Share

CHAPTER 57

“NAKU MA’M napagalitan kaming lahat ni Sir nung nadulas ka. Sobrang nag-alala si Sir sa inyo,” kwento ni Vicky nang hatdan siya nito ng kape sa kuwarto, “At kabilin-bilinan ni Sir bago umalis kaninang umaga, bantayan ko kayong mabuti. Kapag nabalian raw kayo ng buto, habang buhay kong babayaran iyon,” anitong bahagya pang napahagikhik, “Ang sweet ni Sir, di ba Ma’m?”

Napaismid lang siya. Si Matt, sweet?

Guilty lang marahil ito kaya ganun.

“At saka balita ko dapat pupunta si Sir sa Cebu pero kinansel na lang nung nadulas kayo. Eksaherada, hindi ba Ma’m?”

Nagbuga siya ng hangin, “Ang mabuti pa, tulungan na lang kitang maglinis. Naiinip ako ng ganitong walang ginagawa.”

“Ay naku Ma’m, gusto mo bang katakot takot na sermon ang abutin ko kay Sir kapag pinagalaw ko kayo ditto? Kung gusto nyo, magbasa na lang kayo sa library. Hindi naman naka-lock ang library. . .”

Naisip niyang mabuti ngang malibang ang utak niya,
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status