“GUSTO KO SANANG MABISITA SI PAPANG,” sabi ni Natalia kay Matt nang naghahapunan sila, “Sana hayaan mo akong mag-stay dun kahit isang lingo lang.” “Okay.” Ito lang ang tipid na isinagot sa kanya ni Matt. “T-talaga? Isang lingo?” Masayang sabi niya. Tumango lang ito sa kanya. Pagkatapos nitong kumain ay nagmamadali nang tumayo, na parang ni ayaw man lamang siyang tingnan. Naiiling na itinuloy na lamang niya ang pagkain. Hindi na niya pinagtatakhan ang kilos na iyon ng lalaki. Mistula itong panahon na paiba-iba ang timpla. Nang matapos kumain ay naligo na siya at gumayak pauwi sa bahay. Excited siyang makasama ang mga kapatid. Nagulat siya nang datnan si Nathaniel, ang sumunod sa kanya, “Mabuti naman at naisipan mong bisitahin sina Papang,” hindi maiwasan ang hinanakit sa tono ng pananalita niya, “Si Girlie basta na lang naglahong parang bula, ni hindi man lang nagpaalam sakin.” “Ikaw nga itong basta na lang na
ANG GULAT NI NATALIA nang bigla na lamang itong dumating sa bahay nila. “So, itinapon ka na bang pabalik ditto ng pinsan ko?” Nakangising tanong nito sa kanya. Sinigurado niyang naka-lock ang gate nila kaya hanggang sa labas lang ito ngayon. “Nasaan ang kapatid mo?” “Hindi ko alam. At pwede ba, umalis ka na kung ayaw mong ipabaranggay ka namin?” Singhal niya rito. “Yan ang gusto ko saiyo eh. Suplada. Kala mo kung sinong di makabasag pinggan,” may sarcasm sa tonong sabi nito habang tinitingnan siya na waring gustong-gusto na siyang hubaran. Nangigigil siya sa galit. “Yang kabastusan mo, huwag na huwag mong dadalhin ditto.” Sabi niya rito, nagpipigil lang siya sa inis pero kanina pa niya gustong damputin ang batong nasa tabi niya at batuhin ito para magtanda. Pero kapag ginawa niya iyon ay mas lalo lang itong mangugulo sa kanila. Ang lakas ng tawa nito, “Magkano ba gusto mo para maikama rin kita? Iyong kapatid
NAPAHIYA SI NATALIA sa tinurang iyon ni Matt. Tumikhim siya at namumula ang mukhang tumingin ditto, “Bakit hindi mo kaagad sinabi sa kin? N-nabasag ko pa tuloy i. . .iyong mamahaling vase mo.” “Hindi mo kasi ako pinagtiwalaan,” tipid na sagot nito sa kanya. Napalunok siya, “B-Bakit sa palagay mo kita pagtitiwalaan? Nakalimutan mo na ba kung bakit ako napunta sa poder mo?” Nagbuga ito ng hininga, “Anyway, I don’t owe you any explanation.” Sabi nitong tumalikod na at itinaas ang isang kamay. Kaagad namang sumunod ditto ang mga tauhan nito. Napapailing na pinagmasdan lamang niya ang mga ito habang papasakay ng sasakyan. Hindi na kailangang magsalita pa ni Matt, isang kumpas lang ng kamay nito ay alam na ng mga tauhan nito kung ano ang gagawin. Pagkasakay ni Matt sa limousine nito ay sumakay na rin ang mga body guards nito sa kulay itim na van. Maya-maya ay napakunot nuo siya. Ano lang palang ginawa ng mga ito ditto? Pumunta lang si
MADALING araw pa lang nang dumating ang mga tauhan ni Matt, ipinasusundo na raw siya ng amo nito. Kung bakit hindi man lamang nito hinintay na mag-umaga ay hindi rin alam ng mga ito. Wala naman daw silang pupuntahan. Gusto lang nitong makasalo siya sa breakfast. Pinuntahan niya sa kuwarto niya ang Papang niya para magpaalam. Saka sinilip ang mga kapatid na mahimbing pang natutulog. Hindi na niya ginising ang mga ito. Humalik lang siya sa mga ito saka lumabas na ng kuwarto ng mga ito. Kahit paano ay panatag na ang kalooban niya ngayong nagkaayos na sila ni Nathaniel. At nalaman niyang nasa maayos namang kalagayan si Girlie. Habang binabagtas ang daan pabalik sa mansion ay may halo siyang excitement na nararamdaman lalo pa at alam na niyang hindi nito itinago si Girlie para sa personal nitong interes. Muli ay nabubuhay na naman ang nararamdaman niya para dito. Ngunit nainis siya nang pagdating sa mansion ay datnan na naman niya duon si Regina.
HINDI makapaniwala si Natalia na si Matt ang batang sinagip niya sa nasusunog nilang laboratory. Nangingilid ang kanyang mga luha habang nakatingin dito, “Hinanap ko kung sino ang batang iyon pero walang nakapagsabi sakin.” “Pinakiusap kasi ng parents ko na huwag ipaalam kahit na kanino ang nangyari,” Sagor ni Matt sa kanya, “Simula ng araw na iyon, takot na takot na akong mapag-isa. Unless may naririnig akong boses ng isang babae, saka lang ako napapanatag.” Napatitig siya ditto. Hindi halata kay Matt na mayroon din pala itong mga bagay na kinatatakutan. “K-Kaya umuupa ka ng mga babaeng makakasama mo sa tuwing may lakad ka?” Tanong niya dito. Tumango ito. “Security blanket mo ang tinig ng isang babae?” Hindi makapaniwalang bulalas niya, may pait sa mga labing napangiti siya, “Kaya mo rin ba ako pinakasalan dahil sa rason na ‘yan?” Ngunit sa halip na sumagot ay tumayo ito at nagmamadali nang lumabas ng kanyang k
“NAGUSTUHAN MO ba ang dinner natin?” Tanong ni Matt kay Natalia nang makabalik na sila sa mansion, mag-uumaga na. “First time kong maka-experience ng ganun,” matapat na sabi niya rito, “Pero hindi mo naman na kailangang gumastos ng ganun kamahal para lang sa isang hapunan. K-kung gusto mo ako na lang ang magluluto para saiyo, baka mas masarap pa.” “Paano mo ma-eenjoy ang pagkain kung pagod ka sa pagluluto?” Tanong ni Matt sa kanya. “Gusto kong makita kang nag-eenjoy. . .” Pinutol nito ang iba pa niyang sasabihin. “Just because nalaman kong ikaw ang batang babaeng nagligtas nuon sa akin ay mamahalin na kita. Uulitin ko, Natalia, hindi ako naniniwala sa salitang pag-ibig.” Sabi nitong waring nabalik sa dati ang anyo, galit at matapang. Malayong-malayo sa awra nito kanina na very lovable. “Kaya pwede ba, tigilan mo na ang ideya mong isang araw ay mamahalin rin kita.” Pagkasabi niyon ay mabilis na siya nitong tinalikuran. Nat
NANG HAPUNAN ay hindi na pumayag si Matt na hindi lumabas ng kuwarto si Natalia para kumain. Napilitan siya dahil gaya ng panakot nito, iaawas sa mga katulong ang hindi niya pagkain. Kaya wala siyang choice kundi makita si Regine. Nangigigil talaga siya sa hilatsa ng mukha nito lalo pa at panay ang himas nito sa katawan ni Matt habang kumakain. Para siyang masasamid. Nawawalan siya ng ganang kumain. This is so annoying, daing ng utak niya habang palihim na pinagmamasdan ang kilos ni Regine. Mistula itong octupos kung makahawak kay Matt. Bahagya pa siyang napaismid nang magtama ang kanilang mga paningin. Parang gustong sabihin sa kanya ni Regine na: Inggit ka ‘no? Ako lang ang may karapatang pumulupot ng ganito kay Matt. Inirapan na lamang niya ito at kaagad nang tinapos ang pagkain.“BAKIT IPAPAHATID MO NA AKO? I thought we’re going to spend the night together?” Nagproprotestang sabi ni Regine nang utusan niya si Rigor na ihatid na ito sa co
DUMATING SI IRINE kasama ni Elena sa bahay ni Matt. Hindi maipinta ang mukha ng mga ito lalo na nang malaman ng mga itong natutulog si Matt kasama ni Natalia. “Gisingin mo sila,” utos ni Irine sa mayordoma ni Matt na si Aida. “Pero senyora. . .” “Kinakalaban mo na ba ang utos ko?” Tanong niya sa matandang mayordoma nang mabasa ang pag-aalinlangan sa mukha nito. “Sige na,gisingin mo silang dalawa. Gusto ko silang makausap!” Ngunit may pag-aalinlangan sa mukha ni Aida. Alam kasi nitong masamang magalit si Matt at delikado ang lagay nito kung lalabag ito sa ipinag-uutos nito. Ngunit nakakatakot ring magalit ang ina nito kaya naguguluhan ito ng mga oras na iyon. Yamot na naglakad ang ina ni Matt. Dumiretso ito sa kuwarto ni Matt. “Senyora. . .” Sabi ni Rigor sa matanda nang akmang bubuksan niya ang kuwarto ni Matt, “Nagpapahinga si Sir at. . .” “I don’t care!” Ipiniksi ng matanda ang kamay ni Rigor.
HABANG HINUHUBAD ni Matt ang suot niyang wedding gown ay titig na titig siya rito. Hindi pa rin niya mapaniwalaan na asawa na niya ito ngayong gabing ito. Asawang tunay hindi kagaya nang nauna nilang kasal na parehong hindi pa nila tiyak ang nararamdaman nila para sa isa’t-isa. This time ay siguradong-sigurado na sila. Napapikit siya nang bumagsak ang suot niyang wedding gown sa sahig at titigan nito ng buong pagnanasa ang magandang hubog ng kanyang katawan. Saka nagmamadali nitong kinalas ang suot niyang bra at parang batang sinupsup ang kaliwang dibdib niya, habang ang isang kamay nito ay abala sa paghuhubad ng suot niyang panty. “Matt. . .” tawag niya ng buong pagmamahal sa pangalan nito, ang kanyang kamay ay malayang ginagalugad ang likuran nito. Kumalas ito sa pagkakayakap sa kanya saka hinubad ang lahat nitong suot. Mas lalong nag-init ang kanyang buong katawan nang malantad ang waring hinulma na katawan ng asawa. Nangigil na napakagat labi siya ha
HABANG NAGLALAKAD patungo sa altar si Natalia ay hindi na naman niya mapigilan ang pagpatak ng kanyang mga luha habang naiisip ang mga pinagdaanan niya para lamang makamit ang pag-ibig na pinakahahangad niya. Alam niyang hindi siya ganuon kadaling matatanggap ng buong pamilya ni Matt ngunit nangako sa kanya ang lalaki na kahit na anong mangyari ay ipaglalaban nito ang pag-ibig nito para sa kanya. Besides, wala naman na itong pakialam kahit itakwil pa ito ng pamilya, ang mahalaga ay magkasama silang dalawa. Kaya nga kahit si Dean lamang ang pamilya ni Matt na dumalo sa kasal nito ay itinuloy pa rin nila ang pag-iisang dibdib. This time ay wala ng hahadlang pa sa pagmamahalan nila, harangan man sila ng sibat. Nakapagpaalam na rin si Matt sa lahat nitong mga empleyado. Ang lahat ng negosyo nito ay ibinenta na nito. Ang pamamahala sa negosyo ng pamilya ay tinanggihan na rin nito. Nakapagpasya na silang pagkatapos ng kanilang kasal ay sa isang isla sa Palawan
“FUCK NO!!!!” NAPABALIKWAS SI ELENA nang magising kinabukasan katabi ni Bamboo na hubot hubad, “Fuck no!” Pinangingilabutang sigaw niya habang unti-unting naalala ang namagitan sa kanila ng kanyang alalay nang nagdaang gabi. Parang siyang masusuka na di niya mawari. Paano nangyaring ibinigay niya ang kanyang sarili sa lalaking ito. “Ma’m?” Bumangon ito at tangkang lalapitan siya ngunit nandidiring tumakbo siya sa loob ng banyo at kinandado iyon, “Go away,” sigaw niya rito, “Lumayas ka na at ayokong makita pa ang pagmumukha mo.” “Ma’m mahal kita!” Dinig niyang sigaw ni Bamboo sa kanya. Tuluyan na siyang napasuka sa narinig. Iniisip pa lamang niyang makikipagrelasyon siya sa isang mababang uring gaya ni Bamboo ay pinangingilabutan na siya. Ano na lamang ang sasabihin ng mga kaibigan niya sa kanya? Tiyak na pagtatawanan siya ng mga ito kapag pumatol siya sa isang gaya ng lalaking ito? “Ma’m okay lang ho ba kayo?” Nag-aalalang tanong nit
“IKAW BA TALAGA ANG PINSAN KO NA SI MATT?” Natatawang tanong ni Dean sa lalaki habang pinapanuod itong waring gutom na gutom na nilalantakan ang dala nitong mga pagkain. Napapangiti lang si Natalia habang pinood ito. Nuon lamang niya nakitang kumain ng ganito karami si Matt. Napagod marahil ng husto sa paglilinis kaya napaparami ang kain. “And what about you? Ikaw ba talaga yan?” sagot ni Matt kay Dean, “Look at you, never ka pang nagging ganito sa ibang babae.” Napangisi si Dean, saka nagkibit ng balikat. Maya-maya ay sabay na nagkatawanan ang mga ito na waring nagkaunawaan na ang kanilang mga mata sa kung ano ang nagawa ng pag-ibig sa kanila. Kung nuon ay pareho sila ng paniniwalang isang kalokohan ang pag-ibig, ngayon ay pareho rin silang nagkakaganito ngayon nang dahil sa pag-ibig. “Pero tanggapin natin ang katotohanang ngayon lang tayo nagging ganito kasaya, hindi ba?” Sabi ni Dean. “I know,” masayang sagot naman ni
HINDI makapaniwala si Natalia habang tinititigan niya si Matt, kusang pumapatak ang kanyang mga luha sa mga naririnig mula sa lalaki. “Mahal mo rin ako? K-kailan mo pa naramdaman ‘yan?”Tanong niya rito. “I don’t know. Baka matagal na. . .hindi ko alam, pero kailangan pa bang malaman kung kelan? Ang mahalaga, mahal kita.”” Napakurap-kurap siya walang tigil ang pagdaloy ng mga luha sa kanyang mga mata. Hindi niya mapaniwalaan na isang araw ay darating ang sandaling ito na napakatagal rin niyang hinintay. “I love you, Natalia.” “I love you too, Matt.” Punong-puno ng kaligayahang sabi niya rito. Wala na siguro siyang mahihiling pa ng mga sandaling yon. Wala talagang imposible sa taimtaim na nanalangin at nanampalataya. Ibinigay ng Diyos ang kanyang panalangin. Kailangan lang niyang maghintay ngunit worth it naman ang paghihintay niyang ito. Nang muling angkinin ni Matt ang kanyang mga labi ay buong pagmamahal niya iyong
RAMDAM NI MATT ANG matinding galit ni Natalia at hindi niya ito masisisi. Kahit naman sinong matinong babae ay magagalit sa mga ginawa niya rito and yet ramdam niya at nakikita niya sa mga mata nito na mahal pa rin siya nito kaya kahit ipinagtatabuyan siya nitong palayo ay nagpilit siyang yakapin ito. “Please get off me, ayaw na kitang makita pa!” sigaw nito sa kanya ngunit mas lalo niyang hinigpitan ang yakap rito saka siniil ito ng halik sa mga labi. Sa umpisa ay nanlalaban pa ito ngunit unti-unti ay bumigay na rin ito at nagpaubaya na sa kanyang mga labi na buong pagmamahal na inaangkin ang mga labi nito. Ramdam niyang tinugon na rin nito ng mainit at buong puso ang kanyang mga halik. Damn, si Natalia lamang ang babaeng kailangan niya at ito lamang ang makakapagpapuno sa emptiness na nararamdaman niya. Dinukot niya ang engagement ring at inilabas iyon, saka humiwalay rito para lumuhod sa harapan nito, “Will you marry me, Natalia?”
NANG MAGMULAT ng mga mata si Matt ay nasa loob siya ng ospital. Si Natalia kaagad ang kanyang hinanap. Nang di niya ito makita ay nagmamadali siyang tumayo. “Matt, saan ka pupunta?” Nag-aalalang tanong ni Elena sa kanya ngunit parang walang naririnig na tinawagan niya si Rigor para ipaalam ditto na pupuntahan nila si Natalia. “Natalia? Hindi mo na ba talaga makakalimutan ang babaeng iyon?” Yamot na sigaw ni Elena sa kanya ngunit di na lamang niya ito pinansin. Natatandaan na niya ang lahat. Mahal niya si Natalia. Hindi lamang katawan nito ang kailangan niya kundi ang kabuuan nito at ang lahat-lahat ditto. Naalala na niyang bago maganap ang aksidente ay nakapagdesisyon na siyang ibenta ang lahat ng kanyang mga negosyo. Nasabi na rin niya sa ama na hindi niya tatanggapin ang alok nitong pamahalaan ang kanilang negosyo at ipagkatiwala na lamang nito iyon sa iba. He was about to propose at nakapagplano na siyang pakasalang muli si Nata
“WHAT IS WITH HER, RIGOR?” Halos paanas lamang na tanong niya sa lalaki nang tanggapin niya mula rito ang iniabot nitong whisky sa kanya, “Bakit hindi sya mawala sa isipan ko?” “Sir, nang gabing mangyari ang aksidente, nanggaling ka sa bahay nila. Actually masayang-masaya ka ng araw na iyon. Nakapagpasya ka ng ibenta ang lahat ninyong mga negosyo at magretire sa isa sa mga isla na nabili ninyo. Hula ko, kung hindi nagkaroon ng emergency, nakatakda ka ng magpropose k-kay Natalia. May binili na kayong engagement ring para sa kanya, Sir.” Natigilan siya. “Sabi nyo pa nga, gusto ninyo siyang pakasalang muli sa simbahan.” Napakunot nuo siya. Wala siyang matandaan ni isa sa mga sinasabi nito. Siya, magreretire? Wala sa bukabularyo niya ang magretire lalo na ng ganito kaaga. Napangisi siya, “I guess masyado kang nagpapanood ng mga pelikula kaya kung anu-anong naiisip mo,” natatawang sabi niya kay Rigor. “May ambush interview
“MINSAN MAHIRAP basahin kung anong tumatakbo sa utak ng pinsan kong iyon kaya nga napakagaling nya pagdating sa pagnenegosyo,” sagot ni Dean kay Girlie, “Kaya di natin alam kung nagpapanggap na lang syang wala syang naalala ngayon.” “Kung anuman nasa utak nya, bahala sya basta sana tupdin ni Ate iyong pangako nya sa kanyang sarili na talagang kakalimutan na nya ang lalaking iyon,” sabi ni Girlie. “Madaling sabihin, mahirap gawin. Ilang beses kong sinubukang kalimutan ka pero di ko nagawa.” Napairap si Girlie kay Dean, “Iba naman iyong satin dahil pareho nating love ang isa’t-isa. But in Ate’s case, sya lang ang nagmamahal.” “I don’t think so. Palagay ko, nuong nagdesisyon si Matt na iwanan na ang lahat, gusto nan yang lumagay sa tahimik. And then the accident happened. At may palagay akong mahal nya si Natalia kaya gusto na nya ng tahimik ma buhay.” Natawa si Girlie, “Iyong lalaking iyon, magmamahal? Ewan ko lang pero kah