Share

Chapter 3

Tashi’s POV

“What do you mean, Sir? Excuse me but I don’t really know you. Can you let go? You’re making me uncomfortable,” I said before I step away from him. Wala rin ako sa sariling nagmadaling umalis. Narinig ko pa ang munting halakhak niya.

Ngunit nang makalayo rito’y hindi ko na lang din napigilan ang mainis sa sarili dahil paniguradong sisante na ako pagkauwi nito. 

Halos sabunutan ko ang sarili dahil na rin sa inis na nadarama. Napabuntonghininga na lang ako nang magtungo sa loob. Napatikhim naman ang head namin nang mapatingin sa akin. 

“Bakit ka hinihingal?” Ang gagang si Bunny. Nasamid naman ako sa sarili kong laway roon. What the heck? Napatingin pa tuloy ang ilan sa akin kaya agad akong nag-iwas ng tingin. 

“Huh? What are you talking about?” Sinubukan ko na lang pakalmahin ang sarili bago ko inabala ang sarili sa trabaho. 

I’m glad that Spring never called me again. But I just keep on thinking kung masisisante ba ako kapag katapos ng araw na ‘to.  

I don’t know why I’m feeling nervous right now. Am I scared that he’ll take his son away from me? But he already have a fiancee. That’s impossible now. Hindi naman niya siguro gagawin ‘yon. Maski siya’y hindi rin gugustuhin na magulo ang buhay niya. Maybe I was just scared that he’ll fire me here. This is my dream job, hindi ako pupuwedeng matanggal na lang dito. 

Kahit na hindi na mapakali, sinusubukan ko pa ring maging propesiyonal sa trabaho. Aba, isang buwan pa lang ako rito. Hindi naman pupuwedeng maalis na lang ako agad.

Nakahinga lang ako nang maluwag nang makarating na kami sa New York kung saan ang flight namin ngayong araw. We have 48 hours for our layover here in New York kaya talagang paniguradong panay ang tawag ng anak ko mamaya. Naiisip ko pa lang, hindi ko na maiwasan ang ma-miss siya.

Captain Jaguar, the most known pilot in the industry, came to us when we’re about to go in our hotels. He’s with the cabin manager and wait… Why is Spring here? The girls he was with are also here. Nakalingkis ulit ang mga kamay sa magkabilang braso nito. He have a fiancee. Hindi ba siya nahihiya sa pinaggagawa niya? If I was his fiancee, I’ll feel disrespected on what he was doing. Why am I even thinking about that? Ano bang pakialam ko sa buhay nila? Pero kahit na! Hindi pa rin talaga tamang nambabae siya habang sila pa. 

Napailing na lang ako roon bago sinimulang ayusin ang aking cellphone. I want to call my son already. 

“Do you have plan for the layover? Do you want to come with us?” tanong ni Captain Jaguar sa mga flight attendant na kasama ko. Siniko naman ako ni Gina. 

“Beh, anong plano mo? Magmumukmok ka na naman ba sa hotel room kaysa mamasyal?” tanong sa akin ni Gina kaya nailing na lang ako. Hindi naman ako nagmukmok. Sadyang hindi lang talaga ako mapakali kapag hindi ko nalalaman ang ganap sa anak. Lumalabas din naman ako at namamasyal para mamili ng pasalubong but I also like to rest than walk. 

Agad ko namang narinig ang pagsang-ayon ng ilang flight attendant kay Captain Jaguar sa biglaan nitong pagyayaya.

Panay ang siko sa akin ni Gina habang nagtitipa ako sa aking cellphone. Hindi ko tuloy mapigilan ang mapasimangot nang lingunin ko siya. 

“Bakit?” tanong ko sa kaniya na nagtataka. 

“They are asking you,” aniya kaya nangunot ang noo ko bago napalingon sa mga ito. 

“Are you coming with us, Tala Shiobel?” tanong ni Spring Savellano. He was even raising his eyebrow habang ang ngisi sa mg labi ay naroon. Hindi ko mapigilan ang mapatikhim.

“Po?” 

“Nako, Sir, baka magsolo ulit sila ni Captain Brandon katulad nang madalas na ganap nila,” natatawang saad ni Bunny na siyang sinang-ayunan naman ni Regine. 

“Are you two together?” tanong ni Captain Jaguar. Tumingin naman ako kay Captain De guzman na siyang nasa tapat ko na pala. He seem like he wanted to talk to me.

“Ah, we’re not, Cap,” ani ko na tipid lang na ngumiti. 

“’Yon naman pala! So? Are you coming with us?” tanong ni Spring Savellano na naroon pa rin ang mapaglarong ngisi sa mga labi. Tinignan ko naman siya. I don’t know what’s wrong with him. He seems like he memorize all those people he had sex with, huh? 

Baka mamaya’y ang dami pa lang kapatid ng anak ko sa tindi ng sperm cell ng tatay niya. Hindi ko maiwasan ang matawa sa naiisip. What an inappropriate things to think, Tala Shiobel. Do you really want that to happen? Napangiwi na lang ako at bahagyang naawa sa anak ko. 

“Why are you glaring at me? Did I do you wrong?” tanong niya pa sa akin kaya napatikhim ako bago umiling. Napatingin din tuloy sa akin ang ilang cabin crew, they are all curious. Sina Bunny lang ang mukhang gusto na akong kainin ng buhay. 

“Sasama po kami.” Si Gina na ang sumagot. I just shrugged. I don’t mind at all. As long as I can talk with my son. 

Nagsimula naman na kaming maglakad. Agad kumurba ang ngiti sa aking mga labi nang mag-send ng picture si Jade ng kuha ni Sertio bago sila nagtungo sa loob ng cinema. 

Jade Delfin: He’s already outside now. He’s running with the batang yagit outside.

Hindi ko naman maiwasan ang matawa dahil isa rin siya sa tropahan ng batang yagit doon. 

“Sertio?” tanong ni Captain De Guzman habang naglalakad kami. Napatango naman ako at hindi pa rin maiwasan ang ngiti sa mga labi. 

“He watched with his Tita Jade earlier, he look so cute,” natatawa kong saad nang ipakita kay Captain De Guzman ang kuha ni Sertio. Agad namang napangiti si Captain De Guzman doon.

“He’s growing so fast,” aniya na napangiti pa sa akin. Napanguso naman ako roon. I still don’t want him to grow that fast. I still want to treat him like our baby. 

Kusa na lang din akong napangiti nang magpatuloy ako sa paglalakad. Subalit nahinto lang sa pagtitingin sa aking phone nang may mabangga. Natigilan ako nang makita si Spring Savellano. 

“Oh, I’m sorry, Sir,” ani ko na napakagat sa aking labi. 

Agad akong lumihis ng tingin nang makita ang masamang tingin sa akin nina Bunny at ganoon din ng mga babaeng kasama ni Spring Savellano. Naiiling na lang ako bago ako nagpatuloy sa paglalakad. 

“Kunwari pa, sinadya na namang magpapansin.” Narinig ko pa ang ilang bulungan subalit hindi ko na rin pinansin. Mabuti na lang ay malapit na kami sa hotel na pagtutuluyan. Imbes na pansinin pa ang pinagsasabi ng mga ito, dire-diretso na ako sa pagpasok sa loob ng hotel. 

Nagkulong lang ako sandali nang makarating sa pagtutuluyan namin ni Gina. Matapos kong mag-shower at magbihis ay nahiga muna ako. 

“Girl, ganiyan ka na? Mamasyal na tayo after this!” aniya sa akin. 

“Should I just skip today?” tanong ko lalo na nang makitang tumatawag na si Jade, mukhang nasa loob na rin ng bahay ang anak ko. 

“What? Paano ako, Beh? Sino kasama ko?” tanong niya na nataranta pa. Napabuntonghininga naman siya roon lalo na nang makitang desidido na ako dahil nasa screen na ang anak. 

“Fine, bukas sasama ka, huh?” tanong niya pa kaya natatawa na lang akong tumango. Lumabas naman na siya at kita ko na rin ang pawisang si Sertio. 

“Aba’t basang-basa ka na naman ng pawis! You should take a bath bago mo ako kausapin. Ayaw ko ng madungis,” ani ko kaya abot na hanggang langit ang nguso nito. Napatawa na lang ako roon. Bigla tuloy gusto ko nang panggigilan ang batang ‘to. 

“But you like me, Mama,” aniya kaya sa huli’y natatawa na lang akong napatango. 

“Of course, I love you… I already miss you, Son...” ani ko.

“How was the film today?” nakangiti kong tanong sa kaniya. Nagsimula naman na siyang magkwento kaya hindi ko rin maiwasan ang ngiti  sa aking mga labi habang pinakikinggan siya. 

“How’s New York, Mama?” tanong niya sa akin.

“Send a lot of pictures of you,” aniya pa na malapad ang ngiti. He was really my greatest fan. Ang sabi ni Jade, madalas daw talaga akong ipagyabang nito sa mga kalaro. 

“Fine, I will po…” ani ko na ngumiti sa kaniya. 

“I’m going to take a bath now, Mama! See you po on Thursday! I love you po!” aniya na kumaway pa sa akin. Nagpahinga lang talaga sandali bago siya maliligo. Ibinigay niya ang phone kay Jade bago siya tumakbo patungo sa bathroom.

“Send a picture. I don’t know if it’s your phone or what. Mas marami pa ‘yong mga picture mo rito kaysa sa mukha ko,” natatawa niyang saad kaya hindi ko rin maiwasan ang matawa. 

“By the way, I already got the ticket.” Isang malapad na ngisi ang ibinigay ko kay Jade kaya paimpit siyang napatili. 

“Omg! So tuloy na?” tanong niya kaya sunod-sunod ang tango ko. We actually plan on going here again in New York in Sertio’s birthday. I already got them a ticket. He likes avengers so we’ll bring him here. He’ll like it for sure. Sobrang saya na ng isang ‘yon sa mga simpleng bagay kaya alam kong matutuwa talaga siya. 

“I can’t wait!” ani Jade kaya napatawa na lang ako. Kahit ako’y ganoon din. 

“Sige na, you should rest too. Alam kong pagod ka rin sa byahe,” aniya sa akin kaya napatango ako. It’s already late in Philippines kaya need na rin nilang magpahinga. 

Umidlip lang din ako sandali. Nang magising ay wala pa rin si Gina so I think they are still in their tour. 

Lumabas din ako para sana bumili ng pagkain. I was already in the lobby of the hotel nang makita ko na naroon si Spring Savellano habang may kausap. Why is he here? Hindi ba dapat ay nasa mas mamahalin na hotel ‘to? Napakibit ako ng balikat. Ano bang pakialam ko?

He was talking in his phone. I don’t know why he looks so annoyed. 

“No. I won’t marry her. Stop forcing her to me. Cancel that fucking engagement party, Dad. You’ll just embarrass yourself. I won’t attend that.” Bakit nga ba ako nakikinig? Naiiling na lang ako sa aking sarili at magpapatuloy na sana sa paglabas nang mapansin niya ako. Awkward lang akong ngumiti bago ako nagpatuloy sa paglalakad. 

“I’ll go now. I’m busy,” he said bago niya pinatay ang tawag. Agad akong nataranta nang naglakad siya palapit sa akin. Mas binilisan ko lang ang paglalakad ko para hindi makasabay kung saang lupalop man siya magtungo.

“Hey,” tawag niya. Hindi ko na sana lilingunin kaya lang ay mukhang ako ang tinatawag nito.

“Good noon, Sir,” bati ko sa kaniya. 

“Why didn’t you come with the tour?” tanong niya. 

“Ah, I needed a sleep po, Sir,” ani ko na awkward ngumiti. I don’t even know why is he here when Captain Jaguar said that he’ll treat the cabin crew. Tinakbuhan niya ba ang bayarin? 

Well, barya lang ‘yon sa kaniya kaya that’s impossible. 

“Where are you going?” tanong niya. Ayaw ko sanang kausapin pa siya subalit nasabayan niya ang mabilis na lakad ko dahil na rin sa mahahabang biyas niya. 

“I’m going to the convenience store to eat, Sir,” ani ko. 

“Stop calling me Sir, Tala Shiobel,” aniya na napasimangot pa.

“And your po. I’m not that old. You can call me Spring. Spring Savellano,” he said na naglahad pa ng kamay. 

“I already know you… po… uhh… I already know you.” Of course, I know you. Sino bang hindi nakakakilala sa kaniya?

“You know me but you never tried to find me, huh? Is that night not that satisfying to you?”

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status