Share

The Billionaire's Hidden Son
The Billionaire's Hidden Son
Author: WrongKilo

Prologue

Tashi’s POV 

 

“Ano, Beh? Bet mo ba? Sayang ganda mo kung mag-wawaitress ka lang habambuhay,” ani Fay sa akin. Nilingon ko naman siya roon bago pinagkunutan ng noo.  

 

“May magaganda rin namang waitress at sino bang nagsabing habambuhay na lang ako rito?” Mas lalo lang nalukot ang noo ko at bahagyang nairita sa sinabi nito.  

 

Pinipilit niya akong panandaliang rumacket. Fay is  

 actually an escort. She’s also a waitress here and she’s asking if I would like to work with her.  

 

“Entertainer na lang kung ayaw mo, Beh? Sasayawan mo lang. Walang hawakan na magaganap and it will end there? Libo-libo na ang kikitain mo roon, Girl! What do you think?” tanong niya na malapad pa ang ngisi sa akin.  

 

“I’m sorry but I don’t like it. Offer it to someone who would like that kind of work.” Desidido ako sa desisyon kong ‘yon noon.  

 

Subalit hindi ko alam na dadalhin din talaga ako sa puntong wala na akong makakapitan kung hindi ang offer ni Fay na ‘yon.  

 

Nagkandaletse-letse at sabay-sabay ang bayarin ko sa eskwela at pati na rin sa tinutuluyan ko.  I’m already 21 at nasa second year college na. Mag-isa na lang sa buhay at hindi na rin alam kung paano pa kikita ng pera ngayon dahil nag-alis din sila ng tao sa resto.  

 

And now, here I am. Trying to do what Fay wanted me to do.  

 

Doble-doble ang kabang nararamdaman ko habang binibihisan ako ni Fay. Ulit-ulit lang din ang tanong ko sa kaniya. I’m actually a performer. Dancer naman ako sa school. Hindi na bago sa akin ‘to but the fact that I’ll perform in front of one person at talagang sexy dance pa, hindi ko rin alam kung paano pakakalmahin ang sarili ko sa ngayon.  

 

“Huwag kang mag-alala, walang hawakan na magaganap,” ulit pa ni Fay habang nakangiti sa akin. Nilingon ko lang siya at hindi na lag din maiwasan ang mapabuntonghininga. Hindi rin naman ako pupuwedeng umatras dito. Ginusto ko ang bagay na ‘to.  

 

Sobrang ikli rin ng suot kong pulang dress. Kitang-kita rin ang cleavage ko rito. Idagdag mo pa ang make up na sinubukang gawin sa akin ni Fay. Sobrang kapal at pakiramdam ko’y hindi na ako makikilala pa rito.  

 

“Doon sa pinakamagandang suite, okay? Number 41,” she said kaya tumango na ako at nagsimula nang maglakad patungo sa hotel suite na pupuntahan.  

 

Ang sabi ni Fay ay may edad na ang lalaking pupuntahan ko at naghahanap lang ng kaunting kaligayahan.  

 

Napangiwi ako sa ideyang ‘yon. Sus! If I know baka may asawa na ‘yon. Naiiling na lang ako bago kumatok sa suite na papasukan ko.  

 

Iniluwa niyon ang isang matangkad na lalaking may kulay asul na mga mata. Bumaba ang tingin ko sa kaniyankatawan. May 8-pack abs na malapandesal habang nakatapis lang ng tuwalya. Agad akong napalunok ng tumikhim ito. Binalik ko ang mga mata sa kaniya. Kinagat ko lang ang aking mga labi nang mapansin ang pagtaas niya ng kilay sa akin. 

 

“Who are you, Miss?” tanong niya sa akin.  

 

“Ah… ako po ‘yong sinasabi sa inyo,” ani ko kaya napakunot siya ng noo. Ni hindi ko alam kung paano ko sasalubungin ang tingin nito. Napakasinungaling ni Fay! Talaga bang nasa 60s na ang edad nito? Impossible! He look more young! Nagkamali na naman siguro si Fay. Madalas na mali-mali talaga ang isang ‘yon.  

 

“Come in then,” aniya na nakatitig pa rin sa akin.  

 

“Is it really necessary to wear something like that?” tanong niya na nakatitig sa akin. Napatikhim ako roon. What does he mean? And why do he sound so expensive. Get yourself together, Tashi, he’s just like those old geezer who likes entertainment. Those people na handang gumasta ng pera sa hobby nilang ito. 

 

“Nevermind. Just start,” he said sitting on his chair before looking at his papers. Napatitig ako sa kaniya. What’s going on? Is that one of his perks?  

 

Sinimulan ko na lang ding magpatugtog katulad ng sinabi ni Fay. She said that I should start once the guest said so. Napatingin sa akin ang lalaki nang makita niya akong umindayog kasabay ng musika. Kita ko ang pag-awang ng labi niya at agad na napatayo bago pinatay ang music.  

 

“What the fuck are you doing, Woman?” tanomg niya na galit na nakatingin sa akin.  

 

“Is this one of Papa's order fucking again? What the fuck?” tanong niya na madiing hinawakan ang aking palapulsuhan. Oh. So it’s his Papa’s order? Kaya pala matanda ang kausap ni Fay. 

 

“I didn’t know that my father will be this cheap,” inis niyang saad habang nakatingin sa akin. Napaawang ang labi ko roon. Anong ibig niyang sabihin dito? Na-cheap ako? 

 

“Po? Bawal daw pong hawak, Sir,” ani ko na inalis ang pagkakahawak niya sa akin. Kita ko lang ang talim ng mga mata niya at ang mabibigat na hininga nito tila ba hindi natutuwa sa akin ngayon.  

 

“Pera ba ang habol mo? Pera for one fucking night?” tanong niya na nakangising kumuha ng cheke mula sa kaniyang wallet. Hindi ako makapagsalita dahil sa takot ko na rin dito. Mukha siyang galit na galit sa hindi ko malamang dahilan.  

 

Namilog ang aking mga mata nang makita ang sampung milyon na nakasulat mula roon. Gusto kong tanggian ang perang naroon at sabihing wala naman talagang one night stand na mangyayari subalit hindi ko mapigilan ang manghinayang sa perang ‘yon. Sampung milyon. Sobra-sobra pa ‘yon sa pag-aaral ko. Saglit lang. Isang gabing pagtitiis lang at tapos ang kalbaryo ko.  

 

Sa hindi ko malamang dahilan, nanginginig kong pinulot sa sahig ang perang ‘yon. Subalit bandang huli’y hindi ko rin naatim ang ideyang ‘yon. Kakainin ako ng konsensiya ko. Dahan-dahan kong inabot ang cheke sa kaniya. 

 

“Bayad na po ako,” ani ko na napakagat sa aking labi. Ilang libo naman na ang ibinigay sa akin ni Fay. Kunot noo niyang tinignan ang kamay ko.  

 

“You can just eat with me. You can tell my father that something happen between us,” aniya na tumalikod sa akin kaya halos masamid ako sa sarili kong laway. So namimigay lang siya ng pera? 

 

Nahinto lang ako nang makita ang masarap na pagkain mula sa kaniyang hapag. Hindi ako kumain ng buong araw para lang masuot ko ang sexy’ng damit na ‘to at ngayong nakikita ko na ang pagkain mula sa hapag. Kumakalam na ang sikmura ko.  

 

I don’t know how we ended up eating together and end up telling each other’s problem nang magsimula na kaming uminom ng alak. He just really wanted a company, huh… 

 

That’s the only thing I remember after that night. Pareho na kaming lasing nang matulog. Wait… Natulog? Natulog? Natulog ako rito?! Natulog ako sa bahay nang hindi kilalang tao?! I was internally shouting when I heard a ring from my bag.  

 

Nanlalaki ang mga mata ko nang sagutin ang tawag mula kay Fay. 

 

“Gagi! Saan ka nagpunta?!”  

 

“Galit na galit si Mr. Thomas dahil hindi ka raw sumipot sa hotel suite niya! Sorry! Mali pala ang suite number na naibigay ko!” 

 

“Huh? Edi sino…” Nanlaki ang mga mata ko nang mapatingin sa lalaking katabi ko sa kama at sa katawan ko. What the heck, Tala Shiobel? You fvcking sleep with a fvcking stranger! 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status