Nang matapos na ni Ariana ang pag-aayos ng kanyang mga gamit, marahan niyang inilapag ang backpack sa tabi ng pintuan. Lumapit siya sa kanyang ina na abala pa rin sa pag-aasikaso sa lutong merienda—nilupak at turon na inihanda nito para sa kanila.
"Ma, aalis na po kami. Salamat po ulit sa merienda," malungkot ngunit magalang na paalam ni Ariana habang niyayakap ang ina. "Ingat kayo anak. Alagaan mong mabuti 'yung bata ha. At sana... magaan ang loob mo sa trabahong pinasok mo," sagot ng ina habang pinipisil ang kamay ni Ariana. Ngunit bago pa siya makalakad palabas, biglang sumigaw si Emanuel mula sa likod ng bahay. "Yaya! May baby goat dito! Ang cute! Can we stay a little longer?" Nilingon siya ni Ariana, habang ang bata ay lumalakad pa ikot-ikot sa bakuran, aliw na aliw sa mga tanawin. May tangkay pa ito ng saging na parang espada habang sinusundan ang isang sisiw. "Emanuel, tara na. Gabi na. Baka hanapin ka na ng daddy mo," malumanay na tawag ni Ariana. Ngunit umiling si Emanuel at umupo sa silong ng bahay. "Ayoko pa umuwi. This place is fun. There’s food, chickens, goats… at si lola mabait!" sabay kindat pa sa ina ni Ariana na napatawa na lang. Napabuntong-hininga si Ariana. Lumapit siya kay Emanuel at naupo sa tabi nito. "Alam ko masaya rito, pero hindi ka ba nami-miss ng daddy mo?" Saglit na natahimik si Emanuel. Yumuko, pero maya-maya ay sumagot, "Pwede bang tumira na lang ako dito?" Nagulat si Ariana sa tanong na iyon. Nakita niya ang tila lungkot sa mga mata ng bata, kaya dahan-dahan niyang hinaplos ang buhok nito. "Hindi tayo pwedeng tumira dito, baby boy. Pero pwede tayong bumalik. Bibisitahin natin si lola minsan, ha?" "Promise?" "Promise," ngumiti si Ariana. Tumayo na si Emanuel, pero bago pa makalayo, sinunggaban pa nito ang isang piraso ng turon at sabay kagat. "Okay fine, let’s go. Pero next time, gusto ko ng kalabaw ride." Napailing si Ariana, habang ang ina niya ay hindi maalis ang ngiti sa labi. Tinapik ni Ariana si Emanuel sa balikat at sabay silang naglakad pabalik sa sasakyan. Sa isip ni Ariana, “Ang hirap pala mag-alaga ng isang batang madaling mahalin… pero may ama siyang may sariling mundo. Kakayanin ko ba 'to?” Nakasakay na sila sa sasakyan, at sa unang mga minuto ng biyahe ay tahimik lang si Ariana habang pinagmamasdan ang labas ng bintana. Hindi niya maikakaila na napagod siya sa pag-aayos ng gamit at sa paghabol sa bata buong araw. Pero higit sa lahat, nagsisimula nang kumulo ang kanyang tiyan. Napakagat-labi siya, pilit nilulunok ang gutom. Wala pa siyang tanghalian at merienda lang ang kinain nila kanina. Tiningnan niya si Emanuel na masayang nakatitig sa hawak nitong laruan. Biglang napansin ni Emanuel ang pagkilos ni Ariana at ang tahimik nitong paghawak sa tiyan. Kumunot ang noo ng bata. “Yaya, are you hungry?” tanong nito na may pag-aalalang tono. Napahiya si Ariana at ngumiti na lang ng pilit. "Kaunti lang. Okay lang ako." Pero hindi nagpaawat si Emanuel. Tumagilid siya at sumigaw sa driver, “Kuya Ramil! Get the cookies in the compartment, please! Yung chocolate, ha!" Napalingon si Ariana. “Hala, hindi na kailangan, Emanuel—” “Nope. You’re hungry. And when we travel, there’s always cookies. That’s the rule when I’m with Mommy and Daddy.” Tumango pa ito nang may kaangasang tono, parang batang boss. Napangiti si Kuya Ramil sa rearview mirror at agad binuksan ang compartment. Inabot niya ang isang maliit na box na may eleganteng packaging ng imported chocolate cookies. “Ma’am, ito po,” sabay abot sa kanya. Nag-aalangan pa si Ariana pero ngumiti si Emanuel, “Yaya, you need energy. You look like you’re going to faint.” Hindi na nakatanggi si Ariana. Binuksan niya ang box at kumuha ng isa, sabay kagat. Agad niyang naramdaman ang tamis at lambot ng cookies, parang natutunaw sa bibig. “Sobrang sarap,” bulong niya sa sarili. “See? Told you,” sabat ni Emanuel na kumagat na rin ng sarili niyang piraso. “Next time, I’ll ask Daddy to bring more.” Habang patuloy ang biyahe at pinupuno ng tahimik na musika sa sasakyan, napatingin si Ariana sa bata. Sa dami ng stress at kaba na dinanas niya simula umaga, hindi niya inaasahang si Emanuel pa ang magpapagaan ng pakiramdam niya. “Maybe this job won’t be so bad after all,” isip niya habang muling kumagat sa masarap na cookie. Pagdating nila sa mansyon, napansin ni Ariana na hindi man lang gumalaw si Emanuel. Payapa itong natutulog sa kandungan niya, tila isang anghel na walang bahid ng kakulitan. Napangiti siya habang hinahaplos ang buhok ng bata—hindi siya makapaniwala na ang batang halos ikabaliw niya kanina ay ganito pala kapag tulog: tahimik, kalmado, at... mabait. Pagkabukas ng pinto ng sasakyan, agad lumapit si Zephyr. Tahimik itong sumilip at nakita ang anak na mahimbing pa rin sa pagkakatulog. “He’s still asleep,” mahinang sabi ni Ariana. Tumango si Zephyr at walang imik na yumuko para buhatin ang bata. Hindi agad nakagalaw si Ariana. Nang maramdaman niya ang kamay ni Zephyr na marahang humawak sa tagiliran ni Emanuel—kasabay nito ang pagdampi ng likod ng palad ng lalaki sa kanyang hita—napalunok siya ng bahagya. Muntik na siyang mapaigtad pero pinigilan niya ang sarili. Malapitan na ngayon ang mukha ni Zephyr sa kanya. Ramdam ni Ariana ang init ng hininga nito, at ang bahagyang pagkakabangga ng balikat nila habang inaangat nito si Emanuel. Hindi niya alam kung bakit biglang bumilis ang tibok ng puso niya. Parang may kung anong pwersa na humahatak sa kanya palapit dito. Napakabango ng lalaki—amoy mamahaling pabango na may halong natural na presensya. Hindi siya makatingin nang direkta sa mga mata ni Zephyr, kaya naman pinili na lang niyang pagmasdan ang natutulog na si Emanuel. “Salamat,” mahina pero seryosong sabi ni Zephyr matapos buhatin ang anak. Napatingin si Ariana, nagulat sa pasasalamat nito. Ilang segundo silang nagkatitigan. Walang nagsalita. Hanggang sa lumayo na si Zephyr, buhat si Emanuel, papasok sa loob ng mansyon. Habang nakaupo pa rin sa loob ng sasakyan, napalunok ulit si Ariana. "Bakit parang biglang ang init ng paligid?" bulong niya sa sarili. "At bakit parang may kakaiba sa boss kong ‘to?" Tinapik siya ni Kuya Ramil mula sa labas. “Ma’am? Pasok na po tayo.” Napahimas siya sa dibdib. "Kalma lang, Ariana. Sampung milyon. Sampung milyon," paalala niya sa sarili habang mabilis na pinawi ang tensyong bumalot sa kanya, sabay baba ng sasakyan. Pagpasok ni Ariana sa silid, halos mapahiga agad siya sa kama. Pagod na pagod ang katawan niya pero mas pagod ang isip niya sa lahat ng nangyari sa maghapon. Hindi pa man siya nakakahinga ng maayos, ay may kumatok na sa pintuan. “Ariana,” tawag ng boses mula sa labas. Kilalang-kilala niya iyon. Agad siyang tumayo at binuksan ang pinto. Nakatayo si Zephyr sa labas, nakasuot ng simpleng polo shirt at pantalon, pero kahit ganoon, hindi pa rin nito matatakpan ang natural nitong tindig at karisma. “Yes, Sir?” tanong niya, medyo kinakabahan. “Can I talk to you for a moment?” seryoso ang mukha nito, at walang alinlangang pumasok sa silid nang imbitahan niya. Umupo si Zephyr sa upuang malapit sa bintana habang si Ariana naman ay nanatiling nakatayo. Tahimik muna ang paligid bago muling nagsalita ang lalaki. “I noticed something…” panimula ni Zephyr, tinapunan siya ng tingin. “Emanuel slept earlier than usual. He usually doesn’t fall asleep until past midnight.” Napakunot ang noo ni Ariana, medyo nahiya. “Ah, baka po napagod talaga siya sa biyahe at… sa dami ng ginawa namin kanina.” “Ano bang ginawa n’yo?” tanong ni Zephyr habang pinagmamasdan siya. Medyo nailang si Ariana. “Naglalaro po kami. Tumakbo siya, nagtago, tapos nakita niya po ‘yung mama ko na kumakayod ng niyog. Ayun, ginusto rin niyang subukan. Marami siyang ginawa, kaya siguro napagod.” Sandaling natahimik si Zephyr, pero parang pinipigilan ang ngiti. “So... you let my son climb trees and play with coconut husks?” “Hindi naman po ako nagpabaya,” depensang sagot ni Ariana. “Nandun po ako sa tabi niya palagi. Ayoko rin naman pong masaktan siya.” Tahimik ulit si Zephyr. Pero sa mga mata nito, parang may kakaibang sigla. Hindi siya sanay na marinig na ang anak niya ay masayang nakihalubilo sa iba, sa simpleng buhay, sa isang araw na puno ng kakulitan at tawa. “That’s interesting,” sambit ni Zephyr. “He never acts like that when he's here. He’s always glued to his iPad or throwing tantrums just to get attention. But today… he smiled. He played. He even hugged someone voluntarily.” Nag-init ang pisngi ni Ariana. Hindi niya alam kung matutuwa ba siya o mahihiya. “Baka po... kasi bago pa lang ako sa paningin niya. Baka sa susunod, magsawa rin.” Pero umiling si Zephyr. “Don’t sell yourself short.” Napatingin si Ariana. Hindi niya inasahan ang ganitong mga salita mula sa isang tulad ni Zephyr. “I’m starting to think… maybe you’re exactly what he needs,” dagdag pa nito. Para bang may kakaibang kiliti sa dibdib ni Ariana. Pero agad niya itong pinigilan. Focus, Ariana. Sampung milyon, bulong niya sa sarili. “Salamat po,” nahihiyang sagot niya. Tumayo na si Zephyr, pero bago ito lumabas, saglit siyang lumingon. “Just... continue what you’re doing. And make sure he sleeps early again tomorrow.” At bago pa siya tuluyang makaalis, binigyan siya nito ng isang sulyap—hindi galit, hindi malamig. Kundi parang... interesado. Pagkasarado ng pinto, napaupo si Ariana sa kama. “Anong meron kay boss ngayon? At... bakit parang hindi na lang bata ang pinapapagod ko, pati puso ko rin ata?”THIRD POV Kinabukasan, maagang nagising si Ariana. Inayos niya ang sarili para sa unang araw ng pagiging full-time yaya ni Emanuel Luca. Hindi man niya alam ang lahat ng dapat gawin, handa siyang matuto. Saktong nag-aayos na siya ng buhok nang may kumatok sa pinto. Tok. Tok. "Ariana, iha?" tawag ni Belen mula sa labas. Agad siyang lumapit at binuksan ang pinto. Tumambad sa kanya si Belen na may hawak na puting hanger, at nakasabit doon ang isang maayos pero medyo makapal na uniporme—kulay navy blue na may mahabang manggas at paldang lampas tuhod. "Ito ang uniporme mo," sabing mahinahon ni Belen. "Pinagbilin ito ng misis ni Sir Zephyr dati pa—bawal ang revealing na suot ng kahit sinong babae sa loob ng bahay. Disente, maayos, at hindi nakakahiya sa paningin ng bata." Napangiti si Ariana kahit nagpipigil ng buntong-hininga. “Opo, naiintindihan ko po.” Ngunit sa isip niya: Grabe naman, akala mo makakapasok si Maria Clara sa init ng panahon. Tiningnan niyang mabuti ang unipo
Ariana POV Hindi pa ako tapos uminom ng juice nang biglang bumukas ang pinto ng dining area. Isang babae ang pumasok—matangkad, maputi, mahaba ang buhok, at sobrang sexy sa suot niyang body-hugging dress na para bang hindi siya tutor kundi model sa fashion magazine. Napatingin ako agad kay Zephyr. Tinitingnan ko kung ano ang reaksiyon niya. Tahimik siya. Pero sa pagkakatingin niya, para bang sinisipat ang babae mula ulo hanggang paa. Teka lang… seryoso ba ‘to? “Good morning, Mr. Zephyr,” bati ng tutor, sabay ngiti na parang may sparkle pa. “I’m Cherry, the new tutor.” Tumayo si Zephyr at tumango. “Welcome. That’s my son, Emanuel.” Ngunit bago pa makalapit si Cherry sa bata, bigla na lang nagsalita si Emanuel nang malakas. “Eww! I don’t like her! She looks like Barbie!” Napamulagat ako. Patay… Tumigil si Cherry sa paglalakad, at obvious na napahiya siya. Napako ang tingin niya kay Emanuel na para bang hindi makapaniwalang narinig niya iyon. Napatingin ako kay Zephyr.
Napatingin si Zephyr sa akin. Matagal. Tahimik. Ramdam ko ang lalim ng titig niya. Para bang may gusto siyang tukuyin o sabihin… pero hindi ko talaga alam kung ano. Wala naman akong nasabing mali, ‘di ba? Napalunok ako ng bahagya at umiwas ng tingin, pero hindi pa rin siya nagsasalita. “Bakit ganyan siya tumingin?” tanong ko sa sarili habang sinusubukang panatilihin ang composure. Bigla namang nagsalita si Emanuel, sabay upo sa tabi ko. “Daddy, why don’t we just hire a boy tutor?” Kumunot ang noo ng bata. “I don’t like Teacher Cherry. She’s not even looking at me when she teaches.” Muling bumalik ang tingin ni Zephyr kay Emanuel, at saka napailing ng bahagya. “You can’t always choose people based on your likes, Emanuel,” mahinahon niyang sagot. “Pero hindi siya interested! She’s interested in you!” sabat muli ni Emanuel, sabay turo sa daddy niya. “She keeps looking at you, not me!” Natawa ako sa loob-loob ko, pero pinigilan ko ang sarili kong magsalita. Nagbuntong-hininga
Ariana’s POV Pagkatapos ng mahabang kulitan sa pool, sa wakas ay umahon na rin si Emanuel. Medyo namumula na ang balat niya, at halatang napagod sa kakalangoy at kabubuhos ng tubig sa akin. “Ariana, game time na!” sigaw niya habang tumatakbo papasok sa mansyon, basa pa ang buhok at may ngisi sa labi. “Hintayin mo muna, kailangan mong magpalit ng damit,” sagot ko habang sinusundan siya. “Mamaya ka na mag-video game.” Pinatuyo ko siya ng tuwalya, at pinasuot ko ang komportableng pambahay niyang shorts at puting sando. Medyo nangungulit pa siya habang sinusuotan ko siya pero hindi ko na pinatulan. Baka kung saan pa mapunta ang kwentuhan namin. “Tapos ka na,” sabi ko. “Ngayon, ikaw naman ang maghintay. Magpapalit lang ako ng damit, binasa mo kasi ako kanina, ‘di ba?” sabay irap ko na lang sa kanya na sinabayan niya ng tawa. Pumasok ako sa silid ko, sinarado ang pinto at dumiretso sa banyo. Ang init sa balat ng basang uniporme ko kaya nagdesisyon akong mabilis na mag-shower uli
Ariana’s POV Kakatapos lang ng isang round ng laro namin ni Emanuel nang bigla siyang tumayo. “Sandali lang, ate Ariana. Hahanapin ko lang si daddy,” sabi niya habang nagmamadaling lumabas ng game room. “Okay, sige. Pero huwag kang tatakbo, ha? Baka madulas ka,” paalala ko pa habang inaayos ang controller. Iniisip ko pa rin ‘yung mga sinabi niya kanina. Ang mature ng mga tanong niya para sa edad niya. Napangiti ako habang binabalikan sa isip ‘yung eksenang tinanong niya kung masarap daw ba ang kiss. Kakaibang bata talaga si Emanuel... Pero ilang minuto pa lang ang lumipas nang biglang bumalik si Emanuel, takbong-takbo at halatang nataranta. “Ate Arianaaaa!!” sigaw niya, halos matisod sa pagtakbo. “Si daddy! Dumudugo kamay niya!!” Natigilan ako. Agad akong napatayo, ang puso ko parang lumukso sa kaba. “Ano?! Saan siya? Anong nangyari?” tanong ko agad habang lumalabas na rin ng game room. “Hindi ko alam! Nakita ko lang siya hawak kamay niya tapos may dugo! Halika na! B
Ariana's Pov Hapon na nang biglang bumangon si Emanuel mula sa mahimbing niyang tulog. Nagulat pa ako dahil parang hinahanap agad niya ang buong mundo. “Nasaan si Daddy?” tanong niya habang hinahanap ng tingin ang paligid ng kwarto. Lumapit ako at umupo sa gilid ng kama. “Nasa labas pa, may lakad si Sir Zephyr. Pero babalik din ‘yon mamaya.” Bumuntong-hininga si Emanuel at sumimangot. “Bakit iniwan ako ni Daddy?” Napakamot ako sa batok habang iniisip kung paano ko siya pasasayahin. Ayokong makita siyang malungkot. Ewan ko ba kung bakit parang biglang bumigat ang dibdib ko tuwing umiiyak o nalulungkot ‘tong batang ‘to. Bigla akong napangiti. “Alam mo, may naisip akong paraan para gumaan ang loob mo.” Napatingin siya sa akin, nakakunot ang noo. “Ano ‘yon?” “Gusto mo bang mamasyal tayo sa park? May playground doon, may mga bata, may ice cream pa!” “Talaga?” nanlaki ang mata niya. “Pwede ba ‘yon?” “Syempre, basta sumama tayo kay Kuya Ramil. Siya na ang magda-drive.”
Zephyr POV Tahimik na ang buong mansyon. Ang tanging maririnig ay ang mahinang lagaslas ng fountain sa garden at ang malalim na hilik ni Emanuel sa kabilang kwarto. Pinatay ko na ang bedside lamp ng anak ko, tinakpan ang kumot sa kanyang tiyan, at hinalikan siya sa noo. "Goodnight, buddy," bulong ko. Habang papalabas ako ng kwarto, napalingon pa ako sa anak ko. Tahimik na siya ngayon—malayo sa dating makulit, magulo, at laging may gustong gawin. Nagbago siya. Mula noong dumating si Ariana, unti-unti ko nang napapansin ang pagbabago sa kanya. Hindi lang sa behavior, kundi pati sa mood niya. Mas kalmado. Mas masayahin. Hindi na ganoon ka-demanding. At kahit minsan pa rin siyang makulit, parang mas may direksyon na ang kulit niya. Pero ‘di ko maalis sa isipan ko ang sinabi niya kanina habang naglalaro kami sa game room. “Daddy, bakit si Teacher Cherry, ang tagal tumingin sa’yo? Para siyang natutunaw.” Teacher Cherry… Napakagat ako ng labi, naiiling habang naiisip ang baba
Ariana POV Habang nakaupo ako sa tabi ni Emanuel, pinagmamasdan ko siya habang paulit-ulit na tumitingin sa wall clock. Napahawak ako sa noo ko, pilit nilalabanan ang inis at bugnot na nararamdaman. "Eight more minutes," bulong niya, tapos napabuntong-hininga na parang hinahabol ang kalayaan. Para bang ako pa ‘yung nabubugnot sa sobrang kaarte ng batang ito. Diyos ko, parang ako ‘tong kinulong sa tutor session at hindi siya. Paulit-ulit siyang nagbibilang ng oras, para bang isang preso na hinihintay ang paglaya. Hindi ko alam kung matatawa ba ako o maawa sa teacher niya. "Seven more minutes," sabi pa niya, sabay lilingon kay Teacher Cherry na halatang pinipilit ngumiti kahit halata mong nauubos na ang pasensya. Ako rin kaya ang susunod na susuko? Maya’t maya ay pasimpleng tinitingnan ni Emanuel si Teacher Cherry, tapos lalapit sa akin at bubulong, “Ate Ariana, ‘di ko na talaga kaya ‘to. Ayoko na kay Cherry.” "Eh bakit naman?" tanong ko kahit alam ko na ang sagot. "Ang da
Ariana POV “Sigurado ka na talaga?” tanong ni Beth habang tinutupi ang ilang damit ko at inilalagay sa lumang backpack. “Aalis ka na kahit hindi mo pa alam kung anong naghihintay sa 'yo roon?” Tumango ako, kahit may bahid ng kaba sa dibdib ko. “Oo. Kailangan kong subukan, Beth. Mas okay na ‘to kaysa manatili rito at puro sakit ng ulo lang ang hatid.” Tahimik kaming dalawa habang patuloy sa pagsisinop ng mga gamit. Hanggang sa bigla siyang nagsalita. “Sayang 'yung sampung milyon no?” diretsong tanong niya, pero may halong biro. “Kung ako ‘yan, baka tinanggap ko na. Pambayad ng utang, puhunan, future. Pero ikaw... ni hindi mo tinanong kung paano mo makukuha ‘yon.” Napahinto ako sa pagtupi ng blouse at napatitig sa sahig. Mabilis na sumagi sa isip ko ang eksenang hawak ko ‘yung sobre. Yung sandaling kaya kong baguhin ang kapalaran ko, ang pamilya ko… pero hindi ko ginawa. “May dahilan ba kung bakit hindi mo kinuha ‘yung pera?” tanong ulit ni Beth, ngayon ay mas seryoso na ang
Zephyr POV Patungo na sana kami ni Drake sa probinsiya. Tahimik akong nakatingin sa labas ng bintana habang iniikot ng isip ko ang mga posibleng senaryo kapag nakita ko na si Ariana. Paano ko siya haharapin? Anong sasabihin ko? Pero bago pa man kami makalampas ng highway, biglang tumunog ang phone ko. Noime. "Put—" napamura ako sa inis, pero sinagot ko pa rin. "Zephyr! Bumalik ka na rito. Umalis 'yung yaya!" sigaw ni Noime sa kabilang linya, halatang hysterical. "Kakagawan na naman ni Emanuel, nagwala siya at tinakot ang yaya, kaya umalis! Wala na akong matakbuhan kundi ikaw!" Napatingin ako kay Drake, kita sa mukha niya ang disappointment. “Balik tayo,” maikling utos ko, at agad niyang pinaikot ang sasakyan pabalik ng mansyon. Pagdating namin sa mansyon, sinalubong agad ako ni Noime. Nakapamewang siya at halatang inis na inis. Si Emanuel naman, nasa sala at umiiyak, hinahanap pa rin si Ariana. Lalo akong nadurog sa eksenang 'yon. "Ano ba 'to, Noime? Akala ko ba ayos n
Zephyr POV Mabigat ang bawat buhat, parang kasabay ng pabigat nang pabigat na nararamdaman niya sa dibdib. Basang-basa na ng pawis ang gray niyang sando, halos pumutok na ang ugat sa bisig habang paulit-ulit siyang nagba-barbell, waring gusto niyang idaan lahat ng inis, lungkot, at frustration sa bawat pagbuhat. Pero kahit anong bigat ang isalampak niya sa bar, hindi pa rin iyon kayang pantayan ang bigat ng pagkawala ni Ariana. “Idadaan mo na lang ba sa paggigym ang problema mo kay Ariana?” Isang pamilyar na tinig ang umalingawngaw sa gym. Nilingon niya ang pintuan at nakita roon si Drake—naka-hoodie, may hawak na bottled water at may pilyong ngiti sa labi. "Kung wala kang balak puntahan siya," patuloy nito habang lumapit, "ako na lang ang pupunta sa lugar nila." Tumaas ang kilay ni Zephyr habang iniiwas ang tingin, patuloy lang sa pag-reps ng weights. “Guwapo rin naman ako, ‘di ba?” dagdag ni Drake, mayabang pa rin ang tono. Sumama ang tingin ni Zephyr. Parang sinakal ang
Ariana POV Pagdating ko sa bahay, bitbit ang ilang pinamili mula sa palengke—gulay, sabon, at bagong sim card—agad akong sinalubong ng boses ng mama ko na tila masaya habang may kausap sa sala. "Ariana, andito ka na pala!" masiglang bati ni Mama. "Halika rito, may ipakikilala ako sa'yo." Napatingin ako sa babaeng nakaupo sa sofa. Nakaayos siya, halatang may kaya—may malambing na ngiti at magaan ang aura. Bumangon ito at inabot ang kamay sa akin. "Ikaw na pala si Ariana! Ang ganda mo, mana ka sa mama mo noong kabataan namin," nakangiting sabi nito. Ngumiti ako ng bahagya habang nakikipagkamay. "Magandang hapon po." "Si Tita Lorna mo 'yan. Kaibigan ko 'yan mula pa noong kolehiyo. Dito lang siya sa bayan nagtayo ng maliit na travel agency," paliwanag ni Mama. "Actually," sabat ni Tita Lorna, "kaya nga ako napadaan. Nagbubukas ako ngayon ng bagong local tour program para sa mga dayuhan—at kung naghahanap ka pa ng trabaho, Ariana, baka interesado ka. Tourist guide, magaan lan
Ariana POV Pagkababa ko ng sasakyan, mabilis akong sinalubong ng malamig na simoy ng hangin sa probinsiya. Tahimik ang paligid, tila ba sumasalamin sa bigat ng nararamdaman ko. Bitbit ko lang ay isang maliit na bag at puso kong basag-basag. Pagbukas ng pinto, bumungad sa akin ang gulat na mukha ni Mama. “Ariana?” gulat niyang tawag habang mabilis akong nilapitan. “Anong ginagawa mo rito, anak? Bakit hindi mo man lang sinabi na uuwi ka?” Ngunit imbes na makasagot, niyakap ko na lang siya ng mahigpit. Doon na rin tuluyang bumagsak ang luha ko. Wala akong masabi. Wala akong paliwanag. Gusto ko lang ng yakap. Gusto ko lang ng tahanan. Hinagod ni Mama ang likod ko. “Anak, ano’ng nangyari?” Umiling lang ako. Hindi ko alam kung saan ako magsisimula. Hindi ko alam kung paano ko ikukwento ang sakit, ang pagtanggap ko sa pagkatalo, at ang pamamaalam sa isang batang natutunan kong mahalin na parang anak ko na rin. Pagkaupo namin sa bangkito sa ilalim ng puno, tahimik lang si Mama h
ZEPHYR’S POV Napuno ng iyakan at hikbi ang buong mansyon. Ang dating masayahing si Emanuel ay ngayon ay nakasalampak sa sahig ng kanyang silid, yakap-yakap ang laruan na dati nilang nilalaro ni Ariana. Paulit-ulit ang tanong ng anak ko, paulit-ulit ang sigaw niya habang tumutulo ang mga luha niya sa pisngi. “Gusto ko si Ate Ariana! Bakit wala na si Ate Ariana?!” Ilang kasambahay na ang sumubok na patahanin siya pero wala ni isa ang napalapit man lang. Pati si Noime—ang ina mismo ng bata—ay napaatras na lang sa isang sulok, mukhang nawawala na rin sa sariling pasensya. “Emanuel, anak—nandito si Mommy, bakit si Ariana pa ang hinahanap mo?” nanggigigil na tanong ni Noime pero walang sagot si Emanuel kundi panibagong iyak. Pinikit ko ang mga mata ko. Iyon ang ayokong makita—ang anak kong tuluyang nawawala sa sarili, naghahanap ng kalingang kay tagal niyang natagpuan sa isang babaeng pinilit nilang paalisin. “Nasaan si Ariana?” tanong ko sa asawang kanina pa tahimik. “Ano’ng gi
ARIANA’S POV Kinabukasan, tila mas mabigat pa sa katawan ko ang puso kong pilit kong pinatatag. Ngayon na ang araw ng kaarawan ni Emanuel. Isang espesyal na araw para sa batang minahal ko na parang anak. Mula nang magising ako, hindi ko na mapakali. Naghanda lang ako ng simpleng damit, isang puting blusa at paldang asul—mukhang ordinaryo, pero pinili ko pa rin. Dahil gusto ko, kahit papaano, ay maipakita kong espesyal din sa akin ang araw na ito. Mahigpit kong hawak ang maliit na kahon na nakabalot sa asul at puting laso. Regalo ko para kay Emanuel. Isang simpleng robot toy na ilang linggo ko nang iniipon ang pera para mabili. Kasi alam ko, tuwing napapadaan kami sa department store, palagi niya iyong tinitingnan—ngunit hindi niya hinihingi. Para siyang sanay na hindi makakuha ng gusto niya, at masakit iyon para sa akin. Habang pababa ako sa hagdanan, napansin kong abala na ang mga tao sa mansyon. May mga caterer, may mga dekorador, at mga empleyado na abalang nag-aayos para sa
ARIANA’S POV Isang tawag ang bumungad sa akin habang nakaupo ako sa tabi ng bintana, pinagmamasdan ang makulimlim na langit na para bang sumasalamin sa bigat na nasa dibdib ko. Nang tumunog ang cellphone ko at makita ko ang pangalan ni Beth sa screen, parang saglit akong nakahinga. Isa sa iilang tao na alam kong pwedeng makaramay sa nararamdaman ko. Sinagot ko agad ang tawag. "Ariana! Good news! Pupunta kaming lahat sa birthday ni Emanuel!" masiglang bungad ni Beth. Ramdam ko ang excitement niya mula sa kabilang linya. “Sabi ni boss Drake, welcome daw lahat ng empleyado.” Napapikit ako. Gusto kong matuwa. Gusto kong sabihing, ‘Ayos lang ang lahat, Beth.’ Pero hindi ko kinaya. "Beth…" mahina kong sabi. "Hindi ko alam kung aabutan niyo pa ako dito." "Ha? Anong ibig mong sabihin?" At doon ko na hindi napigilan. Tuloy-tuloy kong ikinuwento sa kanya ang lahat. Ang tungkol sa bagong kontrata. Ang pagbabago ni Emanuel. Ang mga titig ni Noime na parang gustong sunugin ako ng buh
ARIANA'S POV Tahimik lang ako habang pinagmamasdan si Emanuel na nakaupo sa sofa, nilalaro ang maliit na laruan na hawak niya—hindi man lang lumilingon sa akin. Pumintig ang sentido ko sa lungkot at gulo ng damdamin. Hindi ko na matiis. Kailangan kong malaman ang totoo. Lumuhod ako sa harapan niya, tinapik ko ng marahan ang tuhod niya. “Emanuel…” malambing ang tinig ko. “Pwede bang sabihin mo kay Ate Ariana kung paano ka talaga nadapa?” Hindi siya sumagot. Pinilit kong ngumiti, kahit may kirot sa dibdib. “Alam mo namang matapang ka, ‘di ba? Hindi ka iyakin. Lagi mong sinasabi na kaya mong alagaan ang sarili mo kahit minsan makulit ka. Pero ngayon, iba eh. Masakit daw ‘yung braso mo…" Tumingin ako sa kanyang mga mata, pero agad niya ring iniwas. “Emanuel,” mahinahon pero may pakiusap sa boses ko, “ano ba talaga ang nangyari?” Tahimik. Walang salita. Ni isang tingin, walang binigay. At doon ko naramdaman ang malupit na reyalidad—may pumipigil sa kanya. May tinatago siya.