo kapag nakita ko na si Ariana. Paano ko siya haharapin? Anong sasabihin ko? Pero bago pa man kami makalampas ng highway, biglang tumunog ang phone ko. Noime. "Put—" napamura ako sa inis, pero sinagot ko pa rin. "Zephyr! Bumalik ka na rito. Umalis 'yung yaya!" sigaw ni Noime sa kabilang linya, halatang hysterical. "Kakagawan na naman ni Emanuel, nagwala siya at tinakot ang yaya, kaya umalis! Wala na akong matakbuhan kundi ikaw!" Napatingin ako kay Drake, kita sa mukha niya ang disappointment. “Balik tayo,” maikling utos ko, at agad niyang pinaikot ang sasakyan pabalik ng mansyon. Pagdating namin sa mansyon, sinalubong agad ako ni Noime. Nakapamewang siya at halatang inis na inis. Si Emanuel naman, nasa sala at umiiyak, hinahanap pa rin si Ariana. Lalo akong nadurog sa eksenang 'yon. "Ano ba 'to, Noime? Akala ko ba ayos n

  • The Billionaire's Nanny Contract   Chapter 52

    Zephyr POV Mabigat ang bawat buhat, parang kasabay ng pabigat nang pabigat na nararamdaman niya sa dibdib. Basang-basa na ng pawis ang gray niyang sando, halos pumutok na ang ugat sa bisig habang paulit-ulit siyang nagba-barbell, waring gusto niyang idaan lahat ng inis, lungkot, at frustration sa bawat pagbuhat. Pero kahit anong bigat ang isalampak niya sa bar, hindi pa rin iyon kayang pantayan ang bigat ng pagkawala ni Ariana. “Idadaan mo na lang ba sa paggigym ang problema mo kay Ariana?” Isang pamilyar na tinig ang umalingawngaw sa gym. Nilingon niya ang pintuan at nakita roon si Drake—naka-hoodie, may hawak na bottled water at may pilyong ngiti sa labi. "Kung wala kang balak puntahan siya," patuloy nito habang lumapit, "ako na lang ang pupunta sa lugar nila." Tumaas ang kilay ni Zephyr habang iniiwas ang tingin, patuloy lang sa pag-reps ng weights. “Guwapo rin naman ako, ‘di ba?” dagdag ni Drake, mayabang pa rin ang tono. Sumama ang tingin ni Zephyr. Parang sinakal ang

  • The Billionaire's Nanny Contract   Chapter 51

    Ariana POV Pagdating ko sa bahay, bitbit ang ilang pinamili mula sa palengke—gulay, sabon, at bagong sim card—agad akong sinalubong ng boses ng mama ko na tila masaya habang may kausap sa sala. "Ariana, andito ka na pala!" masiglang bati ni Mama. "Halika rito, may ipakikilala ako sa'yo." Napatingin ako sa babaeng nakaupo sa sofa. Nakaayos siya, halatang may kaya—may malambing na ngiti at magaan ang aura. Bumangon ito at inabot ang kamay sa akin. "Ikaw na pala si Ariana! Ang ganda mo, mana ka sa mama mo noong kabataan namin," nakangiting sabi nito. Ngumiti ako ng bahagya habang nakikipagkamay. "Magandang hapon po." "Si Tita Lorna mo 'yan. Kaibigan ko 'yan mula pa noong kolehiyo. Dito lang siya sa bayan nagtayo ng maliit na travel agency," paliwanag ni Mama. "Actually," sabat ni Tita Lorna, "kaya nga ako napadaan. Nagbubukas ako ngayon ng bagong local tour program para sa mga dayuhan—at kung naghahanap ka pa ng trabaho, Ariana, baka interesado ka. Tourist guide, magaan lan

  • The Billionaire's Nanny Contract   Chapter 50

    Ariana POV Pagkababa ko ng sasakyan, mabilis akong sinalubong ng malamig na simoy ng hangin sa probinsiya. Tahimik ang paligid, tila ba sumasalamin sa bigat ng nararamdaman ko. Bitbit ko lang ay isang maliit na bag at puso kong basag-basag. Pagbukas ng pinto, bumungad sa akin ang gulat na mukha ni Mama. “Ariana?” gulat niyang tawag habang mabilis akong nilapitan. “Anong ginagawa mo rito, anak? Bakit hindi mo man lang sinabi na uuwi ka?” Ngunit imbes na makasagot, niyakap ko na lang siya ng mahigpit. Doon na rin tuluyang bumagsak ang luha ko. Wala akong masabi. Wala akong paliwanag. Gusto ko lang ng yakap. Gusto ko lang ng tahanan. Hinagod ni Mama ang likod ko. “Anak, ano’ng nangyari?” Umiling lang ako. Hindi ko alam kung saan ako magsisimula. Hindi ko alam kung paano ko ikukwento ang sakit, ang pagtanggap ko sa pagkatalo, at ang pamamaalam sa isang batang natutunan kong mahalin na parang anak ko na rin. Pagkaupo namin sa bangkito sa ilalim ng puno, tahimik lang si Mama h

  • The Billionaire's Nanny Contract   Chapter 49

    ZEPHYR’S POV Napuno ng iyakan at hikbi ang buong mansyon. Ang dating masayahing si Emanuel ay ngayon ay nakasalampak sa sahig ng kanyang silid, yakap-yakap ang laruan na dati nilang nilalaro ni Ariana. Paulit-ulit ang tanong ng anak ko, paulit-ulit ang sigaw niya habang tumutulo ang mga luha niya sa pisngi. “Gusto ko si Ate Ariana! Bakit wala na si Ate Ariana?!” Ilang kasambahay na ang sumubok na patahanin siya pero wala ni isa ang napalapit man lang. Pati si Noime—ang ina mismo ng bata—ay napaatras na lang sa isang sulok, mukhang nawawala na rin sa sariling pasensya. “Emanuel, anak—nandito si Mommy, bakit si Ariana pa ang hinahanap mo?” nanggigigil na tanong ni Noime pero walang sagot si Emanuel kundi panibagong iyak. Pinikit ko ang mga mata ko. Iyon ang ayokong makita—ang anak kong tuluyang nawawala sa sarili, naghahanap ng kalingang kay tagal niyang natagpuan sa isang babaeng pinilit nilang paalisin. “Nasaan si Ariana?” tanong ko sa asawang kanina pa tahimik. “Ano’ng gi

  • The Billionaire's Nanny Contract   Chapter 48

    ARIANA’S POV Kinabukasan, tila mas mabigat pa sa katawan ko ang puso kong pilit kong pinatatag. Ngayon na ang araw ng kaarawan ni Emanuel. Isang espesyal na araw para sa batang minahal ko na parang anak. Mula nang magising ako, hindi ko na mapakali. Naghanda lang ako ng simpleng damit, isang puting blusa at paldang asul—mukhang ordinaryo, pero pinili ko pa rin. Dahil gusto ko, kahit papaano, ay maipakita kong espesyal din sa akin ang araw na ito. Mahigpit kong hawak ang maliit na kahon na nakabalot sa asul at puting laso. Regalo ko para kay Emanuel. Isang simpleng robot toy na ilang linggo ko nang iniipon ang pera para mabili. Kasi alam ko, tuwing napapadaan kami sa department store, palagi niya iyong tinitingnan—ngunit hindi niya hinihingi. Para siyang sanay na hindi makakuha ng gusto niya, at masakit iyon para sa akin. Habang pababa ako sa hagdanan, napansin kong abala na ang mga tao sa mansyon. May mga caterer, may mga dekorador, at mga empleyado na abalang nag-aayos para sa

  • The Billionaire's Nanny Contract   Chapter 47

    ARIANA’S POV Isang tawag ang bumungad sa akin habang nakaupo ako sa tabi ng bintana, pinagmamasdan ang makulimlim na langit na para bang sumasalamin sa bigat na nasa dibdib ko. Nang tumunog ang cellphone ko at makita ko ang pangalan ni Beth sa screen, parang saglit akong nakahinga. Isa sa iilang tao na alam kong pwedeng makaramay sa nararamdaman ko. Sinagot ko agad ang tawag. "Ariana! Good news! Pupunta kaming lahat sa birthday ni Emanuel!" masiglang bungad ni Beth. Ramdam ko ang excitement niya mula sa kabilang linya. “Sabi ni boss Drake, welcome daw lahat ng empleyado.” Napapikit ako. Gusto kong matuwa. Gusto kong sabihing, ‘Ayos lang ang lahat, Beth.’ Pero hindi ko kinaya. "Beth…" mahina kong sabi. "Hindi ko alam kung aabutan niyo pa ako dito." "Ha? Anong ibig mong sabihin?" At doon ko na hindi napigilan. Tuloy-tuloy kong ikinuwento sa kanya ang lahat. Ang tungkol sa bagong kontrata. Ang pagbabago ni Emanuel. Ang mga titig ni Noime na parang gustong sunugin ako ng buh

  • The Billionaire's Nanny Contract   Chapter 46

    ARIANA'S POV Tahimik lang ako habang pinagmamasdan si Emanuel na nakaupo sa sofa, nilalaro ang maliit na laruan na hawak niya—hindi man lang lumilingon sa akin. Pumintig ang sentido ko sa lungkot at gulo ng damdamin. Hindi ko na matiis. Kailangan kong malaman ang totoo. Lumuhod ako sa harapan niya, tinapik ko ng marahan ang tuhod niya. “Emanuel…” malambing ang tinig ko. “Pwede bang sabihin mo kay Ate Ariana kung paano ka talaga nadapa?” Hindi siya sumagot. Pinilit kong ngumiti, kahit may kirot sa dibdib. “Alam mo namang matapang ka, ‘di ba? Hindi ka iyakin. Lagi mong sinasabi na kaya mong alagaan ang sarili mo kahit minsan makulit ka. Pero ngayon, iba eh. Masakit daw ‘yung braso mo…" Tumingin ako sa kanyang mga mata, pero agad niya ring iniwas. “Emanuel,” mahinahon pero may pakiusap sa boses ko, “ano ba talaga ang nangyari?” Tahimik. Walang salita. Ni isang tingin, walang binigay. At doon ko naramdaman ang malupit na reyalidad—may pumipigil sa kanya. May tinatago siya.

Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status