Share

Chapter 4

Tashi’s POV

Halos iwasan ko ang usapan naming dalawa tungkol doon kaya agad na pumasok sa malapit na convenience store. Subalit nahinto ako nang walang pagdadalawang isip siyang sumunod. Pinagtaasan ko siya ng kilay kaya malapad ‘tong ngumiti. 

“I’m going to eat too,” he said with a smile. Pilit na ngiti lang ang ibinigay ko bago ako naglakad paalis. Hindi ko mapigilan ang pagtaas ng kilay ko nang mukhang hindi niya alam kung anong bibilhin. I just bought one noodles bago sana uupo subalit nakita ko ang tingin niya roon. 

“Is that the only thing you’ll eat?” tanong niya sa akin kaya tumango ako. I don’t really have the money to eat in some luxurious place. Katulad nga ng sabi ko, nakakabawi pa lang din talaga ako ngayon kaya hindi rin gusto na waldas na lang nang waldas ng pera.

“You should try that one. That taste good too,” saad ko na lang bago siya tinalikuran. I don’t even know why he’s here. 

Naiiling na lang ako bago nagsimulang kumain. Isa lang ang table kaya pinagsisihan ko rin na dito pa ako kumain. Dapat ay bumalik na lang ako sa hotel kung alam ko lang na dito rin siya kakain. 

Nagkunwari na lang akong abala sa pagkain para hindi ‘to makausap subalit hindi ko rin maiwasan ang tignan siya dahil sa titig niya sa akin. 

“I don’t like to waste time and kid around so may I ask what do you need?” tanong ko sa kaniya kaya naman tinitigan niya ako bago nagtanong.

“Do you want to be my fuck buddy?” tanong niya na para bang nagtatanong lang ng simpleng bagay. Hindi ko tuloy maiwasan ang masamid bago siya nilingon. 

“I’m sorry but I don’t like to.” Tipid lang akong ngumiti. Para bang inalok lang din ng candy at inayawan. He seem like that too kaya napakibit ako ng balikat.

 “Oh. That’s too bad. I vividly remember what happened that night that I can’t forget the taste of you.” Nakasubo na ako kaya halos maibuga ko ang noodles na kinakain sa kaniya. 

“Are you that bulgar? Hindi ka po ba nahihiya sa nakakarinig?” tanong ko na hindi pa mapigilan ang mapangiwi. May mga nadadaan na tao sa gawi namin but it seems like they don’t really mind about it at all but still it’s eembarrassing.

“Now, that you already know my answer, you shouldn’t waste your time anymore,” I said so he just shrugged at me. Hindi na rin siya nagsalita at kumain na lang din. Pareho kaming tahimik hanggang sa matapos kumain. 

“Are you already full? I know someplace that sells delicious street food here,” he said to me. Tinignan ko siya roon. 

“I already told you that—”

“What? I’m just asking if you want to eat? This is not a bribe for you to have sex with me,” aniya kaya nasamid na naman ako. Hindi ko alam kung bakit ba gustong-gusto niyang nambibigla. Sa huli’y hindi ko na lang din maiwasan ang mailing. He’s really straight forward when he talks. 

I don’t know how I ended eating with him. Napanguso pa ako nang may text galing kay Jade, reminding me to take a picture. I took a selfie while eating ice cream. Pang-inggit din kay Sertio kapag kagising nito. Natawa naman ako nang manermon si Jade sa chat. 

Jade Delfin: Alam na alam mo talagang mang-asar! Palibhasa ako ang kukulitin ng anak mo pagkagising. Ayusin mo kuha mo, aba.

Napatawa naman ako roon. That’s actually true. Mabuti nga’y hindi tinatapon ni Jade ang anak ko sa sobrang kulit. 

Nahinto ako nang makitang narito na naman siya sa eroplano ngayon. Pero hindi katulad nitong nakaraan na may kasama siyang babae, ngayon, mag-isa niya kang. Ilang flight attendant nga lang ang madalas na kausap niya. Mukhang hindi rin talaga niya maiwasan ang pagharot. Napangisi na lang ako sa sariling iniisip.

“Should I take a picture of you?” tanong ni Spring nang makita niya akong nag-sstruggle sa pagkuha ng litrato. 

“No, it’s fine.” Tipid pa akong ngumiti but he just took the phone before I can say something more. Maayos naman ang kuha ko kahit pakiramdam ko’y awkward ang ngiti sa litrato.  

“Thanks,” I said. I don’t know how I ended up spending time with him. Just like the first time I met him, magaan siyang kasama but of course reality will really slap you. 

“You have a fiancee, don’t you?” tanong ko nang makitang may tawag mula sa phone niya. Hindi ko alam kung sino sa mga babae niya.

“I don’t have one. I already cancel the engagement,” he said before shrugging. Hindi ko maiwasan ang mailing doon. Akala mo’y bagay lang na ayaw na niya. This is the reason why I should really never lower my guard. 

Napangisi na lang ako roon kaya kita ko ang paniningkit niya sa akin. Para bang balak pa akong lunurin sa kaniyang kulay asul na mga mata. 

Nahinto lang ako sa paglalakad sa lobby ng hotel when the cabin crew are going inside too. Nagkakatuwaan. They are all smiling but when they saw us together, napawi ang ngiti ng ilan habang ang iba’y may pagtataka sa mukha kung bakit kami magkasamang dalawa. 

“Kaya naman pala hindi sumama, balak pa lang mangharot,” ani Bunny nang mapatingin sa akin. Mariin ang pagkagat sa aking labi nang ibulong niya ‘yon sa akin nang madaan siya sa gawi ko. She even secretly roll her eyes. Napapikit na lang ako dahil isa rin ito sa hindi ko gustong mangyari. I just really want a peaceful life. Gusto ko nang maayos na working place. 

“Oh, saan kayo nanggaling na dalawa?” tanong ni Captain Jaguar na may ngisi pa sa mga labi habang nakatingin sa amin. Napatingin pa sa bitbit naming dalawa ni Spring. We bought a clothes from the same cheap place. Tipid lang akong ngumiti sa kanila. 

“Ah, nakasabay lang,” ani ko na hindi rin alam kung paano magpapalusot. Kita ko naman ang pagtaas ng kilay sa akin ng ilang kasama namin. 

“Really? Baka naman sinadya talagang magpaiwan dahil ayaw mo kaming kasama?” natatawang biro ng ilan subalit may pinahihiwatig ang mga tinig at ganoon din ang kanilang mga tingin. 

Mabuti na lang din ay nilapitan ako ni Captain De Guzman para kausapin. 

“Hatid na kita sa hotel room niyo,” aniya sa akin. Ilang pang-aasar naman ang narinig sa ilang kasamahan namin sa trabaho. Awkward lang akong ngumiti. 

“You don’t have too,” sambit ko subalit umiling siya at talagang desidido pa kaya napabuntonghininga na lang ako at walang nagawa kung hindi ang hayaan siya. 

“What about tomorrow? Will you come with us?” tanong niya sa akin. 

“I will,” ani ko na tumango kaya lumapad ang ngiti nito.

“Can’t wait to visit different places with you. If you’re not comfortable touring with our co-workers, we can go together,” aniya sa akin kaya agad namang sumingit si Gina na kasama rin naming paakyat. 

“Aba’t balak mo na namang solohin si Tashi, Captain, huh? Hindi puwede! Sinabi niya na rin sa aking sasama siya bukas!” reklamo nito kaya natawa na lang kaming dalawa ni Captain De Guzman. 

Nang makapasok kami sa hotel room ay paimpit na tumili si Gina habang hinahampas ako. Hindi ko mapigilan ang pagkunot ng noo sa kaniya. 

“Grabe! Ang haba talaga ng buhok mo, Girl! Ikaw na ang pinagpala! Sobrang pretty mo! Patay na patay talaga sa ‘yo si Captain De Guzman!” aniya kaya naiiling ako. Brandon and I is just really friends. Walang malisya sa kahit na ano. 

“Tapos don’t tell me magkasama kayo ni Sir Spring, huh? Did you two had a date? Grabe ka na, beh!” aniya kaya napailing na lang ako. 

“Kaya pala hindi sumama at naisipan na lang na magbigay ng pera! Grabe, Beh! Ang laki ng budget na binigay kaya tignan mo!” Tinaas pa ni Gina ang nabili niyang bag mula sa mamahaling brand. Hindi ko napigilan ang mapailing dahil para nga lang talagang nagtatapon ng pera si Spring Savellano. Parang wala na siyang mapaglagyan ng kaniyang pera. 

Napakibit na lang ako ng balikat doon. Gabi na rin kaya hinintay ko na lang ang anak ko na magising. Agad din siyang tumawag sa akin kalaunan. Matapos ang pakikipag-usap ko sa kaniya’y natulog na rin ako. 

Kinaumagahan nga lang ay nangungulit na agad si Gina. Ginigising na ako dahil lalarga na raw. Nagawa ko namang makapaglinis ng katawan bago nag-ayos. I have a petite body type habang si Gina’y kurbadong-kurbado rin talaga ang katawan. Ganoon naman halos ang mga flight attendant na narito. Iniayos ko lang ang itim na itim kong buhok bago ko tinignan ang sarili sa salamin. I was just wearing a white polo sleeve at short na itim. Dahil sawa na rin sa kasusuot ng heels, nagsuot lang ako ng shoes. Nilagay ko lang din sa ulo ang shades ko. 

“Grabe, sobrang ganda mo, Beh! Ang cute-cute siguro ng anak mo, ‘no?” tanong sa akin ni Gina. 

“Sobra.” Napangiti na lang din ako nang maalala ang anak. Agad tuloy napapalakpak si Gina roon. Nailing na lang ako sa kaniya. 

Nang lumabas kami’y wala pa ang iba kaya naman nagawa kong mag-cellphone muna habang kinakausap si Sertio. He was already sleepy but he still want to talk to me. 

“See you tomorrow, Mama. Ingat ka po riyan. I love you…” aniya hanggang sa tuluyan ng kainin ng antok. 

“I love you too…” mahina kong bulong sa kaniya.  Hindi ko rin maiwasan ang ngiti sa aking mga labi roon. 

Napawi lang nang dumating ang mga kasama naming talagang naggagandahan. Hindi nga lang ganoon kagaganda ang ugali. 

Nakita ko rin si Spring Sandoval. Hindi ko alam kung saang lumalop niya iwinala ang dalawang kasama niya kahapon and why is he even hanging out with us. Napakibit na lang ako ng balikat at sumunod lang sa mga ito.

Wala man ang mga babaeng kasama niya kahapon, agad siyang pinalilibutan ng ilang kasamahan mo sa trabaho. Hindi rin naman kasi talaga maitatanggi ang pagiging magaan niyang kausap. He seem like he’s really a smooth talker. Napakibit na lang ako ng balikat habang nakatingin dito. 

Nagtungo muna kami sa Brooklyn Bridge dahil gustong kumuha ng litrato ng iba. Panay din ang kuha ko kay Gina. She likes taking picture that much kaya gustong-gusto rin akong kasama ng isang ‘to. She knows that I don’t really take picture that much kung hindi lang gusto ng anak ko. 

“Ikaw naman, Beh!” aniya kaya napatango ako. Agad nga lang pinamulahan ng mukha nang kukuhanan na sana ako ni Gina subalit si Captain De Guzman ay tinapat lang sa akin ang phone, ganoon din si Spring na siyang kanina lang ay may kausap. Agad akong napatikhim at bahagyang gumilid dahil mukhang kinukuhanan nila ang view. 

“Why?” tanong ni Gina subalit agad niya ring nakita sina Spring. Nakatapat pa rin ang camera ni Captain De Guzman doon habang nakangiti at naka-tilt ang ulong nakatingin sa akin. 

“Go back there, Tashi, you look so good with the view,” aniya na nakangiti sa akin.  

“She’s the view though,” ani Spring Savellano na hindi man lang nahiyang itapat sa akin ang kaniyang cellphone. 

Damn this man. He really knows how to make girls go crazy about him.

But sad to say, he won’t get me with those moves. Kinunutan ko lang siya ng noo dahil na rin kita ang tinginan ng ilang kasamahan ko. Some of them look like they’re judging my whole existence. Nag-iwas na lang ako ng tingin subaliy Spring Savellano really don’t care about what people around him will say.

“Be my model, Tala Shiobel. You look so fine, Ma’am,” he said while still smiling at me. 

Tusukin ko kaya ang dimple ng isang ‘to.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status