Share

Chapter 1

Tashi’s POV 

 

“Sertio! Mama’s going to work now. Huwag kang pasaway kay Mamita, huh?” tanong ko sa anak na nagmamadaling tumakbo papunta sa akin.  

 

“Okay, Mommy! Just say to my dad in heaven,” aniya na malapad ang ngiti sa akin. Halos masamid ako sa sariling laway nang sambitin ‘yon ng anak. Napapikit na lang din ako dahil alam ko namang ako ang may pakana niyon.  

 

“Yes, Baby, anong gusto mong pasalubong?” tanong ko kay Sertio habang nakangiti sa kaniya.  

 

“Hmm, I’m fine, Mommy. You can buy it for yourself. A lot of girls likes me, they give me their toys and a lot of foods,” aniya kaya napatikhim ako roon. Hindi ko maiwasan ang mailing at matawa na lang din dahil aware naman ako kung gaano kagwapo ang anak kong ‘to. Hindi nakapagtataka dahil kung maalala ko. Gwapo rin naman ang ama niya. Hindi ko nga lang halos matandaan dahil isang gabi ko lang ‘yon nakita.  

 

Sobrang lakas nga lang ng sperm cell dahil sa isang gabing p********k ay nakagawa agad ng bata. Nailing na lang ako dahil unti-unti ko na namang naalala ang gabing ‘yon. I thought things will remain blurry pero pinilit ko rin talaga ang sariling makaalala and I did. We are both drunk that time when I was curious what it taste to kiss someone. Why do people like kissing. Then it fucking hit me. It taste like heaven.

 

Unti-unti akong napahawak sa aking labi nang maalala ang malambot at pulang-pulang labi nito. Nagising lang ako sa pag-iisip nang magsalita si Sertio. 

 

“Bye, Mommy! Ingat ka po sa flight mo!” Malapad ang ngiti niya sa akin habang kumakaway. Ganoon din ang ginawa ko bago siya binilin sa kaibigan kong si Jade, ang ninang niya rin.  

 

“Call me, Mom. I love you,” singit pa ulit ni Sertio kaya napangiti ako bago ginulo ang kaniyang buhok. Nagpatuloy na ako sa paglalakad. 

 

I’m going to my work now. I’m already a flight attendant. 5 years ago, I thought I won’t be able to go back to this field again. Akala ko’y hindi na ako makakaahon matapos ang gabing ‘yon. Natakot ako. Aaminin kong natakot ako na nagkaroon ng bata sa sinapupunan ko but now that I’m seeing my son. I can’t help but to feel happy. Pakiramdam ko’y araw-araw akong nasa alapaap dahil sa wakas ay may pamilya na akong maituturing. I didn’t regret what happen that night.  I’m glad that we once in our life, our path cross. Atleast, nabiyayaan niya ako ng anak na may blue eyes.  

 

“Girl, grabe, ang blooming mo! Ganiyan ba talaga kapag flight attendant na?” nakangiting tanong sa akin nang kapitbahay naming si Sherlyn.  

 

“Anong sikreto mo, Beh?” natatawa pa nilang tanong.  

 

“Hangin lang sa eroplano, Beh,” natatawa kong saad sa kaniya.  

 

“Grabe, may maiuuwi ka bang fafa riyan, Beh? Baka naman pupuwede mo akong balatuan? Kahit ‘yong may blue eyes lang din na mga mata para naman maireto ko sa gwapings mong anak,” saad niya pa kaya napahalakhak na lang ako bago umiling.  

 

“Mauna na ako, alas otso ang flight ko. Huwag kang mag-aalala, irereto kita kapag may kaibigan pa ang makikilala ko,” ani ko kaya agad siyang napapalakpak. Natawa na lang ako roon. Dumungaw naman si Sertio na mukhang hinihintay pa rin akong makaalis.  

 

“Anong foreigner, Mommy? Hindi po pupuwede! Bawal ka pong mag-asawa! Akin lang po dapat ang atensiyon mo!” ani Sertio na napanguso pa. Natawa rin tuloy si Sherlyn dahil sa anak ko. 

 

“Aba, possesive naman pala ang binata na ‘yan. Hayaan mo na ang Mommy mong makahanap para mabigyan ka nang maraming laruan,” sambit niya pa kay Sertio. Umiling naman si Sertio at napasimangot pa.  

 

“I don’t need toys. I only need my mom,” aniya kaya napanguso na lang si Sherlyn. Natawa na lang din ako at tuluyan na ring umalis.  

 

Super clingy din talaga ni Sertio. Ganoon din naman ako dahil hindi ko rin gustong nalalayo ang landas ko rito. I always find ways to go home after the long flight. Mag-iisang buwan pa lang akong flight attendant, kaka-graduate ko lang din ngayong taon. I was focusing more with Sertio nitong mga nakaraang taon at ngayon ay nabigyan na rin ako nang pagkakataon para ipagpatuloy ang pangarap na mayroon ako.  

 

“Good morning, Tashi!” bati ni Jerome nang mapansin ako. Tipid lang akong ngumiti sa kaniya bago pumasok sa crew rest compartments. Ilang kasamahan ko ang bumati sa akin. Bunny go to my side. Malapad ang ngiti nito sa akin habang may mapang-asar na ngiti.  

 

“Did Jerome gave you again another gift?” tanong niya sa akin. Nailing na lang ako dahil madalas talaga ang pagbibigay ni Jerome ng tsokolate.  

 

“Patay na patay talaga sa ‘yo ang isang ‘yon. Kailan mo balak sagutin? Tanggap naman niyang may anak ka na. Ready’ng maging Daddy ng baby mo. Ayaw mo pa? Hindi na pupuwedeng maging choosy, Beh!” aniya sa akin kaya hindi ko mapigilan ang pagngisi dahil do’n.  

 

“And why is that so? Being a single mom doesn’t mean that my standard should be lowered. Hindi naman bumaba ang halaga ko dahil lang sa may anak ako,” ani ko na ngumisi roon. Hindi ko rin talaga lubusang maintindihan ‘yon. Bakit nga ba ganoon na lang ang tingin ng mga tao sa mga single mom or dad?  

 

“Masiyado naman atang mataas ang tingin mo sa sarili, Tashi—” Hindi niya na naituloy pa ang sasabihin ng magsalita ang piloto naming ngayong araw. Si Captain De Guzman.  

 

“And why can’t she, Ms. Baltazar?” tanong nito. Agad namang napadiretso ng tayo si Bunny.  

 

“Sa panahon ngayon bawala na pong maging choosy.” Awkward pa siyang tumawa subalit tinignan lang namin ito. Nailing na lang si Captain De Guzman.  

 

“Don’t mind her, Tashi. You know your worth,” bulong niya sa akin.   

 

“Yes, Cap,” ani ko na ngumiti sa kaniya. Nailing na lang siya at natawa nang mahina. He’s actually my friend since we were in college. Mas na-pursue niya lang talaga ang pagiging piloto habang ako’y nag-aalaga pa ng bata.  

 

“You still doesn’t change. Still the same Tashi in college,” aniya na natatawa sa akin. 

 

“Would you like to visit some place in Korea later?” tanong niya sa akin. Sa Korea ang lapag namin mamaya at doon na rin kami magpapalipas ng gabi bago bumalik muli sa pilipinas.  

 

“I don’t mind it at all. I’m also going to look for some gifts for Sertio,” ani ko.  

 

“Good. I would also like to buy something for him.” Ngumiti siya kaya nagpasalamat ako.  

 

“Grabe na talaga ‘yang ganda mo, Beh,” bulong sa akin ni Gina nang tumabi ako sa kaniya. Naiiling na lang ako roon dahil kung makaarte ito’y para bang hindi niya ako  

 

Nagsimula na rin naman ang byahe. Panay lang din ang asikaso sa ilang pasahero. I was already resting when I heard some of rumbling ng mga kasamahan ko.  

 

“Kailan kaya ulit sasakay rito si  Sir Spring? Sana ako naman ang sakyan niya.” Halos masamid ako sa isang flight attendant na kasama namin dito. That’s the guy I told my son. The one I told him who was in heaven now para hindi na siya magtanong pa tungkol doon.  

 

Spring Savellano. He was the CEO of this airline. The guy I saw years ago. I know that it’s him. Kalat na kalat ba naman ang lahat ng litrato niya sa paligid. I got to know his name nang malaman kong buntis ako kay Sertio. I thought I should tell him kaya lang bandang huli’y hindi ko rin alam kung paano ko ipapaalam dito. Mahigpit ang mga Savellano, ‘yon ang sabi nila kaya hindi rin talaga ako nabigyan nang pagkakataon na aminin dito. Until I decided to take my son. Hindi na rin siguro kakailanganin ng tulong nito. Tutal he gave me 10 million years ago. 

 

Ginamit ko rin naman ‘yon na pang-negosiyo. I actually have mini karenderya. Si Jade ang nag-mamanage niyon, she’s actually my bestie since high school. Unti-unti niyang natuloy ang kaniyang pag-aaral nang matulungan ko siya financially kaya hanggang ngayon ay madalas niya pa rin akong kinukulit para magpasalamat.  

 

“Nakita mo na ba si Sir Spring, Beh?” tanong sa akin ni Bunny. Simple lang akong tumango.  

 

“Oh, talaga, saan?” tanong niya na nagtaas pa ng kilay. 

 

“Sa TV,” ani ko na lang dahil takot ding malaman ng mga ito na nakita ko talaga siya sa personal. Tumawa naman si Bunny doon. 

 

“Television don’t give his face justice, Beh! He looks like a God in greek mythology when you see him in person!” they said kaya napailing na lang din ako. That’s right. He’s really handsome. Hindi naman maitatanggi ‘yon.  

 

Mahilig ako sa gwapo kaya nga sa kaniya ko ibinigay ang unang halik ko subalit hindi ko akalain na bandang huli’y pati ang una ko’y sa kaniya rin. 

 

“Pero baka wala kang chance doon. Bukod sa mapera gusto, ayaw panigurado ng isang ‘yon ng buy 1 take 1,” aniya kaya hindi ko maiwasan ang pagkunot ng noo. Bakit ba gustong-gusto nitong ibaba ang ibang tao? 

 

“That’s rude, Bunny,” ani Maxine, the most pretty girl in this crew. Balita ko’y mayaman din ito. Hindi ko mapigilan ang mapatingin sa kaniya. Ang ganda talaga, idagdag mo pa na mabait din. 

 

Bunny can’t do anything but to shut up his mouth. I don’t really care about Spring. I don’t really need him to pick us up. Hindi naman kami naghahabol sa kaniya.  

 

Mayamaya lang ay dumating na rin kami sa Korea. Kasama ko si Gina at Captain De Guzman when we ate some street food here. Namili rin kami ng ilang pasalubong para sa mga pamilya namin. I also bought my gift for Sertio.  

 

“Shiobel, give this to Sertio, tell him that it’s from Tito Brandon,” aniya kaya napangiti na lang ako bago unti-unting tumango.  

 

“Thank you,” ani ko na makitang cars ‘yon. My son really like cars like thos typical kids but sometimes he just really like playing outside, sobrang active ng batang ‘yon. Hindi ko nga alam kung saan ba nagmana. 

 

“Hatid na kita,” aniya sa akin kaya umiling lang ako.  

 

“Ayos lang, salamat,” ani ko na ngumiti lang din. 

 

Mayamaya lang din ay nakauwi na ako sa bahay matapos ng flight namin galing sa korea. 

 

“Si Sertio, Jade?” tanong ko kay Jade na agad akong sinalubong. 

 

“Nandiyan sa loob, Beh, nanonood. Kanina ka pa hinihintay,” aniya kaya napangiti na lang din ako at napatango. Dire-diretso naman na ako pagpasok sa loob.  

 

“Mama!” malakas na sigaw ni Sertio nang mapatingin sa akin. Agad siyang tumakbo para yumakap sa akin. Agad nanliit ang mga mata ko nang makitang may hawak-hawak na naman siyang vacuum.   

 

“Ano na naman ‘yan, Sertio? Huwag mong sabihin sa aking balak mo na namang ipagamit sa mga kalaro mo ‘yan? Aba, nasira mo pa lang ang mop na kabibili ng Tita Jade mo, huh?” ani ko. Paano ba naman ay wala silang mahanap ng stick ng mga kalaro niya kaya ang ending ay ang mop na lang ang ginawang espada. Nasira niya ang kaniya sa lakas ng pagkalapalo kaya ang ending ay nakapagalitan siya ni Jade and of course me.  

 

“I’m just planning to clean though,” aniya kaya nanliit ang mga mata ko habang nakatingin dito.  

 

“Anong planning to clean ka riyan? Kalat lang ang alam mong bata ka, huwag mo nang subukan!” Halos sabay pang saad namin ni Jade sa kaniya at pareho na lang ding natawa.  

 

“Spring Savellano will now get married to his childhood sweetheart, Kristine Diaz.” Nahinto lang ako nang mapatingin sa television na pinapanood ni Sertio kanina. That’s his father. The man I told him who was in heaven now pero ang totoo’y maligsi pa at buhay na buhay pang ikakasal sa babaeng pinakamamahal niya ngayon.  

 

And I don’t plan on ruining everything. I don’t plan to hurt my son when we’re living our best life right now. 

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status